You are on page 1of 5

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

Asignatura : FILIPINO 7
Guro : RHEANA AMBAS
Paksang Aralin : ALAMAT NG TANDANG
Sanggunian : PINAGYAMANG PLUMA 7
Pahina : 194-211
Tagal : Isang Oras

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
 Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting- bayan gamit ang wika ng kabataan
Enduring Understanding
 Ang mga mag-aaral ay mauunawaan ang mga akdang pampanitikan ng kabisayaan ay
magpapakita at makasusulat ang mag-aaral ng sariling awiting-bayan gamit ang wika ng
kabataan.
Essential Question
 Paano maipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang naunawaan matapos nilang pag-
aralan ang panitikan ng Kabisayaan?
Formation Standard
 Ang mga mag-aral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
kabisayaan at pag papahalaga sa kultura ng bansa.
Transfer Goal
 Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kaalaman ay maipapamamalas ang pag-unawa
sa mga pampanitikan ng kabisayaan sa pamamagitan ng pagtatanghal ng sariling awiting
bayan at ito ay video recorded na ipo-post sa social media.

Mga Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies)


 Naihahayag ang nakikitang mensahe ng napakinggang alamat (F7PN-IIc-d-8) (A)
 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan (F7PB-
IIc-d-8) (M)
 Naihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa mga elemento nito
(F7PD-IIc-d-8) (M)
 Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa sariling lugar gamit ang wika
ng kabataan (F7PU-IIa-b-7) (T)
 Naitatanghal ang orihinal na awiting bayan gamit ang wika ng kabataan. (F7PS-IIj-12) (T)
 Nanghihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang alamat (F7PS-IIc-d-8)
(T)
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

G – Ang mga mag-aaral ay makagagawa ng video clip na nagpapakita ng magagandang


awiting-bayan sa Quezon province.

R – Ang mga mag-aaral ay inaasahang magiging presenter

A – Mga taong gumagamit ng social media.

S – “Ang Lalawigan ng Quezon ay may isasagawang patimpalak isa na rito ang pagtatanghal
upang malaman ng iba ang kagandahan ng mga awiting-bayan sa Quezon province”.

P – Ang mga mag-aaral ay inaasahang makagagawa ng isang video clip upang maipabatid
ang kagandahan ng awiting-bayan sa Quezon province
S – Standard (Rubrics)
RUBRICS SA PAGGAWA NG VIDEO CLIP

Mga krayterya 5 4 3 2 Puntos

Presentasyon Nagpapakita Bahagyang Limitado ang Malayo at hindi


ng naiaangkop paksa sa gaanong
kahusayan at ang mga kabila ng naipapaliwanag
kaayusan sa paksang pagiging ang mga
paksang itinatalakay aktibo ng mga itinatalakay
tinatalakay kasapi

Pamamaraan Magiliw ang Magaling Hindi Walang


ng pagtanggap, subalit may ganoong nagaganap na
pakikitungo kinakikitaan pagkakataon pinagtutuunan diskurso at
sa mga ng mahusay na hindi ng pansin ang komunikaasyon
manonood na napupukaw mga salitang sa pagitan ng
pakikitungo, ang atensyon ginagamit at tagapagsalita
at lubhang at pokus ng hindi at ng mga
karespe- mga kinakikitaan manonood.
respeto ang manonood. ng magaan
pamamaraan na
ng pagtanggap
pagsasalita sa mga
sa mga manood.
manonood.

Pagtuklas (Explore) - Must watch this! (F7PN-IIc-d-8) (A)


Magpapanood ang guro ng videoclip ng isang alamat na pinamagatang “Alamat ng
Pamaypay” (mula sa ini-record ng aming pangkat)
Kinakailangan ng mag-aaral na makinig ng maayos para sa katanungang sasagutin ng
mapipili sa ilang mag-aaral sa pamamagitan ng Roleta.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

Gabay na tanong:
a) Nasubukan mo na bang mamagitan sa mga kaibigan o mahal mo sa buhay na may hindi
pagkakaunawaan? Ano ang ginawa mo upang matigil sila at magkasundo?
b) Bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan, ano ang iyong naramdaman sa ginawa mo upang
magkasundo ang mga taong may hindi pagkakaunawaan?

Paglinang (Firm up) - LET’S SEE, WHAT YOU’VE GOT! (F7PB-IIc-d-8) (M)

Ang guro ay magbibigay ng kopya ng “Alamat ng Tandang” sa mag-aaral. Ito


ay ibibigay ng guro, isang araw bago ang klase. Ito ay para sa kaorasan ng klase ay
magbibigay na lamang ang mag-aaral ng interpretasyon sa mga salitang ginamit sa akda
na ibibigay ng guro.

Panuto: Ibibigay ng mga mag-aaral ang sariling interpretasyon sa mga salitang ginamit sa
akda na nasa loob ng kahon.

Kapayapaan Sigalot Pilak

Ito ay pangkatang gawain, Sa pamamagitan ng dice (ito ay online), dito mapipili kung aling
grupo ang unang magbabahagi. At dahil hanggang anim ang numero ng dice ay may
nakatakdang numero sa bawat grupo.

Kapag lumabas ay numero 1 o 2 - Unang Grupo (Grade 8)

Kapag lumabas ay numero 3 o 4 - Ikalawang Grupo (Grade 9)

Kapag lumabas ay numero 5 o 6 - Ikatlong Grupo (Grade 10)

Ang unang lumabas na number ang may karapatan para sa unang pipili ng salita na kanilang
bibigyang interpretasyon. Isa lang per group ang gagawin at isa lang din ang magbabahagi ng
interpretasyon sa oras ng klase.

