You are on page 1of 12

Filipino sa Piling

Larangan (Akademik)

FIL A

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 0
MO DYUL 3
ARALIN 3: PAGSULAT NG BUOD AT
SINTESIS

Modyul sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

A. Koda ng Kurso : FLP – Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


B. Bilang ng Modyul : FLP_M3 – Pagsulat ng Buod at Sintesis
C. Bilang ng Oras : 1Linggo –Apat na oras
D. Imperatives : 1, 2, 3, 17, 20, 26, 31
E. Kagamitan : Modyul, kagamitan sa pagsulat, at laptop (optional)

1. Pangkalahatang Ideya
Sa apat na oras na sesyon, matutuhan ang mga kahulugan at kahingian ng buod, katangian ng
mahusay na buod, mga hakbangin sa pagbubuod, kahulugan at anyo ng sintesis, mga uri at katangian
ng mahusay na sintesis at mga hakbang sa pagsulat ng sintesis sa pamamagitan ng mga
makabuluhang gawain. Ang mga gawain na ito ay matutulungan ang mag-aaral na unawain at
pahalagahan ang buod at sintesis. Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay
makakapagsulat ng sarili nilang buod at abstrak sapagkat naisaalang-alang ang mga hakbangin sa
pagsulat ng buod at sintesis. Ang modyul na ito ay maaring gamitin sa online/ offline.

2. Detalyadong Kasanayang Pampagkatuto


Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademikong may kaugnayan sa buod at sintesis.
(CS_FA11/12PB-0a-c-101)
2. Natutukoy ang mga kahalagahan ng pagbuo ng buod at sintesis. (CS_FA11/12PN-0j-l-92)
3. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang buod at sintesis.
(CS_FA11/12PU-0p-r-94)
3. Nilalaman/Talakayan

Panalangin

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 1
MO DYUL 3
Pagganyak

Bago natin simulan ang talakayan pansinin muna ang mga larawan na nasa
ibaba. Naalala mo pa ba ang isa o ilan sa mga akdang ito?

Panuto: Bumuo ng pinakamaikling paraan ng pagaalala mo sa mga akdang ito.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 2
MO DYUL 3
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Ang iyong ginawang pagalala sa mga tekstong ito ay makakatulong sa


iyo upang malaman mo kung saan ang iyong kahinaan pagdating sa
pagsulat ng buod.

Kaya halina’t pag-aralan na natin ang Kahulugan at kahingian ng buod


Aralin 3: Pagsulat ng Buod at Sintesis

1. Kahulugan at Kahingian ng Buod

Ang buod ay tala ng isang indibidwal sa sariling pananalita ukol sa kanyang mga
narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa
ngunit hindi hinahaluan ng sariling emosyon o nararamdaman upang hindi
lumutang sa iyong sinusulat na buod na may pinanigan kang panig.

Ginagawan ng buod ang mga kwentong binasa, balitang napakinggan, isyung


tinutukan, pananaliksik na pinag-aralan, palabas, pelikula, o liksyon napakinggan.
Sa pagsulat ng buod hindi lang basta napanuod ang ginagawan ng buod bagkus
maaari ring gawan ng buod ang seminar na dinaluhan ngunit huwag magsulat ng
mga impormasyon na wala naman sa isinaad ng speaker ng seminar.

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 3
MO DYUL 3
Nagtala sina Swales at Feat (1994) ng tatlong mahigpit na
pangangailangan sa pagsulat ng isang buod. Ang tatlong
pangangailangan ito ay siya ring repleksyon ng mga marapat na taglayin ng
isang sulating buod.
Tara na’t ipagpatuloy na natin ang ating talakayan! 

