You are on page 1of 51

Unang Markahan | Salamin ng Kahapon,

Bakasin Natin Ngayon


JHS-Filipino 8

Filipino 8
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Bb. Shaira G. Bionog
Duration: 7 hrs (Due: Oct 2020)
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Talaan ng Nilalaman

Page
I. Introduksyon

Deskripsyon ng Kurso 3
Batayan ng Pagbibigay ng Marka 4
Mga Pamantayan 4
Mahalagang Pag-unawa 4
Mahahalagang Tanong 5
Gawaing Pagganap 5

II. Talaan ng mga Kasanayang Pampagkatuto 6-7

III. Pangkalahatang Alituntunin 7

IV. Paunang Pagsusulit 8-10

V. Mga Aralin at Gawain

Paunang Gawain:Inroduksyon sa Asignatura 11-12


Unang Aralin: Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol 16-26
Paghahambing
Ikalawang Aralin: Ang Pinagmulan ng Marinduque 27-35
Pang-abay at ang mga Uri nito
Ikatlong Aralin: Epiko – Bidasari 36-49
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 2


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

I.INTRODUKSYON

Magandang buhay!
Ok ka lang ba? Maayos ba ang iyong kalagayan? Galaw-galaw naman diyan! Binabati kita at nasa
Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Magalak tayong lahat sa pagsisimula ng klase ngayong taong 2020-
2021.
Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang
akdang pampanitikang Filipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating
bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng Espanyol at Panahon ng Hapon.
Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitikan ang kultura ng mga Pilipino sa
panahong naisulat ang mga ito habang pag-aaralan din natin ang pangkomunikatibong kasanayan ninyo.

A. DESKRIPSYON NG KURSO
Ang Filipino 8 ay dinesenyo upang malinang ang kakayahang kumunikatibo,
replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakakilanlan, kultural at literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig. Sinasaklaw ng Filipino 8 ang panitikang pasalaysay at patula
na kinabibilangan ng tula, balagtasan at ang awit na Florante at Laura. Isinaalang- alang sa pagbuo
ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang
kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral ayon sa pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng
K to 12, ang makalinang ng isang buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na literasi.

Ang kursong ito ay self-paced. Ito ay binubuo ng apat na modules. Bawat modyul ay may
pitong lingguhang oras na nakasaklaw bawat markahan. Inaasahan na ang mga nakumpletong
modyul ay ibabalik sa guro sa itinakdang oras.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 3


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

B. BATAYAN NG PAGBIBIGAY NG MARKA(GRADE)


Written Works - 30%
(Maikling pagsusulit, Mga Pagsasanay)
Quarterly assessment - 20%
(Eksaminasyon sa bawat Markahan)
Performance Task - 50%
(Gawaing Pagganap sa bawat Markahan)

C. MGA PAMANTAYAN

Pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang


komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang
teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikangpambansa upang maipagmalaki
ang kulturang Pilipino.

PAMANTAYANG NILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng isang


sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng mapanghikayat na proyektong panturismo
mga Katutubo, Espanyol at Hapon. (brochure).
Naisasakatuparan ang mga gawaing
makapagpapaunlad at makalilinang sa
pagkatuto ng panitikan at gramatika upang
makapagbigay ng sariling pagpapakahulugan
sa mga pangyayari sa lipunang kinabibilangan.

D. MAHALAGANG PAG-UNAWA
Maunawaan ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon upang maunawaan ang kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito, at
mapahalagahan ang kultura ng lahing pinagmulan.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 4


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

E. MAHAHALAGANG TANONG

1. Ano-ano ang iba’t ibang akdang pampanitikan sa panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon?
2. Bakit mahalaga na masuri ang mga panitikan batay sa mga katangian nito?
3. Paano nakatutulong ang mga elemento ng akda/teksto upang maipahatid ang layunin ng
may-akda?
4. Bilang Pilipino, paano mo mapapahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga
akdang pampanitikan?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapanatili at mapauunlad ang mga panitikang
minana natin sa ating mga ninuno noon sa kasalukuyang panahon? Ano ang iyong
maaaring gawin upang maipagmalaki ito sa ibang tao/lahi?

F. GAWAING PAGGANAP/PERFORMANCE TASK

To create an effective and informational brochure which contains the ways of preserving
Goal
a nation’s meaningful heritage for its protection and sustainability.
Role Writer, researcher, graphic designer, problem solver
Audience Netizens
The United Nations Educational Scientific and Cultural Organization or UNESCO directs
the nation - states to maintain and foster the country’s heritage (literature, artifacts,
architectural works) hence most youth nowadays tend to lack awareness of one’s
heritage. Thus, as the secretary of the Department of the National Historical and Cultural
Commission, you are tasked to create a brochure which contains the information and the
Situation
ways of preserving the country’s heritage (literature, artifacts, architectural works). You
will form a team which is composed of researchers, historians, writers, and graphic
designers. Organization of the presented content/information, feasible and realistic
suggested ways of preserving the country’s heritage are a necessity in the achievement
of this mission.
To create a well-designed brochure that promotes cultural preservation with problem-
solving scenarios to strengthen patriotism, pride for the country, self-acquisition of
Product
knowledge and solicit support for a positive point of view of someone’s actions or
decisions in life.
Standards Organization of ideas and information, feasibility, computation and presentation, format

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 5


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

II.TALAAN NG MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Most Essential Learning Competencies


Power Competencies Supporting Competencies
Ang mga mag-aaral ay inaasahang: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang 1. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain,


nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga sawikain o kasabihan na angkop sa
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. kasalukuyang kalagayan.

2. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng 2. Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa
alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o pang-abay na pamanahon at panlunan sa
kasabihan (eupemistikong pahayag). pagsulat ng sariling alamat.

3. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa 3. Nagagamit ang mga pangatnig sa pagbuo ng


binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay makabuluhang pangungusap.

sa mga ideya o pangyayari sa akda -dating


kaalaman kaugnay sa binasa. 4. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa
ng pananaliksik ayon sa binasang datos.

4. Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa


5. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng
pagpapalawak ng paksa: -paghahawig o
pagtutulad- pagbibigay depinisyon-pagsusuri pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong
kulturang Pilipino.
5. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw
batay sa napakinggang pag-uulat –
napaghahambing ang mga katangian ng mga
uri ng tula.

6. Nakapapangkat ng mga salita batay sa


pagbabagong morpoponemiko.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 6


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

7. Naisusulat ang talatang: -binubuo ng


magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
– nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
nagpapakita ng simula, gitna, wakas.

