You are on page 1of 15

Pagsulat Ng Sintesis

           Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na “syntithenai” na ang ibig sabihin sa Ingles ay put
together o combine (Harper 2016). Makikita ang prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-uusap
tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman ng mga ito
upang makuha lamang ang kahulugan, layunin, at kongklusyon ng libro.

           Madalas na nalilimitahan ng oras ang pagbabahagi ng kaalaman sa iba’t ibang dahilan. Maaaring oras sa
klase, oras ng kuwentuhan, o sukat ng panahon para sa pagsulat at pagbasa ng artikulo kung nasa anyong
babasahin ang pagbibigay ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan, makikita ang kahalagahan na natutuhan ang
paraan ng paglalagom o pagbubuod na tinatawag na pagbibigay ng sintesis.

           Sa madaling pagpapaliwanag

Narito ang mga hakbang sa pagsulat ng isang sintesis

1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na nauunawaan ay
ulit-ulitin itong basahin. Kinakailangang maunawaan muna ang isang babasahin bago sumulat ng
isang sintesis
2. Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil rnaisasapuso at
mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.
3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.
Sekwensiyal—pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng mga
panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba
pa
Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa
pangyayari.
Prosidyural—pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
4. Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat. 
(https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-sintesis/)

Halimbawa:
Buod ng Florante at Laura
           Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang
Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na
inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura,
sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

           Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni
Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni
Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling
lumakas.

           Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na
siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon
ang kwintas niyang diyamante.  Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si
Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni
Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap
si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

           Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral
Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan
matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang
bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa
pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.

           Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante.
Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang
kanyang kasintahang si Flerida.

           Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at
nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang
mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at
naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

           Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante.
Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.

           Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila.
Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging
binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya. https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-sintesis/

Pagsulat ng Posisyong Papel


           Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat. Isa itong
sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas,
akademiya, politika, at iba pang mga larangan. Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang
mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa
isyung pinaksa.

           Sa mag-aaral, isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa pagpapatibay ng paninindigan o
pagbuo muna ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng pagpapahusay sa paglalahad ng mga
suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging mga
ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa. (https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-
posisyong-papel/)

           Isa-isahin naman natin ang mga katangian ng isang posisyong papel:

1. Depinadong Isyu
           Nangangahulugan ito na ang papel ay hinggil sa mga kontrobersyal na isyu at mga bagay na
pinagtatalunan ng tao.

2. Klarong Posisyon
           Kailangang mailahad nang malinaw ang posisyon ng awtor. Hindi maaari ang posisyong malabo
o ang indesisyon sa klase ng sulating ito. Madalas, dinedeklara na agad ng awtor ang kanyang
posisyon sa tesis na pahayag sa simula pa lamang ng sanaysay.

3. Mapangumbinsing Argumento
           Mayroon itong matalinong katwiran kung saan kinakailangan na malinaw ang pangunahing
puntong sumusuporta sa posisyon.

           Mayroon din itong solidong ebidensya. Maaaring gamitin ang anekdota (mga testimonyang
mga awtoridad na maalam sa isyu), at ang estatistika ay dapat na may malinaw na pinaghanguan ng
impormasyon

           Mayroon din itong Kontra-Argumento. Dapat isaalang-alang ang mga salungat na pananaw, at
upang pabulaanan, dapat ipakita ng awtor kung paano naging mali ang argumento.

4. Angkop na Tono
           Maaaring palakaibigan, seryoso o matapang ang tono ng sulating ito. Dapat ding isaalang-alang
ang bigat ng isyu, target na mambabasa at layunin ng manunulat.

Narito ang mga mungkahing hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel: 

1. Tiyakin ang Paksa


           May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong papel. Una, ang
posisyong papel ay binubuo para sumangkot sa isang napapanahong usapin na pinagtatalunan. At
pangalawa, maaari din namang bumuo ng posisyong papel bunsod ng isang napansing problema sa
kagyat na kapaligiran o lipunan.

2. Gumawa ng panimulang saliksik


           Maaaring magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga taong may
awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin. Sikaping maging bukas muna ang isip
para makabuo ng matalino at makatuwirang posisyon. Iwasan munang kumiling sa isang panig na
maaaring humadlang para makita ang iba’t ibang pananaw sa usapin.

3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran


           Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang
dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanay para
magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito. Tandaan na hindi ito pahabaan ng listahan at
kailangan pa ring timbangin ang bigat at halaga ng bawat isa. Batay sa paglilista at pagtitimbang,
bumuo ng sariling paninindigan.

4. Gumawa ng mas malalim na saliksik


           Maaring pagtuunan ang mga katuwiran para sa panig ng napiling paninindigan. Maaaring
sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Maaaring makipanayam sa mga taong may
awtoridad sa paksang pinagtatalunan. Mahalaga ring gumamit ng mga ulat ng ahensya ng
pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon, pahayagan, at magasin upang makapagtampok ng
napapanahon na mga datos o impormasyon.

5. Bumuo ng balangkas
           Ipakilala ang paksa sa introduksyon. Pagkatapos ay isa-isang ihanay naman ang mga katwiran
ng kabilang panig. Isunod ang sarili mong mga katuwiran. Ilahad din ang mga pantulong na suporta
at mga ebidensya para sa iyong posisyon. Sa bahaging ito, maaaring palawigin ang paliwanag sa
sariling mga katuwiran.

Halimbawa:
PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG
KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG
PILIPINO

           Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng


mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa
Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan.

           Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin ang
asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28 serye 2013. Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang binalangakas nila,
bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid
namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at
magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga
Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling
ang Purposive Communicationsa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro
sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito

           Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at
konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat
(4) ng memorandum ang ganito: "General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the
community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and
nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts
of nature and addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing.
"Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad?
Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang
Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino
ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay
lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking
puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

           Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na


tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na
nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga organisasyon ay matatag na naninindigan na
panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.

           Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo
sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng
Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo
lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na konsultasyong isinagawa? Samantalang sa maraming
unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University
of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at University of
Moscow sa Russia.

           Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay patuloy na


nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga
pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan. Taong 2013
nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang
Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the
Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa
internasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga
batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya
ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay
mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng
kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi
tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli naming igigiit ang karapatan ng
Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas. 
(https://www.coursehero.com/file/p16qc4i/Ang-Politeknikong-Unibersidad-ng-Pilipinas-sa-pangunguna-ng-
Kagawaran-ng/)

           Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa


para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng
Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may
temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging
Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na
kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.

           Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mga mungkahing
asignaturang Filipino sapakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon
sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

           Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na puwang ng
asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang
pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para
manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

           Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-
araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at
naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidadng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa
bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang
Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo!

           Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014

Pagsulat Ng Talumpati
         Ang talumpati ay sining ng pagsasalita nangangatwiran, o tumatalakay ng isang paksa para sa mga
tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at
katatagan ng kanyang paninindigan. Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa paghahanda sa mga ito
(Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008). Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang isang mahusay na talumpati
ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, nakahihikayat ng mga konsepto at
paninindigan sa mga manonood at tagapakinig.

Kung susulat ka ng talumpati, mahalagang…

1. Nakapupukaw ng interes ang mga impormasyong ilalahad.


2. Hindi na dapat pang bigkasin ang talumpati sa harap ng maraming tao.
3. Ang talumpati ay dapat na magbigay ng impormasyon, manghikayat, at mang-aliw.
4. Sa pagbigkas ng talumpati, nararapat na maging tapat sa iyong sarili upang maipadama ang iyong
damdamin sa mga nakikinig.
5. Hindi dapat mang-aliw ang talumpati.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

1. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.
2. Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.
3. Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng mga ideya sa
talumpati.
Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati:

1. Una, kailangan nating bigyang-pokus ang paghahanda.


         Talumpating Maisusulat pa. Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti sa paksa ng
talumpating iyong isusulat. Palaging isipin na mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o
manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng pagbigkas.

         Talumpating Hindi maisusulat. Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang bigyan
ng talumpati, linawan ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng maliliit na detarye bagkus ay
lagurnin ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may kabagalan upang maunawaan ng mga
nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso, at sumagot nang tuwid dahil maaaring
ang pagsagot ay may oras lamang.

2. Pangalawa, Kailangan nating panatilihin ang Kawilihan ng Tagapakinig


         Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung
kaya’t mag-isip ng mga (https://www.coursehero.com/file/74993575/WEEK-8-FILpdf/ ) teknik sa
pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito. Maaaring may mga bahagi sa talumpati na
nagkukuwento. Pukawin ang diwa ng mga tao sa paggamit ng matatalinghagang pananalita at mga
tayutay.

3. Pangatlong dapat na pakatandaan ay ang Pagpapanatili ng Kasukdulan


         Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding emosyon,
batay sa kanyang paksa, na siyang pinakama-halagang mensahe ng talumpati.

4. At panghuli, Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig.


         Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng pagbubuod
sa mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-iwan ng mahalagang
mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos.

Iba’t-ibang uri ng talumpati

1. Impromptu – ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa


pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.

Narito ang ilang paalala sa biglaang pagtatalumpati.


♦ Maglaan ka ng oras sa paghahanda
         Huminga nang malalim. Dahan-dahan tumayo at lumakad patungong tanghalan. Gamitin ang
oras na ito sa pagbuo ng mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas. Mag-isip din ng magandang
panimula.

♦ Magkaroon ng tiwala sa sarili


         Tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga tagapakinig. Tumindig nang maayos. Huwag
ilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa. Magsalita at kumilos nang may tiwala sa sarili

♦ Magsalita nang medyo mabagal


         Ang pagsasalita sa mabagal na paraan ay nakatutulong sa iyo na mag-isip kung ano ang susunod
mong sasabihin. Nakakatutulong din ito para mabawasan ang iyong nerbyos.

♦ Magpokus
         Magpokus sa paksa habang nagsasalita. Iwasang mag-isip ng negatibo dahil sa kawalan ng
kahandaan. Magsalita nang tuwiran sa mga tagapakinig at ibagay o iangkop ang sarili sa nakikitang
reaksyon ng mga tagapakinig. Panatilihing nakapokus ang paningin sa mga tagapakinig. Iwasang
magpaligoy-ligoy sa pagsasalita.

2. Extempore – ayon kay James M. Copeland (1964), ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas
ng extempore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng kahandaan sa pagbigkas. Ang paghahanda sa
ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong
paligsahan. Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati. Sa ibang
paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lalampas o kaya ay kulangin sa oras.
Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at ang konklusyon ay
apektado sa itinakdang oras. Ang ikatlong kosiderasyon ay ang pag-uulit ng paksa. Ibig ng lupon ng
inampalan na makarinig sa mga tungkol sa magkakaparehong paksa. Iminungkahi ni Copeland na
mas maganda kung orihinal at maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa.

3. Isinaulong talumpati – sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati.
Samakatwid, may sapat na siyang paghahanda sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang
memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.

4. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya– makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat
ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng
panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.

Halimbawa
Talumpati sa Pagtatapos 2015
Talumpati ni Keith Andrew D. Kibanoff
2015 Valedictory Address
         Sa panauhing tagapagsalita, Dr. Andrea Orel Valle; sa Tsanselor ng UP Diliman, Dr. Michael Tan; sa Dekana ng
Kolehiyo ng Edukasyon, Dr. Rosario Alonzo; sa ating Prinsipal, Dr. Ronaldo San Jose; sa mga katuwang na prinsipal,
Prof. Zenaida Bojo at Prof. Melanie Donkor; mga guro; mga kasama sa paaralan; batchmates; sa mga magulang at
panauhin, magandang hapon po sa inyong lahat.

         Maraming nadadapa pero iilan lang ang bumabangon. At sa iilang bumabangon mas kaunti ang natututong
maglakad. Heto ang isang kwento kung paano ako nadapa at bumangon.