3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing


tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na

bersyon ng orihinal at naisulat ito sa


2. Kailangang nailahad ang sulatinsa

sariling pananalita nng gumawa


1. Kailangang ang isang buod ay

pamamarang nyutral o walang


Kailangang ang Nangangahulugang ang Tandaan lamang na
kabuuang mensahe sulating buod ay dapat kung sariling pananalita

kinikilingan
hindi maglaman ng ang gagamitin, tiyaking
makukuha kapag pananaw ng sumulat ito rin ang kahulugang
teksto

nabasa o nito. ipinababatid ng orihinal


napakinhhan ang na teksto.Dapat sikaping
buod nito. Tanging paglalahad
lamang na hindi mabuo ang isang buod
Ibig sabihin, dapat na di-hamak na maiksi
hinahaluan ng personal
kayang ihayag ng buod na pagtataya, pananaw o ngunit naglalaman ng
ang kabuuang pagsusuri ang kailangang kabuuang mensahe ng
mensaheng ihinahatid makita sa nabuong buod. orihinal na teksto.
ng tekstong pinagmulan
nito.

Nawa’y natutunan mo ang Kahulugan at Kahingian ng Buod.


Tayo naman ay dadako sa Katangian ng Mahusay na Buod.

2. Katangian ng Mahusay na Buod

Sa akademikong pagsulat, iba’t iba ang maaaring gamitin upang mailahad


nang maayos ang isang sulatin. Sa kaso ng pagsulat ng buod, dapat tandaan mo
ang katangian dapat taglayin ng isang mahusay na buod.

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 4
MO DYUL 3
Katangian ng Mahusay na Buod

1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas 2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at


ng orihinalidad na teksto kritisismo
Ang buod ay dapat sumasagot sa mga Sa pagsulat ng buod, tanging ang mga
pangunahing katanungan tulad ng Sino, Ano, impormasyong nasa orihinal na teksto ang
Saan, Kailan, Bakit, at Paano. Dapat dapat isama. Madalas na ang mga ganitong
sangguniin lagi ang orihinal na teksto. pandaragdag ay naisasama sa mga pagsusurii
Maging sa titulo ay dapat na banggiting buod at sintesis.
ito ng akda.

3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, 4. Gumamit ng mga susing salita


detalye, o impormasyong wala sa orihinal
Ang mga susing salita ay ang mga
na teksto
pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng
Ipinapakita nito na ang pagsulat ng teksto. Kung muling mababanggit ang mga ito
isang buod ay hindi kasindali ng ating iniisip, sa buod, mas mayroong kasiguraduhang
sapagkat inaasahang maihahayag ang maipapaalam sa nagbabasa o nakikinig nito
kabuuang mensahe ng isang akdang ang mga pangunahing tuon ng pinagmulang
komprehensibong natalakay sa isang teksto.
maikling sulatin lamang.

5.Gumagamit ng sariling pananalita ngunit


napananatili ang orihinal na mensahe
Kung para sa personal na pangangailangan ang
buod, malaking tulong na ito ay naihayag sa sariling
pananalita. Dahil dito, higit itong nauunawaan ng sumulat.
Subalit kahit hindi ito para sa personal na pangangailangan,
ang paggamit ng sariling pananalita ay makakatulong ng
malaki upang maihayag ang na mensahe mula sa orihinal na
teksto sa mas maikling pahayag.

Narito nman ang ilang simpleng hakbanging magagamit sa pagsulat ng isang


akda.
Tayo na’t ipagpatuloy ang ating talakayan ! 

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 5
MO DYUL 3
3. Mga Hakbangin sa Pagbubuod

1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto


at detalye.

2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang
pangunahing paliwanag sa bawat ideya.

3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasund-sunod ng mga ideya sa lohikal


na paraan.

4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal. Ako) ang awtor, palitan ito ng
kanyang apelyido, ng Ang manunulat, o siya.

5. Isulat ang buod. Kung kinakailangan, maaaring simulant ang buod sa


isang pahayag na magpapakilala sa awtor at sa mismong akdang binubuod.

