You are on page 1of 12

Divine Word College of Vigan

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Vigan City

SINE-SOSYEDAD/
Ikalawang PELIKULANG PANLIPUNAN
Semestre (SINESOS)

Linggo 1 Oryentasyon sa Kurso/ Pagtatakda ng mga


Panuntunan sa Klase

Paglalarawan sa Kurso

Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood at komparatibong
pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang
masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag-unawa ng kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at
internasyonal, alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong pwersa.

PANGKURSONG BUNGA NG PAGKATUTO

Pagkatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Matutuhan ang kasaysayan at pag-unlad ng pelikula sa Pilipinas.


2. Maunawaan at mapahalagahan ang nilalaman ng pelikulang Pilipino.
3. Maipaliwanag ang teorya sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan.
4. Matukoy ang mga pelikulang panlipunan na makabuluhan sa kontekstong
Pilipino.
5. Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng komparatibong pagsusuri
ng pelikulang panlipunan.
6. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskursong pangkultura,
pampanitikan, at pampelikula.
7. Makagawa ng isang short film na naaayon sa pelikulang panlipunan.

LINGGO NILALAMAN NG KURSO


Linggo 1 Oryentasyon sa Kurso/ Pagtatakda ng mga Panuntunan sa Klase
Linggo 2-3 Ang Pelikulang Pilipino
Lingo 4-5 Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang
Panlipunan
Linggo 6 Preliminaryong Pagsusulit
Linggo 7-8 Halimbawa ng Pagtatangka sa Pagsusuri ng Pelikula
Lingo 9-11 Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan
Linggo 12 Panggitnang Pagsusulit
1|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
Linggo 13-14 Pagsusuri sa mga Inihandang Pelikula hinggil sa Lipunan
Linggo 15-17 Mga Simulain sa Paghahanda at Pagtatanghal ng Pelikula
Pinal/Panghuling Pagsusulit na Pagsusulit

MODYUL

Ang kagamitang ito na pantulong sa pag-aaral at pagkatuto ay binubuo ng limang (5) modyul na kung saan
bawat modyul ay kinapalolooban ng kaalamang pampanitikan at paglalapat sa tulong ng mga mapanuring
pagtatalakay sa nilalaman nito.
Upang maisakatuparan ang layunin ng modyul, ang may-akda ay magiging hitik sa mga pagsasanay at gawain
na angkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan, napapanahon,
kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip.
Higit sa lahat ang modyul na ito ay nakatuon sa “Five E’s ng Contructivist Model on Instructional Design”:
*Engage (Pagbabahagi), *Explore (Paggalugad), *Explain (Pagpapaliwanag), *Elaborate (Pagpapalawak), *Evaluate
(Pagtataya).

Sa Pagbabahagi, matatagpuan dito ang ilang pagsusulit na titingin kung may kaalaman ka hinggil sa paksang
tatalakayin. Ang Paggalugad ay ang magsisilbing lunsaran at tagapag-ugnay ng mga konsepto o impormasyon.

Ang Pagpapaliwanag ay dito higit na mapapalawak ang kaalaman mo


tungkol sa paksang tatalakayin. Ang Pagpapalawak naman sa bahaging ito higit na maipapakita mo ang iyong ganap na
pagkaunawa sa paksang tinalakay

Mga Gabay at Panuntunan sa Klase

Sa pagsasakatuparan ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na maglalaan


ng oras para aralin at sagutin ang mga gawain sa pagkatuto na iniatas sa bawat aralin at inaasahan ka rin na makibahagi
at maging aktibo sa ating LMS (Learning Management System) na gagamitin sa klase.

Para maipasa ang kursong ito kinakailangan mong gawin ang mga sumusunod:
1. Basahin ang mga ibibigay na babasahin;
2. Ipasa lahat ang mga gawain;
3. Panoorin ang mga web/video recordings at isakatuparan ang
ibinigay na gawain;
4. Ipasa ang final requirement.