Pagpapalalim (Deepen) - Make Them Guess, Coconut! (F7PD-IIc-d-8) (M)

D A G D A G K A A L A M AN - (FOR YOUR INFORMATION)

KATUTURAN NG ALAMAT
Ang salitang alamat o legend ay mula sa salitang Latin na legendus na
nangangahulugang “upang mabasa”. Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mg
alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan
itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang
karaniwang paksa ng alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian at kapaligiran.

MGA ELEMENTO NG ALAMAT


1. Tauhan- ang mga taong gumaganap sa kuwento. May dalawang uri ng tauhan, ang
protagonista na siyang itinuturing na bida at ang antagonista na itinuturing na kontrabida
sa akda.

2. Tagpuan- ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

3. Buod/ Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda. Nahahati ito sa


mga pangyayari. Ang simula, pataas na aksyon, kasukdulan, pababang aksyon at wakas.

4. Mensahe - ang aral na nais ipabatid ng akda.

Magpapanood ang guro ng videoclip ng isang alamat na pinamagatang “Alamat ng isla ng


Pitong Makasalanan” mula sa YouTube na may link na https://youtu.be/yZh9K6bSEs8

Mula sa tatlo (3) na Niyog na ipapakita mula sa online ay may mga nakatagong salita
na nagrerepresenta ng mga elemento ng alamat. Ito ay pagpipilian ng bawat grupo
kung alin ang kanilang tatalakayin sa klase. Ngunit may isa ditong hindi napasama pero
pwede itong piliin. Kapag napili na ito ay hindi na pwedeng piliin ng iba pang grupo.

Sa pamamagitan naman ng Roleta ay nakalagay na ang lahat ng pangalan ng bawat


miyembro sa isang grupo at doon malalaman kung sino ang magbabahagi sa klase.

Panuto: Ihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa elementong napili
ng bawat grupo. Bibigyan lamang ng (3) minuto para makapag-isip ng sasabihin.

WRITE YOUR OWN (F7PU-IIa-b-7) (T)


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O RY O U R I N F O R M A T I O N)
Ang mga awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tula o tugma. Nilapatan ito ng himig o
melodiya kaya’t nabuo ang makatawag-pansing mga awiting-bayan. Mahalaga kung gayon na
makalikha muna ng mahusay na tula o tugma tungkol sa anumang bagay na kaugnay ng iyong
bayan, lalawigan o rehiyon bago mo lapatan ng himig o itanghal. Kung gayon ay halika at
kilalanin ang mahahalagang kumbensiyon sa pagsulat ng tula tulad ng sukat, tugma,
talinghaga na kinabibilangan ng mga tayutay.

SUKAT, TUGMA AT TALINGHAGA SA TULA


1. Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Mga uri ng sukat
a. Wawaluhin
b. Lalabindalawahin
c. Lalabing-animin
d. Lalabingwaluhin
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 / jheviline220813@gmail.com

2. Tugma - Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing
may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula
ng angkin nitong himig o indayog.

3. Talinghaga -Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita na nagbibigay ng higit


na kariktan sa tula. Ilan sa mga uri ng tayutay na karaniwang ginagagmit sa pagbibigay ng
talinghaga sa tula:
-Pagtutulad -Personipikasyon -Pagpapalit-saklaw
-Metapora -Pagmamalabis o Eksaherasyon -Pagtawag
-Pagtanggi

Panuto: Batay sa tinalakay na mga kumbensiyon sa pagsulat ng tula, sumulat ng maikling


liriko ng isang awiting-bayan. Maaaring ilapat ang himig mula sa isang kilalang awiting bayan
sa sariling lugar gamit ang wika ng kabataan.

Paglalapat (Transfer) - GALING MO, IPAKITA MO! (F7PS-IIj-12) (T)

Mula sa isinulat na awiting-bayan ay itatanghal naman ito sa pamamagitan ng paggawa


ng video clip na nagpapakita ng magagandang awiting-bayan sa Quezon province. At
pagkatapos nito ay iaupload ito sa social media.

Takdang Aralin - (F7PS-IIc-d-8) (T)


Tungkol sa “Alamat ng Tandang” tanging kabutihan lamang ang hangad ng sinuman. Ang
paggalang at pagsunod sa payo at utos ay paraan ng pagpapakita ng ating pagmamahal at
pagpapahalaga.
Panuto: Paano mo naman hihikayatin ang ibang kabataang tulad mo upang pahalagahan
kanilang magulang. Isulat mo ang sa tingin mo ay nararapat gawin ng isang kabataan para sa
bawat sitwasyon.

1. Sabado ng gabi, abala ka sa panonood ng telebisyon habang nagla-


laro ng iyong paboritong video game sa iyong tablet nang tawagin ka
ng iyong nanay upang tumulong sa paghahanda ng mesang kainan.
Ang nararapat gawin ng isang anak sa pagkakataong tulad nito ay
ang…
2. Kahit hindi ka pa nakapagpapaalam sa iyong magulang ay nangako
ka na sa iyong kaklaseng sasama sa sleepover sa kanilang bahay para
ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Nang magsabi ka sa iyong
magulang ay hindi ka nila pinayagan dahil naniniwala silang hindi
ligtas para sa isang kabataang tulad mo ang makitulog sa ibang
bahay. Ang dapat gawin ng isang anak sa sitwasyong tulad nito ay….

You might also like