III.PANGKALAHATANG PANUTO

1. Isumite ang mga hinihingi at kinakailangang awtput sa itinalagang oras.


2. Maging mapanuri at responsable sa mga gagamiting salita at gagawing mga paraan sa klase.
3. Siguraduhing maging tapat sa paggawa at pagsagot sa mga gawaing ibinigay.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 7


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

PAUNANG PAGSUSULIT (PRE-TEST)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang at bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

Para sa bilang na 1 haggang 6, naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-
bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

1. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?


a. Kuwentong-bayan na maaaring kathang-isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang
anumang pakikipaglaban sa buhay.
b. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na pamumuhay.
c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang.
d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa.

2. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas
kapag nag-iisa?”
a. pagtitiis b. pakikisama c. pagkakaisa d. pakikipagkapwa

3. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamatandang anyo ng panitikan na ginamit ng ating mga
ninuno upang ituro ang kagandahang- asal sa mga kabataan?
a. alamat b. epiko c. salawikain d. maikling kuwento

4. Ano ang tawag sa mga pahayag na nagtataglay ng mga talinghaga?


a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. kasabihan

5. Huwag sanang ilista sa tubig ng mag-aaral ang mga natutunan nila noong nakaraang pasukan. Ano ang
ipinapakahulugan ng salitang ilista sa tubig?
a. tandaan b. ibalewala c. kalimutan d. itapon

6. Mag-aral tayo nang mabuti nang sa gayon ay hindi tayo magbibilang ng poste sa hinaharap.
a.nagsisisi b.tambay c.nagtatrabaho d.magsisisi

Para sa bilang na 7 haggang 11, napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -
paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda-dating kaalaman kaugnay sa binasa.

7. Bilang isang mabuting mamamayan at anak ng Diyos, makatuwiran bang ibahin ang pagtrato sa mga
tunay na anak at sa mga ampon lamang? Bakit?
a. Oo dahil blood is thicker than water ika nga sa Ingles. Kadugo ng ama’t ina ang mga tunayna anak
samantalang malayong mangyari ito samga ampon.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 8


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

b. Oo dahil kung hindi, lilikha ito ng hidwaan sa pagitan ng mga tunay na anak at ng kanilang magulang
o kaya’y hidwaan sapagitan nilang magkakapatid.
c. Hindi sapagkat karapatan ng bawat isa na tumanggap nang pantay na pagtrato, ayon ito sa batas ng
tao at lalong-lalo na sa batas ng Diyos.
d. Hindi sapagkat ito ang ginagawa ng iba at matutong gumaya sa kanila kahit ‘di lubos maunawaan
ang dahilan sa paggawa nito

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may pinakamalapit na kahulugan ng salawikaing “Kapag
malakas ang agos, mababaw ang ilog”?
a. Mababaw man ang ilog, mag-ingat pa rin sa pagtawid lalo na kung malakas ang agos.
b. Mababaw ang ilog kung malakas ang agos sapagkat maraming bagay na naiipon dito.
c. Higit na makabuluhan ang buhay kung tuloy-tuloy na umaagos ang karunungan.
d. Masalita at maingay ang taong walang sapat na dunong sa paksang pinag-uusapan.

9. Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang umusbong at lumaganap sa Panahon ng


Katutubo?
a. Huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang mga ito yamang ibang-iba na ang lagay natin sa
ngayon kumpara sa kanila.
b. Patuloy na pag-aralan ang mga ito at tingnan ang mga aral na maaaring isabuhay tungo sa
positibong pagbabago.
c. Magsawalang-kibo at hayaang gawin ng mga guro at iba pang pinuno ang pagpapanatili at
pagpapaunlad sa mga ito.
d. Ipaubaya na lamang sa Maykapal kung anong kapalaran ang naghihintay sa mga panitkang
umusbong sa Panahon ng Katutubo.

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang pinakaangkop na maglalarawan sa kahulugan ng


sawikaing “paglulubid ng buhangin”?
a. Pagkatapos ng klase, nagkayayaan ang magbabarkada sa isang computer shop. Gabi na
nang umuwi ang mga bata. Dahil sa ayaw mapagalitan, nagsinungaling na lamang sa kani-
kanilang magulang.
b. Hindi na matiis ni Mauro ang sakit ng katawan dala ng pag-eensayo ng taekwondo. Kaya
kinausap ang mga magulang na itigil na ito at maghanap na lamang ng ibang
mapagkakaabalahan.
c. Lumaki si Milky sa piling ng lolo’t lola dahil maaga siyang naulila sa ama’t ina. Wala rin
siyang kapatid na kalaro sana. Sa paaralan, binu- bully pa siya. Lungkot at awa sa sarili ang
nararamdaman niya.
d. Naglalaro sa kompyuter si Dario nang marinig ang utos sa kaniya ng ina. Di niya ito pinansin.
Muling inulit ng ina ang utos ngunit si Dario’y nagpatuloy sa paglalaro. Paulit-ulit siyang
inutusan ngunit tila walang naririnig si Dario.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 9


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

11. Alin naman sa mga sumusnod na pahayag ang pinakamahalagang kaisipang nais ipaunawa at bigyang-
halaga ng epikong Bidasari?
a. Nagdudulot ng kapahamakan ang pagkukunwari kaya huwag itong hayaang maghari sa sarili.
b. Anumang likas-yaman ng bansa ay pangalagaan upang mapakinabangan nang matagalan.
c. Matutong pahalagahan at masiyahan sa mga bagay na taglay, ito ang pundasyon ng saya.
d. Likas sa tao ang makaramdam ng takot lalo na kung sariling buhay ang nasasangkot.

Para sa bilang na 12, nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at panlunan
sa pagsulat ng sariling alamat.

12. Parehong tinulungan nina Mark at Rey ang matandang nadapa sa daan. Anong uri ng paghahambing
ang ginamit sa pangungusap?
a. pahambing na magkatulad c. pahambing na palamang
b. pahambing na pasukdol d. pahambing na di- magkatulad

13. Ang mga taong bumasa ng alamat ay dumami ng isang daang porsiyento. Ano ang Pang-abay na
isinasaad sa pangungusap?
a. panggaano b. pamaraan c. pamanahon d. panlunan

14. Ang kapayapaan ng Pilipinas ay araw-araw na ipinagdarasal ng mamamayan. Anong Pang-abay ang
isinasaad sa pangungusap?
a. panggaano b.pamaraan c. pamanahon d. panlunan

15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang di ginamitan ng dalawang uri ng pang-abay: pamanahon
at panlunan?
a. Ayaw man sanang gawin ng ina ngunit kailangan niyang lumayo at magtrabaho sa ibang bansa
upang matustusan ang lumalaking pangangailangan ng apat na anak.
b. Ipinadama ng anak ang pagmamahal sa mga magulang na nagtatrabaho araw-araw sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti sa paaralan at pagtulong sa mga trabaho pag-uwi
sa bahay.
c. Sa tuwing sasapit ang buwan ng Pebrero, totoong dinarayo ang Lungsod ng Baguio dahil sa
kagustuhang masaksihan ang naggagandahang parada ng mga sariwang bulaklak.
d. Marami ang nagulantang nang mabalitaan mula sa telebisyon, radyo, at internet na nasa piitan na
ngayon ang artistang nasangkot sa kasong korapsyon at pandarambong.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 10


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

PAUNANG GAWAIN

A. PAGPAPAKILALA

“KILALANIN MO AKO BILANG ARTISTA”

Ang pamagat ng diskusyon o gawain ay KILALANIN MO AKO BILANG


Hi ARTISTA. Kinakailangan lamang na maipakilala ang iyong sarili habang
maghahalintulad sa isang sikat na aktor/aktress (lokal, nasyonal,
internasyunal). Ito ay makatutulong upang mailarawan mo nang maayos
ang iyong karakter na kahalintulad sa ibang tao o ng maging iyong kaklase.