MAHALAGANG PAALALA
1. Maging malinaw sa sagot na isusulat.
2. Iwasang sumagot ng nakapahaba.
• Iwasan ang maligoy at mabulaklak na salita.
• Kailangan direkta ka lang sa punto mo.
2. Iwasang sumagot ng nakapahaba.
2|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
• Iwasan ang maligoy at mabulaklak na salita.

• Kailangan direkta ka lang sa punto mo.

• Siguraduhin din na ang mga isasagot mo ay nakabatay sa mga aralin na ibibigay at hindi sa nakita sa internet.

3. Palagiing kunin ang sanggunian ng pinagkuhanan ng impormasyon.


Gamitin ang APA style sa paglalagay ng sanggunian (tignan
http://owl.english.purdue.edu/owl/section/2/10/
4. Sumunod sa schedule ng mga gawain sa kurso.

Marahil ay iniisip mo na ang mga gawain na iyong isasakatuparan sa modyul na ito. Simulan natin ang pag-aaral sa
pamamagitan ng panimulang pagtataya na susubok sa iyong kaalaman sa mga araling pampanitikan at mga ibang
bahagi ng panahon ng katutubo na saklaw ng kabuuan ng araling ito

5. Sundin ang deadlines na ibibigay. Dahil ang mga gawain na lumagpas na sa itinakdang deadline ay may karampatang
bawas na sa puntos ng awtput.

Plagiarism
Ang mag-aaral ay hindi maaaring manulad o magpasa ng mga gawaing pang-akademiko na hindi naman siya ang
nagmamay-ari.

Bagkus, ikaw ay inaasahan na sa bawat gawain na iyong ipapasa ay sarili mong katha at hindi katha ninuman. Kapag
napag-alaman na ikaw ay nangopya o kinopya ang sagot ng iyong kamag-aral o sagot sa nasaliksik mong katanungan sa
internet, ikaw ay papatawan ng karampatang parusa (hindi na mabibigyan ng puntos ang ginawang awtput).

Kung gayon, ikaw ay pinapaalalahanan na huwag manulad o mangopya ng gawa ng iba.


PAGTATAYA SA KURSO
• Pormatibong Pagtataya
• Sumatibong pagtataya
Ikaw ay mabibigyan ng grado sa pamamagitan ng sumusunod:
1. Partisipasyon sa Klase – 70%
• Written Task/Output
(Attendance, Activity) – 20%
Quizzes /Recitation – 20%
• Performance (Graphic organizer, Collage,Reporting, etc.) – 30%
2. Pagsusulit -30%
Kabuuan -100%

Ikaw ay mabibigyan ng pinal na grado ayon sa iyong average grade sa tatlong markahan sa semestreng ito. Para
makapasa ka sa kursong ito ikaw ay dapat magkamit ng hindi bababa sa grado na 75.

3|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City

SINE-SOSYEDAD/
Ikalawang
PELIKULANG PANLIPUNAN
Semestre (SINESOS)

Ang Pelikulang Pilipino


Linggo 2-3

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO


Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matutuhan ang kasaysayan at pag-unlad ng pelikula sa Pilipinas;
2. Masuri ang pagkakaiba-iba ng genre ng pelikula na ipinalabas sa iba’t
ibang taon;
3. Makagawa ng pansariling pagpapahalaga sa pelikulang Pilipino sa
pamamagitan ng isang poster slogan.

PAGBABAHAGI
ANO-ANO NA ANG MGA TIYAK NA ALAM MO?

Gawain 1 Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Dayagram magbigay ka ng mga pahayag o salitang


naglalarawan at naghahambing sa kalagayan ng Pelikulang Pilipino noon at sa
kasalukuyan.

PELIKULANG PILIPINO NOON AT NGAYON

NOON NGAYON

4|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City

PAGGALUGAD

Ang Pelikula ay isang pamamaraan para ipakita ang mga natatanging abilidad at kakayahan ng mga
gumaganap dito.

Ngayon, bakit sinasabing anyo ng


sining at libangan ang pelikula?

