You are on page 1of 6

DITO KAYO SASAGOT!

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG


IKALAWANG SEMESTRE – LINGGO 7-8
Pagsulat ng Talumpati
Pangalan: _____________________________________________ 12 – ST. MATTHEW
***Basahing mabuti ang inyong kompendyum.
GAWAIN I. GABAY NA KATANUNGAN: Matapos basahin ang talumpati sa inyong kompendyum,
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa anong okasyon nabigyan ng pagkakataon si Andrew D. Kibanoff na maipahayag ang kaniyang
talumpati? ________________________________________________________________________
2. Sino ang mga inaasahang tagapakinig sa kaniyang inihandang talumpati?
____________________
3. Patungkol saan ang nilalaman ng kaniyang talumpati? ___________________________________
4. Ano-ano ang mga layunin ng kaniyang pagtatalumpati?
___________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Magbigay ng mga linya mula sa kaniyang talumpati na magsisilbing patunay sa kaniyang layunin
bilang mananalumpati. ______________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
GAWAIN 2: Punan ang mga patlang ng mga tamang kasagutan. Pag-aralang mabuti ang leksyong talumpati
na nasa inyong kompendyum.
_______________1. Ang talumpati ay naihahayag sa tulong ng kopya ng mismong pyesa na siyang binabasa
ng mananalumpati sa harap ng madla.
_______________2. Ito ang bahagi ng talumpati na siyang magbubuod sa lahat ng puntong nailahad.
_______________3. Ito ang pinakamahabang bahagi ng talumpati sapagkat dito mailalahad ang mga puntong
nais bigyang pansin o talakayin ng mananalumpati.
_______________4. Ito ay tumutukoy sa pagtatalumpati kung saan ang mananalumpati ay bumibigkas mula
sa kaniyang minimoryang talumpati.
_______________5. Ito ay uri ng talumpati na walang paghahanda. Tinatawag din itong impromptu.
_______________6. Sa bahaging ito mailalahad ang pinakalayunin ng talumpati.
PAGGANAP #5: PAGSULAT NG TALUMPATI
Sitwasyon: Isa sa mga di-malilimutang sandali sa buhay ng isang mag-aaral ay ang kaniyang pagtatapos. Sa
inyong klase, ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na grado kaya’t ikaw ang naatasang magtalumpati sa araw
ng inyong pagtatapos.
Gawain: Gamit ang mga natutunan sa inyong kompendyum tungkol sa tamang pagsulat ng talumpati, sumulat
ng isang talumpati ng pagtatapos. Isama sa nilalaman ng gagawing talumpati ang iyong mga karanasan sa
pag-aaral sa kabila ng pandemiyang ating nararanasan ngayon, pati na rin ang iyong mga sakripisyo bilang
isang mag-aaral at ang mga payo na maaari mong ibahagi sa iyong mga kapwa magsisipagtapos at sa lahat
ng mga kabataang tulad mo: (Ang talumpati ay pormal at naglalaman ng 300 salita o higit pa)
PAMANTAYAN:
Maayos na nailahad at natalakay ang paksa 15 puntos
Mayaman sa nilalaman at mga patunay 15 puntos
Nakasusunod sa wastong format 10 puntos
Angkop at wasto ang wikang ginamit 10 puntos
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kabuuan: 50 puntos

Pangalan: _____________________________________________ 12 – ST. MATTHEW


(PAGSULAT NG TALUMPATI)

Ano ang iyong pangarap sa buhay?


