You are on page 1of 82

FILN 2

SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN (SOSLIT)

Ito ay pag-aari ng
PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE
UNIVERSITY
HINDI ITO PINAGBIBILI

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 1


FILN 2 – SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN
(SOSLIT)
Unang Edisyon, 2021

Karapatang-Ari. Ayon sa Batas Republika Blg. 8293 Seksyon 176: Walang Bahagi
ng modyul na ito ang maaaring gamitin sa anumang anyo at hugis nang walang
nakasulat sa pahintulot ang naglimbag at ng mga may-akda maliban sa ilang pagsiping
gagamitin sa pagrerebyu ng modyul.

Ang mga impormasyong nakalap sa pagbuo na ito ay katapatang-ari ng mga nabanggit


na may-akda sa sanggunian. Ang mga guro at institusyon ay hindi umaangkin ng
anumang pag-aari sa naimprentang modyul.

Pangkat sa Pagbuo ng Modyul sa Kasanayang Pagkatuto

Mga Kabanata Pamagat May-akda/Guro


Batayang Kaalaman sa
Panitikan
1.1 Katuturan ng
Panitikan
1.2 Kahalagahan ng
Panitikan
Kabanata 1
1.3 Mga Uri ng Panitikan
1.4 Iba’t Ibang Anyo ng
Panitikan
1.5 Panitikan Bago
Dumating ang
Kastila
Kabanata 2 Panunuring Pampanitikan
2.1 Mga Simulain sa
Panunuring
Pampanitikan
2.2 Bakit Mahalaga ang
Panunuring
Pampanitikan
2.3 Mga Katangiang
Dapat Taglayin ng
Isang Kritiko
2.4 Pagkakaiba ng
Panunuri at
Kritisismo
2.5 Mga Teoryang
Pampanitikan
Kabanata 3 Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Isyung Panlipunan
3.1 Panitikan at Lipunan
Kabanata 4 Isyung Panlipunan:
Kahirapan sa Pilipinas

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 2


Kabanata 5 Isyung Panlipunan:
Karapatang Pantao
Kabanata 6 Isyung Panlipunan:
Pangkasarian
Kabanata 7 Isyung Panlipunan:
Pangmanggagawa
Kabanata 8 Isyung Panlipunan:
Diaspora/Migrasyon

Evaluators:

(First Name, Middle Initial, Last Name), Position


(First Name, Middle Initial, Last Name), Position
(First Name, Middle Initial, Last Name), Position

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 3


Pangkalahatang Nilalaman ng Kurso

Panimula
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na
nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Isa ang SOSLIT sa bagong asignaturang Filipino at
MakaFilipino sa Kolehiyo. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng
mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap,
reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang
pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado,
at iba pa. (CHED Memorandum Order No. 20 2013 )
Ang SOSYEDAD at LITERATURA o PANITIKANG PANLIPUNAN ay
isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nagtuturo sa mga mag-
aaral na bigyang-tuon ang bahagi nila sa kabuluhang panlipunan sa pamamagitan
ng mga tekstong literari sa iba‘t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.
Tumutulong ang kursong ito na mabuksan ang kaisipan ng mga mag-aaral sa mga
isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan,
malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon,
pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian,
sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.

Inaasahang Matututuhan: Mula sa CHED Memorandum Order No. 20 2013)


Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

Kaalaman
1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan
ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa panunuring pampanitikan.
3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may
kabuluhang panlipunan.

Kasanayan
1. Maibuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.
2. Makasulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang
akdang pampanitikan.
3. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning
panlipunan.

Halagahan

1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.


2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa
ng pananaliksik.
3. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at ng panitikan.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng panitikang
pambansa na nakaugat sa realidad ng buhay at mga pangarap ng mga
mamamayang Pilipino.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 4


Pangkalahatang Layunin ng Kurso

Pagkatapos ng semester, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ng 85% ng


antas ng kadalubhasaan:
1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan
ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa panunuring pampanitikan.
3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may
kabuluhang panlipunan.
4. Maibuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.
5. Makasulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng
isang akdang pampanitikan.
6. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning
panlipunan.
7. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.
8. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa
ng pananaliksik.
9. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at ng panitikan.
10. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng panitikang
pambansa na nakaugat sa realidad ng buhay at mga pangarap ng mga
mamamayang Pilipino.

Detalye ng Kurso:

 Code ng Kurso: FILN2


 Pamagat ng Kurso: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
 Bilang ng Yunit:3
 Klasipikasyon ng Pagtuturo: Lecture-based
 Pre-requisite / Co-Requisite: FILN 1
 Semestre at Taong Panuruan: Ikalawang Semester, TP: 2021-2022
 Iskedyul:
 Pangalan ng Fakulti:
 Personal na Detalye
Email:
Mobile Number:
Viber:
FB Account:
 Konsultasyon
Araw: TTH
Oras: 8:00-9:30AM

Sistema ng Pamamahala sa Pagkatuto


Ang Pamantasan ay may sariling Sistema ng pamamahala ng pagkatuto na
gumagamit ng asynchronous learning at pagtatasa. Ang link at classcode para sa
pamamahala sa pagkatuto ay ibibigay bago magssimula ang klase sa opisyal na
facebook Group.
 Edmodo
 Google Classroom
 University LMS

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 5


Pagtataya Gamit Ang Rubrik
Ang bawat aralin ay naglalaman ng bawat aralin at mga pagsasanay, takdang-
aralin, pidbak ng mga mag-aaral na kanilang sasagutan sa pamamagitan ng Gmail
account na ibibigay ng kanilang guro. Pagkatapos, talakayin ang bawat aralin o course
packet ay magbibigay ang guro ng mga gawain, pagsusulit, pagsasanay sa pamamagitan
ng Google Classroom.

Ang Panggitnang Pagsusulit (Midterm Examination) ay nakatakda sa ____________.


Sakop ng panggitnang pagsusuri ay ang mga paksang, Katuturan ng Panitikan ,
Kahalagahan ng Panitikan, Mga Uri ng Panitikan, Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan,
Panitikan Bago Dumating ang mga Katila, Mga Teoryang Pampanitikan,
Panunuring Pampanitikan, Gabay sa Pagsusuri ng Akda Gayundin, magbibigay
ang guro ng proyekto batay sa kahingian ng kurso.

Ang ang Pinal na Pagsusulit ay gagawin sa ____________. Ang sakop ng pagsusulit ay


ang mga paksang, Panitikan at Lipunan, Panitikan Hinggil sa Isyu ng Kahirapan.
Panitikan Hinggil sa Isyu ng Karapatang Pantao, Panitikan Hinggil sa Isyu ng
Pangkasarian, Panitikan Hinggil sa Isyu ng Manggagawa, Panitikan Hinggil sa
Diaspora / Migrasyon at Pagsusulat ng Akdang Pampanitikan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 6


0323
PANGKALAHATANG KABUUAN NG MODYUL
Panimula
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon
sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan
ng bansang Pilipinas. Isa ang SOSLIT sa bagong asignaturang Filipino at MakaFilipino
sa Kolehiyo. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang
Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa
lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung
pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.

Talaan ng Nilalaman

Kabanata 1: Batayang Kaalaman sa Panitikan


1.1 Katuturan ng Panitikan
1.2 Kahalagahan ng Panitikan
1.3 Mga Uri ng Panitikan
1.4 Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan
1.5 Panitikan Bago Dumating ang Kastila

Kabanata 2: Panunuring Pampanitikan


2.1 Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
2.2 Bakit Mahalaga ang Panunuring Pampanitikan
2.3 Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Kritiko
2.4 Pagkakaiba ng Panunuri at Kritisismo
2.5 Mga Teoryang Pampanitikan
Kabanata 3: Pagsusuri ng Iba’t Ibang Isyung Panlipunan
3.1 Panitikan at Lipunan

Kabanata 4: Isyung Panlipunan: Kahirapan sa Pilipinas


Kabanata 5: Isyung Panlipunan: Karapatang Pantao
Kabanata 6: Isyung Panlipunan: Pangkasarian
Kabanata 7: Isyung Panlipunan: Pangmanggagawa
Kabanata 8: Isyung Panlipunan: Diaspora/Migrasyon

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 7


Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan

Kabanata 1

Batayang Kaalaman sa
Panitikan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 8


Kabanata 1
Batayang Kaalaman sa Panitikan
Panimula

Sa paglipas ng ilang libong taon, patuloy pa ring buhay at umuunlad ang


panitikan ng Pilipinas. Mababakas natin ang ilang mga patunay sa ilang mga babasahin.
Sa araling ito, muli nating mababalikan ang ilang mga panitikang ating namana
pa sa ating mga ninuno.
Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang-kahulugan ang panitikan.


2. Natutukoy ang kahalagahan ng panitikan sa lipunan.
3. Naiisa-isa ang mga uri ng panitikan at mga kahulugan nito.
4. Naiisa-isa ang ibat-ibang anyo ng panitikan.
5. Nailalarawan ang mga pagbabagong naganap sa panitikan, kultura at kaugalian ng mga Pilipino
bago dumating ang mga Kastila

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


Kabanata 1: Batayang Kaalaman sa Panitikan = 11 oras
(7 oras para sa talakayan; 4
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

Talakayan
Ang salitang tagalog na “panitikan” ay nagmula sa unlaping PANG- na
sinusundan ng salitang ugat na TITIK at hulaping –AN. Dahil sa pagbabagong
morpoponemiko na asimilasyong parsyal na kapag ang pang ay sinusundan ng salitang
–ugat na nagsisimula sa t, d, l, r, s, t ang PANG- ay nagiging PAN, kaya ito ay nagiging
PANGTITIKAN at dahil sa asimilasyong ganap ito ay naging Panitikan sapagkat
kinaltas ang unang titik ng salitang ugat.

KATUTURAN NG PANITIKAN
1. Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan
ng tao.

2. Ang panitikan ang kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.

3. Ang panitikan ang nagbunbunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang


pagkamakabayan o nasyonalismo.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 9


4. Ayon kay Hon. Azarias, ang panitikan
ay pagpapahayag ng mga damdamin
ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa
daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at
pamahalaan, at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang lumikha.
https://www.google.com/search?=hon.+azarias

5. Ayon naman kay William J. Long,


ang panitikan ay mga nasusulat na tala
ng pinakamabuting kaisipan at
damdamin ng tao.

https://en.m.wikipedia.org/wiki/William_J.Long

6. Ang panitikan ay yaong tungkol sa mga ideya, isipan at damdamin ng tao gaya
ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, panibugho, galit pagkahabag, pag-
alipusta, paghihiganti at iba pa.

7. Ayon kay Joey Arrogante, talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito
masisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at
pinapangarap.

8. Ayon naman kay Salazar, ang


panitikan ay siyang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng
lipunan.

https://www.google.com/search?q=zeus+salazar

9. Ayon naman kay Webster, ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat
na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, estetikong anyo,
pandaigdigang kaispan at kawalang-maliw.

KAHALAGAHAN NG PANITIKAN

1. SALAMIN – Ang panitikan ay salamin ng ating makulay na kultura, tradisyon,


pamumuhay at paniniwala bilang Pilipino na may sarili ng kabihasnan bago pa
man tayo sakupin ng mga dayuhan. Nakikita natin sa panitikan ang sariling
kasaysayan, pakatao, at lipunan.

2. TULAY – nagsisilbing tulay ang ating panitikan sa ating kasaysayan sapagkat


ang dalawang ito ay magkapatid. May layuning mapreserba ng panitikan ang
ating kasaysayan.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 10


3. PUNO – Ang pagkakaroon natin ng sariling pagkakakilanlan ay tila puno na
nagkakaroon ng ugat sa huli ay mamumunga.

4. BUHAY – Ang panitikan ay buhay para sa mga manunulat at mambabasa.


Kinapapalooban ng gawaing pagsulat at pagbasa ng panitikan.
5. PASAPORTE –Dahil sa mga naisusulat na panitikan, hindi na natin
kinakailangan pang gumastos ng Malaki kung nais nating mapuntahan ang lahat
ng lugar sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbabasa.

MGA URI NG PANITIKAN

1. Pasalita – Uri ng panitikang gamitin sa panahon ng ating mga ninuno.


Nagpapasalin-salin ang panitikan ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng
pagkukwento ng mga ito sa bawat henerasyon.

2. Pasulat – Uri ng panitikang naisasalin ang panitikan sa pamamagitan ng


pagsusulat o pagpapalimbag ng mga ito.

3. Pasalintroniko – Uri ng panitikang gamitin sa kasalukuyang panahon na kung


saan laganap ang pag-unlad ng teknolohiya. Naisasalin ang panitikan sa
pamamagitan ng pagpapalathala sa iba’t ibang sites sa internet.

IBA’T IBANG ANYO NG PANITIKAN


Tuluyan o Prosa
Maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay
nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

Nobela

Isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.


Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak
na istilo.

1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan.

2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na.

3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari


ang ikawiwili ng mga mambabasa.

4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng


pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa.

5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 11


6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng
pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan.

7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating


buhay o Sistema.

Elemento ng nobela

1. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan.

2. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.

3. Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela.

4. Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.

5. Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari.

6. Pamamaraan - istilo ng manunulat.

7. Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela.

8. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at


pangyayari.

Maikling Kwento

Binaybay ding maikling kuwento - ay


isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng
isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo
ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad
Edgar Allan Poe
ang isang momento lamang o iyong isang
madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
https://www.google.com/search?q=edgar+allan+poe
pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling
Kuwento" sa buong mundo at si Deogracias del Rosario naman sa Pilipinas.

1. kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga


tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa.

2. kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga


pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao
sa nasabing pook.

3. kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan


ng buong bayan.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 12


4. kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.

5. kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

6. kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at


mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang


tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

8. kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng


kwento.

9. kwento ng katatawanan Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa


mambabasa ang

Kwentong bayan

1. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan


ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

2. Mito – akdang pampanitikan na ang mga tauhan ay mga Diyos at Diyosa.

3. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at
daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang
mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para
sa mga batang mambabasa.

4. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.

5. Parabula - maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na


malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

6. Talambuhay - maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na


malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
o Pansarili
o Talambuhay ng ibang tao

7. Balita – mga pangyayaring nagaganap sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 13


8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng may-akda.
o Pormal
o Impormal

9. Dula - isang uri ng panitikang nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
o Komedya
o Trahedya
o Melodrama
o Saynete
o Parsa

Patula (lyric poetry)

Pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa


taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang
mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Tulang liriko

Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at


damdamin ng makata. Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa
isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi
sa mambabasa, ang kanyangsariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

1. Kantahin – mga tulang nilalapatan ng himig.

2. Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya. Hinggil sa damdamin at


kaisipan, maymalinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

3. Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

4. Oda - Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o
dedikado saisang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o
nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.

5. Dalit -isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para
salayunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang
Diyos o saisang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong
pilosopiya sa buhay.

Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)

Isang tula na may balangkas. Ang tula aymaaaring maikli o mahaba, at ang mga
kuwento na may kaugnayan sa maaaring magingsimple o kumplikadong pangyayari.
1. Awit
2. Korido

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 14


3. Epiko - Isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong
paksa nanaglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan
ng makabuluhang saisang kultura o bansa.

Tulang patnigan

1. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang


satinatawag na libangang itinatanghal´ na ang taglay na pamagat ay nanggaling
sa isangalamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

2. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at


pangangatwiran nang patula.

3. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran


sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco ‘Balagtas´
Baltazar.

Tulang Pantanghalan o Padula

Karaniwang itinatanghal sa teatro. Ito ay patulang binibigkas na kung minsan


ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong
lubhang madula.

PANITIKAN BAGO DUMATING ANG KASTILA

Wika –Ang mga unang Pilipino ay may iba’t ibang wika at dayalekto. Sa lahat ng mga
katutubong wika, ang tagalog ay itinuturing na pinakamayamang wika.

Alpabeto – may labimpitong titik ito, tatlo ang patinig at labing-apat ang katinig. Ang
paraan ng pagsulat ay dalawa: itaas-pababa at kaliwa-pakanan. Ito ay tinatawag na
alibata o baybayin sa panahon ngayon.

Edukasyon – Pinagkakalooban ng edukasyong akademiko at bokasyonal ang mga


batang Pilipino noong unang panahon. Sinasanay ng ama ang kanilang mga anak na
lalaki na maging mandirigma, mangangaso, mangingisda, minero, magtotroso, at
manggagawa ng barko. Sinasanay ng ina ang anak na babae sa pagluluto,
paghahalaman, pananahi at iba pang sining pantahanan.

Pamahalaan – Barangay ang sinaunang anyo ng pamahalaan na pinamumunuan ng


Datu. Ang Dato ang nagsisilbing punong tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagahukom
ng barangay. Dapat sya ang pinakamataas, pinakamayaman at pinakamatalino sa
barangay.

Pananampalataya – Ang mga unang Pilipino ay Pagano. Sinasamba nila ang mga
ispiritu ng mga ninuno na tinatawag na anito. Sinasamba rin nila ang kalikasan – ang
mga ilog, bundok, matandang puno, buwaya at mga bukid.

