You are on page 1of 47

MALIKHAING PAGSULAT

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
St. Ignatius Technical Institute of Business and Arts

Malikhaing Pagsulat

_____________________________________
Pangalan ng Mag-aaral/Seksyon

Ang anumang pagkopya ng mga bahagi ng modyul na ito sa anumang anyo tulad ng
pagkuha ng larawan at pag-photocopy sa modyul ay mahigpit na ipinagbabawal nang walang
pahintulot ng St. Ignatius Faculty at ng administration. Pinapayuhan rin na pigilan ang pag-
post ng anumang nakuhanan ng larawan na bahagi ng nitong modyul sa social media. Ang
anumang pagwawasto, pag-aalala at paglilinaw ay dapat direktang ibigay sa iyong tagapayo
at/o guro sa asignatura.

Inihanda ni: Bb. Jobell E. Collado

1
MALIKHAING PAGSULAT

IKATLONG MARKAHAN

ARALIN 1
Malikhaing Pagsulat: Esensiya, Katangian at
Kabuluhan

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nauunawaan ang kahulugan ng pagsulat.


 Nasusuri ang kahulugan at katangian ng pagsulat ng malikhaing akda.
 Nabibigyang-halaga ang malikhaing pagsulat.

Kahulugan ng Pagsulat

Pagsulat- Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys
ng tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang
anyo ng writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print
-out na. Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang
tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa
mga tuntunin ng wikang ginamit.

Bakit Tayo Nagsusulat?

2
MALIKHAING PAGSULAT

Nagsusulat tayo upang ihayag ang ating mga palagay at damdamin tungkol sa mga bagay na
nakikita natin, naririnig, nababasa, o nararanasan. Ang pagsulat ay biswal na paraan ng tao upang ipakita
ang kaniyang mga karanasan o pananaw hinggil sa isang bagay o danas.

Mga Uri ng Pagsulat

1. Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Hal. kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento term paper
o pamanahong papel

2. Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o


komersyal na layunin. Hal. ulat panlaboratoryo, kompyuter

3. Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

4. Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang
paksa. Hal. Bibliography, index, note cards.

5. Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon. Hal. police report,
investigative report legal forms medical report.

6. Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat
bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat. Hal. pagsulat ng tula, nobela,
maikling katha, at dula.

Ang Wika ng Malikhaing Pagsulat

Sa limang nakalistang mga uri ng pagsulat, mapapansing ang naunang apat na uri ay mga direktang
pagsulat. Ibig sabihin, hindi ito gumagamit ng mga tayutay o matalinghagang pananalita sa pagpapaliwanag o
paglalarawan. Sinasabi agad ng mga ito ang gusto sabihin sa mas maikling at direktang pananalita.

Sa kabilang banda, mahalagang katangian ng malikhaing pagsulat ang pagiging matalinghaga. Ito ang
naghahatid ng kakaibang dating sa mga mambabasa. Nagiging matalinghaga ang isang malikhaing akda
sa pamamagitan ng paggamit ng mga tayutay katulad ng metapora at personipikasyon. Ang metapora ay
tuwirang paghahambing o paglilipat ng katangian ng isang bagay patungo sa isa pang bagay. Ang
personipikasyon naman ay nagagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katangian ng tao sa isang bagay
o konsepto. Gumagamit din ng mga imahen ang malikhaing pagsulat upang bigyang diin ang mga bagay
na nais nitong ipunto.

3
MALIKHAING PAGSULAT

MAGTUNGO SA PAHINA 30 PARA SA GAWAIN

ARALIN 2
Ang Tula Bilang Isang Anyong Pampanitikan

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nabibigyang-kahulugan ang tula bilang isang anyong pampanitikan.


 Natutukoy ang mga halimbawa ng mga katutubong anyo ng tula.

Ano ang isang tula?

Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.

Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,


pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Ito ay naiiba
sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita,
pagbilang ng mga pantig, at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama ang isang
damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.

4
MALIKHAING PAGSULAT

Maikling Kasaysayan ng Tulang Pilipino

May kabuluhan ang tula sa anumang panahon at pagkakataon. Ito ang nagsisilbing kaban ng
kasaysayan at talaan ng tradisyon ng isang kultura o kasaysayang namayani o naganap sa isang panahon.

Maiksi at payak ang mga katutubong anyo ng tula. Halimbawa nito ang tanaga, ambahan,
bugtong, at salawikain. Ginagamit ang mga tulang ito upang ibahagi ang mga karanasan o magbigay ng
mga paalala o aral tungkol sa isang gawain o gawi. Maaaring ang damdaming inilalarawan o ibinabahagi
ng tumutula, pabigkas man o pasulat, ay isang bahagi ng kaniyang karanasan, pakiramdam, o
paniniwala. Maaari ding ito ay halaw sa danas ng komunidad na kaniyang kinabibilangan, pinagmulan, o
binisita (kalikasan, hayop, tao, o anumang bagay na nasa kaniyang kapaligiran). Ang mga tula ay may
mga dalang pakinabang, hindi lamang kaalaman, tungkol sa isang bahagi ng buhay ng makata o ng
lipunan at panahong kaniyang kinapalooban, kundi tungkol sa buhay sa pangkabuuan. Ang mga
kasabihan at salawikain, halimbawa, ay mga paalaala tungkol sa pakikipagkapuwa, pangangalaga sa
kapaligiran, at pag-ibig sa bayan.

Bugtong- ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong kahulugan. Ang bugtong ay isang
pangungusap na patanong na humihingi ng kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol sa
pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

Halimbawa:

1. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. Sagot: sapatos

2. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok

Salawikain- ay mga pangungusap na maiiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan. May layunin
din itong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sumasalamin din ito sa kultura at
tradisyon nating mga Pilipino.
Halimbawa:

1. Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.


2. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.

5
MALIKHAING PAGSULAT

Tanaga- ay isa ring katutubong tula na binubuo ng pitong pantig bawat taludtod at apat na taludtod
naman ang bawat saknong. Ang mga tulang ito ay puno ng talinghagang umiikot sa karanasan ng tao
kaugnay ng kaniyang kapaligiran.

Halimbawa:

Mataas man ang bundok

Pantay man sa bacoor

Iyang mapagtaluktok

Sa pantay rin aanod

Ang mga epiko naman ay mahabang mga tulang nagsasalaysay ng karanasan ng isang bayan,
kultura o lahi. Ikinukwento nito ang buhay ng isang bayani at ng bayang kaniyang kinabibilangan. ang
mga halimbawa ng epiko ay ang “Biag ni Lam-Ang” ng mga Iloko, at “Tuwaang” na epiko ng mga
Manuvu. Ang mga bugtong ay maibibilang sa pinakasimpleng anyo ng tradisyunal na tulang Pilipino na
maaaring matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mahalagang malaman, maunawaan, at matutuhan ang mga tradisyonal na tulang Pilipino dahil
makikita natin dito ang paraan ng kanilang pamumuhay, ang kanilang mga paniniwala, at ang kanilang
mga tradisyon, at pagpapahalaga.

MAGTUNGO SA PAHINA 31 PARA SA GAWAIN

ARALIN 3
Ang Estruktura ng Tula

Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

6
MALIKHAING PAGSULAT

 Nailalarawan ang iba’t ibang estruktura ng tula.


 Nakasusuri ng tula batay sa mga uri nito.

Ang Tatlong Uri ng Tula

1. Ang mga Tulang may tugma at sukat ay tradisyunal na anyo ng pagtula. Ang bawat taludturan ng
nga tulang ito ay may magkakaparehong bilang ng pantig sa bawat linya, at ang huling pantig ng bawat
linya ay magkakatunog. Ang mga halimbawa nito ay pasyon, ambahan, bugtong, awit, at korido.

Bagama’t pituhan ang karaniwang bilang ng pantig sa mga tulang katutubo sa Pilipinas, may mga
tula rin namang may sukat na wawaluhin (8 pantig sa bawat linya), lalabindalawahin (12 pantig sa
bawat linya), at lalabingwaluhin (18 na pantig sa bawat linya).

Halimbawa: ni:(Isang saknong sa tula ni: Gregoria de Jesus)

(lalabindalawahing pantig)

Kasaysayan ng Pag-ibig

Masayang sa iyo’y aking iaalay

Kathang tula ng ako’y dagat maglakbay,

Sandaling basahin at h’wag kayamutan

Upang matanto mo dito’y malalaman

2. Malayang Taludturan- isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang
anumang naisin ng sumusulat. Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.

Hal. (Isang saknong sa tula ni Fanny A. Garcia)

Sa Batang Lalaking Namamalimos sa Kanto ng Avenida’t Carriedo

7
MALIKHAING PAGSULAT

Huwag sisihin ang mga magulang

Kung bakit ikaw ay isinilang pa

Kung bakit naglalahad ka ngayon ng palad

Kung bakit walang sapin ang mga paa

Kung bakit butas-butas ang damit

Kung bakit ang bata ay tadtad ng sugat

Kung bakit ang buhok ay lagpas-balikat

Hindi tamad ang iyong ama

Hindi palaasa ang iyong ina

3. Ang Tulang Tuluyan (prose poem)-ito ay tulang tila isang tuluyan o prosa. Prosa ang kaniyang anyo
at tula ang kaniyang esensiya.

Hal. (Isang saknong sa tula ni Rowena Festin)

Coffee Break

Umaawit ng What Matters Most si Kenny Rankin habang nagka-capuccino tayo at nakasimangot ka.
Natutuwa siguro ako dahil eto na ulit ang bihirang pagkakataong nagkakape tayo.

Iba pang Mga Tula

A. Villanelle- isang anyo ng tula na may 19 taludturang binubuo ng limang saknong na may tig-tatlong
taludturan at ang huling saknong ay may apat na taludturan.

B. Sestina- ang tawag sa anyo ng tulang inuulit ang iisang salita sa dulo ng bawat saknong. Binubuo ito
ng 6 na saknong na may tig-anim na taludturan, at ang huling saknong ay mayroon lamang tatlong
taludtod.

C. Haiku- isang tradisyonal na tulang Hapones na binubuo ng 3 linya. Limang pantig ang bumubuo sa
una at huling linya at pito naman sa gitnang linya, 5-7-5.

8
MALIKHAING PAGSULAT

D. Tanka- isa ring tradisyonal na tulang Hapones na binubuo naman ng limang linyang may sukat na 5-
7-5-7-7.

MAGTUNGO SA PAHINA 32 PARA SA GAWAIN

ARALIN 4
Mga Elementong Nagbibigay ng Anyo at
Indayog sa Tula

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nakakikilala ng mga elementong nagbibigay ng anyo at indayog sa tula.


 Nakasusulat ng tula gamit ang mga elemento nito.
 Napahahalagahan ang aral na tinataglay ng ginawang tula.

Mga Elemento ng Tula

1. Taludtod o taludturan- ang tawag sa bawat linyang bumubuo sa tula.

2. Saknong- ang tawag sa isang pangkat ng taludturan.

3. Sukat -ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang
pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig, is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Lalabindalawahing pantig – hal. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad.

