You are on page 1of 20

Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ika-anim na Linggo / Unang Araw

Paksa: KAHULUGAN AT KATANGIAN NG ISANG KRITIKAL NA SANAYSAY

A. LAYUNIN: Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa
Pilipinas
B. PANIMULA
Magandang araw! May panibagong aralin ang naghihintay sa iyo sa araw na ito.
Huwag kang mag-aalala ang bawat nilalaman ng modyul na ito ay magiging malaking tulong
sa iyo sa malapit na hinaharap lalo at alam kong magagamit sa gawaing sulatin sa wikang
Filipino.Talas ng isip, imahinasyon, pagnanais at tiyaga ang mga dapat mo lamang taglayin
upang ang bawat gawaing nakahanda sa modyul na ito ay iyong matapos.

I. Gamit ang Graphic Organizer, ano ang pumapasok sa iyong isipan tungkol sa SANAYSAY?

Magbigay ng tig-isang salita bilang pagpapakahulugan sa SANAYSAY.

II. Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos mong basahin, gawin mo ang isinasaad sa
bawat gawain.
SANAYSAY
➢ Isang uri ng tuluyan ang sanaysay. Bunga ito ng pagpapahayag na ang layunin ay
gumawa ng malinaw, sapat, at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang
bagay na nasasaklaw ang isip ng tao.
Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:________________
➢ Sinasaklaw ng sanaysay ang pinakamalaking bahagi ng binabasa at sinusulat ng tao.
Pangalan ng Guro:______________________
Sa pagpapaliwanag ng anumang kuro-kuro o opinion, dapat na may batayan.
Mahalaga Batid kong pamilyar
ang batayan ka nagbubunga
sapagkat na sa sanaysay ngunit
ito ng gusto kong bigyang-diin
komprehensibong mga ang
mgaimpormasyon.
hindi mo pa nalalaman tungkol sa sanaysay sa modyul na ito. Handa ka na ba?

Page 1 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

KRITIKAL O MAPANURING SANAYSAY

➢ Isang pagsusuri ng isang akdang pangkultura tulad ng isang libro, pelikula, artikulo
o pagpipinta. Ang layunin ng ganitong uri ng sanaysay ay upang bigyang-kahulugan
ang isang gawain o ilang aspeto ng isang gawain, o ilagay ang gawain sa isang mas
malawak na konteksto. Halimbawa, ang isang kritikal na pagsusuri ng isang libro ay
maaaring tumuon sa tono ng teksto, na may layunin na suriin kung paano
nakakaapekto ang tono na iyon sa kahulugan ng teksto sa kabuuan. Halimbawa, ang
isang kritikal na pagsusuri ng isang pelikula ay maaaring tumuon sa kahulugan ng
isang paulit-ulit na simbolo sa pelikula. Sa anumang kaso, ang isang kritikal na
sanaysay ay dapat maglaman ng isang pinahusay na pahayag tungkol sa teksto,
kasama ang sapat na mapagkukunan upang suportahan ang pagpapakahulugan ng
akda.
➢ Isang uri ng akademikong pagsulat na kung saan sinusuri at binibigyang kahulugan
ang mga narinig na kanta, nabasang kwento(teksto) sa isang aklat o mga napanood
na palabas.
➢ Ang nilalaman ay batay sa naiisip o kuro-kuro kaugnay sa namatyagan ng
manunulat. Mula sa pagiging personal ng akda ay papasukin na nito at bubusisihin
ang iba’t ibang anggulo na maaaring sangkot sa usapin.
➢ Naiuugnay ang mga ideya sa iba’t ibang reyalidad sa labas ng teksto at nagagawan
ng pagsusuri ang nabubuong mga relasyon kaugnay rito.

KATANGIAN NG KRITIKAL NA SANAYSAY:

1. Layunin – Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o katuwiran.
2. Tono – Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap lang. Hindi rin ito emosyonal.
3. Batayan ng datos – Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan ang
batayan ng katuwiran dito.
* Obhetibo ang posisyon – Batay ito sa pananaliksik. Iniiwasan dito ang anumang pagkiling.
Makikita ang pagka-obhetibo sa paksa, organisasyon, at mga
detalye.
* Katotohanan vs. Opinyon –
Katotohanan- Kailangan ang pruweba o ebidensiyang mapagkakatiwalaan o talagang
nangyari, hindi haka-haka o gawa-gawa lamang
Opinyon – batay sa sariling damdamin, karanasan, at paniniwala.
4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba
-Ito ang piniling ideya o kaisipan na gusting patunayan ng sumulat.
-Binibigyang pagkakataon dito ng sumulat na ipokus ang atensiyon ng mambabasa
sa ispesipikong direksiyon o anggulo hanggang sa umabot sa kongklusyon.
-Ginagamit ng sumulat ang mga datos at konsepto upang paunlarin ang argumento.
5. Perspektiba – Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.
6. Target na mambabasa – Kritikal, mapanuri, may kaalaman din sa paksa, kaya naman mga
akademiko o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga kadiskursong
komunidad.

