You are on page 1of 11

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

FILIPINO 11 - IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
KWARTER 3
Tekstong Deskriptibo at Pagtukoy sa Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salita

Mga Kasanayang Pampagkatuto

a. Nabibigyang kahulugan at nauunawaan ang kalikasan, katangian ng tekstong

Deskriptibo

b. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t

ibang uri ng tekstong binasa

Layunin

Layunin ng aralin na ito na maunawaan ang kahulugan, kalikasan, at katangian ng

tekstong deskriptibo nang sa gayun ay matukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang

salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong binasa

Balikan Natin

Ang tekstong impormatibo ay nakatuon sa paglalahad ng tiyak na datos na maaaring

maberipika at nakatuon sa pagsagot sa mga tanong na ano, sino, at paano. Ang mga tanong na

ito ay makatutulong sa pagsusuri sa paksa, pangunahing ideya at suportang detalyeng

nakapaloob sa tekstong impormatibong binasa.

Multilinggwal na Edukasyon – isa itong idea, konsepto, paradaym na pinagkakaabalahan ngayon ng mga
edukador, guro, at mga mag-aaral ng wika at edukasyon. Pag-aaral at paggamit ito ng higit sa dalawang
wika, bilang wikang panturo at bilang asignatura sa iba’t ibang yugto ng pag-aaral ng mag-aaral. Nakabatay
ito sa prinsipyong “Unang-Wika-Muna” (First-Language-First), at transisyon sa iba pang wika ([mga]
pangalawang wika).

Sipi mula sa pananaliksik ni , Pamela C. Constantino, Ph.D na may pamagat na “Ganito na Noon, Ganito Uli Ngayon: Pagtalunton
sa Kasaysayan at Daynamiks ng Multilinggwal na Edukasyon sa Pilipinas”
Ang siping ito ay nakapaloob sa isang pananaliksik na halimbawa ng tekstong

impormatibo. Patunayan na ito ay halimbawa ng tekstong impormatibo. Ilahad ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Unawain Natin

May iba’t ibang uri ng teksto ayon sa gamit nito. May mga tekstong naglalahad

ng tiyak na impormasyon, nagkukukwento, naglalarawan, nanghihikayat at nagpapahayag

ng argumento.

Pagmasdan ang larawan. Ano ang iyong naisip?

__________________________________________

Ano ang iyong nararamdaman habang nakatitig sa

larawan? __________________________________

May imahe bang nabuo sa isipan mo? ___________

__________________________________________

Ang pokus ng aralin para sa modyul na ito ay ang tekstong deskriptibo na ang pangunahing

layunin ay maglarawan. Ito ay naglalahad ng mga katangian ng tao, bagay, hayop, lugar, o

pangyayari. Pinagagana ng tekstong ito ang imahinasyon ng mambabasa sa pamamagitan ng

paggamit ng mga salitang naglalarawan at paglalahad ng konkretong detalye na naglalarawan sa


nakikita, nahahawakan, nararamdaman, naririnig o nalalasahan. Inilahad sa learning management

system na Quipper ang paglalarawan ng katangian :

“Kung tao ang inilalarawan, inilalahad ang kulay, taas, pag-uugali, o mga nakagawiang

kilos. Kung bagay, tinutukoy ang kulay, laki, lasa, amoy, o dami nito. Kung lugar, iniisa-isa ang

laki, disenyo, ganda, o mga bagay na makikita rito. Kung pangyayari, isinasalaysay ang mga

tauhan, lunan, oras, o pagkakasunodsunod ng mga nangyari.”

May dalawang uri ng paglalarawan. Una, ay ang deskripsyong teknikal na naglalarawan

ng detalyado o tiyak na pamamaraan. Ito rin ay nagpapakita ng obhektibong pananaw sa tulong

ng mga tiyak na datos na nakapaloob sa mga grapikong pantulong. Ikalawa, ang deskripsyong

impresyonistiko na nagpapakita o naglalarawan ng pansariling pananaw. Sa paglalarawan na ito

ay hindi na kailangan ng tiyak na detalye o impormasyon.

