You are on page 1of 14

Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

ARALIN 15.2
Mga Katangian ng Panitikang Pilipino sa Luzon,
Visayas, at Mindanao
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 3

Pag-aralan Natin 4
Mga Halimbawa at Katangian ng Akdang Pampanitikan Mula sa Luzon, Visayas, at
Mindanao 5
Ang Epekto ng Heograpiya at Uri ng Pamumuhay sa Pagbuo ng Iba’t ibang Uri ng
Panitikan sa Bansa 8

Sagutin Natin 9

Subukan Natin 9

Isaisip Natin 10

Pag-isipan Natin 10

Dapat Tandaan 12

Mga Sanggunian 13
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

Aralin 15.2
Katangian ng Panitikang Pilipino sa
Luzon, Visayas, at Mindanao

Lar. 1. Ang panitikang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nasa iba’t ibang anyo.

Introduksiyon
Ang Panitikan ay malaking bahagi ng buhay ng mga Pilipino. Ito ay isa sa mga talang
kasaysayan ng mga Pilipino na madalas makitaan ng iba’t ibang bahagi ng ating kultura.
Kung kaya, ang pagkilala sa ating panitikan ay ang pagtanaw na rin sa tunay na diwa ng
pagka-Pilipino.
Sa aralin na ito, tayo ay mabibigyan ng pagkakataon na mas makilala pa ang ating panitikan.
Nakasandig ang pagtalakay sa iba’t ibang halimbawa ng akdang Pampanitikan mula sa
Luzon, Visayas, at Mindanao, at maging ang mga katangian nito. Magbibigay-tuon din ang
ating aralin sa mga pagtalakay kung paano nakaapekto ang heograpiya at uri ng
pamumuhay sa pagbuo ng iba’t ibang anyo ng panitikan sa bansa. Handa ka na ba, aking
mag-aaral? Kung gayon, halika at samahan mo akong tuklasin ang mga katangian ng ating

1
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

panitikan sa bawat bahagi ng ating aralin.

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Nakababanggit ng ilang halimbawa ng panitikan mula sa Luzon,
Visayas, at Mindanao.
● Nauunawaan iba't ibang katangian ng panitikan ayon sa lugar na
pinagmulan nito.
● Naipakikita ang kahalagahan ng heograpiya at uri ng pamumuhay
bilang salik sa pagkakabuo ng mga iba't ibang uri ng panitikan sa
bansa.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nasusuri ang mga katangian at elemento ng
mito, alamat, kuwentong-bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga
aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa)
(F7PB-IIId-e-15 | F7PB-IIId-e-16).

2
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

Simulan

Pagsasaliksik at Pagsusuri

Lar. 2. Magkakaiba man ng pulong pinanggalingan, ang Panitikang Pilipino ay iisa pa rin.

Materyales
● papel
● panulat
● cellphone

Mga Panuto
1. Kumuha ng isang malinis na papel at panulat.
2. Magsaliksik ng tig-isang kilalang akdang Pampanitikan mula sa Luzon, Visayas, at
Mindanao.
3. Gamitin itong batayan para sagutin ang sumusunod gabay na tanong.

3
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

Mga Gabay na Tanong


1. Ano-anong akdang Pampanitikan ang iyong nasaliksik mula sa Luzon, Visayas, at
Mindanao?
2. Ano ang napansin mong katangian ng mga akdang nasaliksiksik batay sa paksa ng
mga ito?
3. Paano binigyang-buhay ang mga tauhan at tagpuan sa mga akdang nasaliksik?
4. Ano ang mga pangunahing kaisipan at kultura ang binigyang-diin sa mga akdang
nasaliksik?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
● Ano ang mga halimbawa at katangian ng akdang Pampanitikan
mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao?
● Paano nakaaapekto ang heograpiya at uri ng pamumuhay sa
pagbuo ng iba’t ibang anyong Pampanitikan?

