You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

LSPU Self-Paced Learning Module (SLM)


Course Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan
Sem/AY First Semester/2022-2023
Module No. 2
Lesson Title Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan

 Banghay/Plot at/o Sinopsis at/o Buod


 Sinematograpiya
 Panlipunang Nilalaman/Social Content ng Pelikula
Panonood at Pagtalakay/ Pagsusuri sa Mga Pelikula
 Pelikulang Hinggil sa Isyung Pangkasarian
Week
6th – 9th week
Duration
Date September 26- October 21, 2022
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga pangunahing elemento sa pagsusuri ng isang
Description Pelikulang Panlipunan, kung saan ay matutunan dito kung ano ang banghay o buod,
of the sinematograpiya at Panilipunang nilalaman o social content ng isang pelikula gayundin
Lesson kung paano ito suriin. Tatalakayin din sa modyul na ito ang panonood at pagsusuri sa
mga pelikula hinggil sa isyung may kinalaman sa pangkasarian.

Learning Outcomes
Intended Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:
Learning  Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan hinggil sa kabuluhan sa
Outcomes lipunan ng mga paksang pelikula.
 Mapanuring maisakatuparan ang makrong kasanayang panonood.
 Mapalalim ang pagpapahalaga sa mga positibong aspekto ng kultura ng mga
mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo.
 Malinang ang adhikaing makapag-ambag sa pagbabagong panlipunan.
 Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskursong pangkultura, pampanitikan at
pampelikula

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Targets/ Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Objectives  Masuri ang nilalaman ng isang pelikula.
 Maisa-isip ang tamang pagsusuri ng sinematograpiya at panlipunang
nilalaman sa Pelikulang Panlipunan.
 Maibigay ang pagkakaiba ng sinematograpiya noon at ngayon.
 Maunawaan ang kahalagahan ng sinematograpiya sa pelikula.
 Makapagbigay ng opinyon/pananaw gamit ang malikhaing pag-iisip.
 Makakapagsuri ng mga Pelikulang Pilipino tungkol sa isyung pangkasarian.
 Maipamalas ang angking galing sa pagsusuri ng pelikulang Pilipino.
 Makapagsagawa ng isang interbyu na may kaugnayan sa paksa na
makakatulong sa mag-aaral upang mapalawak ang kanilang
kaalaman.

Student Learning Strategies

Online Activities A. Online na talakayan gamit ang Google Classroom, Google Meet,Zoom,
(Synchronous/ Facebook, Gmail at Messenger.
Inaasahan ang bawat mag-aaral na dumalo sa isang oras na talakayan o
Asynchronous) klase sa anumang anyo ng aplikasyong pang- teknolohiya. Upang
makadalo ay mangyari lamang buksan ang link na ito _ _ .

Ang talakayan ay magaganap sa Nobyembre 8- Disyembre 3, 2021

(Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang mga anunsyong ilalatag


sa Gmail, Facebook at messenger.)

B. Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang kahulugan at kahalagahan ng banghay o buod,
sinematograpiya at panlipunang nilalaman sa pagsususri ng
Pelikulang Panlipunan?
2. Ano-ano ang mga gabay sa pagsusuri ng banghay/ sinopsis o buod,
sinematograpiya at panlipunang nilalaman sa Pelikulang
Panlipunan?
3. Ano-ano ang mga elemento ng sinematograpiya at tamang
paggamit ng kamera?
4. Ano ang kahulugan ng kasarian?
5. Ano-ano ang iba’t ibang isyu at mga hamon na kinakaharap ng mga
Pilipino?

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Gabay na Lektura

MGA PANGUNAHING ELEMENTO SA PAGSUSURI NG PELIKULANG


PANLIPUNAN
Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pagbabasa at panonood. Sa
pamamagitan kasi ng mga ito, nadaragdagan ang kaalaman ng tao at lumalawak
ang saklaw ng pagkatuto di lamang sa sariling kultura, kapaligiran, at
pamumuhay kundi sa mga lugar sa ibayong-dagat at rnaging sa labas ng ating
daigdig.
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang
ibig sabihin sa Ingles ay put together o combine (Harper 2016). Makikita ang
prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-uusap tungkol sa
nabasang libro kung kailan hindi posible ang pagbanggit sa bawat kabanata at
nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang kahulugan, layunin, at
kongklusyon ng libro.
Sa madaling pagpapaliwanag, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga
impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang
napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang
Offline Activities kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.
(e-Learning/Self-
Paced) BANGHAY
-Tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
-Dapat na maging maayos at magkakaugnay upang maging matatag at kapani-
paniwala.
-Gaano man kapayak o karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawili-wili
nito ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunod-sunod na “magpapadulas sa
daloy ng salaysay.”