Ang Pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri


ALAMIN MO! ng sining sa Pilipinas at isang popular na uri ng libangan. Isa rin ito sa
mga pinagkukunan ng Trabaho ng mga 260,000 naPilipino. Kumikita
ito ng 1.5 na Bilyong Piso taun taon.

Pinagmulan

Huling Bahagi ng Panahong Kastila


Noong 1 Enero 1897 may apat na pelikulang pinamagatang Un Homme au Chapeau o (Kalalakihang may Sumbrero) Une
scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) La Place l'Opera Sa lugar ng Tanghalan les Boxers (Ang
mga Boxingero) ay ipinalabas sa Salon de Pertierra na isang sinehan sa 16 Calle Escolta ng isang ngangalang Antonio
Ramos na isang Sundalo mula sa Espanya, Nag angkat siya ng Lumiere sinematograph na may 30 pelikula mula sa kayang
account sa isang bangkong swiso. Ang Pelikula ay Buhat sa mga bansang Pransiya Alemanya at sa Britanya, ang
ipinapalabas sa Lungsod ng Maynila.
Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, ay ginamit ang Lumiere para gawing tagakuha ng
mga magagandang mga eksena mula sa mga lokal na tanawin sa Pilipinas na isang dokomentaryo tulad ng Panorama de
Manila o ang lupain ng maynila, Fiesta de Quiapo o Pista ng Quiapo puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at La
Ecsenas de la Callejeras o ang Sayawan sa kalye. Bukod kay Ramos ay marami ding mga Dayuhanng taga gawang pelikula
ang ang pumunta sa pilipinas tulad ni Burton Holmes na ama ng Travelogue, na kumuha ng ilang mga dokumentaryong
mga pelikula sa pilipinas tulad ng Battle of Baliwag si Kimwood Peters din ay kumuha ng ilang mga tanawin sa Banaue Rice
terraces at si Raymond Ackeman ng American Biography at ang Mutoscope ay nag Cock Fight na ipinapakita ang
pagkakahilig ng mga pilipino sa Sabong
Panahon ng Amerikano
Noong 1900 Ang isang Ingles na nag ngangalang Walgrah ang nag palabas ng ilang mga Pelikula sa Pilipinas nag bukas siya
ng sineha na nagngangalang Cine Walgrah sa No.60.calle Santa Rosa sa Intramuros. Ang ikalawang sinehan ay itinayo ng
isang Kastilang negosyante na nagngangalang Samuel Rebarber, Tinawag naman itong Gran Cinematografo Parisen, na
nasa No.80 calle Crespo sa Quiapo Noong 1903, Ang isa ng Pilipinong nagngangalang Jose Jimenez ay nag tayo ng isang
sinehang Gran Cinematograpo Rizal sa Calle Azcaraga (na ngayon ay Abenida C.M. Recto) sa tapat ng Estasyon ng tren sa
Tutuban Noong magkaparehas na taon ang pelikula ay popular na sa pilipinas gumawa sila ng pelikula na tungkol sa
Kolonisasyon. na sinasaluhan ng tunog ng Piano at mga mangaawit sa Manila grand Opera House.
5|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
Noong 1905 si Herbert Wynham ay kumuha ng ilang mga eksena sa Manila fire Department, siAlbert Yearslyay kumuha
ng eksena sa selebrasyon ng Rizal day sa Luneta noong 1909; noong 1910, Ang Manila Carnival noong 1911, Ang ilang mga