Hanapbuhay – Ang pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang


Pilipino. Ang iba pang hanapbuhay ay pangingisda, pangangaso, pagmimina,

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 15


pagtotroso, paghahabi, paggawa ng mga kagamitan at sandata, paggawa ng alak, pag-
aalaga ng hayop at iba pa.

Panitikan – May panitikang pasulat at pasalita ang ating mga ninuno. Ang mga ito ay
tulang-bayan, awiting-bayan, salawikain, bugtong, kwentong-bayan, bulong, epiko,
ritwal at sayaw.

MGA TULANG-BAYAN

Patula ang karaniwang paraan ng pagsasalita ng ating mga ninuno.


Naipapahayag dito ang kanilang mga katutubong kaugalian, tradisyon at Gawain,
kalinisang-budhi, pamumuhay, paniniwala, kaisipan at patakarang makulay na umiiral.
Tulad ng mga sumusunod:
“Pung, pung, kasili
Ipinanganak sa Pung, pung pungapong
kabibe Nakita ko sa kugon
Ano ang anak? Na pagulong-gulong
Babae
Malimit na pinaparinig ng isa o nag-aalaga ng sanggol ang mga sumusunod:

Buwan, buwan….
Hulugan mo ako ng sundang
Aanhinang sundang?
Ipangkakayas ng uway
Aanhin ang uway?
Ipananali ko sa bahay
Aanhin ang bahay?
Paglalagyan ko ng palay
Aanhin ang palay?
Kakanin sa araw-araw
Sa paglalaro: Makikipagkagalit:
Bata, bata Putak, putak Tiririt ng maya,
Pantay-lupa Batang duwag! Tiririt ng ibon,
Asawa ng Matapang ka’t nasa Ibig mag-asawa’y
palaka pugad! Walang ipalamon

MGA AWITING-BAYAN - Ang tula ng ating mga ninuno ay inaawit na may


kasamang sayaw. Sa lahat ng pagkakataon, ay may kaakibat na awitin. Tulad ng mga
sumusunod:

1. Uyayi o hele – awit sa pagpapatulog ng bata


2. Tikam o tagumpay – awit sa pakikidigma
3. Soliranin – o awit sa pamamangka
4. Kundiman, kumintang, balitaw – awit sa pag-ibig
5. Hiliraw, pamambat – awit sa pag-iinuman
6. Diwang – awiting panrelihiyon
7. Kutang-kutang – awiting panlansangan
8. Ihiman – awit pangkasal

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 16


9. Tingud – awit pantahanan
10. Umbay – awit sa libing

KAHALAGAHAN NG AWITING-BAYAN

1. Nagpapahayag ng tunay na kalinangang Pilipino.

2. Nagpapakilala ng diwang-makata na katutubo sa ating lupain, At

3. Ito’y mga matulaing damdaming galing sa puso at kaluluwa ng bayan.

SALAWIKAIN - Ang salawikain ay mga butil ng karunungang kinapapalamnan ng


mabubuting payo at hango sa tunay na buhay. Inihahanay ito ng patula at ito’y
nagpapasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno. Nagiging gabay ito ng matatanda at
bata sa pakikisalamuha sa matuwid na landas ng buhay.

BUGTONG - Mga parirala o pangungusap na inihahanay ng patula at naglalarawan ng


talinghaga. Sinasabi rin itong pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan at
nangangailangan ng kasagutan.

KWENTONG-BAYAN - Naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya, at mga


suliraning panlipunan ng ating mga ninuno. Palasak ang mga alamat at malimit na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.

BULONG - Ginagamit sa pangkulam o pang-engkanto ang bulong.


EPIKO - Ito ay isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng katanginang nakahihigit sa karaniwang tao. Ang paksa ng mga
epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.

 Ilokano
 Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) - na isinulat ni Pedro Bukaneg.

 Ipugaw
 Hudhud – nagsasalaysay ukol sa kabihasnan ng mga Ipugaw at ang
kanilang bayaning si Aliguyon.
 Alim – naglalarawan ng mga Diyos sa langit ng mga Ipugaw.

 Bikol
 Ibalon – Isinalin ng Padre Jose Castano sa Kastila na nagsasalaysay sa
kamula-mulaan ng mga unang nanirahan sa mga lupaing Aslon at
Ibalon.

 Tagalog
 Kumintang – kasaysayan ng mga pandirigma ng mga kawal nina Datu
Dumangsil ng taal at Datu Balkasusa ng Tayabas at ng Bai ng Talim.

 Bisaya

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 17


 Maragtas – Tungkol sa sampung datung Malay na tumakas sa
Kalupitan ng Sultang Makatunaw ng Borneo at sama-samang nakarating
sa Panay.
 Haraya – Katipunan ng mga tuntunin kabutihang asal at mga salaysay
na panghalimbawa sa mga naturang tuntunin.
 Lagda – Katipunan ng mga salaysay at pangyayaring nagpapakilala ng
mabuting panunungkulan ng pamahalaan.
 Hari sa bukid – Salaysay tungkol sa kapangyarihan ng isang haring
hindi nakikita ngunit alam na nakatira sa taluktok ng bundok ng Kanlaon
sa Negros.

 Muslim

 Darangan – Ito’y patulang salaysay na naglalahad ng kabayanihan ng


mga Moro.
 Bantugan
 Daramoke-a-babay- karugtong ng epikong Bantugan
 Indarapatra at Sulayman

 Bidasari – Romansang Malay na nasasalig sa matandang paniniwalang


napapatagal ang buhay kung ang kbato, kaluluwa ay paiingatan sa isang
isda, hayop, bato o punong kahoy.

RITWAL- Ang kanilang mga awitin, sayaw, tagulaylay, pag-aalay at tanging mga
kagamitan ay siyang nagiging bukal ng lakas ng mga taong dumaranas ng kahirapang
dulot ng kalikasan, na kinakatawan ng mga masasamang ispiritu.

SAYAW - Isang katutubong paraan ng pagpapahayag ng damdamin, pag-ibig, lungkot,


galit, saya, at ng iba’t ibang masasalimuot na damdaming kinapapalooban ng dula ng
buhay ng sayaw.

 Itik-itik
 Kalapati
 Tinikling
 Subli
 Maglalatik
 Panganggo sa ilaw
 Sayaw sa bangko
 Singkil

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 18


SANGGUNIAN:
 Abueg, Efren R. et.al. (2012) Muhon: Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng
Pilipinas. 16 Concia St. Tinajeros, Malabon City: Jimczyville Publications
 Arrogante, Jose A., etal. “Panitikang Filipino-Binagong Edisyon Pampanahong
Elektroniko”, 2010
 Barrios, Joi, Lumbera, Bienvenido., etal.,” Paano Magbasa ng Panitikang
Filipino- Mga Babasahing Pangkolehiyo”. 2006.The University Press- UP
Campus, Diliman, Quezon City 1101
 Buensuceso, S.T., etal. (1997) Panitikang Filipino. University of Sto Tomas
Publishing House
 Cruz, I.R., etal. Ang Ating Panitikan. Goodwill Bookstore
 Evasco, E. (2011) Mga Pilat sa Pilak: Mga Personal na Sanaysay. UST
Publishing House
 Godoy, R. DL., etal. (2003) Panitikan at Rizal. St. Andrew Publishing House
 http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sa-kongregasyon-si-
teo-s-baylen-bilang-relihiyosong-makata/
 http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sa-kongregasyon-si-
teo-s-baylen-bilang-relihiyosong-makata/
 http://pinoyweekly.org/new/2017/01/eskapismo-at-reyalidad-ng-sunday-
beauty-queen/
 https://brainly.ph/question/38137#readmore
 https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=118742551588707&id
=118726654923630
 https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-Dula-Ayon-
Kay
 https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-Dula-Ayon-
Kay
 Queaño, N. (1983) Ang Katutubo at Dalawa Pang Dula. New Day Publisers
 Ramos, M.S., etal. (1980) Panitikang Pilipino. Katha Publishing Co., Inc.
 Read more on Brainly.ph
 Reyes, J. (1998) Talang Luma Buhat sa Tabarawan ng Isang May Nunal sa
Talampakan. U.P. Press
 San Andres, T.C., etal. (2008) Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon.
St. Andrew Publishing House
 Torres-Yu, R. (2006) Kilates. The University of the Philippine Press: Quezon
City
 V.C., etal. (2007) Mga Butil na Hiyas ng Panitikan. El Bulakeño Printing House
 Villafuerte, P. (2000) Panunuring Pampanitikan. Mutya Publishing House:
Valenzuela City
 Villanueva, Z.P. (1998). Panitikan ng Pilipinas. Merriam & Webster Bookstore,
Inc.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 19


Gawain
GAWAIN BLG. 1-4

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________


Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

Gawain 1: Tanong Mo-Sagot Mo!

1. Kung may hashtag ka tungkol sa panitikan, ano ito at


bakit?

2. May praktikal o realistikong katuturan ba ang panitikan


sa buhay mo bilang isang mag-aaral? Ipaliwanag.

GAWAIN BLG. 2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa


ibaba ng hindi baba sa limang pangungusap bawat bilang.

1. Ibigay ang kahalagahan ng panitikan sa mga sumusunod:


a. Kasaysayan
b. Akademya
c. Pananaliksik
d. Mag-aaral

2. Alin sa mga uri ng panitikan sa itaas ang pinakaakma


sa panahon ngayon? Pangatwiranan ang sagot sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga patunay.

GAWAIN BLG. 3. Isa sa mga uri ng talambuhay ay ang


pansarili. Sa bahaging ito, ikaw ay inaatasang isulat ang
iyong sariling talambuhay.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 20


GAWAIN BLG. 4. Basahin ang mga katanungan
at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
Siguraduhing may kaisahan, maayos na
paliwanag, at hindi maligoy ang sagot.

1. Sa iyong sariling
pagpapakahulugan ano ang
panitikan? Ipaliwanag.
2. Paano mapayayaman ang panitikan sa
kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang pag-aralan at
basahin ang mga akdang
pampanitikan kahit ito ay naisulat
sa iba’t ibang panahon?
4. Ano ang malaking ambag ng
panitikan sa kulturang Pilipino
noon at ngayon? Magbigay ng
halimbawa.
5. Bilang makabagong kabataan sa
hinaharap, ano ang iyong gagawin
upang hindi mawala ang sariling
akdang pampaitikan? Isa-isahin.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 21


Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan

Kabanata 2

Panunuring Pampanitikan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 22


Kabanata 2

Panunuring Pampanitikan

Panimula

PANUNURING PAMPANITIKAN
Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-
unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at
pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang
Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang
moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-
panlipunan.
Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang
mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo,
ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at feminismo.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang–katuturan ang ibat-ibang teorya ng panitikan


2. Nasusuri ang ibat-ibang akda at mga teoryang kinabibilangan ng mga ito.
3. Nakasusulat ng mga akdang pampanitikan gamit ang tamang balangkas ng pagsusuri.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


Kabanata 2: Panunuring Pampanitikan = 12 oras
(6 oras para sa talakayan; 6
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso


at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o


balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.

3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may


kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.

BAKIT MAHALAGA ANG PANUNURING PAMPANITIKAN?

 Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may
kinalaman sa pagsusuri nito.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 23


MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO

1. Ang kritiko ay matapat sa sarili, itinuturing ang panunuri ng mga akdang


pampanitikan bilang isang sining.

2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang


pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o
ideolohiya.

3. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong


nagaganap sa panitikan.

4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy


na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan,
sikolohiya, atbp.

5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang


sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod
na alituntunin at batas.

6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng


damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng
panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari
nang mga unang taon ng kanyang pamimili.

PAGKAKAIBA NG CRITIQUE (PANUNURI) AT CRITICISM


(KRITISISMO)
CRITIQUE (PANUNURI) CRITICISM (KRITISISMO)
1. Naghahanap ng estruktura Naghahanap ng mali
2. Naghahanap ng kung ano ang
Naghahanap ng kulang
pwede
Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya
3. Nagtatanong upang maliwanagan
naunawaan
4. Naglalahad sa mabuti, matapat at Nakalahad sa malupit at mapanuyang
obhektibong tinig tinig
5. Positibo Negatibo
6. Kongkreto at tiyak Malabo at malawak
7. Tumitingin lamang sa kung ano Naghahanap ng pagkukulang sa
ang nasa pahina manunulat at sa akda

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Teoryang Klasismo/Klasisismo - Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng


mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Matipid sa
paggamit ng wika ang mga klasista – “hindi angkop ang paggamit ng mga
salitang balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon.” Halimbawa nito ay
Florante at Laura ni Francisco Balagtas.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 24


Katangian ng Akdang Klasiko
 Pagkamalinaw
 Pagkamarangal
 Pagkapayak
 Pagkamatimpi
 Pagkaobhetibo
 Pagkakasunud-sunod
 Pagkakaroon ng hangganan

2. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang


sentro ng mundo ay binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian
ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.

1. Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong


nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa kultura.

2. Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kayat mahalagang


maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin
at kalayaan sa pagpapasya.

3. Teoryang Romantisismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t


ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig s a
kapwa, bansa at mundong kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-
ibig sa tao o bayang napupusuan.

4. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan


at nasaksihan ng mag-akda sa kanyang lipunan, Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang
ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang isinulat.

1. Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

2. Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan,


ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o
paglalahad.

3. PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo,


katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atb.

5. Teoryang Pormalistiko - Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa


ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan, Samakatuwid,
kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais
niyang ipaabot sa mambabasa– walang labis at walang kulang. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pag-unawa.

1. tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog


na ito.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 25


2. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o
kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.

3. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang


sensibilidad at paguugnayan ng mga salita, istruktura ng wika,
metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.

6. Teoryang Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may


kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

7. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga


kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag ng babae ang pangunahing tauhan ay ipinayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

1. Ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat


bilang mahina, marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin,
emosyonal, pantahanan at masama.

2. Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-


kapantay ng kalalakihan.

8. Teoryang Markismo/Marxismo - Ang layunin nito ay ipakita na ang tao o


sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

1. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang


nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at
mahirap. Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang
malakas; ng mahirap ang mayaman. Ginagamit ng mga oryentasyon
na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa
pang-aapi at pananamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol
sa Panahon ng Kastila at Hapon, at namayagpag naman sa
makabagong panahon.

2. Nagagamit ang Marxistang pananaw sa pagsusuri sa kalagayang


panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng mga tauhan sa kwento.
Bukod dito, binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang mga umiiral
na tunggalian: tauhan sa sarili niya, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa
kalikasan.
Hal. Walang Panginoon - Deogracias A. Rosario
Dahil sa tunog ng animas, naalala ni Marcos kung
paanong naging mahirap ang buhay nila sa pamamahala ni
Don Teong at sa pagkamkam nito sa kanilang natitirang
kabuhayan gayundin ang pagiibigan nila ni Anita na anak ni
Don Teong at kung paanong ito ng naging sanhi ng

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 26


pagkamatay ng dalaga. Ang lahat ng ito ay naging gatong sa
poot na nararamdaman ni Marcos na nag−udyok na rin
upang mabuo ang plano ng binata na patayin ang Don.

Gabay sa Pagsusuri ng akda ni Nenita Papa

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod
VI. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan
c. Suliranin
d. Kasukdulan
e. Kakalasan
f. Wakas
VII. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
VIII. Mga Puna

“Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay
na halaga ng bagay, puso lamang ang nakadarama.”- Aral mula sa Ang Munting
Prinsipe niAntoine de Saint- Exupery

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 27


SANGGUNIAN:
Abueg, Efren R. et.al. (2012) Muhon: Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas.
16 Concia St. Tinajeros, Malabon City: Jimczyville Publications
Arrogante, Jose A., etal. “Panitikang Filipino-Binagong Edisyon Pampanahong
Elektroniko”, 2010
Barrios, Joi, Lumbera, Bienvenido., etal.,” Paano Magbasa ng Panitikang Filipino- Mga
Babasahing Pangkolehiyo”. 2006.The University Press- UP Campus, Diliman, Quezon
City 1101
Buensuceso, S.T., etal. (1997) Panitikang Filipino. University of Sto Tomas Publishing
House
Cruz, I.R., etal. Ang Ating Panitikan. Goodwill Bookstore
Evasco, E. (2011) Mga Pilat sa Pilak: Mga Personal na Sanaysay. UST Publishing
House
Godoy, R. DL., etal. (2003) Panitikan at Rizal. St. Andrew Publishing House
http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sa-kongregasyon-si-teo-s-
baylen-bilang-relihiyosong-makata/
http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sa-kongregasyon-si-teo-s-
baylen-bilang-relihiyosong-makata/
http://pinoyweekly.org/new/2017/01/eskapismo-at-reyalidad-ng-sunday-beauty-
queen/
https://brainly.ph/question/38137#readmore
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=118742551588707&id=11872
6654923630
https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-Dula-Ayon-Kay
https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-Dula-Ayon-Kay
Queaño, N. (1983) Ang Katutubo at Dalawa Pang Dula. New Day Publisers
Ramos, M.S., etal. (1980) Panitikang Pilipino. Katha Publishing Co., Inc.
Read more on Brainly.ph
Reyes, J. (1998) Talang Luma Buhat sa Tabarawan ng Isang May Nunal sa
Talampakan. U.P. Press
San Andres, T.C., etal. (2008) Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon. St.
Andrew Publishing House
Torres-Yu, R. (2006) Kilates. The University of the Philippine Press: Quezon City
V.C., etal. (2007) Mga Butil na Hiyas ng Panitikan. El Bulakeño Printing House

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 28


Villafuerte, P. (2000) Panunuring Pampanitikan. Mutya Publishing House: Valenzuela
City
Villanueva, Z.P. (1998). Panitikan ng Pilipinas. Merriam & Webster Bookstore, Inc.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 29


Gawain
GAWAIN BLG. 5-6

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________

Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

Gamit ang Gabay sa Pagsusuri ng akda ni Nenita Papa sa ibaba,sumuri ng


dalawang akda at tukuyin kung anong teoryang pampanitikan.