Alamin Natin
isang manggagamot na hindi ayon sa mga pamamaraan
albularyo
ng Agham ang paraan ng pagpapagaling

katangian kakanyahan ng isang bagay

saliksik masusing pag-aaral ng isang bagay

4
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

Mga Halimbawa at Katangian ng Akdang Pampanitikan Mula


sa Luzon, Visayas, at Mindanao

Ang mga akdang pampanitikan ay maituturing na isa sa mga talang kasaysayan bilang
pagkilala sa ating lahi. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang kulturang sumasalamin sa ating
pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. May iba’t ibang akdang pampanitikan na umiiral sa
Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang sumusunod ay ang mga akdang pampanitikan mula sa
tatlong pangunahing pulo ng Pilipinas:
Luzon
1. Tula – Ito ay akdang pampanitikan na may sukat at tugma. Ito kadalasang
ginagamitan ng mga salitang may tagong kahulugan tulad ng talinghaga at kung
minsan ay tayutay. Ito ay madalas gamitin ng mga taga-Luzon bilang bahagi ng
kanilang panliligaw at pagpapahayag ng kanilang saloobin. Ang halimbawang akdang
pampanitikan ng tula ay ang “Sariling Wika.” Ito ang tula mula sa mga Kapampangan.

2. Alamat – Ito ay akdang pampanitikan na kalimitang tumatalakay sa pinagmulan ng


mga bagay-bagay. Ito rin ay madalas naglalaman ng iba’t ibang aral na tiyak na
magagamit ng mga mambabasa sa pang-araw-araw tulad ng kasipagan, pagiging
tapat, pagtulong sa kapuwa, at marami pang iba. Ito ang isa sa mga naging paraan ng
mga taga-Luzon noon para maibigay ang paliwanag sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa kanilang paligid. Ang halimbawa ng akda nito ay ang “Ang Isang
Matandang Kuba sa Gabi ng Canao” at “Si Mangita at Larina.”
3. Sanaysay – Ito ay akdang pampanitikan na kalimitang naglalaman ng opinyon,
pananaw, at saloobin tungkol sa isang tiyak na paksa. Ito ay karaniwang ginagamit ng
mga taga-Luzon para maipahayag ang kanilang kuro-kuro sa pang-araw-araw na
karanasan sa lipunan. Ang halimbawang akda nito ay ang “Ang Ningning at Liwanag.”

4. Maikling Kuwento – Ito ay akdang pampanitikan na kalimitang natatapos sa isang


upuan lamang. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga taga-Luzon para
magbigay-talakay sa mga kasalukuyang isyung panlipunan. Ang halimbawang akda
nito ay ang “Yumayapos sa Takipsilim.”

5
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

Visayas
1. Awiting-bayan – Ito ay akdang pampanitikan na kalimitang nilalapatan ng tono o
musika. Ito ay ginamit ng mga taga-Visayas para ilarawan ang paraan ng kanilang
pamumuhay noon gamit ang mga awit tulad ng Dandansoy, Si Pilemon, Si Pilemon,
Kundiman, at marami pang iba.

2. Bulong – Ito ay isa sa mga akdang pampanitikan ng mga taga-Visayas. Ito ay


karaniwang binabanggit ng mga taga-Visayas sa tuwing nais nilang magbigay-respeto
sa mga nilalang na hindi nila nakikita, tulad ng tabi-tabi po, makikiraan po, at marami
pang iba. Bukod pa rito, ginagamit din ng mga taga-Visayas ang bulong sa paraan ng
kanilang panggagamot tulad ng pagsambit ng bulong ng mga albularyo para maging
mabisa ang kanilang paraan ng pagpapagaling.

3. Alamat – Mayroon ding alamat ang mga taga-Visayas. Karaniwan itong naglalaman
ng iba’t ibang pagtalakay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay o pook na
nagbibigay-turing sa mga mabubuting aral sa Visayas. Ang halimbawang akdang
pampanitikan nito ay ang “Ang Isla ng Pitong Makasalanan.”

4. Dula – Ito ay akdang pampanitikan na karaniwang itinatanghal sa entablado at


binubuo ng mga tagpo. Ang mga dulang umiiral sa pulong ito ay karaniwang
makikitaan ng pagbibigay-diin sa pag-uugali at aral na nais isabuhay ng mga
taga-Visayas. Ang halimbawang akda nito ay ang “Tambuli ni Ilig.”

