You are on page 1of 10

Filipino Sa Piling Larang Akademik Baitang 12

UNANG SEMESTRE TERM: Unang Linggo

PAKSA: AKADEMIKONG PAGSULAT

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

➔ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

➔ Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c)
Katangian (d) Anyo
➔ Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko

UNANG ARAW

INTRODUKSYON

“Ang wika ay kalipunan ng mga salita, simbolo at mag tunog na ginagamit araw-araw sa
pakikipagtalastasan upang maipahayag ang isang mensahe o ideya at ito rin ay ginagamit sa
pagsulat tulad ng mga sulating pang-akademiko.”

“Ang sulating akademik o sulating pang-akademiko ay makabuhluhan at may lalim na mas

mataas na edukasyon sa kolehiyo.” Sa modyul na ito ay malalaman natin kung ano-ano ba ang
mga halimbawa nito,layunin, katangian, gamit at anyo. Inaasahanag pagkatapos basahin at
unawain ang mga nakapaloob dito, ang mga mag-aaral ay makapagpapamalas ng pag-unawa
at pagpapahalaga sa mga iba’t-ibang uri ng sulatin. Tiyak na ang mga aktibidad na nakapaloob
dito ay makakatulong sa iyo upang mas mapalawak pa ang iyong kaalaman patungkol sa mga
sulatin.
BAHAGI NG TALAKAYAN

Ibahagi mo!!

Paunang Gawain:

Ano para sa iyo ang PAGSULAT?

________________________________________________________________________

Akademikong Pagsulat

Ang akademikong pagsulat ay makabuhluhan at may lalim na mas mataas na

edukasyon sa kolehiyo. Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang kaalaman ng mga
mag-aaral kaya ito tinatawag na intelektuwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay
repliktibong sanaysay, pamanahong papel, tesis, book report at abstrak, bionete, sintesis at
talumpati.
Uri ng Pagsulat Ayon sa Layunin

· Impormatibong Pagsulat - ang pokus nito ay ang mismong paksang tinalakay sa teksto. Ito
ay naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag.

· Mapanghikayat na Pagsulat – naglalayong magkumbinsi ng mga mambabasa tungkol sa

isang katwiran, opinyon o paniniwala.

· Malikhaing Pagsulat – Kadalasan ang mga pangunahing layunin ng awtor dito ay

makapagpahayag lamaang ng kathang-isip, imahinasyon,ideya, damdamin, o mga
kumbinasyon ng mgaito.

· Pansariling Pagpapahayag – Ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalanag ito ay

napakikinabangan. Halimbaawa nito ay pagsulat ng journal, plano ng bahay, mapa at iba pa.

IKALAWANG ARAW

Halimbawa ng Akademikong Pagsulat

Pananaliksik- ay isang masusing pagsisiyasat at pagsuri ng mga ideya, konsepto, bagay, tao,
isyu at iba pang ibig bigyang linaw o patunayan.

Mga layunin ng pananaliksik

· Tumuklas ng bagong datos o impormasyon

· Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya

· Magbigay linaw sa isang pinagtatalunang isyu

· Manghamon sa isang katotohanan

· Magpatunay na makatotohanan ang isang ideya

· Magbigay ng isang historikal na perspektiba sa isang senaryo

Tanong!!!!!!!!!
Sa iyong palagay ano ang ibig sabihin ng layunin ng pananaliksik na “Manghamon sa isang
katotohanan”.

____________________________________________________________________________

Halimbawa ng mga Akademikong Sulatin

· Repliktibong sanaysay –ito ay anyong pampanitikan na napasaialalim sa anyong tuluyan o

prosa. Ito ay nangangailanagan ng sariling perspiktibo, opinyon at pananaliksik sa paksa. Ito ay
masining na pagsulat na may kaugnayan sa sariling pananaw at damdamin sa isang partikular
na pangyayari.

Mga Dapat isa-alang alang sa Pagbuo ng Replektibong Sanaysay

- Gumawa ng balangkas o outline

- Tono ng pagsulat

- Isa-alang alang ang mga mambabasa

- Dapat wasto ang grammar, pagbaybay at paggamit ng bantas

· Piktoryal na Sanaysay- ay isang uri ng akademikong sulatin kung saan ginagamit ng may
akda ang litrato na nagbibigay kulay o kahulugan, kaalinsabay ng mga teksto, sa mga
paglalahad sa isang usapin o isyu.Ito karaniwang makikita sa aklat o sa iba pang pinagkukunan
ng imporsyong mapagkakatiwalaan.Kadalasang puro litrato ito at walang teksto.

· Posisyong papel- ito ay isang sanaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa
at karaniwang ininusulat ng may akda ng isang paridong politikal. Kadalasan itong ginagamit sa
Akademya, Politikal at sa Batas

- Sa akademya- nagbibigay daan ito upang talakayin ang umuusbong na paksa

na walang eksperementasyon at ito ay orihinal na pananaliksik

- Sa politikal –pinapakinabangan ito sa konteksto kung saan nakadetalye ang

pag-unawa ng pananaw.

- Sa Batas –ito naman ay ang mga terminolohiyang ginagamit.

· Bionete-Ang bionete ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa sinumang

magiging panauhin sa isang kaganapan. Ito ay dapat impormatibo upang mas madaling
malaman ng mambabasa o tagapakinig kung sino ang taong paksa nito.Ito ay isisnusulat upang
magbigay impormasyon tungkol sa isang tao.

· Talumpati-ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinapabatid sa

pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.

Tanong!!!!!!!!!

Sa iyong palagay, Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng sulatin ang pinakamainam na

gawin ng mga mag-aaral, upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman? Bakit?

_____________________________________________________________________________________

IKATLONG ARAW

MGA AKTIBIDAD

A) Gamit ang malikhaing pagsulat, Magbigay ng limang (5) salitang maiuugnay mo sa salitang
wika, at ipaliwanag isa-isa kung bakit ito ang ito napili mo.

B) Alamin Mo!!!

Saliksikin ang mga sumusunod

• Tatlong halimbawa pa ng sulating akademiko at kahulugan ng mga ito

• Kahalagahan ng mga sulating akademiko

Paalala: Huwag kalilimutang ilagay ang sangguniang ginamit sa pagkalap ng mga

impormasyon. Isulat ang mga nakuhang datos sa isang buong papel.

IKAAPAT NA ARAW

PAGTATAYA

Talasalitaan!!!

A) Base sa iyong sariling pang-unawa bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita na
may kinalaman sa paksang tinalakay. Isulat ang iyong sagot sa espasyong nakalaan.

1. Repliktibo/Replektib
______________________________________________________________________

2. Perspektibo

3. Kuro-kuro

4. Pakikipagtalastasan______________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Akademiko/Akademik

Replektibong sanaysay:

B) Bakit kailangan magtala ng mga layunin kapag ikaw ay nananaliksik?

_________________________________________________________________________

C) Bilang isang mag-aaral, Paano mo papahalagahan ang mga ganitong uri ng mga sulatin?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

SANGGUNIAN
https://brainly.ph.com

www.akademikongpagsulat.youtube.com

You might also like