You are on page 1of 4

MALIKHAING PAGSULAT

(BAITANG 12)

WEEK 2
PANGALAN: __________________________________ Petsa: __________________
TAON AT ISTRAND: __________________________ Iskor: __________________

Paksa: Mga Karanasan Kaugnay ng mga Ideya sa Pagsulat ng Malikhain

Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga ideya mula sa mga karanasan (HUMSS-
CW/MP11/12–Ia–b-2)

Layunin:
 Nagagamit ang sariling karanasan sa pagbuo ng ideya sa pagsulat ng malikhain.
 Natutukoy ang ideya ng akda mula sa isang karanasan.
 Nakasusulat ng malikhaing sulatin gamit ang ideya mula sa karanasan.

Konsepto ng Aralin

Mayaman sa imahinasyon ang mga malikhaing manunulat. Karaniwang ginagamit


nila ang sariling karanasan upang makabuo ng ideya sa naiisip na isulat. Ang mga
pangyayari sa buhay ng manunulat na binibigyang-kulay ng kanilang mayamang
imahinasyon ang nagiging daan upang ang mga nakatagong ideya ay lumabas at makabuo
ng isang mahusay at makabuluhang akda.

Ang ideya na umiiral sa isipan at kamalayan ng mga manunulat mula sa mga


tinipon na saloobin at pananaw na siyang magpapakilos para makaisip ng magandang
lilikhain sa panulat. Kadalasang ang ideya ay nabubuo sa mga usapin o talakayan na
napagdaanan ng manunulat na tinatawag na karanasan.

Kabilang sa mga karanasang ito ang paggamit ng damdamin at mga pandama tulad
ng nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan, at nadarama. Ang mga naranasan gamit
ang pandama ay makalilikha ng ideya at mensahe para maipahayag ang paksang nais
isulat nang masining, ang kailangan lamang ay mabigyan ito ng buhay.

May mga pagkakataong ang mga manunulat ay natatanong kung saan sila
humuhugot ng ideya sa kanilang pagsusulat. Samantalang may iba naman na inaakalang
may pumupukaw o inspirasyon para makasulat ng mahusay. Ang inspirasyon ay kung
kailan lang nais dumating, paano kung walang lumitaw?

Sa katotohanan, maraming maaaring pagkunan ng paksa sa pagsulat. Kung


tutuusin, hindi naman ang hinahagilap na ideya ang kailangang lumitaw kundi ang
pagpili ng mga maaaring kuwento, tema, mga tauhan, at gayundin sa wika.

Ang ideya sa pagsulat ay kabuuan ng mga nalalaman mula sa karanasan ng


manunulat kagaya ng kinagigiliwang libangan, mga bagay na kinawiwilihan, binabasa,
mga palabas, lugar na pinuntahan, mga alaala ng nakaraan, mga natuklasan sa
pagsasaliksik at marami pang ibang mapaghahanguan ng ideya.

Isama sa ideya ng pagsulat ang mga matatalinhagang salita na nagmumula sa


balintataw ng sumulat na maaaring humahango sa mga karanasang pinagdaanan ng
manunulat. Kailangang magkaroon ng sariling estilo at orihinalidad upang ang akda ay
mataguriang malikhain.

Ang susi ng pakamalikhain ay likha ng sariling mga karanasang batid ng


manunulat at ang kanyang mapaglarong imahinasyon na tutulungan ng mga bagay at
impormasyon mula sa pagsasaliksik.

Gawain I

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang ugnayan ng ideya at karanasan ayon sa
mga nakasaad na pangungusap.

Bukas na Kanal
ni: Ana Maria L. Josue

Napakalakas ng ulan, umaalimpuyo, kaya naging sanhi ito ng pagbaha


sa lugar na kinaroroonan naming ng kaibigan ko. Sumilong muna kami
sa tindahan at nang tumila na nagpatuloy kami ng paglalakad para
umuwi na. Lumusong kami sa malakapeng baha na lampas sakong ang
taas. Tangan ko ang payong, nagtatawanan kaming sinagasa ang baha.
Nagsasalita ako, walang sumasagot. Wala siya!. Lingon ako kaliwa’t kanan
nang marinig ko ang boses niya sa bandang ibaba ko, “Ann, tulungan mo
ako.” Nagulat ako, “Ayy! Anong ginagawa mo d’yan?” Kalahating katawan
ang nakalitaw, nakataas ang dalawang kamay na animo’y sisigaw ng
Darna para makaalis sa kanal na kinahulugan. Nang makaahon,
“Alanghiyang kanal yan!!, sabi niya habang pinipiga ang basang laylayan
ng t-shirt, “Bakit ba hindi nila takpan yan?!?” Tinakpan ko ang aking
bibig, di ko malaman kung ako ba ay hahagalpak ng tawa o mambubuska
pero sa totoo lang ninerbiyos din ako sa nakita kong ayos n’yang
kalahating katawan kanina.

1. Ang ideya ng kuwentong inilahad ng may-akda ay _____.


A. alamin ang dinadaanan
B. huwag lulusong sa baha
C. kapain ang dinadaanan
D. mag-iingat sa mga lugar na pinupuntahan

1. Ginamit ng may-akda ang _____ upang mailarawan ng husto ang kanyang


pagkukuwento.
A. nakikita
B. nalalaman
C. nalalasahan
D. naririnig
2. Ang _____ ng may-akda ay nagpalawak sa kanyang paglalahad ng akda
A. imahinasyon
B. impormasyon
C. kaalaman
D. pagsasalaysay

3. Hinango ang ideya ng paksa mula sa _____ ng may-akda.


A. impormasyon
B. karanasan
C. nabasa
D. nalalaman

5. Nagkaroon ng impak ang pagkukuwento dahil sa napiling _____ ng may-akda


mula sa kanyang karanasan.
A. ideya
B. mensahe
C. salaysay
D. wika

Gawain II

Panuto: Sumulat ka ng iyong karanasan mula sa nakatalang kahilingan sa bawat bilang.


Tukuyin mo ang ideya ng iyong isinulat mula sa karanasang ito. Isulat ang sagot
sa inilaang papel.
1. Paaralan
Ideya: ___________________________________________________________
Karanasan: ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Pamilya
Ideya: _________________________________________________________
Karanasan:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Komunidad
Ideya: _________________________________________________________
Karanasan:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Pamantayan sa pagmamarka:

Nilalaman-10

Nakapaglahad ng karanasan-10

Kaayusan at kalinisan-5

Kabuuang puntos- 25

You might also like