kuha mula sa pag putok ng Bulkang Mayon;Ang kuha mula sa unang labang pang himpapawid sa look ng Maynila niBud
Mars At ang mga kuha sa Malaking sunog sa Tondo, Pandacan at sa Paco; pati ang kuha mula sa pag alis ng
mga Igorot papunta sa Barcelona at ang pananalasa ng bagyo sa Cebu ngunit ang mga Pangunahing pelikulang ito ay hindi
naging popular sa ating mga Pilipino dahil sa ito para lamang sa kaalaman ng mga dayuhan,
Ang Komisyon ng Pilipinas ay malaki ang pag papahalaga sa pelikula dahil ito ay isang magandang gamit sa pag hahatid ng
Komunikasyon,impormasyon at Pang aliw, kaya noong 1909, ang Kagawaran ng Siyensiya at Teknolohya ay gumawa ng
isang Laboratoryo ng Pelikula sa Tulong ng Pathe, at ng isang Photgraper na si Charles Martin, sa Pransiya at siyay nag
sanay ng ilang mga Pilipino sa paggawa ng Pelikula, ng Matapos mag sanay ang mga tinuturuan, ay nag simula na silang
gumawa ng pelikula,
At noong 1910, ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan na Chronophone ang mga Briton
na kumukuha ng pelikula ay pumunta sa Pilipinas at kumuha ng Magagagandang tanawin sa Pilipinas, tulad sa talon ng
Pagsanjan noong 1911 ng Kinemakolor, At noongv 1912, ang isang kumpanysa sa Hollywood ay gumawa ng isa ng Pelikula
na ang pamagat ay La Vida de Rizal na tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani, at dito nag simula ang
Pagkakapanganak sa Pelikulang Pilipino.
Ng 1914; Ng Us Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa pag hahatid sa Edukasyon at Propaganda nag aangkat
din sila ng Pelikula mula sa Europa, ngunit ng sumapit ang Unang Digmaang Panaigdig, ay pansamantalang itinigil ito.
Noong 1929, ang Syncopation,na isang kaunaunahang pelikulang may tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa Maynila sa
Plaza Sta.Cruz ay gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na tunog sa mga lokal na produser ng pelikula at noong
disyembre 8, 1932 ay ginawa ang unang tagalog na Pelikula na Pinamagatang Ang Aswang, na isa ng Pelikula na may tema
ng katatakutan base sa mga Alamat, ngunt sa mga ilang nakakatanda sa pelikulang ito ay hind talaga ito purong may tunog,
ay ang Punyal na Ginto na ipinalabas noong marso 9,1933 sa Lyric Theater,
Noong 1930s, ang ilang mga artista at mga produser ay tumululog s pag papaunlad pa ng industriya ng pelikula ang mga
Tao ay namangha sa mga magagaling na pagganap at sa pag pili ng tema ng pelikula, karamihan dito ay tungkol sa mga
pinagdaanan ng mga pilipino sa mga mananakop, tulad ng Patria Amore;Mutya ng Katipunan ni Julian Manansala na
mayroong elemento ng propagandang Anti-spanish .
Si Carmen Concha,Ang unang babaeng derektor sa Pilipinas ay gumawa din ng mga ilang Pelikula tulad ng Magkaisang
Landas at ang Yaman ng Mahirap noong 1939,sa ilalim ng Parlatone Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim
ng LVN Pictures.
Ito ang mga Sikat na mga Artista bago ang Digmaan:

