You are on page 1of 17

Department of Education

National Capital Region

9
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 11:
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita
sa Iba’t Ibang Paraan

May-akda: Mark Ryan V. Canimo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang aralin:

 Aralin 1 – Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita Batay sa Konteksto

at Matalinhagang Pahayag

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:


A. natutukoy ang mga salitang mahihirap unawain batay sa konteksto ng
pangungusap;
B. nabibigyang kahulugan ang mga salitang mahirap unawain batay sa
konteksto ng pangungusap; at
C. natutukoy ang matatalinhagang pahayag sa parabula at nabibigyan ng
kahulugan

 Aralin 2 – Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita sa Iba’t ibang Paraan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:


A. natutukoy ang mga salitang may natatagong kahulugan sa akda;
B. nabibigyang kahulugan ang mga salitang may natatagong kahulugan sa
akda;
C. natutukoy ang mga salitang may ibang kahulugan batay sa kontekstong
pinaggamitan;
D. nabibigyang kahulugan ang mga salitang may ibang kahulugan batay sa
kontekstong pinaggamitan; at
E. nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kasingkahulugan at
kasalungat

Subukin
A. Sagutan ang crossword puzzle upang maibigay ang kahulugan ng
matatalinhagang pahayag sa ibaba.

Pahalang
1. kapilas ng buhay
2. balat-sibuyas
3. may bulsa ang balat

Pababa
4. naniningalang pugad
5. Di mahulugang karayom

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang letra ng pinakaangkop na sagot?
1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumamit ng salitang “hukay” na
may kahulugang libingan?
a. Kailangang gumawa ng malalim hukay upang mailagay ang poste ng
inyong bahay.
b. Nag-iwan ng malalim na hukay sa tabi ng aming bakuran ang malakas
na agos ng baha.
c. Nakasama niya sa kanyang hukay ang lahat ng kanyang lihim.
d. Tumago ang ilang sundalo sa hukay upang makaiwas sa tama ng bala.
2. “Naalis ang kanyang lumbay matapos makatanggap ng mensahe mula sa
kanyang nanay.” Alin sa mga sumusunod ang kasalungat na kahulugan ng may
salungguhit?
a. lungkot b. tamlay c. saya d. tahimik
3. “Hitik na hitik sa bunga ang puno ng mangga sa tuwing buwan ng buwan ng
Mayo.” Alin sa mga sumusunod na salita ang matalinhagang pahayag?
a. hitik na hitik c. puno ng mangga
b. buwan ng Mayo d. wala
4. “Sana’y maluto na ng ulam, kumukulo na ang tiyan ko.” Ano ang kahulugan ng
may salungguhit?
a. nagagalit b. nagugutom c. naiinip d. nauumay
5. “Naglahong parang bula ang kanyang mga pangako.” Ano ang kahulugan ng
may salungguhit?
a. naligaw b. namalayan c. nagwala d. nawala

Aralin Pagbibigay-kahulugan sa Salita Batay


1 sa Konteksto at Matalinhagang Pahayag

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay kahulugan sa salita batay


sa konteksto ng pangungusap at pagbibigay kahulugan sa matalinhagang pahayag.
Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang mga natutuhan sa pagpapaliwanag ng bisa ng
binasang akda sa sariling kaisipan at damdamin. Ibigay ang bisang
pandamdamin at pangkaisipan ng akdang binasa sa nakaraang aralin.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bisang Pandamdamin Bisang Pangkaisipan
Pamagat ng
AkdaAkda

Tuklasin
A. Panimula
Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang “banga” at
pagkatapos ay ibigay ang iyong paliwanag.

B. Pagbasa

Parabula ng Banga
“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang
tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”
“Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng
anak na banga na may pagtataka.
“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na
makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.”
Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang
isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng
ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, ang isang
makintab na bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap
niya na sila ay magkakaiba.
Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring
makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang materyal at
iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate at may

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
dilaw. Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-
pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.
Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa
kaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa
kanya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa
makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at
matitingkad ang kulay ng pintura. May palamuting gintong dahon ang gilid nito.
Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kaniyang tindig.
“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng
banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At
sumunod siya sa porselanang banga at sinabing,” Oo, maliligo ako sa lawa kasama
mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.”
‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa.
Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig.
Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon.
Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang
banga ay tinangay papalapit sa kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang
nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng
lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.
Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari.
Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan
nila.
Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalalim ng tubig,
naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina.
C. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga tanong.