9
MALIKHAING PAGSULAT

Sa bait at muni, sa hatol ay salat

lalabing-animin – hal. Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

Lalabingwaluhin – hal. Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay

Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at labingwalo ay may sesura o hati na nangangahulugang
saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig. Halimbawa: Ang taong magawi /
sa ligaya’t aliw Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga
panaginip Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, Pg-ibig!

4. TUGMA- isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma
ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong
nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

5. KARIKTAN-Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Halimbawa: maganda – marikit, mahirap - dukha o maralita

6. TALINGHAGA- Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit.


Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula. Hal: nag-agaw buhay,
nagbabanat ng buto

7. Tono- ito ang nagbibigay ng indayog sa tula. Ito ang tawag sa naiibang kalidad ng tunog na nabubuo
sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga titik at salitang bumubuo sa taludturan.

May iba’t ibang paraan ng pag-uulit ng mga salita na nakatutulong ng malaki sa paglikha ng tono
ng tula. Ang mga ito ay:

1. Anapora- ang tawag sa paraan ng pag-uulit kung ang inuulit ay ang mga salita o pariralang nasa
unahan ng bawat taludtod.

Halimbawa:

Panahon na upang puso’y patibayin

10
MALIKHAING PAGSULAT

Panahon na upang kamao’y itaas

Panahon na upang iwagayway ang bandera.

2. Epipora- ang tawag sa pag-uulit ng salita kung ang mga salitang inuulit ay matatagpuan sa dulo ng
bawat taludtod.

Halimbawa:

Huwag tulutang mabawi ng kaaway

Ang ipinaglabang lupa

Ang ninunong lupa

Ang ating lupa.

3. Aliterasyon- ang tawag sa pag-uulit kung ang tunog o titik ng bawat salita sa bawat taludturan ay
nagkakapareho.

Halimbawa:

Huwag tulutang mawala

Ang ipinaglabang lupa

Ang ating lupa.

4. Onomatopeya- tinatawag rin itong paghihimig. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang ang tunog ay siya ring kahulugan.

Halimbawa:

Dagundong ng kulog

Lawiswis ng kawayan

Kalampag ng pinto

MAGTUNGO SA PAHINA 33-34 PARA SA GAWAIN

11
MALIKHAING PAGSULAT

ARALIN 5
Tayutay at Idyoma: Ang Talinghaga ng Tula

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natutukoy ang mga halimbawa ng tayutay at idyoma.


 Nakagagamit ng mga tayutay at idyoma sa pagbuo ng maikling tula.

Idyoma

Ito ay may di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na may kahulugang patlinhaga. Ito ay di-
literal kung kaya nangangailangan ng konotatibo at malalim na pagpapakahulugan.

Halimbawa:

 pabalat-bunga -hindi totoo


 Balat-sibuyas -maramdamin; madaling umiyak
 Bulang-gugo- bukás ang palad sa paggasta

Tayutay

Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa layuning
gawing makulay, kaakit- akit at lalong mabisa sa pagpapahayag.

12
MALIKHAING PAGSULAT

May iba’t ibang uri ng tayutay ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagtutulad (simile) - Paggamit ng di-tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba


ng uri at gumagamit ng mga parirala tulad ng tulad ng, kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba pa.
Halimbawa: Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay.

2. Pagwawangis (metaphor) -Paggamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagkukumpara ng


dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi na ito ginagamitan ng mga pariralang tulad kawangis ng,
gaya ng, animo’y at iba pa. Halimbawa: Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.

3. Pagbibigay-katauhan (personification)- Pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay.


Naipahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa. Halimbawa: Sumasayaw ang mga alon sa
karagatan.

4. Pagmamalabis(hyperbole) -Isang pahayag na eksaherado o labis sa katotohanan. Halimbawa:


Nagliliyab ang mga mata ng lalaki dahil sa galit.

5. Pagtawag (apostrophe) - Isang pagbulalas ng pagkausap sa isang tao (karaniwang patay o wala
sa isang tiyak na pook) o isang bagay o bahagi ng kaligtasan na binibigyan ng katangiang pantao.
Halimbawa: Tukso, layuan mo ako.

6. Pagpapalit-tawag (metonymy) -Paggamit ng isang salitang panumbas o nagpapahiwatig ng


kahulugan ng di tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng katawagan sa bagay na tinutukoy.
Halimbawa: Igalang natin ang mga maputing buhok.

7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - Pagbanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan; maaari


namang nag-iisang tao ang kumakaktawan sa ibang pangkat. Halimbawa: Isang kayumanggi ang
pinarangalan sa larangan ng palakasan.

8. Paghihimig (onomatopoeia) -Paggamit ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang


kahulugan nito. Halimbawa: Kumabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento ng trak.

9. Pagtatambis (oxymoron)- Paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na


magkatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Ito ay kadalasang mahaba. Halimbawa: Siya’y isang taon
napanday ng panahon. Naranasan niya ang maghirap at yumaman, di-napansin, lapitan ng mga

13
MALIKHAING PAGSULAT

kaibigan sa mayroon siya at itakwil sa kawalan niya. Kaya na niyang harapin ang pakikibaka sa
buhay.

10. Paglulumanay (euphemism)- Paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag.


Halimbawa: Ang lalakeng naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag tagpo sa harap
ng kapitbahay.

11. Pag-uyam(Irony o Sarcasm) -paggamit ng mga salitang kabaligtaran na kahulugan at taliwas sa


katotohanan. Halimbawa: Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang
humahanga.

12. Pagtanggi (Litotes) - Gumagamit ng panangging HINDI upang maipahayag ang makabuluhang
pagsang- ayon. Halimbawa: Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam na suklam ako sa
ginagawa niya.