Simulan Natin! Ibigay ang hinihinging impormasyon sa ibaba.


1. Sinong artista ang maihahalintulad mo sa iyong sarili? Ano ang gusto mong itawag namin sa iyo?
2. Ano-ano ang mga katangian na mayroon ka na iyong nakita sa artistang napili? Magtala ng dalawang (2)
katangian.
3. Ano ang gusto mong maabot sa buhay? Sa tingin mo, paano mo ito matatamo sa hinaharap?

Sundin ang format na ito sa pagpapakilala.


1. Ang artistang maihahalintulad ko sa aking sarili ay si Kathryn Bernardo. Maaari ninyo akong tawaging
Miss Sai.
2. Nakikita ko ang aking sarili kay Kathryn Bernardo dahil sa mga sumusunod:
*Ako ay mapagmahal na anak sa aking mga magulang. Lagi ko silang inuuna at ang nais ko ay
mapasaya sila. Kagaya ni Kathryn Bernardo, mapapansin mo sa kanyang vlogs kung paano niya
pinapahalagahan ang kanyang pamilya.
*Kapag may mga naririnig akong hindi magandang balita o kahit komento ng ibang tao tungkol
sa akin ay inuunawa ko sila at hindi na pinapatulan ang kanilang sinasabi.
3. Gusto kong maging mahusay at huwaran na tagapagturo at bukod pa riyan ay gusto ko ring mas lumalim
pa ang aking kasanayan sa pananahi. Maaabot ko ito sa pamamagitan ng maiging pagsisikap at
pagmamahal sa aking trabaho at sa aking mga ginagawa.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 11


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Ngayon, kayo naman! Nananabik akong makilala kayong lahat! Simulan natin sa pamamagitan ng pagsagot
ninyo sa bawat katanungan:

1. Sinong artista ang maihahalintulad mo sa iyong sarili? Ano ang gusto mong itawag namin sa iyo?

Sagot:

2. Ano-ano ang mga katangian na mayroon ka na iyong nakita sa artistang napili? Magtala ng dalawang (2)
katangian.

Sagot:

3. Ano ang gusto mong maabot sa buhay? Sa tingin mo, paano mo ito matatamo sa hinaharap?

Sagot:

Ikinagagalak
kong
makilala ka!

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 12


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

B. INTRODUKSYON SA UNANG MARKAHAN: SALAMIN NG KAHAPON, BAKASIN NATIN NGAYON

Ang mga paksa sa markahang ito ay kaugnay sa pamagat ng aralin 1. Sa


pahinang ito ay tutuklasin natin ang iba’t ibang akdang pampanitikan na
sumibol noong unang panahon. Habang tinutuklas natin ang mga panitikan,
lilinangin din dito ang inyong kasanayang pangkomunikatibo.
Isapuso natin ang sikat na mga salawikain ng ating pambansang bayani
na si Dr. Jose P. Rizal;

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.”

“Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.”

Ito ay naglalahad at humihikayat sa isang tao upang bigyan ng pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa
kaniyang pinagmulan at pinag-ugatan. Ang salawikaing ito ay nagtuturo sa atin na huwag kalimutan ang
nakaraan bagkus gamitin ito upang mapaunlad ang kasalukuyan.

Kagaya ng ating panitikan, na isang arbitraryo o buhay na nararapat lamang na pagyamanin upang
magamit ng bawat henerasyon, ang wika ay ganoon din. Ito ay nag-iiba at nagbabago sa paglipas ng
panahon ngunit mahalaga pa rin na huwag kalimutan ang bawat istruktura nito.

B.1 MAIKLING PAGSUSULIT (PRACTICE QUIZ)

Gawin ang mga sumusunod:

1. Mula sa pag-unawa natin sa kahalagahan ng mga akdang pampanitikan na sumibol noon, pagmasdan ang
larawan at maghinuha.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 13


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

2. Pamilyar ba sa iyo ang mga simbolo na makikita sa larawan?

Ang inyong mga mahihinuha ay gagamitin sa susunod na pahina.

B.2 Pagtatalakay: Balikan ang Nakaraan

Ngayon ay gamitin natin ang inyong mga nahinuha upang maunawaan ang kahalagahan ng mga
bagay na isinasatitik noon na bahagi ng ating panitikan ngayon at kung paano ito umunlad sa paglipas
ng panahon. Upang mas mapalalim pa ang pagkakaintindi natin sa ating panitikan ay sagutan ang mga
sumusunod na tanong:

1. Ano ang tawag sa larawan? Sa tingin mo, sa anong panahon ito sumibol sa Pilipinas (Panahon ng
Katutubo, Panahon ng Espanyol, Panahon ng Hapon)?

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 14


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

2.Nararapat ba natin itong gamitin ngayon at pagyamanin? Bakit?

3. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang mga pangyayari noon sa ating kasaysayan sa pag-unlad ng
ating bansa ngayon lalo na sa ating panitikan? Bakit mo ito nasabi?

Scaffold for Transfer: SEE

Now I Know!

Tatalakayin ng guro ang Mga Uri ng Tulang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol (salawikain,
sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan) at mauunawaan ang kahalagahan nito bilang salamin ng
ating kultura at sa pag-unlad ng panitikang Filipino.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 15


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

ARALIN 1: MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO DUMATING ANG MGA


ESPANYOL
SUBTOPIC: PAGHAHAMBING

I. Mga Layunin
Sa katapusan, ang mga mag-aaral ay inaasahang masasanay ang mga sumusunod na kakayahan:
a. Nahihinuha o natutukoy ang mahalagang kaisipang nakapaoob sa karunungang-bayan.
b. Nakikilala ang mga panghambing na ginamit sa bawat pangungusap.
c. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

A. Pagtutuklas

Bago natin talakayin ang ating paksa ay magkaroon muna tayo ng


panandaliang pagbalik-tanaw sa inyong mga natutunan tungkol sa mga
panitikan sa pamamagitan ng isang laro.