BUOD
-Siksik at pinaikling bersiyon ng teksto.
-Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinanood o pinakinggan.
-Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
-Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng
binuod na teksto.

MGA GABAY SA PAGSUSURI NG BUOD/BANGHAY


 May simula, gitna, at wakas. Isulat sa rebyu ang sa tingin mong
pinakamahalagang eksena sa iyo. Maaari ring ibuod ang buong kwento.
 May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o
ito’y isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang
mga

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
pangyayari sa pelikula upang lubos na maunawaan ng mga manonood?

 Maayos ba ang daloy ng mga eksena? Maayos ba ang pag-usad ng isang


sequence patungo sa kasunod? Nasusunod ba ang banghay ng pelikula
o may mga eksenang saliwa at hindi dapat naroon?
Hindi lang maituturing na mass media ang pelikula, kundi isa rin itong uri ng
panitikan na hindi nalalayo sa kwento, dula o nobela. Ang telebisyon at pelikula
ay mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao.
Sinematograpiya
 Ang Sinematograpiya ay isang elemento sa paggawa ng pelikula. Ang
pokus ng elementong ito ay upang magbigay ng tunay na pakinabang
sa mga karanasang batid ng mata.

 Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera


na isinasaalang-alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at
paggamit ng ilaw. Ang magagandang lokasyon o ang mga angkop na
lugar para sa mga eksena ang siya ring nagpapatingkad sa imortalidad
ng pelikula
 Dito makikita ang labo at linaw ng pelikula sa kagaligan ng
isang sinematograper..

Sinematograper
-Siya ang nagbibigay ng anggulo ng mga tagpo o eksena.

Sining ng Sinematograpiya
Sa Sinematograpiya, may dalawang mahahalagang bagay ang pinagbibiyang
tuon:
1. Pag-iilaw
2. Paggalaw ng Kamera

Posisyong ng Kamera
Eye Level
-Ginagamit ito sa karaniwang pag-uusap ng mga tauhan sa eksena.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
High Angle
-Ang kuhang ito ay mataas sa karaniwan, ang kamera ay nakatungo sa
kinukunan.
Low Angle
Ang kuhang ito ay mas mababa sa karaniwan, ang kamera ay nakatingala
naman sa kinukunan

Mga Elemento ng Sinematograpiya


Pag-eedit sa Pelikula
Ang pag-eedit sa pelikula ay ang proseso ng pagpili, pagsasaayos at paglalapat
ng nakung material sa film upang maipalabas o maipahayag ang isang tao,
bagay o pangyayari sa pinakadramatiko at pinakamabisang paraan.
Tatlong yunit ng pelikula
1. Shot (Kuha)
2. Scene (Eksena)
3. Sequence (Pagkakasunod-sunod)
Tatlong kinikilalang Manunulat sa pelikula
1. Manunulat ng Kwento o Iskrip
2. Direktor
3. Editor
Paggamit ng Kamera/Layo ng Kamera sa kinukunan
1. Tilt - ang pagtingala o pagtungo ng kamera mula sa isang posisyon.
2. Pan - ang paglingon ng kamera nang pakaliwa o pakanan.
3. Zoom
a. Zoom-in - mula sa malayo ay lumapit sa kinukunan sa pamamagitan
ng paggalaw ng lente ng kamera.
b. Zoom-out - mula sa malapit ay lumayo sa kinukunan sa pamamagitan
ng paggalaw ng lente ng kamera.
4. Dolly - ang kuhang ito ay hawig sa zoom pero hindi ang lente ang gumagalaw

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
kundi ang buong kamera ang lalapit o lalayo sa kinukunan.
5. Parallel/Travelling/Track- gumagalaw din ang buong kamera
upang sumunod o sumabay sa kinukunan.
Medium shot
Nakatuon itong shot na ito sa isa o dalawang tao nang may sapat na laya upang
makilala ang mga tauhan.
*Nakikita parin ang bahagi ng paligid pero higit na nabibigyang -puwang na ng
kuhang ito ang kilos at pananalita ng mga tauhan.
Extreme Long Shot
Ang distansya ay 150 talampakan o pataas upang makita ng manonood ang
buong kapaligiran.
*Hindi gaanong mahalaga ang tauhang kasali, ang mahalaga ay ang kinukunang
lokasyon.
Close-up
-Sa kuhang ito, higit na malapit, kita ang buong mukha.
*Higit na nakikita ang mga tagong emosyon ng mga tauhan upang higit na
maunawaan ng manonood ang kanyan nararamdaman, nasasaisip at
nasasaloob.
Long Shot
Mga 20 hanggang 150 talampakan ang layo ng kamera sa kinukunan.
*Kita paring ang kapaligiran, ngunit may ilang detalye ng mga tauhan ang
nakikita.

