You are on page 1of 5

1

Karanasang batay sa Pandama/Pagsulat batay sa nakikita,


naaamoy, naririnig, nadarama, at nalalasahan
ARALIN 2

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nalalaman ang mga paraan upang matukoy at malarawan ang mga bagay;
Nalilinang ang kasanayan sa paggamit ng limang pandama;
Nakahuhugot ng mga ideya mula sa mga karanasan; at
Nakasusulat ng tula at kuwento na hango sa karanasan.

MAKISALI

Warm It Up!

Gawain 1. Magmasid!

1. Pagmasdan mo ang iyong paligid, maghanap ka ng bagay na maaaring maging


simbolo ng iyong pagkatao.
2. Maaari kang lumabas, tingnan at pakiramdaman ang iyong paligid. Pag nakita
muna ang bagay na iyon, bumalik ka sa loob ng inyong bahay o sa loob ng klasrum.
Dala-dala ang bagay na masasabing mong sumisimbolo ng pagiging ikaw.
3. Iguhit mo ito sa itong kwaderno. Pagkatapos maiguhit, gawan mo ng tula ang
bagay na ito na sumasalamin ng iyong pagiging ikaw.
4. Maaari kang gumawa ng malayang taludturan ng tula. Alam kong may alam ka
sa paggawa ng tula.
5. Pagkatapos mong makagawa, may mga tanong kang sasagutin.
Paalala: Kinakailangan na mayroon kang kuwaderno sa Malikhaing Pagsulat
(Experiment Notebook kulay asul/blue) upang doon isulat ang mga sagot.

Mga Tanong:
1. Madali lang ba para sa iyo ang gawain? Patunayan.
2. Ano ang iyong naging suliranin sa ginawnag gawain?
3. Sa tingin mo, nakatulong ba ang gawain na ito upang magamit ang iyong
pakiramdam? Bakit?

Ano ang
Alam Ko!

Gawain 2. Konotasyon at Denotasyon

1. May mga salita akong ibibigay, ngayon ang gagawin mo bigyang kahulugan
kung ano ang gamit nito sa iyo o sa iyong pagsulat.
2. Maaari ring sumangguni ka sa diksyunaryo sa pagbibigay nito ng katuturan.
Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa ating limang (5) pandama.
3. Ibigay ang konotasyon at denotasyon ng bawat salita.

Salita (5 Pakiramdam) Konotasyon Denotasyon


1. Nakikita

2. Naririnig

3. Naaamoy

.
2

4. Nadarama

5. Nalalasahan

PAGGALUGAD

Lay it
Down!

Gawain 3. Pagnilayan Mo!

1. Ngayon naman, may mga tula akong ilalahad sa ibaba. Ang gagawin lamang
gamit an gating 5 pakiramdam, alamin kung anong pakiramdam ang ginagamit sa bawat
taludtod ng tula.
2. Suriing mabuti ang bawat tula. Dito malalaman kung gaano kahusay ang iyong
pag-iisip o kamalikhain sa pag-iisip gamit ang pandama.

Sina T at M
Si M ay kulot ngunit si T ay banat.
Si M ay malusog habang si T ay payat.
Si M ay nakangiti, minsan galit at
kung minsan pa nga’y umiiyak.
Samantalang itong si T
walang emosyong mabanaag.

‘Sari-saring Bisa’
Virgilio Almario

May tulang naglalambing


May tulang nanduduling
May tulang nanlalasing
May tulang nanggigising.

PAGPAPALIWANAG

Alaming
Mabuti

Gawain 4. Basahin Mo ‘Ko

Basahing mabuti ang sumusunod na teksto. Talakayin kasama ang iyong katabi ang
inyong naintindihan hinggil dito. Kung mayroong tanong, itanong lamang ito sa iyong guro.
Sanggunian:

.
3

Karanasang batay sa Pandama/Pagsulat batay sa nakikita, naaamoy,


naririnig, nadarama, at nalalasahan

Ang karanasang batay sa pandama o pagsulat batay sa nakikita, naaamoy,


naririnig, nadarama, at nalalasahan ay sumasalamin din sa kung paano mo inilalarawan
ang iyong nakita, naamoy, nahawakan at nadarama. Ngayon, ano nga ba ang
paglalarawan? Ang paglalarawan ay isnag paraan ng pag-araw-araw na pagpapahayag na
dapat nating matutunan. Ang paglalarawan ay nauuri ayon sa pakay o layunin ng
nagpapahayag na inihahatid naman ng instrumentong ginamit natin sa paglalarawan. May
mga pagkakataon namaaaring hindi natin namamalayang nakapaglalarawan na pala tayo.
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-
palagay. Maaaring tungkol sa tao, hayop, bagya, lugar at pangyayari. Ginagamitan ito ng
makulay, mahuhugis at maaanyo at iba pang mapapandamang (naaamoy, nalalasahan,
naririnig) pananalita.

May tatlong paraan ng paglalarawan:


1. Batay sa pandama- nakikita, naaamoy, nalalasahan, nahahaawakan, at naririnig.
2. Batay sa nararamdaman- bugso ng damdamin.
3. Batay sa obserbasyon- batay saobserbasyon ng mga pangyayari.