Mula sa word puzzle, ilista ang mga uri ng panitikang makikita rito.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 16


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

SAGOT

1.
2.
3.
4.

Nakuha niyo ba ang mga salita? Magaling!

Magsimula tayo!
Maghinuha tungkol sa pinagmulan ng mga panitikang ito mula sa mga sumusunod na tanong:

1. Sa iyong palagay, paano nabuo ang mga panitikan?


2. Para sa iyo ang panitikan ba ay makatotohanan o haka-haka lamang?

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 17


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Ang mga panitikang inyong nabuo mula sa word puzzle ay tinatawag na


kuwentong- bayan o folktales na tinalakay ninyo noong kayo ay nasa ikapitong baitang.
Ito ay pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan. Kinukuwento ito sa
pamamagitan ng natural na pag-uusap na pasalita na karaniwang nangyayari sa pang-
araw-araw na pag-uusap.

Hindi lamang ito ang mga uri ng panitikan na sumibol bago dumating ang mga
mananakop sa ating bansa kung di marami pang iba.

Kagaya ng kuwentong- bayan na nabuo nang dahil sa pang-araw-araw na


pakikipag-usap ng ating mga katutubo, may mga uri pa ng panitikan na kaugnay rin dito
at sumikat noong Panahon ng Espanyol. Tatalakayin natin ang Mga Akdang Lumaganap
Bago Dumating ang mga Espanyol – Mga Karunungang- Bayan, at Paghahambing.

B. Paglilinang
B.1. KARUNUNGANG-BAYAN

SALAWIKAIN. Ito ay mga pangungusap na maiiksi lamang ngunit punong-puno ng kahulugan. May
layunin itong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sumasalamin din ito sa
kultura at tradisyon nating mga Pilipino. Kadalasan itong nagbibigay ng payo o aral.

Paliwanag:

1. Kinakailangang disiplinahin ang anak ng kanyang mga magulang lalo na kung may nagawa itong mali upang matutong humingi ng
patawad at maging mapagkumbaba. Sa pamamagitan nito, hindi magiging problema pa ng isang magulang ang katigasan ng ulo ng
kanyang anak kung alam na nilang makinig.

2. Dapat maging mapagmatyag sa mga sasabihin mo sa ibang tao lalo na kapag ito ay napakapribado at maaaring ikasira ng iyong
imahe dahil magugulat ka na lang na kahit isa o dalawang tao lang ang nakakaalam, sa susunod na araw ay alam na ng lahat. Ito ay
nakaabot na kung saan-saan dahil palaging may gustong makaalam, maki tsismis, at nag-aabang.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 18


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

SAWIKAIN. Nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan. Sa ibang sanggunian ay
tinatawag itong idyoma o kaya naman ay eupemistikong pahayag.

KASABIHAN. Noong unang panahon ay yaong ipinalalagay na mga sabihin ng mga bata at matatanda na
katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso
o pagpuna sa kilos ng isang tao.

Paliwanag:

1. Nagkakaroon lamang ng lakas ng loob ang bata na sumagot at lumaban kapag alam niyang may mga kakampi
sya at nasa kanyang teritorya.

2. Ang tiririt ng ibon ay nagpapahiwatig ng “pagsipol”. Nakaririnig tayo minsan ng isang sipol kapag may isang
magandang dalagang dadaan sa may eskinita. Minsan ang iba ay lumilingon kahit hindi sila mismo tinawag sa
pangalan nila dahil baka naghahanap din sila ng kasintahan.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 19


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

BUGTONG. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may
limahanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.

PALAISIPAN. Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin.

Paliwanag:

1. Lima pa rin. Lima ang baboy ni Mang Juan at lumundag lamang ang isa hindi naman sinabing namatay o umalis
sa kanilang kulungan kaya lima pa rin sila lahat.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 20


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Paliwanag:

2. Ang sombrero ay isang sombrero na may butas sa itaas o kaya parang pang-tennis na sombrero. Kaya simple lang
na makuha ang bola na hindi man lang magagalaw ito.

BULONG. Ito ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa
kulam, engkanto, at masasamang espiritu.

Paliwanag:

1. Humihingi ng pahintulot ang isang tao na may puputulin siyang puno kahit na ang kanyang kinakausap ay isang
nilalang na hindi nakikita at dahil naniniwala siyang ito ay nakatira sa loob ng puno.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 21


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Ngayon, ay tapos na tayo sa ating pagtuklas sa mga Karunungang- Bayan at tumungo naman tayo sa
isang kaugnay na paksang lilinang sa inyong kasanayang pangkomunikatibo. Ito ay ang MGA URI NG
PAHAMBING.

PAGHAHAMBING

nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng


paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing.

2 URI NG PAGHAHAMBING

Pahambing na Magkatulad Pahambing na Magkatulad

Palamang - nakahihigit sa Pasahol – kulang sa


gumagamit ang mga panlaping gaya ng katangian ang isa sa
katangian ang isa sa
magka-, sing-, sin-, magsing-, magsim-, dalawang
dalawang
magsin-, ga-, pareho, kapwa, pinaghahambing.
pinaghahambing.
tulad, kahawig, hawig, gaya -gumagamit ng
- gumagamit ng
panlaping ang higit, panlaping di gaano, di
lalo, mas, di-hamak, gasino, di masyado
Halimbawa:
tulad, kahawig, hawig, gaya. labis
a. Kahawig ng ina ang kanyang
bunsong anak. Halimbawa: Halimbawa:

b. Kapwa mahuhusay na mang- b. Di-hamak na mas a. Di gasinong kilala na


mahusay sa pagpipinta si mang-aawit si Joyce
aawit sina Sarah Geronimo at Ruth kaysa kay Betina. kaysa kay Mark.
Regine Velasquez c. Mas gaganda pa sana ang b. Ang kanilang lupain ay
pagdaraos ng aking di gaanong malawak
c. Singhaba ng pasensya ko ang pila kaarawan kung nandito sa kaysa sa amin.
ng sasakyan sa EDSA. aking tabi ang aking mga
magulang.
d. Ang
Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 22
LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157 edukasyon
ay labis na
mahalaga
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

C. Pagtataya

I.PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng karunungang-bayan ang ipinapahayag ng bawat pangungusap o
pahayag at gumawa ng dalawa hanggang tatlong (2-3) pangungusap na pagpapaliwanag sa mga ito.

(1pt. – pagtutukoy; 2 pts. – pagpapaliwanag = 3pts bawat numero)

___________________1. Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.

___________________2. Ang maniwala sa sabi- sabi, walang bait sa sarili.

___________________3. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna? Sagot: donut

___________________4. May sampung langgam nakapatong sa sanga, lumundag ang anim, ilan ang
natira? Sagot: 10

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 23


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

___________________5. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.

II. PANUTO: Bumuo ng mga pangungusap na may paghahambing at iugnay ang magiging paksa ng mga
pangungusap sa mga pangkasalukuyang isyu ngayon sa ating lipunan. Sundin ang pormat sa pagpasa.