C. MGA GAWAIN
Gawain 1:
Panuto: Gumawa ng isang wish list na may limang aytem at ipaliwanag kung bakit ang
mga ito ang gusto mo. Hindi kasama sa wish list ang mga bagay, gamit, tao at lugar kundi
mga dapat sanang mangyari. Pangangatuwiranan ang wish list.

“WISH LIST” DAHILAN O KATUWIRAN

_______________ _______________________
_______________ _______________________
_______________ _______________________
_______________ _______________________
_______________ _______________________

Page 2 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Gawain 2:
Panuto: Gumawa ng isang Venn Diagram na nagkokompara sa dalawang bagay.
Paghambingin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito. Ipaliwanag ito nang
malinaw at makatuwiran. Magbigay ng mga halimbawa.

Paksa

____________________________________________________

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakapareho

D. PAGLALAHAT
Gawain 3:
A. Panuto: Mula sa ideyang nasa loob ng kahon. Ibigay ang mga salitang maiuugnay
mula rito.Isulat ito sa may mga guhit.

Kritikal na Sanaysay

B. Panuto: Mula sa iyong napag-aralan, dugtungan mo ang mga salita na nasa ibaba.
Nalaman ko na…
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
Natutuhan ko na…
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Page 3 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

E. PAGLALAPAT
Panuto: Gamit ang tsart, ipaliwanag ang mga katangian ng isang kritikal o mapanuring
sanaysay.

Layunin

Tono

Batayan ng
datos

Balangkas ng
Kaisipan
(Framework)
o Perspektiba

Perspektiba

Target na
mambabasa

PAGTATAYA
Panuto: Pansinin ang mga larawan sa ibaba. Ibigay ang ideyang nais ipahiwatig. Mula sa napag-
aralang katangian ng isang kritikal na sanaysay, magsulat ng tig-isang talata ukol dito.

1 2 3

1 Paksa:________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________.

Page 4 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D1

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

2 Paksa:________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.

3 Paksa:________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka

10 7 5
Napakahusay ng Katamtamang husay ang Kailangan pang
pagpapaliwanag at may pagpapaliwanag at pagbutihin ang
natatanging halimbawang masyadong malawak ang pagpapaliwanag at
naibahagi sa isnulat na pagkakabahagi sa isnulat maligoy ang pagbabahagi
binubuo ng 10-8 na binubuo ng 7-6 sa 5 isnulat na
pangungusap. pangungusap. pangungusap.

Inihanda ni:
MANILYN L. DULIN
Teacher 1, PCWHS

References for Enhancement

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc.
• Jocson,M. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Vibal
Publishing
• https://www.academia.edu/38736976/Aralin_3_Mapanuring_Pagsulat_at_Tekstong_Akademiko
• https://tl.wikicell.org/Een-kritisch-essay-schrijven-5604

Page 5 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ika-anim na Linggo / Ikalawang Araw

Paksa: MGA HAKBANG SA PAGBUO NG KRITIKAL NA SANAYSAY

A. LAYUNIN: Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga

salita at paraan ng pagsasalita
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa
Pilipinas
B. PANIMULA
I. Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos mong basahin, gawin mo ang isinasaad sa
bawat gawain.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SANAYSAY
PRE-WRITING
➢ Ito ang paghahanda bago magsulat magsulat. Ginagawa rito ang pangangalap
ng impormasyon tungkol sa paksang iyong isusulat.

ACTUAL WRITING
➢ Ang pagsulat na tuloy-tuloy na hindi muna sinasaalang-alang ang tamang
pagkakabuo ng pagsulat particular ang baybay (spelling), gramatika (grammar),
at kaayusan.

RE-WRITING
➢ Ang hakbang na ito ay binubuo ng pagrerebisa at pag-eedit ng sulatin sa
wastong gramatika, pagbaybay, estruktura at tamang pagkakabuo ng pagsulat.
Ang Unang Burador
Matapos mong maorganisa ang iyong mga ideya at datos at madebelop ang
iyong balangkas, handa ka na sa ikalawang yugto- ang pagsulat ng unang burador. Sa
puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminary ng
iyong dokumento na maaaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano
kinakailangan.
Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat
seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap. Sa pagsulat ng unang
burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon, mas
mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ay mas mabuti. Dahil nais mong
makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo munang alalahanin ang pagpili ng
mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang
ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador.

Revising
Maaaring akalain na matapos isulat ang unang burador ay tapos na ang proseso
ng pagsulat. Ngunit maging ang mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa
pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng
pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan-minsan. Paulit-ulit pa rin
nilang binabasa ang kanilang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon
ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito
pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.

Page 6 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Ang rebisyon ay proseso ng pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para
sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaaring sinusuri ng isang
manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring
ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragadag dito ng ideya. Maaari ring may
pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya ‘y kailangan para sa pagpapabuti ng
dokumento.

Iba Pang Paliwanag:

1. Tukuyin ang iyong pangunahing argumento. Dito iikot ang iyong sanaysay.
Simulan ang iyong sanaysay sa pamamagitan ng paggamit ng pangungusap na
pupukaw sa atensyon ng iyong mambabasa at makakatumbok agad ng iyong
paksa.

