You are on page 1of 15

Dalawa lang ang sanhi kapag nahihirapan

magsulat ng sanaysay:

Una ay dahil wala akong alam sa topic.

Pangalawa ay dahil sobrang dami kong


alam sa topic.

Ito ang limang problema na kadalasang


nararanasan kapag pamilyar tayo sa paksa
ng sanaysay:
1. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam
kung paano ako magsisimula o kung
paano ako magtatapos.
2. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam
kung ano sa mga nalalaman ko sa
paksa ang isasama ko sa sanaysa.
3. Alam ko ang paksa, pero nahihirapan
akong ayusin ang mga ideya ko.
4. Alam ko ang paksa, pero nawawala ako
sa focus habang sinusulat ko na ang
sanaysay.
5. Alam ko ang paksa pero hindi ko
maiwasang maging paulit- ulit ang mga
ideya ko sa loob ng aking sanaysay.

Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay


1) Tema - basahing mabuti ang tema,
pokus o topic ng sanaysay na hinihingi
ng pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong
sarili, opinyon o puna, , isang
paglalarawan, reaksyon sa isang
nabasa, atbp?
2) Pamagat o Titulo ng Sanaysay- dapat
ay may kinalaman ito sa tema ng
isusulat; hindi dapat napakahaba,
iwasan ang pamagat na patanong at
kailangang nakakapukaw ng kalooban.
Ang pamagat ang pinakapangalan mo.
Pagkatapos mo kasing kumatok sa
pinto ng mambabasa, sasabihin mo ang
pangalan (pamagat) mo. Kapag hindi ka
kilala o hindi ito interesante, malamang
ay pagsasarhan ka kaagad ng pintona
deta. Hindi ka ito babasahin. Minsan,
maiksing pamagat (pangalan) ay
katanggap- tanggap na. Madalas,
kapag weird ang titulo, iyon pa ang
interesting basahin. Depende sa may-
ari ng bahay (mambabasa). Kaya nga,
alamin mo kung sino ang iyong mga
readers (may-ari ng bahay).
Paano pumili ng pamagat?
 Huwag kang obvious. Ang title,
maiksi man o mahaba, ay dapat
interesting.
 Huwag ding OA. Baka hindi mo
naman kayang bigyan ng tamang
paliwanag pagdating sa loob.
3) Talata - isang punto o diwa, isang
talata. Huwag pagsama-samahin sa
iisang talata o paragraph ang mga
isusulat. Ang mga talata ay dapat
magkakaugnay. Iwasan din ang
masyadong mahabang talata na paulit-
ulit naman ang laman.
Ano baa ng Talata?
 binubuo ng isa o lipon ng mga
pangungusap na MAGKAKAUGNAY
 binubuo rin ng Pangunahing Paksa
(PP) at mga Pantulong na Detalye
(PD)
Pangunahing Paksa
 main idea
 sentro o pangunahing tema sa talata
 Kadalasan ay makikita sa unang
pangungusap (imply) at huling
pangungusap (konklusyon)

Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng


mga problema. (PP)Ang aking asawa ay
mahilig gumasta ng pera, samantalang ako
ay matipid. Mahilig din siyang lumabas ng
gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto
rin niya ng mga sport pero ayaw ko naman
ng mga iyon.
Mga Pantulong na Detalye
 Supporting details/ information
 mga mahahalagang kaisipan o mga
susing pangungusap na may kaugnayan
sa paksang pangungusap

Wag na wag mong ipapasok ang kamay


mo sa kahon na yan. Baka sa loob nyan ay
may matatalim at kalawanging bakal. Baka
may mousetrap dyan at bigla ka na lang
maipit. O baka makagat ka ng malaking
gagamba dyan. (PD)

4) Punto - Dapat malinaw ang iyong punto


o thesis sentence. Ano ba ang gusto
mong palabasin? Iakma rito ang iyong
mga sasabihin.
5) Balangkas o Outline - kung mahaba ang
oras, gumawa ng maikling outline para
alam mo ang isusulat sa bawat talata.
Maihahalintulad ito sa plano ng isang
bahay bago gawin ito ng mga inhinyero,
sa kawayan o sticks na nagpapatibay sa
isang sarangola, o sa isang mapa na
ginagamit ng mga manlalayag.