Pormat:

Pahambing na Magkatulad – 2 pangungusap

1.

2.

Pahambing na Di- Magkatulad:

*Pasahol – 2 pangungusap

1.

2.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 24


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

*Palamang – 1 pangungusap

1.

D. Pagpapayaman
Upang mas higit pa ninyong maunawaan ang paggamit ng paghahambing ay magkakaroon tayo ng pasulit hinggil
dito. Sundin lamang ang panuto.

I. Panuto: Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa kahon kung anong uri ito
ng paghahambing.

1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon.

2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan kompara sa dati.

3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.

4. Di gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan ngayon kung ihahambing sa kabataan noon.

5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 25


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

E. Pagpapalalim

Panuto: Ibahagi ang iyong sagot sa mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag lamang ito sa loob ng tatlo
hanggang limang pangungusap. (5 pts.)

Pamantayan:
Nilalaman -3
Organisasyon -1
Wastong gamit ng balarila -1

1.Bakit kailangang pag-aralan at pahalagahan ng mga kabataan ang mga karunungang-bayan tulad ng
salawikain, sawikain o kawikaan, at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon?

SAGOT:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Scaffold for Transfer: JUDGE

Figure It Out!

The teacher will provide a matrix that contains algebraic expressions to be solved by factoring in order to
decode the important contributions of the ancient world. This matrix will also be utilized to reveal the
“salawikain” or “proverb” and will require the students to identify and explain the values they learned from it
through giving illustrations.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 26


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Aralin 2: ANG PINAGMULAN NG MARINDUQUE


SUBTOPIC: PANG-ABAY AT ANG MGA URI NITO

I. Mga Layunin
Ang mga mag-aaral ay inaasahang masasanay ang mga sumusunod na kakayahan:
a. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa mga
ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa.
b. Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan o di makatotohanan ng mga
puntong binibigyang-diin sa nabasa.
c. Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at panlunan sa pagsulat
ng sariling alamat.
d. Napapahalagahan ang pinagmulan ng ating mga ninuno sa kultura na mayroon tayo ngayon.

A. Pagtutuklas
1. Pagbabalik-Aral

Bago natin simulan ang ating bagong talakayin ay magkakaroon muna tayo ng
pagbabalik-aral sa ating huling aralin.

Paano makatutulong ang mga karunungang-bayan sa buhay lalo na sa mga kabataan?

SAGOT:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 27


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

2. Pagganyak

Nais kong tingnan mo ang larawan sa ibaba at sagutin sa iyong mga isip ang mga tanong.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang mga libro?


2. May mga ganito rin ba kayong aklat noon? Kung meron, ano ang inyong nagustuhan sa aklat na ito?
2. Mahalaga bang unawain ang ganitong klaseng panitikan? Bakit kaya?

Ang mga Pilipino ay natural ng mahilig sa mga panitikan lalo na dahil nabuo ang ilan sa mga ito sa
pamamagitan ng pakikipagtalastasan araw-araw sa pamilya, kamag-anak at maging sa ibang tao. Kaya
hindi maikakaila ang mga pasalindilang panitikang ito ay naisatitik na ngayon upang magamit sa larangan
ng edukasyon. Sa pahinang ito ay tatalakayin natin ang ating ikalawang paksa sa Filipino 8, Ang Alamat ng
Marinduque, at Pang-abay.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 28


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

B. Paglilinang
Upang kayo mismo ang makadiskubre sa hiwaga ng alamat ay nais kong kayo ang magbasa nito.
Maghinuha sa mga pangyayari sa alamat gamit ang mga gabay na tanong.

Mga Gabay na Tanong:

1. Sino- sino ang mga mahahalagang tauhan sa alamat?


2. Bakit hindi payag ang datu sa relasyon nina Mutya Marin at Garduque?
3. Sa tingin ninyo, ano ang mga katangiang nagustuhan ni Mutya Marin kay Garduque?
4. Ano ang aral na makukuha mula sa alamat?

ALAMAT NG MARINDUQUE

Noong unang panahon may pamayanan sa Timog Katagalugan na pinamumunuan ng isang haring
mayaman at makapangyarihan, iginagalang ngunit kinatatakutan. Siya’y si Datu Batumbakal,
tinaguriang gayon dahil sa siya’y may pusong bakal.

Namuno siya sa Balayan, isang pamayanang sagana sa mga yaman ng kalikasan. Sa panahon ng anihan,
naging ugali ng mga katutubo na magpasalamat sa Poong Maykapal sa kanilang masaganang ani.
Nagtitipon sila sa tahanan ng Datu at sama-sama silang nag-aalay ng kanilang mga ani tanda ng
pasasalamat at sa kapayapaan ng kanilang pamumuhay.

Kasama ng Datu ang kanilang anak na si Marin, isang dilag na pinipintuho dahil sa angking kagandahan.
Maraming mga manliligaw ang dalaga na nagmumula sa iba’t-ibang kaharian, ngunit tatlo lamang ang
masugid: Datu Bagal ng Mindoro, Datu Saguil ng Laguna at Datu Kawili ng Camarines. Sa kanilang
pagluhog, hindi naaantig ang puso ng Prinsesa Marin.

Isang araw, naakit ang dalaga ng mga awit ng Garduke, isang makata na humabi ng mga awitin at
tulain sa kagandahan at kariktan ng kalikasan. Siya’y dukhang mangingisda mula sa Taal, nagbibigay
aliw sa kaharian ni Datu Batumbakal. Naakit si Marin sa kakisigan ng makata na nagtapat ng pag-ibig
sa dalaga. Di nagtagal at sila’y naging magsing-irog.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 29


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Nang matuklasan ito ng Datu, nagalit siya. Sumalungat siya sa pag-iibigan ng dalawa. Nais niyang ang
mapangasawa ng anak ay isang maharlika. Iniutos niyang patayin si Garduke kung igigiit niya ang pag-
ibig sa Prinsesa Marin.

Nalungkot ang Prinsesa, ngunit isang araw habang namamasyal sa dalampasigan ng Bombon,
nasalubong niya si Garduke. Ipinahayag ng dalaga ang walang kamatayan niyang pag-ibig sa binata,
na ‘di alintana ang pagsalaysay ng binata na siya’y walang kayamanan at kapangyarihang
maipagmamalaki.

“Hindi ko kailangan ang kayamanan at kapangyarihan,” wika ni Prinsesa Marin. “Kailangan kita; may
wagas na layunin. Mahal ko ang isang taong mapagkumbaba, makatao at tagahanga ng kalikasan”,
dugtong pa ng dalaga.