13. Tanong Retorikal -Ito ay isang tanong na hindi naman talaga kakailanganin ng sagot kundi ang
layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe. Halimbawa: Pag-ibig nasaan ka, angkinin
mo ang lahat ng emosyong mayroon ako!

14. Pag-uulit (Alliteration) - Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa


inisyal na bahagi ng salita. Halimbawa: Luminga si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang
hakbang, lumingon sa pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lumang gusaling mahabang
panahon na ring naging bilangguan ng kanyang yayat na katawan.

MAGTUNGO SA PAHINA 35 PARA SA GAWAIN

14
MALIKHAING PAGSULAT

IKA-APAT NA MARKAHAN

ARALIN 6
Ang Mga Bahagi at Sangkap ng Maikling Kwento

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nakauunawa ng mga bahagi at sangkap ng maikling kwento.


 Nakasusuri ng isang maikling kwento gamit ang mga bahagi/sangkap nito.

Maikling Kwento

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kwento, ang Maikling
Kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay
na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May


kapayakan at kakauntian ng mga tauhan. Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng
tao.

15
MALIKHAING PAGSULAT

Ang Pagsilang ng Maikling Kwento sa Pilipinas

Ang partikular na porma o anyo ng maikling kwento na nakasulat at hindi lamang


isinasalin gamit ang bibig at pinakikinggan lamang ay unang nakilala ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng mga diyaryo.

Ayon kay Virgilio Almario (Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan), ang maikling
kwento sa Pilipinas ay may tatlong pinagmulang impluwensiya: Espanya, Latin Amerika, at Estados
Unidos. Marami ang nagsasabing ang dagli ang ninuno ng maikling kwento. Ayon kay Almario, ang
dagli ay isang maikling akda o kathang nagsisilbing pamasak-butas na kadalasan ay tungkol sa pag-
ibig o pangangaral.

Si Deogracias A. Rosario ang itinuturing na Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.


Marami siyang isinulat na dagli sa peryodiko.

Uri ng Maikling Kwento

1. Kuwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang


nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga


tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

3. Kuwentong Sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

4. Kuwento ng Katatakutan - ito ay mga pangyayaring kasindak- sindak.

5. Kuwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag- uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan.

6. Kuwento ng Kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

7. Madulang Pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na


nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

16
MALIKHAING PAGSULAT

8. Kuwentong Pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

9. Kuwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

10. Kuwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.

Elemento/Sangkap ng Maikling Kwento

1. Tauhan- tumutukoy ito sa mga pangunahing tagapagpaganap sa kwento tulad ng bida at kontra-
bida
2. Pananaw o Punto de Bista- ang kamalayan kung saan nagdaraan ang agos ng kwento. Maaaring

ito ay direktang kamalayan ng manunulat o sinumang tauhan sa kwento.

3. Banghay- ang mga pangunahing nangyari sa simula, gitna, wakas ng kwento.


4. Tunggalian- ang malalaking problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan na kailangang
pagpasyahan at aksyunan.
5. Tagpuan- ipinakikita kung saan at kailan nagaganap ang kwento.
6. Tema- ang pangkalahatang punto, pahayag, diin, ideya, o pananaw-daigdig ng kwento.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento

1. Simula - ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng


pangunahing tauhan.

2. Gitna- Nakapaloob sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

3. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng


pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan.

4. Ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

5. Wakas- Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.

17
MALIKHAING PAGSULAT

6. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan.

7. Ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya
o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

MAGTUNGO SA PAHINA 36-39 PARA SA GAWAIN

ARALIN 7
Ang Tauhan, Pananaw, Banghay, at Ang
Tunggalian at Tema

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

 Nauunawaan ang iba pang bahagi ng maikling kwento.


 Nakasusulat ng isang maikling kwento gamit ang mga sangkap at bahagi nito.
 Nabibigyang-halaga ang aral na napulot sa maikling katha.

Ang Tauhan (Character)

18
MALIKHAING PAGSULAT

Ang mga tauhan ay ang mga tao na nagpapagalaw sa kwento. Ang tauhan ay karaniwang tao,
at maaari din namang hayop, halaman,bagay kung ang anyo ay pabula o cartoon.

Mga Pangunahing Tauhan sa Kwento

1. Protagonista/bida- ang pangunahing tauhan na siyang dahilan kung bakit may maikling kwento.
Sa kanya nakapokus ang mas maraming bahagi ng akda.

2. Antagonista/kontrabida- ang kalaban ng protagonista. Tungkulin niyang guluhin ang buhay ng


bida sa maliit o malaking paraan.

Ang uri ng mga tauhan ay Lapad at Bilog

Ang lapad na tauhan ay hindi nagbago ang katangian o pag-uugali mula sa simula
hanggang sa huli ganoon parin ang kanyang ugali. Samantala ang bilog na tauhan naman ay
kabaligtaran ng lapad na tauhan ang bilog na tauhan ay nag-iiba ang ugali sa kwento.

Ang Pananaw

Pananaw ang tawag sa kamalayang dinadaluyan ng kwento. May tatlong panauhan ito: ang
unang panauhan (ako), pangalawang panauhan (ikaw), pangatlong panauhan (siya).

Subhetibo- may personal na bias

Obhetibo- walang kinikilingan, kung ano lamang ang matapat at makatarungan.

Sa mga pag-aaralang panauhan kaugnay ng pananaw, dapat suriin ang tauhang nagdadala ng
kamalayan kung subhetibo o obhetibo ba ito.

