You are on page 1of 10

Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

ARALIN 15.1
Sosyo-historikal na Konteksto ng Akda
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 3

Pag-aralan Natin 4
Mga Dapat Tandaan sa Pagtukoy ng Mahahalagang Kaisipan ng Dulang Pantelebisyon 5
Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon 5
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Sosyo-Historikal na Konteksto para Higit na
Maunawaan ang Isang Akda 6

Sagutin Natin 7

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 8

Dapat Tandaan 9

Mga Sanggunian 9
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Aralin 15.1
Sosyo-historikal na Konteksto ng Akda

Introduksiyon
Ang panonood sa telebisyon ay bahagi na ng ating kulturang Pilipino. Sa bawat araw na tayo
ay nanonood, nakakukuha tayo ng impormasyon, o kaya ay mahikayat, at malibang sa
bawat palabas o programa. Bagaman malaking agapay sa atin ang panonood, kinakailangan
pa rin nating maging mapanuri. Kaya, sa araling ito, mahahasa ang inyong kasanayang
pagsusuri sa pamamagitan ng panunuri ng mga elemento ng dulang pantelebisyon gamit
ang sosyo-historikal na konteksto. Mabibigyang-pansin din dito ang mga mahahalagang
kaisipan ng dulang pantelebisyon at mga elemento nito, pati na rin ang katuturan ng
sosyo-historikal na konteksto para sa buong pag-unawa ng isang akda.

1
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:
● Natutukoy ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa napanood na
dulang pantelebisyon.
● Nauunawaan ang elemento ng dulang pantelebisyon.
● Nagagamit ang sosyo-historikal na konteksto ng akda upang higit na
maunawaan ito

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nasusuri ang mga elemento at
sosyo-historikal na konteksto ng napanood na dulang pantelebisyon.
(F7PD-IIIf-g-15).

2
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Simulan

Dulang Pantelebisyon at Pagsusuri

Lar. 1. Bahagi ng ating buhay ang paglilibang sa panonood ng mga palabas.

Materyales
● papel
● panulat
● cellphone

Mga Panuto
1. Kumuha ng malinis na papel at panulat.
2. Magsaliksik tungkol sa dulang pantelebisyon na naglalaman ng aral na higit na
kailangan ng mga Pilipino ngayon.
3. Gamitin itong batayan para sagutin ang sumusunod na mga gabay na tanong.

3
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Mga Gabay na Tanong


1. Tungkol saan ang pinanood na dulang pantelebisyon?
2. Anong aral ang nais nitong iparating sa mga manonood?
3. Ano-ano ang mga bahaging/ elementong bumubuo sa pinanood na dulang
pantelebisyon?
4. Ano ang kalagayan o sitwasyong panlipunang nababakas sa pinanood na dulang
pantelebisyon? Paano ito nagkaroon ito ng malaking ugnayan sa panahong nangyari
ang sitwasyon?
5. Sa palagay mo, ano ang maaaring maging kinalaman ng pinanood na dulang
pantelebisyon sa kasalukuyan?

Pag-aralan Natin

Mahalagang/Mahahalagang Tanong
● Ano-ano ang dapat tandaan sa pagtukoy ng mahahalagang kaisipan
ng dulang pantelebisyon?
● Ano-ano ang elemento ng dulang pantelebisyon?
● Ano-ano ang dapat tandaan sa paggamit ng sosyo-historikal na
konteksto para higit na maunawaan ang isang akda?

Alamin Natin
pagtalakay na may kinalaman sa mga umiiral na isyung
sosyo-historikal
panlipunan at kasaysayan ng isang tiyak na komunidad