Batid ko na ika’y maraming natutunan sa pagsalat ng buod palaging tandaan


na sa pagsulat ng buod marapat na katulad ito ng orihinal na akda at huwag
haluanng personal pananaw.

Ang susunod na ating tatalakayin ay ang Kahulugan at Anyo ng Sintesis.


Halina’t simulan na natin ang talakayan! 

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 6
MO DYUL 3
4. Kahulugan at Anyo ng Sintesis

Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na


syntithenai na nangangahulugan sa Ingles na put together o combine.
Ang sintesis ay pinagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang
paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o
sulatin.

Ang pagkakabuo nito ay mula sa sariling sikap ng isang manunulat na


makabuo ng isang pinaikling tekstong tatalakay sa napiling paksa
nang hindi binabanggit ang napakaraming impormasyon

Sa madaling sabi, ito ay isang anyo ng pagbubuod o paglalagom ng


isang binasang akda. Mag-aanyo ito ng pinaikling bersyon ng isang
orihinal na teksto

Wika ni Warwick, 2011 “Ito ay isang sulating maayos at malinaw na


nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang
ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat.”

Anyo ng Sintesis

Explanatory Syntesis Argumentative Syntesis


Ito ay sulating naglalayong tulungan Ito ay may layuning maglahad ng pananaw
ang nagbabasa o nakikinig na lalong ng sumulat nito. Sinusuportahan ang mga pananaw
maunawaan ang mga bagay na tinatalakay. na ito na mga makatotohanang impormasyon na
Ipinaliliwanag ang paksa sa pamamagitan ng hango sa iba’t ibang mga sanggunian na nailahad sa
paglalahad ng isang malinaw at maayos na paraang lohikal. Karaniwang pinupunto ng anyo ng
pamamaraan. At ang anyo ng sintesis na ito sintesis na ito ay ang paglalahd ng katotohanan,
na maglahad ang mga detalye at katotohanan halaga, o kaakmahan ng mga isyu at impormasyong
sa isang paraang obhetibo na walang kaakibat ng paksa. Marapat lamang na tuwing
pinapanigan. naglalahad ng impormasyon ito ay balido upang
higit na paniwalaan ng babasa ang isinulat ng
manunulat.

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 7
MO DYUL 3
Ito ay isang uri ng sintesis na may pinasama-
samang ipormasyon na mayroong iisang
1. Background paksa at karaniwan nitong inaayos ayon sa
synthesis tema at hindi ayon sa sanggunian.

Halos katulad lamang ito ng background


synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa
pinupunto, sapagkat sa ganitong uri ng
5. URI NG sintesis hindi lamang simpleng
SINTESIS 2. Thesis-driven
synthesis pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang
kailangan kung hindi ang malinaw na pag-
uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

Ito ay ginagamit sa pananaliksik na pag-aaral.

3. Synthesis for Kadalasang kahingian ng mga sulatin


the Literature pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu
sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa
kailangang magkaroon ng sintesis ng mga
literaturang kaugnay ng pag-aaral ang isang
papel pananaliksik. Ang kinaibahan ng ganitong
uri ng sintesis sa iba pang sintesis ito ay
tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa
pananaliksik naisinasagawa .

Gamit ang isa sa mga uring ito, makabubuo ka ng isang akademikong sintesis
ng mga magkakaugnay na sulatin. Sa pagsulat ng sintesis, mahalagang bigyang
mo ng pansin ang sumusunod na katangiang dapat taglayin ng isang sintesis
upang higit na mahusay ang iyong isinusulat na sulatin.

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 8
MO DYUL 3
5. Katangian ng Sintesis

Nagsasaad ng tamang Nagpapakita ng Napagtitibay nito ang


impormasyon mula sa organisasyon ng mga nilalaman ng mga
mga sanggunian at teksto na kung saan pinaghanguang akda at
gumagamit ng iba’t madaling makikita ang napalalim nito ang pag-
ibang estruktura ng mga impormasyong
unawa ng nagbabasa sa
pagpapahayag. nagmumula sa iba’t
mga akdang pinag-ugnay-
ibang sangguniang
ginamit. ugnay.