1. Unang Panauhan- gumagamit ito ng panghalip na ako. Dumadaloy ang kwento sa pamamagitan
ng kanyang kamalayan/salaysay.

2. Pangalawang Panauhan- kung sinong kumakausap sa protagonista na tinutukoy bilang ikaw, ka,
o mo.

3. Pangatlong Panauhan- dumadaloy ang kwento sa pamamagitan ng siya.

19
MALIKHAING PAGSULAT

Ang Iba’t Ibang Siya

1. Pananaw-Omnisyent-sa ganitong pananaw, nagpapalipat-lipat ang awtor sa iba’t ibang tauhan.


Nasasabi niya sa mga mambabasa ang nasa isip ng mga tauhan. Omnisyent ang awtor at batid niya
ang lahat.

2. Limitadong Pananaw-Omnisyent- omnisyente lamang ang awtor partikular sa kanyang


protagonista.

3. Obhetibong Omnisyent- ito ay ang pananaw na tulad ng makikita gamit ang isang video camera,
kung saan narerekord ang anumang gawin o sabihin ng lahat ng tauhan. Ang ganitong pananaw ay
iniiwan sa mga mambabasa ang pagtitimbang-timbang at pagbibigay ng konklusyon kaugnay sa mga
tauhan.

Ang Banghay

Ang banghay ay ang sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

May tatlong bahagi ang banghay: Simula, Gitna, at Wakas.

May dalawang tipo ng banghay

1. Ang banghay na Linyar

Sa eksposisyon ipinakikilala ang protagonista o ang iba pang tauhan.

Sa pataas na antas ng aksiyon, ang protagonist ay dadaan sa iba’t ibang pahirap at mga pagsubok
sa buhay.

Ang Kasukdulan/rurok ay ang makapigil-hiningang yugto para sa mambabasa.

Sa pababang antas ng aksiyon, dito malalaman ng mambabasa kung ano pa ang kasunod na
nangyari sa protagonista matapos tugunan, harapin ang pinakamatinding krisis.

20
MALIKHAING PAGSULAT

Sa resolusyon ay malinaw na ang kinahinatnan ng protagonist (nagtagumpay o nabigo)

2. Ang Banghay na Modyular/Episodik

Sa banghay na ito, gumagamit ang manunulat ng “hollow block” kung saan naghihilera at
nagpapatong-patong siya ng mga ideya.

Ang Tunggalian (Conflict)

May dalawang tipo ang tunggalian

1. Tunggaliang panlabas- ang katunggali ng protagonista ay labas sa kaniyang sarili.

2. Tunggaliang panloob- mismong ang kaniyang sarili ang kaniyang katunggali.

Iba’t iba ang maaaring makatunggali ng protagonista:

1. Tao vs. Tao (pisikal)-kalaban ng protagonista ang antagonista at iba pang tao.

2. Tao vs. Kapalaran- kalaban ng protagonista ang kanyang kapalaran.

3. Tao vs. Lipunan- kalaban ng protagonista ang mga ideya, praktika o kaugalian ng ibang mga tao,
o kaya ay isang lipunang immoral/mapagsamantala.

4. Tao vs. Sarili- kalaban ng protagonista ang kanyang sarili,(ang kaniyang budhi o konsensiya)

5. Tao vs. Mga Kakaiba (pantastiko)- kalaban ng protagonista ang mga kakaibang nilalang tulad ng
taga-ibang planeta, multo, manananggal, at iba pa.

6. Tao vs. Pananampalataya (espiritwal)- maaaring may matinding kabiguan, trahedyang dinanas
ang protagonista, at masusukat ang kaniyang pananampalataya.

Tema- ito ang asersiyon, argumento, paninindigan o insight ng kwento.

21
MALIKHAING PAGSULAT

MAGTUNGO SA PAHINA 40-42 PARA SA GAWAIN

ARALIN 8
Ang Dula Bilang Isang Anyong Pampanitikan

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nakauunawa ng mga elemento/uri ng dula.


 Nakasusulat ng isang maikling yugto ng dula, gamit ang mga elemento nito.
 Napahahalagahan ang aral na napulot sa dulang isinulat.

Dula- ito ay nahango sa salitang Griyego na “drama” nanangangahulugang gawin o ikilos.

-ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan.

Ang dula ayon kay Aristotle, ito ay isang imitasyon o panggagagad ngbuhay.

22
MALIKHAING PAGSULAT

Rubel, ito ay isa sa maramingparaan ng pagkukwento.

Sauco- ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood
sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito

Schiller at Madame De Staele- ito ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng
isang bayan.

Kasaysayan ng Dula

Panahon ng Katutubo

Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan,
bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito
na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng
dula sa bansa.

Mga Katutubong Dula: Bikal at Balak, Karilyo , Bayok at Embayoka, Kasayatan , Pamanhikan,
Dung-aw, Hugas Kalawang, Daling-Daling

Panahon ng Kastila

Dumating ang mga Kastila sa bansa na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo,
maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang
nasasakop. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang
gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw
sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari,
reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang
duplo at karagatan.

Panahon ng Amerikano

Patuloy na pumailanlang ang mga tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat ng


anyo ng literatura sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano. Sa panahon ring ito ay sumiklab ang
mga pelikula.

23
MALIKHAING PAGSULAT

Panahon ng Hapon

Sa panahong ito, bumagsak ang dulang seryoso at tinangkilik ang mga pelikula ng Amerikano
na katatawanan, awit at sayaw.

Kasalukuyang Panahon

Sa kasalukuyang panahon, mas umunlad, maraming nagbago at marami na tayong iba't ibang
dula gaya ng panradyo, pantelebisyon at pampelikula. Sa panahong ito, ang mga dula ay itinatanghal
sa mas malalaking entablado at aktwal nang napapanood ng mga tao.

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating
tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon,
nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit isa ang layunin ng mga mandudula: ang mag-
bigay aliw sa mga mamamayang Pilipino, at higit sa lahat, ang bigyang buhay ang mga pangyayari
sa buhay Pilipino.