Panahon ng Ikalawang Digmaang pandaigdig at ng pananakop ng Hapones


Noong panahon ng mga Hapones, Ang paggawa ng Pelikula ay pansamantalang tumigil. Ang mga Hapon ay nagdala ng
kanilang mga pelikula sa Pilipinas, ngunit hidi ito naging popular sa mga Pilipinong manonood, Ang mga Propaganda laban
sa mga Hapon Ang ginagawa ng mga iilang mga drektor kasama si Geraldo de Leon na tungkol sa relasyon ng Hapon sa
Pilipinas Isa sa mga propagandang ito ay ang Dawn of Freedom na sa direksiyon ni Abe Yukata at Geraldo de Leon. At sa
mga panahong iyon, ang Komedya nila Pugo at Togo, ay naging popular sa mga panahong iyon na ang tema ay tungkol sa
pananakop ng Bansang Hapon sa Pilipinas na binago bilang Tuguing at Puguing dahil si Togo ay katunog ng Tojo na isang
Punong Ministro sa Bansang Hapon noong dekada 40.
1940’s pa rin
Nasira ang maraming kagamitan sa panahon ng digmaan; bumuhos ang Hollywood films na free of tax Lumitaw ang war
films

6|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
Noong kasagsagan ng digmaaan, ang karamihan sa mga Artista ay nakadipende sa entablado lalo sa maynila Ang mga
sinehan noon ay bibihira dahil sa mga kaguluhan.
Dekada 50
Pagkatapos ng digmaan, ay sumikat ang mga pelikulang ukol sa digmaan, ang mga tao ay gustunggusto na makapanood
ng mga iyon, na ang karamihang tema ay propaganda, tulad ng Garison 13,(1946) Dugo ng Bayan, (1946) Walang
Kamatayan at Gerilya na isang uri ng naratibong salaysay tukol sa mga kabayanihan ng ng mga sundalo noong panahon ng
digmaan.
Dito din nag simula ang Realismo sa Pelikula ng Pilipinas. base sa mga buhay ng pilipino tulad ng tungkol sa mga
napapanahong mga usapin sa lipunang kinagagalawan ng mga Pilipino, sa panahong ito ay naging popular rin
ang komedya at drama.
Tingnan din

• Pelikula sa Asya
• Mga Pelikula sa Mundo
• Metro Manila Film Festival
• Mga Pelikula sa Timog Silangang Asya
Kategorya:
• Pelikulang Pilipino
• Huling pagbabago: 15:02, 31 Enero 2022.
• Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang
karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detaly
1950’s Nabuo ang “Big Four” (LVN, Sampaguita, Libran at Premiere)
1950’s – “Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino”Gerardo de Leon at Lamberto Avellana ay nakilala sa buong Asya.
Nanalo sa Asian Film Festival “Ang Asawa kong Amerikana”, best script (1954) “Ifugao” ni de Leon; “Anak-Dalita” at “Badjao”
ni Avellana. Nabuo ang award giving bodies Maria Clara Awards (1950). FAMAS (Filipino Academy for Movie Arts &
Sciences) Awards
1960’s Paglitaw ng mga “Amerikanisadong Pilipino” - intelektwal na ayaw ng kabakyaan at kilusang makabayan na may
pagpapahalaga sa masang Pilipino Kabataang iskolar at intelektwal sa mga kolehiyo – nag-promote na panoorin
ang pelikulang Pilipino at pag-aralan pa ito; isinulong nila ang pagiging makabayan ng pelikula. New wave- bagong paraan ng
pagsasapelikula galing kanluran (makilos na kamera, kolokyal at marahas na paggamit ng lenggwahe)

1970’s Nauso ang “movie idols” Mga nakilalang bagong direktor dahil sa paksang nagapapakita ng katotohanan ng buhay
Lino Brocka Behn Cervantes Ishmael Bernal

LINO BROCKA
TINIMBANG KA NGUNIT KULANG (1974) magkakaibang mukha ng pang-aalipin sa lipunan; piyudal na kaayusang
nabubulok na at papatay sa mga pwersang mag-aalis dito.
MAYNILA SA KUKO NG LIWANAG (1975) larawan ng sistemang pang-ekonomiya na bumibili sa maliit na halaga lamang
sa lakas at dignidad ng tao upang iwaksi matapos pakinabangan.
LUNES, MARTES (1976) – kalumbay-lumbay na labi ng kolonyalismong Amerikano na na sumisipsip sa kasariwaan at
karangalan ng dukhang kailangang mabuhay.
1980 – 1990’s “Ikalawang Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino”

7|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
Mga pelikula ni Marilou Diaz Abaya

1980: Tanikala 1985: Baby Tsina 1999: Muro Ami


1980: Brutal 1995: Milagros 1999: Bagong Buwan Bagong Buwan
1983: Moral 1996: Sa Pusod Ng Dagat 2000 - 2009
1984: Karnal 1998: Jose Rizal

Ang PELIKULA ay kilala sa katawagan na pinilakang tabing at/ o


PAGPAPALIWANAG sine. Ito ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na
larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng
libangan. Sinabing gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan. Ang pelikula ay nililikha sa
pamamagitan ng pagrekord ng totoong tao, bagay o iba pa sa kamera. Makita kung ano ang pinagdaanan
nito na mga pag-unlad at pagbabago sa ang kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Balikan mo ito sa bandang itaas “Alamin
mo” upang mas lalong maliwanag sa iyo.