Tatlong elementong pinaglalaruan ng Editor


1. Oras o Panahon - maaaring paiklihin o pahabain ng editor ang oras na
nakokonsumo ng isang shot o eksena gamit ang mga transitional devices
tulad ng fade out, dissolve, crossfade, atbp. Maari niya din gamitin ang pag
fastforward at slow motion.
2. Ritmo
a. Internal - ay patungkol sa bilis o bagal ng galaw ng mga kinukunan sa
isang kuha.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
b. Eksternal - ay patungkol sa haba o ikli ng pananatili ng shot o kuha sa screen
3. Ugnayan - laging isinasaalang alang ng editor ang mga ugnayan ng
magkakasunud-sunod na kuha o eksena, magkakasunud-sunod na tunog,
pagkakasabay ng isang kuha o imahe sa tunog o musika. Ginagawa ito ng
editor upang maipakita ang contrast, paralelismo o simbolismo

MGA GABAY SA PAGSUSURI NG SINEMATOGRAPIYA

 Subukang magkomento tungkol sa sinematograpiya ng pelikula. Ano-


anong eksena ang tumatak sa isip mo dahil sa mahusay na paggamit
ng kamera, ilaw at lokasyon?
 Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula?
Nakatulong ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga
pangyayari sa kwento.
Nilalaman
-Makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao
mula sa pananaw ng Pilipino.
-Tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming
manonood.

Sa madaling salita ang panlipunang nilalaman ng pelikula ay tumutukoy sa


estado o tema ng lipunan sa isang pellikula, maaaring kahirapan, pulitika, pag-
asa at marami pang iba. Ang mga nilalaman nito ay maaring nararanasan ng
ilan o ng lahat sa kasalukuyan at hindi pampelikula lamang.

Gabay sa Pagsusuri ng Panlipunang nilalaman/ Social content ng Pelikula.


 Ano ang pangunahing kaisipan o mensahe ng pelikula? Sa paanong
paraan naging makabuluhan ang nialalaman ng pelikula?
 Naranasan mo na ba ang nangyari sa pelikula? Naranasan na ba ito
ng iyong kakilala? Ipaliwanag.
PANONOOD AT PAGTALAKAY/ PAGSUSURI SA MGA PELIKULA
Ano ang kasarian pagkakilanlan?
Ang kasarian pagkakilanlan ay kaugnay ng pakiramdam ng isang tao tungkol sa
sarili, at ang karamdaman ng pagiging lalaki o babae. Ang kasarian
pagkakilanlan ng isang tao ay naiiba mula sa kanyang sekswal na oryentasyon,
na siya rin ay protektado sa ilalim ng Alintuntunin. Ang kasarian pagkakilanlan
ng mga tao ay maaaring naiiba mula sa kanilang kasarian na itinakda nang
sila’y ipinanganak, at maaaring kabilang dito ang:

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Trans: Ang mga tao na ang karanasan sa buhay ay nabubuhay ng mahigit sa
isang kasarian. Maaaring kabilang dito ang mga tao na nakilanlan na
transsexual, at mga tao na naglalarawan sa kanilang mga sarili nasa isang
“kasarian isprekto” o nakatira sa labas ng mga kategoriya ng “lalaki” o “babae.”
Transsexual: Ang mga tao na kinilala bilang isang kasarian nang sila’y
ipinanganak, pero na kumikilala sa kanilang sarili nang naiiba. Maaaring
anaghahanap sila o nagpapasailalim sila ng isa o higit pang mga medikal na
pagpapagamot upang iakma ang kanilang mga katawan sa nararamdaman
nilang pagkakilanlan sa loob nila, tulad ng hormone therapy, sex-reassignment
surgery, o iba pang mga pamamaraan.
Intersex: Ang mga tao na hindi madaling uri-uriin bilang “lalaki” o “babae”,
batay sa kanilang pangkatawang katangian sa kapanganakan o pagkatapos ng
pagkababae o pagkalalake. Ang salitang ito ay pumapalit sa hindi magandang
salitang “bakla.”
Crossdresser: Isang tao na, dahil sa damdamin at sikolohiya kagalingan -- ay
nagbibihis sa mga kasuotankaraniwang kaugnay ng “kabilang” kasarian,
Trans: Isang pangkalahatang salita na ginagamit upang ilarawan ang mga
indibidwal na, sa iba’t-ibang grado, hindi tumutugma sa karaniwang
inalalarawan ng lipunan bilang isang lalaki o babae.
Diskriminasyon at panliligalig
Ang diskriminasyon dahil sa kasarian pagkakilanlan ay anumang kilos batay
sa kasarian ng isang tao, may intensyon man o wala, na nagpapahirap sa isang
tao o grupo at hindi sa mga iba, o na hindi nagbibigay o naglilimit ng pagkuha
sa mga benepisyo na makukuha ng ibang mga miyembro ng lipunan. Ito’y
maaaring madaling makita o pasimple lamang. Ang diskriminasyon ay maaari
rin mangyari sa mas malaking sistematikong antas, tulad ng kung ang isang
patakaran o polisiya ay mukhang walang kinikilingan, pero hindi dinisenyo sa
isang inklusibong paraan. Maaari itong makapinsala sa mga karapatan ng mga
tao dahil sa kanilang kasarian pagkakilanlan.
Ang panliligalig ay isang anyo ng diskriminasyon. Kabilang dito ang mga puna,
mga biro, pambabastos, o kilos o pagpapakita ng mga retrato na nag-iinsulto o
nagpapababâ sa iyo dahil sa iyong kasarian pagkakilanlan.
Walang taong dapat tratuhin nang naiiba habang nasa trabaho, sa eskwelahan,
sumusubok na umupa ng isang apartment, habang kumakain sa isang
restawran, o sa anuman ibang panahon dahil sa kanyang kasarian
pagkakilanlan.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Halimbawa: Sumagot ang isang transsexual sa isang paanunsyo para sa isang
apartment. Sinabi ng patnugot na walang mga yunit na makukuha kahit na
mayroon.
Halimbawa: Sinabi ng isang empleyado sa kanyang tagapamahala na siya'y
nagko-kross-dress. Sinabi ng kanyang tagapamahala na hindi na siya
magiging bagay para ma-iasenso o para ipagsasanay sa trabaho dahil hindi
magiging komportable sa kanya ang mga mamimili at mga kasamahan sa
trabaho.
Ang mga organisasyon ay hindi maaaring magdiskrimina, dapat tumugon sa
mga reklamo ng panliligalig, at dapat magbigay ng isang hindi
nagdidiskriminang kapaligiran para sa mga trans. Ito’y umaaplay rin sa "mga
pangatlong partido” tulad ng mga taong gumagawa ng kinontratang trabaho o
regular na nakikipag-ugnayan sa organisasyon. Ang mga indibidwal ay dapat
kilalanin bilang kasarian na ginagamit nila, at mabigyan ng paggamit sa mga
banyo at lugar kung saan magpapalit ng kasuotan, maliban kung tiyak nilang
hiniling ang ibang pagbigay-tulong (dahil sa kaligtasan o pagka-pribado).

Ano ibat ibang isyu at hamong pangkasarian na kinaharap na mga


Pilipino
1. Diskriminasyon laban sa LGBT Community - kahit unti-unting
nagkakaroon ng kamalayan ang mga lipunan sa sexual orientation, gender
identity at gender expression ng mga tao ngayon, kailangan pa ring
palawakin ang isipan at mga karapatang sibil ng lahat ng tao upang maiwasan
ang mga diskriminasyon laban sa kahit na anong kasarian. Dapat maisulong
at maipatupad na ang Anti-Discrimination Bill na hindi lamang pang LGBT
ang mga layunin at programa kundi para sa lahat ng kasarian.