Kahalagahan ng Dula

 Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
 Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.
 Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng
kasaysayan ng bayan.

Mga Elemento ng Dula

1. Iskrip o Banghay- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang
dula.

2. Aktor o Karakter- ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.

3. Dayalogo- ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama
ang mga emosyon.

24
MALIKHAING PAGSULAT

4. Tagadirehe o direktor- siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan,
ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

Mga Elemento ng Dula

1. Tema- ito ang pinakapaksa ng isang dula.

2. Yugto (Act)- Kung baga sa nobela ay kabanata. Ito ang pinaka-kabanatang paghahati sa dula.

3. Tanghal-eksena (Scene)- Ang bumubuo sa isang yugto. Ito ay maaaring magbadya ng


pagbabagong tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari.

4. Tagpo (Frame)-Ito ay ang paglabas at pagpasok ngkung sinong tauhang gumanap o gaganap sa
eksena.

Mga Uri ng Dula

1. Komedya- Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.

2. Trahedya-Kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding pagkabigo at


pagkamatay ng bida.

3.  Melodrama o “Soap Opera”-Kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsan ay
eksaherado ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong madala
ang damdamin ng mga manonood nang sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.

4. Parsa- Kapag puro tawanan at walang saysay ang kwento, at ang mga aksyon ay puro “Slapstick”
nawalang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.

5. Parodya- Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng
tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit
nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.

25
MALIKHAING PAGSULAT

 6. Proberbyo- Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang
kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

Dula sa Panahon ng mga:Kastila

Mga Dulang Panrelihiyon

 1. Senakulo- Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sakrus.

2. Panuluyan- Dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang


tirahan nina Maria at Jose doon sa Bethlehem.

3. Salubong- Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo ng Pagkabuhay.

4. Tibag- Pagsasadula ito tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa nawawalang krus na


pinagpakuan kay Jesus.

5. Ang Komedya o Moro-Moro- Ang banghay nito ay natutungkol sa paglalabanan ng


mgaKristiyano at mga “Moro” o Muslim.

6. Ang Sarswela- Ito ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang
kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman samga kwento ng pag-ibig
at kontemporaryong isyu.

Dula sa Panahon ng mga Hapon

1. Legitimate plays- Ito ay binubuo ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsulat at


pagtatanghal nito.

2. Illegitimate plays- Kabilang dito ang mga stage shows. Ang stage show ay kombinasyon ng mga
pagpapatawa, musika,mga sayaw at dula.

26
MALIKHAING PAGSULAT

Halimbawa ng Dula: Isang Yugto sa dulang “Sa Pula Sa Puti”

Sa Pula Sa Puti

Ni: Francisco Soc Rodrigo

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.

Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.

Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?

Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang
iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.

Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.

(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).

Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang
mainggit at magselos.

Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para
sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.

Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?

Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw,
sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na
akong natutuhan, mga bagong sistema.

27
MALIKHAING PAGSULAT

Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga
bagong sistema.

Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako.
Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!

Celing: E ano kung puti?

Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng
pilak…ng kuwarta!

Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.

Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso
ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.

Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan,
nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta
na ngunit natalo ka ng anim na piso.

Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang
kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang
sala tayo ay mananalo.

Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo
tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.

Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!

(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).

Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.

Celing: Totoong-totoo?

Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag
hindi ako dumating ay kahiya-hiya.

(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-
iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).

28
MALIKHAING PAGSULAT

Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong
sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.

Kulas:

(Kukunin ang salapi)

Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.

(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)

Sioning: Kumusta ka, Kulas?

Kulas:

(Nagmamadali)

Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si


Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.

(Lalabas si Kulas).

Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.

Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.

MAGTUNGO SA PAHINA 43-45 PARA SA GAWAIN

29
MALIKHAING PAGSULAT

Mga Gawain sa Pagkatuto sa Ikatlong Markahan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba.

Mental na aktibiti Profesyonal Akademik Teknikal


Pisikal na aktibiti imahen Malikhain Jornalistik
Pagsulat Referensyal Masining

_____________1. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di-
fiksyonal ang akdang isinusulat.

_____________2. Isang uri ito ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o
komersyal na layunin.

_____________3. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon.

_____________4. Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.

_____________5. Ang gawaing ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya.

_____________6. Ang layunin nito ay pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan.

_____________7. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum at anunsiyo.

30
MALIKHAING PAGSULAT

_____________8. Ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng
tayprayter o ng keyboard ng kompyuter.

_____________9. Ito ay uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil
sa isang paksa.

_____________10. Makikita ito sa malikhaing pagsulat upang bigyang diin ang mga bagay na nais
nitong ipunto.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na tradisyunal na tula.


Isulat sa patlang kung ito ay BUGTONG, SALAWIKAIN, TANAGA, AT EPIKO.

1. Mayaman ka man sa sabi Sa pantay rin aanod. __________________

Dukha rin sa sarili. __________________

5. Munting dagat-dagatan

2. Di matingalang bundok Binabakor ng danglay. __________________

Darak ang nakakamot. __________________ 6. Apat capapang kumot

Di natakpan ang tuhod. _________________

3. Si Lam-ang ay may kakaibang lakas at

kapangyarihan. __________________ 7. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.


__________________

4. Mataas man ang bundok


8. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Pantay man sa bacoor
__________________
Iyang mapagtaluktok

31
MALIKHAING PAGSULAT

9. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Siya 10. Palay siyang matino,


ay bantog sa katapangan, lakas at kakisigan. Nang humangi’y yumuko;
__________________ Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto . _________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

I. Panuto: Isulat ang letrang T kung TAMA ang pahayag at M naman kung MALI.

___1. Ang bilang ng pantig ng tula ay maaaring wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabimpituhin.

___2. Ang Malayang Taludturan ay isang tula na isinusulat nang walang sinusunod na patakaran.

___3. Ang Tulang Tuluyan ay may magkakaparehong bilang ng pantig sa bawat linya, at ang huling
pantig ng bawat linya ay magkakatunog.