Kung bibigyang pokus naman ang anyo ng paglalarawan ay mayroong dalawang anyo nito

na ginagamit sa tekstong deskriptibo. Una, ay ang karaniwang paglalarawan na gumagamit ng

pang-uri para mailarawan ang isang tao, bagay, lugar, o pangyayari ayon sa nakikita ng mga

mata at ang ikalawa ay ang masining na paglalarawan na maaaring gumamit ng matatalinhagang

salita at di-karaniwang mga salita upang mapagana ang imahinasyon ng mga mambabasa. Kung

ang karaniwang paglalarawan ay obhektibo, ang masining na paglalarawan ay subhektibo dahil

ginagamit dito ang damdamin at pananaw ng taong naglalarawan

Sa pagsusuri ng tekstong deskriptibo ay hindi maiiwasang makabasa o makakita ng mga

salitang bago o kaya ay hindi maintindihan ang kahulugan. Sa ganitong pagkakataon, sa paanong

paraan kaya natin matutukoy ang kahulugan at katangian ng mga salita sa teksto? Narito ang

ilang paraan batay sa Quipper.


a. Paggamit ng context clue

Ang context clue ay pahiwatig na mga salita o parirala na nakatutulong upang

maunawaang mabuti ang tekstong binabasa. Maaaring ito ay ang kasingkahulugan, kasalungat,

o ang mismong kahulugan ng di-pamilyar na salita.

b. Pagtukoy sa ayos ng salita

Isinasaalang-alang sa paraan na ito ang pagsusuri sa estruktura ng salita o pariralang hindi

maunawaan katulad ng pagtukoy sa salitang-ugat at panlaping ginamit ng di-pamilyar na salita.

c. Pag-alam ng kahulugan mula sa diksyunaryo

Sa lahat ng paraan ay ito ang pinakamadali dahil kailangan lamang hanapin ang salita sa

diksyunaryo at kopyahin ito.

Mahalagang maintindihan ang mga salitang hindi pamilyar sa tekstong deskriptibo dahil

dito nakasalalay ang ganap na pagkaunawa sa mensahe o paksa ng teksto.

Ilapat Natin

Upang ganap na magamit ang iyong naunawaan sa aralin ay ilapat natin ito sa

pamamagitan ng pagsusuri sa ilang bahagi ng tekstong deskriptibo.

Sa pagbaba namin ng bangka ay sumalubong sa amin ang malamig na simoy ng hangin na tila nagbigay agad
ng kapayapaan sa aking isipan. Hindi lamang dagat ang agaw atensyon sa islang ito dahil makikita rin ang
matataas na mga puno na nagdulot nang mas nakagiginhawang pakiramdam. Ang mga isda rito ay sariwa kapag
niluto kaya naman ang lasa ay napakasarap na tila ba hindi mo na magagawang makipag-usap sa iyong kasama
sa hapag. Ang isla ng Jomalig ay ang isa sa pinakamagandang islang aking napuntahan dahil sa ganda ng mga
tanawin, sariwang mga isda, at higit sa lahat ay ang mga taong mababait at magaling makisama.

Layunin ng tekstong deskriptibo na ipakita sa mambabasa ang bagay, lugar o anomang paksa na

inilalarawan. Sa iyong binasang sipi,

a. Saan kaya matatagpuan ang lugar na inilarawan ng manunulat?


Isla ng Jomalig

b. Matapos mo basahin ang sipi, anong larawang-diwa ang pumasok sa iyong isipan?

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
Sa aking opinyon, masasabi kong matibay ang lamesang plastic na binili ko sa mall dahil minsan ko
itong nabagsak habang inaayos pero hindi nasira at ito ay limang taon na sa akin. Ang nakikitako
lamang na negatibo sa mesang aking binili ay ang kulay nito na itim dahil hindi ko malaman agad kung
madumi na ba ito.

c. Anong uri kaya ng paglalarawan ang ginamit?

Impresyonistiko

d. Patunayan na ang sinipi ay nasa uri ng paglalarawan na impresyonistiko.

____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

e. Kung gagawan ng paglalarawan ang

talahanayan ito, anong uri at anyo kaya ng

paglalarawan ang gagamitin?

Teknikal at Karaniwang paglalarawan

f. Gawan ng paglalarawan ang talahanayan.

_______________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
Suriin Natin

Suriin ang ilang bahagi ng tekstong deskriptibo.

Teksto A

Pamagat : Gabay sa Produksyon ng Mais


Mga manunulat : Lanosia, Jr. LB., MM and Salazar, AM.

PASIMULA
Maraming klase ng mais ang itinatanim ng mga magsasakang Pilipino kagaya ng dilaw, puti,
malagkit, matamis at baby corn. Karaniwang ginagawang pakain sa mga hayop at para sa mga
produktong industriyal ang dilaw na mais. Sa Bisayas at Mindanaw, ang puting mais ay ginigiling at
kinakain ng ilang kababayan natin. Masarap ilaga o lutuin bilang gulay at kakanin ang malagkit at matamis
na klase ng mais, Samanatalang ang baby corn naman ay mabiling-mabili bilang panlahok sa mga lutuing
gulay sa mga restawran at hotel. Dahil din sa klima sa Pilipinas na angkop sa pagtubo ng mais, malawak
ang lupaing tinatamnan nito. Mahigit sa kalahati ng lupang tinatamnan ng mais ay nasa katimugang
bahagi ng bansa.