____________________________________________________
TALUMPATI NG PAGTATAPOS:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

 Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati

1. 1. PAGSASANAY SA PAGBUO NG ISANG TALUMPATI


2. 2. Magandang Araw !Ito si Ginang Maria Katrina Macapaz Kumusta ka?
3. 3. Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa. (CS_FA11/12PN-0g-i-91) ika-7 -8 lingo )
4. 4.  Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ang mga inaasahang kasanayan na matatamo mo ay ang mga
sumusunod:  Nabibigyang – kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa pagsulat ng
talumpati  2. Nabubuo ang balangkas tungkol sa pagsulat ng talumpati;  3. Nakikilala ang mga katangian ng
mahusay na talumpati sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa;  4. Nagagampanan ang pananagutang
panlipunan sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling talumpati ayon sa napapanahong isyu. 
5. 5. Heto na naman tayo para sa panibagong aralin na lalong magpapayabong ng iyong kaalaman. Halika’t ating
sagotin ang nakaaliw na Gawain.
6. 6. Pagtatalumpati
7. 7. Talumpati Isang sining at makaagham na pagpapahayag ng mahahalaga at makakabuluhang kaisipan na
binibigkas sa harapan ng madlang tagapakinig.
8. 8. Sa pagbibigay mo ng sariling kahulugan sa talumpati ay matutuklasan mo rin sa iyong sarili ang kahalagahan
nito upang mas maging bihasa ka hindi lamang sa pagsasalita o paglalahad ng talumpati, kundi pati na rin sa
paghahanda nito sa pamamagitan ng pagsusulat. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba upang masala ang iyong
mga kaalaman sa paksa. 1. Para sa iyo mahalaga ba sa isang mananalumpati ang mga tagapakinig? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________ __________________ .
2. Sa iyong palagay, mahalaga bang alalahanin ng isang mananalumpati ang haba ng kanyang talumpati batay sa
katangian ng madla na kanyang bibigyan ng talumpati? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________ ____________.
9. 9. Manuskrito Paraan ng Pagtatalumpati Biglaang Talumpati (Impromptu) Maluwag (Extemporaneous) Isinaulong
Talumpati
10. 10.  Mga Dapat Isaalang – alang sa Pagsulat ng Talumpati A. A. Uri ng mga Tagapakinig   Ayon kay Lorenzo, et al.
sa kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan (2002), ang ilan sa dapat mabatid ng
mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang mga sumusunod:  1. Ang edad o gulang ng mga makikinig –
Mahalagang alamim ang edad o gulang ng nakararami sa mga tagapakinig. Iakma ang nilalaman ng paksa at
maging ang wikang gagamitin sa edad ng makikinig. Halimbawa, ang mga bata ay tiyak na hindi lubos na magiging
interesado sa mga paksang pangmatanda, gayundin naman, magiging kabagot – bagot para sa mga matatanda
ang mga paksang pambata.  2. Ang bilang ng mga makikinig – Mahalagang malaman kung ilan ang mga taong
makikinig sa talumpati. Kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang -
alang ng mananalumpati. Mapaghahandaan nang husto ang talumpati kung batid ang dami ng makikinig.
11. 11.  3. Kasarian – Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa
kababaihan. Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa.
Mahalagang malaman kung ang pagtitipong pupuntahan ay binubuo ng kalalakihan, kababaihan, o ng
magkahalong kasarian.  4. Edukasyon o antas sa lipunan – Mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng
nakararaming dadalo sa pagtitipon at maging ang antas ng kanilang buhay sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng
edukasyon saa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga makikinig ay kabilang sa
masang pankat, mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para sa kanila. Kung ang karamihan
naman sa mga makikinig ay mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, iba ring pamamaraan ng
pagtatalakay ang dapat gamitin sa kanila.  5. Mga saloobin o dati nang alam ng mga nakikinig – Dapat mabatid
din kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa. Kung may alam na ang
