You are on page 1of 7

Pangalan: ________________________ Baitang/Pangkat: ____________

Guro: ____________________________ Petsa ng pagpasa: ___________

Susing Konsepto

Ang salitang panuto ay nangangahulugang


“utos”, “babala” o “alituntunin” na dapat sundin sa
isang gawain.
Ang pagsunod sa panuto ay kasanayang
magagamit sa maraming pagkakataon. Kailangan
basahin nang tama upang masunod at makabuo
ng tamang gawain o proyekto.
Makatutulong sa maayos, mabilis, at wastong
pagsasagawa ng utos ang pagsunod sa ibinigay na
panuto.
Ang panuto ay maaaring pabigkas o nakasulat.
Ang mga salitang tulad ng sa kanan, sa kaliwa, sa
itaas , sa ibaba, sa loob, sa labas o sa tabi ay mga
panandang magagamit sa pagbibigay ng panuto.

Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang sa isang


gawain. (F4PN-le-j-1.1)

SDO Filipino Grade 4 Q1 LP12


Gawain 1

Panuto: Bumuo ng isang larawan sa tulong ng panuto sa ibaba. Isulat


ang sagot sa inyong sagutang papel.

https://www.agoda.com/

1. Sa loob ng larawan, gumuhit ng isang malaking isda na


lumalangoy.
2. Kulayan ito ng pula.
3. Sa ilalim na bahagi ng isda ay gumuhit ng isang malaking
bato.
4. Sa ibabaw ng tubig ay gumuhit ng isang bangka.
5. Sa loob ng bangka may isang lalaking namimingwit.

SDO Filipino Grade 4 Q1 LP12


Gawain 2

Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutan ang mga tanong sa ibaba.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagtungo sa Iba’t Ibang Dako


Anonymous

Isang Sabado ng hapon, kasama ng kanilang ama sina Nestor


at Delfin sa pamimili ng kanilang mga kailangan. Tumungo sila sa
Divisoria upang bumili ng telang papantalunin. Bumili rin sila ng
sapatos at sinturon sa Quiapo. Sa Makati naman sila nagmeryenda
noong hapon. Bumili sila ng ice cream at cake bago sila umuwi.

“May pasalubong ka ba sa akin, Itay?” tanong ni Delia nang


dumating ang kanyang ama.

“Aba, Oo. Inuwian ka namin ng dalawang pagkaing paborito


mo,”sagot ng kanyang Ama.

1. Kopyahin ang mga lugar na pinuntahan sa kuwento.

______________, _______________, _____________


2. Isulat ang pagkaing binili ng Ama.
______________, ________________
3. Ano ang pangalan ng dalawang anak na lalaki?
Isulat ito.
______________, ________________

4. Iguhit ang mga bagay na binili nila sa Quiapo.

5. Isulat ang pangalang ng mga bata sa kuwento.


______________, ____________, ______________

SDO Filipino Grade 4 Q1 LP12


Gawain 3

Sundin ang panutong nakasulat sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang


papel.
1. Gumuhit ng isang parisukat. Isulat sa loob nito ang “ Bawal ang
mang-bully ng kapwa”

2. Gumuhit ng apat na puno sa gitna ng dalawang bilog.

3. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito isulat mo ang pangalan ng


iyong magulang.

4. Gumuhit ng hugis puso. Sa kaliwa nito, isulat mo ang unang titik


ng alpabeto.Sa kanan naman, isulat ang huling titik ng alpabeto.

5. Gumuhit ng parihaba. Isulat sa loob ang pangungusap na


“ Nakasusunod ako sa panuto.”

SDO Filipino Grade 4 Q1 LP12


Gawain 1
Gawain 2

Gawain 3

SDO Filipino Grade 4 Q1 LP12


Isulat ang iyong repleksiyon sa guhit sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong na:
Bakit mahalagang matuto tayo sa tamang pagsunod ng
panuto?
Mahalagang matuto tayo sa tamang pagsunod sa
panuto dahil

Fulgueras, W., Ramos, S., at Embestro, R. (2019), Kontekstuwalisadong


Banghay - Aralin sa Filipino, Baitang 4, (Kwarter 1), pah. 104 -
106.

Rama, A.A. (2021), Hakbang ay Sundin Mo, Kuwarter 1, Module 11,


Filipino 4, SDO-Camarines Sur, pah. 4-6.

https://www.agoda.com/pages/agoda/default/DestinationSearchResult.a
spx?poi=213548&site_id=1758158&tag=1062eccd-bf2a
6a7f8189d67a7e8d08b1&device=c&network=o&msclkid=c8fa3c7f
586e106b5a6b5d67aecf347e

Inihanda ni:
GUIA B. ABENGOZA, T-III

SDO Filipino Grade 4 Q1 LP12


SDO Filipino Grade 4 Q1 LP12

You might also like