You are on page 1of 3

MALIKHAING PAGSULAT

(BAITANG 12)

WEEK 5
PANGALAN: __________________________________ Petsa: __________________
TAON AT ISTRAND: __________________________ Iskor: __________________

Paksa: Pagtukoy sa Iba’t Ibang Elemento, mga Teknik, at Kagamitang Pampanitikan sa


Panulaan

Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang elemento, mga teknik, at kagamitang
pampanitikan sa panulaan
Layunin:
 Natutukoy ang iba’t ibang elemento, mga teknik, at kagamitang pampanitikan sa panulaan
 Naiisa-isa ang iba’t ibang elemento, mga teknik, at kagamitang pampanitikan sa panulaan
 Nasusuri ang iba’t ibang elemento, mga teknik, at kagamitang pampanitikan sa
halimbawang panulaan.

Konsepto ng Aralin

Ang Tula ay pagsasama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at kaisipan,
nadaramang mga kaisipan, nakikita ng mga mata, nauunawaan ng isip, at tumutuloy sa
damdamin.
Ang makata ay may mayamang imahinasyon, sensitibong pandama, at matayog na kaisipan
Ang mahusay na tula…
• May larawang diwa
• Gumigising ng damdamin at kamalayan
• Pinapagalaw ang guniguni ng mambabasa

Mga Elemento o Sangkap


1. Tugma Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod
ng tula.
Halimbawa: Sa loob at labas ng bayan kong sawi Kaliliuha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami Naamis sa hukay ng dusa’t pighati
Tugmaang Patinig pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig
Tugmaang Katinig pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig
Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s
Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r, y

2. Sukat Bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang mga tradisyonal na anyo ng tula ay may sukat na
12, 14, 16.
Kung lalabindalawahin ang sukat, ang sesura o hati ay nasa ikaanim na pantig.
Halimbawa: Ang lahat ng ito / maawaing langit,
Iyong tinutunghay /, ano’t natitiis?
Wala ka ng buong / katwiran at bait,
Pinapayagan pang/ ilubog ng lupit.
3. Paksa/Kaisipan Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais
iparating Halimbawa: “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos Kapag hindi matibay ang pisi ng isang
guryon, ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao na nagpapakataas at di inaalagaan ang matagal na
pinapangarap ay tiyak na babagsak.
4. Talinghaga Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula, pagpili ng
salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa tula
5. Imahen o Larawang-diwa Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o
konsepto sa nais ipakahulugan
6. Aliw-iw Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula
7. Tono Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa, pagkagalit, at iba
pa
8.Persona Tauhang nagsasalita sa tula
9.Diksyon tumutukoy sa tamang pagpili ng may-akda sa mga salitang gagamitin sa tula.

Ang tula ay isang awit nag-aangkin ng melodiya o tono, nararamdaman sa indayog o ritmo

Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas at Pagbuo ng Tula


1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilalaman at paksa ng tula.
2. Masining ang tula kung ginagamitan ng tayutay. Nakatutulong ito upang maging mabisa at
kaakit-akit ang tula.
3. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay nagiging mabisa at kapupukaw ng interes ng
mambabasa.
4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-uulit
ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-patinig.

Mga Anyo ng Tula


1. Tradisyonal Ito ay sumususnod sa lumang pamamaraan ng pagsulat. Nagtataglay ito ng
apat na sangkap - sukat, tugma, talinghaga, at kaisipan.
2. Malayang Taludturan Mga tulang walang sukat at tugma ngunit nagtataglay naman ng
talinghaga at kaisipan

Gawain I

Panuto: Kilalanin ang inilalarawan ng bawat bilang. Piliin sa kahon ang kasagutan. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng sagot.

sesura Tugma Sukat Kaisipan Talinghaga Imahen


Aliw-iw Tono Persona Tula Banghay Malaya
Tradisyunal Ritmo

_________1. Pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng


tula.
_________2. Bilang ng pantig sa bawat taludtod.
_________3. Ang pantay na hati ng taludtod sa tradisyunal na tula
_________4. Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating
ng tula.
_________5. Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula, pagpili ng salita
at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa tula.
_________6. Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais
ipakahulugan.
_________7. Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula
_________8. Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa, pagkagalit, at
iba pa.
_________9. Tauhang nagsasalita sa tula.
_________10. Isang awit na nag-aangkin ng melodiya o tono, nararamdaman sa indayog o ritmo.

Gawain II

Siguradong marami ka nang nalaman tungkol sa iba’t ibang elemento, mga teknik, mga
kagamitang pampanitikan sa panulaan. Nagiging malikhain ito dahil sa makatang bumubuo nito.
Panuto: Bumuo ng tula na tumatalakay sa mga kaisipang inilalahad ng larawan. Gamitin ang likod
na bahagi ng papel para sa bubuuing tula.
Pamantayan sa pagmamarka:

Nakagamit ng elemento, Teknik, at kagamitan sa panulaan-10

Nilalaman- 10

Kaayusan at gamit ng wika-5

You might also like