mga tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping gawing kasangkapan ito ng mga bago at karagdagang impormasyon
upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes.
12. 12. •Tema o Paksang Tatalakayin
13. 13. • 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin – Ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at
pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin at dyornal. Mula rito ay maaaring
kumuha ng mahahalagang datos o kinakailangang impormasyon tungkol sa paksa kasama ang sanggunian. Maaari
ding magsagawa ng interbyu sa isang taong eksperto sa paksang tatalakayin upang higit na maging
makatotohanan ang niloalaman ng susulating talumpati sa pamamgitan ng pagbanggit ng mga nagging karanasan
at nalalaman ng taong kinapanayam. • • Magiging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos, walang
laman, at may mga maling impormasyon. Mahalagang isiping higit na mahalaga ang nilalaman ng talumpati kaysa
sa ganda ng boses, husay sa pagbigkas, at mga biswal na tulong sa presentasyon. • Sa kasalukuyan, ang internet
ang isa sa pangunahing ginagamit ng marami sa pangangalap ng mga datos mula sa mapagkakatiwalaang mga
sanggunian, artikulo, aklat, at iba pang babasahin.
14. 14. • 2. Pagbuo ng Tesis – Matapos makapangalap ng sapat na datos o impormasyon ang susunod na hakbang na
gagawin ay ang pagbuo ng tesis o pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin. Mahalagang matukoy ang tesis
sapagkat dito iikot ang pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig. Ang tesis ang magsisilbing
pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay magbigay ng kabatiran, ito naman ay magsisilbing
pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat, at nagsisilbi naman itong
pokus ng pagpapahayag ng damdamin kung ang layunin ng talumpati ay magtaguyod ng pagkakaisa ng
damdamin ng mga makikinig. • • 3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto – Kapag may tiyak nang tesis
para sa talumpati, maaari nang alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisilbing batayan
ng talumpati. Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng bibigyang – pansin upang maging
komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati. •
15. 15. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati • 1. Kronolohikal na Hulwaran – Gamit ang hulwarang ito, ang mga detalye o
nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod – sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring isagawa ang
paghahanay ng detalye mula sa unang pangyayari, sumunod na mga pangyayari, at panghuling pangyayari. Ang
paksa ay maaari ding talakayin sa pamamagitan ng mga hakbang na dapat mabatid at sundin ayon sa tiyak na
pagsunod – sunod ng mga ito. •
16. 16. • • 2. Topikal na Hulwaran – Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing
paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito.
Halimbawa, kung tatalakayin ang kultura maaaring hatiin ito sa espesipikong paksa tulad ng sosyolohiya,
antropolohiya, at maging ang uri ng heograpiyang kinalalagyan ng mga tao. Mainam na gamitin ito upang buo at
malinaw na nauunawaan ng mga nakikinig ang tinatalakay ng paksa. • • 3. Hulwarang Problema – Solusyon –
Kalimitang nahahatisa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito – ang paglalahad
ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa. Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga
uri ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos
17. 17. Kasanayan sa Paghahabi ng mga Bahagi ng Talumpati • Introduksyon • Diskusyon o katawan • Katapusan o
kongklusyon • Haba ng talumpati
18. 18. Suriin ang talumpati na ibinigay ni Pangulong Duterte tungkol sa Covid-19. Sagutin ang mga kasunod na gawain
na nasa pagyamanin tungkol sa nabasang talumpati.
19. 19. Mga Katanungan: • 1. Sino ang kinakausap ng pangulo sa kanyang talumpati?________________________ • 2.
Paano sinimulan ang talumpating iyong binasa?______________________________. • 3. Magbigay ng tatlong
punto na mababasa sa katawan o diskusyong napapaloob sa talumpati n gating pangulo.