Kung ang isinulat mo na sintesis ay kakikitaan ng mga katangiang ito,


masasabing mahusay ang pagkakasulat mo nito. Bilang isang nagsisimulang
manunulat, isang mahalagang bagay na dapat sanayin ay ang pagtaya sa
isinusulat kung nakasusunod ito sa mga pamantayan at katangiang dapat
taglayin ng isang mahusay na sulatin.

Sa ganitong pamamaraang ito mapananatili ang kalidad ng ginagawa mong


buod at sintesis.

6. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

1. Linawin ang layunin sa pagsulat – Una sa lahat, mahalagang maging malinaw


ang tunguhin ng pagsulat ng sintesis. Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito
ang iyong layunin upang hind imaging mahirap sa iyo ang ginagawang sintesis at
lalong hindi ka malilihis sa iyong isinusulat.

2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang


mabuti ang mga ito – Kung malinaw ang layunin ng pagsulat ng sintesis,
magiging madali ang pagpili at paghahanap ng mga sanggunian para mabuo ito.

3. Buuin ang tesis ng sulatin– Tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang
pangunahing ideya ng isusulat. Ihayag ito gamit ang buong pangungusap. Dapat
naglalaman ang tesis na ito ng ideya ukol sa paksa at ang paninindigan ukol dito.
Marapat na malinaw sa iyo ano ang simula, gitna at wakas ng iyong ginagawan
ng sintesis.

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 9
MO DYUL 3
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin – Ang balangkas na ito ay
nakaayon sa iba’t ibang teknik sa pagdebelop ng sintesis. Depende sa layunin
pumili ng isang teknik o kombinasyon ng mga ito upang magamit sa pagsulat ng
sintesis.

5. Isulat ang unang burador – Tandaan lamang na maging pleksibol sa sarili.


Bagama’t may nakaplanong balangkas., kung mapagtatantong may mahalagang
pagbabago na dapat gawin sa balangkas ay dapt ipagpatuloy ito upang maisama
ang mga puntong nais pang matalakay.

6. Ilista ang mga sanggunian – Gamit ang pormat na pinepreskrayb ng guro,


ilista at ayusin ang mga ginamit na sanggunian.

7. Rebisahin ang sintesis– Basahin muli ang sintesis at tukuyin ang mga
kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at higit sa lahat ang mga
kamalian sa detalye. Isulat muli ang sintesis para maisama ang mga nakitang
punto na dapat baguhin.

8. Isulat ang pinal na sintesis – Mula rebisadong burador, maisusulat na ang


pinal na sintesis.

Binabati kita dahil natapos mo na ang Modyul 3 upang masukat mo ang iyong
natutunan mayroon akong inihanda mga gawain, pagsasanay at pagsusulit.
Huwag kang mag-aalala dahil may sapat kang panahon upang iyo itong
sagutin. 

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 10
MO DYUL 3
Closing Prayer

F. Reperensya
Bernales, Rolando A., Ravina, Elmira A., Pascual. & Maria Esmeralda A. 2017. Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larangan (Akademik at Sining): Filipino sa Piling Larangan Akademiko. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc.

Dela Cruz, Mar Anthony S. 2016. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangak (Akademik): Makati City:
Diwa Learning System Inc.

Evasco, Eugene Y. & Ortiz Will P. 2017. Filipino sa Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan
(Akademik): Quezon City: C & E Publishing House, Inc.

www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Akademik
https://edoc.site/handout-filipino-sa-piling-larangan-pdf-free.html
https://www.scribd.com/document/368491373/Filipino-Sa-Piling-Larangan-Akademik

Fi l i pi n o s a Pil i n g L a r a n g a n ( Ak a d em ik ) 11
MO DYUL 3

You might also like