2. Magbigay ng maikling background para sa iyong mga mambabasa. Ito ang

magbibigay ng impormasyon sa iyong mambabasa para mas madali nilang
maintindihan ang iyong sanaysay.

3. Lipunin ang mga ebidensya na sumusuporta sa iyong argumento. Gumawa ng

pananaliksik mula sa mga mapagkakatiwalaang mga basehan. Siguraduhin na
ang mga basehan na gagamitin mo ay lehitimo at totoo.

4. Gamitin ang katawan ng iyong sanaysay upang matalakay ang mga punto ng
iyong argumento. Importante ang bahagi ng katawan dahil dito mo
mapapaliwanag ang mga ideya na susuporta sa iyong argumento.

5. Isaalang-alang ang ibang mga pananaw para malaman mo ang kalakasan at

kahinaan ng iyong pananaw o argumento.

6. Bumuo ng malinaw na konklusyon. Nararapat na ang iyong konklusyon ay

nakatuhog sa mga punto na nailahad mo sa katawan ng iyong sanaysay.

7. Suruin muli ang iyong sanaysay upang masigurado na tama ang iyong mga
inilagay na impormasyon at mga pangungusap.

C. MGA GAWAIN
Gawain 1:
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa mga sumusunod na tanong kaugnay ng
paksang “Kompyuter at Pag-aaral”.
a. Alin ang pinakaangkop na paksang pangungusap para dito?
1. Magagamit ang kompyuter upang hindi mainip sa pag-aaral.
2. Magagamit nang epektibo ang kompyuter kung pahahalagahan ang katuturan nito
sa pag-aaral.
3. Matutulungan ng kaalaman sa kompyuter ang mga mag-aaral, pamilya, komunidad,
at bansa.
b. Anong pamagat ang maaaring gamitin para sa naturang paksa?
1. Tara nang Magkompyuter nang Sipaging Mag-aral
2. Ang Kompyuter sa Nagbabagong Mundo ng Teknolohiya
3. Kompyuter: Makabagong Paraan, Bagong Kaalaman
c. Ano ang angkop na pagkukunang datos para sa naturang paksa?
1. Interbyu at sarbey 2. Mga dokumento sa archive 3. Eksperimento sa laboratory

Page 7 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

d. Ano ang higit na makatutulong para pangatwiranan ang paksa?

1. Malaki ang tulong ng kompyuter para masanay sa bagong teknolohiya ang mag-
aaral.
2. Kompyuter ang sagot sa kakulangan ng libro sa aklatan.
3. Malaking tulong kompyuter sa pagdagdag ng kaalaman at kasanayan ng mag-
aaral.
e. Ano ang epektibong wakas kung susulatin ang paksa?
1. Tunay na malaking tulong ang kompyuter sa pagharap ng mag-aaral sa hamon ng
globalisasyon.
2. Teknolohiya ang sagot sa problema sa edukasyon.
3. Malaking tulong sa pag-aaral ang kaalaman at kasanayang ibinigay ng kompyuter.

Gawain 2:
PANUTO: Sa hindi lalampas sa limang pangungusap, pagkompa-komparahin ang
konsepto.
Pre-writing Actual writing Rewriting

Page 8 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

D. PAGLALAHAT
Gawain 3:
PANUTO: Sa pamamagitan ng Literary Poster, iguhit ang karikatura ng pangulo o lider ng
isang bansa na iyong hinahangaan. Isulat ang pangalan ng nasabing pangulo o
lider. Ipaliwanag kung bakit mo siya hinahangaan.
Hinahangaang Lider

Paliwanag:

________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________.

E. PAGLALAPAT
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kritikal na sanaysay na
tinalakay sa araling ito. Isulat sa mga kahon ang tamag pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Kritikal na Sanaysay

Page 9 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D2

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA
PANUTO: Bumuo ng mga hakbang upang maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.
Ipaliwanag ang bawat hakbang.
Mga Hakbang Upang Maprotektahan ang Sarili laban sa COVID-19

Rubrik sa Pagmamarka

10 7 5
Napakahusay ng Katamtamang husay ang Kailangan pang
pagpapaliwanag at may pagpapaliwanag at pagbutihin ang
natatanging halimbawang masyadong malawak ang pagpapaliwanag at
naibahagi sa isnulat na pagkakabahagi sa isnulat maligoy ang pagbabahagi
binubuo ng 10-8 na binubuo ng 7-6 sa 5 isnulat na
pangungusap. pangungusap. pangungusap.

Inihanda ni:
MANILYN L. DULIN
Teacher 1, PCWHS

References for Enhancement

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc.
• Jocson,M. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Vibal Publishing
• https://www.academia.edu/38736976/Aralin_3_Mapanuring_Pagsulat_at_Tekstong_Akademiko
• https://www.slideshare.net/RochelleNato/mapanuring-pag-sulat-sa-akademiya
• https://tl.wikicell.org/Een-kritisch-essay-schrijven-5604

Page 10 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ika-anim na Linggo / Ikatlong Araw

Paksa: MGA PALATANDAANG SALITA O KATANUNGAN DAPAT ISAALANG-ALANG SA

PAGSULAT NG KRITIKAL NA SANAYSAY
MGA KATANGIAN NG MAPANURING MANUNULAT
A. LAYUNIN: Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa
Pilipinas

B. PANIMULA
I. Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos mong basahin, gawin mo ang isinasaad sa
bawat gawain.

