You are on page 1of 13

Pamantasan ng Ateneo de Davao

Departamento ng mga Wika


Filipino II Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Proseso ng Pagsulat
Ipinasa nina:
Adrian Chester Inojales
Princess Shyne Pena
Louise Angela Chavez
Maria Goretti Layno
ChEng 1-B TTh 2:35PM-4:05PM

Ipinasa kay:
Joan Grace Allawan-Palconit,PhD
Guro/Filipino 2

Enero 15, 2016

BAGO SUMULAT
Tulad ng karamihan, nahihirapan tayo kung paano natin sisimulan gumawa ng
isang sulatin. Madalas ay nagkakaroon tayo ng writer's block kapag nagsisimula pa
lamang tayo sumulat. Paano at saan kaya tayo mag-uumipsa? Minsan ay nahihirapan
tayong mag-isip ng isang kawili-wiling paksa o kaya nama'y nahihirapan tayong punan
ng mga eksaktong detalye upang suportahan ang ating paksa. Maaari naman kung tayo'y
nakapagsimula nang sumulat, hindi natin alam kung anong angkop na salitang gagamitin
upang mailahad pa natin ng lubusan ang ating mga ideya.
Sa yugtong ito, itatalakay ang limang teknik na maaring makatulong sa
pagdedebelop ng isang tekstong ekspositori (Langan, 2010): (1) malayang pagsulat, (2)
pagtatanong, (3) paglilista, (4) pagkaklaster, at (5) pagbabalangkas.
1. Malayang pagsulat
Sa yugtong ito, nagsusulat ka lamang ng kahit anong pumapasok sa iyong isipan
tungkol sa isang paksa. Hindi na dapat mag-aalala kung tama ba ang pagbabaybay,
pagbabantas, pagbubura ng kamalian, pag-oorganisa ng ideya, o paghahanap ng tiyak na
salitang nababagay sa teksto. Maaari kang tumuklas ng mga ideya sa pamamagitan ng
pagsusulat ng kahit anong mga bagay na lilitaw sa iyong isipan. Ang paraang ito ay
ginagamit upang makalaya ka sa pagkaka-mental block sa pagsusulat. Dahil hindi mo na
kailangang mag-alala sa iyong mga kamalian, malaya ka nang magdiskubre ng maaring

pang masabi mo tungkol sa paksa. Nadedebelop rin nito ang kasanayan ng pag-iisip
habang nagsusulat.
Hal.
Isang panibago at nakakamanghang paraan ng paglibing ng iyong mahal sa
buhay: ang pagbuo ng diyamante. Inaalok ito ng isang Suwisang kopanya, ang
Algoranza, kung saan ang na-cremate na bangkay ng isang mahal sa buhay ay
magiging diyamante. Ang tawag dito ay isang Memorial Diamond. Ginagawa ito
sa pamamagitan ng pagkuha ng karbon mula sa abo at ipapasailalim ito sa mga
prosesong tulad ng pagpapainit at pagbibigay ng presyon. Matapos nito ay susukatin
at papakintabin.

2. Pagtatanong
Lumilikha ka ng mga ideya at detalye sa pamamagitan ng bubuuhing katanungan
tungkol sa iyong paksa. Madalas ginagamit dito ang katanungang tulad ng Sino? Ano?
Saan? Kailan? Bakit? at Paano? Makakatulong ito na makapag-isip ng iba't ibang
posibleng paksa sa iba't ibang anggulo. Maaring ring bumuo ng kahit ilang tanong
hanggang sa makakaya.

Hal.

Mayroon bang ibang paraan ng paglilibing sa tao? Kung mayroon nga, ano ito?
Mayroon. Ito ay ang paglikha ng diyamante mula sa mga abo ng
namayapang mahal sa buhay.

Anong kompanya ang lumilikha ng mga diyamante mula sa abo?


Ang Algoranza, isang Suwisang kompanya, ang umaalok ng serbisyong
ito.

Ano ang tawag sa mga ito?


Ito ay tinatawag na Memorial Diamond.
Paano ginagawa ang mga ito?
Inihahalintulad ang prosesong ito sa natural na proseso sa paggawa ng
diyamante, kung saan kinukuha ang karbon mula sa abo at papainitin at
bibigyan ng presyon na tulad ng nasa ilalim ng lupa. Matapos nito ay
papakintabin at susukatin ang nabuong diyamante.

