Kataporik ng Pangngalan Gusto mo bang i-edit ang presentation na ito?
Gumawa ng kopya at i- Mag-download ng offline
edit sa Google Slides. na kopya at i-edit sa 1. Sa menu tab, i-click ang File at Microsoft PowerPoint. pagkatapos ay ang Make a 1. Sa menu tab, i-click ang File at copy at Entire Presentation. pagkatapos ay ang Download as. 2. I-type ang pangalan ng file. 2. Piliin ang uri ng file. Piliin ang Do you want to edit this presentation? 3. Piliin kung saan ito isi-save sa iyong Google Drive. Microsoft PowerPoint (.pptx). 3. Hintayin na ma-download ang file 4. I-click ang OK. sa iyong local disk. 5. May magbubukas na bagong 4. Sa sandaling makompleto ang tab. Hintayin na kompletong pag-download, buksan ang file at mag-load ang file sa bagong tab. i-edit gamit ang Microsoft 6. Kapag nag-load na ang file, i-edit PowerPoint o anumang offline na ang presentation na ito gamit program para sa presentation. ang Google Slides. Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
natatalakay ang anaporik at kataporik, na may tuon sa wastong paggamit ng mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan. Kasanayan sa Pagkatuto
Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan ang
kasanayan sa pagkatuto na itinakda ng DepEd na nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan. (F7WG-IIIh-i-16). Pagganyak
Mga Tanong:
● Ano-anong panghalip o panghalili sa pangngalan ang paulit-
ulit mong ginamit sa pagsulat ng sanaysay? ● Paano nakatutulong ang mga panghalip o panghaliling ginamit para matiyak na malinaw ang mensaheng nais iparating ng iyong sanaysay? ● Saang bahagi ng pangungusap kadalasang nakikita ang mga panghalip na ginamit sa pagsulat ng sanaysay? Mahahalagang Tanong
Ano ang panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan? Gawain
Gawain 1: Ipinaskil na Panghalip, Ating Isaisip
1. Pagkatapos magbahagi ng alamat, hahatin ang klase sa dalawang pangkat.. 2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng tiyak na gawain: ● Para sa unang pangkat: bumuo ng isang repleksiyong sulatin tungkol sa kahinaan at kalakasan ng mga pangunahing tauhan sa kuwentong napakinggan. Gamitin sa pagsulat ang mga panghalip na ipinaskil sa pisara. ● Para sa ikalawang pangkat: bumuo ng maikling pagtalakay bilang pagsusuri sa kulturang Pinoy na makikita sa napakinggang alamat. Gamitin sa pagsulat ang mga panghalip na ipinaskil sa pisara. 1. Mula sa nabuong sagot, ang bawat pangkat ay isusulat ang kanilang gawa sa manila paper. Ibahagi ito sa klase pagkatapos. Gawain Gawain 2: Ibinigay na Pagsusuri, Ating Buuin! 1. Hahatiin ang buong klase sa dalawang pangkat pagkatapos magbahagi ng piling maikling kuwento. 2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng tiyak na gawain: ● Para sa unang pangkat: Ang guro ay magbibigay ng repleksiyong sulatin sa pangkat, ngunit may mga bahagi itong kulang o blangko. Bubuuin ng unang pangkat ang diwa ng bawat pangungusap ng sulatin gamit ang mga panghalip na ipinaskil sa pisara. ● Para sa ikalawang pangkat: Ang guro ay magbibigay ng suring sulatin sa pangkat, ngunit may mga bahagi itong kulang o blangko. Bubuuin ng ikalawang pangkat ang diwa ng bawat pangungusap ng sulatin gamit ang mga panghalip na ipinaskil sa pisara. 1. Mula sa nabuong sagot, ang bawat pangkat ay isusulat ang kanilang gawa sa manila paper. Pagkatapos, pipili ng kinatawan para ibahagi ang kanilang gawa sa buong klase. Pagsusuri Para sa Gawain Opsiyon 1: Ipinaskil na Panghalip, Ating Isaisip 1. Ano ang panghalip na kalimitang gamitin sa pagbuo ng mga sulatin o pahayag? 2. Ano ang karaniwang binigyang-turing ng mga panghalip sa pangungusap? 3. Paano nakatutulong ang mga panghaliling ito para matiyak na malinaw ang mensaheng nais iparating sa mga mambabasa? 4. Saang bahagi ng pangungusap kadalasang makita ang mga panghalip? Ano ang tawag sa mga panghalip na ito batay sa kanilang posisyon sa pangungusap? Pagsusuri
Para sa Gawain Opsiyon 2: Ibinigay na Pagsusuri, Ating
Buuin! 1. Ano ang panghalip na kalimitang gamitin sa pagbuo ng mga sulatin o pahayag? 2. Ano ang karaniwang binigyang-turing ng mga panghalip sa pangungusap? 3. Paano nakatutulong ang mga panghaliling ito para matiyak na malinaw ang mensaheng nais iparating sa mga mambabasa? 4. Saang bahagi ng pangungusap kadalasang makita ang mga panghalip? Ano ang tawag sa mga panghalip na ito batay sa kanilang posisyon sa pangungusap? Paglalapat
1. Bakit mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang mga
panandang anaporik at kataporik sa murang edad pa lamang gaya ng baitang pito? 2. Paano nakatutulong ang mga panghalip na ito sa pagiging ganap ng mga tungkulin sa pang-araw-araw sa lipunan ng mga Pilipino? 3. Paano mapapaunlad ng kabataang Pilipino tulad ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa epektibong paggamit ng mga panandang anaporik at kataporik? Pagpapahalaga
Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa
anaporik at kataporik ng mga mag-aaral para epektibong mapaunlad ang kanilang kasanayan sa paraan ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw? Dapat Tandaan
● Ang panandang anaporik at kataporik ay ang mga panghalip
na ginagamit bilang panghalili sa pangngalan ng isang pangungusap. ● Ang anaporik ay panghalip na ginagamit sa huling bahagi ng pangungusap at nagbibigay-turing sa pangngalan na nakaposisyon sa unahang bahagi ng pahayag. Ang katapora naman ay panghalip na ginagamit sa unahang bahagi ng pangungusap para magbigay-turing sa pangngalan na nakaposisyon sa huling bahagi ng pahayag. Paglalagom
1. Ang panghalip ay karaniwang tumatalakay sa mga salitang
ginagamit bilang panghalili o pamalit sa pangngalan sa loob ng pangungusap. 2. Ang panghalip na karaniwang makikita sa hulihang bahagi ng pangungusap ay tinatawag na anaporik. 3. Ang panghalip na karaniwang makikita sa unahang bahagi ng pangungusap ay tinatawag na kataporik. Kasunduan
Magsaliksik ng isang akdang pampanitikan tungkol
sa kahalagahan ng wastong paraan ng panunuyo ng mga lalaking Pilipino sa mga babaeng Pilipino. Sumulat ng maikling pagsusuri tungkol dito at gumamit ng mga angkop na panghalip. Gamiting gabay sa pagsulat ang pamantayan sa ibaba. Mga Sanggunian
Correa, Ramilito, 2015. Baybayin 7: Paglalayag sa Wika at Panitikan (Batayan at Sanayang
Aklat sa Filipino). Recto, Manila: Rex Book Store, Inc.
Dayag, Alma M., 2017 Pinagyamang Pluma 7. Unang Edisyon. Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.
Dela Cruz-Oracion, Leonora, 2015. Gantimpala 7: Pinagsanib na Wika at Panitikan.
Sta. Ana Manila: Innovative Educational Materials, Inc.