You are on page 1of 6

=

FILIPINO 9
Ikatlong Markahan
Ikalawang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: LILIBETH B. BANGHE


Evaluator: Nerissa Linell Joie L. Apellanes
Learning Area Supervisor: Carlos Tian Chaw C. Correos

Illustration Credits:
Title Page: Marieto Cleben V. Lozada
Tittle Page Graphics: Bryan L. arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Pamantayan sa Pampagkatuto: Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na
nagpapasidhi ng damdamin (F9WG-III-c-53)

Mga Layunin: Pagkatapos ng isang linggo, ikaw ay inaasahang

Kaalaman: Nakatukoy ng mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin


sa binasang tula.

Saykomotor: Nakasulat ng mga pangungusap gamit ang mga angkop na pang-uri na


nagpagpapasidhi ng damdamin

Apektib: Nabigyang-halaga ang gamit ng mga angkop na pang-uri sa pagpapasidhi ng


damdamin

Pangkalahatang konsepto:

Leksiyon

Gamit ng Pang-uri sa Pagpapasidhi ng Damdamin

Sa pagpapahayag ay mahalagang maipakita ang damdaming nais bigyang-diin o pangibabawin


upang higit na maipahayag ang kaisipan o bagay na nais maiparating. Narito ang ilang paraan kung paano
maipahayag ang masihing damdamin:

1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri


* Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binigkas ang sariling wika
* Mainit na mainit ang damdamin
2. Sa pamamgitan ng paggamit ng panlaping napaka, nag-an, pagka-at kay, pinaka, ka-an upang
mapasidhi ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
* Napakaganda ang wika nating mga Pilipino.
* Nagtatangkaran ang mga dayuhan sa pagtitipon.
* Pagkasaya-saya ng mga dayuhang bumibusita sa bansa.
* Pinakanagustuhan ng tao ang balagtasan sa palatuntunan.
* Kapita-pitagan ang mga Pilipinong gumamit ng sariling wika.
3. Sa pamamagitang ng paggamit ng salitang ubod, hari, sakdal at pinagsamang walang at kasing upang
mapasidhi ang pasukdol na katangian ng pang-uri.
* Walang kasingsarap sa pandinig ang wikang Pilipino.
* Sakdal husay ang galling ng mga Pilipino sa pagbigkas ng tula.
* Ubod ng lakas ang palakpak na natanggap niya mula sa manonood.
4. Sa pamamagitang pagpapasihi ng anyo ng pandiwa.
* Paggamit ng panlaping magpaka.
* Paggamit ng panlaping mag at pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat.
* Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping mag at nagkakaroon ng pag-uulit sa unang pantig ng
salitang ugat.
5. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa gaya ng:

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
1
* Padamdam – nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
* Maikling sambitla – ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.

Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang


papataas ang antas nito?
Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo.

Halimbawa: 4. Poot 4,. Pagmamahal 4. Ganid

3. Galit 3. Pagliyag 3.Gahaman

2. Asar 2. Pagsinta 2. Sakim

1.Inis 1. Paghanga 1. Damot

Gawain 1: Magagawa natin!

Panuto: Basahin ang kasunod na Elehiya Kung Tuyo na ang Luha mo Aking Bayan.
Salungguhitan ang mga salitang pang-uri.

Kung Tuyo na ang Luha mo,Aking Bayan


ni Amado V. Hernandez

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: ang
Lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,

Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;


Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapit hapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ring ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


May araw ring di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo ang ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
            
Gawain 2: Antas ng Pag-unawa

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
2
Panuto: Mula sa unang gawain, gamitin sa pangungusap ang mga angkop na pang-uri na
nagpapasidhi ng damdamin.

Mga angkop na pang-uri mula sa tula:

nagtalakop liyab
dapithapon magdaluyong
umuungol kamal-kamal
nakaburol saba-sabay
masasaid

Gawain 3: Damdamin Mo, Ilahad Mo

Panuto: Subukin mo ngayong sumulat ng tatlong talata na naglalarawan gamit ang mga pang-
uri na nagpapasidhi ng damdamin. Pumili ng paksa tungkol sa hindi mo makakalimutang;

1. Paglalakbay
2. Lugar o tourist spot na inyong napuntahan
3. Taong iniidolo

RUBRIK SA PAGSULAT

Mga Pamantayan Lubhang Kasiya-siya Kasiya-siya Hindi Kasiya-


(5) (4) siya
(3)
Orihinalidad
Malikhaing Pagsulat
Malinaw na Paglalahad ng
Mensahe
Maayos na Pagkakabuo ng
Kuwento

Pagsusulit

Panuto: Isulat sa patlang ang wastong pang-uri ayon sa ipinahihiwatig na


kaantasan sa pangungusap. Piliin ang angkop na pang-uri sa loob ng kahon.

1. Si Fedila ang ___________ na mang-aawit sa nagging panauhin sa aming paaralan.

2. ___________ si Dan sa pagbibigay kuru-kuro kaysa kanyang kapatid.


Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
3
3. Ang bahay sa tuktok ng gulod ay ____________.

4. ___________ si Zimo sa kanilang tatlo.

5. ______________ ang buhok ni lola sa kanilang tatlo.

6. ___________ ang cake kumpara sa lahat ng pagkain sa hapag.

7. Talaga naming _________ ng Rizal Park.

8. _______________ pala sa lalawigang bulunundukin.

9. _____________ pala ang Bundok Apo.

10. ______________ang espongha kaysa bato.

-PINAKAMAIKSI -PINAKAMATABA

-UBOD NG TAMIS -MALAKI

-NAPAKALINIS -MAHUSAY

-NAPAKALAMIG -TANYAG

-MATAAS NA MATAAS -MAS MALAMBOT

Susi sa Pagwawasto

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
4
Gawain 1
1. Nagtalakop
2. Dapithapon
3. Umuungol
4. Nakaburol
5. Masasaid
6. Liyab
7. Magdaluyong
8. kamal-kamal
9. sabay-sabay

Gawain 2
Nakadepende sa pagwawasto ng guro ang kasagutan.
Gawain 3
Nakadepende sa pagwawasto ng guro ang kasagutan.

Mga Sanggunian

 Peralta, Romulo N., et al. Panitikang Asyano kagamitan ng mag-aaral sa Filipino 9, Unang
Edisyon
 Brainly.ph okt 27, 2020
 www.wattpad.com
By; mikoyaeiouxz
 2021 Prezi Inc.
 www.slideshsre.net

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
5

You might also like