You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
GULOD NATIONAL HIGH SCHOOL
PUROK 3 BARANGAY GULOD, CITY OF CABUYAO, LAGUNA

LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 7-IKATLONG MARKAHAN


Week 5 - 8
Pangalan: ____________________________________________ Petsa:______________________________
Baitang at Pangkat:_____________________________________ Iskor:______________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

______1. Kailangan mag-ingat at mgsuot ng faceshield at facemask upang makaiwas sa Covid-19 palagi itong
ginagawa ni Shiela habang wala pang bakuna sa sakit. Ito ay kilos na may mithiin na:
a. Pangmatagalang Mithiin c. A at B
b. Pangmadaliang Mithiin d. Wala sa nabanggit
______2. Si Samanthan ay nag-aaral ng Mabuti upang makakuha ng mataas na marka sa lingguhang
pagsusulit. Ito ay kilos na may mithiin na:
a. Pangmatagalang Mithiin c. A at B
b. Pangmadaliang Mithiin d. Wala sa nabanggit
______3. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?
a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
c. a at b
d. wala sa nabanggit
______4. Isa sa mga pamantayan na naktatakda ng mithiin ito ay iisipin mo kung gaano katagal mo kayang
matupad ang iyong mithiin..
a. Action Oriented c. Attainable
b. Relevant d. Time-Bound
______5. Isa sa mga pamantayan na naktatakda ng mithiin ito ay makatotohanan, maaabot at mapanghamon.
a. Tiyak c. Naabot
b. Nasusukat d. Angkop
______6. Ito ay ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin.
a. Pangarap b. Panaginip c. Bokasyon d. Mithiin
______7. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng palatandaan ng may pangarap maliban sa:
a. Handang kumilos upang maabot ito.
b. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
c. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito.
d. Naiisip ang kagustuhan na makuha ang mga pangarap.
______8. Mithiin mo sa buhay o nais mong marating sa buhay.
a. Pangarap b. Panaginip c. Pantasya d. Mithiin
______9. Ito ay likha ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong
kagustuhan..
a. Pantasya b. Panaginip c. Pangarap d. Mithiin
______10. Ito ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog. Kapag nagising ka na,
natatapos din ito
a. Pangarap b. Panaginip c. Pantasya d. Mithiin

II. Panuto: Gumawa ng sanaysay batay sa katagang “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may
paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” ni Hellen Keller. Gawing batayan ang rubrics o
pamantayan sa baba.
Rubrics sa Pagmamarka ng Sanaysay
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Naglalaman ng pagka-unawa sa katagang sinabi ni Helen
Nilalaman 2
Keller
Nauunawaan ang daloy at maayos na naipahayag ang
Pagtalakay 2
kaisipan.
Nakasunod sa pamantayan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng
Teknikalidad paggamit ng tamang bantas, pananda, at kaayusan ng 1
pangungusap.
KABUUAN 5

.III. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
______1. Ito ay isang pambihira at likas na kakayahan. Sa kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang
intelektuwal (intellectual power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika
o kakayahan sa sining.n a. Talento b. Interes o Hilig c. Pagpapahalaga
d. Kakayahan
______2. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang gumaganyak sa iyo na
kumilos at gumawa.
a. Talento b. Interes o Hilig c. Pagpapahalaga d. Kakayahan

______3. Ito ang humuhubog sa kakayahan ng tao na piliiin ang tama o mali. Ito rin ang nagdidikta kung ano
ang maganda, mahusay at kaibig-ibig na mga bagay sa buhay
a. Talento b. Interes o Hilig c. Pagpapahalaga d.Kakayahan
______4. Isang uri ng hilig o interes na nasisiyahan sa paggamit ng mga tools. Paggawa ng mga bagay (hal.:
silya) gamit ang martilyo at lagare
a. Musical c. Computational
b. Clerical d. Mechanical
______5. Si Steve ay isang mag-aaral na nasisiyahan sa pakikipagugnayan sa ibang tao o kaklase. Siya ay
nagpapakita ng hilig o interes sa:
a. Persuasive c. Artistic
b. Clerical d. Literary
______6. Naging president ng kaniyang klase si Bert nasisiyahan siya na tumulong sa kamag-aral sa oras ng
pangangailangan. Nagtataglay siya ng hilig o interes sa:
a. Clerical b. Social Service c. Scientific d. Artistic
______7. Siya ang gumawa ng Teorya tungkol sa Multiple Intelligences.
a. Max Scheler b. Thomas Aquinas c. Howard Gardner d. Soren Kierkegard
______8. Ayon sa kaniya nagmula sa labas ng sarili o batay sa “absolute moral values” kung saan ay
nasasakop at napapailalim ang lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon saan man siya naroon..
a. Diva b. Abiva c. Ebida d. Esteban
______9. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kaniyang intellect o kakayahang magisip
a. Kakayahan b. Interes o Hilig c. Pagpapahalaga d. Talento

______10. Ayon sa teoryang ito ang bawat tao ay maaaring magtaglay ng higit sa isang talino/talento.
a. Multiple Intelligences b. Law of Learning c. Evolution d. Attraction

IV. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag.

Edukasyon Pagplaplano Pagtatagumpay Kalakasan Kahinaan

1. Ang __________ ay isang magandang katangiang ginagamit upang magtagumpay.


2. Ang ___________ ay nararapat na malampasan ng isang tao upang magtagumpay.
3. Ang susi sa____________ ay ang tamang pagplaplano ng karera ng buhay.
4. Ang ___________ ang susi sa kaunlaran.
5. Ang paraan ng ____________ at pamamahala ng karera ay kailangan upang harapin at tukuyin ang mga
layunin at pangangailangan sa buhay.

V. Sumulat ng isang Slogan tungkol sa Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o
Teknikal-bokasyonal, Sining o Isports, Negosyo o Hanapbuhay sa pagkamit ng tagumpay at ipaliwanag.
Gamiting gabay ang pamantayan sa baba at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Rubrics sa Pagmamarka ng Slogan
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Naglalaman ng pagka-unawa sa halaga ng talento at hilig sa pagbuo ng
Nilalaman 2
pangarap.
Istilo Nauunawaan ang daloy at maayos na naipahayag ang kaisipan. 2
Naipapakita ang kanyang orihinal na kaisipan o sariling pagkaunawa at
Orihinalidad 1
pagpapahalaga sa naunawaang paksa sa pamamagitan ng kaniyang slogan.
KABUUAN 5

1. Batay sa iyong mga nabasa, bakit mahalaga ang talento at hilig?


2. Magbigay ng isang tao na sa tingin niyo ay nagging maunlad sa napiling propesyon o talento.
3. Ano-ano ang mga katangian ng mga taong nagtatagumpay sa buhay at larangan na kanilang pinili?
4. Paano nila nakamtan ang tagumpay? Ipaliwanag.
5. Sa iyong sariling pamamaraan paano mo makakamit ang tagumpay gamit ang iyong mga pansariling saik.
Inihanda ni: SARAH JOY A. ZUÑIGA Iniwasto ni: HERLYN B. DE JESUS
Guro III Guro III

Pinagtibay ni: LEONA C. JAVIER


Ulong guro sa AP III

You might also like