1912 Unang “silent picture” 1919 Unang pelikulang 1933 Unang “talkie” na 1937 213 na sinehan
Pilipino gawa ng Pilipino ang nagpa- labas ng
“talkies”; 2 lang sa
Tagalog

1941 May limang anyo 1950 “Gintong Panahon 1960’s Impluwensya 1970’s Paksang
(melodrama, romantic, ng Pelikulang Pilipino” ng new wave panlipunan at sinema-
comedy, historical, musical, tikong teknika
adventure- fantasy)

Ang Pelikulang Pilipino sa Taong 1920


1912
- unang silent picture, ang “VIDA DE RIZAL”
- sina EM Gross at AW Yearsley
1919
- unang pelikulang Pilipino ang “Dalagang Bukid”, ang sarswelang ginawa ni Jose Nepomuceno na kinilala bilang “ama ng
pelikulang Pilipino.
1927
- itinanghal ang isang “jazz singer”, ito ay isang pelikulang talkie.
1929
- Ang “Syncopation” ay ang kauna-unahang pelikulang may tunog na ipinalabas sa radio Theater sa Maynila sa Plaza Sta.
Cruz.
Ang Pelikulang Pilipino sa Taong 1930’s-1940’s
1932
- ginawa ni George P. Musser, isang amerikano na unang gumawa ng talkie dito sa ating bansa, at ito ay ang “Ang Aswang”.
1933
- “Punyal na Ginto” gawa ito ni Nepomuceno, unang “talkie” na gawa ng Pilipino.
1937

8|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
- 213 na sinehan ang nagpalabas ng “talkies”; 2 sa tagalog

1941
- May limang anyo (melodrama, romantic comedy, historical, musical, at adventure-fantasy).
*Nasira ang maraming kagamitan sa panahon ng digmaan, bumuhos ang
mga Hollywood Film na free of tax.
*Lumitaw din ang war films.
Ang Pelikulang Pilipino sa Taong 1950s
Lumitaw ang mga kompanyang kinilala sa produksyon ng mga pelikula na tinawag na “Big Four” (LVN, Sampaguita, Libran,
Premiere).
1950
- Ito ang tinawag na “Gintong Panahon ng Pelikulang Pilipino”
- Nabuo ang award giving bodies
o Maria Clara Award
o FAMAS (Filipino Academy for Movie Arts & Science Awards)
Gerardo de Leon at lamberto Avellana ay nakilala sa buong Asya
Nanalo sa Asian Film Festival – “Ang Asawa kong Amerikana” (Best script)
“Ifugao” ni de leon
“Anak-Dalita at Badjao” ni Avella

Ang Pelikulang Pilipino sa Taong 1960’S


• Lumitaw ang “Amerikanisadong Pilipino” sila ang intelektwal na ayaw ng kababayan at kilusang makabayan na
may pagpapahalaga sa masang Pilipino.
• Lumitaw ang kabataang iskolar at intelektwal sa mga kolehiyo.
• Nagpromote na panoorin ang pelikulang Pilipino at pag-aaralan pa ito; isinulong nila ang pagiging makabayan ng
pelikula.
• Paglitaw ng new wave, ito ang bagong paraan ng pagsasapelikula galing kanluran; ito ang pagkakaroon ng makilos
na kamera at kolokyal at marahas na paggamit ng lenggwahe.

Ang Pelikulang Pilipino sa Taong 1970’s

• Lumaganap ang paksang panlipunan at sinematikong teknikal.


• Dito nauso ang mga movie idol. Maraming mga nakilalang bagong director dahil sa paksang nagpapakita ng
katotohanan ng buhay katulad nina Lino Brocka, Behn Cervantes, Ishmael bernal.

