You are on page 1of 10

UNIBERSIDAD NG FUNDATION

LUNGSOD NG DUMAGUETE

Simplified Self-Paced Module sa Filipino (Antas-Tersyarya)

FIILIPINO 202- PAGBASA AT PAGSULAT

MODULE 1- Isang Linggong Talakayan

I. Paksa: Mga Bahagi ng Teksto

II. Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng teksto;
2. naipapakita ang kahalagahan ng mga bahagi ng teksto sa pagbasa at
pagsulat;
3. nakabubuo ng isang sulatin gamit ang mga bahagi ng teksto.

III. Pamamaraan sa Pagtuturo

A. Balik-tanaw
Bago pagtuunang pansin ang kasanayan sa mga bahagi ng isang teksto,
pahalagahan at pagnilayan muna natin ang mga iilang mga katanungan sa ibaba?
1. Para sa iyo, anu ano ang mga bahagi ng teksto?
*Ang mga bahagi ng teksto ay introduksiyon o panimula, gitna o
katawan, at wakas o kongklusyon.
2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng bahagi ang isang teksto?
*Ito ay upang maintindihan ng mambabasa ang iyong sulatin.
Nagbibigay rin ito ng kalinawan at mas lalong kaaya-ayang basahin.

B. Pagganyak/ Paggising-isipan
Upang mas lalaong maintindihan natin ang iba’t ibang bahagi ng teksto, atin
munang panoorin ang isang bidyu tungkol rito. Sundin lamang ang sumusunod na
panuto:
1. Pumunta sa youtube.
2. Hanapin ang bidyu na may pamagat, “mga bahagi ng teksto”. Ang awtor
nito ay si Bb. Maries Icson.
3. Maari ring gamitin ang link na ito: https://youtu.be/7OIP0nDof3I
C. Pagpapaunlad ng Talakayan

MGA BAHAGI NG TEKSTO

Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: (1)

introduksiyon o panimula, (2) gitna o katawan, at (3) wakas o kongklusyon.

1. INTRODUKSIYON O PANIMULA

Ang introduksiyon ang pinakamukha ng isang sulatin. Ito ang unang nababasa
ng isang mambabasa, kailangan itong maging kaakit-akit, malinaw,madaling
maiintindihan, makaapekto at mabisa dahil nakasalalay dito ang atensyong ibibigay
ng mambabasa sa buong sulatin. Mayroong pitong (7) paraan sa pagsusulat nito.

MGA PARAAN NG PAGSISIMULA

1. Pasaklaw na Pahayag
Ang kinalabasan muna ang itinutugon bago pagsunod-sunurin ang detalye
mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga. Ipinapahiwatig
rito ang mga karaniwang makikita sa araw araw na pahayagan.

2. Pagbubuod
Pagpapahayag ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.

3. Pagtatanong
Ito ay mainam gamitin ng isang manunulat.

4. Tuwirang Sinasabi
Ito ay karaniwang nakikita na nakakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o
bantog na tao.
5. Panlahat na Pahayag
Ito ay nagtataglay ng unibersal na kahalagahan hangu sa mga salawikain,
kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na kaalaman
taglay ang diwa o aral.

6. Paglalarawan
Ginagamit ito kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay deskripsyon,
mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.

7. Pagsalungat
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba.

B. GITNA O NILALAMAN

Ito ang pinakakatawan ng isang sulatin. Ito ay may talatang kinapapalooban ng

mga pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayoa ang
pagkasunod-sunod sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa. Mayroong tatlong (3)
paraan sa gasusulat nito.

MGA PARAAN NG PAGSUSULAT NG KATAWAN

1. Pakronolohikal
Ito ay pag-aayos sa mga pangyayari ayon sa pagkasunod-sunod nito, mula sa
pinakamatagal hanggang sa pinakakasalukuyan.

2. Paangulo
Ang pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng
bawat tao tungkl sa mga bagay bagay o isyu tungo sa isang obhektibong
paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng
isang komposisyon.
3. Paespesyal o paagwat
Pinapaunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil sa mga bagay-
bagay dito ay alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang
mga bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o “vice-versa”.

C. WAKAS O KONGKLUSYON

Nararapat pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas. Ito ay upang hindi

mwalan ng saysay ang ganda at ayos ng isang komposisyon. Ang pagsulat ng wakas
ay dapat maikli. Naasaad dito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa
ng isang sulatin. Kailangang mag iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa
mga mambabasa. Mayroong anim (6) na paraan sa pagsulat ng wakas.