3. Paglilista

Ito ay tinatawag ring brainstorming. Sa teknik na ito, tinitipon mo ang mga ideya
at detalye tungkol sa iyong paksa. Inililista mo ito na hindi kailangang uriin ang mga
mahalagang detalye sa mga hindi gaanong mahalaga, o kaya nama'y pagsunud-sunurin ito
sa tamang ayos. Ang layunin mo lamang ay gumawa ng listahan ng mga naisip mo na
may kaugnayan sa paksa.
Hal.

Memorial Diamond

Pwedeng gawing alahas

Isinasali sa koleksyon

Algoranza, isang Suwisang kompanya

Ang abo ay nagiging diyamante

Makabagong paraan ng paglilibing

Karbon mula sa abo

Sangkap na gawa sa pinainitang karbon

Presyon na tulad ng nasa ilalim ng lupa

Kulay ng nabuong diyamante

Presyo ng diyamante

Makabagong paraan ng pagsabi ng paalam sa mahal sa buhay na pumanaw

4. Pagkaklaster

Ito ay tinatawag rin na diagramming o mapping. Nakakatulong ang teknik na ito


sa mga mahilig mag-isip sa paraang biswal. Gumagamit dito ng mga linya, mga kahon, at
mga bilog upang pag-ugnayin ang mga naisip na mga ideya at detalye. Walang tama o
mali sa pagkaklaster ng mga ideya.
Paano nga ba ito ginagawa? Magsimula sa pagsusulat ng iyong paksa sa gitna ng
iyong papel. Palibutan ito ng mga ideya at detalye na konektado sa paksa at pag-ugnayugnayin gamit ang mga linya.

5. Pagbabalangkas
Ito ay madalas ginagawa matapos ang alinman sa mga apat na teknik na nabanggit.
Isang magandang paraan upang malaman kung may kakulangan pa o hindi gaanong
kongkreto ang ginawang balangkas. Nagsisilbi rin itong plano upang magkaroon ng
suportado, organisado, at nagkakaisa ang mga detalye ng sulatin.
Pinag-iisipan rin ng mabuti rito kung ano ang pansuporta sa paksa, mga
mahahalagang detalye at kung ano ang pagkakasunod-sunod nito.

Hal.

PAKSA: Makabagong paraan ng pagsabi ng paalam sa mahal sa buhay na pumanaw


I. Pagpapalit ng tradisyonal na libing sa mas nakakahalinang paraan

Memorial Diamond

Pag-aalok ng Algoranza, isang Suwisang kompanya, ng serbisyong ito

pagmamahal, debosyon, at respeto para sa mga namayapang mahal sa


buhay

II. Proseso sa paggawa ng diyamante mula sa abo

Karbon mula sa abo

Sangkap na gawa sa pinainitang karbon

Presyon na tulad ng nasa ilalim ng lupa

III. Kalidad at gamit ng nalikhang diyamante

Kulay ng nabuong diyamante

Pwedeng gawing alahas

Isinasali sa koleksyon

Presyo ng diyamante

PAGBABALANGKAS
Balangkas o Outline
- Ito ay ang iskeleton o plano ng isang sulatin, katulad ng essay o sanaysay.
- Maihahanlintulad ito sa plano ng isang bahay bago ito gawin ng mga inhineryo,
sa kawayan o sticks na nagpaptibay sa isang saranggola o mapa na ginagamit ng
manlalayag.
Pagbabalangkas (Preparing an outline)
-

Pinag-iisipan nang mabuti ang ipapasok na mga punto at ang mga pansuportang
aytem dito

Tinitingnan din ang order ng bawat aytem upang masiguro ang kaisahan, kohirens,
at organisadong ideya sa magiging teksto

Maihahalintulad sa isang blueprint

Maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o paksa ayon sa


pagkakasunod-sunod sa isang katha o seleksyon.
Itoy may tatlong paraan upang ang paggawa o pagbuo ng Balangkas ay
mapabils;

Impormal na balangkas
-

Halos katulad lang ng pormal na balangkas pero hindi kailangang mahigpit na


sundin ang herarkiya ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya at detalye.