Ang Pelikulang Pilipino sa Taong 1980’s-1990’s

• Ito ang “Ikalawang Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino”


• Narito ang mga ilang sa pelikula ni Marilou Diaz Abaya
• 1980 – Tanikala, Brutal
• 1983 – Moral
• 1984 – Karnal
• 1985 – Baby Tsina
• 1995 – Milagros
• 1996 – Sa Pusod ng Dagat
• 1998 – Jose Rizal

9|Page
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
• 1999 – Muro Ami; Bagong Buwan. Ang Pelikulang Pilipino sa Taong 2000 - Kasalukuyan
• Ito ang Taon ng “Digital Revolution” para sa pelikulang Pilipino dahil gamit ang makabagong teknolohiya, naging
makatotohanan ang paggawa ng pelikula dahil nahaluan na ito ng mga special effect, video editing, choreography,
at paggamit ng optical effect at mechanical effect.
• Nagsimula ang 3D animated features gamit ang teknolohiya.
• Ito rin ang taon na muling nabuhay ang mga Indie Film.
• Ang mga pelikula sa taon na ito ay namayagpag na rin sa ibang bansa dahil nagsimula nang magkamit ng
internasyonal at prestihiyosong rekognisyon.

KATANGIAN NG PELIKULA
1. Ito ay audio-visual (hearing and seeing) – paningin at pandinig ang
ginagamit.
2. Ang mga damdamin o kalooban o di-kongkretong kaisipan o diwa ay
dapat na maipakita nang malinaw sa screen.
3. May tiyak na haba ng pelikula.
4. Sa pagbuo ng pelikula, mahalaga ang pagkakaroon ng pera.
5. Mayroon ding mga di-inaasahang pangyayari na maaaring makaapekto
sa pagbuo ng pelikula.
6. Ito ay gawa ng maraming tao.
7. Nabubuhay ang isang pelikula dahil sa script na iniinterpret ng direktor.

SANGKAP NG PELIKULA

1. Kuwento – ito ang mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula. Makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa
pananaw ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng Pilipino.
2. Tema – ito ang paksa ng kwento, diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
3. Pamagat – ito ang naghahatid ng pinakamensahe ng pelikula. Ito rin ang nagsisilbing panghatak sa mga manonood.
4. Tauhan – ito ang karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kwento
5. Diyalogo – ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kwento.
6. Cinematograpiya – ito ay matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula. Matagumpay nitong naisalalarawan ang
nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw, at iba pang kaugnay na teknik ng kamera.
7. Iba pang Aspetong Teknikal – kabilang ditto ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special
effects, at editing.
• Tunog
• Musika
• Direksyon
• Editing
• Disenyong Pamproduksyon

GENRE NG PELIKULA

Ang genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo na kaiba sa iba pang uri. Nagkakaiba-iba ang mga ito dahil sa: sentral na
kwento, emosyong ipinapadama, at mga kaisipang pinapairal sa bawat palabas.

1. Aksyon – nakapokus sa mga bakbakang pisikal. Maaaring hango sa tunay na buhay o pangyayari o kaya naman kathang-
isip lamang.

10 | P a g e
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
2. Animasyon – gumagamit ng mga larawan o pagguhit upang magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.
3. Bomba – nagpapalabas ng mga hubad na katawan at gawaing sekswal.
4. Drama – nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin
ang manonood.
5. Epiko – nagbibigay diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang
maalamat, mahiwaga, at makasaysayan.
6. Historikal – ito ay base sa tunay na kaganapan sa kasaysayan.
7. Katatakutan – humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood sa pamamagitan ng pag-antig
sa takot nito.
8. Komedya – pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong pagpapatawa sa bawat
salitang namumutawi sa kanyang bibig.
9. Musikal – mga komedyang may temang pangromansa. Puno ito ng musika at kantahan.
10.Pantasya – nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prisipe at
prinsesa, kwentong bayan o mga kwentong hango sa mga natutuklasan ng siyensya.
11.Pag-ibig o Romansa – umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan
sa pelikula.
12.Period – ito ay pelikula na tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata
ng kanyang buhay.
13.Science Fiction – base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng mga aliens, mga kakaibang
nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon.

