You are on page 1of 9

Doc. No.

: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE


Page: 1 of 1

College/Department:__ COLLEGE OF EDUCATION__________________________________


Course Code/Course Name: __ LIT 103 SANAYSAY AT TALUMPATI______________________
Semester of Academic Year: __ SECOND SEMESTER AY 2020-2021_____________________

Topic

Pagbuo ng Balangkas

Pagsulat ng Sanaysay

Introduction

Ang pagsulat ay isang makrong kasanayang pangwika at ito ay isang paraan ng


pakikipagtalastasan ng manunulat sa mambabasa. Gampanin ng pagsusulat na ipabatid sa
target na mambabasa ang mensaheng ipinararating ng teksto o sanaysay.

Rationale

Ito ay inihanda para malinang ang kasanayan mo sa pagsulat ng sanaysay. Matututuhan


mo dito ang pagbuo ng balangkas at mga paraan sa pagsulat ng bawat bahagi ng sanaysay.
Inayos ang mga Gawain upang mabigyan ka ng sapat na kahandaan nang maunawaan mo
ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay.

Intended Learning Outcomes

A. Nakabubuo ng balangkas ng sanaysay


B. Nauunawaan ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay
C. Natutukoy ang pangunahing paksa at pantulong na detalye sa loob ng talata
D. Napapahalagahan ang pagiging masunurin, paggalang at pagmamahal sa panitikan.

Activity

Balik-aral

Panuto: Ibigay ang tinutukoy sa bawat pahayag.


Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

1. Ito ay uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at pers
opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng isang may akda naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungk
pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda, ano ito?
2. Ito ay uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan
ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa, ano ito?
3. Saang bahagi ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay?
4. Anong bahagi ng sanaysay na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang ti
dapat nakapupukaw ng atensyon?
5. Anong bahagi ng sanaysay ang nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay?
6. Anong elemento ng sanaysay na ang nilalaman ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasu
7. Anong sangkap ng sanaysay ang naglalahad ng mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa te
8. Ano ang sangkap ng sanaysay na pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso?
9. Ano ang sangkap ng sanaysay na patungkol sa saloobin ng may-akda sa paksa?
10. Ano ang sangkap ng sanaysay na maihahalintulad sa plano ng isang bahay?

Discussion

Pagsulat ng Sanaysay

Dalawa lang ang sanhi kapag nahihirapan magsulat ng sanaysay:

 Una ay dahil wala akong alam sa topic.


 Pangalawa ay dahil sobrang dami kong alam sa topic.

Ito ang limang problema na kadalasang nararanasan kapag pamilyar tayo sa paksa ng
sanaysay:

1. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula o kung
paano ako magtatapos.
2. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung ano sa mga nalalaman ko sa paksa
ang isasama ko sa sanaysa.
3. Alam ko ang paksa, pero nahihirapan akong ayusin ang mga ideya ko.
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

4. Alam ko ang paksa, pero nawawala ako sa focus habang sinusulat ko na ang
sanaysay.
5. Alam ko ang paksa pero hindi ko maiwasang maging paulit- ulit ang mga ideya ko
sa loob ng aking sanaysay.

Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay

1) Tema - basahing mabuti ang tema, pokus o topic ng sanaysay na hinihingi ng


pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, isang paglalarawan,
reaksyon sa isang nabasa, atbp?
2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay- dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat;
hindi dapat napakahaba, iwasan ang pamagat na patanong at kailangang
nakakapukaw ng kalooban. Ang pamagat ang pinakapangalan mo. Pagkatapos
mo kasing kumatok sa pinto ng mambabasa, sasabihin mo ang pangalan
(pamagat) mo. Kapag hindi ka kilala o hindi ito interesante, malamang ay
pagsasarhan ka kaagad ng pinto. Hindi ka nito babasahin. Minsan, maiksing
pamagat (pangalan) ay katanggap- tanggap na. Madalas, kapag weird ang titulo,
iyon pa ang interesting basahin. Depende sa may-ari ng bahay (mambabasa).
Kaya nga, alamin mo kung sino ang iyong mga readers (may-ari ng bahay).

Paano pumili ng pamagat?


 Huwag kang obvious. Ang title, maiksi man o mahaba, ay dapat
interesting.
 Huwag ding OA. Baka hindi mo naman kayang bigyan ng tamang
paliwanag pagdating sa loob.

3) Talata - isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang


talata o paragraph ang mga isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay.
Iwasan din ang masyadong mahabang talata na paulit- ulit naman ang laman.
Ano baa ng Talata?
 binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na MAGKAKAUGNAY
 binubuo rin ng Pangunahing Paksa (PP) at mga Pantulong na Detalye (PD)
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Pangunahing Paksa
 main idea
 sentro o pangunahing tema sa talata
 Kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling
pangungusap (konklusyon)

Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema. (PP)Ang aking asawa ay


mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng
gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport pero ayaw ko
naman ng mga iyon.
Mga Pantulong na Detalye
 Supporting details/ information
 mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa
paksang pangungusap

Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga problema. Ang aking asawa ay mahilig


gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi kung
kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport pero ayaw ko naman ng mga
iyon.

