You are on page 1of 4

St. Mary’s Academy of Sto.

Niño
STO. NIÑO SUBDIVISION, CITY OF MEYCAUAYAN, BULACAN
*PAASCU Re-accredited (Level II) * CEAP and RVM-EAP Member

Tel: (044) 323 – 4010 Email: stmarysacademy@yahoo.com Website: www.smasn.com

FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN
MARKAHANG PROYEKTO

Tunay at hindi maipagkakaila na ang bawat akdang Mediterranean ay


kinasasalaminan ng kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwala, at kultura ng mga
bansang kabilang dito. Nagbukas ito sa napakaraming aral at karanasan tulad ng
sa paglalakbay sa bawat lugar na lubos na makatutulong upang mahubog ang
isang pagkatao. Hangad ng bawat akdang pampanitikan na mailuwal sa isang
nilalang ang kanyang panibagong pagkatao upang manatiling buhay ang
katuturan nito. Kaya naman, nabubuhay muli ang akda kung naisasabuhay din
ang aral ng mga ito.

Ikaw, bilang mga mag-aaral ay inaasahang:


• nakabubuo ng isang suring-basa sa alinmang akdang pampanitikang
Mediterranean; at
• naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique at
criticism.

PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa ikalawang modyul ay sinuri natin ang Parabula ng Alibughang Anak


gamit ang mga Elemento ng Parabula na may gabay sa pamamagitan ng tanong.
Malaya kang makapamimili ng kahit na anong Parabula na nakasulat sa wikang
Filipino na ibig mong suriin na magmumula sa Bibliya, maliban sa Parabula ng
Alibughang Anak na atin ng natalakay at nasuri. Sa tulong ng patnubay na aking
ibibigay ay susuriin mo ang akda.
FILIPINO 10 UNANG MARKAHAN MODYUL 7|pahina 1 ng 5
Isang simposyum pampanitikan ang isasagawa ng Filipino Area at isa ka sa
napiling tagapagsalita sa nasabing gawain. Layunin nito na makapaglahad ng isang
kritik ng parabula bilang bahagi ng akdang pampanitikan na makapagpapamulat
sa mga mag-aaral sa ikapito at ikawalong baitang ng Mataas na Paaralan ng Saint
Mary’s Academy of Sto. Nino hinggil sa mga kaparaanan sa pagsusuring
pampanitikan ng isang parabula.

G - Nakabubuo ng panunuring pampanitikan na naglalaman ng kritik sa


anumang parabula na makapagpapamulat sa mga mag-aaral
R – Batikang Kritiko
A - Kapwa mag-aaral at Guro
S - Simposyum hinggil sa Panunuring Pampanitikan
P - Pagbuo ng isang Panunuring Pampanitikan ng isang Parabula.
S - Ang bubuuing proyektong ay mamarkahan batay sa sumusunod na
pamantayan

Mga Pamantayan 4 3 2 1

1. Sangkap at Mekaniks
2. Anyo/Presentasyon/Pormat
3. Nilalaman/Paglalahad ng Ideya,
Pagtalakay sa Pagpapahalaga
4. Malikhain at masining ang kabuuan ng
proyekto.
Kabuoan Puntos:

4 – Napakahusay
3 – Mahusay
2 – Katamtaman
1 – Nangangailangan ng kahusayan

Batayang Pormat ng Proyekto:

Ang kopya ng parabula ay ipapakita sa sariling paraan (Video, kopya ng


akda, komiks, atbp). Sariling diskarte na ang pagiging malikhain sa parabula.
Ito ay ipapasa sa LMS kung saan itatakda ng guro at maaaring magkaroon ng
pagkakataon na ito ay ipresenta sa klase..

FILIPINO 10 UNANG MARKAHAN MODYUL 7|pahina 2 ng 5


• Ang proyekto ay nasa PPT (Powerpoint) format.
• Gawing malinaw at presentable ang likhang proyekto.
• Ang disenyo ay batay sa sariling kagustuhan at nilalaman ng proyekto.
• Ang elemento at nilalaman ng proyekto ay nasa susunod na pahina.

PANUNURING PAMPANITIKAN – FILIPINO 10

Pangalan
Baitang at Pangkat
PAMAGAT NG PARABULA

(Kopya ng Parabula)

I. PAGSUSURI SA BANGHAY NG PARABULA


TAUHAN
(Dito nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at
kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa.)
TAGPUAN
(Dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o
mga insidente gayundin ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento.
SULIRANIN
(Kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.)
SAGLIT NA KASIGLAHAN
(Paglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.)
TUNGGALIAN
(Bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan
sa mga suliraning kakaharapin na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o
ang kalikasan.)
KASUKDULAN
(Pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.)
KAKALASAN

FILIPINO 10 UNANG MARKAHAN MODYUL 7|pahina 3 ng 5


(Bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.)
KATAPUSAN
(Kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.)

II. SARILING PAGSUSURI

A. KAHULUGAN NG PAMAGAT (Ano ang nais ipakahulugan ng


pamagat ng parabulang iyong sinuri?)
B. SIMBOLISMO (Anong mga bagay, pangyayari o mga tauhan
ang nagpapakita na ibang kahulugan maliban sa pagkakagamit
sa parabula?)
C. ARAL NG PARABULA (Anong aral ang maaaring makuha mula
sa parabulang binasa?)

III. SARILING REAKSYON

A. TAUHAN (Nagampanan ba ng tauhan ang kanyang karakter sa


parabula? Ano-ano ang kanyang mga kahinaan at kalakasan?)
B. GALAW NG PANGYAYARI (Sa paanong paraan isinalaysay ang
parabulang sinuri?)
C. PAG-UUGNAY (Iugnay ang mga pangyayaring naganap sa
parabula sa mga nagaganap sa pang-araw-araw na
pamumuhay.)

FILIPINO 10 UNANG MARKAHAN MODYUL 7|pahina 4 ng 5

You might also like