MGA PARAAN SA PAGWAWAKAS

1. Tuwirang Sinasabi
Ibinibigay rito ang pangwakas na panig ng awtor.

2. Panlahat na Pahayag
Nagsasabi ng pangkalahatang pahayag.

3. Pagbubuod
Mainam na istilo ng pangwakas ay ang pagbubuod ng buong sulatin.

4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
Ipinapapahiwatig ng awtor ang nais mabigyang tugon o aksyon.

5. Pagtatanong
Nag-iiwan ng isang katanungan sa pangwakas na tugon.

6. Pagsisipi
Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda.
IV. PAGSASANAY

A. TAMA O MALI (Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang sanaysay ay tama
at MALI naman kung ito ay mali. Ilagay ang iyong sagot sa patlang bago ang
numero.)

_______ 1. Ang teksto ay mayroong dalawang bahagi lamang.

_______ 2. Ang panimula ay makikita sa kongklusyon na bahagi ng teksto.

_______ 3. Mainam na istilo ng pangwakas ay ang pagbubuod ng buong sulatin.

_______ 4. Ang pagsisipi ay kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang

akda.

_______ 5. Ang introduksiyon ang pinakamukha ng isang sulatin.

_______ 6. Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: (1)

introduksiyon o panimula, (2) gitna o katawan, at (3) wakas o

kongklusyon.

_______ 7. Hindi nararapat pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas.

_______ 8. Mayroong dalawang paraan lamang sa pagsusulat ng katawan.

_______ 9. Mayroong pitong paraan sa pagsusulat ng panimula.

_______ 10. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga bahagi ng teksto sa pagsulat

ng isang komposisyon.

_______ 12. Ang pagatatanong ay isang paraan kug saan nag-iiwan ng isang

katanungan sa pangwakas na tugon.

_______ 13. Ginagamit ang paglalarawan kapag nagtatampok ng tao sapagkat

nagbibigay deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang

ginagamit.

_______ 14. Ang pangwakas ang panghuling bahagi ng teksto.

_______ 15. Sa katawan ng teksto mababasa ang detalye ng kompsisyon.

B. PAGTATALA (Panuto : Itala ang mga hinihingi ng sumusunod.)

1. Ano ano ang tatlong bahagi ng teksto?

a) ________________
b) ________________
c) ________________
2. Ang pitong paraan sa pagsusulat ng panimula.
a) ________________
b) ________________
c) ________________
d) ________________
e) ________________
f) ________________
g) ________________
3. Ang tatlong paraan sa pagsusulat ng katawan.
a) ________________
b) ________________
c) ________________
4. Ang anim na paraan ng pagsusulat ng wakas.
a) ________________
b) ________________
c) ________________
d) ________________
e) ________________
f.) ________________
C. SANAYSAY
1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng tatlong bahagi ang isang teksto?

_________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

___________________________________________.

2. Paano mo maibabahagi ang kahalagahan ng mga bahagi ng teksto sa pagbasa at

pagsulat?

_________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________.
V. EBALWASYON
Panuto : Bumuo ng isang blog gamit ang isa sa mga paksa sa ibaba. Siguraduhin
na maroong panimula, katawan, at wakas ang iyong gagawing komposisyon.
1. Lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa
2. Pagpapalago ng turismo sa bansa
3. Kahalagahan ng Edukasyon
4. Pag-aaruga sa inang kalikasan
Sa pagbuo ng isang blog, isaalang - alang ang mga sumusunod:
1. Hindi bababa ng limang daang salita ang haba ng blog.
2. Nagtataglay ng mapanghikayat na pamagat.
3. Natutukoy ang bawat bahagi ng teksto.

Tatayain ang ginawang blog gamit ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos Iskor
1. Mahusay ang pagpapaliwang ng 30
pakasang nagamit. Madaling
natutukoy ang mga bahagi ng teksto.
Gumamit ng wastong paraan sa
pagsulat ng teksto.
2. May magandang pamagat ang blog. 10
Ito ay kaakit-akit.
3. Umabot ito sa limang daan o 10
mmahigit pang salita.
Kabuuan 50
(Pamagat ng Blog)

MARAMING SALAMAT!
Inihanda ni : G. Jestoni Cuadra

You might also like