Nalaman ng Datu ang lihim ng pagtatagpo ng dalawa kaya iniutos niya na pugutan ng ulo si Garduke.
Dahil diyan, ipinasya nina Prinsesa Marin at Garduke na tumakas. Sumakay sila sa bangka patungo sa
Tayabas Bay, hinabol sila ng mga sundalo ni Datu Batumbakal kasama ang tatlong masugid na
manliligaw. Nang inaakala ng dalawa na maaabutan sila ng mga sundalo, iniutos ng dalawa sa
kasamang utusan na magkasamang gapusin silang dalawa at ihulog sa gitna ng karagatan. At ganon
nga ang nangyari.

Sa pagdaraan ng panahon, may umusbong na hugis pusong pulo sa pook ng pinaglagakan ng katawan
nina Prinsesa Marin at Garduke. Ang pulo ay pinangalanang Marinduke, ang pinakamatahimik at
mapayapang pulo sa Timog Katagalugan.

*pinipintuho – minamahal
*pagluhog - pag-alay; pagbigay

https://www.facebook.com/disyunaryongMarinduque/posts/alamat-ng-marinduquereposted-noong-
unang-panahon-may-pamayanan-sa-timog-katagalu/2079513808927201/

Gramatika:

Ngayon naman ay ating talakayin ang tungkol sa mga Pang-abay at mga Uri Nito.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 30


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

tawag sa salita o lipon ng mga salitang


nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.

URI NG PANG-ABAY

1. Pamanahon – 1. Panlunan – pang- 3. Pamaraan -


nagsasaad kung kailan abay na tinatawag sumasagot sa tanong
ginanap, ginaganap, o sa pariralang sa. na paano ginanap,
gaganapin ang sinasabi Kumakatawan ito sa
ginaganap, o
ng pandiwa sa lugar kung saan
pangungusap. ginagawa ang kilos. gaganapin ang
sinasabi ng pandiwa
PANG-ABAY

sa pangungusap.

Pangkat ng pamanahon:
HALIMBAWA:
Sa buong mundo ay HALIMBAWA:
a. may pananda – yaong
laganap ang iba’t iabng Masayang
gumagamit ng nang,
kwento o alamat nagbabasa ang mga
sa, noong, kung,
tungkol sa pinagmulan batang mahilig sa
tuwing, buhat, mula,
ng iba’t ibang bagay. karunungang-bayan
umpisa, at hanggang.
b. walang pananda - gaya ng alamat.
yaong gumagamit ng
kahapon, kanina,
4. Panggaano – nagsasaad ng sukat o timbang.
ngayon, mamaya,
HALIMBAWA: Ang mga taong nakabasa ng
bukas, sandali, atbp.
alamat ay dumami nang isang daang porsiyento.

HALIMBAWA: 5. Kataga o Ingklitik – katagang karaniwang sumusunod sa


Batay sa “Alamat ng unang salita ng pangungusap.
Pinya”, naganap ang HALIMBAWA: Makikita rin ang paniniwala at kultura ng
pangyayaring ito noong isang pamayanan sa pamamagitan ng alamat.
unang panahon.
man kasi sana nang
kaya yata tuloy lamang/lang
din/rin ba pa muna
pala na naman daw/raw

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 31


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Pansinin ang alamat na nasa ibaba maging ang mga pang-abay na ginamit.

SI BULAN AT SI ADLAW
Noong unang panahon daw ay may nag-isang dibdib na nilalang na
nagngangalang Bulan at Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagsasama ay
nagkaanak sila ng marami. Nagpatuloy ng pag-aanak si Bulan hanggang sa
napuna ni Adlaw na maraming-marami na pala ang mga bunga nila at
nagsisikip na sila sa kanilang bahay. Naisip ni Adlaw na kausapin si Bulan na
pagpapatayin nalang na lamang nila ang iba pa nilang mga anak upang muling
lumuwang ang kanilang tinitirhan. Tumutol si Bulan sa mungkahi ni Adlaw at
ito ang naging dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway. Halos araw-araw
ay para silang mga asot pusa. Umiksi na ang pisi ni Adlaw kayat nagpasya
siyang makipaghiwalay na lamang dito. Lubhang nagalit si Adlaw. Pumayag
din siyang makipaghiwalay kay Bulan sa kondisyong isasama lahat ni Bulan
ang kanilang mga anak at hindi na muling magpapakita sa kanya. Kaya
ngayon, makikitang si Adlaw o ang araw ay nag-iisang sumisikat sa araw, at si
Bulan o buwan ay sa gabi na lamang lumilitaw na kasama ng kanyang mga
anak na bituin. At kapag nagkatagpo sila, sumisidhi raw ang poot ni adlaw kay
Bulan. Mabilis na tinutugis niya ito na siya raw dahilan sa pagkakaroon natin
paminsan-minsan ng laho o eklipse.

C. Pagtataya

Panuto: Isulat ang M sa linya sa kaliwa kung may katotohanan o nangyayari sa tunay na buhay ang pahayag
at ang MK kung hindi makatotohanan o likhang-isip lamang. Sa mga linya sa ibaba ay isulat ang iyong
paliwanag para sa iyong napiling sagot. (1pt. sa pagtutukoy; 4pts. sa pagpapaliwanag)

Pamantayan:
Nilalaman -3
Wastong gamit ng balarila -1
Kabuuan -4

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 32


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

________1. May mga magulang na nanghihimasok sa buhay ng mga anak maging sa pagpili ng kanilang
mapapangasawa.

Paliwanag:

________2. Ang magkasintahang sina Mutya Marin at Gardoque ay naging isang islang maganda bunga
ng kanilang busilak na pagmamahalan.

Paliwanag:

________3. Di pagtanggap sa isang tao dahil sa mababang kalagayan nito sa buhay o sa lipunan.

Paliwanag:

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 33


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

D. Pagpapayaman

I. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa loob ng pangungusap (ingklitik, panggaano,
pamaraan, panlunan, o pamanahon).

1. Simulan mo ngayon ang pagbabasa ng mga alamat.

2. Buong puso mong isabuhay ang mga natutuhan mong aral sa mga alamat.

3. Sa bahay man o sa paaralan makapagbabasa ka ng ganitong mga akda.

4. Masayang magbasa ng mga alamat.

5. Siyamnapung porsiyentong nagbago ang aking pananaw sa buhay dahil sa

pagbabasa ko niyan.

II. Panuto: Bumuo ng tig-iisang pangungusap ayon sa hinihinging pang-abay.

1. Pamanahon:

2. Panlunan:

3. Pamaraan:

4. Panggaano:

5. Ingklitik:

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 34


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

E. Pagpapalalim

Panuto: Ibahagi ang iyong sagot sa mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag lamang ito sa loob ng tatlo
hanggang limang pangungusap. (5 pts.)

