You are on page 1of 10

7

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 5:
Pagsulat ng Isang Akda
(Angkop na Panimula, Gitna at Wakas)

May-akda: Maru U. Panganiban


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

 Aralin : Pagsulat ng Isang Akda (Angkop na Simula, Gitna at Wakas)


Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang
sumusunod:
A. nakikilala ang mga angkop na pahayag sa panimula ng isang
akda;
B. nakikilala ang mga angkop na pahayag sa gitna ng isang akda;
C. nakikilala ang mga angkop na pahayag sa wakas ng isang akda;
at
D. nakasusulat ng isang komposisyon na may wasto at angkop na
paggamit ng mga pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng isang
akda

Subukin

Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukin mo munang isagawa ang


gawain na nasa ibaba.
Ang bawat tahanan ay may iba’t ibang bersyon ng pagluluto ng
adobo. Dahil dito, nais kong ibahagi mo sa ating Recipe Note ang mga
pamamaraan kung paano ninyo inihahanda at iniluluto ang ulam na ito.
Gamitin ang sumusunod na salita sa pagsulat nito.

sa simula una samantala mayamaya


samantala saka pagkatapos sa huli

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagsulat ng Isang Akda
Aralin (Angkop na Panimula, Gitna at Wakas)

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat ng isang akda na may


wastong paggamit ng pahayag sa panimula, gitna at wakas. Upang ito ay
malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Bago ka magpatuloy sa iyong aralin, balik-aralan mo ang pagbuo ng
bugtong, tula/awit panudyo at tugmang de-gulong. Gamitin ang graphic organizer
sa ibaba para sa mga halimbawa nito.

Tula/Awit Panunudyo Tugmang De-gulong Bugtong o Palaisipan

Tuklasin
A. Panimula
Bago ka magpatuloy sa ating aralin, nais kong bumuo ka ng listahan ng
mga katangian na dapat taglayin ng isang hukom at ipaliwanag ito.

Paliwanag:
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Pagbasa
Ngayon ay simulan mo na ang paksang aralin. Handa ka na ba?
Umpisahan mo sa pamamagitan ng pagbasa at pagsagot nang pasalita sa mga
tanong.

Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan


(Mito mula sa Pampanga)

Noong unang panahon, nakatira si Sinukuan, ang hukom ng mga hayop


sa isa sa mga kuweba sa bundok Arayat. Nakatira siya dati sa isang lugar
malapit sa bayan. Subalit dahil sa sobrang tapang at lakas niya, nagsimula
siyang kainggitan ng mga tao hanggang sa siya ay layuan.
Dumating ang panahon na marami nang naging pagtatangka sa buhay
niya. Bunga nito, isinuko niya ang lahat ng ari-arian at mga kaibigan niya sa
bayan at nagpunta siya sa bundok Arayat. Dito niya inilaan ang lahat ng
kaniyang oras upang kaibiganin ang mga hayop.
Hindi na mahirap para kay Sinukuan na makuha ang pagmamamahal
ng mga hayop. May kapangyarihan siyang baguhin ang anyo niya sa kung ano
man ang naisin niya. At palagi niyang ginagaya ang anyo ng hayop na
nagpupunta sa kaniya.
Hindi nagtagal, nalaman ng lahat ng mga hayop ang kapangyarihan,
katalinuhan, at pagiging makatarungan ng kanilang mabait na kaibigan kaya
siya ang ginawa nilang hukom.
Isang araw, sa hukuman ni Sinukuan, dumating ang isang ibon.
Hiniling niya kay Sinukuan na parusahan ang palaka sapagkat napakaingay
nito sa gabi kung kailan gusto na niyang matulog. Ipinatawag niya ang
mapanggulong palaka at tinanong kung ano ang dahilan ng kaniyang
masamang asal. Mapagkumbaba na sumagot ang palaka, “Umiiyak lang ako
para humingi ng tulong dahil natatakot ako sa pagong na may dala-dalang
bahay sa kaniyang likod. Baka ako malibing sa ilalim nito.”
“Sapat na ’yang dahilan,”sabi ni Sinukuan. “Malaya ka na.”
Sumunod na ipinatawag ang pagong sa hukuman ni Sinukuan.
Pagdating niya, mapagkumbaba niyang sinagot ang tanong ng hukom.
“Kagalang-galang na hukom, dala-dala ko ang aking bahay sapagkat natatakot
ako sa alitaptap. Naglalaro siya ng apoy at natatakot ako na baka masunog
niya ang bahay ko. Hindi ba tama na protektahan ninoman ang bahay niya
laban sa sunog?”
“Napakagandang katuwiran. Malaya ka na,” sabi ni Sinukuan.
Sa parehong paraan, kinabukasan ay dinala sa hukuman ang alitaptap.
Nang tanungin siya ng hukom kung bakit siya naglalaro ng apoy, mahina
niyang sinabi, “Sapagkat wala akong ibang paraan para protektahan ang sarili
ko laban sa matalim at matulis na punyal ng lamok.” Tila ito ay makatuwirang
sagot kaya napalaya rin ang alitaptap.

