You are on page 1of 14

9 Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pagadian City

FILIPINO
Unang Markahan - Modyul 3
Denotatibo at Konotatibong
Kahulugan

Learning Activity Sheets

(Extracted/Modified from CO/RO10 SLMs)

Name:
Year Level:
Grade & Section:

DO_Q1_FILIPINO9_ Module 3
Filipino 9
Unang Markahan - Modyul 3
Denotatibo at Konotatibong Kahulugan
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin :

Aralin 1: Pagbibigay ng kahulugang denotatibo at konotatibo sa mga

salitang ginamit sa akda.

Alamin
Ano ang Inaasahan Mo?
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
Nabibigyang kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo at konotatibong kahulugan. (F9PT-Ia-b-39)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.

Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa pagbibigay ng literal na kahulugan sa salita o lipon ng mga salita?
a. denotatibo c. idyoma
b. konotatibo d. tayutay
2. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na “Nahimasmasan
ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.”?
a. napabalik c. nahimatay
b. nagising d. nawala
3. “Noong gabing umuwi ang ama na masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang
trabaho sa lagarian.” Alin sa mga salita ang nagbibigay ng kahulugan sa
sinalungguhitan?
a. galit c. tampo
b. inis d. lungkot
4. Batay sa pahayag na “Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,”, ano ang ibig sabihin ng
pahayag na ito?
a. Magkakaroon na sila ng responsableng ama.
b. Magiging masunuring ama na siya.
c. Lalong magiging pasaway ang ama sa kanyang pamilya.
d. Magiging iresponsableng ama pa rin siya.
5. Mula sa pahayag na “Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.”, ano ang nais na
ipahiwatig ng nakasalungguhit na pahayag?
a. hindi mawala c. mapanagutin
1
b. mawala d. magkakamali
6. Batay sa pangungusap bilang 5, ano ang pagpapakahulugang ipinapahayag nito?
a. denotatibo c. tayutay
b. konotatibo d. idyoma
7. Ano ang angkop na kahulugan ng pahayag na “Lalong bumilis ang pag-agos ng
luha ng binata. Muling binuhat ang kanyang ama at muling bumalik sila sa lugar na
kanilang pinanggalingan.”?
a. Hinding-hindi niya na iiwan ang kanyang ama.
b. Wala na siyang pakialam sa kanyang ama.
c. Nagsisi ang anak sa ginawa at bumalik na sila sa kanilang tahanan.
d. Tuluyan nang iniwan ng anak ang ama.
8. Ano pa ang ibang angkop na kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa bilang 7?
a. labis ang kanyang pag-iyak c. dumadaloy ang luha
b. Mabili na tumulo ang luha d. bumaha ng luha
Para sa bilang 9-12.
Uriin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng denotatibo o konotatibong
kahulugan. Piliin sa ibaba ang tamang sagot at isulat sa patlang ang titik nito.
A. denotatibo B. konotatibo
_____9. Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata kanilang
ama.
_____10. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla nasisante
sa kaniyang trabaho sa lagarian.
_____11. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
_____12. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay.

13. “Si Ana ang ama ng tahanan.” Alin sa ibaba ang nararapat na gamiting konotatibo?
a. lampara ng tahanan c. ilaw ng tahanan
b. sigla ng tahanan d. yaya ng tahanan
14. Alin sa ibaba ang mabubuong bagong pangungusap mula sa salitang
sinalungguhitan sa pahayag na ito “Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang
okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito?
a. Ang kaniyang kapatid ay maluwag ang kamay.
b. Sila ay mayroong mapagbigay na ama.
c. Nagkaroon sila ng madamot na kamag-anak.
d. Masyadong maluwag ang ama sa kaniyang mga anak.
15. Batay sa pahayag na ‘Ngayo’y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili
bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong
pagkamatay ng kaniyang dugo at laman.” Ano ang mabubuong denotatibong
kahulugan mula sa salitang sinalunnguhitan?
a. tamang edad c. matanda na
b. murang edad d. wala sa panahon

2
Aralin

Pagpapakahulugang
1 Denotatibo at Konotatibo

Balikan
Gawain 1: Unawaing mabuti ang pahayag na nasa loob ng kahon. Ito ay
nagmumula sa kwentong binasa sa nakaraang modyul. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa loob ng isa o dalawang pangungusap lamang.

“Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot at dahan-dahang inilapag

sa puntod, habang pahikbing nagsasalita.”