4
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Mga Dapat Tandaan sa Pagtukoy ng Mahahalagang Kaisipan


ng Dulang Pantelebisyon
1. Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon – Para sa epektibong pagsusuri ng isang
dulang pantelebisyon, nararapat munang maging pamilyar sa mga elementong
bumubuo rito. Ito ay magbibigay-pagkakataon sa tagapagsuri ng malawak na
kaalaman mula sa malaki hanggang sa maliit na detalyeng dapat bigyang-pansin sa
dulang pantelebisyon.
2. Kalakasan at Kahinaan ng mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon – Para sa
epektibong pagsusuri ng isang dulang pantelebisyon, nararapat na magbigay-tuon sa
kahinaan at kalakasan ng bawat elementong bumubuo rito. Ito ay magbibigay ng
pagkakataon sa tagapagsuri na matukoy kung tunay bang nagiging ganap ang
tungkulin ng bawat elemento ng isang mabuting dulang pantelebisyon.
3. Kontekstong Sosyo-Historikal – para sa epektibong pagsusuri ng isang dulang
pantelebisyon, nararapat na magbigay-pansin sa kontekstong sosyo-historikal nito.
Ito ay magbibigay-pagkakataon sa tagapagsuri na matukoy ang kaugnayan ng
sinusuring dula sa umiiral na kasaysayan at isyung panlipunan.

Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon


1. Kuwento at Tauhan – Ito ang nagbibigay ng kuwento sa isang dulang pantelebisyon
sa pamamagitan ng pagganap ng mga tauhan.
2. Direksiyon – Ito ang nagbibigay ng tunguhin sa isang dulang pantelebisyon. Sa
katauhan ng kumpas at ideya ng direktor, nagiging posible ang pagkakabuo ng isang
dulang pantelebisyon.
3. Disenyo – Ito ang isa mga tumatayong suporta ng dulang pantelebisyon. Ang disenyo
ay tumutukoy sa tagpuan, kasuotan, at iba pang bagay na gamit para maging
makatotohanan ang isang mabuting dulang pantelebisyon.
4. Sinematograpiya – Ito ay tumutukoy sa wasto at angkop na paggamit ng kamera
para sa mas magandang anggulo ng bawat eksena ng isang dulang pantelebisyon.
5. Editing – Ito ay tumutukoy sa lohikal na pagtatagpi-tagpi ng mga pangyayari ng isang
dulang pantelebisyon.
6. Tunog – Ito ay isa sa mga pansuporta ng isang dulang pantelebisyon para mas

5
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

maging makatotohanan sa mga manonood. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang tunog na


nalilikha sa loob ng dula tulad ng kulog, kaluskos, at iba pang katulad ng mga ito.
7. Musika – Ito ang isa sa mga nagbibigay ng damdamin sa isang dulang pantelebisyon.
Ito ay tumutukoy sa mga musikang inilalapat ng direktor para mas mabigyang-diin
ang mga piling eksena sa isang dulang pantelebisyon.
8. Pagganap – Ito ay tumutukoy sa kalidad ng pagganap ng mga tauhan sa isang dulang
pantelebisyon. Mahalaga ito dahil ang mga tauhan ang isa mga nagbibigay-buhay sa
isang dulang pantelebisyon. Kung kaya, ang kagalingan sa kanilang pagganap ay
malaking ambag sa pagiging matagumpay ng dula.

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Sosyo-Historikal na Konteksto para Higit


na Maunawaan ang Isang Akda
1. Basahin at unawain. Para sa epektibong paggamit ng sosyo-historikal na konteksto
para higit na maunawaan ang isang akda, nararapat na magkaroon ka muna ng
malinaw na kabatiran sa kuwento at tunay na konteksto ng akdang sinusuri. Ito ang
una at mahalagang hakbang tungo sa matagumpay na pagsusuri. Walang saysay ang
anumang dulog paraan ng pagsusuri, kung hindi naman nagbibigay-pansin sa
kabuuan ng kuwento at nilalaman nito.
2. Alamin at tukuyin ang isyung panlipunan at kasaysayan. Para epektibong magamit
ang sosyo-historikal na konteksto para higit na maunawaan ang isang akda,
nararapat na may malinaw na kabatiran ka sa mga isyung panlipunan at kasaysayan
na umiiral sa lugar na pinatutungkulan ng akdang sinusuri. Mahalagang
magbigay-atensiyon ang tagapagsuri sa bahagi ito, dahil ang hindi pagbibigay-pansin
sa mga isyung panlipunan at kasaysayang ay maaaring humantong sa kabiguang
mabigyang-kahulugan ang tunay na nilalaman ng akdang sinusuri.
3. Pagtugmain nang walang pagkaganid. Para sa epektibong magamit ang
sosyo-historikal na konteksto para higit na maunawaan ang isang akda, nararapat na
matukoy ang malinaw na ugnayan ng akdang sinusuri at mga umiiral na isyung
panlipunan at kasaysayan sa lugar na pinatutungkulan ng kuwento. Sa bahaging ito,
nararapat na hindi maging ganid ang tagapagsuri, at manatili sa mga bagay na
saklaw lang ng konteksto ng akda. Iwasan ang labis na pagbibigay-kahulugan sa akda