Lalong nahiwagaan si Maria sa mga pangyayari kaya sa huli ay agad


niyang pinatawag si Lamok. At nalaman niyang ang Alimango ang dahilan
4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
kung bakit may dalang itak ito. Nasipit ni Alimango ang paa ni Lamok at sa
kagustuhang makaganti ay madalas niyang suyurin ang bawat butas upang
makapaghiganti kay Alimango.

C. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin nang pasalita ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano-ano ang mga katangian ni Mariang Sinukuan?


2. Bakit nagtungo sa bundok Arayat si Mariang Sinukuan?
3. Paaano tinanggap si Mariang Sinukuan ng mga hayop na nainirahan sa
bundok Arayat?
4. Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ni Mariang Sinukuan sa bundok
Arayat?
5. Paano ginampanan ni Mariang Sinukuan ang kaniyang obligasyon bilang
hukom? Naging patas ba siya sa ginawa niyang paglilitis? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

Suriin
Ang pagsulat ng isang talata na may panimula, gitna at wakas ay
kinakailangang magtaglay ng mga angkop na na pahayag upang ito ay
masimulan. Gayundin naman sa pagsusulat ng isang akda.

Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas

1. Simula – simula ng akda na pumupukaw sa interes ng mga


mambabasa kung kaya’t kinakailangang epektibo ito. Maaaring
simulan ito sa noon, una, sa simula pa lamag at iba pa.
2. Gitna – Dito kinakailangang mapanatili ang interes ng mambabasa
sa kawing-kawing na mga ideya. Maaaring gamitin ang samantala,
saka, mayamaya, hanggang kasunod, walang ano-ano, at iba pa.
3. Wakas – Napakahalaga ng huling bahagi ng akda dahil dito naiiwan
sa mambabasa ang mahahalagang kaisipan. Dito nakapaloob ang
isahan at panlahatan na mensahe. Maaaring gumamit ng: pagkatapos,
sa huli, sa wakas, o iba pang pananda na naghuhdyat ng
makahulugang pagtatapos.

Halimbawa:
a. Sa simula pa lamang, maraming akdang pampanitikan na
namayani noong panahon ng mga katutubo.
b. Kasunod na paglabas ng mga akdang pampanitikan ay ang
pagpapahalaga sa kultura ng lahi.
c. Sa huli, hindi maaaring paghiwalayin ang panitikan at kultura.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman sa aralin na ating


tinatalakay. Punan ng angkop na pahayag/salita ang simula, gitna, at wakas ng
talata.

1. Noong nagsimula ang online class ay marami na sa mga magulang ang


mayroong negatibong pagtingin pagdating sa new normal na pag-aaral. 2.
Kasunod nito ang mga suliranin na kinahaharap ng mga magulang lalo na sa
usaping pananalapi dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan. 3.
Samantala, ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay nagpatupad ng iba’t
ibang pamamaraan upang matugunan ang mga suliraning ito. 4. Kasabay nito
ay ang pagkilos at pagtulong ng mga lokal na pamahalaan upang makasabay
ang kahit pangkaraniwang mamamayan at hindi mapag-iwanan sa kanilang
pag-aaral. 5. Sa huling datos ng DepEd ay nakatugon naman ang bilang ng
inaasahan ng mga mag-aaral para sa taon na ito.

Kasunod Noon Sa huli Samantala Kasabay

Isaisip
Ngayon ay alam mo na kung paano gamitin ang mga hudyat sa simula,
gitna at wakas ng talata ay subukin mong gamitin sa pangungusap ang
sumusunod na salita.

1. Noon ______________________________________________________________________
2. Mayamaya _________________________________________________________________
3. Hanggang __________________________________________________________________
4. Sa huli _____________________________________________________________________
5. Pagkatapos _________________________________________________________________

Isagawa
Sundin ang mga hakbang sa susunod na pahna upang maisagawa mo ang
gawaing ito. Basahin ang sumusunod na teksto na nagpapaliwanag tungkol sa
pinagmulan ng pangalan ng lungsod ng Marikina. Gumawa ng buod nito na
isasaalang-alang ang angkop na mga pahayag sa simula, gitna at wakas ng
isang akda.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Alamat sa Likod ng Ngalang Marikina

Sa kadahilanang walang dokumento ang makapagpapatunay sa


pinagmulan ng pangalang "Marikina." Ang mga kuwento at alamat na ito ay mula
sa mga matatanda sa baryo.

Buhat sa pangalan ng isang paring ang pangalan ay Mariquina - Isa siyang


batang pari na ang pangalan ay Mariquina. Binigyan siya ng tungkuling binyagan
ang mga bata at gawing Kristiyano. Isa rin siya sa mga nagpatayo ng kapilya sa
Jesus dela Peña. Dahil sa naitulong niya sa bayan natin, pinangaralan siya at
ipinangalan ang bayan natin sa nasabing pari.

