Me Fil 7 Q3 1501 - PS

You might also like

You are on page 1of 17

Aralin 15.

Sosyo-historikal na
Konteksto ng Akda
Gusto mo bang i-edit ang presentation na ito?

Gumawa ng kopya at i- Mag-download ng offline


edit sa Google Slides. na kopya at i-edit sa
1. Sa menu tab, i-click ang File at
Microsoft PowerPoint.
pagkatapos ay ang Make a 1. Sa menu tab, i-click ang File at
copy at Entire Presentation. pagkatapos ay ang Download as.
2. I-type ang pangalan ng file. 2. Piliin ang uri ng file. Piliin ang
Do you want to edit this presentation?
3. Piliin kung saan ito isi-save sa
iyong Google Drive.
Microsoft PowerPoint (.pptx).
3. Hintayin na ma-download ang file
4. I-click ang OK. sa iyong local disk.
5. May magbubukas na bagong 4. Sa sandaling makompleto ang
tab. Hintayin na kompletong pag-download, buksan ang file at
mag-load ang file sa bagong tab. i-edit gamit ang Microsoft
6. Kapag nag-load na ang file, i-edit PowerPoint o anumang offline na
ang presentation na ito gamit program para sa presentation.
ang Google Slides.
Mga Layunin sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


natatalakay ang sosyo-historikal na konteksto ng akda, na
may tuon sa mga sumusunod:

● Natutukoy ang mahahalagang kaisipang nakapaloob


sa napanood na dulang pantelebisyon.

● Nauunawaan ang elemento ng dulang pantelebisyon.

● Nagagamit ang sosyo-historikal na konteksto ng akda


upang higit na maunawaan ito.
Kasanayan sa Pagkatuto

Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan ang


kasanayan sa pagkatuto na itinakda ng DepEd: Nasusuri ang
mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood na
dulang pantelebisyon (F7PD-IIIf-g-15).
Pagganyak

Mga Tanong:

1. Ano-ano ang elemento o bahaging bumubuo sa


nasaliksik na dulang pantelebisyon?
2. Ano ang sosyo-historikal ang nakapaloob sa konteksto
ng nasaliksik na dulang pantelebisyon?
3. Paano nakatutulong ang sosyo-historikal na konteksto
para higit na maunawaan ang isang akda?
Mahahalagang Tanong

● Ano ang mga dapat tandaan sa pagtukoy ng mahahalagang


kaisipan ng dulang pantelebisyon?
● Ano ang mga elemento ng dulang pantelebisyon?
● Ano ang mga dapat tandaan sa paggamit ng sosyo-
historikal na konteksto para higit na maunawaan ang isang
akda?
Gawain
Opsiyon 1: Dulang Ibinahagi, Ating
Suriin!
1. Magpapanood ng piling dulang pantelebisyon sa buong klase.
2. Matapos ang panonood, hahatiin ang buong klase sa dalawang pangkat.
3. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga sumusunod:
● Para sa unang pangkat: Suriin ang napanood na dulang pantelebisyon batay
sa mahahalagang pangyayari, aral, at mga elementong bumubuo rito.
● Para sa ikalawang pangkat: Suriin ang napanood na dulang pantelebisyon
batay sa mahahalagang pangyayari, aral, at sosyo-historikal na konteksto nito.
1. Mula sa nabuong sagot, ang bawat pangkat ay isusulat ang kanilang gawa sa
manila paper.
2. Matapos ang ilang minutong paggawa, ang bawat pangkat ay pipili ng kinatawan
para ibahagi ang kanilang gawa sa buong klase.
Gawain

Opsiyon 2: Pagsasaliksik at Pagsusuri!


1. Hahatiin sa dalawang pangkat ang buong klase.
2. Ang bawat pangkat ay magsasaliksik ng kaniya-kaniyang dulang pantelebisyon
at susuriin ito batay sa ibinigay na gawain ng guro.
● Para sa unang pangkat: Suriin ang nasaliksik na dulang pantelebisyon ayon
sa mahahalagang pangyayari nito, aral, at mga elementong bumubuo rito.
● Para sa ikalawang pangkat: Suriin ang nasaliksik na dulang pantelebisyon
ayon sa mahahalagang pangyayari nito, aral, at sosyo-historikal na
konteksto nito.
1. Mula sa nabuong sagot, ang bawat pangkat ay isusulat ang kanilang gawa sa
manila paper.
2. Matapos ang ilang minutong paggawa, ang bawat pangkat ay pipili ng
kanilang kinatawan para ibahagi ang kanilang gawa sa buong klase.
Pagsusuri

Para sa Gawain Opsiyon 1: Dulang Ibinahagi, Ating


Suriin!
1. Ano ang mahahalagang pangyayari sa nasaksihang dulang
pantelebisyon?
2. Ano ang aral na nais ibahagi ng nasaksihang dulang
pantelebisyon?
3. Ano-ano ang mga elementong bumubuo sa nasaksihang
dulang pantelebisyon?
4. Ano ang sosyo-historikal na nakapaloob sa konteksto ng
nasaksihang dulang pantelebisyon?
Pagsusuri

Para sa Gawain Opsiyon 2: Pagsasaliksik at Pagsusuri!