4) Punto - Dapat malinaw ang iyong punto o thesis sentence. Ano ba ang gusto
mong palabasin? Iakma rito ang iyong mga sasabihin.
5) Balangkas o Outline - kung mahaba ang oras, gumawa ng maikling outline para
alam mo ang isusulat sa bawat talata. Maihahalintulad ito sa plano ng isang
bahay bago gawin ito ng mga inhinyero, sa kawayan o sticks na nagpapatibay sa
isang sarangola, o sa isang mapa na ginagamit ng mga manlalayag.

Ito ang limang halimbawa kung paano tayo matutulungan ng paggawa ng balangkas o
outline sa pagsulat ng isang sanaysay:

 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapag-iisipan mong mabuti kung


Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay.


 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na
nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkaka-ugnay.
 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang
mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais mong
ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay.
 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa focus habang
nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito para
maisula ng malinaw ang iyong mga ideya.
 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang
mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay naka-plano na kung ano
ang mga ideyang isasama mo at hindi.

Halimbawang balangkas
PAKSA: Ano ang aking gagawin para makapasa sa A&E Test?
BALANGKAS:
I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot
 Makapagtapos ng pag-aaral
 Maiahon ang pamilya sa kahirapan
 May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin
II. Mga Paraan para Makapasa sa A&E Exam
 Magbabasa ng maraming A&E Modyul
 Magsisiapg sa pagsulat ng sanaysay
 Makikinig sa payo ng aking mga guro
III. KONKLUSYON
 Gagawin ang lahat para makapasa sa A&E Test
 Hinding-hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataong handog ng
Alternative Learning System (ALS)
 Iaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.

6) Panimula, Katawan at Wakas - Ang sanaysay ay karaniwang may panimulang


talata, katawan at wakas o konklusyon. Sa body o katawan ng sanaysay, dito
ipinahihiwatig ang pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto at
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

ang paglalarawan o masusing pagbusisi ng maliliit na detalye.

Pagsulat ng Simula

 Una, question (patanong). “Gusto niyo po bang gamutin ko kayo?” Doktor ka


kasi, di ba?!
 Pangalawa, declarative (pasalaysay). “Nakarating na ako sa iba’t ibang panig ng
mundo dahil lamang sa aking panggagamot. Ang tanging hindi ko pa nagagalugad
ay ang kontinenting Antarctica.” Ito ay paasalaysay dahil nagsaad ito ng isang
pangyayari.
 Pangatlo, shocking statement (nakakagulat na pahayag). “Twenty years old pa
lang ako ay nakapag-opera na ako ng tumor sa utak ng isang matanda.”
Nakakagulat talaga dahil ang doktor ay nag-aaral ng sampung taon.
 Pang-apat, quotation (kasabihan). Para kang makata nito. Sabihin mo, “An apple
a day keeps the doctor away.” May connect sa'yo as doctor. Tapos banatan mo
pa, “Pero di mo na kailangan ng apple dahil nasa harapan mo na ang doktor.”
Lolz. Lagi mo lang tatandaan na banggitin kung sino ang pinagmulan ng quote.
Kung ikaw mismo, no problem. Ingat ka baka makasuhan ka ng plagiarism.
 Panglima, anecdote (anekdota). Ito ay maikling salaysay na may aral sa buhay.
Halimbawa: “Minsan, naglalakad ako sa isa sa mga kalsada sa Europa nang
makita ko ang matandang babae sa may tabi ng basurahan. Naglahad siya ng
kamay. Humihingi. Hindi ko siya pinansin dahil ako ay nagmamadali. Pero nang
maalala ko ang aking ina sa Pilipinas, binalikan ko siya ngunit pagbalik ko'y wala
na siya.”
 Pang-anim, survey. Madalas ito ay patanong like “Magagaling po ba ang mga
Pilipinong doktor? O kaya, "Anong sakit ang hindi kayang gamutin ng doktor?”
 Pangpito, definition (kahulugan). Magbibigay ka ng salita at ang depinisyon.
Make sure it is related to your topic. Halimbawa, “Ang narcolepsy ay isang
medikal na kalagayan ng tao na kung saan ang pasyente ay bigla na lang
makakatulog kahit nagtratrabaho, naglalakad, nagsasalita o iba pa.”

Marami pang paraan para simulan ang sanaysay. Pwede kang mag-discover.
Paglaruan mo ang mga salita. Ang mahala-ga ay naengganyo mo ang maybahay na
manatili ka sa kanyang tahanan. Makikita mo, may nakahain nang pagkain para sa'yo
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

dahil nagustuhan niya ang introduksiyon mo. Ayaw ka na niyang paalisin.

