You are on page 1of 4

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________ Baitang/Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: __________

I. SUSING KONSEPTO

Ang kabutihan ay nangangahulugan ng kabaitan, kaaya-aya at


kaayusan. Ito ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti;
kahusayan sa moral at kagalingan. Isa itong positibong katangian at
naipamamalas ito sa pamamagitan ng mabubuti at kapakipakinabang
na mga gawa para sa iba.
Ang katotohanan ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan, katamaan,
katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman, at mabuting paniniwala.
Isang bagay, konsepto o kasabihan na tiyak na tama o may balidasyon
na hindi mapagtatanungan.
Kadalasan din ginagamit ang katotohanan upang magsilbing kahulugan
sa isang pagpapalagay na kaisa ng katunayan o realidad, o katumpakan
sa isang orihinal o pamantayan.
Ang kagandahan ay katangian ng isang tao, hayop, lokasyon o pook,
bagay, o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng
kaligayahan, kahulugan, o pagkapuno (satispaksiyon). Ang katangiang
ito na makikita hindi lamang sa panlabas na kaanyuan maging sa
kalooban at pag-uugali.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


• Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita
ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan batay sa
napakinggang bahagi ng nobela. (F9PN-Ic-d-40)

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Pagsasanay I
Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng nobelang pinamagatang
“Bata… Bata… Paano kaginawa?” naisinulat ni Lualhati
Bautista at sagutan ang mga sumusunod na gawain.

DO_Filipino_Baitang 9_ K1_LP6 Pahina 1


Bata… Bata… Paano ka Ginawa?
Ni Lualhati Bautista
(bahagi lamang)

Dumadarag na lumayo si Ojie, at nakadaan papunta kay Ding. Tatay


Ding. Ba’t may Ding pa, tanong ng isang kapitbahay kay Leo no’ng bagong
lipat pa lang sila sa lugar na ito. Ba’t hindi basta tatay na lang?
To differentiate, sagot niya. Dahil meron siyang Tatay Raffy.
Kaso’y disido talaga si Maya na maging parte ng programa. Hindi ito
papayag na mapull- out. Ano man ang dinaramdam ni Maya ginagawa pa rin
nito ang kanyang best. Sport siya, sabi ni Lea sa sarili. Manang-mana sa
nanay.
At least may sapat na naisip naman sila na ilagay sa huli ang
pagsasabi ng honor students. At least alam nila na ang pinakaimportante sa
umagang ito’y hindi kung sino ang pinakamaganda kundi kung sino ang
pinakamarunong.
At sa wakas, tumugtog ang graduation march at nagmartsa papasok
ang mga batang magsisipagtapos.
“Ladies and gentlemen, here comes kindergarten class, section one,
handled by Mrs. Erlinda Macasaya! Please give them a big hand!”
Idineklara rin si Maya bilang honor student, pangatlo sa mga
nakakuha ng karangalan,
-Del Rosario, et al. Pinagyamang Pluma 9, 31-38
Panuto: Uriin ang tiyak na bahagi ng akdang nabasa na nagpapakita ng
katotohanan, kabutihan at kagandahan. Isulat ang sagot sa iyong
sagotang papel.

KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHAN

DO_Filipino_Baitang 9_ K1_LP6 Pahina 2


Pagsasanay II
Panuto: Uriin ang mga pahayag o bahagi ng akda, isulat ang salitang
katotohanan, kabutihan at kagandahan kung ang isinasaad ng mga
pahayag ayon sa kahulugan nito. Isulat ang iyong sagotsasagutang
papel.

_________ 1. Mahigpit ang order ni Lea na huwag lalagyansi Maya kahit


lipstick. Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang
nakamake-up at lipstick. Imbis na nakagaganda’ysinisira
nitoang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo
ng kamunduhan at karanasan.
_________ 2. At sa wakas, tumugtog ang graduation marchat nagmartsa
papasok ang mga batang magsisipagtapos. “Ladies and
gentlemen, here comes kindergarten class, section one, handled
by Mrs. Erlinda Macasaya! Please give them a big hand!”
_________ 3. Karaniwan na ina lang ang mga may gustong mapalaban ang
anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda, maging ang
pinakamaganda kung maari.
__________ 4. “Syempre!” Baka mamaya,iiyak ka? “bakit ako?” Bibili mo’ko ng
toga gown saka bikini. Maraming perang kailangan do’n!”
_________ 5. “And now, Miss Kinder ’83, Ladies and gentlemen.. because of
her simplicity, her freshness,poise ang total personality…
“pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting hininga.”Maria Natalia
Gascon!”

IV. SUSI SA PAGWAWASTO


Pagsasanay I
Katotohanan Kabutihan Kagandahan

Dumadarag na lumayo si Ojie, at Kaso’y disido At sa wakas, tumugtog


nakadaan papunta kay Ding. Tatay talaga si Maya ang graduation march
Ding. Ba’t may Ding pa, tanong ng na maging parte at nagmartsa papasok
isang kapitbahay kay Leo no’ng ng programa. ang mga batang
bagong lipat pa lang sila sa lugar na Hindi ito magsisipagtapos.
ito. Ba’t hindi basta tatay na lang? papayag na “Ladies and gentlemen,
To differentiate, sagot niya. Dahil mapull- out. here comes kindergarten
meron siyang Tatay Raffy. Ano man ang class, section one,
dinaramdam ni handled by Mrs. Erlinda
At least may sapat na naisip naman
Maya ginagawa Macasaya! Please give
sila na ilagay sa huli ang pagsasabi
pa rin nito ang them a big hand!”
ng honor students. At least alam
kanyang best. Idineklara rin si Maya
nila na ang pinakaimportante sa
Sport siya, sabi bilang honor student,
umagang ito’y hindi kung sino ang
ni Lea sa sarili. pangatlo sa mga
pinakamaganda kundi kung sino
Manangmana nakakuha ng
ang pinakamarunong.
sa nanay. karangalan

DO_Filipino_Baitang 9_ K1_LP6 Pahina 3


Pagsasanay II
1. Katotohanan
2. kagandahan
3. Katotohanan
4. Kabutihan
5. Kagandahan

V. REPLEKSIYON
Panuto: Magbigay ng mga pangyayari sa iyong buhay na sa palagay
mo ay nagpapakita ng Kagandahan, Kabutihan at
Katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Kagandahan-
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Kabutihan-
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Katotohanan-
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

VI. SANGGUNIAN
Aklat:
(1)Bautista, Lualhati (2015) “ Bata Bata Paano ka Ginawa?” Del Rosario, Mary
Grace G. et .al.Pinagyamang Pluma 9, Pilipinas: Phoenix Publishing
House Inc.
Modyul:
(1)Torres, Shiela May P. “ Filipino- Filipino – Baitang 9 Kuwarter 1 Modyul
8:Katotohanan, kabutihan at Kagandahan, Kagawaran ng Edukasyon,
RehiyonV- Rgional Center Site,Rawis,Legaspi City, 4500

Manunulat : Jeffrey V. Rios


Editor : Adrian B. Bulalacao
Tagasuri ng Nilalaman : Sonny A. Taugan

DO_Filipino_Baitang 9_ K1_LP6 Pahina 4

You might also like