You are on page 1of 5

lOMoARcPSD|16476281

Banghay Aralin sa Pagbasa at Pagsusurin ng Ibat-ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik
Filipino (Bicol University)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|16476281

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division Office of Albay
MACABUGOS HIGH SCHOOL

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG URI NG TEKSTO TUNGO


SA PANANALIKSIK

I. MGA LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.

B. Pamatayan sa Pagganap
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan
nito sa: a. Sarili b. Pamilya c. Komunidad d. Bansa e. Daigdig

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto


Nakasusulat ng mga reaksyong papel (F11EP – IIIj – 37)

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: PAGSULAT NG REAKSIYONG PAPEL

III. MGA SANGGUNIAN:


A. Sanggunian:
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Modyul 7

B. Mga Kagamitan
PowerPoint Presentation

IV. PAMAMARAAN:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


A. Mga Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagtala ng Liban

B. Paglinang ng Gawain

Gamit ang Facebook Reaction emojis ay aalamin ko kung (Ang mga larawan ay makikita ng mga mag-aaral at
ano ang magiging tugon nyo sa mga larawan na aking magbibigay sila ng FB reaction emojis gamit ang hand
ipapakita. gestures.)

Gamit ang mga larawan na inyong nakita ay nalaman ko ang


mga nararamdaman nyo dito.

Ngayon naman ay nais kong panoorin nyo ang video na ito Ang mga mag-aaral ay papanoorin ang mga video at
at pagkatapos nito ay nais kong malaman kung ano ang magbibigay ng komento tungkol dito.
inyong masasabi dito.

Maraming nangyayari sa ating kapaligiran sa kasalukuyan.


At ang bawat isa sa atin ay may karapatan at kalayaan na

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division Office of Albay
MACABUGOS HIGH SCHOOL

magpahayag ng kanyang nararamdaman.


Ano ang ibig sabihin ng pagpapahayag? Pagpapahayag
-ito ay ang pagbabahagi ng mga saloobin, maaring ito ay
nasa anyong pasalita o pasulat.

Narito ang mga larawan na nagpapakita ng pagpapahayag.

Ano ang inyong masasabi sa inyong mga nakikita? Ang pagpapahayag ay maaring sa paraang pasalita o
Sa paanong paraan maaaring magbigay ng pahayag? pasulat.

C. Pagtatalakay
Ano ang ibig sabihin ng pagpapahayag na pasulat? Pagpapahayag na Pasulat
- ito ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong
salita, simbolo ilustrasyon ng isang tao sa launing
maipahayag ang nasa kanyang isipan. Sauco et.al 1998.

Naranasan nyo na bang magbigay ng pagpapahayag sa


paraang pasulat?

Narito ang isang halimbawa na pagpapahayag na pasulat? (Babasahin ng mga mga-aaral ang balita na ipapakita ng
guro.)

Base sa inyong nabasa, ano ang dapat na isaalang-alang sa Mayroong dalawang bagay na nilalaman sa pagpapahayag
pagpapahayag na pasulat. na pasulat, ang paksa at anyo.

Ang paksa ay ideya o kaisipan na tinatalakay sa kabuuan ng


teksto.
Ang anyo ay mga alituntunin o patakaran sa pagsulat na
nagsisilbing gabay ng sinumang manunulat.

Bakit tayo nagsusulat? - Bilang personal na reaksyon o ekspresyon at pagbibigay


din ng kahulugan ukol sa isang paksa.
- Bilang reaksyon bunga ng kaalaman natin sa iba't ibang
kaasalan, gawi at tradisyon.
- Para sa ninanais na panlipunang pagbabago, sa mga
paksa hinggil sa isyu sa lipunan, ekonomiya, at politika.
- Magkaroon ng layuning behavioral at functional na
nangangailangan ng masusing pagsisiyasat.

Sa tuwing tayo ay magsusulat ng sulatin, ano ang tatlong Panimula o Introduksyon


bahagi nito? -Itinuturing na mukha ng sulatin ang bahaging ito.
-Nagsisilbi itong batayan ng mambabasa kung itutuloy ba o
hindi ang pagbabasa.