Ginagamit lamang sa pagpaplano ng susulatin

Balangkas na pangungusap
-

Mas debelop kumpara sa impormal na balangkas .

Hindi lamang paksa ang maaring ipasok sa bawat talata kundi maging ang mga
paksang pangungusap at mga detalyeng ninais gamitin.

Binunuo ng mga pangungusap na deklaratibo at interogatibo lamang.

Gumagamit ang Balangkas na pangungusap ng isang buong pahayag.

Pormal na balangkas
-

Ito ay hindi ginagamit sa pagpaplano ng pagbuo ng teksto.

Madalas itong nabubuo pagkatapos ng preliminaryo or pinal na burado.

Ang bawat entri sa pagbabalangkas nito ay nasa anyong pangungusap.

Binubuo ng pariralang siyang pinakapunong ideya.

PARAAN NG PAGBABALANGKAS
1. Isulat ang pamagat o pangunahing ideya.
2. Gumagamit ng isang uro ng pamamaraan sa pagbabalangkas.
3. Gamitan ng mga roman numeral I, II, III, atb. Ang mga pangunahing paksa; ng
malalaking titik A,B,C, ang mahahalagang paksa; ng malilit na titik a,b,c, ang

hindi gaanong mahalagang paksa. Ang kaayusan ay lagging bilang, titik, bilang, at
titik. Salisihan ang gamit nito.
4. Ang mga nasabing titik o bilang ay kailangang isulat nang inihahanay pababa
( v ertical column) .
5. Isulat sa malaking titik ang unang salita ng bawat paksa.
6. Lagyan ng tuldok ang katapusan ng bawat paksang bilang o titik at ang
katapusan ng isangpangungusap.
7. Ang bawat pangunahing paksa ay dapat buod ng paksang susunod dito o
subtopic .
8. Ang mga pangunahing paksa ay dapat maging bahagi ng mga subtopic nito.
Halimbawa:
Nasa ibaba ang isang halimbawa ng balangkas o outline na ginawa ng isa sa aking mga
ALS Learners sa MAynila. Ito ay para sa isang sanaysay na may tatlong talata na binubuo
ng 3-4 na pangungusap. Ito ang format ng essay sa A&E Test para sa hayskul.

PAKSA: Ano ang aking gagawin para makapasa sa A&E Test?


BALANGKAS:

I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot


Makapagtapos ng pag-aaral
Maiahon ang pamilya sa kahirapan
May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin
II. Mga Paraan para Makapasa sa A&E Exam
Magbabasa ng maraming A&E Modyul
Magsisiapg sa pagsulat ng sanaysay
Makikinig sa payo ng aking mga guro
III. KONKLUSYON
Gagawin ang lahat para makapasa sa A&E Test
Hinding-hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataong handog ng Alternative
Learning System (ALS)

Iaaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.

HABANG SUMUSULAT
Sa yugtong ito ang aktwal na pagsusulat. Dito na masusukat ang iyong kasapidad sa
larangang ito.May mga gabay naman upang makabuo ng isang magandang teksto.
a.) Magsimula sa isang paksang pangungusap.
Mahalaga ang pamaksang pangungusap sapagkat binibigyan nito ng direksyon
ang mga detalye. Ang bawat pangungusap sa isang talata ay dapat na may
pinupunto.
Binibigyan din ng pamaksang pangungusap ng ideya ang mga mambabasa
kung ano ang magiging sakop ng buong talata.
b.) Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan.
Mas nagiging maliwanag ang punto na gustong ipahiwatig.
Masisiguro ang katiyakan ng mga katibayan kung magmumula ito sa isang
source na may sinusunod na protocol o batas sa pagpapalabas ng
impormasyon.
c.) Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya.
Mas madali basahin ang isang akda kung magkakaugnay-ugnay ang mga
ideyang sumusuporta sa punto na gusting ihatid ng talata.
d.) Isulat ng malinaw o error-free ang pangngusap.
Hanggat maari, hindi dapat ipagwalang-bahala ang tamang estrustura ng
gramatika o kahit sa mga simpleng paggamit ng mga bantas.

Maaring magkaroon ng miskomunikasyon sa pagitan ng manunulat at


mambabasa kung may kamalian sa iyong isinulat.

You might also like