Pamantayan:
Nilalaman -2
Organisasyon -2
Wastong gamit ng balarila -1
Kabuuan -5

Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang muling mapasigla at pahalagahan ng mga kabataang
katulad mo ang mga katutubong panitikang ipnamana sa atin ng ating mga ninuno?

SAGOT:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Scaffold for Transfer: ACT

Try It Out!

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng sariling karunungang-bayan na makatotohanan at


mapanghikayat sa pamamagitan ng isang proyektong panturismo (brochure) bilang pagpapakita sa
kahalagahan ng bansa at ng mga panitikan nito.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 35


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Aralin 3: EPIKO - BIDASARI


SUBTOPIC: MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA
NG MGA PANGYAYARI

I. Mga Layunin
Ang mga mag-aaral ay inaasahang masasanay ang mga sumusunod na kakayahan:

a. Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: -paghahawig o pagtutulad, -


pagbibigay depinisyon, -pagsusuri
b. Nakikinig nang may pag- unawa upang maipaliwanag ang pagkaka-ugnay ng mga pangyayari.
c. Nakapapahalaga sa pagiging mapagkumbaba.

A. Pagtutuklas

1. Pagbabalik-Aral

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Bilugan ang tamang sagot sa mga
sumusunod na pahayag.

1. Ang tawag sa pang-abay na kumakatawan sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.

a. Panggaano b. Pamaraan c. Panlunan d. Kataga

2. Ito ay uri ng pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang.

a. Pamanahon b. Ingklitik c. Panlunan d. Panggaano

3. Uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na paano.

a. Pamanahon b. Pamaraan c. Panlunan d. Panggaano

4. Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad kung kalian gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.

a. Panlunan b. Pamaraan c. Pamanahon d. Panggaano

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 36


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

5. Ito ay tawag sa salita na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

a. Pangatnig b. Pangngalan c. Pang-uri d. Pang-abay

II. Panuto: Tukuyin kung saan napabilang ang mga sumusunod na salita: (pamanahon, panlunan,
pamaraan, panggaano,ingklitik). Isulat ang inyong sagot sa patlang bago ang numero

______________________6. sa loob ng bahay

______________________7. pitong kilo

______________________8. daw

______________________9. kanina

______________________10. sa lugar ng Marindoque

2. Pagganyak

Sa pahinang ito ay may bago na naman kayong matututunan sa mga


akdang pampanitikan at maging sa gramatika. Masusubok na naman ang husay
mo bilang isang manunulat.

Susulat ka ng talatang nagpapahayag ng sariling palagay tungkol sa mga


sinaunang uri ng panitikan.

Gagawin mo pa rin ito bilang bahagi ng iyong adbokasiyang pahalagahan


ang Katutubong Panitikang Pilipino.

Nasisiyahan ka ba sa pisikal mong anyo? Paano mo tatanggapin ang


katotohanang may ibang mas guwapo o mas maganda sa’yo? Makararamdam
ka ba ng inggit sa kanila? Sa kabilang banda, paano kung malaman mong ika’y
ampon lamang at di alam kung sino talaga ang iyong tunay na mga magulang?

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 37


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Ang mga tanong sa itaas ay pawang mga katanungang mabibigyang-diin sa tulong ng epikong
umusbong at lumaganap sa Panahon ng Katutubo – ang Bidasari.

Buong lugod kitang hinihimok na pag-aralan itong mabuti. Bilang panimula, makabubuting isagawa mo
ang pinakaunang gawain sa araling ito.

GAWAIN 1: MASELANG TANONG, BIGYANG ATENSYON!

Dalawang maseselang tanong ang bibigyan mo ng atensyon sa pamamagitan ng pagbulalas mo


ng iyong saloobin ukol dito. Isulat sa nakalaang kahon ang iyong tugon.

Maselang Tanong Blg. 1: Paano mo tatanggapin ang katotohanang higit na guwapo o maganda ang iba
kaysa sa’yo? Makararamdam ka ba ng panibugho? Pangatwiranan.

Maselang Tanong Blg. 2: Anong matalinong pasya ang iyong isasagawa kapag nalaman mong ikaw ay
ampon lamang at di mo alam kung sino talaga ang iyong tunay na mga magulang?

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 38


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Ang mga sagot mo sa sinundang gawain ay tunay na kababakasan ng iyong


katapangan. Nawa’y wastong pasya’y tuluyang maisakatuparan. Asahan mong ang
susunod na mga gawain ay hahasa sa iyong mapanuring kaisipan at lilinang ng iyong
katalinuhan.

B. Paglilinang

Oo, asahan mong sa yugtong ito ng modyul na malilinang ang iyong kaalaman at pag-unawa sa
mga inihandang paksa sa araling ito. Kasabay nito, malilinang din ang iyong pagpapahalaga sa epikong
lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Gawin ang susunod na gawain.

Basahin at unawain ang epikong Bidasari.

BIDASARI
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala
sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na
ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila
sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang
sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae
sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian.
Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak at pinangalanan nila ang
sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling
ng kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari.
Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 39


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng: “mahal na mahal ka sa
akin”. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa
sultan: “Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?”, ang naging
tugon ng Sultan ay: “Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat”. Nag-
alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't
karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman
kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama (dama-abay) ng


sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon
pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa
halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa
tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto
at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si
Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang
patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira
nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo na
nakapinid (nakapinid-sirado). Pinilit niyang buksan ang pinto at pinasok ang mga silid. Nakita niya ang
isang napakagandang babae na natutulog, si Bidasari ngunit hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si
Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan at naghintay hanggang
gabi. Kinagabihan ay nabuhay si Bidasari at nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat ni Bidasari
ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit naman ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad
niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang
naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling at ito ay si Sinapati. Nang pumunta
sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng
Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha ni Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang
si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang
kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 40


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha.


Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng
Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-bidasari-epikong-
mindanao_606.html

Ngayon naman ay iyong sasagutan ang mga katanungan. (5pts. bawat numero)

Pamantayan:
Nilalaman -3
Organisasyon -2
Wastong gamit ng balarila -1
Kabuuan -5

1. Bakit nabulabog ang kahariang Kembayat?

SAGOT:
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang ibinunga ng pagkabulabog ng kahariang Kembayat?

SAGOT:
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 41


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

3. Ano-anong kultura ng mga Pilipino ang masasalamin sa epikong Bidasari?

SAGOT:
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Basahin at unawain ang Sanhi at Bunga.

Higit na matatamo ang pagkaunawa sa nilalaman ng panitikan tulad ng epiko kapag may ganap
na pag-unawa sa sanhi at bunga ng isang kaganapan. Sapat itong dahilan upang iyong puntahan ang site
sa ibaba upang malaman at maunawan ang mga impormasyong sangkot sa gramatikang sanhi at bunga.