         Tandang-tanda ko ang araw ng pagtatapos ko sa kinder. Sabik na sabik ako dahil valedictorian ako’t
magbibigay ng speech. Kaya lang absentako noong araw na nag-fitting ng togakaya sobrang laki ng naibigay sa’kin
ng school. Natatapakan ko ang toga habang naglalakad at sobrang luwag ng cap sa aking ulo. Noong araw ng
pagtatapos namin, ibinigay sa akin ang mic, nagtalumpati ako, at nag-bow. Ngunit pagtayo ko mula sa bow,
nagtataka ako kung bakit tumatawa ang mga tao. At nakita ko ang sagot: nandoon na pala ang cap ko sa sahig. At
ang masaklap pa, nadapa pa ako sa pagbaba ng stage. Gustong-gusto ko talagang umiyak noon e. Pero dahan-
dahan akong bumalik sa stage, kinuha ko ang cap, at ngumiti sa mga tao.

         Kahit hindi tayo magkakasama noong kinder, sigurado akong may mga pagkakataong nadapa rin kayo. Marahil
naranasan ninyong makaaway ang matalik nyong kaibigan. Baka minsan rin kayong naagawan ng swing. At siguro,
nadapa kayo habang naghahabulan. Ang mga karanasang ganito ang humuhubog sa kung sino man tayo ngayon.
At itong “kung sino man tayo ngayon” ay batay sa ating mga paninidigan

         Siguro naman hindi na bagong konsepto ang paninindigan sa atin. Ang paninindigan ay ang mga pinaglalaban
natin; ang mga bagay na nagsisilbing pundasyon ng ating pagkatao. In short, ito ang ating mga prinsipyo. Pero ano
nga ba ang pinanindigan natin sa loob ng dalawa, apat, o labing-isang taong nag-aral tayo sa UPIS? Baka kailangan
nating pag-isipan. Pero kung ako ang tatanungin, noong una pa lang ay nanindigan ako noong lumipat akong UPIS.
Ang totoo kasi nyan, nagdadalawang-isip talaga akong mag-aral dito kasi kumportable na ako sa dati kong paaralan.
At siguro iyon ang problema. Ang sabi ng magulang ko kapag lagi kang nasa comfort zone, walang challenge at
doon titigil yung proseso ng pag-unlad. Kaya kahit inaway ko sila noong una, pumayag na rin akong lumipat sa huli.

         Naaalala ko ang mga panahong halatang bagong dating lang ako dito. Nagdala pa ako noon ng sobrang bigat
na stroller kung saan pinagkasya ko yata ang bahay ko. Nag-lip sync ako sa pagkanta ng UP Naming Mahal noong
orientation. Nag-panic ako noong biglang tumayo at lumipat ng room ang mga kaklase ko. Nagpunas ako ng
tumutulo kong pawis dahil di ako sanay na sira ang bintilador. Pero unti-unti akong naka-adjust sa mga karaniwang
ginagawa ng mga tao rito.

         Anuman ang naging resulta ng desisyon kong pumasok sa UPIS, ito ay aking pinanindigan, na pasok sa tema
natin: Kabataan, Manindigan sa Matapat na Paglilingkod sa Bayan.

         At hindi ito naiiba sa atin. Ano ba ang pinanindigan natin bilang isang batch? Mula sa umpisa, ipinakita natin
ang ating pagiging ibang klase. Kasi nga tayo’y Akinse, ibang klase.

         Ibang klase tayo sa pagiging maparaan. Ngayong Grade 10, dumaan tayo sa napakaraming hirap tulad ng
thesis, oral defense, talumpati, suring akda, trigonometry, function, at iba pa na hinamon ang ating time
management skills at ang ating galing sa pagtimpla ng kape. Nagagawa pa rin nating makakuha ng mataas na grado
sa mga output kahit may mga pagkakataong nagka-cram tayo.

         Ibang klase tayo sa pagtutulungan. Nakita ko talaga ito noong field trip natin noong Grade 7. Akala nating lahat
normal na field trip lang iyon kung saan aaralin natin ang ating kasaysayan, pupunta sa mga historical sites, at
makikinig sa lecturer. Hindi natin alam na isang napakasayang adventure ang pinasukan natin noong bumuhos ang
ulan at napilitan tayong lumusong sa baha. Noon ko talaga nakita kung paano tayo kumapit sa isa’t isa para di tayo
maanod ng tubig at sinigurado nating lahat tayo’y ligtas na nakababa sa bundok. Iyon na yata ang
pinakamemorable kong field trip sa buong buhay ko.

         At higit sa lahat, ibang klase tayo sa pagiging masayahin at spontaneous. Kaya nating maghanap ng mga bagay
na magpapasaya sa anumang boring na sitwasyon. Mula sa ating pagbibigay-kahulugan sa “high school rocks”, at sa
pagsasabi ng “yeah” sa lahat ng pagkakataon. Ginulat rin natin ang lahat sa mga kaya nating gawin. Naipakita natin
ito sa production value ng mga performances natin gaya ng Culmi, Buwan ng Wika, at higit sa lahat, noong nanalo
tayong 2nd place sa sobrang XploxiV nating performance sa Powerdance noong Grade 8. Pati nga tayo di
makapaniwala sa natamo nating gantimpala.

         Napansin kong nag-mature na rin tayo sa pagdaan ng mga taon. Naging mas positibo ang ating pananaw sa
buhay. Hindi nga tayo nahirapang tanggapin ang 3rd place natin sa Powerdance ngayong taon dahil alam naman
nating nag-enjoy tayo. Feeling nga natin tayo ang champion. Dagdag dito, naging mas bukas ang ating mga isipan sa
pagtanggap ng mga pagbabago. Halimbawa, napatunayan nating maaari pala nating makasundo ang mga taong
akala natin hindi natin magiging kaibigan kapag natuto tayong magpatawad.

         Paano ko ba nabuksan ang isip ko? Simple lang: pinanindigan kong magbago. Naisip kong mas masayang may
kasamang kaibigan sa pagtanggap ng karangalan kaysa mag-isa lang akong nasa taas. Dahil sa pagbibigay ng
oportunidad sa iba, nakatatanggap ka rin ng pagmamahal mula sa kanila.

         Itong pagmamahal mula sa iba at para sa iba ang nagtulak sa aking mahalin din ang bagong ako.

         Parang kailan lang, hindi ako marunong mag-commute o magpara ng jeep kasi hatid-sundo ako. Pero ngayon,
kung saan-saan ako nakakarating dahil mas independent na ako.