IX. Pamagat
X. Mga Tauhan
XI. Tagpuan
XII. Teoryang Pampanitikan
XIII. Buod
XIV. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan
c. Tunggalian - may apat na uri:
 Tao laban sa tao
 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
d. Suliranin
e. Kasukdulan
f. Kakalasan
g. Wakas
XV. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
XVI. Mga Puna

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 30


Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan

Kabanata 3

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Isyung


Panlipunan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 31


Kabanata 3
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Iyung
Panlipunan

Panimula

Ang Pilipinas ay nahaharap sa iba’t ibang isyung Panlipunan na kung saan isa
ito sa patuloy na nagpapalugmok sa pamumuhay ng maraming mga Pilipino. Saan mang
dako g bansa ay madalas laman ng mga pahayagan patungkol sa issyung panlipunang
kinakaharap ng bansa. Isa sa mga ito ay ang isyung Panlipunan tungkol sa kahirapan.
Mula noon hanggang sa ngayon ay ito ang siyang pinakamalaking suliranin ng bansa.
Kawalan ng trabaho o hanapbuhay, kawalan ng bahay, pagkain at kawalan ng edukayon
ang ilan sa mga kinakaharap ng ilang indibidwal. Kabilang sa mga iyung panlipunan
na matatalakay sa kabanatang ito ay patungkol sa karapatang pantao, pangkasarian at
diaspora / migrasyon.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang mga akdang pampanitikang may kaugnayan sa mga isyung panlipunan.
2. Nasusuri ang ilang akda na may kaugnayan sa isyu hinggil sa kahirapan, karapatang pantao,
pangkasarian at migrasyon.
3. Nakasususlat ng mga akdang pampanitikan na nakahanay sa tamang balangkas ng
pagsusuri.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


Kabanata 3: Pagusuri ng Iba’t Ibang Isyung = 3 oras
Panlipunan (1 oras para sa talakayan; 2
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)
Pagtalakay

PANITIKAN AT LIPUNAN

Iba’t iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan.


Ayon kay Joey Arrogante, ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa
malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig
na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.

Samantala, ayon naman kay Zeus Salazar, ang panitikan ay siyang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang
mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa
palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari
itong gumahis o kaya'y magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling
bartolina ng porma at istruktura. Sa isang banda, maituturing ang panitikan na isang
kakaibang karanasan. Ito ay naglalantad ng mga katotohanang panlipunan, at mga
guniguning likhang-isip lamang. Hinahaplos nito ang ating mga sensorya tulad ng
paningin, pandinig, pang amoy, panlasa at pandama. Kinakalabit nito ang ating
malikhaing pag-iisip at maging sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang
ating nahihimbing na kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng panitikan sa

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 32


pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan,
diwa at damdamin. Ang panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong
dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong
natatangi sa sangkatauhan.

Ayon kay naman kay Terry Eagleton, maraming mga paraan para bigyang
kahulugan ang panitikan. Unang-una, maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit
ang mga malikhaing salita o talinghaga. Ito ang tinatawag na “fiction”. Subalit nagbigay
siya ng argumento na hindi lahat ng malikhaing akda ay matatawag na panitikan.
Kabilang dito ang mga komiks, pelikula, telebisyon, at pocketbooks (romance novels)
na bunga ng isang malikhaing pag-iisip subalit hindi itinuturing na panitikan.

Ikalawa, maaaring bigyang kahulugan ang panitikan dahil sa paggamit nito


ng wika sa kakaibang paraan. Batay sa argumentong ito, ang panitikan ay isang uri ng
pagsulat kung saan kumakatawan ng isang maayos na pagwasak sa karaniwang anyo
ng pagsasasalita.[1] Binabagong-anyo at pinapasidhi ng panitikan ang karaniwang
wika, sistematikong lumilihis sa pang-araw-araw na pananalita. Kapag may nagsabi sa
akin ng “Ang tag-araw ay nasa iyong mga matang nangungusap” habang ako’y
nakasakay sa dyip, alam kong nasa presensiya ako ng isang ‘literary’ o maalam sa
panitikan. Alam kong gayon dahil sa ang kayarian, indayog at tunog ng kanyang mga
salita ay labis sa kanilang kahulugang abstrakto. Umaakit ng atensiyon ang kanyang
mga salita, ipinapayagpag ang kanilang kalikhaang materyal. Ang depinisyong ito ang
sinaligan ng mga Formalist na umusbong sa bansang Rusya.

Totoo na marami sa mga pinag-aaralang akda bilang panitikan sa akademya ay


“constructed” na basahin bilang panitikan subalit marami sa mga ito ay hindi panitikan
– canonized lang kumbaga. Samakatwid, nasa pagbabasa kung ituturing na ‘literary’ o
hindi ang isang akda. Literature cannot be objectively defined.[2] Walang kalikasan
ang panitikan. Ang panitikan ay isang uri ng panulat na sa ibang dahilan ay mataas na
pinapahalagahan ng isang tao (highly valued writing). Kung ganun, ang mahalagang
palagay o kapasyahan ay nakakaapekto kung alin ang panitikan.

Hindi kinakailangang maging maganda para maging ‘literary’, dapat ay kauri


ng itinuturing na maganda. Halimbawa, walang magsasabi na ang klaskard ay isang
mahinang panitikan pero mayroong magsasabi na ang mga leaflets (manifesto) na
ipinamumudmod ng mga aktibista ay hindi magandang uri ng panitikan.

Sa panukalang ang panitikan ay isang “highly valued writing”, kahit ano ay


maaaring maging panitikan. Sa kabilang dako, ang mga itinuturing na panitikan ngayon
ay maaaring hindi na panitikan sa hinaharap. Nagbabago ang pagpapahalaga at
paniniwala ng tao kaya maaaring baguhin niya ang kanyang pananaw sa isang akdang
itinuturing na panitikan. Samakatwid, maaaring magkaroon ng isang lipunang hindi
naniniwala na ang mga akda ni Shakespeare ay panitikan.

Sa dahilang ang tao ang nagbibigay ng interpretasyon sa mga akdang


pampanitikan batay sa kanilang sariling point of view, ang depenisyon ng panitikan ay
hindi obhetibo kundi subjective.

Ang lipunan ay kalipunan o grupo ng mga taong may pare-parehong interes at


naiibang kultura at institusyon. Maaring nagmula sa magkakaibang pangkat-etniko ang

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 33


mga kabilang sa isang lipunan. Maari rin itong tumukoy sa partikular na grupo ng mga
tao o sa mas malawak na grupong kultural. Tumutukoy rin ito sa sistematikong grupo
ng mga tao na pinag-uugnay ng layuning makarelihiyon, kultural, pulitikal, siyentipiko,
makabayan at iba pa.

Sa agham pampulitika, ang lipunan ay karaniwang nangangahulugan ng


kabuuan ng relasyong pantao, salungat sa estado na kasangkapan ng pamumuno o
pamahalaan sa loob ng isang teritoryo. Ibig sabihin, ang lipunan ang totalidad ng mga
konsepto ng mga relasyon at institusyon sa pagitan ng mga tao.

Sa agham panlipunan naman, partikular sa sosyolohiya, ginagamit ang lipunan


upang ipakahulugan ang grupo ng mga taong bumubuo sa isang sistemang sosyal, kung
saan halos lahat ng interaksiyon ay sa kapwa indibidwal na kabilang sa grupo.

Nilalarawan ng panitikan ang ating lipunan at panlahing pagkakakilanlan. Ang


ating kaugalian ay mababakas sa ating mga kwentong bayan, alamat, epiko, kantahing-
bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan at sinaunang dula. Ayon sa mga mananakop na
dayuhan, ang ating mga ninuno ay mayaman sa mga katitikan na nagbibigay ng
kasiyahan at nagtatampok sa kalinangan at kultura ng ating lahi. Ang mga ito ay
gumamit ng kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng punungkahoy bilang mga
sulatan habang ang ginamit nilang mga panulat ay matutulis na kahoy, bato o bakal.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 34


Gawain
GAWAIN BLG. 7-11

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________

Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

Gawain 7: Basahin ang maikling kwentong may pamagat na “Geyluv”ni Honorio


Bartolome De Dios. Sagutin sa ibaba ang mga kaukulang tanong gamit ang kahon.

Link: http://bihirangpanitikangpilipino.blogspot.com/2013/08/geyluv-by-honorio-
bartolome-de-dios.html

1. Anong klaseng mukha ng bakla o kabaklaan ang itinampok sa kuwento?


Ilarawan ito.

2. Maliban sa pagiging bakla, magbigay ng iba pang isyu ang isiniwalat sa akda.
Makatotohanan bang naipakita ang mga ito o hindi? Bakit?

3. Bigyan ng payo si Mike sa anyo ng liham sa kaniyang huling tanong sa sarili.

Gawain 8: Gamit ang isang maikling tula, ilantad


ang isyung panlipunang inilalarawan nito.
Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan
ito ng kaukulang mga patotoo.

PAKSIW NA AYUNGIN
ni Jose F. Lacaba

Ganito ang pagkain


ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matirang tinik),
at ilapit sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
Saka mo
umpisahan ang laman.

Unti-unti lang, dahan-


dahan, at simutin nang
husto--kokonti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 35


Gawain 9: Gamit ang tula, ilantad ang
isyung panlipunang inilalarawan nito.
Ipaliwanag sang sagot gamit ang mga
totoong balita.

ANG PANDAY
Ni Amado V. Hernandez

Kaputol na bakal na galing sa bundok,


Sa dila ng apoy kanyang pinalambot;
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok;
At pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang anu-ano’y naging kagamitan.


Araro na pala ang bakal na iyan;
Ang mga bukiri’y payapang binungkal,
Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.

Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo


At ang boong bayan ay bulkang sumubo,
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo,
Pagka’t may laban nang nag-aalimpuyo!

Ang lumang araro’y pinagbagang muli


At saka pinanday nang nagdudumali,
Naging tabak namang tila humihingi,
Ng paghihiganti ng lahing sinawi.

Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,


Ang kahalagahan ay di matingkala —
Ginawang araro, pambuhay ng madla
Ginawang sandata, pananggol ng bansa!

Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,


Bakal na hindi man makapagmalaki;
Subalit sa kanyang kamay na marumi,
Nariyan ang buhay at pagsasarili!

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 36


Gawain 10: Gamit ang isang maikling tula,
ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang
mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

HAPUNAN
Ni Teo T. Antonio

Naninilip ang buwan


Sa butas ng bubong at dingding
Tinatanglawan ng kapirasong liwanag
Ang kapirasong isda sa hapag
Maraming kamay na nag-uunahan
Hanggang sa tapunan ng titig
Ang payat na pusa sa kusina

Gawain 11: Gamit ang isang maikling tula,


ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang
mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

Sabi ko, “Maganda ka.”


Sagot mo, ät di mura.”
Sabi ko, “gusto kita.”
Sagot mo, “bayad muna.”

1. Virgilio S. Almario

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 37


Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan

Kabanata 4

Kahirapan sa Pilipinas

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 38


Kabanata 4
Kahirapan sa Pilipinas
Panimula
Isa ang kahirapan sa pangunahing dahilan kung bakit napakaraming mga Pilipino ang patuloy
na naghihikahos sa buhay. Nariyan na ang kawalan ng pabahay sa ilang mga indibidwal kung
kaya’t patuloy na dumarami ang mga naninirahan sa mga peligrong lugar. Bukod pa rito ang
napakalaking porsyento ng mga ilang Pilipino na walang trabaho o hanapbuhay dahilan para
marami ang nagugutom na walang pambili ng sapat na pagkain sa araw-araw.
Sa araling ito, ating matutunghayan ang ilang klase at mukha ng kahirapan sa bansa.
Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang ilang akda na may kaugnayan sa isyu hinggil sa kahirapan.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


Kabanata 4: Kahirapan sa Pilipinas = 3 oras
(1 oras para sa talakayan; 2
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

KAHIRAPAN SA PILIPINAS
Hindi matapos-tapos ang mga talakayan hinggil sa kahirapan dahil sa kabila ng
pagtatatuwa ng ilang mga nasa pamahalaan, at sa kabila ng sinasabing paglago ng
ekonomiya ng bansa batay sa makroekonomikong datos tulad ng GDP at credit ratings,
malaking porsiyento ng populasyon ng bansa ang mahihirap. Iba-iba ang sukatan ng
kahirapan kaya naman iba-iba rin ang estadistika hinggil sa dami ng mga mahihirap.
Batay mismo sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty incidence
sa mga pamilyang Pilipino noong 2006, 2009, 2012, at 2015 ay 23.4%; 22.9%; 22.3%
at 21.6%.

Kung tutuusin, mas mataas sa aktuwal na bilang ng mahihirap sa bansa dahil


ang opisyal na buwanang poverty threshold (minimum na kitang kailangan para
matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino na
may limang miyembro) na itinakda ng gobyerno ay napakaliit. Katumbas lamang ito
ng halagang halos Php37, Php47, at Php52 kada tao bawat araw sa mga nakaraang taon
na halos katumbas lamang ng pinakamurang meal package (isang tasa nang kanin,
ulam, at isang baso ng inumin) sa mga popular na fast food chain. Ang ganitong sukatan
ng kahirapan ay hindi gaanong komprehensibo dahil hindi nito isinasaalang-alang ang
ina pang mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan. Higit na
mararamdaman ang suliraning kahirapan kung pag-uusapan ang kuwento ng mga
maralita na nagsisikap makaahon sa hirap gaya ng tinalay ni Espiritu (2017) sa
lathalaing “Buhay at Pagpupunyagi sa Plastikan” o salaysay ng mga maralitang
naghahangad na magkaroon ng sariling bahay tulad ng inilarawan ni Malubay (2017)
sa lathalaing “Pira-pirasong pangarap sa Pandi” kapuwa para sa pahayagang Pinoy
Weekly.

Kung ihahambing naman ang pag-unlad ng Pilipinas sa pag-unlad ng ibang


bansa, lalong makikita ang underdevelopment ng bansa. Inihayag ng United Nations
(UN) sa 2017 Human Development Report (HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 39


Republika ng Pilipinas sa talaan ng 188 na bansa sa buing daigdig na iniraranggo ng
pandaigdigang institusyon sa pamamagitan ng Human Development Index (HDI).
Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang kaunlaran o holistic development batay sa antas
ng edukasyon, kalusugan, at kita ng mga mamamayan sa bawat bansa. Sa simpleng
pagpapahayag, mahigit kalahati ng daigdig ang nakalalamang sa Pilipinas sa aspekto
ng edukasyon, kalusugan, at kita. Ang Pilipinas ay ika-99 sa HDI noong 2010, ika-77
oong 2000 at ika-66 naman noong 1990. Nangangahulugan ito na dumadausdos ang
kalagayan o kaya’y mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas, kumpara sa kalagayan at pag-
unlad ng ibang bansa.

Bukod sa mga nabanggit na datos hinggil sa kahirapan, ang mga estadistika


hinggil sa malnutrisyon, disempleyo, at iba pa ay maaari ding gamitin upang masuri
ang antas ng kahirapan sa bansa. Sa isang pag-aaral ng Food and Nutrition Research
Institute (FNRI) noong 2017, 26% ng mga batang Pilipino ang malnourished.
Kahirapan ang pangunahing dahilan ng malnutrisyon sa Pilipinas dahil ito ang
humahadlang sa mga pamilya na makabili ng masustansyang pagkain. Sa pagtataya
naman ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) may 30,000,000
Pilipino ang maitutring na maralitang tagalungsod o urban poor. Malaking porsiyento
sa kanila ang walang sariling bahay at lupa, at wala ring trabaho. Ayon sa PSA noong
enero 2018, 5.3% o 2.33 milyong Pilipino ang walang trabaho at 18% naman o halos 8
milyon ang underemployed. Hindi kataka-takang sa kawalan ng sapat na oportunidad
na makapaghanapbuhay sa sariling bansa, halos 6,000 Pilipino ang umaalis sa lupang
tinubuan araw-araw para magtrabaho sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas
Employment Administration (POEA), batay sa development ng OFWs noong 2016. Sa
aktuwal, mas mataas pa rito ang pigura kug isasama ang mga Pilipinong hindi
dokumentado ang pag-alis para magtrabaho sa ibang bansa.

Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di-karaniwang sukatan ng


kahirapan. Halimbawa, may mga residente sa mga komunidad ng mga maralita sa
Maynila na nagbebenta ng isang bato nila sa mga dayuhan. Marami ring Pilipino ang
nagbebenta ng dugo, ngipin, at iba pang bahagi ng katawan dahil sa matinding
kahirapan. Bagama’t ilegal ang prostitusyon sa bansa, daan-daang libo ang nasa
gawaing ito dahil na rin sa kahirapan. Kung pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na
estadistikang ito, mahihinuhang habang mabilis na umuumnlad ang ibang bansa sa iba’t
ibang aspekto (sa antas makroekonomiko man lamang, sapagkat ibang usapan pa kung
nakarating o nag-trickle down bas a mga ordinaryong mamamayan ang progresong ito),
nananatiling mabagal kundi man hindi umuusad ang pag-unlad ng Pilipinas.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 40


Gawain
GAWAIN BLG. 12-18

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________

Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

Huwag Isampal Sa Akin


November 27, 2015 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)

oo, mga makata ng inaaliping lahi


huwag ninyong ilulan sa hangin
o isakay sa pakpak ng langay-langayan
at itatak at paglunuyin sa aking isipan
mga bersong hitik sa kilig ng pag-ibig
ng mga pusong alipin ng buwan at bituin
at baliw sa lagkit ng paglalambingan.

oo, huwag isampal sa akin


mga taludtod ng nanggigitatang kalantarian
kung binubulaga ako sa aking paligid
ng nanunumbat na mga larawang
matagal nang nagnanaknak sa alaala
mga sikmurang napilipit ang bituka
mga batang nakalupasay sa bangketa
mga nahukot at namayat na katawan
sa bukirin at tubuhang walang hanggan
mga brasong kinain ang laman
sa imbing pabrika ng mga gahaman
mga dampang pawid nakaluhod sa kanayunan
mga barungbarong nagdarasal sa kalunsuran
mga kaluluwang nakabartolina
sa bilangguan ng dalita’t dusa
habang maringal na nagdiriwang
sa mesa ng grasya’t kapangyarihan
silang iilang hari-harian
sa nabubulok inuuod na lipunan.

oo, mga makata ng inaaliping lahi


saan makikita lantay na pag-ibig
sa gayong kahimahimagsik na mga larawan?
saan madarama lantay na pagmamahal
sa sumusurot na reyalidad sa balintataw
bumibiyak sa bungo sa puso’y gumugutay?
di kikiligin maging puson
gaano man katimyas ng pagsuyo
gaano man kahubad ng kariktan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 41


ng dalawang pusong nagmamahalan
huwag isampal sa akin
mga landiang nagpapatili sa karamihan
at waring walang ipinupunla sa isipan
kundi daigdig ng ilusyon
ng pampakilig na romansa’t kahangalan
gayong naghuhumindig sa lipunan
malinaw pa sa kristal na mga katotohanan.
sa kilig ba lamang umiikot ang buhay
ng dayukdok na masang sambayanan
kaya ginagatasan ng ganid na kapitalistang
laging hangad gabundok na pera’t yaman?
kahabag-habag na mga sawimpalad
sa pusali ng karalitaan…
silang kinikilig bayag at lalamunan
silang nanginginig utong at tilin
sa munting kibot na mga eksena ng paglalambingan?
sabi nga tuloy ng makatang si amiri baraka
linisin muna nang husto ang mundo
upang lubos na umiral kabutihan at pagmamahal
at huwag munang ibandila mga tula ng pag-ibig
hanggang nakabalandra inhustisya’t panlalamang.

oo, mga makata ng inaaliping lahi


huwag isampal sa akin
himutok ng mga pusong nabigo sa pagmamahal
o nalulunod sa lungkot ng paghihiwalay
punuin ng pulbura inyong mga taludtod
gawing mga bombang gigiba’t dudurog
sa pader ng inhustisya’t kasakiman
inyong mga berso’y sukbitan ng baril
taglayin sa bakal na tubo himagsik ng punglo
itutok iputok sa mukha ng mga diyus-diyosang
walang mahalaga kundi kinang ng pilak at ginto
walang sinasanto kundi lukbutang puno
at magarbong buhay at bundat na tiyan
walang malasakit sa mga sinaktan
hindi naririnig ni nararamdaman
tagulaylay ng pusong ninakawan
ng dangal at yaman
at bulaklak ng kinabukasan.
oo, mga makata ng inaaliping lahi
huwag isampal sa akin
nakaduduwal na mga berso ng pag-ibig
huwag akong himasin ng libog at kilig
habang lipuna’y naaagnas inuuod
nais kong marinig tulang sa hangi’y rumaragasa
at waring mga palaso’t punglong itinutudla
sa mga impakto’t palalo
habang pinagmamasdan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 42


pagbagsak sa lupa ng mga tinudla
iyon ang araw ng totoong mga makata
iyon ang araw na dakila!

Gawain 13: Gamit ang isang maikling tula, ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

Gawain 14: Suriin ang Tulang “Huwag Isampal Sa Akin” Ni Rogelio L. Ordonez
gamit ang balangkas ng pagsusuri sa ibaba.

I. Pamagat
II. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
III. Mga Puna

Bahay
Gary Granada

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan


Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira
Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata


Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam
Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay

Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig


Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 43


Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay

Gawain 15: Gamit ang isang maikling tula, ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

Gawain 16: Suriin ang Tulang “Bahay” Ni Gary Granada gamit ang balangkas
ng pagsusuri sa ibaba.

I. Pamagat
II. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
III. Mga Puna

PANATANG MAKABAYAD (PANUNUMPA SA TUNGKULIN NG MGA


PULITIKONG KAWATAN) NI PROF. ROGELIO L. ORDOÑEZ BULATLAT
CONTRIBUTORS SEPTEMBER 26, 2015

Panatang makabayan iniibig ko ang pilipinas


aking lupang ninanakawan
tahanan ng mga kauri kong tulisan
pinahihintulutan akong magnakaw magpakailanman
upang maging mayaman, makapangyarihan at mapanlinlang.
dahil mahal ko ang aking kapakanan
susuwayin ko ang mga batas
at lagi kong pangangalagaan ang aking lukbutan.
tatalikuran ko ang mga adhikaing marangal
kahit magdusa masang sambayanan.
buong sigasig akong magsisikap
na maragdagan pa ang aking kayamanan
kahit ikamatay ng aking nasasakupan.
sa aking buong buhay sa panunungkulan
tatalikuran ko ang karangalan
at magsisikap akong maging ganap na tulisan
sa isip, sa salita, at sa gawa
para sa pananatili ng aking kasakiman.
kasihan at pagpalain nawa ako ni satanas!

Gawain 17: Suriin ang Tulang “Panatang makabayad (panunumpa sa tungkulin


ng mga pulitikong kawatan” Ni Prof. Rogelio L. Ordoñez gamit ang balangkas ng
pagsusuri sa ibaba.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 44


I. Pamagat
II. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
III. Mga Puna

Gawain 18: Anong isyung panlipunan ang inilalarawan kaugnay sa kahirapan?


Gaano ito katotoo sa kasalukuyang konteksto? Magbigay ng ebidensya.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 45


Sosyedadat Literatura/Panitikang
Panlipunan

Kabanata 5

Isyung Panlipunan: Karapatang


Pantao

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 46


Kabanata 5
Iyung Panlipunan: Karapatang Pantao
Panimula

Bilang isang indibidwal marapat lamang na magkaroon tayo ng mga karapatan.


Mga karapatan na siyang poprotekta sa atin sa kahit na anumang klase o mukha ng
karahasan at pang-aapi.
Sa araling ito, matutuhan natin ang ilang mga karapatang pantao.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nasusuri ang ilang akda na may kaugnayan sa isyu hinggil sa karapatang pantao.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay

Kabanata 5: Isyung Panlipunan: Karapatang Pantao = 3 oras


(2 oras para sa talakayan; 1
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

Isyung Panlipunan: Karapatang Pantao


Ang mga karapatang pantao ay mga pamantayang moral o kaugalian na
naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng paggawi ng tao at palaging protektado
bilang mga karapatang likas at legal sa batas-munisipyo and batas-pandaigdigan.
Karaniwang nauunawaan sila bilang mga di-matututulan at pangunahing karapatan "na
nararapat matanggap ng isang tao dahil lamang sa pagiging tao niya"at "na likas sa lahat
ng mga tao", anuman ang kanilang edad, etnikong pinagmulan, lokasyon, wika,
relihiyon, lahi, o anumang iba pang kalagayan. Angkop sila saanman at kailanman sa
diwa ng pagiging pansansinukob, at sila ay pantay-pantay sa diwa ng pagiging
kasingpantay ito sa lahat. Itinuturing ang mga ito bilang nangangailangan ng empatiya
at pamamahala ng batas at nagpapataw ng obligasyon sa mga tao na respetuhin ang mga
karapatang panto ng iba, at karaniwang itinuturing na hindi dapat bawiin ang mga ito
maliban kung resulta ng nararapat na proseso batay sa mga tiyak na
pangyayari;halimbawa, maaaring kabilang sa karapatang pantao ang pagiging malaya
sa ilegal na pag-aresto, pagpapahirap, at pagbitay.

Naging napakamaimpluwensya ang doktrina ng karapatang pantao sa larangan


ng pandaigdigang batas at sa loob ng mga pandaigdigan at panrehiyonal na
institusyon. Binubuo ng mga kilos ng mga estado at di-pampamahalaang
organisasyon ang isang batayan ng patakarang pampubliko sa buong mundo.
Iminumungkahi ng ideya ng karapatang pantao na "kung maaaring sabihin na may
karaniwang wikang moral ang pahayag pangmadla ng pandaigdigang lipunan tuwing
kapayapaan, ito ay yaong sa karapatang pantao". Patuloy ang mga matibay na pag-
angkin na ginawa ng doktrina ng karapatang pantao sa pagpupukaw ng maraming pag-
aalinlangan at debate tungkol sa nilalaman, kaurian at katwiran ng karapatang pantao
hanggang sa panahong ito. Ang eksaktong kahulugan ng salitang karapatan ay
kontrobersyal at paksa ng patuloy na debateng pilosopikal; habang nagkakaisa na
sumasaklaw ang karapatang pantao sa malawakang uri ng mga karapatantulad
ng karapatan sa makatarungang paglilitis, proteksyon mula sa pang-aalipin,

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 47


pagbabawal sa henosidyo, kalayaan sa pananalita o karapatan sa edukasyon, may di-
pagkakasundo tungkol sa alin ng mga tanging karapatan ang dapat maisasama sa
pangkalahatang balangkas ng karapatang pantao; iminumungkahi ng iilang palaisip na
ang karapatang pantao ay dapat saligang kahilingan upang maiwasan ang mga
pinakamalubhang kaso ng abuso, habang itinuturing ito ng iba bilang mas mataas na
pamantayan.
Karamihan sa mga simpleng ideya na nagbigay-buhay sa kilusan ng karapatang
pantao ay nabuo pagkatapos ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig at mga kaganapan
ng Holokausto,na humantong sa pagpapatibay ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga
Karapatang Pantao sa Paris ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang
Bansa noong 1948. Hindi nagkaroon ang mga sinunang tao ng magkatulad at
makabagong pagkaunawa ng pandaigdigang karapatang pantao. Ang totoong
tagapaguna ng diskurso sa karapatang pantao ay ang konsepto ng karapatang likas na
lumitaw bilang bahagi ng edad medyang tradisyon ng likas na batas na naging
prominente noong Europeong Pagkamulat na may mga pilosopo tulad nila John
Locke, Francis Hutcheson at Jean-Jacques Burlamaqui na prominenteng itinampok sa
usapang pultikal ng Himagsikang Amerikano at Himagsikang Pranses. Mula sa
saligang ito, bumangon ang mga argumento ukol sa makabagong karpatan noong huling
bahagi ng ika-20 siglo, marahil bilang reaksyon sa pang-aalipin, pagpapahirap,
henosidyo at krimen sa digmaan, bilang pagkaunawa ng likas na kahinaan ng tao at
bilang pagiging patiunang kondisyon ng posibilidad ng makatarungang lipunan.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 48


Gawain
GAWAIN BLG. 19-22

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________

Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

"BAWAT BATA"
Apo Hiking Society

Ang bawa't bata sa ating mundo


Ay may pangalan, may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawa't tao sa ating mundo

Hayaan mong maglaro ang bata sa araw


Kapag umuulan nama'y magtatampisaw
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa 'yo ang mundo pag bata ka

Ang bawa't bata sa ating mundo


Ay may pangalan, may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawa't tao sa ating mundo

Ang bawa't nilikha sa mundo'y


Minamahal ng panginoon
Ang bawat bata'y may pangalan
May karapatan sa ating mundo

Hayaan mong bigyan na lang ng pagmamahal


Katulad ng sinadya ng maykapal
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa 'yo ang mundo pag bata ka

Hoo-wa-hoo-wa, la la la la
la la la la, la la la la
Hoo-wa-hoo-wa, la la la la
la la la la, la la la la

Hayaan mong maglaro ang bata sa araw


Kapag umuulan nama'y magtatampisaw
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa 'yo ang mundo pag bata ka

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 49


Sa 'yo ang mundo pag bata ka
Sa 'yo ang mundo pag bata ka
Sa 'yo ang mundo pag bata ka

Ang bawa't bata sa ating mundo


Ay may pangalan, may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawa't tao sa ating mundo

Ang bawa't nilikha sa mundo'y


Minamahal ng panginoon
Ang bawat bata'y may pangalan
May karapatan sa ating mundo

Ang bawa't bata sa ating mundo


Ay may pangalan, may karapatan...

Gawain 19: Basahin ang kantang “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society at muling
inawit ng Sugar Free at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pinakapangunahing karapatan ng isang bata? Sang-ayon kaba o


hindi? Bakit?

2. Ipaliwanag ang katagang “sa iyo ang mundo kapag bata ka pa? Totoo o
hindi? Bakit?

3. Ibahagi kabuuang mensahe ng kantang napakinggan. Sang-ayon ka ba o


hindi? Bakit?

Gawain 20: Suriin ang awit na“Bawat Bata” ng Apo Hiking Society at muling
inawit ng Sugar Free gamit ang balangkas ng pagsusuri sa ibaba.

I. Pamagat
II. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
III. Mga Puna

DUGUANG LUPA
ni Patrick Orquia

Dinilig na naman ang


Duguang lupa
Ng Luha

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 50


Mula sa mga aping
Nagluluksa
Nagdurusa
Mga ama, ina, anak
Na nilisan nang hindi napapanahon
Ng kanilang mga minamahal
Na walang-awang kinitilan ng buhay

Ang lupang dati’y pinagyaman


Ng kanilang mga ninuno
Ngayo’y nakatabon na sa mga taong
Ama, ina, anak
Ng mga aping ngayo’y
Nagluluksa
Nagdurusa
Mas masahol pa
Sa kamatayan ang
Nadarama

Silang mga
Walang kahilingang
Anumang kaguluhan o dahas
Sila pa itong
Nakaranas ng hirap
Sa kamay ng mga
Demonyong walang awa
Imbes na pakikipagkapwa-tao
At pang-unawa ang ibigay
Ay bala at hukay ang isinalubong
Sa kanilang mga
Inosente’t walang muwang
Silang mga inosenteng
Nagdilig ng dugo
Sa lupang pinagyaman
Ng kanilang mga ninuno
Na kalauna’y dinilig naman
Ng mga luha
Ng kanilang mga mahal sa buhay
Na hindi na sila masisilayan pa
Nawa’y sa duguang lupang ito
Sumibol rin ang katarungang
Magwawaksi sa karimlang matagal nang
Bumalot at
Gumapos
Sa mga taong matagal nang api
Mawaksi nawa ang
Paghahari
Ng mga iilang may kapangyarihang
Naatasan sanang
Maglingkod sa bayan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 51


At ialay ang sarili para sa mga mamamayan
Ngunit sa katotohana’y sila pa itong
Mga nangunguna
Sa pagpaparaos
Sa paghihirap ng iba

Nawa’y sa duguang lupang ito


Umusbong ang pag-asa
Na sa madaling panaho’y
Bumalik rin ang ligaya
Sa puso ng mga
Ama, ina, anak
Na naiwan
Ng mga bayaning
Hindi dapat kalimutan.

Gawain 21: Gamit ang isang maikling tula, ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

Gawain 22: Suriin ang Tulang “Duguag Lupa” Ni Patrick Orquia gamit ang
balangkas ng pagsusuri sa ibaba.

