You are on page 1of 6

FILIPINO 10

Modyul 1: PANITIKANG MEDITERREAN

Aralin: MITOLOHIYANG ROMANO

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP


(Content Standard) (Performance Standard)
Naipamamalas ng mga mag-aarala ang pag-unawa Ang mga mag-aaral ay nakbubuo ng kririkal na
at pagpapahalaga sa mga akdang Pampanitikang pagsusuri sa mga isinasagawang critique tungkol sa
Mediterranean. alinmang akdang pampanitikan ng Mediterranean sa
pamamagitan ng pagdaraos ng isang simposyum.
TRANSFER GOAL: Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay makagagawa ng isang
symposium patungkol sa kanilang nabuong critique ng alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competencies)


1. Nahihinuha ang nilalaman,elemento at kakayahan ng isinalaysay na akda,gamit ang mga estratehiyang
binuo ng guro at mag-aaral;
2. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan;
3. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap;
4. Nakikilala ang pagkaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito
(clining);
5. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay;
6. Nakabubuo ng isang suring-basa sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean;
7. Nailalahad nang malinaw sa isang simposyum ang nabuong critique ng alimang akdang pampanitikang
Mediterranean.

Panimula:
Ang buong kabanata ay binibigyang pagpapahalaga ang mitolohiya,parabola,sanaysay,maikling kwento
at nobela na naglalarawan sa mga kaugalian,tradisyon ,paniniwala ,at kabihasnan ng mga mamayan ng
Mediterranean upang matulungan ang mag-aaral na mapalakas ang kanyang kakayahan sa mapanuring
pag-iisip sa pantikan bilang bahagi ng pag-unawa sa kulturang Mediterrean.
Mahalagang Tanong:
Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikang Mediterrean?

ARALIN 2: PARABULANG NAGBIBIGAY NG MAHAHALAGANG ARAL

AKDANG PAMPANITIKAN: ANG BABAENG BALO

PANUTO: Basahin ang kwento na pinamagatang “ANG BABAENG BALO” (Pahina 16-
17). Gawing gabay sa pagbabasa ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Ilarawan ang bawat isa sa kanila.
2. Anong pagpapakasakit ang ginawa ng babaeng balo?
3. Anong himala ang waring sumagot sa kaniyang mga pangangailangan?
4. Anong aral ang nais na iwan ng akda sa isipan ng mga mambabasa?

Gawain 1: MAGHINUHA AT ISALAYSAYSAY KO!Panuto: Mag-isip ka kung ano-anong


mga kagandahang asal ang iyong natutunan sa parabola.Punan ang mga kahon sa ibaba kong
paano mo ito maipakikita sa iyong katayuan bilang-
Isang kasapi sa Isang anak o Isang mag-aaral
pamayanan miyembro ng o kasapi sa
pamilya eskuwela

KASANAYANG PAMPANITIKAN: PAGGAMIT NG BERBAL AT DI-BERBAL NA


KOMUNIKASYON SA PAKIKIPAGTALASTASAN

PANUTO: Basahin ang Kahalagahan ng Komunikasyon,mga uri ng Komunikasyon at


antas ng komunikasyon sa inyong aklat( Pahina 19-20) Gawing gabay ang mga sumusunod
na katanungan:

1. Ano ang komunikasyon?


2. Anu-ano ang kahalagahan ng kumunikasyon?
3. Anu-ano ang dalawang uri ng Komunikasyon?Ano ang kaibahan ng dalawa?
4. Anu-anu ang antas ng Komunikasyon? Magsaliksik ng mga halimbawa ng bawat antas.

KASANAYANG PANGWIKA: PAGSASALAYSAY


PANUTO: Basahin sa inyong aklat ang kahulugan ng Pagsasalaysay, Elemento ng mainam
na pagsasalaysay at paggamit ng mga pang-ugnay sa Pagsasalaysay(Pahina 21-23) Gawing
gabay ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahulugan ng pagsasalaysay?


2. Anu-ano ang element ng mainam na pagsasalaysay?
3. Anu-anong pag-ugnay ang ginagamit bilang pananda nag pagkakasunod sunod ng mga
pangyayari sa pagsasalaysay?

