You are on page 1of 9

Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

ARALIN 15.3
Mga Panandang Anaporik at Kataporik ng
Pangngalan
Talaan ng Nilalaman

Introduksiyon 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 4
Kahulugan ng Anaporik at Kataporik 4
Mga Dapat Tandaan sa Wastong Paggamit ng mga Panandang Anaporik at
Kataporik 5

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 6

Isaisip Natin 6

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 7

Mga Sanggunian 8
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Aralin 15.3
Mga Panandang Anaporik at Kataporik
ng Pangngalan

Introduksiyon
Ang pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan ay isa sa mga pundasyong umiiral para
tayo ay maging epektibo sa pang-araw-araw. Ang pagpapaunlad ng ating kakayahan sa
pakikipagpalitan ng idea sa ibang tao ay isa sa mga responsibilidad natin bilang bahagi ng
lipunan. Sa araling ito, ating lilinangin ang paraan ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan
ng anaporik at kataporik. Magbibigay-diin ito sa kahulugan at mga panandang anaporik at
kataporik. Magbibigay-tuon din ang pagtalakay sa mga dapat tandaan sa wastong paggamit
ng mga panandang anaporik at kataporik.

1
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang wastong paggamit ng mga
panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nagagamit ang wastong mga panandang
anaporik at kataporik ng pangngalan. (F7WG-IIIh-i-16).

Simulan

Panitikan at Pagsulat

Lar. 1. Panitikan man ay babasahin, pagninilay nito ay kailangan pa rin.

2
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Materyales
● papel
● panulat
● cellphone

Mga Panuto
1. Kumuha ng isang malinis na papel at panulat.
2. Balikan o magsaliksik ng isang akdang pampanitikan na nagturo sa iyo ng wastong
konsepto ng paninindigan sa buhay.
3. Bumuo ng repeksiyong sulatin bilang pagsusuri sa mga aral na maaaring matutuhan
sa akdang napili.
4. Gumamit ng mga panghalip o panghalili sa pangngalan para matiyak ang magandang
daloy ng pagtalakay.
5. Gamitin itong batayan sa pagsagot ng sumusunod na gabay na tanong.

Mga Gabay na Tanong


1. Tungkol saan ang napili mong akdang pampanitikan?
2. Anong aral ang nais iparating ng akda sa mga mambabasa?
3. Paano ito makatutulong sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino sa
pang-araw-araw?
4. Ano-anong mga panghalip o panghalili sa pangngalan ang paulit-ulit mong ginamit sa
pagsulat ng repleksiyon?
5. Paano nakatutulong ang mga panghalip na ito sa malinaw na pagpapahayag ng
mensahe ng iyong sulatin?

3
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Pag-aralan Natin

Mahalagang Tanong
● Ano ang panandang anaporik at kataporik ng pangngalan?

Alamin Natin
panghalili pumapalit sa isang bagay

Ang panghalip ay ginagamit bilang kapalit sa pangngalan para maiwasan ang paulit-ulit na
paggamit nito sa loob ng pangungusap o talata — na kadalasang nagiging dahilan kung
bakit nagiging magulo, nakakabagot, at hindi epektibo ang isang pahayag. Ang mga
panghalip na salita na ito ay karaniwang nahahati sa anaporik at kataporik batay sa
posisyon nito sa pahayag.

Kahulugan ng Anaporik at Kataporik


Ang anaporik o anapora ay panghalip na ginagamit sa huling bahagi ng isang pahayag.
Karaniwang itong humahalili o nagbibigay-turing sa ginamit na pangngalan sa unahang
posisyon ng pahayag.
Halimbawa:
1. Hanggang ngayon ay dumadaan pa rin si Mark sa Tondo, dahil paborito niya mga
kalye rito.
Batay sa naging halimbawa, ang salitang nakasalungguhit ay ang pangngalang ginamit sa
pahayag. Ang ginamit namang panghalip o pamalit sa pangngalan ng pahayag ay ang
salitang nakadiin. Maituturing na panandang anaporik o anapora ang panghalip na ginamit
dahil nakaposisyon ito sa huling bahagi ng pahayag, at nagbibigay-turing ito sa pangngalang
ginamit sa unahang bahagi ng pangungusap.

4
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Ang katapora naman ay maituturing na kabaligtarang umiiral ng anapora. Ang panandang


katapora ay panghalip na ginagamit sa unahang bahagi ng pahayag at nagbibigay-turing sa
pangngalang ginamit sa huling bahagi ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Siya ay hindi madalas makipag-usap sa iba, dahil lumaki si Mark na walang kalaro.

Batay sa naging halimbawa, maituturing na katapora ang pangungusap dahil ang panghalip
na ginamit ay nasa unahang bahagi ng pangungusap, at nagbibigay-turing sa pangngalang
nakasalungguhit sa huling bahagi ng pahayag.