Mga tanong:

1. Mula sa pahayag, ano ang maibibigay ninyong hatol sa ama?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Sa tingin mo, ano ang mangyayari sa ama batay sa pahayag na nasa itaas?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tuklasin
Gawain 2: Hulaan Tayo…

Panuto: Isulat sa loob ng tsart kung saan napapabilang ang mga salitang nasa
loob ng kahon . Ihanay sa denotatibo at konotatibo ang inyong kasagutan.

ama ina haligi ng tahanan

Ilaw ng tahanan may gatas sa labi bata pa

3
Denotatibo Konotatibo

Bago ka magpatuloy sa pagsagot sa

susunod na gawain, alamin muna natin kung
may sagot ka na sa sumusunod na tanong.
Ibatay ang iyong sagot sa Gawain 2 ng
modyul na ito.
1. Alin sa mga salita ang nagsasaad ng
direktang matatagpuan sa diksyunaryo?
2. Alin naman sa mga salita ang
nagpapahayag ng malalim na
kahulugan?
Kung may sagot ka na sa dalawang tanong,
binabati kita dahil handa ka na para sa susunod
na gawain.

Suriin
Unawain Mo
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang sipi mula sa
kuwentong Ang Ama.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanilang ng dalawang supot na puno ng
pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang
ina ay masayang nakiupo sa kanila’t kumain nang kaunti.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang -masama ang timpla dahil nasisante sa
kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui-mui ay nasa gitna ng isang mahahabang halinghing at hindi
mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang
ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa
kabilang kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng
bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa
pamamagitan ng malamig na tubig.

4
Gawain 3: Tukuyin Mo

Panuto: Pansinin ang mga sinalungguhitang salita o pahayag. Alamin kung

napapabilang ba sila sa denotatibo at konotatibo. Isulat sa loob ng talulot ang inyong
kasagutan.

Denotatibo Konotatibo

Mga gabay na tanong:

Mula sa ginawa sa Gawain 3, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng denotatibo? Ng konotatibo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Paano ninyo nasabi na ang salitang pinangkat ay nabibilang sa denotatibo at
konotatibo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Mahalagang bang matutunan ang pagbibigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan?
Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Bilang mag-aaral, paano mo gagamitin ang denotatibo at konotatibo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Alam Mo Ba?

Ang denotatibo ay ang literal na

pagpapakahulugan o salitang direktang
matatagpuan sa diksyunaryo.

Ang konotatibo ay ang malalim

na pagpapakahulugan sa isang salita o
mga salita.
5
Gawain 4: Gamitin Mo

Panuto: Upang higit mong maunawaan ang denotatibo at konotatibo. Gamitin sa

pangungusap ang mga salitang itinala sa Gawain 3. Isulat ang sagot sa patlang.

1. _________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________

3. _________________________________________________________________

4. _________________________________________________________________

5. _________________________________________________________________

6. _________________________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 5: Ibigay Mo Na…

Panuto: Bigyan ng angkop na denotatibo at konotatibong kahulugan ang mga
sumusunod na salita na kinuha mula sa akdang binasa. (May pagpipilian sa kahon sa
ibaba.) Pagkatapos, gamitin sa pangungusap ang mga salita ayon sa konotatibong
kahulugan nito.
Denotatibo Salita o mga Salita Konotatibo
kaluwagang palad
masamang-masama ang
timpla
pagkain na hirap nilang
ubusin
malamig na tubig
wala sa panahong
pagkamatay

hindi masarap hindi pa dapat mamatay bata pa nang mamatay

mapagbigay nahihiyang ubusin ang pagkain manhid
hapit bahagyang bukas ang kamay
sagana sa buhay tubig na malamig

1. kaluwagang-palad
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. masamang -masama ang timpla

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. pagkain na hirap nilang ubusi

___________________________________________________________________
________________________________________________________
6
4. malamig na tubig
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. wala sa panahong pagkamatay

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip
Gawain 6: Gagawin Ko Pa

Panuto: Bigyan ng angkop na denotatibo at konotatibong kahulugan ang mga

sumusunod na salita. Isulat sa patlang ang inyong kasagutan.

Denotatibo Konotatibo

_______________________ 1. ahas _______________________

_______________________ 2. pusong itim _______________________

_______________________ 3. buwaya _______________________

_______________________ 4. pusang itim _______________________

7
_______________________ 5. nagsusunog ng ________________________
kilay
Isagawa
Gawain 7. Sulatin Mo

Panuto: Sumulat ng ilang pangyayari sa iyong buhay gamit ang mga salitang
binigyan ng denotatibo at konotatibong kahulugan sa Gawain 6. Isulat sa kahon ang
inyong sagot.

__________________________________________________

______________________________________________________

8
Gawain 8: Ikuwento Mo

Panuto: Sumulat ng dalawang talata tungkol sa karanasan mo sa buhay na

ginagamitan ng denotatibo at konotatibong salita. Salungguhitan ang salitang may
denotatibong kahulugan at bilugan naman ang salitang may konotatibong

Narito ang batayan sa pagbibigay ng marka sa pagsulat ng talata.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 ISKOR

Masining at magkakaugnay na
ideya
Masining na paggamit ng
denotatibo at konotatibo
Malinaw at organisado ang mga
salita
KABUUAN

_____________________________
Pamagat

____________________________________________________
__________________________________________________________

9
Buod
Sa modyul na ito ay binigyan ng diin ang pagbibigay ng denotatibo at
konototatibong kahulugan ang mga pahayag na ginamit sa akda. Para lalo pang
maunwaan ng mag-aaral ang paksang tinalakay ay gumawa pa sila ng mga gawain.