MGA PALATANDAANG SALITA O KATANUNGANG DAPAT

ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG KRITIKAL NA
SANAYSAY
1. Ano ang paksa ng tekstong isusulat?
2. Ano ang layunin sa pagsulat nito?
3. Saan ako kukuha ng ideya?
4. Paano ko ito sisimulan?
5. Paano ko maipapaliwanag ang mga ideyang
aking nalikom upang higit na makabuluhan?
6. Sino ang aking mambabasa?
7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat?
8. Paano ko mapapaunlad ang aking teksto?

MGA KATANGIAN NG ISANG MAPANURING MANUNULAT

Mula sa mapanuring pag-iisip nabubuo ang isang mapanuring manunulat na
nagtatalay ng sumusunod na katangian:

1. Aktibong nag-iisip kaugnay ng kahalagahan at kabuluhan ng sinulat sa kaniyang

buhay, pamilya, komunidad, kapuwa, lipunan, bansa, at daigdig batay sa dati niyang
kaalaman at karanasan.
2. Gumagamit ng datos o batayan na pahayag o katuwiran na mapagkakatiwalaan at
hindi ayon sa haka-haka o pamamalagay lamang.
3. Nagtatanong kaugnay ng mga sitwasyon mula sa pag-analisa ng mga datos,
ebalwasyon nito, pagbubuod, at pag-uugnay nito sa paksa.
4. Malayang nag-iisip nang hindi hinahayaang maimpluwensiyahan ng iba’t ibang
salik at datos.
5. Sinusuri ang mga sitwasyon mula sa iba’t ibang lente o perspektiba at hindi
lamang sa iisang takbo ng isip.
6. Sinusuportahan ang iba’t ibang perspektiba ng katuwiran at ebidensiya.
7. Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organisado, malinaw, at masusi.
8. Nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa kaugnay ng pisikal, sikolohikal, mental,
pangkasarian, kinabibilangang lahi, uri, grupo at etnisidad nito sa pamamagitan ng
maingat na paggamit ng wika.

Page 11 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

C. MGA GAWAIN
Gawain 1:
Panuto: Basahin ang isang panayam ni F. Sionil Jose tungkol sa KUNG BAKIT
MABABAW ANG MGA PILIPINO
KUNG BAKIT MABABAW ANG MGA PILIPINO
(salin mula sa Why We are Shallow ni F. Sionil Jose)
Binisita ako ng isang Asyanong kaibigan na nanirahan dito sampung taon na ang
nakalilipas. Nagitla ako sa kanyang tinuran mula sa kanyang obserbasyon, na kahit
napakatalentado raw ng mga Pilipino, nananatili namang mabababaw.
Kamakailan lamang ay aking nakatabi sa panonood ng mga sayaw na Asyano
ang dating Senador Letty Shahani, doktorado sa Comparative Literature sa Sarbonne.
Nang itinampok ang isang sayaw Hapones ay mapapansing puno ng indayog at
napakaklasiko ng bawat galaw, hinuha ko’y ilang taon ang ginugol upang mamaster
ang kabuuan ngunit pinagdamutan ng manonood na alayan ng masigabong palakpak.
Samantala ang sumunod ay tinikling ng mga Pilipino na kahit sino ay maaaring
matuto sa loob lamang ng 10 minuto na matapos maglulukso nang ubos-lakas ang
mga mananayaw ay umani ng paghanga habang nakatayo at nagpasabog pa ng
masigabong palakpak ang manonood.
Nilingon ako ni Letty at nagtanong, “Bakit ang bababaw natin?”
Tama, tumpak, at hanggang kalian nga naman tayo magiging ganito?
Ito ang naitanong ko sa aking sarili at sa palagay ko’y dapat ding itanong sa
tuwina sa ating mga sarili. Kapag nasagot natin ito, sinisiguro kong magkakaroon
tayo ng sensibilidad. At sa tulong ng sensibilidad na ito, matututuhan nating tumanggi
sa iaalok na pinakamataas na posisyon sa gobyerno ng mga hunghang na ang tanging
layunin ay maging popular. Kawalang-saysay at kapwa kababawan ang malilikha ng
mamamahayag kung ito’y mangyayari. Gaya nga ng tinuran ng aking banyagang
katoto, hungkag daw ang laman na mababasa sa ating mga pahayagan.

Muli, bakit nga ba napakababaw natin?