Buhat sa isang babae na ang tawag ay Maria Cuina - Bago pa raw dumating ang
mga Kastila sa Mariquina, isang maganda, mabait at matalinong babae ang
naninirahan sa bayan. Dahil sa kakayahan niya sa negosyo, ang buhay niya ay
umunlad. Ginamit niya ang kanyang pera sa kawanggawa. Naging tanyag siya dito
hanggang sa Maynila. Sa tuwing dadalaw ang ibang tao mula sa ibang bayan at
magtatanong ng pangalan ng ating bayan, sinasagot sila na ang pangalan ay
Maria Cuina, sa pag-aakalang tinatanong ang kanilang pinagpipitagang babae.
Mula noon, ang bayan ay nakilalang Mariquina.

Buhat sa salitang Marikit-Na - Noong panahon na ginagawa ang bisita sa Jesus


dela Peña sa pamamahala nga mga paring Hesuitas at ang mga trabahador ay
mga Pilipino. Kastila ang salita ng mga pari noon at Tagalog naman sa mga
manggagawa, dahilan ng madalas na hindi pagkakaintindihan. Nang matapos
ang kapilya ay tinanong ng pari kung ano ang itatawag sa lugar na iyon, dali
daling sumagot ang isang manggagawa ng "marikit-na-po," sa pag-aakalang
tinatanong ang kalagayan ng kapamilya. Mula noon, ang lugar na iyon ay tinawag
na Marikina.

Buhat sa isang bayan sa Espanya na ang pangalan ay Mariquina - Sa


probinsiya ng Nueva Viscaya sa Espanya ay may isang bayan na ang pangalan ay
Mariquina, na pinangalanan sa karangalan ng isang Eduardo de Mariquina, isang
bantog na musikero noon. Ang bayan ng Mariquina sa Espanya ay nasa tabing
ilog ng Charmaga na siyang pinanggalingan ng mga paring Hesuita na naparito sa
Pilipinas at siyang nagtatag ng kapilya sa Jesus dela Peña. Dahil dito, pinalalagay
ang Mariquina sa bayan upang parangalan ang kanilang pinanggalingan bayan sa
Espanya. Noong 1901, pinalitan ni Komisyonado Pardo de Tavera ang letrang "Q"
ng letrang "K" kaya naging Marikina.

Batay sa kasaysayan at dokumento na nasa pag-iingat ng pamahalaang bayan


ng Marikina, ang bayan ay unang tinawag na Marikit-na noong 1787 at di naglaon
ay ginawang Mariquina. Ayos kay Dr. Trinidad Pardo de Tavera, ang Mariquina ay
para sa karangalan ni Kapitan Berenguer de Mariquina na siyang namumuno sa
ating bayan noong 1788.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pamantayan sa pagmamarka:

Mga Pamantayan Puntos Puntos


sa Sarili ng Guro

Nakasulat ng isang buod na may angkop na


gamit ng hudyat ng simula, gitna at wakas.

Naisa-isa ang mahahalagang datos sa


binasang akda.

Nagamit ang wikang Filipino at angkop na


bantas sa pagsulat ng buod.

Kabuoang Puntos

10 – Napakahusay 4- Kailangan pang paghusayan


8 – Mahusay 2- Magsanay upang humusay
6 – Katamtamang Husay

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan sa paksang tinalakay. Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang
sumusunod. Isulat kung ito ay simula, gitna, o wakas.

____________1. Dito pa lamang ay mapupukaw na agad ang interes ng


mambabasa.
____________2. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap
sa isinasalaysay.
____________3. Sa bahaging ito ay kailangang mapanatili ang kawing-kawing na
pangyayari at paglalarawang nasimulan.
____________4. Dito nakapaloob ang mahahalagang mensaheng magpapabuti o
magpapabago sa kalooban at isipan ng mambabasa.
____________5. Maaring konklusyon ang bahaging ito ng sulatin.

Nababatid kong marami kang ginawa sa araw na ito kaya naman


nais kong ilahad mo ito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talaarawan.
Isasaalang-alang ang angkop na mga pahayag sa simula, gitna at wakas ng isang
akda.

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gawing gabay ang rubrik sa ibaba para sa gawaing ito:

Organisado at may kaisahan ang talata –5


Magkakaugnay at maayos ang pagkakalahad ng pangyayari –5
Nakagamit nang angkop na pahayag sa simula, gitna at wakas – 5
Tama ang balarila/gramatika sa pagsulat –5
-----------------------------------------------------------------------------------------
Kabuoan: 20 puntos

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

 Apit-it, Marilyn S. et al., (2017) Panitikang Rehiyunal: Kagamitan ng


Mag-aaral sa Filipino
 http://www.marikeno.com/2014/09/ang-alamat-ng-marikina.html

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Maru U. Panganiban (Guro, JDPNHS)


Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, NHS)
Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like