5. Epiko – Ang akdang pampanitikan na ito ay karaniwang nagbibigay-turing sa


pangunahing tauhan bilang bayani. Ito ay karaniwang tumatalakay sa
pakikipagsapalaran, kabayanihan, at tagumpay. Ito ay ginagamit ng mga taga-Visayas
para magbigay-pugay sa angking kadakilaan ng kanilang mga datu o pinuno. Ang
halimbawa nito ay ang “Hinilawod.”

6. Maikling Kuwento – Ito ay akdang pampanitikan na karaniwang naglalaman ng iba’t


ibang pagtalakay sa mga isyung panlipunan. Ito ay ginamit ng mga taga-Visayas para

6
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

magbigay-pansin sa iba’t ibang usaping panlipunan tulad ng diskriminasyon,


kahirapan, at kawalan ng hustisya. Ang halimbawa nito ay ang “Si Pinkaw.”

7. Pabula – Ito ay akdang pampanitikan na kadalasang makikitaan ng mga tauhang


hayop. Ito ay ginamit ng mga taga-Visayas para magbigay-talakay sa mabubuting asal
na nais isabuhay ng mga tao sa pulo. Ang halimbawa nito ay ang “Si Ipot-Ipot at Si
Amomongo.”

Mindanao
1. Kuwentong-bayan – Ito ay ginamit ng mga taga-Mindanao para ilarawan at
bigyang-diin ang kultura at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa kanilang
pulo. Ang halimbawa nito ay ang “Ang Munting Ibon.”

2. Pabula – Ito ay ginamit ng mga taga-Mindanao para magbigay-pansin sa mabubuting


asal at aral na nais isabuhay ng mga mamamayan sa kanilang lugar sa pamamagitan
ng mga tauhang hayop. Ang halimbawa nito ay ang “Natalo rin si Pilandok.”

3. Epiko – Ito ay ginamit ng mga taga-Mindanao para magbigay-pugay sa kanilang datu


o pinuno sa pamamagitan ng pagtalakay sa kabayanihan, pakikipagsapalaran, at
tagumpay ng pangunahing tauhan ng epiko. Ang halimbawa nito ay ang “Indarapatra
at Sulayman.”

4. Maikling Kuwento – Ito ay ginamit ng mga taga-Mindanao para talakayin ang mga
isyung panlipunan at kulturang likas sa kanilang lugar. Ang halimbawang akdang
pampanitikan nito ay ang “Pagislam.”

5. Dula – Ito ay ginamit din ng mga taga-Mindanao para magbigay-diin sa mga aral na
nais isabuhay ng mga tao sa kanilang lugar sa pamamagitan ng mga tagpo at dulang
maaaring itanghal sa entablado tulad ng “Ang Mahiwagang Tandang.”

6. Alamat – Tulad ng ibang pangunahing pulo sa Pilipinas, ang alamat ay ginamit din ng

7
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

mga taga-Mindanao para magbigay-diin sa mabubuting asal angkop sa kanilang


kultura at nais isabuhay ng mga taga-Mindanao. Ang halimbawang akdang
pampanitikan nito ay ang “Alamat ng Palendag.”

Kung susuriing mabuti, ang mga akdang umiiral sa Luzon ay kadalasang nagbibigay-pansin
sa mga isyung panlipunan o mga paksang may kaugnayan dito. Ang mga akdang
pampanitikan naman na umiiral sa Visayas ay kadalasang tumatalakay sa paglalarawan ng
pang-araw-araw na pamumuhay at paniniwala sa mga nilalang na hindi nakikita. Habang
ang mga akdang pampanitikan naman sa Mindanao ay kadalasang nagbibigay-turing sa
kulturang umiiral na likas sa kanilang lugar.