         Parang kailan lang, mag-isa akong nasa Library noong una kong UPIS Week dahil sobrang focused ko sa acads.
Pero ngayon, sama-sama tayong nagpupursigeng mag-aral sa Lib para makatapos.

         At parang kailan lang, hindi ko maintindihan kung bakit ako nilipat sa UPIS. Pero ngayon, nakikita ko na ang
gusto nilang mangyari sa akin. Ma swerte tayong sa UPIS tayo nag-aral kasi may edge na tayo pagdating sa kolehiyo.
Natutuhan natin ang estilo ng pag-aaral na hindi nalilimitahan ng libro kung saan mayroon tayong academic
freedom. Kaya kahit wala tayong libro, makakagawa pa rin tayo ng paraan upang maintindihan ang aralin ayon sa
ating kuryosidad. Dagdag dito, magagamit rin natin ang ating kasanayan sa pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng
tao batay sa katayuan sa buhay, relihiyon, at iba pang aspeto saanman tayo mag-aral. At higit sa lahat, naranasan
na rin natin kung paano maging Iskolar ng Bayan.

         Bilang mga Isko’t Iska, kailangan nating panindigan ang mga responsibilidad na kaakibat ng ganito kalaking
karangalan. Pagka-graduate natin, kailangan pa rin nating dalhin ang mga aral na itinuro sa atin sa UPIS upang
maging kapaki-pakinabang na mamamayan. Panindigan natin ang mga prinsipyong ito:

         Honor and Excellence. Maging matapat at ibigay natin ang lahat ng ating makakaya sa bawat gawain. Huwag
tayong magpapabiktima sa katamaran. Normal lang kasing tamarin paminsan-minsan pero dapat alam mong may
hangganan ito. Dahil wala nang babantay sa atin sa labas kundi ang ating mga sarili.

         Service. Paglingkuran natin ang bayan nang may paninindigan. Anuman ang mapili nating larangan sa buhay,
panindigan natin. At kung maligaw ka nang konti, hanapin mo lang ang lakas ng loob upang bumalik ulit sa dati at
sa tama. Itong pagsisikap at pagbangon ay paraan upang mag-give back at pasalamatan ang mga taong nagpaaral
sa atin.

         At bilang pasasalamat, nais kong magpasalamat sa Panginoon na lagi tayong binabantayan, minamahal, at
pinapatawad. Lahat ng ginagawa namin ay para sa higit na kaluwalhatian mo.

         Salamat sa aming mga kapamilya na patuloy na nagtutulak sa aming mag-aral. Dahil pinalaki nyo kami nang
maayos, ibinabalik lang namin sa inyo ang pagmamahal na ibinibigay ninyo. Nais lang namin ay maging proud kayo
sa amin.

         Salamat sa mga magulang ng batch na walang sawang gumagabay, sumusuporta, at nagmamahal sa amin. Sa
tuwing feeling namin na hindi na namin kaya, lagi kayong nandyan upang itulak kami sa tamang landas. Kayo po
dapat ang sinasabitan ng medalya. Ang araw po na ito ay para sa inyo.

         Matapos mong basahin ay tanungin mo ang iyong sarili:

         Ano ang naging damdamin mo sa paksa habang binabasa o matapos basahin ang talumpati?
         Ano ang mahalagang aral na nabuo mula sa talumpati?

Pagbigkas ng Talumpati
Mga Dapat Tandaan sa Mabisang Pagsasalita at Mahusay na Pagtatalumpati
          Makatutulong sa mabisang pagsasalita at pagtatalumpati ang sumusunod:
A. Wasto at malinaw na bigkas ng salita
          Wastong gamit ng mga sangkap sa pagbigkas o tinatawag na artikulador at resonador Ang mga SANGKAP na
ito ay: 

 Labi
 Ngipin
 Ngala-ngala
 Dila
 Babagtingang tinig o vocal cords atbp.

          Ang tulin o bilis at bagal ng pagsasalita ay may malaking epekto sa malinaw na salita at sa mabisang
pagpapalutang ng diwa sa talumpati.

 Bigkasing malinaw at may pagkakaiba-iba ang mga patinig (a, e, i, o at u) 


 Bigkasing malinaw ang bawat salita at bigyang diin ang mga salitang nagpapalutang na mabuti sa
kaisipang nais pangimbabawin. 
 Bigkasing malinaw hindi lamang ang mga patinig kundi ang mga katinig din.

          Ang tagumpay ng isang mahusay na mananalumpati ay nakasalalay sa uri at lakas ng kanyang tinig at sa
paraan ng paggamit niya sa kanyang tinig. Ang tinig na maganda ay mataginting, buo at dalisay, hindi matinis o
magaralgal. Ito’y bilog at malamig.

B. Tinig

 Katangian ng Tinig
 Uri
 Timbre 
 Bolyum

          Pagsasanay na magawa ang mabuting pananalumpati sa tulong ng angkop at kasiya-siyang tinig.

          Magkaroon ng kontrol sa paghinga. Iwasan ang paninigas ng leeg na nagbubunga ng paghigpit ng lalamunan
upang hindi maging impit ang tinig.

          Pagalingin ang tinig sa dayapram. Ang boses na nagmumula sa dayapram ay siyang dapat na gamitin, hindi
ang nagmula sa lalamunan.

          Dapat lamang na ibigay ang pagtataas at pagbababa ng tinig at ng lakas at hina nito ayon sa diwang nais
ipahayag.

          Ang matining na sigaw ay nagpapahayag ng nagpupuyos na loob, ng galit.

          Ang katamtamang lakas at karaniwang tono ng tinig na puno ng buhay ay pangkaraniwang ginagamit sa
pagtatalumpati.

          Ang pahayag na nagsasaad ng mapusok o nag- aalab na damdamin ay binibigkas nang mabilis sa mataas na
tono at malaks na tinig.

          Ang bahagi ng talumpating naglalahad ng malungkot na damdamin ng pagkabigo ay binibigkas nangg


marahan at sa tinig na mahina at mababa ang tono.

          Ang tindig ng isang nagtatalumpati ay unang nakatatawag ng pansin ng mga tagapakinig kahit bago pa man
siya bumigkas ng kanyang unang pangungusap.