Napakaraming kadahilanan. Una rito ay ang sistema ng edukasyon na kapansin-

pansing natapyasan na ng hindi lamang pondo ng kaalaman kundi pati na rin ng
kahusayan. Hindi na gaanong napagtutuunan ang Humanidades, sapagkat nakapaloob
dito ang pag-aaral tungkol sa nakaraan at ang mga pilosopiya sa kasaysayan.
Nananaghili ako sa mga Hindu at Buddhist dahil sa kanilang pilosopiyang panrelihiyon
at ang paraan ng pagsamba ng kanilang mga ninuno ay ipinagpapatuloy na
nagsisilbing tulay ng kanilang nakaraan sa kasalukuyan, at ang naging
pinakamahalagang sangkap sa pagtataguyod ng pagkamakabansa ay ang kanilang
MEMORYA.
Tunay ding ang paniniwala natin bilang Kristiyano ay may pilosopikal na
tradisyon, lalo na kung iuugnay natin ito sa kasaysayan ng sinaunang Romano at
Griyego. Tandaang ang kauna-unahang bibiliyang naisatitik ay nasa wikang Griyego.
Ngunit ang Griyego, Latin, at iba pang klasikal na wika ay hindi na itinuturo sa mga
paaralan maliban na lamang sa iilang unibersidad sa Europa.
Mabababaw dahil mayayabang, ayaw padadaig, at hindi marunong
magpakumbaba upang unawaing tayo ay tao lamang, tao lamang upang
mapagkamalang ang kaalaman ay katalinuhan. Mamamalas natin ang yabang na ito
sa ilang komentarista sa telebisyon-inaakalang angkin nila ang lahat ng kaalaman
ngunit sa isang pindot lang sa Web nila iniaasa ang mga sagot. Hindi man lamang

Page 12 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

inalintana na ang kaalaman ay hindi katalinuhan. Wala silang pakialam kung linlangin
nila ang mga tagapanood sa kanilang estilo. Sa likod ng kanilang isipan hindi sila ang
lugi sa ginagawa nila kundi tayong mga manonood o tagapakinig sapagkat tayo ang
nagdurusa sa kanilang pagiging arogante at ignorante sa paggamit ng kaalaman.
Mabababaw tayo dahil sa kayabanagan, tinatanggap natin ang isang posisyong
batid nating hindi akma sa ating kakayahan. Dahil walang kritikal na tradisyon sa
ating bansa-isang tradisyon na kayang paghiwalayin ang ipa sa palay o ang mali sa
katotohanan. Si Wilfredo Villacorta na isang iskolar ay isa ring natatanging nilalang;
nang aluking humawak ng isang mataas na posisyon sa gobyerno, tinanggihan niyang
ganap sapagkat alam niyang hindi siya karapat-dapat sa trabahong iniaalok. Kung
ang inalok ng ganitong oportunidad ay yaong napakataas ang tingin sa sarili, walang
patumanggang tatanggapin agad ito kahit hindi niya magagampanan nang maayos
ang trabaho. Madalas kasing nangyayari- itong mga nagdudunong-dunungan na
nakaupo sa posisyon bukod sa kapit-tuko na, ay pagtatakpan pa ang kanilang
kahinaan sa pamamagitan ng pang-aalipin sa mga tauhan nila na sa katotohanan ay
mas marunong pa sa kanila upang ipagpalagay lang na iginagalang sila ng mga ito.
Sa kabilang dako naman, kung tutuusin, ang isang marunong na tao ay batid
ang sariling kahinaan. Hindi nagdadalawang-isip na humingi ng patnubay sa mga may
karanasan at batikan na sa partikular na kaalamang hindi saklaw ng kanyang
kakayahan sa mga sandaling iyon. Kung sakaling may posisyon naman, hindi
mangingiming pumili ng tagapayo na mas marurunong at eksperto kaysa kanya. Dahil
dito, maiiwasan ang kamaliang maaari niyang magawa dahil marunong siyang
kumilala sa sariling kahinaan.
Mabababaw tayo sapagkat kapos sa dalawang pinakamahahalagang kaalaman-
KUNG SINO TAYO at ANG PAGKILALA SA HANGGANAN NG ATING
KAKAYAHAN.

Kapos tayo sa paniniwala at lakas ng loob na tumanggi halimbawa na makinig sa

mga aral na inihahasik ng mga bulaang propeta. Totoo naman na Ang relihiyon ay
opyo ng masa turan yan ni Karl Marx. Ngayon, paano tatanggapin ng masa na ang
lasong pinapapaniwala sa kanila ay walang pinagkaiba na niloloko lamang nila ang
kanilang mga sarili. Inuulit ko, isang kababawan dahil ang mabubuting tao ay
tahimik. Kung saan naroon ang mga nananahimik, doon sasalakay ang kasamaan.
Ang pagiging mababaw ay hadlang sa pag-unlad, sa pagtamo ng katarungan at
ang taong may mabubuting hangarin ay handang sagkain ang ganitong pag-uugali.
Gaya nga ng winika ni Salvador P. Lopez, “Mas mainam nang puwersahang
manahimik kaysa tumahimik lamang.”

Mabababaw tayo sapagkat ultimo ang midya ay karima-rimarim ang taglay na

kababawan. Tuwing umaga’y nagbabasa ako ng pahayagan at kakarampot lamang
ang mababasa rito. Gayondin sa radyo- ang lahat ay puro ingay, puro kalokohan.