Pinagamit din ang denotatibo at konotatibo sa pangungusap upang lalo nilang

mapalalim ang kanilang pang-unawa sa natalakay.

Masusukat sa modyul na ito, ang kasanayan at pang-unawa ng mga mag-aaral

sa paksang nalaman.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat
bilang. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa pagbibigay ng literal na kahulugan sa salita o lipon ng mga salita?
a. denotatibo c. idyoma
b. konotatibo d. tayutay

2. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na “Nahimasmasan

ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.”
a. napabalik c. nahimatay
b. nagising d. Nawala

3. “Noong gabing umuwi ang ama na masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang
trabaho sa lagarian.”Alin sa mga salita ang nagbibigay ng kahulugan sa
sinalungguhitan?
a. galit c. tampo
b. inis d. lungkot

4. Batay sa pahayag na “Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-

dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,”, ano ang maaaring mangyari
sa ama?
a. Magkakaroon na sila ng responsableng ama.
b. Magiging masunuring ama na siya.
c. Lalong magiging pasaway ang ama sa kanyang pamilya.
d. Magiging iresponsableng ama pa rin siya.

5.Mula sa pahayag na “Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.”, ano ang nais na
ipahiwatig ng nakasalungguhit na pahayag?
a. hindi mawala c. mapanagutin
b. mawala d.hindi magkakamali

6. Batay sa pangungusap bilang 5, ano ang pagpapakahulugang ipinapahayag nito?

10
a. denotatibo c. tayutay
b. konotatibo d. idyoma

7. Bigyan ng angkop na kahulugan ang pahayag na “Lalong bumilis ang pag-agos ng

luha ng binata. Muling binuhat ang kanyang ama at muling bumalik sila sa lugar na
kanilang pinanggalingan.”
a. Hinding-hindi niya na iiwan ang kanyang ama.
b. Wala na siyang pakialam sa kanyang ama.
c. Nagsisi ang anak sa ginawa at bumalik na sila sa kanilang tahanan.
d. Tuluyan nang iniwan ng anak ang ama.

8. Bigyan ng ibang angkop na kahulugan ang salitang nakasalungguhit sa bilang 7.

a. labis ang kanyang pag-iyak c. dumadaloy ang luha
b. Mabili na tumulo ang luha d. bumaha ng luha

Para sa bilang 9-12.

Uriin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng denotatibo o konotatibong
kahulugan. Piliin sa ibaba ang tamang sagot at isulat sa patlang ang titik.nito.
A. denotatibo B. konotatibo
_____9. Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata kanilang

ama.

_____10. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla nasisante

sa kaniyang trabaho sa lagarian.

_____11. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.

_____12. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay.

13. “Si Ana ang ama ng tahanan.” Piliin sa ibaba ang nararapat na gamiting
konotatibo.
a. lampara ng tahanan c. ilaw ng tahanan
b. sigla ng tahanan d. yaya ng tahanan

14. Bumuo ng bagong pangungusap mula sa salitang sinalungguhitan sa pahayag na

ito “ Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama
ng kaluwagang-palad nito.
a. Ang kaniyang kapatid ay maluwag ang kamay.
b. Sila ay mayroong mapagbigay na ama.
c. Nagkaroon sila ng madamot na kamag-anak.
d. Masyadong maluwag ang ama sa kaniyang mga anak.

11
15. Batay sa pahayag na ‘Ngayo’y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili
bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong
pagkamatay ng kaniyang dugo at laman.” Ano ang mabubuong denotatibong
kahulugan mula sa salitang sinalunnguhitan?
a. tamang edad c. matanda na
b. murang edad d. wala sa panahon

Karagdagang Gawain
Bigyan ng denotatibo at konotatibong kahulugan ang salita o pariralang
sinalungguhitan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Lumaki ang bata na may gintong kutsara.

denotatibo _____________________

konotatibo _____________________

2. Hindi ka pa puwedeng mag-asawa dahil may gatas ka pa sa labi.

denotatibo _____________________

konotatibo _____________________

3. Ang kaniyang anak ay di makabasag pinggan.

denotatibo _____________________

konotatibo _____________________

4. Huwag kang maging tuta sa taong niloloko ka lang.

denotatibo _____________________

konotatibo _____________________

5. Masyadong mahangin ang aming kapitbahay.

denotatibo _____________________

konotatibo _____________________

12
13

You might also like