C. Tindig

1. Tumindig na may pagtitiwala sa sarili ngunit ng maginhawa at maluwag. 


2. Natural 
3. Relaks 
4. Iwasan ang tindig militar o tuwid na tuwid na tila babarilin. 
5. Maging kagalang-galang sa pagtayo. Iwasan ang mga tindig mayabang – nakapamaywang o kaya’y
nakadukot ang kamay sa bulsa.
SA ENTABLADO O ROSTRUM PAG-AKYAT o PATUNGO: 

 Lumakad nang masigla. 


 Lakad na may tiwala sa sarili.
 Maging natural.

PAGDATING:

 Tumayong matuwid una nang bahagya ang kanang paa.


 Huwag magsimula agad sa pagsagsalita. 
 Hagurin ng masayang tingin, tinging may init at sigla ang tagapakinig. 
 Ngumiti. 
 Ituon ang buong diwa sa mensahing sasabihin at magsimula
 Ang galaw o pagkilos ng mananalumpati ay nakatawag ng pansin ng mga nakikinig.

D. Galaw

1. Ang galaw sa ibabaw ng tanghalan ng nagtatalumpati ay dapat maging natural – walang pakunwari. 
2. Ang isang hakbang paunahan o patungo sa kaliwa o sa kanan ay tumatawag ng pansin at nagbibigay
rin ng panahon sa tagapakinig upang namnamin ang huling sinabi ng nagsasalita bago humakbang
pasulong. 
3. Iwasan ang labis na paggalaw, gayon din ang galaw na artipisyal. 
4. Tandaan ang bawat galaw ay may kahulugan.
5. Ang galaw ng ulo – bahagyang tango o iling, pagkiling sa kanan o kaliwa, ang panlalaki at panliliit ng
mata; bahagyang subsob ng katawang sa unahan mula sa baywang; bahagyang liyad; at mga pagkibit
ng balikat ay mga galaw ng katawang na makakatulong sa mabisang pagpapalutang ng diwa ng isang
talumpati
6. Gamitin din ang mata sa pagkuha ng pansipat “paghigop” ng buong atensyon. 
7. Tumingin sa tagapakinig. Titigan at tingnan ang mata ng bawat isa sa tagapakinig upang madama
nilang sila ang kausap. 
8. Iwasan ang pagtingin sa kisame, sa labas ng bintana o sa sahig. 
9. Iwasang ang pagiging mailap ng mata upang hindi mapagbintangang hindi matapat sa sinasabi.

E. Kumpas 
          Ang bawat kumpas ng kamay ay may layuning linawin, patingkarin o bigyang-diin ang isang kaisipan o
damdaming ipinahahayag.

ATING ISA-ISAHIN: 

 Palad na nakalahad sa harap, bahagyang nakabukas ang dalawang bisig – nagpapahiwatig ng dakilang
damdamin. 
 Palad na nakataob at ayos na patulak – nagpapahiwatig ng pagtanggi, ng hindi pagsang-ayon.
 Kumpas na parang may itinuturo (ginagamit ang hintuturo) - ginagamit upang tawagin ang pansin. 
 Kumpas na pasubaybay – ginagamit ito kung nais bigyan ng diin ang magkakaugnay na diwa. 
 Palad na nakataob, at ayos na padapa (parang nakapatong sa balikat ng pinagpapagunitaan) –
ginagamit kung pinalalamig ang kalooban ng tagapakinig.
 Palad na nakakuyom– nagpapahayag ng isang masidhing damdamin, (pagkagalit, pagkalungkot,
panlulumo, pagtitimpi)

TANDAAN na nag kumpas ng kamay ay nakatutulong sa pagpapalutang ng kaisipan kung ito’y: 

 Nasa tamang panahon, hindi una, hindi huli; 


 Maluwag, maginhawa at natural; 
 Angkop sa diwang inilalarawan; at 
 Tiyak, may buhay at hindi matamlay.
Pagsasagawa ng Pulong
         Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa. Kailangang alam din natin ang
mga elemento sa pagbuo ng isang organisadong pulong upang maging maayos ang daloy
nito (https://www.coursehero.com/file/pvng28s/1-Ang-pag-oorganisa-ng-pulong-ay-mahalaga-upang-ito-ay-maging-
epektibo-at/)

May mga elemento ang isang orginisadong pulong:

A. Pagpaplano o Planning
Layunin ng Pagpupulong:

1. Pagpaplano para sa organisasyon


2. Pagbibigay impormasyon, agenda o mga bagay na dapat ipaalam sa mga kasapi.
3. Konsultasyon o mga bagay na dapat isangguni sa mga miyembro.
4. Paglutas ng problema o solusyon
5. Pagtatasa o ebalwasyon sa mga nakaraang pulong.

B. Paghahanda o Arranging

1. Tagapangulo o Pangulo (Presiding Officer)


2. Kalihim (Secretary)
3. Mga Kasapi sa Pulong (Members)

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsusulat ng Katitikan ng Pulong

1. Pag-uusapan/Tatalakayin (Agenda of the Meting) na ating tatalakayin sa linggong ito


2. Pagbubukas ng pulong (date, day, and place of meeting)
3. Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong (reading te minutes of the previous
meeting)
4. Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman na nakaraang pulong (Pending Matters)
5. Pinakamahalagang paguusapan (bussiness/agenda of the day)
6. Ibang paksa (other matters)
7. Pagtatapos ng meeting (adjourment)

C. Pagpoproseso o Processing

1. Quorum
2. Consensus
3. Simpleng mayorya
4. 2/3 majority

D. Pagtatala o Recording
     Ang Pagsulat ng Minutes oTala sa Pulong

     Mga bahagi ng Minutes na tatalakayin naman natin sa kabilang linggo

1. Simula
2. Atendans
3. Talakayan
4. Pagtatapos
5. Paraan ng Pagsulat ng katitikan o Minutes ng Pulong

Mga Dapat Iwasan Sa Pulong

1. Malabong Layunin Sa Pulong


2. Bara-bara sa Pulong
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay
4. Pag-atake sa indibidwal
5. Pag-iwas sa problema
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t-isa
7. Masamang kapaligiran ng pulong
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong

Ang Agenda
        Simulan natin ang pagtalakay sa kung ano ang Agenda.