Mga Dapat Tandaan sa Wastong Paggamit ng mga Panandang Anaporik at


Kataporik

Ang mga panghalip ay epektibong gamitin para mapaunlad ang paraan ng pagpapahayag.
Ito ay mas magiging epektibo at malinaw kung batid ng isang tagapagpahayag ang mga
tagubilin sa paggamit ng panghalip. Ang sumusunod ay ang dapat tandaan sa wastong
paggamit ng anaporik at kataporik na salita:
1. Kabatiran sa konsepto — Ang epektibong paggamit ng anaporik at kataporik ay
nagsisimula sa malinaw na kabatiran sa konsepto o kahulugan ng panghalip.
Mahalagang alam ng taong gumagamit nito kung paano umiiral at kahalagahan ng
panghalip sa isang pangungusap o pahayag.
2. Kaalaman sa panghalip na salita — Ang epektibong paggamit ng anaporik at
kataporik ay magiging ganap kung pamilyar ang taong gagamit nito sa mga salitang
panghalip na madalas gamitin sa pangungusap o pahayag.
3. Kabatiran sa posisiyon ng pangngalan —Para epektibong magamit ang mga
panghalip na anaporik at kataporik sa isang pangungusap, nararapat na alam kung
saan ang posisyon ng pangngalan. Ito ang magiging batayan kung anaporik ba ang
gagamitin o kataporik.
4. Pag-unawa sa nilalaman — bukod sa pagkakaroon ng malinaw na kabatiran sa
kahulugan ng panghalip, mga salitang panghalip, at maging sa posisyon ng

5
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

pangngalan at panghalip sa pangungusap, nararapat ding malinaw na nauunawaan


ang nilalaman ng pahayag. Ito ang magiging basehan kung angkop ba ang ginamit na
panghalip sa pangungusap o hindi.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Ano ang panghalip bilang bahagi ng pagpapahayag ng mga saloobin o idea?
2. Ano-ano ang mga halimbawang panghalip na salita ang madalas gamitin sa
pangungusap?
3. Ano ang kadalasang binibigyang-turing ng mga panghalip na salita sa pagbuo
ng pangungusap o talata?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
Ano ang pagkakaiba ng panandang anaporik sa panandang kataporik?
1. Ano ang unang dapat hanapin sa isang pangungusap kung nagbabalak
gumamit ng panandang anaporik o kataporik?

Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa anaporik at kataporik ng mga mag-aaral para
epektibong mapaunlad ang kanilang kasanayan sa paraan ng pakikipagtalastasan sa
pang-araw-araw?

6
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Pag-isipan Natin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang sa ibaba. Gumamit ng angkop na
panandang anaporik o kataporik bilang panghalili sa salitang nakadiin para mabuo
ang diwa ng bawat pahayag.

___________ 1. ___ ang pangunahing kaibigan ni Marko, dahil tanging si


Manuel lamang ang nakakaunawa sa kaniya.

___________ 2. Si Manuel ang pangunahing kinatawan ng klase, dahil tanging


___ lamang ang bibong nakikiisa sa mga gawain ng klase.

___________ 3. Mabilis mag-isip si Nelen, kung kaya, malaki ang tiwalang


makukuha ___ ang tagumpay sa paligsahan.

___________ 4. ___ ang matiyagang nag-aral araw at gabi para lang makapasa,
kaya karapat-dapat si Karen sa parangal.

___________ 5. Si John ang unang dumating sa paaralan, kung kaya, laging ___
ang naglilinis ng mga kalat sa silid-aralan.

Dapat Tandaan

● Ang panandang anaporik at kataporik ay ang mga panghalip na ginagamit bilang


panghalili sa pangngalan ng isang pangungusap.
● Ang anaporik ay panghalip na ginagamit sa huling bahagi ng pangungusap at
nagbibigay-turing sa pangngalan na nakaposisyon sa unahang bahagi ng pahayag.
Ang katapora naman ay panghalip na ginagamit sa unahang bahagi ng pangungusap
para magbigay-turing sa pangngalan na nakaposisyon sa huling bahagi ng pahayag.

7
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Mga Sanggunian

Correa, Ramilito, 2015. Baybayin 7: Paglalayag sa Wika at Panitikan (Batayan at Sanayang


Aklat sa Filipino). Recto, Manila: Rex Book Store, Inc.

Dayag, Alma M., 2017. Pinagyamang Pluma 7. Unang Edisyon. Lungsod ng Quezon: Phoenix
Publishing House, Inc.

Dela Cruz-Oracion, Leonora, 2015 Gantimpala 7: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Sta. Ana
Manila: Innovative Educational Materials, Inc.

You might also like