SANHI AT BUNGA

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga
kadahilanan ng mga pangyayari.

Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadalinanan ng
pangyayari.

Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Ang malinaw, mabisa, at lohikal na nagpapahayag ay naipakikita sa maayos nap ag-uugnayan ng


mga salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga rin sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga
salitang gagamitin upang higit itong maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng
sanhi at bunga, may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan.

1. Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan


• sapagkat/pagkat …
• dahil/dahilan sa …
• palibhasa, at kasi …

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 42


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

• naging …

2. Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta


• kaya/kaya naman …
• kung kaya …
• bunga nito …
• tuloy …

Sagutin mo ang mga tanong. (5pts. bawat numero)

Pamantayan:
Nilalaman -3
Organisasyon -2
Wastong gamit ng balarila -1
Kabuuan -5

1. Ano ang pagkakaiba ng sanhi at bunga?

SAGOT:
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga salitang naghuhudyat na ang pahayag ay isang sanhi o bunga?

SAGOT:
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 43


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

3. Bakit kailangang matutuhan mo ang tungkol sa sanhi at bunga ng isang pangyayari?

SAGOT:
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

C. Pagtataya

Ngayon naman, ang iyong kaalaman at pag-unawa sa epikong binasa at sa gramatika ay


masusukat sa mga susunod na gawain.

Pamantayan:
Nilalaman -3
Organisasyon -2
Wastong gamit ng balarila -1
Kabuuan -5

GAWAIN 1: PAGPAPALIWANAG SA MGA GINTONG PAHAYAG

Ilantad mo ang mga ginintuang karunungan mula sa epikong Bidasari upang hindi manatiling
nakatago ang mga ito bagkus mabibigyang-kahulugan at pakikinabangan ng sinumang makaaalam nito.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 44


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

GINTONG PAHAYAG BLG.1: LABANAN ANG TAKOT, MANALIG SA DIYOS

Paliwanag:

GINTONG PAHAYAG BLG.2: AMPON MANG TURINGAN, HAYAANG MAGHARI ANG KARAPATAN

Paliwanag:

Tuluyan mo na ngang nahukay ang mga nakabaong karunungan sa


epikong Bidasari. Sa mga karunungang ito mapatutunayang karapat-dapat na
mapanatili at mapaunlad ang mga panitikang lumaganap sa Panahon ng Katutubo
yamang magiging gabay ang mga ito sa masaya at kaaya-ayang ugnayan ng
bawat isa.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 45


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Subukin ang iyong natamong pag-unawa sa gramatika: sanhi at bunga sa pagsasagawa sa susunod na
gawain.

GAWAIN 2: PAG-UNAWA KO, PATUTUNAYAN KO

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos, salungguhitan ng
isang beses ang buong pahayag na nagsasaad ng sanhi, at dalawang salungguhit naman para sa pahayag na
nagsasaad ng bunga.

1. Hindi natupad ni Ramon ang kagustuhang maging isang mahusay na abogado dahil sa masamang
impluwensiya ng mga barkada at masasamang bisyo.

2. Dahil sa katapatan ng isang taxi driver, pinarangalan siya ng pamahalaan upang siya’y tularan ng bawat
mamamayan.

3. Hindi maiwasang umiyak ni Annabelle sa tuwing nagugunita niya ang ginawang pag-iwan sa kaniya ng
kaniyang ina nang siya’y sanggol pa lamang.

4. Maraming magulang sa ngayon ang napipilitang mangibang-bansa upang matustusan ang lumalaking
pangangailangan ng kanilang pamilya.

5. Sa paghahangad na takasan ang obligasyon sa mga magulang, ilan sa mga anak ang naglalayas ng bahay
kahit walang kasiguruhan sa pupuntahan.

Wow! Lantad ang kaalaman at pag-unawa mo kapwa sa panitikan at gramatika.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 46


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

D. Pagpapayaman

Asahan mong sa yugtong ito mapasisidhi ang bawat butil ng karunungan at kasanayang iyo nang
natamo. Asahan mo ring higit na mapanghamon ang mga gawain dito yamang ang lebel ng iyong
pagkatuto ay pataas nang pataas. Mapatutunayan mo ito sa isasagawang gawain.

GAWAIN: MAKABULUHANG PAGBUO

Panuto: Bumuo ng makabuluhang pangungusap na kinapapalooban ng sanhi at bunga. Ilagay sa nakalaang


kahon ang sagot.

Pamantayan:
Nilalaman -3
Organisasyon -2
Wastong gamit ng balarila -1
Kabuuan -5

Pangungusap:

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 47


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Pangungusap:

Pangungusap:

Karapat-dapat ka sa aking taos-pusong pagbati. Kagalakan ay iyong nadarama dala ng mga karunungang
natamo mo mula sa mga isinagawang gawain sa kabila ng pagod na iyong nararamdaman. Ngayon,
masasabing handang-handa ka na para sa susunod na bahagi ng modyul.

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 48


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

E. Pagpapalalim

Panuto: Ibahagi ang iyong sagot sa mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag lamang ito sa loob ng tatlo
hanggang limang pangungusap. (5 pts.)

Pamantayan:
Nilalaman -2
Organisasyon -2
Wastong gamit ng balarila -1
Kabuuan -5

Paano mo hihimukin o hihikayatin ang iyong mga kamag-aral na magbasa ng mga sinaunang panitikang tunay
na sumasalamin sa ating natatanging kabihasnan at kultura?

SAGOT:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 49


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Sanggunian

Aklat

Ikalawang Edisyon PINAGYAMANG PLUMA Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan.

Websites:

Retrieved from the following sites

http://depedbohol.org/v2/wp-content/uploads/2016/03/Filipino-CG.pdf
https://www.youtube.com/watch?v=3a_IRxcxCqM
https://www.youtube.com/watch?v=Ue81eai3sIo
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-bidasari-epikong-
mindanao_606.html
https://www.slideshare.net/SunshineCasas/pangatnig-80684455
https://philnews.ph/2020/02/26/ano-ang-sanhi-at-bunga-depinisyon-at-halimbawa/
https://www.slideshare.net/JanLeeNagal/filipino-sanhi-at-bunga

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 50


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157
Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon
Modyul 1 (7 hrs)
Experience Total Human Formation

Prepared: Checked: Approved:

MISS SHAIRA G. BIONOG MR. JERU SALEM L. ANDRADA MR. CRISTOPHER G. NORONIO
Academic Assistant, Filipino
Subject Teacher Principal
Department

Instructor’s contact No: 09487359771, E-mail address: shaira.bionog@lsu.edu.ph 51


LSU hotlines: 088 521 0342 local 156 or 157

You might also like