        Ang agenda ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong. Sumusulat ng agenda upang bigyan ng
impormasyon ang mga taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping nangangailangan ng
pansin at pagtugon. Binigyang-halaga rin dito ang rekomendasyon a lulutas sa isang isyu. Pagkatapos, ang
napagkasunduang rekomendasyon ay dapat magkaroon ng resolusyon.

        Kinakailangan maibigay ang agenda sa mga taong kasangkot sa pulong bago pa dumating ang takdang
panahon ng pagpupulong. Kinakailangang mapag-aralan ng mga kasangkot ang nakatala sa agenda upang
magkaroon sila ng panahon na siyasatin ang nilalaman nito at makapagbigay pa ng mga mungkahi o ideya.

        Mahalagang kasangkot sa paggawa ng agenda ang kalihim, habang ang kalimitang nagpapatawag naman ng
pulong ay ang mga opisyal tulad ng pangulo ng pamantasan o mga administrador, CEO, direktor, pinuno ng
samahan, at iba pang mga may pananagutan sa paggawa ng agenda. Sa madaling salita, ang kalihim at mga
administrador ang siyang mga kasangkot sa pagsulat ng agenda.

Nilalaman ng Agenda
        Ano ano ang mga dapat lamanin ng Agenda? Narito ang mga sumusunod:

1. Saan at Kailan idaraos ang pagpupulong?


        Sa bahaging ito ng adyenda inilalagay ang lugar, at panahon ng gaganaping pagpupulong.
Inilalagay rin ang oras ng pagtatapos nito. Kailangan itong malaman ng mga kalahok upang
makarating sila sa itinakdang oras at upang makapaghanda sila para rito.

2. Layunin ng pagpupulong
        Inilalagay naman sa bahaging ito ang mga direksyon ng pagpupulong. Sinasagot dito ang
mga tanong na:
   - Bakit tayo nagpupulong?
   - Para saan ang gaganaping pagpupulong
   - Kailangang malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng bawat kalahok ang mga
mangyayari sa pulong.

3. Mga paksang tatalakayin


        Maaaring maikli lamang o detalyado ang bahaging ito, depende sa pangangailangan. Minsan
ay ipinaliliwanag na ito sa kaugnay na e-mail, ngunit lahat ng bagay na pag-uusapan sa pulong ay
kailangang Makita sa agenda mismo.

4. Mga kalahok sa pagpupulong


        Tanging ang mga taong kailangang umupo sa pagpupulong ang dapat na nasa listahan.
Minsan, may mga inaanyayahang lumahok sa pulong at magugulat na lamang sila sa oras ng
pagpupulong na hindi naman pala talaga sila kailangan doon. Huwag aksayahin ang kanilang
panahon.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Agenda


Narito ang mga dapat na tandaan at isaisip sa pagsulat ng agenda.

1. Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda. Gawin ito sa araw mismo ng pagkakaroon
ng desisyon sa petsa at tema upang matiyak na maisasagawa nang maayos ang susunod na
pagpupulong, at may kaisahang patutunguhan ang mga pag-uusapan sa pulong.

2. Bigyang-halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at ang oras kung kailan ito magsisimula at
matatapos. Dapat tiyakin ng tagapagdaloy ng pulong na nakapokus lamang sa agenda ang pag-
uusapan upang masunod ang itinakdang oras at hindi abutin nang matagal na nagiging sanhi ng
walang kabuluhang pagpupulong.
3. Bigyang-halaga ang layuning inaasahang makamit sa araw ng pagpupulong. Tiyaking malinaw ang
layunin upang mapaghandaan ng mga kasapi ang mangyayari sa pulong.

4. Bigyang-pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa pulong. Dapat na maikli lamang ang bahaging
ito. Siguraduhing lahat ng pag-uusapan ay mailalagay sa agenda. Narito ang mga halimbawang
balangkas ng karaniwang agenda:
o Panalangin
o Muling pagbasa ng nakaraang katitikan ng pulong (review) at pagrerebisa
o Pagwawasto sa ilang kamalian kung mayroon at pagbibigay-linaw sa isyu kung mayroon
pa
o Pagsang-ayon sa nakaraang katitikan ng pulong
o Regular na report
o Mga pangunahing puntong pag-uusapan
o Iba pang bagay na nais pag-usapan
o Muling pagtatakda sa araw ng pagpupulong (petsa)

5. Tiyaking ang mga kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat dumalo sa pulong.

Kahalagahan ng Paghahanda ng Agenda


         Bakit kailangan ng agenda? Ang pagkakaroon ng mahusay na agenda ay magsisigurong tatakbo nang maayos
ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksyon. Mas mabilis natatapos ang pagpupulong
kung alam ng lahat ang lugar na pagdarausan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangang
talakayin, at ang mga maaaring kalabasan ng pulong. Makatutulong din ang maayos na agenda sa itinalagang
kalihim sa kanyang pagtatala ng mga nangyari sa pulong.

         Bukod pa rito, nagkakaroon din ng kalinawan ang mga pagpupulungan at nagiging mabisa angpagpupulong
batay sa isang maayos at organisadong agenda.

Halimbawa ng Agenda 1:

Halimbawa ng Agenda 2:
AGENDA PARA SA PAGPUPULONG NG IBA’T- IBANG KAPITAN NG BARANGAY SA QUEZON CITY
IKA- 20 NG SEPTYEMBRE 2012, SA LAGRO, QUEZON CITY
IKA- 11:00 NG UMAGA

Layunin:
         Ibahagi ang mga proyekto na kinakailangang bigyan pansin at mga problemang dapat solusyunan ng bawat
kapitan sa bawat barangay upang mas lalong mapalago at mapabuti mamayanan sa kanilang lugar.

Agenda:

1. PAGBABAWAL NG PAGPAPRACTICE NG MGA ESTUDYANTE SA SUBDIVISION (CITA)


Ayon kay Kapitan Cita ng Lagro, ang mga estudyante na nagpapractice sa tapat ng barangay ay
dapat bigyang pansin dahil nakakabahala sila sa mga nagtatrabaho sa barangay.