I. Pamagat
II. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
III. Mga Puna

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 52


Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan

Kabanata 6

Iyung Panlipunan:
Pangkasarian

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 53


Kabanata 6
Isyung Panlipunan: Pangkasarian
Panimula

Hindi lingid sa ating kaalaman ang pagkakaroon ng iba’ibang patungkol sa


usaping kasarian. Ang bawat tao sa mundo ay isinilang na may natatanging
pagkakakilanlan. Tanging ang babae at lalake lamang ang kinikilala sa mga nakalipas
na panahon. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagkaroon ng iba’ibang
oryentasyon sa kasarian ng isang tao.
Matatalakay sa araling ito ang ilan sa mga isyung panlipunan na may kaugnayan
sa kasarian
Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang ilang akda na may kaugnayan sa isyung pangkasarian.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


Kabanata 6: Isyung Panlipunan: Pangkasasrian = 3 oras
(1 oras para sa talakayan; 2
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)
Pagtalakay
Isyung Panlipunan: Kasarian
Mayaman ang panitikan natin sa mga akdang may isinasatinig na boses ng
partikular na kasarian. Halimbawa, mababasa natin ang kuwento ng mga babaeng
manunulat sa libro ni Rosario Torres-Yu na Sarilaysay: Tinig ng 20 Babae sa Danas
Manunulat na inilimbag ng Anvil Publishing at libro ni Neil Garcia sa Philippine Gay
Writing. Ang kulturang sinasalamin ng mga akdang pampanitikan natin ay nagtatakda
ng pagtrato, pagtanggap, at pag-uri natin sa ating kasarian. Noon pa man ay
namamayani na sa ating lipunan ang paghahati ng kasarian mula panahon ng katutubo
hanggang sa mga bagong anyo nito sa kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon nagtatakda
ang ating lipunan at kultura kung ano at paano gumalaw ang ating kasarian. Sa panahon
ng Kastila namamayani ang patriyarkal na lipunan kung saan ang tingin sa kababaihan
ay pambahay lamang at walang karapatang mag-aral. Dumaan din sa panahong hindi
tanggap sa ating lipunan ang ikatlong lahi na tinatawag kung saan isterotipikal ang
pagtingin sa kanila ng lipunan na kakatwa lamang. Samantalang sa kasalukuyang
panahon ay masidhi ang paglaban sa gender discrimination. Pangunahing layunin ng
ganitong domeyn ay kilatisin at ipaliwanag ang agwat sa pagitan ng mga kasarian.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 54


Gawain
GAWAIN BLG. 23-28

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________

Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

TAGUAN ni Rolando Bernales

Eli, Eli, lema sabachtahani?- Mateo 27:46


Kayhimbing ng tulog ko’t kay linaw ng aking panaginip.
Kristal…. Kristal… Kristal!
Halos mapugto ang litid ko sa pagsigaw habang tinatahak ko ang pasilyo ng lumang
eskwelahan. Bawat pintuang aking maraana’y aking sinisilip. Ginagalugad ng aking
paningin ang bawat lumang mesa at mga iika-ikang silya sa loob ng bawat silid. Tama.
Baka nga naman doon sa ilalim o sa likod ng mga ito’y nagtatago si Kristal. Ngunit
iiling-iling kong lilisanin ang mga iyon upang bigong tumungo sa susunod na silid.
Taliwas sa madalas na mangyari tuwing Sabado o Linggo, ako ang nakababad na
taya. Madalas, si Kristal ang taya. Sa simula’y s’ya ang magtatago upang sa loob
lamang ng ilang sandali’y Makita ko sa likod ng mga paso ng mga halos mangalantang
halaman o di kaya’y sa likod ng isang pinto. Dangan kasi’y tako s’yang magpakalayu-
layo at magtago sa kung saan-saang sulok na di n’ya kabisado kung kaya’t madali ko
s’yang natataya.
- Pung! Kristal! O, ikaw naman ang taya.
Magugulat pang bahagya si Kristal!
- Ay! Ang daya naman e, Nanilip ka kuya, ‘no?
- Oy, hindi a,
Pupungas-pungas pang tutungo si Kristal sa pader sa dulo ng pasilyo. Ihihilig niya ang
kanyang braso sa pader at isasandal ang noo sa braso. Papilit s’yang sisigaw.
- Pagbilang ko ng sampu, nakatago ka na!
Dali-dali akong magtatago sa paborito kong taguan… doon sa kabilang dulo ng pasilyo.
- Isa… Dalawa… Tatlo…
Sa dulo niyo’y naroon ang banyo. Madilim doon, wala kasing mga bumbilya. Hindi
doon nagpupunta si Kristal. Takot s’ya sa dilim. Mula sa loob niyo’y kitang-kita ko
s’ya sa pamamagitan ng isang maliit na butas.
- Apat…
- Lima…
- Anim…
Sabi ni Noknok, kalaro ko, nahuli raw s’ya minsan na namboboso sa mga kaklase
niyang umiihi. Takam na takam s’ya sa pagsipat sa mga binti at puwit ng mga kaklase
sa butas na iyon mula sa labas ng banyo nang mahuli s’ya ng kanilang titser. Buking na
buking naman kasi ang pamboboso n’ya, dangan kasi’y namimilipit pa s’ya sa pagsilip.
“Di na s’ya pinapasok ng Nanay n’ya matapos siyang pagsasabunin. Pinatawag kasi
nu’ng titser si Aling Ima, sabi raw ay binobosohan s’ya. Ang lokong si Noknok,
pinagtanggol pa ang sarili. Sabi nama’y di naman ‘yung titser ang binibosohan n’ya
kundi ‘yung kaklase niya. Ayun,
binugbog pa s’ya ni Aling Ima. Buti nga!
- Pito… Walo… Siyam…

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 55


Wala pang sampu’y lilinga-linga na ni Kristal.
- Sampu!
Magpapalipat-lipat ng silid si Kristal, magbabaka-sakaling makikita ako sa isa sa mga
iyon, upang pagdating sa huli’y maluha-luha s’yang iiling-iling, sabay bubunghalit at
mag-aanyong kaawa-awa.
- Kuya… kuya naman, e. Uwi na tayo!
Sa ganoong tagpo’y kaaawaan ko ang kanyang inosenteng mukha na lalong pinaamo
ng nangingislap-ngislap n’yang mga mata sahil sa mga namumuong luhang
nagbabadyang pumatak. Lalabas ako’t magkukunwang walang kaalam-alam sa
kanyang pagmumukhang-tanga sa paghahanap at dahil sa pagmamakaawa upang
bigyan lamang s’ya ng kaligayahan sa pag-aakalang nataya n’ya ‘ko.
-Pung! Kuya Openg!
Ngunit sa panaginip ko’y ako ang taya at hirap na hirap sa paghahanap. Hindi ako
makapaniwala. Pati ang banyong madalas kong pagtaguan ay tiningnan ko na ngunit
wala rin doon si Krista. Saan kaya s’ya nagsuot? Paanong nakapagtago s’ya sa kung
saan gayong dati-rati’y takot s’yang magpakalayu-layo sa ‘kin?
- Kristal! Kristal!
- Bangon na, oy! Aba’t kukupad-kupad pa ‘tong batugang baklang ‘to!
Aba, aba… ‘yung bakla, matatanggap ko. Totoo ‘yun. Pero ‘yung batugan, hindi ko
masisikmura. Pa’no ba nama’y katitirik pa lang ng araw, bitbit ko na’y kahon ng
sigarilyo habang palipat-lipat sa mga bus at pasabit-sabit sa mga jeep habang si Tatay
ay Tanduay oGinebra na ang hawak. Batugan pa pala ako gayong ako itong napapagod
at napupuyat sa paggala-gala kung saan mataong kalsada tuwing umaga hanggang
hapo’t gabi at kung minsan pa’y katu-katulong ni Nanay sa pagtitinda ng karne sa
palengke samantalang si Tatay ay pahilik-hilik lang na nakatihaya sa bahay.
Pupungas-pungas pa ‘kong babangon. Wala nang mumugan ay dadamputin ko ang
kahon ng sigarilyo. Kagabi’y bilang na bilang ko ang laman niyon… tatlong kaha ng
Marlboro, dalawang Philip at Hope at isang Winston. Ngayo’y kulang ng isang kaha
ng Marlboro. Madaling napawi ang aking Pagtataka. Paano’y nanghahaba ang nguso ni
Tatay sa paghithit-buga ng sigarilyo sa isang sulok habang sinasabayan ng pagtangu-
tango ang makapananggal-tutuleng kantang metal na nagmumula pa sa kabilang bahay.
- Iwanan mo’ko ng sampu bago ka umalis. Baka hindi ako pautangin ni Aling Pinang,
e.
Sampu… sampung piso lang para sa bilog o lapad o sa kahit na anong nakapanlalasing.
Nakikini-kinita ko nang susuray-suray na naman si Tatay mayamaya lang sa kung sang
iskinita habang pilit na hinahanap ang daang pauwi sa aming barung-barong o di kaya’y
hihilik-hilik na nakasalampak sa tabi ng kung sang estero.
Sabi ni nanay, hindi naman daw dating ganyan si Tatay. Dati’y nagtatrabaho daw si
Tatay doon sa pabrika ng sabon sa Makati. Nang magbawas ng mga trabahador sa
pabrika, isa s’ya sa mga minalas na nasisante. Mula noon, nagsimula nang makitagay
si Tatay sa kung saan-saang kanto, hanggang sa magsawa ang kanyang mga kainuman
at matuto siyang makipagkwentuhan sa sarili habang solong nagpapakalasing. Buti
sana kung katulad s’ya ng iba na kung nalalasing ay walang kibo lang sa isang tabi o di
kaya’y mahimbing na natutulog. Si Tatay, kapag nalalasing, madalas ay naghahamon
ng away at kung may siga-sigang magkakamaling pumatol ay uuwing pasa-pasa ang
mukha. O di kaya’y kung
minamalas, si Nanay, si Kristal o ako ang napagdidiskitahang regaluhan ng dagok o
tadyak. Aba, nawili ‘atang parang-haring titiha-tihaya’t pautos-utos na lang sa bahay si
Tatay, lumalamon kahit painum-inom lang ng alak buong maghapon. Kung minsan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 56


tuloy, naiisip ko kung ano ang naging kasalanan ko at ni Kristal at binigyan kami ng
Diyos ng Tatay na batugan. At si Nanay, bakit nag-asawa ng lasenggo!
WALA akong maibigay na tubo kay Nanay.
- Nagkulang po kasi ng isang kaha ng sigarilyo, e.
Hindi ko masabing kinuha ni Tatay ‘yung isang kaha kulang pa sa puhunan ang
napagbilihan ko. Baka ‘kako marini ni Tatay at mapagbintangan akong nambibintang,
gayong tiyak ko naming s’ya ang kumuha nu’n. E, sino pa ba? Naku, ‘pag narinig ‘yo’y
tiyak na magpapanig na naman ang kanyang tenga at kahit na may hang-over ay tiyak
na
sapul na naman ang ulo ko ng malutong na batok at kung mamalasin pa’y may bonus
pang sipa’t tadyak. Kaya nga ingat ako sa pagsasalita.
Matama kong pinagmasdan si Nanay sa kanyang pagkakaupo sa harap ng isang
lumang lamesita. Halos magsalubong ang kanyang mga kilay at halos magkandakunut-
kunot ang kanyang noo sa pagbilang ng mga perang papel. Batid kong inihihiwalay
n’ya ang puhunang pambili ng mga karne para bukas o di naman kaya’y pilit n’yang
pinagkakasya ang tubo sa mahabang listahan ng aming mga utang sa tindahan ni Aling
Pinang. Dangan naman kasi, sa inutang na alak lang ‘ata ni Tatay, kulang na ang tinubo
ni Nanay. Ngayon ko lamang napansin, ang laki na nang itinanda at ipinayat ni Nanay.
Marami na ang guhit sa kanyang noo at ang kanyang mga braso ay yayat
na’t may mga balat nang lumalawlaw. Marahil ay pagkaluwang-luwang na sa kanya ng
kanyang kupas na bestida. Ilang taon na nga ba si Nanay? Sa pakiwari ko’y sadyang
napakatanda na ng kanyang hitsura sa kanyang edad. Napag-isip-isip ko, pinatanda na
si Nanay ng trabaho at sakripisyo… ng pagod at perwisyo… ng bunton at konsumisyon!
Naalala ko, umaga nu’n, bitbit na ang kahon ng mga sigarilyo nang masalubong ko si
Kristal na sisinghap-singhap habang basing-basa ang mga mata sa luha.
- Kuya, sabi ni Milet… ano… ano… bakla ka raw. Tinukso n’ya ko e… Kuya ko raw…
ano… bakla! Huhuhu….
- Lekat, pagagalitan ko nga ‘yung matabil na batang ‘yon!
Pinagalitan ko nga si Milet, kalaro at halos kasing edad ni Kristal. Ewan ko ba, pero
hindi ko matiis si Kristal. Gusto kong madama n’ya na may kakampi s’ya.
Hindi ko napansing nagtititili na pala ako sa harap ng batang walang kalaban-laban.
Nu’ng una’y si Kristal ang ipinagtatanggol ko pero nu’ng kalagitnaa’y napansin ko ng
sarili ko na ikinakatwiran ko. Sa isip-isip ko, oo na, bakla na kung bakla, pero hindi na
‘yun kailangang ipamukha pa. Alam na naman ‘yun ng lahat at hindi ko ‘yun ikinakaila.
“Yung iba nga sa looban, mandurugas, krimina, mamamatay-tao, putsa – sa madaling
salita, di hamak na mas masama kaysa sa ‘kin, kung masama nga ‘kong maituturing –
hindi naman sila bakla, ah. Bakit ba ang kabaklaan ng mga bakla ang madalas na
pinagdidiskitahan ng mga pakialamera? Kasalanan b ang maging bakla?
- E, ano ngayon kung bakla? Ang nanay mo nga e….. e….. ano….. nagpapaano… kung
kani-kanino nagpapaano!
Saka ko lamang napansing parang nagsesermon na’ko at ang sinenermonan ko’y
di na lamang si Milet kundi ang marami pang ibang tagaloob.
Bago pa ‘ko nakapagpatuloy at sisinghap-singhap na rin si Milet habang lumuluha
katulad ni Kristal kani-kanina.
- Isusumbong kita sa Nanay ko… isusumbong kita! Huhuhu…
Aba’y kahahatid-hatid ko pa lang kay Kristal sa bahay nami’y dinig ko na agad ang
matitinis na tili ni Aling Beth.
- Hoy, Openg! Anong ginawa mo kay Milet ko?
Sa harap ng aming pintuan, mga ilang hakbang ang layo ay naroo’t nakapamaywang si
Aling Beth habang si Millet ay nagtatago sa likod ng kanyang kanang binti. Halos

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 57


pumutok ang kanyang dibdib sa masikip niyang tube-blouse na pula. Inilalantad ng
kanyang maikling maong na shorts ang kanyang mapuputing binti. Samantala’y
nagpapakasasa naman sa katititi kay Aling Beth ang mga kalalakihang nangag-ipon na
sa harap ng bahay naming habang ang mga kababaiha’y nakaabang sa susunod na
mangyayari upang mamaya’y may paksa na naman silang mapagtsitsismisan.
- Pa’no ho’y pinaiyak n’ya si Kristal, e.
- E ano’t sinabi mo pang nagpapaano ako sa kung kani-kanino? Ano bang pakialm mo?!
Napag-isip-isip ko, hindi ko nga pala dapat sinabi ‘yon. Totoo, wala na ‘kong pakialam
do’n, tulad ng kawalan nila ng pakialam sa kabaklaan ko. Sabagay, alam na ‘yon ng
lahat. Alam ng lahat ng tagalooban na si Aling Beth ay nabuntis ng dati n’yang
kasintahang anak ng isang konsehal. Pero sa halip na panagutan ang kanyang dinadala,
tinakbuhan s’ya ng lalaki at binalaan pa s’ya ng konsehal na huwag gagawa ng
eskandalo. Hindi rin lihim sa lahat na nang makapanganak s’yay nagpalipat-lipat s’ya
ng pagsasayaw sa kung saan-saangbeerhouse hanggang sa humantong s’ya sa isang
mumurahing cabaret. At nitong huli, dahil medyo laspag na raw, ay umaasa na lang
s’ya sa barya-barya mula sa kung sinu-sinong tagalooban o dayong gusting magparaos
ng init.
Ngunit napasubo na’ko at kailangan kong mangatwiran.
- Dangan kasi’y si Milet naman ang nauna!
S’yang pasungaw ng Tatay ko sa pintuan, halatang naalimpungatan sa pagkakaidlip.
- How, Castor! ‘Yang mga anak mo, binastos ako’t pinaiyak ‘tong si Milet ko!
Ewan ko ba kung bakit kinailangan pang lakasan ni Tatay at iparinig sa kanila ang
bawat sermon at mura kasabay ng paghagupit ng yantok ng walis-tambo sa aming binti,
pigi, braso at sa kung saan-saan. Ewan ko kung bakit kinailangang lumagabag pa nang
malakas ang nabuwal na mesa’t mga nangaglaglagang platong lata.
Ngawa nang ngawa nu’n si Kristal. Ngunit dinig na dinig ko ang banta ni Aling Beth
bago sila umalis.
- Kastiguhin mo ‘yang mga anak mo, Castor! Kung hindi’y hindi na kita bibigyan ng
diskwento sa susunod!
LINGO nu’n, isang lingo mula nu’ng pagalitan ko si Milet at bugbugin kami ni Tatay.
Nakalimutan na nina Kristal at Milet ‘yun at wala na rin ang mga pasa sa katawan
naming magkakapatid.
Pagod na kaming magtaguan sa eskwelahan nina Noknok, Milet at Kristal kayat
napagkaisahan naming maglaro ng aral-aralan.
Bakit nga naman hindi, total tuwing Sabado o Linggo lang naman kami nakakapasok
sa eskwelahan, dangan nga lamang ay hindi upang mag-aral kundi upang
maglaro. Grade Sixn asana, samantalang si Kristal at Milet ay Grade two na sana. Ewan
ko ba kung bakit hindi kami makapag-aral gayong mahihirap din naming tulad naming
ang mga nag-aaral doon. A, siguro nga’y mas mahihirap kami!
- Si Openg na ang titser natin.
- E, sino pa?
Okay na rin, total pangarap ko rin naming maging titser. Kaya lang, ayaw ni Tatay.
Dinig na dinig ko pa nga ang usapan nila ni Nanay isang gabi.
- Sayang naman, Castrol, kung matitigil si Openg. Gusto pa naman daw n’yang maging
titser.
- Ku… ano bang titser-titser, kapurol-purol ng utak niyan! Paturuan mong
maggupit at magkulot do’n sa parlor, total babakla-baka, e! Buti pa
‘yon, arawan ang kita.
Inis na inis ako no’n kay Tatay. Kontrabida talaga! Aba’y hindi ‘ata mapurol ang utak
ko.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 58