Ito ang limang halimbawa kung paano tayo


matutulungan ng paggawa ng balangkas o
outline sa pagsulat ng isang sanaysay:
 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
mas mapag-iisipan mong mabuti kung
paano mo sisimulan o tatapusin ang
iyong sanaysay.
 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
mapipili mo ang mga ideya o konsepto
na nais mong isama sa sanaysay.
Dapat lahat ng ito ay magkaka-ugnay.
 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
mas magiging madali sa iyong ayusin
ang mga ideya sa iyong sanaysay.
Mapipili mo kung ano ang mga ideyang
nais mong ilagay sa panimula, katawan
at katapusan ng iyong sanaysay.
 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
maiiwasan mong mawala sa focus
habang nagsusulat ng sanaysay dahil
para itong mindmap. Gagabayan ka nito
para maisula ng malinaw ang iyong mga
ideya.
 Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas,
maiiwasan mong maging paulit-ulit ang
mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa
simula pa lang ay naka-plano na kung
ano ang mga ideyang isasama mo at
hindi.

Halimbawang balangkas
PAKSA: Ano ang aking gagawin para
makapasa sa A&E Test?
BALANGKAS:
I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot
 Makapagtapos ng pag-aaral
 Maiahon ang pamilya sa kahirapan
 May maipagmalaki sa mga taong
mababa ang tingin sa akin
II. Mga Paraan para Makapasa sa A&E
Exam
 Magbabasa ng maraming A&E
Modyul
 Magsisiapg sa pagsulat ng sanaysay
 Makikinig sa payo ng aking mga guro
III. KONKLUSYON
 Gagawin ang lahat para makapasa
sa A&E Test
 Hinding-hindi sasayangin ang
pangalawang pagkakataong handog
ng Alternative Learning System
(ALS)
 Iaalay sa bayan ang lahat ng
pagsisikap at tagumpay.

6) Panimula, Katawan at Wakas - Ang


sanaysay ay karaniwang may
panimulang talata, katawan at wakas o
konklusyon. Sa body o katawan ng
sanaysay, dito ipinahihiwatig ang
pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit
na detalye ng punto at ang
paglalarawan o masusing pagbusisi ng
maliliit na detalye.

Pagsulat ng Simula
 Una, question (patanong). “Gusto niyo
po bang gamutin ko kayo?” Doktor ka
kasi, di ba?!
 Pangalawa, declarative (pasalaysay).
“Nakarating na ako sa iba’t ibang panig
ng mundo dahil lamang sa aking
panggagamot. Ang tanging hindi ko pa
nagagalugad ay ang kontinenting
Antarctica.” Ito ay paasalaysay dahil
nagsaad ito ng isang pangyayari.
 Pangatlo, shocking statement
(nakakagulat na pahayag). “Twenty
years old pa lang ako ay nakapag-opera
na ako ng tumor sa utak ng isang
matanda.” Nakakagulat talaga dahil ang
doktor ay nag-aaral ng sampung taon.
 Pang-apat, quotation (kasabihan).
Para kang makata nito. Sabihin mo, “An
apple a day keeps the doctor away.”
May connect sa'yo as doctor. Tapos
banatan mo pa, “Pero di mo na
kailangan ng apple dahil nasa harapan
mo na ang doktor.” Lolz. Lagi mo lang
tatandaan na banggitin kung sino ang
pinagmulan ng quote. Kung ikaw
mismo, no problem. Ingat ka baka
makasuhan ka ng plagiarism.
 Panglima, anecdote (anekdota). Ito ay
maikling salaysay na may aral sa
buhay. Halimbawa: “Minsan, naglalakad
ako sa isa sa mga kalsada sa Europa
nang makita ko ang matandang babae
sa may tabi ng basurahan. Naglahad
siya ng kamay. Humihingi. Hindi ko siya
pinansin dahil ako ay nagmamadali.
Pero nang maalala ko ang aking ina sa
Pilipinas, binalikan ko siya ngunit
pagbalik ko'y wala na siya.”
 Pang-anim, survey. Madalas ito ay
patanong like “Magagaling po ba ang
mga Pilipinong doktor? O kaya, "Anong
sakit ang hindi kayang gamutin ng
doktor?”
 Pangpito, definition (kahulugan).
Magbibigay ka ng salita at ang
depinisyon. Make sure it is related to
your topic. Halimbawa, “Ang narcolepsy
ay isang medikal na kalagayan ng tao
na kung saan ang pasyente ay bigla na
lang makakatulog kahit nagtratrabaho,
naglalakad, nagsasalita o iba pa.”