2. PAGPAPATIBAY NG CURFEW (DORNEO)


Ang pagkakaroon ng mas mahigpit na curfew sa barangay nila Kapitan Dorneo ng Pusong Putik
ay kinakailangan na masusi kaagad.

3. LIBRENG CHECK-UP (ASUNCION)


Libreng Check-up sa mga matatanda at bata ay binigyan pansin ni Kapitana Asuncion ng
Commonwealth upang Makita ang kalagayan ng kalusugan ng mga tao sa barangay.

4. PALIGA SA BRGY. FAIRVIEW (DATUMANONG)


Ayon kay Kapitan Datumanong ng Barangay Fairview nilinaw niya na magkakaroon ng liga para
magbigay aliw sa mga sasali.
5. CLEAN-UP DRY (BAYLON)
Si Kapitana Baylon ng Sauyo ay nagdiin ng isyu tungkol sa mga basurang nakakalat sa bawat
sulok ng barangay.

Dumalo:

1. Kapitan Mark Janperson Datumanong                      Kapitan ng Brgy.Fairview


2. Kapitan Benjie Dorneo                                    Kapitan ng Brgy. Pasong Putik
3. Kapitana Joana Asuncion                                      Kapitan ng Brgy. Commonwealth
4. Kapitan Symmond Cita                                         Kapitan ng Brgy. Lagro
5. Kapitana Marriane Baylon                              Kapitana ng Brgy. Sauyo
6. Kenniedy Arenas                                                     Sekretarya

Katitikan ng Pulong
        Ang katitikan ng pulong o minutes of the meeting sa Ingles ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang
diskusyon at desisyon na naganap sa isang pagpupulong. Halos lahat ng mga grupo, organisasyon, at kompanya ay
may mga pulong na kailangang irekord ang mga pag-uusap tungkol sa partikular na paksa, mga napagpasyahang
aksiyon, mga rekomendasyon, mahahalagang isyung lumutang sa pulong, at iba pa.

        Anuman ang layunin o uri nito, tungkol sa mga pagbabahagi sa polisiya, regular o espesyal na pulong, pormal
man o impormal, kailangang maitala ang mahahalagang napag-usapan o nangyari dito.

Kailangang itinatala o magtaglay ang katitikan ng pulong ng mga sumusunod:

 Petsa
 Oras
 Lugar ng pinagdausang pulong
 Mga napag-usapan
 Mga dumalo at hindi dumalo:

Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong

 Natitiyak na nasunod ang mga agenda at walang nakalimutang paksang dapat pag-usapan.
 May dokumentasyon bilang ebidensya sa kung ano mang mga layunin.
 Nagsisilbing permanenteng rekord ang katitikan ng pulong
 Hindi magandang ideya ang iasa ang lahat sa memorya kaya naman kailangan ang katitikan ng pulong.
 Nagsisilbi rin itong hanguan ng mga impormasyon para sa susunod na pagpupulong
 Maaari rin itong maging sanggunian, halimbawa, kapag may malaking epekto ang ginanap na pulong sa
mga susunod na proyekto o gawain sa loob ng organisasyon.
 Nagsisilbi rin iton paalala para sa mga indibidwal tungkol sa kanilang mga papel at responsibilidad sa
isang partikular na gawain o proyekto.
 Mababalik tanaw ang mga napag-usapan at mabibigyang kalinawan ang mga napag-usapan.

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


        Ang mga sumusunod na gabay ay makatutulong sa pagsulat ng maayos at mahusay na katitikan ng pulong.

1.  Bago ang Pulong


        Kung naatasan o nagboluntaryo kang magsulat ng katitikan ng pulong, siguraduhing hindi ang sarili ang
pangunahin o pinakaimportanteng kalahok. Mahahati lamang ang iyong atensiyon. Lumikha ng isang template sa
pagtatala upang mapadali ang pagsulat. Maglaan ng maraming espasyo.

        Bago pa man magsimula sa pagpupulong, basahin na ang inihandang agenda. Ito ay upang madali na lamang
sundan ang magiging daloy ng mismong pulong. Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng
pulong. Sino na ang mga dumating, at iba pa. maaaring magtanong sa mamamahala sa pulong at sa mga dumalo.
Sa pamamagitan nito, hindi na mahihirapang unawain kung ano ang nangyayari sa pulong. Maaring gumamit ng
lapis o bolpen at papel, laptop o tape recorder.

2.  Habang nagpupulong.


        Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Hindi iyon ang kahingian ng pagsulat ng katitikan
ng pulong. Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat
sabihin ng mga kalahok. Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.

3.  Pagkatapos ng pulong.


        Repasuhin ang sinulat. Maaaring magdagdag ng mga komento. Kung may mga bagay na hindi naintindihan,
lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namahala rito o ang iba pang dumalo. Gawin ito habang sariwa
pa sa isipan ng lahat ang mga impormasyon. Kapag tapos nang isulat o i-encode ang katitikan ng pulong, ipabasa
ito sa namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon. Mas mainam na may numero ang bawat linya at
pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong. Repasuhin muli
ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas at iba pa. Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa
oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi ng kopya sakaling may humiling na repasuhin ito sa hinaharap.
Tingnan ang halimbawang hinalaw sa https://www.studocu.com/ph/document/colegio-san-agustin-bacolod/basic-
education/lecture-notes/aralin-6-katitikan-ng-pulong/10968895/view.