1. Ano ang mahahalagang pangyayari sa nasaksihang dulang
pantelebisyon?
2. Ano ang aral na nais ibahagi ng nasaksihang dulang
pantelebisyon?
3. Ano-ano ang mga elementong bumubuo sa nasaksihang
dulang pantelebisyon?
4. Ano ang sosyo-historikal na nakapaloob sa konteksto ng
nasaksihang dulang pantelebisyon?
Gawain

Pagbuo ng Konsepto o Ideya


1. Talakayin ang mga dapat tandaan sa pagtukoy ng
mahahalagang kaisipan ng dulang pantelebisyon sa
pamamagitan ng “Panata ng Pagsusuri”.
2. Talakayin ang mga elemento ng dulang pantelebisyon sa
pamamagitan ng character profile.
3. Talakayin ang mga dapat tandaan sa paggamit ng sosyo-
historikal na kontekto para higit na maunawaan ang isang
akda sa pamamagitan ng larong “Family Feud”.
Paglalapat

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang dulang pantelebisyon


bilang bahagi ng isang tiyak na lipunan?
2. Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa mga
elemento ng dulang pantelebisyon sa pagiging mapanuring
manonood?
3. Paano nakatutulong ang kaalaman ang sosyo-historikal na
konteksto ng isang dulang pantelebisyon para mas
maunawaan ang mekanismo ng umiiral na lipunan?
Pagpapahalaga

Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa pagsusuri ng


dulang pantelebisyon gamit ang kontekstong sosyo-
historikal para lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang
mga isyung panlipunan at kasaysayan ng tiyak na
komunidad?
Dapat Tandaan
● Ang mga dapat tandaan sa pagsusuri ng mahahalagang
pangyayari o kaisipan ng isang dulang pantelebisyon ay mga
elemento ng dulang pantelebisyon, kalakasan at kahinaan g
mga elemento ng dulang pantelebisyon, at kontekstong
sosyo-historikal.
● Ang mga bumubuo sa isang dulang pantelebisyon ay ang
kuwento at tauhan, direksiyon, disenyo, sinematograpiya,
editing, tunog, musika, at pagganap.
● Ang mga dapat bigyang-pansin sa pagsusuri sa isang dulang
pantelebisyon gamit ang sosyo-historikal na konteksto nito ay
kabuuan at nilalaman, isyung panlipunan at kasaysayan, at
pagtutugma at hindi pagiging ganid.
Paglalagom

● Ang pag-uugnay ng sosyo-historikal na konteksto sa isang dulang


pantelebisyon ay magbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa
kabuuan ng akda at magkaroon ng mas malalim na kamalayan sa
kanyang kinabibilangang lipunan sa kasalukuyan.
● Ang pagsusuri ng isang dulang pantelebisyon, batay sa pag-alam
sa mga elemento, katuturan at kaalaman nito, ay nagpapatibay sa
pagiging mausisa at mapagmatiyag ng isang mapanuring
manonood na alamin ang mga kinalaman ng bawat anggulo ng
palabas at makita ito sa posibleng paglapat nito sa kinahaharap na
sitwasyong panlipunan.
Kasunduan

Magsaliksik ng isang dulang pantelebisyon na tiyak na magbibigay ng pag-asa


sa mga kapwa Pilipino anomang suliranin ang dumating. Gawin itong batayan
sa pagsagot ng sumusunod na mga gabay na tanong bilang pagsusuri.

1. Tungkol saan ang napiling dulang pantelebisyon? Bakit ito ang iyong napili?
2. Anong aral ang nais nitong ibahagi sa mga manonood? Paano ito makatutulong sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga manonood?
3. Ano ang mga elemento o bahaging bumubuo sa dulang pantelebisyong napili?
Maituturing bang ganap ang pagiging epekto ng mga ito?
4. Ano ang sosyo-historikal na nakapaloob sa konteksto ng dulang pantelebisyong
napili? Ipaliwanag.
5. Bilang tagapagsuri, nakatutulong ba ang sosyo-historikal para mas maunawaan
ang konteksto ng dulang pantelebisyon? Ipaliwanag.
Mga Sanggunian

Correa, Ramilito, 2015. Baybayin 7: Paglalayag sa Wika at Panitikan (Batayan at Sanayang Aklat sa
Filipino). Recto, Manila: Rex Book Store, Inc.
Dayag, A.M. et. al., 2013. Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Dela Cruz- Oracion, Leonora, 2015. Gantimpala 7: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Sta. Ana
Manila: Innovative Educational Materials, Inc.
Guimarie, Aida M, 2015. Kalinangan 7: Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan) para sa Hayskul.
Recto, Manila: Rex Book Store.

Website:
Youtube. “Uslem 6 Pagsusuri ng Dulang Pantelebisyon”. In-access noong Hunyo 20, 2022.
https://www.youtube.com/watch?v=Q6HH87pXuVA

You might also like