GAWAIN 2: Isalaysay ang parabulanG iyong binasa.Gumamit ng mga pag-ugnay sa


pagsasalaysay. Sundin ang mga panuntunan sa mabisang paglalad.

Gawain 3: WATCH MO SAGOT KO!


Panuto: Panoorin ang maikling pelikulang pinamagatang “Kay Inay”.Isagawa ang mga panuto
pagkatapos.

 Punan ang mga detalye kaugnay ng elemento ng pinanood:


1. Sino –sino ang mga tauhan?
2. Saan at kalian ang tagpuan?
3. Sagutin ang sumusunod na tanong upang mabuo ang banghay ng pelikula:
a. Paano ito nagsimula?
b. Ano ang nagging suliranin ng tauhan?
c. Saang bahagi naipakita ang kasukdulan?
d. Paano ito nagwakas?
e. Anong mensahe o kakintalan ang naiwan sa mga manonood?

Clickable Links : (https://www.youtube.com/watch?v=W1v8eZSQ0f4.)

Screenshot of Online Resource:


ARALIN 3: MGA SANAYSAY TUNGKOL SA BUHAY SA GRESYA AT SPARTA

AKDANG PAMPANITIKAN: ANG SINAUNANG GRESYA

PANUTO: Basahin ang mga mahahalagang tala tungkol sa sinaunang buhay ng mga tao sa
Gresya. (pahina 24-28) Gawing gabay ang mga sumusunod na katanungan.

1. Saan matatagpuan ang bansang Gresya?


2. Sino ang namamahala sa kanilang pamahalaan noong araw?
3. Anong uri ng pamahalaan ang umusbong mula sa mga mamamayan?
4. Ano ang naging pangunahing layunin ng mga estadong lungsod noong araw? Bakit
ganito ang kanilang naging ambisyon?
5. Paano sinasanay ng mga Spartan ang kanilang mga hukbo?
6. Sa anong katangian higit na nakilala ang mga Spartan?

Gawain 4: OFFLINE (Odd One Out)


Panuto: Ang dalawa sa tatlong salita ay halos kapareho o kaugnay ng salitang nakadiin sa
parirala. Bilugan ang titik ng salitang may naiibang kahulugan.

1. Nag-uugat sa malayong nakaraan.


a. Nagmula b. nanggagaling c. naiiwan
2. Nakikipagtagisan sa mga toro.
a. Nakikipaglaro b. nakikipaglaban c. nakikipagpaligsahan
3. Lumalapat sa sahig.
a. Sumasayad b. dumadapo c. umaangat
4. Kaugaliang natatangi
a. Naiiba b. walang kaparis c. pangkaraniwan
5. Maraming putahe
a. Prutas b. ulam c. pagkain

ONLINE: (Manood at Suriin mo!)


Panuto: Panoorin at suriing mabuti ang epiko ng Hudhud. Itala ang mga salitang magkakatulad o
magkakaugnay sa napanood na bidyo.

Clickable Link:
https://www.youtube.com/watch?v=qhePiEqQsxo

Screenshot of Online Resource:


PERFORMANCE TASK
HALI NA’T MAGTIPON!
Tunguhin sa Paglilipat (Transfer Goal):
1. Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay makagagawa ng isang symposium
patungkol sa kanilang nabuong critique ng alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.
2. In GRASPS, Differentiated Performance Tasks, Performance Task integrated with 21 st
century skills
GRASPS
G - Ang mag-aaral ay inaatasang magsagawa ng isang simposyum pampanitikan.
R – Tagapagsalita
A – Maraming Delegado, kapwa mag-aaral
S - Isang simposyum pampanitikan ang pinahahandaang isagawa ng kinaaaniban mong
organisasyon upang mabigyan ng halaga ng bawat kabataan ang iba’t ibang akdang
pampanitikan ng Mediterrenean sapagkat unti unti nang nalilimutan nga mga kabataan ang
kagandahang taglay ng mga akda.
P - Simposyum,Critique Paper
S - Mensahe, Gamit ng Wika, Bigkas, Pagtanggap ng Manonood