6
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

na hindi naman kongkretong nabigyang-patunay.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Ano ang unang dapat bigyang-pansin sa pagtukoy ng mahahalagang kaisipan
ng dulang pantelebisyon?
2. Bilang tagapagsuri, ano ang mahalagang matukoy sa mga elementong
bumubuo sa isang dulang pantelebisyon?
3. Bakit mahalaga ang pagbibigay-pansin sa kontekstong sosyo-historikal para sa
epektibong pagsusuri ng isang dulang pantelebisyon?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang elemento ng dulang pantelebisyon na nagbibigay-tunguhin sa
kuwento?
2. Ano naman ang elemento ng dulang pantelebisyon na nagbibigay-buhay sa
kuwento?
3. Bilang tagapagsuri, bakit mahalagang magkaroon ng malinaw na kabatiran sa
mga elementong bumubuo sa isang dulang pantelebisyon?

Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman sa pagsusuri ng dulang pantelebisyon gamit
ang kontekstong sosyo-historikal para lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga
isyung panlipunan at kasaysayan ng tiyak na komunidad?

7
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

Pag-isipan Natin
Magsaliksik tungkol sa paboritong dulang pantelebisyon at suriin ito gamit ang sumusunod
na gabay na tanong sa ibaba.
1. Tungkol saan ang napiling dulang pantelebisyon? Bakit ito ang iyong napili?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Anong aral ang nais nitong ibahagi sa mga manonood? Paano ito makatutulong sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga manonood?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga elemento o bahaging bumubuo sa dulang pantelebisyong napili?
Maituturing bang ganap ang pagiging epekto ng mga ito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4. Ano ang sosyo-historikal na nakapaloob sa konteksto ng dulang pantelebisyong
napili? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
5. Bilang tagapagsuri, nakatutulong ba ang sosyo-historikal para mas maunawaan ang
konteksto ng dulang pantelebisyon? Ipaliwanag. (3 puntos)
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Dapat Tandaan

8
Filipino

Baitang 7 • Yunit 15: Panitikang Pilipino

● Ang mga dapat tandaan sa pagtukoy ng mahahalagang kaisipan ng dulang


pantelebisyon ay pagbibigay-pansin sa mga elemento ng dulang pantelebisyon,
kalakasan at kahinaan ng mga elemento ng dulang pantelebisyon, at kontekstong
sosyo-historikal.
● Ang mga elemento ng dulang pantelebisyon ay ang kuwento at tauhan, direksiyon,
disenyo, sinematograpiya, editing, tunog, musika, at pagganap.
● Ang mga dapat bigyang-pansin sa paggamit ng sosyo-historikal para higit na
maunawaan ang isang akda ay ang kabuuan at nilalaman, isyung panlipunan at
kasaysayan, at pagtutugma at hindi pagiging ganid.

Mga Sanggunian

Correa, Ramilito, 2015. Baybayin 7: Paglalayag sa Wika at Panitikan (Batayan at Sanayang Aklat
sa Filipino). Recto, Manila: Rex Book Store, Inc.
Dayag, A.M. et. al., 2013. Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Dela Cruz- Oracion, Leonora, 2015. Gantimpala 7: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Sta. Ana
Manila: Innovative Educational Materials, Inc.
Guimarie, Aida M, 2015. Kalinangan 7: Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan) para sa Hayskul.
Recto, Manila: Rex Book Store.

Website:
Youtube. “Uslem 6 Pagsusuri ng Dulang Pantelebisyon”. In-access noong Hunyo 20, 2022.
https://www.youtube.com/watch?v=Q6HH87pXuVA

You might also like