- O sige, tayong mga pulis ni Ser Openg.
- Hoy, Mam Openg! Hahaha…
Batukan ko nga si Noknok. Mapang-asar kasi. Titser (daw) ‘ata ‘ko. Di tuloy siya
makaganti.
- O sige, sagutin n’yo ‘to. Sino ang ilaw ng tahanan?
- E di… bumbilya! Hahaha…
Mahilig talagang magpakwela si Noknok. Kaya naman inis sa kanya ang titiser n’ya.
Busero na, pilosopo pa.
- Tanga! Ang ina ang ilaw ng tahanan. Ngayon, sino naman ang haligi ng tahanan?
Si Noknok uli.
- Ama?
- Tama!
Pero hindi makapaniwala si Noknok. Naalala ko, ‘yun nga palang pulis n’yang tatay ay
may kinakasama na raw sa Pasay na mas bata at mas maganda kaysa nanay n’ya. Usap-
usapan nga minsan sa looban na Japayuki raw ‘yung bagong asawa ng tatay ni Noknok
at sila ng
nanay n’ya ay kinalimutan na raw. Sabagay, haligi nga nama’y suporta, pundasyon.
Paano nga naman maniniwala si Noknok na ang ama ang haligi ng tahanan kung ang
tatay n’ya mismo ay di sila sinusuportahan. At si Milet, nasaan na nga pala ang tatay
n’ya? Aba’y maging ang mga tsismoso sa looba’y nagsagawa na rin sa panghuhula!
Pero ewan ko, minsan naiinggit ako kina Noknok at Milet. Minsan kasi, naiisip ko, sana
mawala na rin ang tatay ko.
Isang hapo’y sinadya ko si Nanay sa palengke. Mahalaga ang aking pakay. Maselan
ang aking sasabihin. Sa gitna ng pag-alis-pagparito ng mga mamimili ay paputul-putol
kong naisalaysay kay Nana yang sinabi sa ‘kin ni Kristal.
- Kuya, kanina naglaro uli kami ng bahay-bahayan ni Tatay.
Gitla si Nanay at di-makapaniwala.
- S’ya raw ang Tatay at ako ang Nanay. Tapos… hinubaran n’ya ‘ko ng damit…
Ako ma’y di-makapaniwala nang ikwento sa ‘kin ‘yon ni Kristal.
- Tapos… tapos… naghubad din s’ya.
Matatalim ang titig sa ‘kin ni Nanay… mapang-usig.
- ‘Wag kang magbibiro ng ganyan, Openg!
Hind maaaring magsinungaling si kristal. Hindi s’ya maaarin magsinungaling sa ‘kin.
- Sabi n’ya ‘wag ko raw sasabihin kay Nanay. Bukas pa nga raw malalaro ‘uli kami.
Tapos, kuya, binigyan n’ya ng limampiso… eto o.
Ilang sandaling natigilan si Nanay. Sa pakiwari ko’y naghahagilap siya ng sasabihin.
Ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga kamay at ang pangangatal ng
kanyang panga.
- Ale, bili ba ho kayo…
Garalgal ang lumabas na tinig sa bibig ni Nanay.
- Ku…. Nagpapaniwala ka sa batang ‘yon! Gawa-gawa n’ya lamang ‘yon!
Sana nga…
- Ale, bili na kayo…
Sana…
Maagang naubos ang mga paninda ni Nanay kayat niyaya n’ya ‘kong sumabay sa kanya
sa pag-uwi. Bitbit ko ang bayong na lama’y mga kagamitan sa pagtitinda samantalang
sakbit ni Nana yang palumpon ng mga barya’t perang papel na pinagbilihan.
Magkasabay naming tinatahak ang landas patungo sa looban.
Sa daan, walang-imik si Nanay. Sa pakiwari ko’y binabagabag s’ya ng kwento sa ‘kin
ni Kristal. Pilit kong iwinawaksi ang pangyayaring ‘yon sa ‘king isipan ngunit madalas

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 59


pa rin akong natutuliro at natutulala sa pag-aalala. Ilang araw pinag-isipan at
pinagdalawahang isip kung dapat ko ngang sabihn. ‘yon kay Nanay. At ngayo’y ewa
ko kung tama ang
naging desisyon ko.
Ilang sandali lamang ay nasa harap na kami ng aming barung-barong. Marahang
binuksan ni Nanay ang pintong hindi natatrangkahan. At… at… at kapwa kami nagitla
ni Nanay sa aming nakita… si Tatay, halos hubo’t hubad na nakakubabaw kay Kristal
at sapu-sapo ang bibig ng kaawa-awa kong kapatid na walang-muwang sa pang-aabuso
sa kanyang kahinaa’t
kawalang-muwang. Napabalikwas si Tatay. Hindi pa man siya lubusang nakababangon
ay nasugod na siya ni Nanay.
- Walanghiya ka, Castrol! Walanghiya!
Pinagbubugbog ni Nanay ang dibdib at mukha ni Tatay. Ang mga mata ni Nanay ay
nag-aapoy sag alit. Dama ko ang nagpupuyos na suklam, muhi at poot sa kanyang
dibdib.
Hinawi s’ya ni Tatay, hinablot sa buhok at sinuntok, tinadyakan, tinulak. Bumalandra
si Nanay sa lamesita. Nagkalampagan ang mga latang plato. Nabasag ang mga basong
dati’y sisidlan ng kape. Kitang-kita ko nang umagos ang dugo mula sa mga labi Nanay.
Kitang-kita ko…
Nandilim ang aking paningin. Dali-dali kong kinapa ang laman ng bitbit kong bayong.
Sumakamay ko ang kutsilyong gamit ni nanay sa palengke. Nagsusuot ng pantaloon si
Tatay nang s’yay aking sugurin. Ubod-lakas ko s’yang inundayan sa kanyang likuran.
Napaharap s’ya sa ‘kin, napahinuhod. Nanlaki ang kanyang mga pulang mata. Parang
biglang nawala ang kanyang kalasingan. Sa kanyang bibig ay may tumakas
na ilang utal na salita.
- O… O… Openg… hu… hu… wag…
Ngunit sa kanyang mukha’y nakita ko ang larawan ng tatay ni Noknok, ‘yung pulis na
umiwan sa kanilang mag-ina.
Muli kong inundayan s’ya ng saksak sa dibdib…
-Para kay Noknok!
Naalala ko ‘yung anak ni konsehal, ‘yung umabandona kina Aling Beth at Milet.
Isa pa, sa tiyan…
-Para kay Milet!
Nakita ko si Nanay… gitla at tulala. Naalala ko ‘yung pagpapakahirap n’ya sa
pagtatrabaho habang si Tatay ay nagpapalaki ng ano sa kahihilata sa bahay. Naalala ko
‘yung bugbug n’yang iniluluha n’ya na lang at madalas ay pilit n’yang itinatago sa ‘min.
Isa pa sa tagiliran…
-Para kay Nanay!
Naalala ko ‘yung pag-aaral ko ng nahinto, ‘yung panlalait sa kabaklaan ko, ‘yung
maraming batok at tadyak at ‘yung bawat pasa sa katawan ko na oo nga’t naghilom ay
nag-iiwan naman ng latay sa puso ko’t isipan.
Isa pa, sa balakang….
- Para sa ‘kin!
Tiningnan ko si Kristal… duguan ang binti at hindi magkamayaw sa kangangawa sa
harap ng nasasaksihang karahasan. Naalala ko ‘yung kamusmusan n’yang inagaw ni
Tatay, ‘yung kahinaan niyang sinamantala ni Tatay, ‘yung kalinisan niyang dinungisan
ni Tatay at ‘yung pagkababae niyang niluray ni Tatay.
Isa pa, sa ano…
-Para kay Kristal!
Nanaginip ‘uli ako.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 60


Nakaharap sa pader sa dulo ng pasilyo si Kristal, nakahilig ang kanyang noo sa braso.
- Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo!
Isa… Dalawa… Tatlo…
Nakita ko ang silid sa kaliwa’t kanan ng pasilyo: Doon sa isa sa mga iyo’y madalas
kaming maglaro ng aral-aralan nina Noknok, Milet at Kristal. Sa kabilang dulo ng
pasilyo’y naroroon pa rin ang banyong madalas dating pambosohan ni Noknok.
-Apat… Lima… Anim…
Mula sa butas ng banyong iyo’y kita-kita k si Kristal. Wala pa ang sampu’y lilinga-
linga na s’ya.
- Pito… Walao… Siyam…
Sinilip niya ang unang silid.
- Sampu!!!
Ginalugad niya ng tingin ang mga lumang mesa’t mga iika-ikang silyang naroroon.
Napalipat-lipat ng silid si Kristal… palinga-palinga… naghahanap… upang pagdating
sa huli’y maluha-luha s’yang iiling-iling, sabay bubunghalit at mag-aanyong kaawa-
awa.
Sa gayong tagpo’y kaaawaan ko ang kanyang inosenteng mukha na lalong pinaamo ng
nangingislap n’yang mga mata dahil sa mga namumuong mga luhang nagbabadyang
pumatak.
Ngunit hindi pangalan ko ang tinatawag ni Krista. Hindi ako ang hinahanap n’ya…
- ‘Nay… ‘Nay… Nanay?
Marahan kong hinaplos ang buhok ni Kristal at maamong tinitigan ang kanyang maamo
at kaawa-awang mukha.
- “Wag kang mag-alala Krista, Bukas dadalawin natin sa presinto si Nanay…
-wakas-

Gawain 23: Suriin ang maikling kwento na “Tagpuan” ni Rolando A. Benales


gamit ang balangkas na nasa ibaba ng teksto.
I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod
VI. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan
c. Suliranin
d. Kasukdulan
e. Kakalasan
f. Wakas
VII. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
VIII. Mga Puna

Gawain 24: Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa akdang nasa itaas.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 61


1. Anong klaseng mukha ng kabaklaan ang itinampok sa kuwento? Ilarawan
ito.
2. Magbigay ng tatlong isyung panlipunan ang isinawalat maliban sa isyung
pangkasarian. Makatotohanan baa ng maipakita ang mga ito o hindi? Bakit?
3. Makatarungan baa ng ginagawa ng nanay ni Openg sa wkas ng kuwento?
Pangatwiranan ang pipiliing panig.

Babae - Inang Laya

Kayo ba ang mga Maria Clara


Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban?
Kaapiha'y bakit iniluluha?
Mga babae, kayo ba'y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella


Na lalake, ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanapbuhay ay pagpapuputa?
Mga babae, kayo ba'y sadyang pang-kama?

Ang ating isip ay buksan


At lipuna'y pag-aralan
Paano nahubog ating isipan
At tanggaping kayo'y mga libangan
Mga babae, ito nga ba'y kapalaran?
Bakit ba mayroong mga Gabriela
Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha't awa?
Sila'y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya

Bakit ba mayrong mga Lisa


Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka
At ngayo'y marami nang kasama?
Mga babae, ang mithiin ay lumaya

Gawain 25: Gamit ang isang maikling tula, ilantad ang isyung panlipunang
inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at bigyan ito ng
kaukulang mga patotoo.

Gawain 26: Suriin ang awit na “Babae” Ni Inang Laya gamit ang balangkas ng
pagsusuri sa ibaba.

I. Pamagat
II. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 62


c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
III. Mga Puna

PAPEL DE LIHA (Sinulat ni Ompong Remigio)


7 May 2011 at 02:51Public

Ang nanay ko ang imis-imis.


Pag may duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon.
Pag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon.
Pag may sebo sa kawali, kaskas dito, kaskas doon.

Dadako siya sa sala at mag-aayos.


Pag may diyaryong nakakalat, ligpit dito, ligpit doon.
Pag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon.
Pag may maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon.

Papasok siya sa kusina at magbubusisi.


Pag may ulam na malamig, salang dito, salang doon.
Pag may isdang sariwa, sigang dito, sigang doon.
Pag may kalan na tabingi, kalang dito, kalang doon.

Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit.


Pag may sintas na maluwag, tali dito, tali doon.
Pag may tastas na laylayan, tahi dito, tahi doon.
Pag may butas na pundilyo, tagpi dito, tagpi doon.

Gagawi siya sa paliguan at mag-uusisa.


Pag may wee-wee na nakita, buhos dito, buhos doon.
Pag may aah-aah na naiwan, buhos dito, buhos doon.
Pag may ooh-ooh na sumingit, buhos dito, buhos doon.
Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan.
Pag may dahong naglaglagan, walis dito, walis doon.
Pag may ipot ng ibon, palis dito, palis doon.
Pag may uod na naipon, alis dito, alis doon.

‘Yan si nanay. Ang imis-imis.


Maghapon at magdamag, kiskis-kuskos, higpit-ligpit, salang-sigang, tali-tagpi, walis-
palis.

Isang araw, dumating si Tita Maring. Ang sabi niya: “Ano ba naman, Milagring!
Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-kiskis-kuskos kaya kumapal at gumaspang ang
mga palad mo. Parang papel de liha na pang-isis. Hinay-hinay ka lang at magpalambot
ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo.”

Hindi na hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay?


Bakit? Ano ba ang papel de liha?
Naghanap ako sa bahay ng papel de liha pero papel de hapon lang ang nakita ko.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 63


Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang at bumili ako ng papel de liha.
Magaspang ito. Mahapdi sa balat. Gasgas ang kahoy sa isang kaskas. Nisnis ang damit
sa isang isis. Ganito nga ba kagaspang ang mga kamay ni Nanay?

Minsan nilagnat ako at napilitang mahiga. Si nanay tumabi sa akin. Nang tumaas ang
lagnat ko, punas dito, punas doon. Nang sumama ang pakiramdam ko, lunas dito, lunas
doon. Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon.

Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay? Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang
humimas at humaplos siya sa akin? Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay.
Mali si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.

Noong magaling na ako, nakita ko na naman si Nanay na umiikot sa bahay. Pag di


pantay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon. Pag may bubuwit sa silong, silip
dito, silip doon. Pag may palay sa bigas, tahip dito, tahip doon. Pag may laruang
nakakalat, kipkip dito, kipkip doon. Pag nabukulan ako, kapkap dito, kapkap doon. Pag
may ligaw na kuting, kupkop dito, kupkop doon.

Minsan nakita kong magkahawak-kamay sina Nanay at Tatay.


Ang sarap tingnan. Mali talaga si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni
Nanay. Hindi papel de lihang isis dito, isis doon. Kiskis dito, kiskis doon. Kaskas dito,
kaskas doon.

Pero di ko pa rin natiis na tanungin si Nanay kung bakit nasabi ni Tita Maring na papel
de liha ang mga palad niya. “Anak, makapal at magaspang na ang mga palad ko dahil
sa katatrabaho,” ang sabi nya.
Inisip ko, pinalambot ng magagaspang na kamay ni Nanay ang unan sa ulo ko.
Ang manok na nilaga… ang kutson sa upuan…
ang mga medyas at kamiseta ni Tatay… ang lupang batuhan…
pati lumang pandesal lumambot din.

Pumunta ako kay Nanay at humawak sa mga kamay niya.


Pakiramdam ko, kahit kailan, ayaw ko nang bumitiw pa.

Gawain 27: Suriin ang maikling kwento na “PAPEL DE LIHA” ni Ompong


Remigio gamit ang balangkas na nasa ibaba ng teksto.