1. Anong naramdaman mo matapos basahin ang parabula?


2. Ilarawan ang katangian ng bangang yari sa lupa at yari sa porselana
ayon sa parabula?
3. Makatuwiran ba ang tagubilin ng inang banga sa kaniyang anak? Bakit?
4. Sino ang kumakatawan sa bangang yari sa lupa at bangang yari sa
porselana?
5. Anong aral o mensahe tungkol sa katotohanan ng buhay ang
ipinababatid ng parabula?
6. Aling bahagi ng parabulang binasa ang nagpapakita ng mensahe nito?

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Isa sa mga paraan sa pagbibigay kahulugan ay batay sa


konteksto sa pangungusap. Sa pamamagitan nito nabibigyang-
kahulugan ang salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan nito sa
loob ng pangungusap o mauunawaan ang salita ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap.

Halimbawa:

1. “Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang


uri ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,”

2. Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa


kaniyang isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa.

Ang matalinhagang pahayag ay pangkat ng mga salita o


ekpresyong may hindi tiyak na kahulugan. Sa pamamagitan nito
nabibigyang-kahusayan ang isang akda bunga ng pagiging malikhain
ng manunulat.

Halimbawa:

1. Hinulma sila nang pantay-pantay.


2. balat sibuyas
3. bukas palad
4. harangan man ng sibat

Pagyamanin

Sa pagkakataong ito, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pagbibigay-


kahulugan batay sa konteksto at pagbibigay kahulugan sa mga matatalinhagang
salita. Magsaliksik at magbasa ng isang parabula mula sa bibliya o anomang
digital platforms pagkatapos ay gawin ang sumusunod na gawain sa ibaba.

A. Isulat sa talahanayan ang mga salitang mahirap unawain mula sa


binasang parabula. Isulat din ang kahulugan ng mga ito batay sa konteksto sa
pangungusap.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
PAMAGAT NG PARABULA:
Salita mula sa Parabulang Binasa Kahulugan

B. Punan ang diyagram ng matatalihagang pahayag at kahulugan nito mula


sa binasang parabula.

PAMAGAT NG PARABULA: ___________________________________________

MATALINHAGANG PAHAYAG KAHULUGAN

Mamarkahan ang gawain sa pamamagitan ng pamantayan sa ibaba. 5 ang


pinamataas na puntos at 1 ang pinakamababa.

Pamantayan sa Pagmamarka 1 2 3 4 5
Mahusay na natukoy ang mga salitang mahirap
unawain sa parabula
Malinaw at mahusay na nabigyang-kahulugan ang
mga salita mula sa parabula
Mahusay na natukoy ang mga matatalinhagang
pahayag mula sa binasang parabula
Malinaw at mahusay na nabigyang-kahulugan ang
mga matatalihagang pahayag mula sa binasang
parabula.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip
Ibuod ang aralin sa pamamagitan ng diyagram sa ibaba.

Pagbasa ng Pagtukoy sa
Parabula mga
talinhaga

Pag-unawa sa Parabula

Isagawa
Sumulat ng isang liham sa isang kaibigan na gusto mong bahaginan ng
binasa mong parabula. Ibahagi sa sulat ang mensahe nito at ang mga salita at
matatalinhagang pahayag mula sa parabula. Gamiting pamantayan ang rubrik sa
bahaging “Pagyamanin.”

Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang iyong
natutuhan.

A. Tukuyin ang kahulugan ng salita o pahayag na may salungguit. Isulat sa


patlang ang letra ng pinakaangkop na sagot.

______1. Naging bukas ang palad ang marami nating kababayan sa mga
naging biktima ng nakaraang kalamidad.
a. mabait b. masaya c. matulungin d. wala
______2. Nanggaling sa pawis ng aking tatay na OFW ang kaginhawahan ng
aming buhay ngayon.
a. dugo c. pinaghirapan
b. likido na lumalabas sa katawan d. tulo
______3. Bilisan mo naman! Palagi ka na lang naglalakad sa buwan.
a. mabagal lumakad c. malungkot na naglalakad
b. magaling sa astronomiya d. walang gravity sa buwan
______4. Ikrus mo sa noo ang lahat ng pangaral ng iyong magulang at gawin
mo itong gabay sa iyong pagtanda.
a. alamin b. pag-aralan c. tandaan d. wala

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
______5. Makikita ang naglipanang basura na nakakalat sa kalsada matapos
ang malaking baha.
a. nakaharap b. nakalabas c. nakakalat d. nakatago

B. Basahin ang parabulang “Mabuting Samaritano” sa bibliya o anomang


digital platforms. Tukuyin ang mga salitang mahirap unawain at matatalinhagang
pahayag mula parabula at ibigay ang kahulugan ng mga ito.