2. Limitadong Representasyon - Kahit ang LGBT community ay isang


realidad, hindi pa rin ito kasing ganap at katotoo sa mga pang-masang media.
MISREPRESENTATION NG LGBT
Talamak din ang misrepresentasyon ng LGBT sa Pilipinas – tulad na lang ng
bakla na nahuhulog sa straight na kaibigan, tomboy na laging nakapanglalaki
lang, pinapatay lang ang mga bakla sa mga horror movies, at marami pang iba.
Naging uso rin na kapag ang lalaking attracted sa kapwa lalaki ay laging
malamya o kaya tago ang pagiging malamya. Hindi lahat ay ganito dahil
kailangan nating i-consider ang SOGIE dahil ‘di naman lahat ng bakla ay parang
babae kung kumilos.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Minsan, pinapakita rin sa midya na ang bakla ay hayok sa init ng laman na
malayo rin sa katotohanan. Ang mga bakla, tulad ng mga straight na lalaki at
babae, ay may iba’t ibang preferences o kagustuhan pagdating sa
pakikipagtalik.
Kahit sinasabi ng iba na mas nagiging empowered na ang mga LGBT ngayon,
marami pa ring negatibong danas ang ating mga kapatid sa komunidad.
Kailangan nating intindihin ang kanilang mga karanasan at pagsubok sa buhay
at intindihin pa lalo ang kanilang pagkatao para mas lumawak ang ating isipan
na hindi lang naka-focus heterosekswal na lalaki at babae lamang ang mayroon.
Sana’y dumating ang araw na maging ganap na ang pagtanggap sa mga LGBT, at
hindi lamang tolerated dahil tao rin ang mga LGBT, at sila’y karapat dapat lang
na igalang at tratuhing kapantay ng kanilang kapwa tao, ano pa man ang
oryentasyon at gender ng mga ito.

3. Maling Mentalidad ng Patriyarkal na Sistema - noon pa man, hindi pa


nasasakop ng patriyarkal na sistema ang buong mundo, ang mga sinaunang
tao ay payapa't walang isyu sa kasarian. Ang mga ninuno natin ay may mga
babaylan at mga babaeng pinuno, ang mga Native American o mga Indian na
siyang totoong mga tribo ng America ay may karapatan na pumili kung anong
espirito (lalaki, babae o parehong lalaki at babaeng espirito) ang nananalaytay
sa kanila.
Ang Kasarian ay Hindi Isang Pisikal na Katangian:
Ang sex ay pisikal; ang kasarian ay panlipunan.
Ang mga biyolohikal na katangian (laki, hugis, kulay, ari) ay naisasalin sa
pamamagitan ng "genes" bilang bahagi ng reproduksyong sekswal. Ang mga
panlipunang katangian (pag-uugali, paniniwala, kaugalian, mga batas, wika) ay
naisasalin sa pamamagitan ng mga simbolo bilang bahagi ng
pakikipagtalatasan at pag-aaral.
Ang tama o mali para sa mga kalalakihan o para sa kababaihan ay natututuhan
(at maaari ring pag-aralang alisin muli o kalimutan).
4. Ang Isyung Pang-ekonomiya:
Kung ang isang pangkat o grupo (organisasyon, pamayanan , lipunan) ay
nakaugalian ng hindi isama ang limampung porsyento ng populasyon nito sa
pakikilahok sa mga gawaing pang-ekonomiya, mas higit pa sa limampung
porsyento ng maaaring makamit ng kanilang ekonomiya ang nawawala.
Ang isang ekonomiya ay maaasenso kung parehong makikilahok ang mga lalaki

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
at mga babae.
QUEER STANDARDIZATION
Isyu rin sa LGBT ang standardisasyon o PAGKAKAHON, tulad na lamang ng mga
gay pageants na karaniwang ginagawang katatawanan ng madla.
Nauuso rin sa mga kakalalakihan na attracted sa kanilang kaparehong kasarian
ang “no to effem and no to chubs”, tomboy na naka-mio at marami pang iba.
Kailangan nating i-empower ang bawat LGBT sa iba’t ibang paraan, hindi ‘yong
ginagawang katatawanan na lamang sila’t sila’y nalalayo sa nakasanayan ng
mayorya.
Kung mababago natin ang daloy ng kasaysayan ng mga LGBT sa Pilipinas,
makaaasa ang mga taong bababa maging ang mga kaso ng diskriminasyon at
bullying sa buong bansa.
5.Ang Isyung Politikal:
Kung ang isang pangkat o grupo (organisasyon, pamayanan, lipunan) ay
nakaugalian ng hindi isama ang limampung porsyento ng populasyon nito
sa paggawa ng mga desisyong politikal (mga desisyong nakakaapekto sa
buong grupo), ang sistemang politikal ay mas mahina.
Ang isang sistemang politikal ay uunlad (mas magiging malikhain, mas
maraming posibleng solusyon o lunas) kung parehong makikibahagi ang mga
lalaki at babae, at magbubunga sa pagtatag ng organisasyon, pamayanan o
lipunan.
6. Ang Isyung Pangteknolohiya:
Kung ang isang pangkat o grupo (organisasyon, pamayanan, lipunan) ay
nakaugalian ng hindi ibilang ang limampung porsyento ng populasyon nito sa
pakikilahok sa teknolohiya, (mga imbensyon, kagamitan, kapital), ang
dimensyong teknikal ay magiging mahina.
Ang baseng teknolohikal ay magiging mas malawak (mas malikhain, mas
maraming posibleng solusyon ang maaaring makamit) kung ang mga
kababaihan ay hahayaang makilahok at dahil dito, ang organisasyon,
pamayanan o lipunan ay magigiing mas matatag.
7. Ang Isyu sa Karapatang Pantao:
Ang lahat ng tao ay may karapatang makilahok sa lipunang sibil maging ano pa
man ang kanilang lahi, kultura, relihiyon, kasarian o pinagmulan.
MORALITY ISSUES

