You are on page 1of 1

Makrong Kasanayan sa Pagsulat

Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat

1.Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa.
2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap
lamang sa mga mambabasa.
3. Kumbinasyon. eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat ng pagsulat.
Anyo ng pagsulat ayon sa layunin
1.Paglalahad.Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at
pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa: PAGLULUTO NG BOLA-BOLA
2. Pagsasalaysay.Nakapokus ito sa kronolohikal opagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap
3. Pangangatwiran. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.
4. Paglalarawan.Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at
kapaligiran.
Proseso ng Pagsulat
1.Pagtatanong at Pag-uusisa. nagmumula sa isa o maraming tanong.
2. Pala-palagay.Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda, unti-unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat sa
paksang susulatin.
3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng
manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas.
4. Pagsulat ng unang borador.Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring
sulatin na ang unang borador
5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t mulingbabasahin ito para makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita,
gramatika at ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon.
6. Pinal na papel.Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel, pwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t
susuri nito.
Organisasyon ng Teksto
1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na
maaaring tukuyin ng guro.
2. Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy
ng papel.
3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at
paglalahad ay matatagpuan sa bahaging ito.
4. Kongklusyon.Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad din sa bahaging ito ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad
at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.

You might also like