You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya- JHS, Baitang 8 )

Markahan: Ikaapat na Markahan


Linggo: Ikatlong Linggo
Paksang Aralin: Si Florante sa Kamay ni Aladin
(Saknong 126-257)

LAYUNIN (Isang Buong Linggo)

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na
mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang
Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan

C. Kasanayang Pampagkatuto
1. Nasusuri ang mga katangian at tono ng akda batay sa napakinggang mga bahagi
2. Naipaliliwanag ang sariling saloobin/impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at damdaming
hatid ng akda
3. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita mula sa aralin batay sa denotibo at konotatibong
kahulugan
4. Naibabahagi ang nadama matapos mapanood ang isang music video na may temang katulad ng
aralin
5. Nabibigkas nang may damdamin ang mga sauladong berso ng Florante at Laura
6. Naisusulat ang ilang saknong tungkol sa pag-ibig sa anyo ng isang makabuluhang tula
7. Nalalapatan ng himig ang isinulat na orihinal na tula na may temang anyo at kaisahan

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila
LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
( Sekundarya - JHS, Baitang 8 )

Petsa: Abril 8, 2024


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 402
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE 304

TUKLASIN
I. PAKSANG-ARALIN
A. Mga Tiyak na Layunin:
1. Kognitibo
 Natutukoy ang mga katangian at tono ng akda batay sa napakinggang mga bahagi
2. Apektibo
 Naibabahagi ang nadama matapos mapakinggan ang awitin
3. Saykomotor
 Nakalilikha ng isang senaryong nagpapakita ng pagdamay sa kapwa sa pamamagitan ng
pagguhit

B. Paksa: Pagpapakilala sa Kahalagahan ng Pagmamalasakit sa Kapwa

C. Sanggunian: Curriculum Guide, MELC’s, SLEM, Google, Youtube

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, video clips mula sa
Youtube, mga larawan mula sa google

E. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP

II. PAMARAAN

A. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Panuto: Panoorin ang isang
video clip at sagutin ang mga
sumusunod na tanong
ukol dito.
https://youtu.be/95Gu7Vj1eIc?si=mgz7J7qFDQ7hmPa1

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang napanood na video clip?
2. Ano ang inyong naramdaman matapos mapanood ang video?
3. Mabuti bang tao ang pangunahing tauhan sa pinanood?
4. Ilan kaya sa mga kabataan ngayon ang may ganitong uri ng pag-uugali?

2. Pagtalakay sa Aralin
Panuto: Pakinggan ang awiting Pananagutan ni Gary Valenciano
Pananagutan ni Gary Valenciano
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kaninuman
Tayo ang magdadala ng balita ng kaligtasan
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya
Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa
Tayo'y tinuring ng Panginoon bilang mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya
(Tayong lahat ay may pananagutan)
Mga Tanong:
 Ano ang naramdaman mo matapos ang awitin?
 Bakit mahalaga ang pagmamalasakit sa kapwa?
 Paano mo naipapakita ang iyong pagmamalasakit sa kapwa?

3. Pagpapalalim
 Gawain 1
Panuto: Isa-isahin ang kahalagahan ng pagmamahal o pagmamalasakit sa
kapwa sa pamamagitan ng concept mapping

 Gawain 2
Panuto: Lumikha ng isang senaryo o sitwasyong maaaring maipakita ang
pagdamay sa kapwa sa pamamagitan ng pagguhit.

C. Paglalahat - Sintesis
Kung bibigyan ka ng ganito kalaking salapi, kanino at para saan mo ito gagamitin?

D. Takdang Aralin
1. Basahin ang Saknong 126-257 mula sa Florante at Laura
2. Magtala ng tatlong matatalinghagang salita mula sa mga binasang saknong,
alamin ang kasingkahulugan nito at gamitin sa makabuluhang pangungusap.

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya - JHS, Baitang 8 )

Petsa: Abril 11, 2024


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 402
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE 304

LINANGIN

I. PAKSANG-ARALIN

A. Mga Tiyak na Layunin:

1. Kognitibo
 Naipaliliwanag ang sariling saloobin/impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at
damdaming hatid ng akda
 Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin batay sa denotatibo at
konotatibong kahulugan

2. Apektibo
 Naibabahagi ang saloobin, paniniwala o ideya tungkol sa aralin

3. Saykomotor
 Nabibigkas nang may damdamin ang mga sauladong berso ng Florante at Laura

B. Paksa: Si Florante sa Kamay ni Aladin

C. Sanggunian: Curriculum Guide; MELC’s; SLEM; Google

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board

E. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa
 Pakikiisa at pagtutulungan

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP

II. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain – Pagganyak
Pagpapaawit ng “Laki sa Layaw” ni Mike Hanopol.

May mga taong lumaki sa hirap Chorus:


Merong laki sa layaw, puro sarap Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks
Kung siya’y titigan mo, akala mo kung sino Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks
Hindi na bumababa sa kanyang trono. Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks
Lahat ng gusto niya, ibinigay na sa kanya
Ngunit wala pa rin siyang kasiyahan Ad lib:
Hindi pa makuntento sa kanyang mga bisyo Sobra sa bigat, hindi na mabuhat
Nilubog pa n’ya ang sarili sa putik. Sobra sa tamad, laging hubad
Hindi man n’ya mapigilian ang
Refrain: kanyang mga bisyo
Kilala sa bayan, asal ay gahaman Kaya ang bagsak niya’y sa kalaboso.
Malakas sa inuman, istorbo sa daan
Meron pa kayang pag-asang magbago
Ang taong lumaki sa layaw?
Tanong:
1. Tungkol saan ang awitin?
2. Anong mensaheng hatid ng awit?
3. Kung ikaw ay magiging magulang, paano mo palalakihin ang iyong mga
anak? Pangatwiranan.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagtalakay sa Aralin
A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na saknong.