Katawan o Gitna
-Pinakamahabang bahagi ng sulatin.
-Dito ipinaliliwanag ng manunulat ang kahulugan ng
kanyang pahayag na inilahad sa simula.

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division Office of Albay
MACABUGOS HIGH SCHOOL

Wakas
- Tinatawag itong kalakasan sa bahaging ito nagaganap ang
kakintalan .
-Dapat kapulutan ng aral matapos ang pagbabasa.
Mahalaga ang pagbibigay ng reaksyon sa anumang mga
kaisipang nabasa o narinig, upang mapalalawak ay
mabibigyang-diin ang mga kaisipang ipinapahayag sa
anumang binabasa, maging ito’y sumasang-ayon o
sumasalungat, pumupuna o pumupuri.

Ano ang ibig sabihin ng reaksiyon? Ito ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon,
pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya matapos makita,
malaman, marinig o mapanood ang isang bagay na may
halaga sa isang organismo kagaya ng tao.

Ano naman ang ibig pakahulugan ng reaksiyong papel? -ito ay ang paglalahad ng makatarungan, patas o balanseng
paghuhusga sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga tao,
bagay, pook, at mga pangyayari.

Ano-anu ang mga katangian sa pagsulat ng reaksiyong Malinaw, Tiyak, Magkakaugnay, Pagbibigay-diin
papel?
D. Paglalapat
Pangkatang Gawain:
Gamit ang mga larawan, sumulat ng isang talata na
nagbibigay ng reaksyon batay sa ipinapakita ng larawan.
Isulat sa kwaderno ang iyong kasagutan.
Mga gabay na tanong sa pagbuo ng reaksyon.
1. Ano ang mga ideyang ipinakita sa larawan?
2. Paano mo ito iuugnay sa iyong: Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng isang larawan ng
a. Sarili gagawan nila ng reaksiyon.
b. Pamilya
c. Komunidad
d. Bansa
e. Daigdig
Paalala: Bawat talata ay bubuuin ng limang pangungusap
lamang.
E. Paglalahat
Bakit tayo nagsusulat ng reaksiyong papel? Ang pagsulat ng reaksyong papel ay bahagi na ng mga
gawain ng mga mag-aaral, sapagkat ito ay mabisang
gawain sa paglinang ng kanilang kakayahang magsuri ng
anumang materyales gaya ng teksto, pelikula, programang
pantelebisyon, at dulang pantanghalan.

Ito ay ang paglalahad ng makatarungan , patas, o


balanseng paghuhusga sa mga sitwasyong may kinalaman
sa mga tao, bagay, pook at mga pangyayari.

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division Office of Albay
MACABUGOS HIGH SCHOOL

Ano-anu ang kahalagahan sa pagsulat ng reaksiyong papel? -Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri
-Nabibigyang katwiran ang sariling reaksyon
-Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa
pagbuo ng mga kaisipan
-Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan.
F. Pagtataya
Pumili ng paksa na naaayon sa gusto mo. Ngayon ay bubuo
na kayo ng isang reaksyong papel. Gamiting gabay ang
Rubrik sa ibaba upang maging epektibo ang isusulat na
reaksyon.

Mga Paksa:
1. Pagbabago ng Pasukan ng klase
2. Pagtanggap ng New normal na sitwasyon sa ating
bansa
3. Vaccine sa Covid-19
4. Pagpapasara ng ABS-CBN
5. Mabagal na Internet Connection sa online learning

G. Takdang Aralin
Panuto: Magbigay ng reaksiyon sa isinaad ni William
Faulkner tungkol sa halaga ng paninindigan sa gitna ng
kawalan ng karunungan. Sumasang-ayon ka ba sa sinabi
niya? Magsulat ng dalawang talatang reaksiyon batay sa
iyong pagkakilala sa may akda at pagkakaunawa ng sinabi
niya.

“Huwag matakot na magsalita at manindigan para sa


karapatan at katotohanan laban sa kawalan ng hustisya,
kasinungalingan at kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong
daigdig ay gagawa nito, mababago ang mundo”.
-WILLIAM FAULKNER

Inihanda ni:

MARVIN S. RIÑON
Teacher II

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)

You might also like