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Maraming taliwas sa mga LGBT dahil naniwala pa rin ang karamihan ng
Pilipino na ang lalaki ay para sa babae lamang, dahil na rin sa turo ng
iba’t
ibang simbahan (lalong lalo na ang simbahang Romano Katolika) Ang turo ay
ayos lang na maging parte ng LGBT basta huwag ka lang makipag-relasyon sa
kaparehang kasarian.
May mga fundamentalista rin na ipinipilit na lifestyle lamang at phase
ang pagging LGBT at mawawala lamang ito pag isinuko mo ang iyong
sarili sa Diyos.
Pero may mga simbahan din naman na pro-LGBT kung saan suportado sila at
naniniwala na hindi pinili ng isang tao na maging LGBT at nagkakasal rin sila
katulad ng MCC at ECOG church.
Bilang mamamayan, kailangan nating ipaintindi sa mga tao na hindi pinipili ng
isang tao na maging LGBT dahil kung pinili nga nila iyon, parang sinabi na
kahit ang heterosexual ay pwedeng mahulog sa kapwa niya at kapag ayaw na
niya ay mawawalan na ang attraction nang tuluyan.
8. Ang Isyung Pangkultura:
Ang kultura ay isang buhay na bagay. Para mapanatiling buhay, kailangan
nitong magbago sa pamamagitan ng pag-unlad at pagsabay sa panahon.
Kung ito hindi magbabago, ito ay mamamatay. Tingnan mo: Gusto mo bang
mapanatili ang iyong kultura?
Ang ibang mga kaugalian ay naniniwala pa rin sa nakaraan, tulad ng kaisipang
ang mga babae ay dapat paglingkuran ang mga lalaki, manatili sa bahay, huwag
makialam sa pampamayanang gawain. Ito ay kailangang baguhin upang ang
isang organisasyon, pamayanan o lipunan ay mabuhay, umunlad at umasenso.
KULTURANG HETERONORMATIVE SA PILIPINAS
Ang heteronormativity ay isang paniniwala na ang natural na sex ng isang tao
ang primary determinant ng sexual orientation. Halimbawa, kung ika’y
ipinanganak na lalaki, kahit anong mangyari’y ikaw ay isang lalaki, at sa babae
ka lamang dapat magkagusto.
Ang sintomas ng heteronormative upbringing sa mga Pilipino ay madaling
makita sa larangan ng kultura. Halimbawa na lamang ay ang mga kantang tulad
ng “This Guys In Love With You, Pare” ng Parokya ni Edgar kung saan
pinapakita na ang isang bakla ay tuluyang nahulog sa kanyang kaklaseng
straight, at ginagawa niya ang lahat ng paraan para lang makasama ang kaklase
niyang ito, kahit imposible na maging sila dahil nga heterosexual nga ito’t at di