Katawan

 Kampante na sa'yo ang reader (house owner). Ituloy mo na. Dumiretso ka na sa


pakay mo. Ito na ang katawan ng sanayasay (body). Ito ang nilalaman ng iyong
saloobin at kaalaman. Sabihin mo nang lahat dahil nag-eenjoy na ang reader. Huwag
ka lamang liliko. Huwag mong pansinin ang ayos ng kanilang bahay baka bigla ka na
lang palayasin at pagsarhan ng pinto. Kung doktor ka, mga usaping-doktor at
medisina ang inyong pag-usapan. Yun lang. Dapat malinaw at direct to the point ang
mga banat mo.
 Pinakamainam na magkaroon ng tatlong talata sa body. Ang bawat isa ay konektado.
Ganito:
1. “Bata pa lamang ako, gusto ko nang maging doktor. Kahit pagiging guro ang gusto
ng mga magulang ko para sa akin, hindi ko sila sinunod. Suwail kasi ako. Pasaway.”
2. Kaya nagsumikap ako. Lumuwas ako sa Maynila. Nagtrabaho sa gabi. Nag-aral sa
umaga. Sa awa ng Diyos at sa tiyaga at katatagan ko, nakapagtapos ako ng medisina
dahil sa pagko-callboy ko. Joke lang.“
3. Ngayon nga ay isa na akong matagumpay na manggagamot. Laki ako sa hirap kaya
tumutulong ako sa aking kapwa dahil naniniwala akong ang lumilingon sa
pinanggalingan ay malayo pa ang nararatingan.”

Tapos na ang katawan ng sanaysay. Huwag kang matakot maglabas ng mga


informative at entertaining words dahil iyon ang misyon ng sanaysay o ng pagpunta
mo sa isang bahay. Huwag masyadong seryoso. Magpatawa ka minsan para di
maboring ang reader

Wakas/Konklusyon
At ang panghuli, ang konklusiyon.

 Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo sa unahan. Isang talata na may isang
pangungusap ay pwede na. Basta ba ma-move mo ang may-ari ng bahay.
Manabik siya sa iyong pagbalik. Maiyak siya. Maging thankful. Pwede ring mainis
mo. O kaya mainvite. O mayaya mong mag-aral ng pagkadoktor. Halimbawa,
Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

“Kung ako ikaw, magdoktor ka.”


 Ang lahat ng ginawa mo sa introduksiyon ay maaaring mo ring gawin sa
konklusiyon. Ang tanging kaibahan ay nagpapaalam ka na. Ang pagsulat ng
sanaysay ay katulad ng pagbisita sa isang tahanan. Ang manunulat ay kailangang
gawin ang tatlong hakbang upang tanggapin o papasukin siya sa bahay ng may-
ari.

7) Tono - tiyakin ang tono ng iyong isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan (ako)?
Ikaw ba ay isang magulang, pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang maipaliwanag
mo ng mahusay ang inyong punto de vista (point of view).

8) Tamang gramatika at mga pananda - mas malaki ang puntos kung tama ang
grammar o gramatika ng sanaysay. Dapat ay wasto ang mga pananda (tuldok,
kuwit, pananong, tutuldok, atbp)

9) Tapusin ang sanaysay- huwag ibitin ang mambabasa. Dapat itong may
konklusyon o wakas.

Exercises

A. Panuto: GAWAIN: Bumuo ng balangkas ng sanaysay..


PAKSA: Ano ang pinakamahalagang aral na natutunan ko sa aking buhay?

Pamantayan:

Presentasyon………………………………………….20 puntos

Nilalaman…………………………………….…...…...25 puntos

Kaliwanagan……………………………….……….….20 puntos

KABUUAN…………….……100 puntos

B. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay batay sa balangkas na binuo.


Doc. No.: BEC-FO-COL-19 COURSE MODULE
Page: 1 of 1

Pamantayan:

Nilalaman………………………………….…….…...20 puntos

Magandang Simula…………………….…….…..15 puntos

Magandang wakas………………….……….……15 puntos

Pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan…………20 puntos

Gramatika at bantas……………………..………30 puntos

KABUUAN……….…….……100 puntos

Assessment

A. Panuto: Bumuo ng isang talata gamit ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
Pagunahing Paksa sa unahan kasunod ang mga Pantulong na Detalye.
1. Baka sa loob nyan ay may matatalim at kalawanging bakal.
2. Baka may mousetrap dyan at bigla ka na lang maipit.
3. Huwag na huwag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan.
4. O baka makagat ka ng malaking gagamba dyan.
5. Di mo alam kung ano ang nasa loob ng kahon.

Prepared by: Noted by:

_IMELDA L. AMAZONA, MEM-MAEd___ __RENALYN B. ALMARIO, PhD_________

Instructor Assistant Dean, College of Education

You might also like