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod
VI. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan
c. Suliranin
d. Kasukdulan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 64


e. Kakalasan
f. Wakas
VII. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
VIII. Mga Puna

Gawain 28: Gamit ang isang maikling Kwentong Papel De Liha, ilantad ang
isyung panlipunang inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga susing salita at
bigyan ito ng kaukulang mga patotoo.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 65


Sosyedad at Litertura/Panitikang
Panlipunan

Kabanata 7

Isyung Panlipunan:
Manggagawa

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 66


Kabanata 7
Isyung Panlipunan: Manggagawa
Panimula

Maraming mahalagang salik na nagbubuo ng kasaysayan ng karapatang


manggagawa. Kadalasan, ang mga mamamayan ay naniniwala na ang batas ay sanhi
pagkakaroon ng karapatan ng mga tao. Sa halip, ang mga batas na pinaniniwalaan natin
sa kasalukayan ay batay sa mga paniniwala na may likas na karapatan ng mga tao, at
bukod doon, ang tungkulin ng pamahalaan ay magtanggol ng likas na karapatan. Sa
paglipas ng kasasayan, marami ring mamamayan sa Estados Unidos ang naniwala sa
dito. Datapwa’t, kadalasan, hindi nagtatanggol o pumapansin ang pederal na
pamahalaan ng karapatang manggagawa. Dahil dito, ang kasaysayan ng karapatang
manggagawa ay umunlad mula sa mga pakikibaka ng mga manggagawa. Halos lahat
ng mga batas para sa mga karapatang manggagawa na nakikita natin sa kasalakuyan ay
nanggagaling sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga kilusan ng mga manggagawa.
Ngunit, sa espesipiko, nanggagaling ito sa pagkilos ng mga organisasyong
manggagawa.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang ilang akda na may kaugnayan sa isyung pangkasarian.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


Kabanata 7: Isyung Panlipunan: Manggagawa = 3 oras
(1 oras para sa talakayan; 2
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)
Isyung Panlipunan: Manggagawa
Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang
pinakamahalagang karapatang manggagawa na itinataguyod ng International Labour
Organization (ILO) ay ang sumusunod.

 Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na


malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.

 Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang


bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.

 Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang
mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal
ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.

 Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.


Samakatuwid may minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para
sa mga kabataan.

 Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay


na suweldo para sa parehong na trabaho.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 67


 Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at
ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas.

 Ikawalo, ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa


makataong pamumuhay.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 68


Gawain
GAWAIN BLG. 29-30

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________

Kurso at Taon: _________________________ Marka: __________

ANG APAT NA SIKRETO NG SAHOD


Maikling Kwento
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Maaliwalas ang umaga. Walang nakalambong na ulap sa bughaw na langit. Tila


kaysarap ng simoy ng hangin bagamat nasa lungsod ang lugar na puno ng polusyon.
Imbes na huni ng mga ibon ay pawang harurot ng traysikel ang bumubulabog sa
katahimikan ng lugar.

Gising na ang mga manggagawa sa piketlayn, habang may ilang di pa makatayo


sa pagkagupiling dahil na rin sa pagod sa nagdaang araw. Nagdagsaan kasi kahapon
ang mga manggagawang kasapi ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Metro East
Labor Federation, at ang pederasyon ng mga nakapiket, ang Super Federation, na siyang
mayhawak ng kaso ng nakawelgang unyon.

Nagsibangon na ang ilang lider dahil sa maagang pagdating ng mga kabataang


estudyante mula sa grupong Piglas-Kabataan o PK. Ang mga ito'y mga anak ng mga
lider-maralita ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) at ng pederasyong Kongreso
ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML). Bakasyon noon at isa sa gawain
ng mga kabataan ang integrasyon sa hanay ng mga manggagawa, na taun-taon nilang
ginagawa, at nais din nilang kapanayamin ang mga lider ng unyon para sa kanilang
munting dyaryong Piglas. Bakit nga ba nakawelga ang mga manggagawa? Gaano nga
ba kahirap ang buhay sa piketlayn?

"Magandang araw po!" ang bati ni Magda, ang lider ng may pitong kabataang
dumalaw sa piketlayn. "Kami po ang mga lider-kabataan mula sa Piglas-Kabataan.
Narito po kami upang makapanayam kayo, at kahit po sa munting panahon ay
makipamuhay sa inyo."

"Ako nga pala si Lena, ang pangulo ng unyon dito sa pabrika. Mabuti naman at
napadalaw kayo. Kumain na ba kayo? Pagpasensyahan nyo muna ang aming agahan,
sinangag, tuyo at kamatis."

"Salamat po. Katatapos lang po namin. Bakit po kayo nakapiket ngayon?"

"Nagpiket kami dahil tinanggal kami sa trabaho bilang regular. Ang sabi ng
manedsment, pwede naman daw kaming muling i-rehire pero gagawin na kaming mga
kontraktwal. Ang gumagawa ngayon ng aming trabaho ay yaong mga totoong
kontraktwal, kaya kaming mga regular na siyang dapat mayhawak ng mga makina ay
narito't nakapiket."

Siya namang pagdating nina Vilma at Nora, pawang mga instruktor hinggil sa
kalagayan ng paggawa.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 69


"Sandali, Magda, ha? Kumustahin ko muna sila." ani Lena. "Kumusta na, Vi at
Nors? Sila nga pala yung mga kabataang estudyante sa pangunguna ni Magda. Baka
pwedeng makasama rin sila sa idaraos nating pag-aaral ngayon."

"Kumusta?" sabay abot ng kamay. "May idaraos nga pala kaming pag-aaral
ngayon, tungkol ito sa paksang Puhunan at Paggawa. Dalo sana kayo."

"Mabuti naman po kami. Mabuti po at may pag-aaral na idaraos, makikinig


kami. Alam naming anumang butil ng kaalamang aming matamo mula sa mga
manggagawa ay malaking punong mabunga na ang aming makakamit."

"O, paano po? Maliit lang naman itong lugar natin kaya tiyak namang
magkakarinigan tayo." ani Vi.

Katatapos lamang mag-almusal ng mga manggagawa, kaya naghanap na sila ng


maayos na pwesto para sa pag-aaral. Inilatag ni Nora ang manila paper at tumambad sa
mga manggagawa ang pamagat na malaking nakasulat: Puhunan at Paggawa. Ang mga
estudyante naman ay naupo na rin upang matamang makinig.

"Mga kasama, isang magandang umaga sa ating lahat,” ang bungad ni Vilma.
“Tayo ay nabubuhay sa ilalim ng kapitalistang lipunan. Ibig sabihin, ang sistema ng
lipunan ay katulad din ng sistema sa pabrika. Pagkat sa pabrika, sistemang kapitalismo
ang pinaiiral. Suriin natin ang buhay sa pabrika. Tumatakbo ang buhay sa pabrika sa
pamamagitan ng dalawang mayor na aspeto: ang puhunan at ang paggawa. Ibig sabihin,
hindi pwedeng isa lang sa kanila. Ang kapitalista ang siyang may-ari ng pabrika at
siyang namuhunan sa makina, hilaw na materyales, at nagbabayad sa sahod ng
manggagawa, at ang manggagawa naman ang nagbebenta ng lakas-paggawa upang
tumakbo ang pabrika."

"Sila po pala ang may-ari, e, di sila po ang mapagpasya sa kumpanya", ang


sabad ni Ato, isa sa mga estudyante.

"Alam nyo ba na di tatakbo ang pabrika kung wala ang manggagawa? Anumang
gawin ng kapitalista sa kanyang pera, makina at hilaw na materyales, hindi sila kikita.
Di tutubo ang pera, kakalawangin lang ang makina, at baka masira lang ang mga hilaw
na materyales. Tatakbo lang iyan at tutubo lang ang kapitalista kapag pinagalaw na ng
manggagawa ang mga makina," paliwanag ni Vilma.

"Ibig sabihin po pala, tatakbo lang ang pabrika kasi nariyan ang manggagawa,"
sabad muli ni Ato.
"Tama ka. Kung walang manggagawa, di tatakbo ang pabrika, ngunit pwedeng
tumakbo ang pabrika kahit walang kapitalista. Makagagawa ng produkto ang mga
manggagawa dahil sa kanilang lakas-paggawa na siyang binibili naman ng kapitalista,
at ang pambayad sa presyo ng lakas-paggawa ng manggagawa ang tinatawag na sahod."

Tatangu-tango sina Magda, pati na si Lena at ang iba pang manggagawa.

"Alam nyo ba na may apat na sikreto ang kapitalista hinggil sa usaping sahod.
Una, tinatakpan ng terminong sahod ang katotohanang ang turing sa manggagawa ay

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 70


ordinaryong kalakal. Ibig sabihin, ang halaga ng lakas-paggawa ang siyang presyong
binabayaran ng kapitalista, at ang tawag sa presyong ito ay sahod. Ikalawa, tinatakpan
ng terminong sahod ang katotohanang ito ay kapital. Ang sahod ay hindi lang
panggastos ng manggagawa para siya mabuhay. Ito mismo ay gastos ng kapitalista para
umandar ang kanyang negosyo at lumago ang kanyang kwarta. Ibig sabihin, ito ang
pinakaimportanteng bahagi ng kanyang kapital," paliwanag pa ni Vilma.

"Di po ba, kaltas sa puhunan ng kapitalista ang sahod? Bakit ito ang
pinakaimportante sa kapitalista, gayong kabawasan nga ito?" Malalim ang pagsusuri ni
Magda.

"Magandang tanong," ani Vilma. "Ganito iyan. Ang sahod bilang pera, kapag
ginastos na ng manggagawa, ay nauubos. Pero sa kapitalista, ang sahod ding ito, habang
ginagastos ng kapitalista, ay lumalago. Bakit ka'nyo? Maliit lang kasi ang gastos sa
sahod ng manggagawa kumpara sa tubo ng kapitalista. Magbigay tayo ng halimbawa."

Inilatag na agad ni Nora ang isa pang manila paper, at natambad sa mga
manggagawa't kabataan ang isang kompyutasyon. Pulos numero sa kanang bahagi,
habang sa kaliwang bahagi naman ang kumakatawan sa mga numero.

"Suriin natin ang mga datos batay sa kompyutasyon sa kita ng kumpanyang


Goldi. Sa isang departamento nila, nakakagawa ang mga manggagawa ng 12,000 rolyo
ng cake bawat araw, sa loob ng 3 shift. Ibig sabihin, may 4,000 cake ang nagagawa sa
bawat shift. Ang halaga ng bawat cake sa merkado ay P200. May kabuuang 106 na
manggagawa na sumasahod ng P450 sa loob ng walong oras na paggawa, mas mataas
ng kaunti sa minimum wage ngayon na P426 dito sa National Capital Region,"
paliwanag ni Vilma, habang matamang nakikinig at nakatitig ang mga manggagawa sa
mga numero, nagsusuri.

"I-multiply natin. Ang halaga ng kabuuang rolyo ng cake ay P2,400,000.00;


mula 12,000 rolyo ng cake times P200.00 halaga ng bawat cake. Gumastos ngayon ang
kumpanya ng sahod na P47,000.00 lamang, mula sa komputasyong P106 manggagawa
times P450.00 na sahod kada araw. Ibawas natin ang kabuuang benta ng cake:
2,400,000.00 minus sahod na P47,700.00, ang kita ng kumpanya o gross profit ay
P2,352,300.00. Ibawas na rin natin dito ang gastos sa buwis, bayad sa kuryente at tubig,

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 71


gastos sa depresasyon ng makina, at hilaw na materyales, na nasa kalahati o 50% ng
kita. Mula sa gross profit P2,352,300.00 (kita minus sahod) ibabawas ang kalahati nito
o 50%, ang kita ng kumpanya ay P1,176,150.00 sa isang buong araw. O, di ba, malaki
ang tubo ng kumpanya. Paano kung i-multiply mo pa ito sa isang buwan? E, di limpak-
limpak na tubo ito, kumpara sa gastos nila sa sahod," mahabang paliwanag ni Vilma.
Nakakunot naman ang noo ng mga nakikinig. Halatang nagsusuri.

"Mula sa kompyutasyon sa itaas ay dadako naman tayo sa ikatlong katotohanan


ng sahod. Tinatakpan ng terminong sahod ang katotohanang ito ang pinanggagalingan
ng tubo ng kapitalista. Ang gastos sa sahod ang siyang porsyon ng kapital na
pinanggagalingan ng tubo. Sa madaling salita, ang porsyong ito ng kapital ay walang
ambag sa produksyon na ginastos para sa materyales at makina. Ito ang misteryo at
mahika ng kapitalismo. At panghuli sa apat na katotohanan hinggil sa sahod, ang
nagpapasahod talaga sa manggagawa ay ang mismong manggagawa," dagdag pa ni
Vilma. "Halina't muli tayong mag-kompyut." Inilatag ang isa pang manila paper.

"Sa P2,400,000.00 kita ng kumpanya sa isang araw, hatiin natin ito sa 106
manggagawa. Lumalabas na bawat manggagawa ay kumikita ng P22,641.51 sa bawat
araw o walong oras niyang pagtatrabaho. Hatiin natin bawat oras ang halagang ito:
P22,641.51 divided by 8 oras, pumapatak itong P2,830.19 bawat oras. Ibig sabihin,
mahigit dalawang libong piso na ang kita ng bawat manggagawa sa isang oras niyang
pagtatrabaho. Hatiin natin ito sa bawat minuto: P2,830.19 divided by 60 minuto.
Lumalabas na sa bawat minuto sumasahod ang manggagawa ng halagang P47.17. At
kung hahatiin naman ito sa bawat segundo: P47.17 divided by 60 segundo, lumalabas
na sa bawat segundo ay may 79 sentimo ang manggagawa," mahabang talakay muli ni
Vilma.

Sumabad si Magda na noon din ay nagkokompyut sa papel, "Ibig sabihin po


pala, sa P450 sahod ng manggagawa, kung hahatiin sa P47.17 kita niya bawat minuto,
lumalabas pong sa loob lamang ng 9.5 minuto ay nakuha na ng manggagawa ang
kanyang sahod. At ang natitirang pitong oras at 50.5 minuto ay sa kapitalista na
napunta. Nakagagalit naman ang ganyang katusuhan ng kapitalista. Dapat nga po
talagang lumaban ang mga manggagawa"

"Tama ka, Magda. Iyan ang halaga ng di bayad na oras ng paggawa. Ibig
sabihin, malaki talaga ang tinutubo ng kapitalista sa bawat araw, at mumo lang ang

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 72


natatanggap ng manggagawa," ani Vilma. "Okey, mga kasama, uulitin ko, ha. Ang apat
na lihim ng kapitalismo hinggil sa sahod ay ang apat na katotohanang pilit itinatago nila
sa manggagawa. Ang sahod ay presyo. Ang sahod ay kapital. Ang sahod ang
pinanggagalingan ng tubo. At ang huli, ang sahod ay galing mismo sa manggagawa.
Napakaliit na nga ng naibibigay sa manggagawa, nais pang baratin ng kapitalista upang
humamig pa ng humamig ng tubo."

Nagtanong si Jose, isa pa sa mga kasamang estudyante ni Magda. "Bakit po


nakapako kasi ang sweldo ng manggagawa sa P450, di po ba pwede namang taasan ito?
Mga P1,000 sa isang araw, para kahit papaano naman ay mabuhay naman ng maayos
ang pamilya ng manggagawa. Sa pagkakaalam ko, P1,000 ang sinasabi ng NEDA na
halagang makabubuhay sa isang pamilya."

Si Nora naman ang sumagot, "Alam nyo, ang minimum wage ay tinatakda
mismo ng gobyerno sa pamamagitan ng Minimum Wage Law, at pinapatupad ito ng
Regional Wage Board. Mga kapitalista ang mayorya sa Kongreso na siyang nagpasa ng
batas na ito, kaya anong aasahan natin, kundi pawang mga batas na pabor sa kanilang
uri, pabor sa kapwa nila kapitalista. Bihira nga ang mga batas ngayong talagang kampi
sa manggagawa."

Pinutol ni Vilma ang talakayan, "Sa ngayon ay iyan muna ang ating tatalakayin.
May kasunod pa tayong paksa hinggil naman sa kapitalistang lipunan."

"Pinagnilayan ko pong mabuti ang mga paliwanag ninyo. Tama at lohikal.


Nuong bata pa po ako ay nagtataka na kung bakit kung sinong masisipag ang siyang
naghihirap, tulad ng aking amang magsasaka sa probinsya na madaling araw pa lang ay
gising na para bisitahin ang bukid at mag-araro. Napakasipag pero mahirap pa rin kami.
Sa ngayon po, nagpapasalamat po kaming muli sa aming mga natutunan,” ani Magda,
“Handa po kaming kumuha ng iba pang pag-aaral. Naniniwala po kaming ang mga
manggagawa na siyang gumagawa ng yaman ng lipunan ay di dapat naghihirap.”

Katanghaliang-tapat na kaya nagyaya na si Lena kina Magda, "O, siya.


Naghanda na kami ng ating pananghalian. Kumain muna tayo at saka natin ipagpatuloy
ang ating naudlot na kwentuhan kanina."