MGA PAMAMARAAN SA PRODUKSYON


Para mataas ang ani, kailangang isaalang-alang ang ilang bagay at mga pamamaraan sa pagtatanim
at pag-aalaga ng mais. Makakatulong sa pagpapataas at pagpapaganda ng ani ng mga magsasaka ang
mga sumusunod na paraan o gabay sa produksyon.

1. Ano ang paksa ng teskto?

2. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit ? __________ Maglahad ng dalawang patunay.


3.

4.

Teksto B
Pamagat : Ano ang epekto ng Dengue sa ekonomiya?
Manunulat : Rainier Ric B. De La Cruz
Base sa datos ng ahensya at ng World
Health Organization, mula January hanggang
August 2019 ay umabot na sa
mahigit 229,736 ang naitalang mga kaso,
107% na mas mataas kumpara sa parehong
panahon noong 2018.

5. Anong anyo ng paglalarawan ang ginamit? __________ Maglahad ng dalawang patunay.


6.
7.

Teksto C
Pamagat : Batanes, Paraisong Isla Manunulat : Rizaldy Comanda

Ang lugar na ito ang pangunahing daanang-pantubig ng Pilipinas, Japan, China, Hong Kong at
Taiwan. Mayaman ito sa yamag-dagat, kabilang na ang pinakapambihirang coral sa mundo. Bagamat
napakalayo at mahal ang transportation patungo sa Batanes, sulit na sulit naman ang pagtungo rito sa
kahanga-hanga at kaakit-akit na mga tanawin sa lalawigan.
Ang mga tanawin sa kabundukan, dagat at kapaligiran ay tiyak na papawi sa kapaguran sa masalimuot
na pamumuhay sa siyudad. Kakaunti ang tao, mabibilang ang de-makinang sasakyan, mga bahay na
gawa sa bato, at magiliw ang mga Ivatan sa mga bisita.
Ang mainam na panahon ng pagpunta rito ay tuwing kalagitnaan ng Marso hanggang Hunyo at kung
“Indian Summer” na kadalasang nag-uumpisa ng Setyembre. Kung minsan, pinakamaagang nag-
uumpisa ang magandang panahon pagpasok ng Pebrero na tumatagal hanggang Hulyo.
Ang flora at fauna sa Batanes ay sadyang katangi-tangi at doon lamang matatagpuan. Maraming
species ng mga hayop at halaman na doon din lamang makikita. Sadya ring kakaiba ang mga tanawin
doon, tulad ng Mt. Riposed, Mt. Iraya, Mt. Matarem, Rapang du Kavuyasan, Mt. Karobooban at ang mga
dalampasigan ng Duvek Bay, Vuhos Marine Reserve at Tukon Hedgerows.
8. Alin kaya sa mga paraan ng pagtukoy sa kahulugan at katangian ng mga salita sa teksto ang
maaaring gamitin sa tekstong ito? _______________
Pumili ng isang salitang hindi mo alam ang kahulugan o kaya ay ibig sabihin at tukuyin ang
katangian ng salitang ito. Salita : ____________
9. Kahulugan :
10. Katangian :

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawain sa modyul na ito. Ngayon, handa
ka ng pag-aralan ang susunod na modyul!
Maligayang paglalakbay!!!
Mga Sanggunian:

Badayos, Paquito B. (1999). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Lungsod ng Makati:


Grandwater Publishing and Research, Co.

Belvez, Paz M. et.al. (2005). Retorika: Mabisang Pagsasalita at Pagsulat. Lungsod ng Maynila:
Rex Bookstore, Inc.

De La Cruz, R. B. (2019, Setyembre 11). Ano ang Epekto ng Dengue sa Ekonomiya [Web log
post]. Retrieved July 1, 2020, from https://usapangecon.com/2019/09/11/ano-ang-epekto-
ng-dengue-sa-ekonomiya/

Comanda, R. (26, Hulyo 25). Batanes, Paraisong Isla. Balita Online. Retrieved July 1, 2020, from
http://balita.net.ph/2016/07/25/batanes-paraisong-isla/

Constantino, P. C. (2014). Ganito Na Noon, Ganito Uli Ngayon: Pagtalunton Sa Kasaysayan At


Daynamiks Ng Multilinggwal Na Edukasyon Sa Pilipinas. Daluyan: Journal Ng Wikang
Filipino. Retrieved July 4, 2020, from
https://tmc.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4360/3959.

