You are on page 1of 4

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

___________________________________________________ _______________________

Guro: Petsa ng Pagpasa:


___________________________________________________ _______________________

I. SUSING KONSEPTO

Estilo
Paraan kung paano inaayos ng manunulat ang
kaniyang mga salita upang magpahiwatig ng ideya.

ESTILO NG MAY – AKDA SA PAGSUSULAT:


1. AKADEMIK
- Ito ay ginagamit sa pagsusulat na intelektuwal upang maiangat ang antas ng
kaalaman ng mga mambabasa
- Pormal at tiyak ang wikang gagamitin

2. TEKNIKAL
- Uri ng panunulat na ekspositori o nagpapaliwanag
- Direkta at tiyak ang mga salitang gagamitin sapagkat layunin nitong
magbigay
ng impormasyon.

3. JORNALISTIK
- Ginagamit ng mga peryodista upang maglahad ng pangyayari
- Obhektibo, direkta at tiyak

4. PROPESYONAL
- Nakatuon sa tiyak na propesyon kaya maaari itong gumamit ng salita o
ekspresyong ekslusibo sa kanilang larangan

5. MALIKHAIN
- Nagbibigay-halaga sa kasiningan
- Maaaring piksiyon o di – piksiyon
- Gumagamit din ito ng iba’t ibang ekspresyon upang mapayabong ang ideyang
nais ipahiwatig

Bakit mahalagang suriin ang estilo ng may – akda batay sa mga salita at
ekspresyong
ginagamit niya sa kanyang akda?
1. Upang masuri ang kaugnayan ng may – akda sa kanyang akda.
2. Upang malaman kung ang may – akda ay epektibong manunulat.
3.RO_Filipino_Baitang
Upang makilala 10_K1_LP
ang katauhan
5
ng may - akda
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nabibigyang – puna mo ang estilo


ng may akda batay sa mga salita at
ekspresiyong ginamit sa akda at ang
bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding F10PT-lb-
c-62

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

A. PANUTO : Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-


akda sa bawat pahayag. Piliin at salungguhitan ang salitang
nagpapahayag ng damdamin sa bawat pangungusap. Isulat sa
patlang sa unahan ng bilang kung anong damdamin ito.
_____ 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at
mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga
ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya
ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya
ang pagkamatay.”
_____ 2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng
kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang
nangyari sa akin?”
_____ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong
karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag.
Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?”
_____ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang
aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa
pamamagitan ng panaginip.”
_____ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako
kahit na ano.”
B. PANUTO: Bigyang-puna ang estilo ng may – akda sa mga salita at
ekspresiyong ginamit sa pangungusap sa bahagi ng parabula.
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang
katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggawa at bayaran mo sila
magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 5
nang mag- ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig- iisang salaping pilak.
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit
doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak.
Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “
Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samtalang
maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw,
bakit naman pinagpare-pareho niyo ang aming lupa?”

C. PANUTO: Ilahad ang mga damdamin na namamayani sa bawat bahagi


ng parabula sa ibaba.

1. “Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na


makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga”
2. “Bakit wala naming masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri
ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama”, bulong niya sa
sarili.
3. “Tayo na”, sigaw ng porselanang banga na tuwang – tuwa.
4. “Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko
lang na mapreskuhan.
5. Habang siya’y nabibitak at unti – unting lumulubog sa ilalim ng tubig,
naaalala ng bangang lupa ang kaniyang ina.

IV. SUSI SA PAGWAWASTO


(Nasa guro ang magiging pamantayan sa pagpupuntos)

V. REPLEKSIYON
Maraming estilo sa pagsusulat at mas mabuting maaga pa lang
ay alam mo na ito.

Panuto: #SHAREKOLANG. Ibahagi ang iyong mahalagang natutunan mo sa


aralin.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 5
VI. SANGGUNIAN

https://www.memorangapp.com
https://prezi.com Quipper by Marianelle Catahuran in Prezi Next
Panitikang Asyano Modyul ng Mag – aaral sa Filipino ph. 192
Jardin, Roderick A., Filipino 10 Kwarter 1 – Modyul 9: Estilo,
EKSPRESIYON AT BISA NG MGA SALITA, PANSININ NATIN, Deped
Region V, Rawis, Legaspi City

MANUNULAT:
ALEXIS REY D. FOLLOSCO
Guro I, Nabua National High School

LAYOUT ARTIST:

JAYCEL P. LAURENTE
Dalub Guro I, Nabua National High School

ILLUSTRATOR:

JAN ERVIN S. BABOR


Guro I, Nabua National High School

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 5

You might also like