Matatalinhagang Salita Kahulugan

Karagdagang Gawain

Magbasa o magsaliksik ng isang parabula mula sa Silangang Asya. Gumawa


ng dalawang minutong vlog na nagbibigay kahulugan sa mga salita at talinhaga
mula sa binasang parabula. Gamitin ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin” ng
modyul na ito.

Aralin Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita


2 sa Iba’t ibang Paraan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay kahulugan sa salita batay


sa konteksto ng pangungusap at pagbibigay kahulugan sa matalinhagang pahayag.
Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang mga natutunan sa pagbibigay kahulugan sa salita
batay sa konteksto ng pangungusap at pagbibigay kahulugan sa matalinhagang
pahayag. Magbigay ng limang matatalinhagang pahayag at kahulugan nito.

Matalinhagang Pahayag Kahulugan


1. ______________________________ ______________________________
2. ______________________________ ______________________________
3. ______________________________ ______________________________
4. ______________________________ ______________________________
5. ______________________________ ______________________________

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

A. Panimula

Pag-aralan ang larawan at sagutin nang pasalita ang mga na tanong.

1. Anong sitwasyon ang ipinapakita sa


larawan?
2. Sa iyong palagay, anong mensahe ang
ipinapakita ng larawan?
3. Paano mo maisasabuhay ang
mensaheng ipinapakita ng larawan?

B. Pagbasa

Ang Alibughang Anak


(Lucas 15:11-32)

Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Sinabi
sa kaniya ng bunso, “Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At
hinati nga ng ama ang kaniyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng
bunso ang kaniyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa
mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. Nang maubos na ito, nagkaroon ng
matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap.
Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan.
Sa tindi ng kaniyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kaniya ng
pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na
pinapakain sa mga baboy. Ngunit napag-isip-isip niya ang kaniyang ginawa at
nasabi niya sa sarili, “Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama,
samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! Babalik ako sa aking ama at
sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po
ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa
inyong mga alila.” At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.
“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa
ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, “Ama,
nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging
anak ninyo.” Ngunit tinawag ng ama ang kaniyang mga alila, “Dali! Kunin ninyo
ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing
at ng sandalyas. Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at
magdiwang. Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay;
nawala, ngunit muling natagpuan.” At sila nga'y nagdiwang.
“Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa
bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isang utusan at

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
tinanong, “Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?’ Dumating po ang inyong kapatid!”
sagot ng alila. “Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong
kapatid ay nakabalik nang buháy at walang sakit.” Nagalit ang panganay at ayaw
niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kaniyang ama at pinakiusapan.
Ngunit sumagot siya, “Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at
kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng
kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan.
Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan
sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!” Sumagot
ang ama, “Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo.
Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang
kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan."

C. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga tanong.
1. Paano mo ilalarawan ang ama sa parabulang binasa?
2. Ano ang naging kapalaran bunsong anak matapos makuha ang kaniyang
mana? Nakabuti ba ito sa kaniya? Bakit?
3. Sang-ayon ka ba sa ginawa ng ama sa pagbabalik ng kaniyang bunsong
anak? Bakit?
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng panganay na anak, ano ang iyong
mararamdaman? Bakit?
5. Anong aral o mensahe tungkol sa reyalidad ng buhay ang ipinapakita sa
parabula?
6. Paano pinalutang ng manunulat ang aral o mensahe ng parabula?

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-


kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay
nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Mabilis na ipinasa ni Romeo ang bola sa
kakampi.
b. bola - pagbibiro (metaporikal)
Pangungusap: Hindi mo siya mapapasagot sa mga bola mo.
2. a. bituin – bagay na may liwanag sa kalawakan na binubuo ng
plasma(literal)
Pangungusap: Nakatutuwang pagmasdan ang mga bituin
sa langit.
b. bituin – tanyag na aktor o artista (metaporikal)
Pangungusap: Napakaraming bituin ang mapapanood sa
pelikulang ito.
c. bituin – kaakit-akit ba dalaga (metaporikal)
Pangungusap: Isa kang bituin na tinitingala ng mga
kalalakihan.