Sa gabi, kapag ako’y nanonood ng telebisyon, ano ang aking nahihita? Limang
pasaway na komentarista ang di magkamayaw sa pagbulatlat at pag-ungkat sa buhay
ng isang sikat na artista na may namumuong relasyon daw kay ganito at ganyan. At
ang nakakatawa pa nito, nangunguna pa sa panel ang isang sangkot sa pandaraya sa
isang prestihiyosong award giving body ilang taon na ang nakararaan. Naaatim pa
niyang humarap sa telebisyon gayong wala na siyang kredibilidad. At ang mga
telenovela, isang malaking kalokohan, nakabobobo, napakakakaiba, di kapani-
paniwala, at kabaliwang maituturing. Napakarami namang manunulat sa bernakular

Page 13 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

at Ingles na nagwawagi sa Gawad Palanca taon-taon- bakit hindi sila ang isabak sa
telebisyon? Siyempre may sagot riyan ang mga may-ari ng istasyon- hindi nila
isasaalang-alang ang mataas nilang rating. Popularidad at hindi kalidad ang labanan.
Kaya naman ang ibinibigay nila sa manonood ay basura. Kaya huwag ninyo akong
sisisihin kung madalas ay sa BBC at Aljazeera nakapihit ang istasyon ng aking
telebisyon kaysa sa lokal na panoorin. Nagagalak pa akong basahin ang Times, ang
San Jose Mercury News at ang Washington Post at madalas na nakikinig sa
Fresh Air sa US public radio at US public TV dahil natutugunan nito ang pagka-uhaw
ko sa kaalaman at nalilibang akong tunay.
Mabababaw tayo sapagkat hindi tayo palabasa. Kapag pumupunta ako sa ospital
– sa kahabaan ng koridor mapapansin ang mga tao roon ay nakatunghay lamang sa
kawalan at tanging ako lamang ang may bitbit na babasahing aklat at magasin. Sa
mga lungsod sa Japan, sa Korea- sa mga bus at tren, matanda at bata, makikita
ninyo, halos lahat ay nagbabasa. Kung wala silang hawak na babasahin, nakatunghay
naman sila sa kanilang iphone na ang laman ay babasahing puno ng impormasyon.

Sa mga bansang tulad ng nabanggit at sa mga Kanluraning lungsod, marami pa

ring tao ang nagbabasa at tumatangkilik sa kanilang bookshops. Subalit dahil sa pag-
usbong ng makabagong teknolohiya ay unti-unti nang mapupuna ang pagbabago.
Hiling ko lang na mapuno din ng tao ang aking munting tindahan ng mga aklat at
ang sa iba rin. Huwag nang isali sa usapan ang mga sangay ng Book Sale na palaging
puno dahil mura ang mga tindang aklat. Pero maitanong ko lang, ano namang uri ng
aklat ang mabibili rito?

Mabababaw tayo sapagkat alipin tayo ng ating pagiging mapaghangad sa

materyal na bagay, madali tayong masilaw sa kinang ng ginto, dahilan upang isipin
natin na lahat ng bagay na gusto nating mapasaatin ang siyang pupuno sa ating
kaligayahan. Magpapakalunoy tayo rito upang sa pag-angkin nito’y maging mapayapa
ang ating kalooban. At sa kasabihang...Walang sinoman ang nabubuhay para sa
sarili lamang, sino-sino pa ang ilang nilikha na may ganito pa ring uri ng pag-iisip at
paniniwala?

Hangad kong kayo, na mga nakapagbasa nito ay nanananalig pa rin.

salin ni: Imelda E. Onte
Eurotel Vivaldi,
Cubao, Quezon City
Mayo 11, 2018
10:38 pm

Gawain 1:
PANUTO: Pumili ng limang pahayag mula sa binasa na iyong sinasang-ayunan at limang
pahayag na iyo namang sinasalungat. Isulat sa mga nakalaang espasyo.

Sinasang-ayunang Pahayag Sinasalungat na Pahayag

Page 14 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D3

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

D. PAGLALAHAT
PANUTO:Shout out mo sa modyul na ito ang kailangang taglayin ng isang mapanuring
manunulat.

PAGTATAYA
PANUTO: Gabay ang mga napili mong kaisipang sinasang-ayunan at sinasalungat sa
Gawain 1, bumuo ng sanaysay bilang TUGON sa artikulo ni F. Sionil Jose tungkol
sa pigging mababaw ng mga Pilipino.Isulat sa A4 na papel at lagyan ng palugit.
RUBRIK

12-15 8-11 1-7

Napakahusay sa Katamtaman ang husay sa Kailangan pang
pagbubuo ng kaisipan at pagbubuo ng kaisipan at pagbutihin ang pagbubuo
sa paghain ng katuwiran sa paghain ng katuwiran ng kaisipan at sa paghain
mula sa mga datos upang mula sa mga datos upang ng katuwiran mula sa mga
mabuo angsanaysay na mabuo angsanaysay na datos upang mabuo
may 500 salita may 300 na salita angsanaysay na mababa
sa 150 salita.