Lanosia, Jr. LB., MM and Salazar, AM. (2005). Gabay sa Produksyon ng Mais (Binagong
Edisyon). Institute of Plant Breeding, College of Agriculture, University of the Philippines
Los Baños, College, Laguna.

Pacay III, Wilmor L.(2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.
Lungsod ng Pasay : JFS Publishing Services, Inc.

Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.
Manila: Rex Book Store, Inc.

Quipper Limited. (2018). BAITANG 11, YUNIT 2 Tekstong Impormatibo. (2018). Retrieved July
1, 2020.
Ang Modyul na ito ay isinulat ng guro mula sa Parañaque Science High School.

JEFFREY C. OROSCO

Binigyang-pansin nina :

LAGRIMAS Z. ARROYO MARILOU A. DE JESUS


Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino Punongguro III

EDWIN S. DORIA, PhD


Superbisor ng mga Programang Pang-edukasyon sa Filipino
Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque
FILIPINO 11 - IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
KWARTER 3
Tekstong Deskriptibo at Pagtukoy sa Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salita
Panuto: Mula sa bahaging ito, sasagutan at ibabalik sa paaaralan sa itinakdang petsa.

Pangalan:_____________________________Baitang at Seksyon: _____________


Guro:________________________________________Petsa:________________

Tayain Natin

a. Punan ang mga patlang sa tsart.


Tekstong
Deskriptibo

Paraan sa
Uri ng Anyo ng
Pagtukoy ng
Paglalarawan Paglalarawan
Kahulugan

1. _______ 3. _______ 5. _________


2. _______ 4. _______ ___________

b. Paano kaya patatatagin ng tekstong deskriptibo ang saliksik na isusulat? ________________

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pamantayan 3 puntos 2 puntos 1 puntos Walang puntos


Paglalahad Wasto at tiyak ang May ilang ideya/kaisipan na hindi tugma Hindi nailahad nang Mali ang
ginawang paglalahad sa kalikasan ng tekstong deskriptibo wasto ang inilahad
ideya/kaisipan
Gramatika May isa hanggang Mayt tatlo hanggang limang maling Higit sa anim na
dalawang maling salita salitang nakita sa paglalahad na salita ang
ang ginamit sa nakaapekto sa pagkaunawa ng sitwasyon maling nagamit
paglalahad. sa paglalahad
Likhain Natin

Panuto : Bumuo ng grupo na may tatlong miyembro. Pagkatapos, pagdesisyunan kung ano ang

paksa ng isusulat na piktoryal na sanaysay. Sikapin na ang mga ilalagay na larawan ay orihinal.

Kapag natapos na ay i-post ito sa Facebook group ng inyong seksyon.

5 4 3 2 1

Napakahusay ng Mahusay ang May mga Hindi maayos Nangangailangan


pagkakabuo ng pagkakabuo ng pagkakataon na ang pa ng pagsasanay
sanaysay dahil sanaysay dahil hindi tugma ang pagkakalahad sa pagsulat ng
Nilalaman may maayos ang larawan sa paksa ng mga sanaysay.
ng maayos na pagkakalahad ng ng sanaysay kaya karanasan sa
Sanaysay paglalahad mga ideya at hindi agad iba’t ibang
ng mga ideya, at karanasan naunawaan ang bahagi ng
karanasan sa nilalaman ng sanaysay na
bawat larawan at sanaysay nakaapekto sa
naunawaang nais iparating
mabuti ang na kaalaman
paksang binigyang nito.
pansin.

5 4 3 2 1

a. Wasto ang a. Wasto ang a. May ilang a. Maraming a.


istruktura at mga istruktura subalit maling estruktura maling Nangangailangan
Wastong pangungusap. may ilang mali sa ng mga istruktura ng nang pagsasanay
Gramatika b. Walang mali sa pangungusap. pangungusap. mga sa pagbuo ng
kapitalisasyon, b. May lima (5) b. May 11 pangungusap. pangungusap.
baybay o bantas. hanggang hanggang 15 b. May 16 b. Mahigit sa 20
sampung (10) mali na maaaring hanggang 20 mali na maaaring
mali na maaaring sa kapitalisasyon, mali na sa kapitalisasyon,
sa kapitalisasyon, baybay o bantas maaaring sa baybay, o bantas
baybay o bantas. ang nagamit.. kapitalisasyon, ang nagamit.
baybay, o
bantas ang
nagamit.

You might also like