___4. Binubuo ng limang linyang may sukat na 5-7-5-7-7 ang tulang haiku.

___5. Sa tulang tanka, ito ay may sukat na 5-7-5 na pantig sa bawat linya.

___6. Sestina ang tawag sa anyo ng tulang inuulit ang iisang salita sa dulo ng bawat saknong.

___7. Ang Malayang Taludturan ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.

___8. Tinatawag din Prose Poem ang Tulang Tuluyan.

___9. Ang tulang Coffee Break ay isang halimbawa ng tulang Malayang Taludturan.

___10. Isa ang tulang Villanelle sa tatlong uri ng tula.

32
MALIKHAING PAGSULAT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang angkop na sagot sa bawat patlang.

______________1. Ginagamit ang mga maririkit na salita sa tula upang masiyahan ang mambabasa at
mapukaw ang damdamin at kawilihan.

______________2. Ito ang nagbibigay ng indayog sa tula.

______________3. Ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.

______________4. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

______________5. Ang tawag sa isang pangkat ng taludturan.

______________6. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod

______________7. Ang tawag sa bawat linyang bumubuo sa tula.

______________8. Ito ay paraan ng pag-uulit na kung saan ang inuulit ay ang mga salita o pariralang
nasa unahan ng bawat taludtod.

______________9. Ang tawag sa pag-uulit kung ang tunog o titik ng bawat salita sa bawat taludturan ay
nagkakapareho.

______________10. Ito ay paraan ng pag-uulit na ang mga salitang inuulit ay matatagpuan sa dulo ng
bawat taludtod.

33
MALIKHAING PAGSULAT

II. Panuto: Bumuo ng tulang may 2 saknong na ginagamitan ng mga elemento ng tula. Isulat sa ibaba
ng tula ang ginamit na mga elemento.

Tula:

1. Pamagat:_______________________________________________________________
2. Tema/Paksa:____________________________________________________________
3. Bilang ng taludtod at pantig:________________________________________________
4. Bilang ng saknong:_______________________________________________________
5. Uri ng Tula:_____________________________________________________________
6. Mga ginamit na Talinghaga/Kariktan: ________________________________________
_______________________________________________________________________

34
MALIKHAING PAGSULAT

7. Aral: __________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Panuto: Salungguhitan ang tayutay sa bawat saknong ng tula, at isulat sa patlang kung anong uri ng
tayutay ito.

1. Kung ano ang buhay, 4. Ang pag-ibig ko sa iyo


siyang kamatayan... ay lansones na malasa
Ang hirap ko’y alam Ganyan din ang pagsinta mong
ng iyong kariktan may lamukot na ligaya.
tapatin mo lamang -Parang Buto ng Lansones
yaring karaingan ______________________
At bigyan ng buhay,
ang pag-asang patay!
5. May isang lupain sa dakong silangan
(www.tagaloglang.com)
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
______________________ kaya napatanyag ay sa kagandahan
at napabalita sa magandang asal.
-(Panitikang Pambata)
2. Siya ang berdugo
Na bahid ng dugo ______________________
Hawak ay gatilyo
Dugo’y kumukulo.
6. Nagising nga akong tila nangangarap na isang
-Berdugo ni Greg Bituin
anino
______________________ sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha
ng tao;
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring
3. Palaman ko ay margarin natuto
Kaya malinamnam ito nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang
Para akong nasa bangin talino.
Ng paglayang pangarap ko. -Kay Ama
Pandesal ni Greg Butuin
______________________
______________________

35
MALIKHAING PAGSULAT

7. Bayaan mong ako’y tingnan ng lamlam ng mapanatag


buwang-sinag, Bayaan mong huni niyang pamayapa ang
Bayaan mong ang liwayway ay dagliang igawad
magliwanag, -Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
Bayaan mo ring humibik at umangil ang
habagat; ______________________
At sa dipa kung dumapo’y isang libong

Mga Gawain sa Pagkatuto sa Ika-apat na Markahan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang malalaking problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan na kailangang pagpasyahan at


aksyunan.

A. Kakalasan B. Tunggalian C. Kasukdulan D. Banghay

2. Ang mga pangunahing nangyari sa simula, gitna, wakas ng kwento.

A. Kakalasan B. Tunggalian C. Kasukdulan D. Banghay

3. Sa uri ng kwentong ito, pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

A. Katatakutan B. Kababalaghan C. Sikolohiko D. Madulang Pangyayari

4. Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at
kalagayan.

A. Katatakutan B. Kababalaghan C. Sikolohiko D. Madulang Pangyayari

5. Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay sa isang
lugar.

A. Kwento ng Tauhan B. Katutubong Kulay C. Pakikipagsapalaran D. Madulang Pangyayari

36
MALIKHAING PAGSULAT

6. Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

A. Kwento ng Tauhan B. Katutubong Kulay C. Pakikipagsapalaran D. Madulang Pangyayari

7. Sa bahaging ito ng kwento, makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng


kanyang ipinaglalaban.