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
ito mahuhulog sa kapareho nitong kasarian.
Ang kantang “Titibo-tibo” ni Moira dela Torre naman ay itinuturo sa madla na
phase lang ang pagiging tibo o tomboy, at mawawala ang pagkatibo kapag ito’y
nakahanap ng isang lalaking magpapatibok sa kanyang puso.
Ang isa sa mga mabigat na suliranin ng LGBT community sa bansa ay hindi pa
gaanong naituturo sa mga klasrum ang konsepto ng SOGIE o sexual
orientation, gender indentity and expression. Ang SOGIE paradigm ay
tumutulong sa paghihiwalay ng kasarian, kung kanino naa-attract, at kung ano
ang iyong galaw at porma.
Nakasasama ang kondisyon ng heteronormativity sa kawsa ng gender equality
at LGBT rights dahil nire-recognize lamang nito ang mga straight na babae at
lalaki, at wala nang iba. Inilalabas nito sa naratibo ng ‘pagiging normal’ maging
ang mga taong intersexual, dahil iba ang genetics nila sa aktuwal nilang
kaisipan, damdamin at pamumuhay.
Kailangan tahasang tuligsain ang ganitong paniniwala dahil iba’t iba tayo ng
SOGIE. May babae na kayang ma-attract sa kaparehong kasarian, may lalaki na
babae talaga ang kanyang tingin at pakiramdam sa sarili noon pa man, at may
mga tao rin na iba ang tintawag na gender identity sa sexual orientation.
Kailangan nating kilalanin at tanggapin ang ganitong mga bagong konsepto,
kahit may mga tao sa Pilipinas na taliwas sa paniniwala dahil na rin sa kultura
na rin ng bansa. Pero, kailangan nating ipaintindi nang mabuti sa mga tao ang
SOGIE para mas lumawak pa ang kanilang pananaw sa konsepto ng gender,
identity at sex.

Sino ang mga makikinabang?


Sa isang mababaw na aspeto, ang pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng
ilang mga grupo tulad ng mga kababaihan, ay masasabing magbubunga ng
pagkawala ng ilang kayamanan, kapangyarihan at pribilehiyo para sa ilang mga
grupo tulad ng mga kalalakihan ngunit, sa mas mahabang panahon, ang
organisasyon, pamayanan at lipunan ay magiging mas matatag at maunlad at
lahat ng miyembro nito ay makikinabang.

Dagdag Kaalaman:

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
Ang Pride Month ay nakaugat sa Stonewall Riots sa Estados Unidos, na
nangyari noong ika-28 ng Hunyo, 1969. Naganap ito sa Stonewall Inn sa
siyudad ng New York dahil sa police brutality na ipinamalas tuwing nire-raid
ang mga gay bars. Noong 1969, nakasalig ang kapulisan ng New York sa
sistemang legal ng state, at maraming batas na tahasang kontra-gay noong
panahong ito.
Sa Pilipinas, ginanap ang kauna-unahang pride march noong 1996 na
inorganisa ng ReachOut Foundation, isang international reproductive health
service organization. Ayon sa artikulo ni Philip Tubeza noong 2013, ang
Pilipinas ay kasama sa mga pinaka-friendly na bansa pagdating sa LGBT; ang
datos ay mula sa Pew Research Center sa Estados Unidos noong 2002.
Ngunit kahit ganito ang mga talaga, marami pa ring hinaharap ang mga
Pilipinong LGBT tulad ng lantarang diskriminasyon, ang kondisyong
heteronormative ng mayorya, mga isyung moral, standardization ng identidad,
at mga miskonsepsiyon ukol sa ating mga kapatid na LGBT

Aktibidad/ Gawain
Halina’t Magsuri…
Gumawa ng rebyu o panunuring pampelikula sa mga pelikulang Pilipino.
Bliss (https://www.youtube.com/watch?v=WROw8VLGPbM)

Performance Tasks

Pangkatang Gawain…
Ang inyong grupo ay marapat na binubuo ng limang katao. Gumawa ng sariling “trailer” ng
pelikulang ninanais mo. Ipakita rito ang mga elemento ng pelikula na ating tinalakay gaya ng
sinematograpiya, tauhan/karakterisasyon at panlipunang nilalaman.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Understanding Directed Assess


Rubric sa isinagawang trailer

Batayan ng grado Kaukulang Puntos Marka

Ginamitan ng magandang 10
sinematograpiya ang
isinagawang aktibidad

Naunawaan at naipakita nang 10


maayos ang nilalaman

Mahusay ang pagkakaganap ng 10


mga tauhan

Nakitaan ng lahat ng elemento 5


ng pelikula na tinalakay sa mga
nakaraang modyul

Tama sa oras ang pagpapasa 5


ng akitibad

Kabuuan (40)

Rubric para sa panunuri ng pelikula

Napakahusay Mahusay Di-Gaanong Nangangailangan


Mahusay ng tulong
Nilalaman (5) Malinaw at Naiintindihan ang Mayroong Hindi malinaw at
naiintindihan ang pagsusuri at mangilan-ngilang maintindihan ang
pagsusuri. Hindi nakikitaan ng parte na hindi pagsusuri. Paligoy-
Paligoy-ligoy at pagkakaunawa sa malinaw. ligoy at
nakikitaan ng pelikulang sinuri . Nakikitaan ng masasabing
lubos na (3) hindi gaanong nangangailangan
pagkakaunawa sa pagkakaunawa sa ng tulong at gabay.
pelikulang sinuri. sinuring pelikula. (1)
(4-5) (2)
Organisasyon ng Magkakaugnay Magkakaugnay Nakikitaan ng Hindi