Inihanda ni:
MANILYN L. DULIN
Teacher 1, PCWHS

References for Enhancement

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc.
• Jocson,M. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Vibal Publishing
• https://www.academia.edu/38736976/Aralin_3_Mapanuring_Pagsulat_at_Tekstong_Akademiko
• https://www.slideshare.net/RochelleNato/mapanuring-pag-sulat-sa-akademiya
• https://tl.wikicell.org/Een-kritisch-essay-schrijven-5604

Page 15 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Ikalawang Markahan / Ika-anim na Linggo / Ika-apat na Araw

Paksa: PAGBUO NG ISANG HALIMBAWA NG KRITIKAL NA SANAYSAY

A. LAYUNIN: Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa
Pilipinas

B. PANIMULA
PAGBUO NG ISANG HALIMBAWA NG KRITIKAL NA SANAYSAY
1. Introduksiyon
- Itinuturing na mukha ng sulatin ang bahaging ito. Ito ang nagsisilbing
batayan ng mambabasa kung itutuloy ba o hindi ang pagbabasa. Ito ang
pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. Nalilinaw ang nais patunayan sa
pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na pangungusap, at napakikitid
ang isang malawak na paksa.
Mahalagang puntos sa pagsulat ng introduksyon:
a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral
1) Fact o Depinisyon
“Ang global warming ay penomenong pang-Asya.”
2) Sanhi at Bunga
Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:________________
Pangalan ng“Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa bansa.”
Guro:______________________
3) Halaga
II. Basahin at “Mahalagang
unawain ang teksto. Pagkatapos
kasangkapan mong basahin,
sa pagkatuto gawin mo
ang unang ang
wika ngisinasaad
bata.” sa
bawat
4) Gawain.
Solusyon at Patakaran
“Sa halip na K to 12, ang kahirapan muna ang dapat pagkaabalahan
ng gobyerno.”
b. Paksang Pangungusap - Ang pagkakaroon ng malakas na paksang
pangungusap o tesis na pangungusap ang magpapalakas din ng mga argumento
at batayan o datos. Maliban sa tesis na pangungusap na naglalahad ng suliranin o
problema, mahalaga ring ilahad nito ang layunin, rasyonal o kahalagahan ng
paksa, at pamamaraan at datos na ginamit bilang overview.
c. Atensiyon sa Simula - Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa,
magkaroon din ng estratehiya kung paano sisimulan ang introduksiyon.
1) Tanong
“Bakit kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo sa
ilalim ng Programang K to 12?”
2) Impormasyon, Pigura
“Pinatunayan ng estadistika ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon sa buong bansa
ang nakaranas ng kabawasan ng kahirapan noong 2012 kompara sa 2009.
Pinakamataas dito ang CARAGA na bumaba ng 14.2 porsiyento ng naranasang
kahirapan. (Neda.gov.ph)”
3) Depinisyon
“Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay ang machismo
(mula sa Espanyol, ginagamit upang bawasan ang pangangailangang ipagyabang
ang pagkalalaki), na karaniwang umiiral sa mga bansang Latino-Amerikano, lalo
na sa Mexico. – Salin, Geert Hofstede, Culturés Consequences, 2001, p. 309”

Page 16 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

4) Sipi
“Di gaya ng istorya sa bibliya ng mga Ebreo kung saan ang lalaki ang unang
nilikha kaysa sa babae, at ang babae ay nilikha mula sa kaniyang tadyang, na
naglalahad ng kultural na pagkiling sa dominansya ng lalaki, sa mito ng subanen,
ang babae at lalaki ay galing sa iisang pigurang putik, hinati sa dalawa, at
magkapareho sa simula pa. –Salin, Florentino Hornedo, “Pagmamahal and
Pagmumura,” Essays. 1997”

2. Katawan
a. Pinakamahabang bahagi ng sulatin. Dito ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng
pahayag na inilalahad sa simula. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata.
Mahalaga rito ang tuloy-tuloy, organisado, maayos, at makinis na daloy ng ideya kung
saan:
1) Ang unang pangungusap na talata ay kaugnay ng naunang talata.
2) Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata.
b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis.
c. Kaayusan ng talata – Maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos, kahalagahan ng ideya,
hakbang, o serye.
d. Pagpapaunlad ng talata – Maliban sa malakas na argumentong magpapatunay sa
isinasaad ng talata ang ebidensiya batay sa pananaliksik.
1) Ebidensiya – May dalawang uri ang ebidensiya: pangunahin at di-pangunahin.
* Pangunahin – interbyu, karanasan, sarbey, anekdota, eksperimento.
* Di-pangunahin – mga teksto, libro, artikulo, pahayagan, website.
– Mahalaga ring ang ebidensiya ay mapagkakatiwalaan, may katotohanan, at
wasto.
2) Argumento – Ito ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos sa gustong
patunayan o tesis.
3) Pagbubuo – Ilang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyang-diin gaya ng:
*Pagsisimula ng bagong talata
*Mga transisyon sa bawat talata at sa loob ng talata
*Haba ng talata
e. Pagbuo ng Pangungusap
1. Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap upang bigyang-tuon ang ideya at hindi
maging kabagot-bagot ang pagbasa sa sinulat na akda.
2. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (payak, tambalan, hugnayan, at iba
pa).
f. Paggamit ng angkop na salita –
Ang mga salitang ginagamit sa akademiko at mapanuring teksto ay sumusunod sa
ilang pamantayan at panuntunan gaya ng sumusunod:
1. Lebel ng pormalidad
2. Pormal kaya hindi pinapaikli o dinadaglat ang mga salita.
3. Hindi nakasasakit sa o nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa gaya ng lahi, bayan,
bansa, pisikal na kalagayan, kultura, relihiyon, kasarian, trabaho, pinag-aralan,
pamilya, at iba pa.
4. Gumagamit ng mga salitang maiintindihan ng mambabasa, hindi ng isang
partikular na grupo lamang.
5. Umiiwas sa yupemismo o pailalim na gamit ng salita upang itago ang
katotohanan.