Ang Epekto ng Heograpiya at Uri ng Pamumuhay sa Pagbuo ng Iba’t ibang Uri


ng Panitikan sa Bansa
Ang Heograpiya ay karaniwang tumatalakay sa pag-aaral ng relasyong umiiral sa pagitan ng
mga tao at sa kanilang kapaligiran. Ang Heograpiya ay hindi lang tumatalakay sa posibilidad
na ang isa o pangkat ng tao ay maaaring tumira sa isang tiyak na pook, ito ay tumutukoy rin
sa paraan/uri ng pamumuhay ng mga tao at kung paano sila umaangkop sa iba’t ibang
kondisyon ng isang lugar tulad ng sistema ng pagkain at klima.

Ang Heograpiya ay tiyak na nakaaapekto sa kultura ng isang pangkat ng mga tao. Kung ang
isang pangkat ng mga tao ay napiling manirahan sa kagubatan o kabundukan, tiyak na
makaaapekto ang Heograpiya ng lugar sa kultura ng mga ito. Matapos ang ilang panahon,
ang mga taong ito ay magsisimulang isabuhay ang kulturang angkop sa Heograpikong
sistema ng kagubatan o kabundukan. Kung kaya, ang usaping Heograpiya ay isa sa mga
batayan kung paano nabubuo o nahuhubog ang kulturang isinabubuhay ng tiyak na
pangkat ng mga tao.

Ang Panitikan naman ay bahagi ng kultura ng mga tao. Ito ay karaniwang nagbibigay-turing
sa iba’t ibang tala na nagpapakita ng paraan ng pamumuhay ng mga tao sa pang-araw-araw.
Sa madaling sabi, ang Heograpiya ay bahagi o batayan ng isang kultura, at ang kultura
naman ay bahagi ng iba’t ibang tala, ang mga talang ito ay bahagi ng Panitikan. Kung kaya,

8
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

ang Heograpiya na tumatalakay rin sa sistema ng pamumuhay ng mga tao ay tiyak na


nagbibigay epekto o batayan sa pagbuo ng iba’t ibang akdang pampanitikan na umiiral sa
ating bansa.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Anong anyo ng panitikan ang parehas na umiiral mula sa Luzon, Visayas, at
Mindanao?
2. Anong anyo ng panitikan ang karaniwang ginagamit ng mga taga-Luzon bilang
bahagi ng kanilang panliligaw o panunuyo?
3. Anong anyo ng panitikan ang kalimitang ginagamit ng mga taga-Luzon para
magpahayag ng kanilang kuro-kuro tungkol sa pang-araw-araw nilang
karanasan?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Anong anyo ng Panitikan ng mga taga-Visayas ang likas lang sa kanilang lugar
na madalas gamitin kapag nais magbigay-respeto sa mga nilalang na hindi
nakikita?
2. Anong anyo ng Panitikan ng mga taga-Mindanao ang madalas nilang gamitin
sa pagbibigay-pugay sa kanilang datu o pinuno sa pamamagitan ng
pagtalakay sa pakikipagsapalaran, kabayanihan, at tagumpay?
3. Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pagbuo ng iba't ibang akdang
pampanitikan sa bansa?

9
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

Isaisip Natin
Paano nakaaapekto ang kaalaman ng mga mag-aaral sa Panitikang Pilipino sa
pagpapayaman ng kulturang isinabubuhay sa pang-araw-araw?

Pag-isipan Natin
A. Basahin ang pangungusap at tukuyin ang isinasaad. Isulat ang sagot sa patlang.

________________ 1. Ito ay ginamit ng mga taga-Luzon para matalakay ang iba't


ibang isyung panlipunan sa pamamagitan ng kuwentong
kayang tapusin sa isang upuan lang.

________________ 2. Ito ay karaniwang akdang pampanitikan ng mga taga-Visayas na


nilapatan ng tono para ilarawan ng pang-araw-araw nilang
pamumuhay.

________________ 3. Ito ay isa sa mga akdang pampanitikan ng mga taga-Mindanao


na kadalasan nilang ginagamit bilang pagbibigay-diin sa
mabubuting asal gamit ang mga tauhang hayop.

________________ 4. Ito ay pag-aaral sa relasyong umiiral sa pagitan ng mga tao at


kung paano sila umaangkop sa isang tiyak na kapaligiran.

