You are on page 1of 2

JOEL V.

SEVIAL
Instructor
+639953110499 / owensevial@gmail.com

LEARNING ACTIVITY # 8&9

NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE & YEAR:_________________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: EDE 12 COLLEGE DEPARTMENT

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:

 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Skill Demonstration /  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
Exercise / Drill ___________________

PAMAGAT NG GAWAIN: Ang Pananaw sa Maikling Kuwento

INAASAHANG BUNGA: Nakalilikha ng mga pananaw na magagamit sa proyektong maikling kuwento
SANGGUNIAN: Garcia, Fanny A. & Festin, Rowena, P. (2017). Malikhaing pagsulat. Manila City: Rex
Book Store.
TALA SA KAHON

PANANAW – tawag sa kamalayang dinadaluyan ng kuwento na may 3 panauhan: unang

panauhan (ako), pangalawang panauhan (ikaw), at ikatlong panauhan (siya).

NILALAMAN
May iba’t ibang pagtingin, opinyon, at ideya ang mga tao sa mga bagay-bagay. Kung
pagbabatayan ang makabuluhan at importanteng pagpapasya at pagtitimbang mas mainam
maging obhetibo. Karamihan naman sa atin ay subhetibo. Marahil ay bunga ng ating kanya-
kanyang limitasyon, kahinaan, at bias. Ang pamilya, edukasyon, antas sa lipunan, lahi,
relihiyon, at panahon ang mga salik na nakakaapekto sa ating paraan ng pag-iisip. Anumang
usapin o konsern ay isaalang-alang ang pananaw ng lahat ng sangkot at dapat na
makatarungan at patas ang pagiging subhetismo tungo sa obhetismo. Maging obhetibo tungo
sa patas na at makatuwirang pagtitimbang kung ito ang magiging basehan ng makabuluhang
desisyon at aksiyon.

Ang Panauhan – dapat suriin ang tauhang nagdadala ng kamalayan kung subhetibo
ba ito at/o obhetibo.
UNANG PANAUHAN – panghalip na AKO ang ginagamit. Sa pamamagitan ng
kaniyang kamalayan/salaysay dumadaloy ang kuwento. May kamalayan ang mambabasa
kung sino ang “ako”. Humigit kumulang, obhetibo ba siya kaugnay ng mga ibang tauhan o
nakasakay lamang sa kaniyang mga bias ang mambabasa.
PANGALAWANG PANAUHAN – tinutukoy bilang IKAW, KA, o MO na may kung sinong
kumakausap sa protagonista. Ang mambabasa ay dapat alamin kung sino kumakausap sa
IKAW. Ang budhi o konsensiya ng protagonista? Kaaway o kakampi ng protagonista?
PANGATLONG PANAUHAN – ang kuwento ay dumadaloy gamit ang SIYA.
Mapapansin na karamihan sa mga kuwento ay nakasulat sa ikatlong panauhan, ikalawa ang
unang panauhan at pinakakonti ang nasa ikalawang panauhan.

ANG IBA’T IBANG SIYA

1. Pananaw-Omnisyent (Omniscient Point-of View) – nagpapalipat-lipat ang ang awtor sa
iba’t ibang tauhan. May kakayanan siya na mambabasa ang iniisip ng mga tauhan. Ominisyent
ang awtor at batid niya ang lahat.
2. Limitadong Pananaw-Omnisyent – omnisyente lamang ang awtor partikular sa kanyang
protagonista.
3. Obhetibong Omnisyent – ito ay tulad ng makikita gamit ang video camera, kung saan
nakarekord ang anumang aktibidad ng lahat ng tauhan. Nagsisilbing tagatala at tagakuha
lamang ang ganitong pananaw at iniiwan sa mambabasa ang pagtitimbang at pagibigay ng
konklusyon kaugnay sa mga tauhan.
JOEL V. SEVIAL
Instructor
+639953110499 / owensevial@gmail.com

Daloy ng Kamalayan (Stream of Conciousness)

Ang takbo ng utak ay ginagaya ang daloy ng kamalayan. Mababanaag nito ang takbo
ng isip sa kasalukuyan, ang pangyayari sa nakalipas o sa hinaharap. Ang daloy ng kamalayan
ay maaaring lumipad kung saan-saan sa iba’t ibang panahon, ukol sa kung sino-sino o ano-
ano.
Maaari ding gawin ang Pananaw-Ako ang Daloy ng Kamalayan o sa pamamagitan din
ng maiikli at/o mahahabang sunod-sunod na pangungusap.

PAGSUSULIT: Sumulat ng panimula (1 talata sa bawat pananaw) para sa paghahanda sa

pagsulat ng maikling kuwento na ukol sa iyong protagonista. Ang protagonista ay isang mag-
aaral na nakatingin sa kanyang paaralan. Sumulat nang ayon sa 3 pananaw:

1. Unang Panauhan
___________________________________________________________________________

2. Pangalawang Panauhan

3. Ikatlong Panauhan

You might also like