3. Konklusyon
- Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod,
pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya’y paghamon, pagmungkahi, o
resolusyon.Tinatawag din itong kalakasan. Sa bahaging ito nagaganap ang kakintalan.
Matapos ang pagbasa, dapat kapupulutan ito ng aral.

C. MGA GAWAIN
Gawain 1:
Panuto: Bumuo ng isang idea web na naglalaman ng posibleng ideyang maaaring ilahok
sa iyong sanaysay.

Page 17 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PUNTO 1 PUNTO 2

PAKSA

PUNTO 3 PUNTO 4

Gawain 2:
Panuto: Mula sa puntong nais mong bigyan ng diin sa iyong sanaysay, maaari kang
bumuo ng isang tesis na sasaklaw sa kaisipan ng iyong sulatin. Mahalagang maunawaan
na dapat lamanin ng iyong tesis ang mga sumusunod: ang paglalahad ng problema,
kasama ang tindig o opinion ng manunulat ukol sa problemang ito. Subukin mo ito sa
iyong binubuong sanaysay.
MGA PUNTO KO

Ano ang mailalahad kong PROBLEMA?

Ano ang TINDIG o OPINYON ko rito?

Ano ang ang aking TESIS na pangungusap?

Page 18 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

D. PAGLALAHAT
Gawain 3:

Bakit mahalagang may proseso

ang iyong gagawing pagsulat?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Tandaan:
Sa pagsulat ng sanaysay ay kinakailangan ng simula,gitna at
wakas. Ibabatay ito ayon sa ibibigay na panuto upang hindi malihis
ang kaisipan ng susuriin sa kabuuan ng gagawing pagsulat.

E. PAGLALAPAT
Panuto: Ngayong nakabuo ka na ng tesis na gagabay sa iyong pagsulat, maaari ka nang bumuo
ng isang balangkas. Nararapat na tandaang may SIMULA, GITNA, at WAKAS ang iyong
sanaysay upang mas madali itong maunawaan ng iyong mambabasa.

________________________________________________________
(Pamagat ng Sanaysay)

TESIS na Pangungusap:__________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
I. SIMULA ng Sanaysay (Isulat ditto ang KONTEKSTO ng usaping iyong tatalakayin. Isama rin
ditto ang TESIS na pangungusap sa dulo ng talata upang mabigyan ng direksyon ang mga
argumentong iyong ilalapat sa sanaysay.)
A.____________________________________________________________________________
B.____________________________________________________________________________
C.____________________________________________________________________________

II. KATAWAN ng Sanaysay (Dito mo ilagay ang mga ARGUMENTO o KATWIRAN ng iyong
sanaysay. Maaari kang maglaan ng isang talata para sa isang argumentong iyong ilalapat sa
sanaysay.)

A.____________________________________________________________________________
B.____________________________________________________________________________
C.____________________________________________________________________________

III. WAKAS ng Sanaysay (Magbigay ng PAGLALAGOM sa mga argumentong iyong ginamit sa

sanaysay. Maaari ka bang magbigay ng mga solusyon sa problemang iyong tinukoy? Maaari mo
siyang ilagay sa bahaging ito.)
A.____________________________________________________________________________
B.____________________________________________________________________________
C.____________________________________________________________________________

Page 19 of 20
Module Code: Pasay- FilKOM 11-Q2-W6-D4

Pangalan: ____________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA
Panuto: Ngayong handa na ang iyong balangkas, maaari mo nang sulatin ang iyong sanaysay.
Punan mo ng akmang mga salita ang iyong sanaysay upang maipahayag mo nang husto at
tumpak ang iyong mga opinion at usapin.

Napakahusay sa pagbubuo ng Katamtaman ang husay sa Kailangan pang pagbutihin
kaisipan at sa paghain ng pagbubuo ng kaisipan at sa ang pagbubuo ng kaisipan at
katuwiran mula sa mga datos paghain ng katuwiran mula sa sa paghain ng katuwiran mula
upang mabuo angsanaysay na mga datos upang mabuo sa mga datos upang mabuo
may 500 salita angsanaysay na may 300 na angsanaysay na mababa sa
salita 150 salita.

Inihanda ni:
MANILYN L. DULIN
Teacher 1, PCWHS

References for Enhancement

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc.
• Jocson,M. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Vibal Publishing
• https://www.academia.edu/38736976/Aralin_3_Mapanuring_Pagsulat_at_Tekstong_Akademiko
• https://tl.wikicell.org/Een-kritisch-essay-schrijven-5604
Page 20 of 20

You might also like