Gawain 2 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gumamit ng Bond paper na may sukat 8.5 x 11. Encoded at
pwede namang Hand written pero dapat maliwanag at malinis ang pagkakasulat.

1. Anu-ano ang iyong obserbasyon tungkol sa paksa at “teknical aspect” ng ating mga pelikula?
2. Masasabi mo ba na ang mga pelikulang Pilipino sa dekadang ito ay higit nang mahusay kaysa sa mga pelikula noon?
Bakit?
3. Patunayan na ang ilang pelikulang Pilipino ay maituturing na “world class”.

PAGPAPALAWAK

Sa bahaging ito ay pauunlarin natin ang iyong kaalaman tungkol sa Pelikulang Pilipino, at ilan
sa mga pelikulang binanggit sa panimula pa lamang. Sa pamamagitan ng mga gawain na
nakahanay sa bawat aralin, mauunawaan natin ang tungkol sa Pelikulang Pilipino. At bilang
patunay na naunawaan mo ang modyul na ito, makapagpapakita ka ng awtentikong pagkatuto
na iyong magagamit bilang isang responsableng mamamayan sa iyong bayang sinilangan.
Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng
pagtalakay sa Aralin na ito.
Gawain 3: Pangkatang Gawain/Pag-uulat: (Maisasagawa ito sa “Face to Face” na pagklaklase)
Ang Klase ay mapapangkat sa lima. Magkaroon ng pag-uulat hinggil sa maibibigay na paksain batay sa nabasang
kasaysayan ng Pelikulang Pilipino. Magsaliksik pa ng karagdagang kaalaman.

11 | P a g e
Divine Word College of Vigan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Vigan City
Pangkat 1. Huling Bahagi ng Panahong Kastila
Pangkat 2. Panahon ng Amerikano
Pangkat 3. Panahon Ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig At Ng Pananakop Ng Hapones
Pangkat 4. Katangian At Sangkap Ng Pelikula
Pangkat 5. Genre Ng Pelikula

Matatagpuan ang isang link sa ibaba bilang karagdagan sa pagtalakay sa aralin na ito.

https://www.slideshare.net/sikolopil/pelikulang-pilipino-7297129

PAGTATAYA

GAWAIN 3: Bumuo ng isang poster slogan na nagpapakita ng pagpapahalaga at pagtataguyod sa mga


pelikulang Pilipino. Pagkatapos, ipaliwanag ang slogan na inilagay sa isang talata na binubuo ng limang
pangungusap. (20 pts) Tandaan! Ilagay sa short bond paper ang gagawin na poster slogan.
Gamiting gabay ang rubric na inilakip.
Mga Krayterya 12 8 6 4
Pagkamalikhain Lubos na Naging malikhain sa Hindi gaanong naging Walang
nagpamalas ng paghahanda. malikhain sa ipinamalas na
pagkamalikhain sa paghahanda. pagkamalikhain sa
paghahanda. paghahanda.
Presentasyon Lubhang Naging malinaw ang Hindi gaanong Hindi naging
naging malinaw ang pagkakahatid malinaw ang malinaw ang
pagkakahatid ng mensahe. pagkakahatid ng pagkakahatid ng
ng mensahe. mensahe. mensahe.
Organisasyon Buo ang kaisipan May kaisahan at may Konsistent, may Hindi ganap ang
konsistent, sapat na detalye at kaisahan, kulang sa pagkakabuo,
kumpleto ang malinaw na intension. detalye at hindi gaanong kulang ang
detalye at malinaw ang intension detalye at
napalinaw. dimalinaw ang
intensyon
Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang mga salita Hindi gaanong angkop Hindi angkop ang
Paksa angkop ang mga o islogan sa larawan ng ang mga salita at larawan mga salita at
salita (islogan) at paksa. sa paksa larawan sa paksa.
larawan sa paksa.
Kabuuang Puntos 30

12 | P a g e

You might also like