"Sige po." At masaya nang nagsikuha ng kani-kanilang mga pagkain ang mga
kabataang estudyante, kasama ang mga unyonistang ilang araw na ring nakapiket.

Gawain 29: Suriin ang maikling kwento na “ANG APAT NA SIKRETO NG


SAHOD” ni Gregorio V. Bituin Jr. gamit ang balangkas na nasa ibaba ng teksto.

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod

VI. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 73


c. Suliranin
d. Kasukdulan
e. Kakalasan
f. Wakas

VII. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan

VIII. Mga Puna

Gawain 30: Gamit ang isang maikling Kwentong Ang Apat na Sekreto ng Sahod,
ilantad ang isyung panlipunang inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang mga
susing salita at bigyan ito ng kaukulang mga patotoo.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 74


Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan

Kabanata 8

Isyung Panlipunan:
Diaspora/Migrasyon

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 75


Kabanata 8
Isyung Panlipunan: Diaspora/Migrasyon
Panimula

Sa hirap ng buhay, maraming mga Pilipino ang mas pinipiling mangibang bansa
na lamang para mabigyan ng maayos at magandang buhay ang kanila-kanilang pamilya.
Sa kabanatang ito, matutunghayan natin ang ilang sitwasyon na kung saan
tinatalakay ang isyu patungkol sa diaspora/migrayson.
Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang ilang akda na may kaugnayan sa diaspora/migrasyon

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


Kabanata 8: Isyung Panlipunan: Diaspora/Migrasyon = 3 oras
(1 oras para sa talakayan; 2
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)
Diaspora o Migrasyon
Ang salitang "Diaspora" ay salitang nag-uugnay sa mga sinaunang Griyego na
nagsisikap na sakupin at manirahan sa mga lupain sa labas ng bansang Griyego upang
matugunan ang kanilang suliranin sa lumalaking populasyon nuong ikaapat na siglo
bago ipanganak si Kristo.

Sa pamamagitan ng Lumang Tipan na isinalin sa Griyego, nagkaroon ng


pagbabago ang orihinal na konsepto ng "Diaspora" na tumalakay sa mga mamamayang
Hudyo (Jews) na ipinatapon ng mga Babilonyan mula sa Hudea at ng Romano Imperyo
mula Herusalem.

Ang pangkaraniwang salita na "Diaspora" ay tumutukoy sa lupon ng mga tao


o etnikong populasyon na pinilit or hinimok na iwan ang kanyang tradisyunal na
ethinkong tahanan at mamuhay at manirahan sa ibang komunidad. Makalipas ang
maraming siglo matapos maglaho ang kaharian ng mga sinaunang Griyego, ang
kasaysayan ng ating daigdig ang nagsilbing isang buhay na saksi sa pangkasalukuyang
konteksto ng mga pangdaigdigang diaspora na nag-ugat mula sa pagpapatapon,
pagpapa-alipin, kapootang panlahi, digmaan at iba pang di- mapagkaunawaan ng mga
tao, o dahil sa mga natural na kalamidad o kalunos-lunos na sitwasyong pang
ekonomiya sa Bayang Sinilangan.

Ang diaspora ay isang kaganapan kung saan may malaking pagkilos ng mga tao
na lumikas at naghahanap ng kaligtasan mula sa isang magulong kondisyon. Ito ang
simula ng kuwento sa paglalakbay ng Lahing Kayumanggi.

Ang diaspora ay unang ginamit para bigyang pangalan ang mga taong inilipat
ng tahanan dahil sa digmaan pero ngayon ang kahulugan ng diaspora ay nagbago na.
Ito ay ang pangingibang bansa ng mga mamamayan ng isang bansa, partikular ang mga
Pilipino, para makahanap ng mas mabuting kabuhayan.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 76


Ang Migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang
lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o
permanente.

Dalawang Uri ng Migrasyon

1. Push Factor - ito ang mga negatibong salik na nagtutulak sa mga tao upang
maglipat o mandayuhan at umalis sa kasalukuyang tinitirahang lugar. Ginagawa
ito dahil sa paghahanap ng kapayapaan, o dahil may kalamidad, pagputok ng
bulkan, o ang lugar ay nasalanta ng bagyo. Maaari ring dahil sa paghahanap ng
makakain o mapagkukunan ng yaman para manatiling buhay.

2. Pull Factor - ito ang mga positibong salik na humihikayat sa tao na


mandayuhan sa ibang lugar. Pagdayo ang layunin nito upang magtamo ng
kaunlarang pangkabuhayan. Para sa mga tao, sila ay lumilipat para magamit ang
kanilang mga pinag-aralan na hindi nila magamit sa sariling bayan.

MGA DAHILAN NG PAG-ALIS O PAGLIPAT

1. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid


ng masaganang pamumuhay.

2. Paghahanap ng ligtas na tirahan.

3. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan


sa ibang bansa.

4. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang


industriyalisado.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 77


Gawain
GAWAIN BLG. 31-35

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________

Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

Uuwi na ang Nanay Kong si Darna


ni Edgar Samar

Tuwang-tuwa si Tatay sa balita niya sa akin. “Uuwi na ang Nanay mo!” sabi
niya habang nasisilip ko na halos ang ngala-ngala niya sa kaniyang pagtawa. Hindi ko
alam kung matutuwa rin ako. Kasi, hindi ko pa naman talaga nakikita nang totohanan
si Nanay.

Alam ko lang ang itsura niya dahil sa mga picture. Lagi siyang may karga-
kargang bata. Nung nakaraang Pasko, nagpadala siya ng picture na kasama nila si Santa.
Isang beses ko pa lang siyang nakausap sa telepono. Itinanong ko kung ano’ng hiniling
kay Santa nung batang buhat-buhat niya. Tawa lang nang tawa si Nanay. Parang hindi
niya naririnig ang sinasabi ko.

Maliit na maliit pa raw ako nung umalis si Nanay papuntang Hong Kong.
Karga-karga nga raw ako ni Nanay nang ihatid siya sa airport ng buong angkan namin.
“Tatay, bakit po ba umalis si Nanay? Tinitigan muna ako ni Tatay bago siya sumagot.
Laging ganoon si Tatay kapag may itinatanong ako tungkol kay Nanay. “Alam mo
anak, kailangan kasi ang tulong ng Nanay mo sa ibang bansa. Aba, ang galling naman
kasi ng Nanay mo.”

Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang talunin ang milyon-milyong mikrobyo sa


bahay. Isang pasada lang niya ng wonder walis niya, Swissss! Patay lahat ng dumi na
nagdadala ng sakit.

“Kayang-kaya ring pataubin ng Nanay mo ang gabundok mang labahin. Sa


maghapon, kuskos dito, piga doon. Walang sinabi ang mantsa! Lilinis at puputing tiyak
ang labada.”

“Para po palang si Darna si Nanay, Tay! May power.” Anong parang si Darna?
Si Darna talaga ang Nanay mo, pagmamalaki ni Tatay. “Aba, kahit sino’y hindi niya
inuurungan! Sinumang umiiyak na bata’y tumatahan agad kapag kaniyang inawitan.
Kaya nga gustong-gusto siya ng kaniyang tinutuluyan at ayaw na siyang paalisin.”

“Pero ‘Tay, kung si Darna po si Nanay, bakit bukas pa siya darating? Bakit di
na lang niya liparin papunta rito sa ‘tin para mabilis?” Napangiti lang si Tatay.
“Liliparin nga niya. Kaso lang, kailangan niyang tawirin ang isang malawak na dagat
bago siya makarating dito sa atin.”

Isang malawak na dagat pa pala ang tatawirin ni Nanay. Hindi kaya siya
maligaw? Hindi tuloy ako makatulog nang gabing iyon. Makilala pa kaya ako ni
Nanay? Aba, ipagmamalaki ko siya sa mga magiging kaklase ko sa pasukan. Si Darna
yata ang Nanay ko!

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 78


Naku, umaga na pala! Ang ingay sa labas. Ano raw? Nandiyan na si Nanay?
Aba, hayun nga’t may bumababa sa dyip ni Tatay. Nandito na si Nanay! Kamukhang-
kamukha nga ni Nanay ang babae sa picture. Ang ganda pala lalo ni Nanay sa
totohanan. Ano kayang itsura niya kapag siya na si Darna? Buhat-buhat ni Tatay ang
isang malaking kahon. Hili-hila naman ni Nanay ang isang malaking bag.

Nahiya akong magpakita kay Nanay pero ‘yung ibang mga tao? mga tito at tita
ko, mga kapitbahay namin? nakapaligid lahat kay Nanay. Alam na kaya ng lahat ng tao
sa bahay na siya si Darna? Saan kaya niya itinago ‘yung batong agimat niya?
Nagpalakpakan ang lahat nang buksan ni Nanay ang kahon.

Naglabas ng paisa-isang gamit si Nanay mula sa kahon. Iyung pantuyo raw ng


buhok para kay Tiya Lupe. Iyung pantimpla ng kape kina Manang Letty. Iyung
pandurog ng mga prutas kina Manong Ben. Ang dami pang iba. Ang galling! May
madyik lahat ng mga gamit na dala ni Nanay. Meron din kaya siyang ibibigay na
madyik para sa akin?

At siyempre, itong mga librong ito at mga krayola na pangkulay ay para sa


mahal kong anak na si Popoy.” Ako ‘yon! Ako yon! Naalala pala ako ni Nanay. Wow!
Ang gaganda ng pasalubong ni Nanay. Parang nakababasa siya ng isip. Alam niya na
mahilig ako sa libro kahit hindi naman niya ako tinanong. Kasama kaya iyon sa
mgapower niya?

Hindi na talaga ako nakatiis. Kailangan kong magtanong. “Nanay, kayo po ba


talaga si Darna?” Napatingin lahat ng tao sa akin. Napasulyap si Nanay kay Tatay.
Ngumiti lang si Tatay. Ngumiti rin si Nanay at saka ako niyakap nang mahigpit na
mahigpit.

Gawain 31: Suriin ang maikling kwento na “Uuwi na ang Nanay kong si Darna”
ni Edgar Samar. gamit ang balangkas na nasa ibaba ng teksto.

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod

VI. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan
c. Suliranin
d. Kasukdulan
e. Kakalasan
f. Wakas

VII. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 79


d. Bisa sa Lipunan

VIII. Mga Puna

Gawain 32: Gamit ang isang maikling Kwentong Uuwi na ang nanay kong si
Darna, ilantad ang isyung panlipunang inilalarawan nito. Tiyaking magamit ang
mga susing salita at bigyan ito ng kaukulang mga patotoo.

SASTRE
Ni Jack Alvarez

WALANG SAWANG UMIIKOT ang rolyo ng sinulid habang tuloy-tuloy ang


kanyang padyak sa foot control. Kumukumpas naman ag pagpapausad niya sa tela sa
takbo ng matulis na karayom sa kanyang makina.

Siya si Mang Nestor, isang sastre, 47 taong gulang, may-asawa. Lima ang anak.
Dalawa ang nag-asawa na. Dalawa naman ang nag-aaral sa hayskul. At isa ang nasa
kolehiyo.
Bilang mananahi sa isang maliit na tailor shop dito sa Jubail, Saudi Arabia ay
tumatanggap rin sila ng minor services tulad ng alteration, repair at embroidery. Pero
ang pinaka-priority lang tinatanggap ay ang pagtatahi ng mga sports uniforms. Tulad
ng basketball uniforms na kadalasang inoorder ng kapwa OFW rin, football uniforms
ng mga Arabo at cricket shirt and pants uniforms ng mga Pakistani at Indiano. Bultuhan
ang kanilang ginagawa na umaabot minsan ang bawat order sa 30-40 pares ng uniporme
o depende sa order ng kanilang costumer. At ang bawat uniporme ay nagkakahalaga ng
SR 120. Kung tutuusin napakalaki ng kita ang tailor shop na kanyang pinagtatrabahuan
pero ang kinikita ni Mang Nestor ay ang kanya lamang buwanang sahod.

Walang pinagkaiba ang trabaho ng mananahi dito sa Saudi at sa Pinas ayon kay
Mang Nestor. Kung ikukumpara naman siguro ang sahod ay may konting pagkakaiba.
Dito naman kasi libre accommodation, transportation at food allowances. Kaya kung
isusuma total mas lamang ang nag-a-abroad kaysa karaniwang empleyado sa Pinas.

Ginugol niya ang walong taong pagtatrabaho sa Saudi. Ayon sa kanya, hindi pa
raw siya nakapag-vacation leave o nakauwi man lang tulad ng mga OFWs na may
yearly o after completion of 2-year contract vacation. Sa loob nga walong taon, wala
siyang working visa. Ang gamit niya ay working permit upang makapagtrabaho dito sa
Gitnang Silangan. At tulad ng libo-libong OFW, tanging isa lang ang dahilan ng
pananatili dito kundi ang kumita, at kailangang may maipadalang pera o remittance
buwan-buwan para sa pamilyang umaasa sa Pinas.

Naikuwento rin niyang expired ng tatlong taon ang kanyang pasaporte at pati
na rin ang kanyang Iqama o Residence Identification dahil na rin sa kapabayaan ng
kanyang sponsor. Minsan rin kasi may mga employer na habol lang ay ang kumita
subalit ang kapakanan ng kaniyang empleyado ay di nila binibigyang-halaga.

“Bahala na.” Ito lang ang tanging binitawan niya dahil buo naman daw ang loob
ni Mang Nestor kung sakaling ma-deport siya dahil sa kawalan ng kumpleto at legal na

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 80


mga dokumento bilang overseas worker. “Dati, walo kami na mananahi dito, Kaso
iyong iba na mga kasama ko nag-exit na.”

“Nasa Pinas na?”

“Siguro. Balita ko pagkatapos nakapag-ipon dito ay nagtayo ng sariling


negosyo. Ayos na para sa isang tailor shop sa Pinas kung may tatlo o apat kang sariling
makina. Nasa 20-30 libong piso ang isang makina. Maiipon yan dito sa loob ng
dalawang taong kontrata. Sa sitwsyon ko nman, gustuhin ko mang bumili ng makina at
para makanegosyo rin ng sarili sa Pinas ay mas natatali ako sa pagpapaaral sa aking
tatlong anak ngayon. Dati lima silang pinagpapaaral ko. Yung dalawa, nag-asawa na.
Di na nakatapos kaya nakakapanghinayang din. Sana nakakuha man lang ng kurso at
makapasok ng magandang trabaho. Pero hanggang ngayon umaasa pa in sa amin,”
paglalahad niya. “Ikaw, ano’ng trabaho mo dito?” Ang tanong niya sa akin nang iabot
ko ang tatlong pantalon na ipapa-alter ko ang sukat at haba.

“Secretary po.”

“Ano’ng natapos mo?” Ang tanong niya uli sabay inabot ang kulay asul na tailor
chalk at ginuhitan ang nakalapag na tela.

“Com Sci po. Technical course lang.”

“Kasi edad mo siguro ang anak ko na nasa kolehiyo,” pahayag niya habang
kinukuhanan ako ng tamang sukat.

Naupo uli siya sa harap ng makina. Dinukot niya ang kanyang wallet sa bulsa
bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Ito ang anak ko.” At inabot sa akin ang isang junior
size photo. “May pagka-pasaway yan. Mahilig sa barkada, Gimik. Siyempre, pag may
barkada, may bisyo. Kaya ang tagal-tagal makatapos. Sana ngayong taon na’to, ga-
gradweyt na ang engineering at di lang puro shift ng kurso ang gagawin.” Tuloy-tuloy
na pagkukwento niya habang walang humpay ang pagpapatakbo sa makina. “Tingnan
mo, parang hindi anak ng isang mananahi.”

Napansin ko sa hawak na litrato ang isang binata. Suot ang black t-shirt na
printed na image ng bandang Korn pares ang tattered jeans, butas-butas ang tuhod ng
pantalon, at may ilang nakadikit na embroidered patched.

Pagkatapos ay ibinalik ko sa kanya ang litrato at muling isiniksik niya sa wallet


nang maayos na hindi matutupi. Saka nagpatuloy sa walang kapagurang pagtagpi at
pagtahi ng tela sa kanyang makina.

Gawain 33: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang simple ngunit
buong diwa bawat pangungusap.

1. Ipaliwanag ang mga pangyayari sa realidad na nagaganap sa mga kababayan


nating OFW.
2. Sa iyong palagay, ang pangingibang bayan baa ng sagot upang ang pamumuhay
ay guminhawa? Patunayan.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 81


3. Ano-ano ang mga mabuti at di-mabuting dulot ng migrasyon sa mga Pilipino.
Ipaliwanag.

Gawain 34: Suriin ang maikling kwento na “Uuwi na ang Nanay kong si Darna”
ni Edgar Samar. gamit ang balangkas na nasa ibaba ng teksto.

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan

Gawain 35: Kahingian ng kursong ito na makalikha ang bawat mag-aaral ng isang
akdang pampanitikan na nagpapakita ng mga isyung panlipunan na nararanasan
sa ating panahon. Sa huling Gawain ito, gumawa ng isang tula at sanaysay na
tumatalakay sa mga napapanahong isyung panlipunan.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 82

You might also like