Marami pang paraan para simulan ang


sanaysay. Pwede kang mag-discover.
Paglaruan mo ang mga salita. Ang mahala-
ga ay naengganyo mo ang maybahay na
manatili ka sa kanyang tahanan. Makikita
mo, may nakahain nang pagkain para sa'yo
dahil nagustuhan niya ang introduksiyon mo.
Ayaw ka na niyang paalisin.
Katawan
 Kampante na sa'yo ang reader (house
owner). Ituloy mo na. Dumiretso ka na sa
pakay mo. Ito na ang katawan ng
sanayasay (body). Ito ang nilalaman ng
iyong saloobin at kaalaman. Sabihin mo
nang lahat dahil nag-eenjoy na ang
reader. Huwag ka lamang liliko. Huwag
mong pansinin ang ayos ng kanilang
bahay baka bigla ka na lang palayasin at
pagsarhan ng pinto. Kung doktor ka, mga
usaping-doktor at medisina ang inyong
pag-usapan. Yun lang. Dapat malinaw at
direct to the point ang mga banat mo.
 Pinakamainam na magkaroon ng
tatlong talata sa body. Ang bawat isa ay
konektado. Ganito:
1. “Bata pa lamang ako, gusto ko nang
maging doktor. Kahit pagiging guro ang
gusto ng mga magulang ko para sa akin,
hindi ko sila sinunod. Suwail kasi ako.
Pasaway.”
2. Kaya nagsumikap ako. Lumuwas ako
sa Maynila. Nagtrabaho sa gabi. Nag-aral
sa umaga. Sa awa ng Diyos at sa tiyaga
at katatagan ko, nakapagtapos ako ng
medisina dahil sa pagko-callboy ko. Joke
lang.“
3. Ngayon nga ay isa na akong
matagumpay na manggagamot. Laki ako
sa hirap kaya tumutulong ako sa aking
kapwa dahil naniniwala akong ang
lumilingon sa pinanggalingan ay malayo
pa ang nararatingan.”

Tapos na ang katawan ng sanaysay. Huwag


kang matakot maglabas ng mga informative
at entertaining words dahil iyon ang misyon
ng sanaysay o ng pagpunta mo sa isang
bahay. Huwag masyadong seryoso.
Magpatawa ka minsan para di maboring ang
reader
Wakas/Konklusyon
At ang panghuli, ang konklusiyon.

 Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo


sa unahan. Isang talata na may isang
pangungusap ay pwede na. Basta ba ma-
move mo ang may-ari ng bahay. Manabik
siya sa iyong pagbalik. Maiyak siya.
Maging thankful. Pwede ring mainis mo.
O kaya mainvite. O mayaya mong mag-
aral ng pagkadoktor. Halimbawa, “Kung
ako ikaw, magdoktor ka.”
 Ang lahat ng ginawa mo sa
introduksiyon ay maaaring mo ring gawin
sa konklusiyon. Ang tanging kaibahan ay
nagpapaalam ka na. Ang pagsulat ng
sanaysay ay katulad ng pagbisita sa
isang tahanan. Ang manunulat ay
kailangang gawin ang tatlong hakbang
upang tanggapin o papasukin siya sa
bahay ng may-ari.
7) Tono - tiyakin ang tono ng iyong
isusulat. Ito ba ay nasa unang katauhan
(ako)? Ikaw ba ay isang magulang,
pulitiko, guro? Ito ay mahalaga upang
maipaliwanag mo ng mahusay ang
inyong punto de vista (point of view).

8) Tamang gramatika at mga pananda -


mas malaki ang puntos kung tama ang
grammar o gramatika ng sanaysay.
Dapat ay wasto ang mga pananda
(tuldok, kuwit, pananong, tutuldok, atbp)

9) Tapusin ang sanaysay- huwag ibitin ang


mambabasa. Dapat itong may
konklusyon o wakas.

GAWAIN: BUMUO NG BALANGKAS


AT SANAYSAY.

PAKSA: Ano ang pinakamahalagang


aral na natutunan ko sa aking buhay?

You might also like