You are on page 1of 5

Pangalan ng Mag-aaral: ______________________ Baitang/Pangkat: _____________

Pangalan ng Guro: ____________________ Petsa ng Pagpasa: _____________

I. SUSING KONSEPTO

PANG-UGNAY
Ang Pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng kaniyang pangalan
ito ay nag-uugnay sa mga salita, sugnay, parirala o pangungusap Ang Pang-
ugnay ay tumutukoy sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang
yunit o bahagi sa isang pangungusap. Ito ay may tatlong uri gaya ng Pangatnig,
Pang-angkop at Pang-ukol.

A. Pangatnig. Ito ay ang mga salita na nag-uugnay sa dalawa o mga salita,


parirala o sugnay sa isang pangungusap.

Halimbawa ng mga pangatnig:

• At pati nang bago habang


• upang sakali kaya kung gayon
Halimbawang pangungusap (naka-italiko ang pangatnig):
1. Magbanat ka ng buto upang umunlad ang buhay ng pamilya mo.
2. Pumunta sila sa mall at namili ng mga ihahanda sa kaniyang blow out.

B. Pang-angkop. Ito ay ang mga kataga na nag-uugnay sa panuring at sa


salitang tinuturingan nito.
Dalawang halimbawa ng pang-angkop:

Na ng

Halimbawang pangungusap:

1. Isa siyang mapagmahal na ama.


2. Lagi siyang pumipili ng masarap na kainan dito.
3. Iyan lahat ang kaniyang maruruming damit.
4. Hindi ka na makakakita ng masunuring bata sa ngayon.

DO_Filipino-Baitang 9-K1_LP 5 Pahina 1


C. Pang-ukol. Ito ay ang mga salitang nag- uugnay sa isang
pangangalan at sa iba pang salita sa pangungusap.
Halimbawa ng Pang-ukol:
Ng ni/nina kay/kina laban sa/kay ayon sa/kay
para sa/kay alinsunod sa/kay hinggil sa/kay tungkol sa/kay
Halimbawang pangungusap:

1. Alinsunod sa batas, hindi mo na siya puwedeng kasuhan dahil


tapos na ang 10 taon.
2. Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para sa aking pamilya.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


• Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng
pagsunod-sunod ng mga pangyayari (F9WG-Ia-b-41)

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Pagsasanay I
Panuto: Basahin at pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwentong “Anim
na Sabado ng Beyblade gamit ang angkop na pang-ugnay. Piliin ang
iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

dahil kahit nang samantala habang ngunit

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan.


Ksabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali
matapos ang sabay ng paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng
mata, ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay siya 1. ____________
tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami
nakapapag-usap pa 2. _______________ pagpasok ko pa lang sa pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di
nais danasin ng 3. ____________ sino. “Sige na Bo, Salamat sa apat na taon.
Mahal ka namin. Paalam”. Ikaanim na Sabado 4. _____________ paglabas ni Rebo
sa ospital. Huling Sabado na masilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang
beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.
Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap.
Payapang magpapaikot-ikot. Maglalaro nang maglalaro 5. _____________ kaming
mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng
pagkalungkot. -Anim na Sabado ng Reyblade (bahagi lamang) ni Ferdinand Pisigan Jarin

DO_Filipino-Baitang 9-K1_LP 5 Pahina 2


Pagsasanay II
Panuto: Gumawa ng sariling timeline na naglalaman ng pagkakasunod-sunod
ng pangyayari sa kuwentong “ Anim na Sabado ng Beyblade” (bahagi
lamang) ni Ferdinand Pisigan Jarin, gamit ang mga sumusunod na
pang-ugnay.

TIMELINE

SABADO 1 SABADO 2 SABADO 3


Nalalapit na ang
kaarawan ni Rebo,
kaya naman
hinihiling niya sa
kanyang ama na
ipagdiwang ito nang
mas maaga kasya
sa takdang araw.

SABADO 4 SABADO 5 SABADO 6

Pagsasanay III
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayri sa kwentong “Nang Minsang
Maligaw si Adrian” gamit ang mga angkop na pang-ugnay. Gawin sa
iyong sagutang papel.

Nang Minsang Maligaw si Adrian


Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba
ang propesyon (1) ___________ kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa
kanya.
(2) ______________ may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap
niyang maging isang doctor.

DO_Filipino-Baitang 9-K1_LP 5 Pahina 3


Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin (3) __________makapagtapos at
pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang iniisip (4) ______________
mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. (5) ____________ sadya yatang
itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na
doctor. Pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang
pangangalaga ng ama na roon ay may sakit na ring iniinda.
-Peralta Romulo N.et. al, Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral Filipino 9, 14-15.

IV. SUSI SA PAGWAWASTO


Gawain sa pagkatuto
Pagsasanay I
1.habang 3. kahit 5. ngunit
2.ngunit 4. samantala
Pagsasany II.
Pamantayan Puntos
Kalinawan ng mga ideya 5
Kaangkupan ng mga pangungusap 5
Kagamitan ng wastong pang-ugnay sa pangungusap 10
KABUOAN 20 puntos

Pagsasany III.
1.dahil 3. nang
2.dahil 4. kundi 5. ngunit

V. REPLEKSIYON
Panuto: Ipaliwanag sa loob ng limang pangungusap at isulat sa iyong
sagotang papel.
“Bakit mahalagang magagamit nang maayos ang mga pang-ugnay sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay?”

DO_Filipino-Baitang 9-K1_LP 5 Pahina 4


VI. SANGGUNIAN

Aklat:
(1) Jarin, Ferdinand Pisigan (2014), “Anim na sabadong ng Reyblade (bahagi
lamang) mula sa Peralta, Romulo N et. Al. Panitikang Asyano 9
Pilipinas pahina 22-23, Sunshine Inteelinks Publising House Inc.
Modyul:
(1) Elip, Maricris B. “Filipino- Baitang 9 Kuwarter 1 Modyul 7: Angkop na
Pang-ugnay, Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon V. Regional Center
Site, Rawis, Legaspi City 4500
Link mula sa Internet:
(1) brainly.ph/question/1504246; nakuha noong Agosto 16, 2021

(2) brainly.ph/question/239417. nakuha noong Agosto 16,2021

Manunulat : Jeffrey V. Rios


Editor : Adrian B. Bulalacao
Tagasuri ng Nilalaman : Sonny A. Taugan
DO_Filipino-Baitang 9-K1_LP 5 Pahina 5

You might also like