You are on page 1of 24

Mahilig ka bang

magsulat?
Kabanata 1. Akademikong
Pagsulat: Makrong
Kasanayan sa Pagsulat

✓PROSESO NG PAGSULAT
✓ORGANISASYON NG TEKSTO
Layunin
Pagkatapos ng talakayan, lahat ng mag- aaral
ay inaasahang;
a. natutukoy ang iba’t ibang proseso ng
pagsulat at ang organisasyon ng teksto;

b. naibabahagi ang kahalagahan ng proseso ng


pagsulat at ang pag-oorganisa ng teksto; at
c.nakapagsusuri ng isang akademikong
sulatin.
Ang huling tatayo
ang sasagot sa
tanong!
Ano ang
tinalakay noong
nakaraang
klase?
Paunang Gawain:
1. Inisyal na pagtatangka

2. Pagtatanong at Pag-uusisa

3. Pagsulat ng unang borador


4. Pala-palagay

5. Pinal na papel

6. Pagpapakinis ng papel
Tamang sagot!
2. Pagtatanong at Pag-uusisa
4. Pala-palagay
1. Inisyal na pagtatangka
3. Pagsulat ng unang borador
6. Pagpapakinis ng papel
5. Pinal na papel
PROSESO NG PAGSULAT
Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo
ang pagsulat sapagkat hindi naman
namamana ang kakayahang ito.

1. Pagtatanong at Pag-uusisa
Ang mga sulating papel ay
nagmumula sa isa o
maraming tanong.
PROSESO NG PAGSULAT
2. PALA-PALAGAY
Habang wala pang tiyak na balangkas at
daloy ng pagtalakay sa pagsang susulatin,
naghahain muna ng haka-haka ang
manunulat.
Ang unang tatayo
ang sasagot sa
tanong!
PROSESO NG PAGSULAT
3. INISYAL NA PAGTATANGKA
Pinupokus ng manunulat ang saklaw ng
pananaliksik na gagawin.

4. PAGSULAT NG UNANG BORADOR


Binubuhos ng manunulat ang kanyang
kasanayan at kakayahan upang mabuo ang
papel.
PROSESO NG PAGSULAT
5. PAGPAPAKINIS NG PAPEL
Muli't muling babasahin ito para makita
ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng
salita, gramatika at ang daloy ng
pagpapahayag, impormasyon at katwirang
nakapaloob sa komposisyon.
PROSESO NG PAGSULAT
6. PINAL NA PAPEL

Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na


bahagi at nilalaman ng papel, pwede nang
ipasa at ipabasa ito sa guro.
Ang unang
tatayo
ay magtatawag
ng kaibigan!
ORGANISASYON NG TEKSTO
1. Titulo o Pamagat
Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng
papel;

pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat


o pagpasa, at iba pang impormasyon na
maaaring tukuyin ng guro.
ORGANISASYON NG TEKSTO
2. Introduksyon o Panimula
Karaniwang isinasaad dito ang paksa,
kahalagahan ng paksa, dahilan ng
pagsulat ng paksa at pambungad na
talakay sa daloy ng papel.

ORGANISASYON NG TEKSTO
3. Katawan
Dito matatagpuan ang mga pangunahing
pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag, pagsasalaysay,
paglalarawan at paglalahad ay
matatagpuan sa bahaging ito.
ORGANISASYON NG TEKSTO

4. Kongklusyon
Dito nilalagom ang mga
mahahalagang puntos ng papel.
PANGKATANG GAWAIN!
Basahin ang talumpati ni Shamgar
Mangida na pinamagatang “Ang Pera at
ang Tao”. Tukuyin at lagyan ng label
kung nasaan ang:

1.) Titulo o pamagat

2.) Introduksiyon o panimula

3.) Katawan
MGA GABAY NA TANONG:

1.) Saan napapatungkol ang binsang talumpati?

2.) Angkop ba ang pamagat sa naging paksa ng


talumpati?

3.) Organisado ba ang pagkakasulat ng mga ideya?

4.) Gumamit ba ang may-akda ng tamang


gramatika?

5.) Naging maayos ba ang paglalahad sa naging


kongklusyon ng talumpati?
TAKDANG-ARALIN
Basahin at unawaing mabuti ang
“Katitikan ng Buwanang Pulong ng
Municipal Development Cooperative
Council ng Ibaan”. Magkakaroon ng
gawain sa susunod na pagkikita.
SANGGUNIAN:
•Filipino sa Piling Larang
Akademik
Maraming
salamat sa
pakikinig!

You might also like