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
mga salita (5) ang mga salita at ang mga salita hindi gaanong magkakaugnay ang
nakikitaan ng at Maayos ang pagkakaugnay ng mga salita at hindi
mahusay na paggamit ng mga salita at rin maayos ang
paggamit sa gramatika (3) hindi masyadong paggamit ng
gramatika, maging maayos ang gramatika at mga
sa mga bantas. paggammit ng bantas. (1)
(4-5) gramatika at
bantas. (2)
Orihinalidad (5) Kitang-kita sa May isa o Maraming bahagi Lahat ng ipinasa ay
ginawang dalawang bahagi sa pagsusuri ang hango lamang sa
pagsusuri ang ng pagsusuri na hindi orihinal at internet at walang
pagka-orihinal hango sa internet hango lamang sa orihinalidad. (1)
nito simula ngunit ang iba ay internet (2)
umpisa hanggang masasabing
huling nilalaman orihinal (3)
(4-5)
Pagpapasa sa Naipasa ang mga Naipasa sa tamang Naipasa ang mga Naipasa ang mga
takdang oras (5) gawain bago ang oras at panahon gawain ilang gawain makalipas
itinakdang ang mga gawain araw matapos ang ilang lingo (1)
panahon at oras (3) ang itinakdang
ng pagpapasa oras at panahon
(4-5) (2)

Learning Resources

https://www.slideshare.net/jankyerakino/mga-elemento-ng-pelikula-at-gabay-sa-

pagsulat http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/mga-gabay-para-sa-pagsusuri-ng-

isang.html https://www.scribd.com/doc/70832326/PAGSUSURI-NG-PELIKULA

https://www.google.com/search?q=ano+ang+kahulugan+ng+buod&hl=en-
US&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=2HIZWgqVJSrvlM%252CRM0AzxWb-ySrvM
%252C_&vet=1&usg=AI4_- kTeSuaIUiuqRR8UxzxAWjTslhjLQg&sa=X&ved=2ahUKEwi6tbqs-
qvrAhXvxosBHRb-C- kQ9QEwBXoECAsQHQ&biw=1366&bih=609#imgrc=2HIZWgqVJSrvlM

https://www.google.com/search?q=ano+ang+kahulugan+ng+banghay&tbm=isch&ved=2ahUKEwjm7L-8-
qvrAhUbwIsBHeIQCqcQ2-
cCegQIABAA&oq=ano+ang+kahulugan+ng+banghay&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBAgAEBg6BggAEAgQHjoG
C
AAQBRAeUITIBVi81gVgxtsFaABwAHgAgAHmA4gB2hiSAQkwLjIuMS4zLjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8A
B AQ&sclient=img&ei=TJA_X-aWEZuAr7wP4qGouAo&bih=609&biw=1366&hl=en-
US#imgrc=6l9lLPYK9dGNqM

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

https://www.slideshare.net/jankyerakino/mga-elemento-ng-pelikula-at-gabay-sa-

pagsulat http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/mga-gabay-para-sa-pagsusuri-ng-

isang.html https://prezi.com/ftvwzdyexn-_/elemento-sa-pagbuo-ng-pelikula/?fallback=1

https://prezi.com/cm1bzokfn0tz/sinematograpiya/

https://www.slideshare.net/vangiea/mga-sangkap-ng-pelikula

https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/isyu-sa-kasarian

http://www.ohrc.on.ca/tl/pagkakakilanlan-ng-kasarian

https://brainly.ph/question/1040136

http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/gen-patt.htm

https://medium.com/@kadlitofficial/kinadenang-bahaghari-mga-hirap-at-danas-ng-mga-lgbt-sa-pilipinas-
e230a0f7ee67

Intellectual Property

This module is for educational purpose only. Under section Sec. 185 of RA 8293,
which states, “The fair use of a copyrighted work for criticism, comment, news reporting,
teaching including multiple copies for classroom use, scholarship, research, and similar
purposes is not an infringement of copyright.”
The unauthorized reproduction, use, and dissemination of this module without joint
consent of the authors is strictly prohibited and shall be prosecuted to the full extent of the
law, including appropriate administrative sanctions, civil, and criminal.

LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: SINESOSYEDAD/ PELIKULANG

You might also like