Isang simposyum pampanitikan ang pinahahandaang isagawa ng kinaaaniban mong


organisasyon upang mabigyan ng halaga ng bawat kabataan ang iba’t ibang akdang
pampanitikan ng Mediterrenean sapagkat unti-unti nang nalilimutan ng mga kapwa mo
kabataan ang kagandahang taglay ng mga akda.Magiging malaking bahagi ka ng
simposyum na ito dahil ikaw ay isa sa mga magiging tagapagsalita. Kailangan mo itong
paghandaan dahil maraming delegado ang inaasahang darating upang makinig sa iyong
sasabihin. Bubuo ka ng critique ng alinmang akdang pampanitikang
Mediterrean.Pagkatapos makapagplano at maihanda ang lahat kakailanganin para sa
simposyum ay dumating na ang pinakahihintay mong sandali. Bilang isa sa mga
naanyayahang tagapagsalita ay ibabahagi mo sa mga lalahok sa simposyum ang binuo
mong critique ng isang akdang pampanitikan.Tiyaking mailalahad mo ito nang mainaw
upang mapahalagahan ng iyong tagapakinig.Ang simposyum na ito ay isa ring
napakagandang pagkakataon upang magamit mo ang wikang Filipino sa isang
makabuluhang gawaing nagpapakita ng iyong husay at komunikatibong kasanayan.
Pagsasagawa ng isang Simposyum

4 3 2 1
Mensahe Napakalinaw na Malinaw na Medyo malinaw Malabo at hindi
naipabatid sa naipabatid sa na naipabatid sa naipabatid ang
tagapakinig ang tagapakinig ang tagapakinig ang mensahe ng
mensaheng mensaheng mensaheng critique.
taglay ng taglay ng taglay ang
binuong critique binuong critique binuong critique
Gamit ng Wika Nagagamit nang Nagamit nang .Medyo mabisa Hindi mabisa at
napakabisa at mabisa at at mahusay ang mahusay ang
napakahusay mahusay ang paggamit ng gamit ng
ang wikang wikang Filipino wikang Filipino wikang Filipino
Filipino sa sa pagbigkas g sa pagbigkas ng sa pagbigkas ng
pagbigkas ng critique sa critique critique sa
critique sa simposyum simposyum simposyum
simposyum gayundin sa gayundin sa gayundin sa
gayundin sa pagsagot sa mga pagsagot sa mga pagsagot sa mga
pagsagot sa mga tanong ng mga tanong ng mga tanong ng mga
tanong ng mga tagapakinig. tagapakinig. tagapakinig
tagapakinig
Bigkas Higit pa sa Nailalahad ang Nailahad ang Ang bises ay
inaasahan ang critique sa critique subalit mahina at hindi
malinaw at may malinaw at may hindi gaanong halos marinig at
angkop na angkop na malinaw at maintindihan
paglakas at paglakas at hindi rin ang binibigkas
pagbasa ng tinig pagbaba ng gaanong angkop na salita.
sa paglalahad ng tinig. ang paglakas at
critique pagbaba ng tinig
Pagtanggap ng Naging labis na Naging kawili- Hindi gaanong Hindi nakuha
Manonood kawili-wili ang wili ang naging kawili- ang interes at
pagbabahagi pagbabahagi wili ang atensiyon ng
kaya naman kaya naman pagbabahagi mga tagapakinig
nakuha nang nakuha ang kaya naman dahil sa hindi
buong-buo ang interes at hindi lubusang halos
interes at atensiyon ng nakuha ang maintindihang
atensiyon ng mga manonood interes at paglalahad.
mga manonood na making mula atensyon ng
na making mula simula mga manonood
simula hanggang na making mula
hanggang matapos simula
matapos hanggang
matapos.

Pagsasagawa ng Simposyum
 Produkto: Simposyum/ Critique Paper
Self-Assessment:
Panuto: Sa inyong journal notebook magsulat ng tatlong (3) mga bagay na inyong natutunan,
dalawang (2) bagay na gusto pa ninyong matutunan at isang (1) katanungan mula sa ating mga
tinalakay na aralin.
Values Integration:
Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay malilinang ang kanilang mga kakayahan
sa pagkikipagkapwa tao, pagiging bukas palad sa mga taong nagangailangan,pagkikipagtulungan
sa kanilang kapwa.
 LOVE
 CHRIST ALIVE
 DEVOTION
 EXCELLENCE

You might also like