Mga uri ng Paglalarawan


a. Konkreto/Karaniwan/Obhetibong Paglalarawan. Nagbibigay lamang ng
impormasyon sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng saloobin at ideya ng paglalarawan.
Ibinibigay lamang nito ang karaniwang anyo sa pagmalas ng pangkalahatan.
b. Masining/Obhetibong Paglalarawan. Nagkakaroon ng isyu o nagkakaroon ng
pagtatalo sa masining o subhetibong paglalarawan. Nagiging subhetibo kapay ito’y
masining, nangangahulugang paano titingnan ang isang bagay. Ang sining ay dapat bang
tumutugon sa lipunan? Ginagamit din ang masining na paglalarawan sa panitikan, gaya
sa tula, nobela, at maikling kuwento. Hindi rin dapat kaligtaan an ito’y ginagamit na may
layunin. Sa kabuuan, pinagagalaw ng masining na paglalarawan ang guniguni ng
bumabasa o nakikinig upang Makita ang isang larawan ayon sa kanyang nakikita at
nadarama.
c. Teknikal na Paglalarawan. Pangunahing layunin ng siyensiya ang
mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman mula sa mundo at
kalawakan, kaysa matuon ang manunulat ng teknikal na sulatin ang eksaktong
representasyon ng mga bagay-bagay at pangyayari. Sa pagkakamit ng kaeksaktuhan o
kaakmaan, kalimitang gumagamit ng mga ilustrasyon ang manunulat ng teknikal na
sulatin upang Makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan. Subalit hindi
pa rin sapat ang mga ilustrasyon at/o drowing o litrato upang magbigay ng sapat na
representasyon. Tumutulong ang mga ito sa pagpapakita ng larawan. Ngunit hindi
sinasasgot ang mga sumusnod na mga katangungan: Ano iyon? Para ano iyon? Ano ang
nagagawa? Ano ang nangyayari pagkatapos na magawa iyon? Saan iyon gawa? Ano-ano
ang mga batayang bahagi niyon? Upang masagot nang buo ang mga katanungang
nabanggit, kailangan munang sa panigin ng manunulat ang malinaw na larawan ng bagay
o prosesong inilalarawan. Kailangan ding may sapat na kaalaman siya sa pagbibigay ng
pangalan sa mga bahaging inilalarawan at sa mga kaugnayan ng mga ito sa bawat isa.
Higit sa lahat, kailangang malaman niya a ng layunin o tungkulin ng bagay o organismo.

PAGPAPALALIM

App It Up!

Gawain 5. Spoken Poetry!

.
4

Ngayong alam na ninyo ang mga kasanayan sa pagsulat gamit ang pandama o ang
limang pandama, tayo nang gamitin ito.
1. Isa ka sa mga mag-aaral na napili ng iyong guro na sumali sa patimpalak sa
spoken poetry.
2. Habang iniisip mo kung paano isusulat ang iyong spoken poetry naisip mo ang
mga nagdaan, ang mga gunita o karanasan kaya ito ang naisip mong isulat para
makagawa ka ng tula bilang spoken poetry.
3. Dahil dito, nagpasiya kang hahanguin mo sa karanasang ito ang mga unang
talata ng iyong tula. Iuugnay mo rin sa karanasang ito ang iyong pagiging kompositor
ngayon.
4. Gagawin mong malikhain ang bahaging ito dahil alam mong kailangan mong
hatakin ang atensiyon ng iyong mga tagapakinig (ang mga nasa ganitong edad ay may
maikling attention span).
5. Tatayain ang iyong isusulat na mga talata ayon sa paggamit ng malikhaing
salita, wastong grammar, organisasyon ng mga ideya, at dating sa mambabasa.
6. Isulat ang iyong spoken poetry, sa iyong kuwaderno sa Malikhaing Pagsulat.

Rubriks sa Paglikha ng Tula:

Nakuha ng maayos Hindi masyadong Hindi nakuha ang


Pamantayan sa Paghusga ang pamantayan (10 nakuha ang pamantayan (5
puntos) pamantayan (8 puntos) puntos)
1. Mahusay na
organisasyon ng mga
ideya sa isusulat na
talumpati
2. Kakikitaan ng
orihinalidad sa paggawa
3. Wasto ang gramatika,
pagbaybay ng mga salita
sa pagsulat.
4. Malikhain at maayos
ang pagkakasulat ng
talumpati
5. May dating sa madla
ang pagkakasulat

PAGTATAYA

TAYAIN
NATIN!

Gawain 7. UNAWA AT NAUNAWAAN


Panuto: Sagutin ng mga sumusunod na mga katanungan.
1. Bakit mahalaga sa pagsulat ang paggamit ng limang pandama?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano-Ano ang limang pandama na ginagamit sa pagsulat ng mga malikhaing sulatin?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano mo magagamit ang iyong pandama para makasulat ng isang sulatin?


.
5

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, may malaking maitutulong ba ang karansan para makasulat ng isang
malikhaing sulatin?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo pa malilinang ang iyong pandama?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Power Up!

Gawain 8. Ikuwento Mo!

1. Ngayon naman, gumawa ka ng kuwento, isang kuwento ng karanasan na


gumagamit ng limang pandama.
2. Ang kuwentong ito ay upang malaman kung gumagana ang iyong limang
pandama.
3. Maging malikhain sa paggawa. Ang iyong gawa ay isulat sa iyong experiment
notebook.

Inihanda ni:

Bb. MARIVIC D. CUBERO


Guro sa Filipino (Malikahaing Pagsulat)
Hunyo 12, 2020
Datu Lipus Makapandong NHS

You might also like