KATITIKAN NG PULONG SA IKALAWANG NG PARENTS-TEACHERS ASSOCIATION (PTA) NG PAARALAN NG TAL-


UT NATIONAL HIGH SCHOOL

Ika-19 ng setyembre, 2017


Ika- 3 ng hapon
Sa Covered Court ng Tal-ut National High School

Dumalo:
Kgg. Bonifacio Yam-id          - Kagawad
Kgg. Judith Bacus                   - Ingat-yaman ng Brgy.  ng Valencia, Carcar City
G. Jekell L. Dela Cerna         - Punung- guro ng Tal-ut NHS
G. Ruben S. Duterte         - Guro
G. Johnrey M. Rafols         - Guro
G. Jurren B. Lacson         - Guro
Gng. Ma. Estrella S. Bernabe         - Guro
Gng. Angeline D. Amistad         - Guro
Gng. Shiela Marie C. Labra         - Guro
Gng. Karen Therese G. Remocaldo - Guro
Gng. Jonave A. Manayaga         - Guro
Opisyales ng PTA General
Mga Magulang mula sa Ikapitong-Baitang hanggang Ika-sampung- Baitang

Di Dumalo:
Kgg. Bienvinido Lauronilla          - Education Committee ng Brgy. ng Valencia

Panukalang Adyenda

1. Palarong Panlungsod 2017


2. Kabkaban Festival 2017

I.   Pagsisimula ng Pulong


        Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Jekell L. Dela Cerna, ang Punung-guro ng TNHS sa ganap na ika-3:00 ng
hapon, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin (audio) at pag-awit ng Carcar City Hymn (audio).
Kasunod ay ang roll-call na isinagawa ni G. Dela Cerna, at matapos ay ipinahayag na mayroong quorum.

II.   Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong


        Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Karen Therese Remocaldo ang Kalihim ng Faculty ng TNHS ng
katitikan sa nakaraang pagpupulong noong Hunyo 21, 2017. Iniulat niya ang tungkol sa mga tuntunin sa paaralan
lalo na para sa mga transferee at bagong mag-aaral. Binasa rin niya ang mga bagong opisyales ng PTA.

III.   Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


-   Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. Jekell L. Dela Cerna sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga
magulang at opisyales ng Barangay para sa kaunlaran ng paaralan.
-   Nagbigay rin ng kanilang mensahe anng mga kagawad na sina Hon. Bonifacio Yam-id at Hon. Judith Bacus sa
magandang maibubunga ng pag suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak sa mga iba’t ibang gawain ng
paaralan.
-  Sinimulan ni Gng. Remocaldo ang unang adyenda- Palarong Panlungsod 2017. Ipinaalam niya sa mga magulang
na ang Tal-ut NHS ay sasali sa Palarong Panlungsod ngayong Setyembre 28, 2017 hanggang Oktubre 1, 2017. Sa
panghuling araw ng gawain ay magkakaroon ng Mr. and Ms. Palarong Panlungsod na lalahukan nina Jevy Christy
Java at James Brian Banag kapwa mag-aaral sa TNHS. Ang nasabing contest ay hindi madali sapagkat
nangangailangan ng malaking halaga para sa kanilang kasuotan, make-up, trainor at transportasyon.
Nangangailangn ng 6,000 pesos (package). Ipinaliwanag ni Mrs. Remocaldo na ang paaralan ay wala nang badyet
sapagkat ginastos na rin sa iba pang sasalihang laro. Ang Pangulo ng PTA na si Gng Marieta Lauron, ay nanguna sa
paghingi ng suhestiyon sa mga magulang sa nasabing problema. Nagkaroon ng iba’t ibang suhestiyon ang mga
magulang at sa huli ay niminunghaki nilang hahatiin ang pera sa bilang ng mga mag-aaral.

Narito ang resulta


6000 Php (package- costumes, make-up, trainors fee, transpo)
262 bilang ng mag-aaral
= 23.00 bawat bata ang ibabayad

Sa Lunes, Setyembre 25, 2017 ang deadline.


-   Kabkaban Festival 2017- Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Ruben S. Duterte sa darating na Kabkaban Festival
ngayong Nobyembre 19, 2017 para sa kapistahan ng lungsod ng Carcar. Inanyayahan ang paaralan na sumali, at
maganda sanang lumahok sapagkat mararanasan ng mga mag-aaral sa unang pagkakataon ang makasali sa
nasabing malaking festival, at malilinang ang kanilang kasanayan sa pagsasayaw. Ngunit dagdag pa ni G. Duterte na
kaakibat ng malaking responsibilida ang gawaing ito sapagkat nangangailangan ng suporta ng magulang at
barangay lalung-lalo na na kunti lang ang pwersa ng mga guro. Isa pang suliranin ay ang badyet na gagamitin.
Maglalaan ang City Hall ng pera (150,000 pesos) na ilalaan sa costumes, props, pagkain at iba pa ngunit maaaring
kulangin ang pera at kinakailangan ang tulong ng magulang at Barangay.
Hiningan ni G. Duterte ng opinion at suhestiyon ang mga magulang kung sang-ayon ba sila sa pagsali ng paaralan.
Maraming magulang ang may gusto.
Nagpahayag naman si Kgg. Judith Bacus na sana ang lahat ng opisyales ng barangay ay tumulong at magkaisa kahit
na magkaiba ang partidong sinusuportahan dahil ang barangay ang may malaking papel sa gawaing ito. Sabi pa
niya na kung kinakailangan bumunot sila ng pera sa kanilang bulsa ay gagawin nila. Dala ng mga bata sa kanilang
pagsali ang pangalan ng Barangay Valencia kaya nararapat na magkaisa sila.
Sinabi ni G. Duterte na hindi pa pinalang pagsali ng paaralan, ngunit sana ay maging possible.
-   Pupunta si G. Dela Cerna at Kgg. Boni Yam-id sa konseho upang sabihin na lalahok ang paaralan ng Tal-ut sa
Kabkaban Festival.
-   Magkakaroon din pagpupulong ang barangay ng Valencia kaugnay nito, at iminungkahi ng Kgg. Bacus na dumalo
ang mga magulang para madinig nila ang plano ng mga opisyales ng Barangay.
-   Tatawag ng sunod na meeting ang paaralan kaugnay sa Kabkaban Festival.

IV.   Iba Pang Pinag-usapan


-   Magkakaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21, 2017. Kalahok nito ay mga PTA Officers, LGU’s, guro
at SSG Officers.

V.   Iskedyul ng Susunod na Pulong


-  Wala pang petsa.

VI.   Pagtatapos ng Pulong


Natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng Hapon.

Inihanda ni:
KAREN THERESE G. REMOCALDO
             Kalihim- Teacher

Nagpatotoo:
MARIETA C. LAURON
     PTA President

Inaprubahan ni:
JEKELL L. DELA CERNA
        Punung-guro

You might also like