____________________________________________________ __________ • 4. Bilang isang mamamayan,
sumasang – ayon ka ba sa lahat ng sinabi ng pangulo? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan._________________________________________
20. 20. •Sa bahaging ito ay handa ka na bang bumasa ng isa pang halimbawa ng talumpati?
21. 21. Basahin at suriin ang siniping talumpati. Matagal na sanang ibig kong tayo’y magkatipon. Marahil ay hindi kaila
sa inyo, na sa malaking pagpupunyagi ng ating Pamahalaan, ay nagkaroon ang Bayang Pilipino ng isang
pamatansang wika, wikang hindi lamang bibigkasin at gagamitin ng mga nananahanan sa mga lalawigang ang
sinasalita ay Wikang Tagalog kundi sa loob at labas man ng Pamahalaan at sa lahat ng panig, sulok at dako ng
Pilipinas, hanggang sa Bisaya at sa Mindanaw. Kamakailan lamang ay nagkaroon kami ng ang pagtitipon dito. una,
ng mga dalubhasa sa agham o siyentipiko upang mapag-aralan ang pagtatawid-buhay ng mga Pilipino sa gitna ng
kahirapan na dinaranas natin, at silang lahat ay buong pusong nagpahayag sa Pangulo ng ating Republika ng
kanilang nais na pag-tulong; pagkatapos ay nagkaroon ng isang kapulungan ng mga guro’t tagapagturo upang
pag-usapan naman ang paraan sa ikapagkakaroon ng tunay na buhay, kaluluwa at diwang Pilipino ng lahat nang
dapat ituro; diyan na papasok ang pagtuturo ng ating sariling wika; sila’y nangagsipangako rin. Talumpating
binigkas ng Kanyang Kadakilaan, Jose P. Laurel, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa Bulwagang Panlipunan ng
Malakanyang sa mga manunulat sa tagalog noong hapon ng ika-8 ng Mayo, 1944.
22. 22. 1.Ano ang pinakapaksa ng talumpati sa itaas? A. Guro B. Kabuhayan C. Sambayanang Pilipino D. Wika 2. Sino
ang mga tagapakinig ng talumpating ibinigay? A. Buong mamamayan ng Pilipinas C. Mga manunulat sa tagalog B.
Mga propesyunal na inimbitahan D. Mga dalubwika at lingguwista 3. Anong hulwaran o balangkas ang ginamit sa
paglalahad nito? A. Diskusyon o Katawan C.Kronolohikal na Hulwaran B. Hulwarang Problema-Solusyon D. Topikal
na Hulwaran 4. Anong uri ng talumpati ang binasa ayon sa layunin? A. Talumpating kabatiran C. Talumpating
panghihikayat B. Talumpating panlibang D. Talumpating papuri
23. 23. Ating subukin ang inyong mga paunang pang-unawa sa larangan ng akademikong sulatin na talumpati
24. 24. • Bilang isang lider sa inyong paaaralan, ikaw ay napiling sumulat ng isang talumpating ilalathala sa isang
magasin na itatampok sa inyong pahayagang pampaaralan. Binigyan ka ng pagkakataong gawin ito upang
mahikayat at magbigay ng impormasyon sa iyong kapwa kabataan upang maging responsable sila sa
pagpapahayag o paggamit ng social media lalo pang na sa kalagitnaan tayo sa COVID – 19. Isaalang – alang ang
mga pamantayang itinakda sa ibaba. Isulat ang iyong talumpati sa isang papel at tatawag ako mamaya ng
magsasalita o magbabahagi.
25. 25. Rubriks 5 4 3 Tala 1.Katumpakan sa elemento Kompleto sa elemento May kakulangan di-sapat 2. Kaayusan
Napakaayos sa paglahad ng elemento May kaayusan sa paglalahad ng elemento di- masyadong maayos
3..Kalinawan Napakalinaw at lubos naunawaan Nauunawaan ngunit di gaanong malinaw di-masyadong malinaw
4. Teknikal Mataas ang antas sa teknikal na pagkasulat (istruktura at palabaybayan) May kaunting teknikal na
naligtaan Mababa ang kalidad sa teknikal na pagsulat 5. Gramatika Wasto ang paggamit ng mga salita at pagkabuo
ng mga pangungusap May kaunting pagkakamali sa paggamit ng mga salita at pagkabuo ng mga pangungusap
Marami ang pagkakamali sa paggamit ng mga salita at pagkabuo ng mga pangungusap Kabuuan
26. 26. Magbahagi an tayo! Italumpati mo !
27. 27. Bilang kabuuan!  1. Natutunan ko sa araling ito na ____________________________________ 
_____________________________________________________________ 
____________________________________________________________.   2. Dahil dito, gagamitin ko ito sa
_____________________________________ 
_____________________________________________________________ 
____________________________________________________________.   3. Magagamit ko rin ito sa karerang
aking tutunguhin dahil ________________ 