________________ 5. Ito ay isa sa mga batayan ng pagbuo ng iba't ibang akdang


pampanitikan sa bansa. Ito rin ay isa mga batayan kung paano
nabubuo ang kulturang isinabubuhay ng isang pangkat ng mga
tao.

B. Magsaliksik ng isang akdang pampanitikan mula sa Luzon, Visayas, o Mindanao. Suriin

10
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

ito batay sa paksa, tauhan, tagpuan, kaisipan, at kultura. Gamiting gabay sa pagsusuri
ang pamantayan sa ibaba.

Pamagat ng Akda

Paksa

Tauhan

Tagpuan

Kaisipan

Kultura

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Kailangan
Mababa pa ng Nakatugon Lumagpas
kaysa Pagsasanay sa sa Puntos
Pamantayan Inaasahan 3 Inaasahan Inaasahan
2 4 5

Panuto (50%) Hindi Nasunod Maayos na Lubos na


Nasusunod ang nasunod ang mga nasunod nasunod
mga panuto ng ang mga panuto ng ang mga ang mga

11
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

gawain. panuto ng gawain. panuto ng panuto ng


gawain. gawain. gawain.

Mga Batayan Hindi Nasunod Maayos na Lubos na


(50%) nasunod ang mga nasunod nasunod
Nasusunod ang ang mga itinakdang ang mga ang mga
mga itinakdang itinakdang batayan sa itinakdang itinakdang
batayan sa batayan sa pagsusuri. batayan sa batayan sa
pagsusuri.
pagsusuri. pagsusuri. pagsusuri.

Kabuuang Marka =

Dapat Tandaan
● Ang mga halimbawa ng mga akdang Pampanitikan mula sa Luzon, Visayas, at
Mindanao ay tula, alamat, sanaysay, maikling kuwento, awiting-bayan, bulong, dula,
epiko, pabula, at kuwentong-bayan.
● Ang katangian ng mga akdang Pampanitikan mula sa Luzon ay karaniwang
tumatalakay sa mga usaping panlipunan at pang-araw-araw na karanasan sa lipunan
tulad ng maikling kuwento at sanaysay. Ang mga akdang Pampanitikan naman mula
sa Visayas ay kadalasang tumatalakay sa paglalarawan ng kanilang pang-araw-araw
at paniniwala sa mga nilalang na hindi nakikita tulad ng awiting-bayan at bulong. Ang
mga akdang Pampanitikan naman mula sa Mindanao ay madalas makitaan ng
pagkilala sa kulturang umiiral na likas sa mga kapatid nating Muslim tulad ng epiko at
kuwentong-bayan.
● Ang Heograpiya ay karaniwang tumatalakay sa pag-aaral ng relasyong umiiral sa
pagitan ng mga tao at kapaligiran. Kung ano ang kalagayang Heograpiya sa isang
lipunan ay siyang nagiging isa sa mga batayan sa pagbuo o paghubog ng kulturang
isinabubuhay ng mga tao rito. Kung kaya, Heograpiya ay batayan ng isang kultura, at
ang kultura naman ay kadalasang bahtayan sa pagbuo ng iba’t ibang akdang
Pampanitikan sa bansa. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng malinaw na ugnayan

12
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15:Panitikang Pilipino

ang Heograpiya, kultura, at Panitikan.

Mga Sanggunian

Mga Aklat:
Ailen G. Baisa-Julian, et al. (2015). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

Correa, Ramilito. (2015). Baybayin 7: Paglalayag sa Wika at Panitikan (Batayan at Sanayang


Aklat sa Filipino). Recto, Manila: Rex Book Store, Inc.

Dela Cruz- Oracion, Leonora. (2015). Gantimpala 7: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Sta. Ana
Manila: Innovative Educational Materials, Inc.

Guimarie, Aida M. (2015). Kalinangan 7: Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan) para sa


Hayskul. Recto, Manila: Rex Book Store.

Websites:
Myubi. Tv. "Paano Nakakaapekto ang Heograpiya sa Ating Buhay". In-access noong Hulyo 6,
2022. https://tl.myubi.tv/9757-how-does-geography-affect-our-lives

13

You might also like