Makatutulong din upang mabigyang-kahulugan ang salita


mula sa akda sa pamamagitan ng kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan.

Halimbawa:

Salita Kasingkahulugan Kasalungat


pagkagiliw pagkatuwa pagkagalit
matatag matibay marupok
matamlay malungkot masaya

Pagyamanin
Sa pagkakataong ito, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pagbibigay
kahulugan sa salitang may natatagong kahulugan, ibang kahulugan at pagbibigay
kahulugan sa salita batay sa kasingkahulugan at kasalungat. Gawin mo ang mga
sumusunod na gawain sa ibaba.

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
A. Basahing muli ang parabulang “Ang Alibughang Anak.” Tukuyin ang mga
salitang may natatago at ibang kahulugan. Isulat ang mga ito sa talahanayan at
ibigay kahulugan batay sa kontekstong pinaggamitan.

SALITA KAHULUGAN
1.
2.
3.
4.
5.

B. Punan ang graphic organizer ng tatlong salita mula sa binasang parabula at


ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga ito.

Kasingkahulugan Kasalungat

Kasingkahulugan Kasalungat

Kasingkahulugan Kasalungat

Mamarkahan ang gawain sa pamamagitan ng pamantayan sa ibaba. 5 ang


pinamataas na puntos at 1 ang pinakamababa.

Pamantayan sa Pagmamarka 1 2 3 4 5
Mahusay na natukoy ang mga salitang may natatago
at ibang kahulugan sa parabula
Malinaw at mahusay na nabigyang-kahulugan ang
mga salitang may natatago at ibang kahulugan sa
parabula
Malinaw at mahusay na nabigyang-kasingkahulugan
at kasalungat ang mga salita mula sa binasang
parabula.

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Ang mga salitang may natatago at ibang kahulugan ay ginagamit


ng mga manunulat upang mas mapaganda pa ang kanilang mga akda
kaya’t mahalagang masuri ang pagkakagamit ng mga salita ayon sa
konteksto nito sa pangungusap o pahayag upang mauunawan nang
husto ang isang akdang pampanitikan.

Isagawa
Magbasa ng isang parabula sa bibliya o iba pang digital platforms. Ibahagi
ang iyong kakayanan na mabigyang-kahulugan ang mga salitang may natatago at
iba pang kahulugan sa pamamagitan ng “tutorial video” para sa mga kaklase o
mga kapwa mag-aaral. Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka sa
bahaging “Pagyamanin.”

Tayahin

Tiyak na naunawaan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang iyong


natutuhan. Gawin mo ang sumusunod na gawain sa ibaba.

A. Basahing muli ang Parabula ng Banga sa aralin 1. Ibigay ang nais


ipakahulugan ng mga salita sa ibaba batay sa inyong binasa at iba pang
kahulugan ng mga salitang ito.

KAHULUGAN (batay sa
SALITA Iba pang kahulugan
binasang parabula)

1. tagubilin

2. sisidlan

3. lumikha

4. nabibitak

5. lumulubog

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga
sumusunod na salita.

SALITA KASINGKAHULUGAN KASALUNGAT


nilustay
namasukan
alila
pinaglingkuran
magdiwang

Karagdagang Gawain
Magbasa ng isang parabula. Lumikha ng isang talahanayan ng mga
kahulugan ng mga salitang may natatago at ibang kahulugan. Ibigay din ang
kasingkahulugan at kasalungat ng mga ito. Gawing gabay ang pamantayan sa
pagmamarka sa bahaging “Pagyamanin,”

Susi ng Pagwawasto

5. D
4. B
3. A
2. C
1. C
B.

5. matao
4. nanliligaw
3. kuripot
2. sensitibo
1. asawa
A.
Subukin

City of Good Character 14


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
PERALTA, ROMULO N. et al, Panitikang Asyano 9 Modyul Ng Mag-Aaral Sa
Filipino. PASIG, PHILIPPINES: Department of Education – Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2014.

https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7452/mod_resource/content/4
/index.html

Larawan
https://pixabay.com/vectors/jar-vessel-greek-vase-amphora-305040/

https://pixabay.com/vectors/bible-prodigal-son-father-parable-4247841/

City of Good Character 15


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like