_____________________________________________________________ 
____________________________________________________________.  
28. 28. Pagtataya A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa hiwalay na papel ang iyong
kasagutan. Sulatan ng pangalan baitang/seksyon at bilang ng modyul. 1.Dito iikot ang pangunahing mensaheng
ibabahagi ng tagapagsalita sa mga tagapakinig. A. Edad B. Hulwaran C. Kasarian D. Tesis 2. Tatalakayin ni Arman
ang tungkol sa kalusugan na kung saan nagdadalawang isip siya sa anong tiyak na paksa ng kalusugan ang
kanyang itatalakay. Ang mga sakit ba na naipapasa sa ibang tao o mga dapat gawin upang maiwasan ang mga
sakit. Sa sitwasyong inilahad, anong uri ng hulwaran ito? A. Topikal na hulwaran B. Hulwaran ng talumpati C.
Kronolohikal na hulwaran D. Hulwarang problem – solusyon 3. Mahalagang dapat malaman ng isang
mananalumpati kung ang pagtitipong kanyang pupuntahan ay binubuo ng kalalakihan, kababaihan, o ng
magkahalong kasarian. Ano uri ito na dapat isaalang – alang sa pagbuo ng isang talumpati? A. Edad B. Hulwaran C.
Kasarian D. Tesis
29. 29. 4. Alin sa mga sumusunod ang mahusay na katangian o dapat gawin sa isang introduksiyon o panimula ng
talumpati? A. Maipaliwanag ang katawan ng talumpati B. Makuha ang kanilang interes at atensiyon C. Mapukaw
ang kaisipan at damdamin ng mga nakikinig D. Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa
5.Anong uring hulwaran nakung saankalimitang nahahatisa dalawang bahagiangpagkakahabi ng
talumpatigamitang hulwarang ito – ang paglalahad ng suliranin atang pagtalakaysa solusyon na maaaring
isagawa? A. Topikal na hulwaran B. Hulwaran ng talumpati C. Kronolohikal na hulwaran D. Hulwarang problem –
solusyon 6. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang simulan ang isang introduksiyon maliban
30. 30. B. Panuto: Buoin ang balangkas ayon sa mga bagay na dapat isaalang – alang sa pagsulat ng talumpati. A. Mga
Uri ng mga Tagapakinig 1. _________________________________________________________________ 2.
_________________________________________________________________ 3.
_________________________________________________________________ 4.
_________________________________________________________________ 5.
_________________________________________________________________ B. Hulwaran ng Pagbuo ng
Talumpati 6. _________________________________________________________________ 7.
_________________________________________________________________ 8.
_________________________________________________________________ C. Kasanayan sa Paghabi ng mga
Bahagi ng Talumpati 9. _________________________________________________________________ 10.
________________________________________________________________ 11.
________________________________________________________________
31. 31. Takdang aralin: Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga terminong nakatala sa bawat bilang tungkol sa pagsulat
ng talumpati. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong kasagutan. Sulatan ng pangalan baitang/seksyon at bilang ng
modyul. 1.Biglaan o dagli : __________________________________________________________ 2. Maluwag na
Talumpati:____________________________________________________ 3. Pagbuo ng Tesis :
________________________________________________________ 4. Kronolohikal na
hulwaran:__________________________________________________ 5.Topikal na
hulwaran:_______________________________________________________ 6.
Introduksiyon:____________________________________________________________ 7.
Kawastuhan:_____________________________________________________________ 8.
Kalinawan:______________________________________________________________ 9.
Kongklusyon:____________________________________________________________ 10.Haba ng
Talumpati:_______________________________________________________
32. 32. •“Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayahang ilahad ang kabuhitan
mula sa kanilang pinaninindigan.”

You might also like