A. Tunggalian B. Kasukdulan C. Wakas D. Kakalasan

8. Nakapaloob dito ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

A. Simula B. Gitna C. Wakas D. Kakalasan

9. Siya ang itinuturing na Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.

A. Virgilio Almario B. Francisco Baltazar C. Deogracias Rosario D. Genoveva Matute

10. Ang tinaguriang Ama ng Maikling Kwento.

A. Virgilio Almario B. Francisco Baltazar C. Deogracias Rosario D. Edgar Allan Poe

II. Panuto: Basahin ang buod ng maikling kwento sa ibaba. Suriin ito, batay sa mga sangkap at
elemento ng maikling kweto. Sagutan ang mga tanong.

Walang Panginoon

ni: Deogracias Rosario

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa mayamang
asenderong si Don Teong.  Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang
dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang
kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang
galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don

37
MALIKHAING PAGSULAT

Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya
nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

                Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y
kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang
karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng
kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ngloob kay Don Teong na
matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman
niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni
Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos,
hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa
naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay
pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis
sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang
lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng
mapangsamantalang si Don Teong.

                Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung
paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. At tuwing hapon
ay inaasbaran niya ng palo ang kanyang kalabaw. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni
Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya
ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw
na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na
kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na
tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya
ang kanyang matapang na kalabaw. "Mapalad na hayop na walang panginoon," ang kanyang naibulong.

1. Gumawa ng mas pinaikling buod ng maikling kwentong “Walang Panginoon,” gawin ito sa walong
pangungusap lamang. Ilagay ang naging simula, gitna at wakas ng kwento.

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

38
MALIKHAING PAGSULAT

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

2. Pagkatapos ng buod, sagutan ang mga sumusunod. (Walang Panginoon ni Deogracias Rosario)

A. Uri ng maikling Kwento____________________________________________

B. Mga tauhan______________________________________________________________________

C. Tema___________________________________________________________________________

D. Tagpuan_________________________________________________________________________

E. Tunggalian_______________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

F. Gintong-Aral______________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

39
MALIKHAING PAGSULAT

___________________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7

I. Panuto: Pagtambalin ang KOLUM A sa KOLUM B.


Isulat ang wastong sagot sa patlang bago ang bilang.
KOLUM A KOLUM B
___1. Gumagamit ang manunulat ng “hollow block” A. Pananaw-Omnisyent
kung saan naghihilera at nagpapatong-patong B. Unang Panauhan
siya ng mga ideya. C. Pangalawang Panauhan
___2. Kalaban ng protagonista ang kanyang sarili, D. Limitadong Pananaw-Omnisyent

(ang kaniyang budhi o konsensiya). E. Pananaw-Omnisyent


___3. Kalaban ng protagonista ang antagonista at iba F. Protagonista
pang tao. G. Tao vs. Sarili
___4. . Dumadaloy ang kwento sa pamamagitan ng H. Tao vs. Tao
kanyang kamalayan/salaysay. I. Modyular/Episodik
___5. kung sinong kumakausap sa protagonista na J. Obhetibo
tinutukoy bilang ikaw, ka, o mo. K. Antagonista
___6. Omnisyente lamang ang awtor partikular sa
kanyang protagonista.
___7. Sa ganitong pananaw, nagpapalipat-lipat ang awtor

40
MALIKHAING PAGSULAT

sa iba’t ibang tauhan.


___8. Ito ang asersiyon, argumento, paninindigan o
insight ng kwento. Tema
___9. Ang pangunahing tauhan na siyang dahilan kung
bakit may maikling kwento.
___10. Walang kinikilingan, kung ano lamang ang matapat
at makatarungan.

II. Panuto: Sumulat ng Maikling Kwento gamit ang mga sangkap/elemento nito. Isulat ito sa loob
ng kahon sa ibaba.

Pamantayan sa Paggawa
Orihinalidad 10
Pagkamalikhain 10
Mahusay sa paggamit ng wika 10
Kabuuan 30 puntos

41
MALIKHAING PAGSULAT

42
MALIKHAING PAGSULAT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang wastong sa patlang.

___________________1. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon.

___________________2. Ito ang pinaka-kabanatang paghahati sa dula.

___________________3. Kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding pagkabigo


at pagkamatay ng bida.

___________________4. Ang tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni


Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.

___________________5. Binubuo ito ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsulat at


pagtatanghal.

___________________6. Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo ng


Pagkabuhay.

___________________7. Ang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang
kabanata.

43
MALIKHAING PAGSULAT

___________________8. Ito ay ang paglabas at pagpasok ngkung sinong tauhang gumanap o gaganap
sa eksena.

___________________9. Hango ito sa salitang Griyego na “drama” nanangangahulugang gawin o


ikilos.

___________________10. Siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng


damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

II. Panuto: Sumulat ng isang dula na may isang yugto lamang, gamit ang mga sangkap/elemento
nito. Isulat ito sa loob ng kahon sa ibaba.

44
MALIKHAING PAGSULAT

45
MALIKHAING PAGSULAT

Talasanggunian

46
MALIKHAING PAGSULAT

Aklat
Malikhaing Pagsulat
Awtor: Fanny A. Garcia, Rowena P. Festin

Online Resources
https://www.slideshare.net/diocylannrequillo/filipino-retorika-tayutay-at-idyoma

https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-8743182

https://www.facebook.com/brengellife/posts/bugtongang-bugtong-ay-isang-palaisipan-o-talinghaga-na-may-
nakatagong-kahulugan-/1817093228350951/

https://www.slideshare.net/closet101mirasol/maikling-kwento-69802333

https://buod.ph/maikling-kwento/ang-kwento-ni-mabuti-buod/

https://www.slideshare.net/ladychu08/dula-15515688

http://akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/mga-piling-linya-sa-tula-na-ginamitan.html

http://reviewersandfiles.blogspot.com/2016/11/pagsusuri-ng-maikling-kuwento-buod-ng.html

http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/

47

You might also like