ARALIN 3 – Si Florante sa Kamay ni Aladin (BUOD)


Ang Pagliligtas ni Aladin kay Florante, (saknong 126-155)
Alaala ng Kamusmusan (saknong 156-187)
Laki sa Layaw (saknong 188-205)
Balatkayo (saknong 206-223)
Dalawang Trahedya sa Buhay ni Florante (saknong 224-241)
Ang Payo ng Guro (saknong 242-257)

B. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang denotatibo konotatibo ng mga sumusunod na salita o
pahayag.

denotatibo

magkatoto hilahil
layaw

KONOTATIBO

pantay-mata ang lagay ng Si Aurora’y tinaboy


araw taong may dibdib ang dilim
C. Pag-unawa sa Nabasa:
1. Bakit iniligtas ni Aladin si Florante gayong mahigpit na magkalaban ang
kanilang lahi?
2. Paano pinagyaman ng gerero ang lalaking kaniyang iniligtas?
3. Bakit masasabing pagbabalatkayo lamang ang ipinakita ni Adolfo kay
Florante?
4. Patunayang malaking dagok kay Florante ang pagkamatay ng kaniyang
ina?
5. Pumili ng isang mahalagang saknong at isaulo ito. Bakit ito ang napili mo?

D. Input ng Guro

Denotatibo – tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita o ang ibang


salitang tumutukoy
dito.

Halimbawa:
1. Nilangaw na iyong pagkain sa mesa huwag mo nang kainin.

 Nilangaw – dinapuan ng isang maruming insektong lumipad sa


2. Pagpapalalim
Pangkat 1: Ang ginawang pagliligtas ni Aladin kay Florante sa bingit ng
kamatayan ay gawaing maka-Diyos. Paano naman ito ipakikita ng
ating mga kababayan, gobyerno at mga kaalyadong bansa sa
pagbangon ng Pilipinas tuwing may sakuna o kalamidad? Magbigay
ng mga patunay sa pamamagitan ng pantulong na grapiko.

Pagbangon

Pangkat 2: Ilahad ang mga karapatan ng bata na isinasaad sa ating


konstistusyon. Pagkatapos, isulat ang iyong obserbasyon sa mga
nagaganap ngayon.

Mga Karapatan ng Bata Batay sa Konstitusyon Obserbasyon sa mga Nagaganap Ngayon

Pangkat 3: Pumili at isaulo ang mga saknong na hinango sa mga aralin. Bigkasin nang
may damdamin sa klase sa pamamagitan ng isang monologo.

Pangkat 4: Pagbibigay ng puntos at pidbak sa bawat pangkat na mag-uulat.


A. Pagbabahaginan ng bawat pangkat
B. Pagbibigay ng puntos at pidbak sa bawat pangkat

RUBRIKS SA PAGTATAYA NG PANGKATANG GAWAIN


PAMANTAYAN PUNTOS
1. Sumunod ito sa paggawa na isinasaad ng direksyon.
2. Masiglang nakiisa ang bawat miyembro ng pangkat.
3. Angkop ang sagot sa paksa.
4. Masining ang paglalahad ng kasagutan.

C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa) – Sintesis


Panuto: Isa-isahin ang hinihinging mga bisa ng araln batay sa mga saknong na
tinalakay?

Bisang Bisang Bisang


Pangkaisipan Pangkaasalan Pandamdamin
D. Kasunduan
1. Panoorin ang music video na pinamagatang “Ugoy ng Duyan,” sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
a. Ipaliwanag ang nilalaman ng awit at naging damdamin sa iyo.
b. Paano mo ito iuugnay sa buhay ni Florante?

Inihanda ni:

REALINE B. MAÑAGO
Guro I - Baitang 8
Binigyang-pansin ni:

IMELDA R. PELAGIO
Dalubguro I - Baitang 8

Nabatid ni:

LUCELMA O. CARPIO
Puno, Kagawaran ng Filipino

Sinuri ni:

MARIA EVA S. NACION


Punongguro IV

Pinagtibay ni:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D.


Superbisor sa Programang Edukasyon
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya- JHS, Baitang 8 )

Petsa: Abril 12, 2024


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 402
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE 304

MAUNAWANG PAGBASA

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Kognitibo
 Nailalahad ang mahahalagang bahagi ng saknong 258-273 mula sa Florante at Laura
B. Apektibo
 Nakapagbabahagi ng sariling opinyon hinggil sa binasa
C. Saykomotor
 Nailalarawan ang magagandang katangian ng pangunahing tauhan sa kabila ng mga
pinagdaanan nito sa pamamagitan ng character sketch
II. Paksa
 Pamagat: Florante, Ang Heneral (Saknong 258-273)
 May-akda: Francisco “Balagtas” Baltazar
 Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8
 Kagamitan: Kopya ng Buod ng saknong 258-273 ng Florante at Laura

III. Pamamaraan
A. Bago Bumasa
 Panimulang Gawain
Panuto: Isa-isahin ang mga magagandang katangian sa loob ng mga kahon.

Pagkamaginoo Magalang

Kababaang-loob Masunurin

Tanong:
1. Alin sa mga kagandang-asal na ito ang iyong taglay?
2. Alin naman sa mga ito ang hindi mo taglay ngunit nais mong makamit? Bakit?

 Paghahawan ng Sagabal
Panuto: Ayusin ang titik upang mabuo ang kahulugan
1. kinubkob –sbouiln
2. batbat –nuop
3. matanto –idtaabm
4. bunyi –pngaatam
5. umayon –guaamyp

B. Habang Bumabasa
 Pagbibigay ng Panuto sa Pagbasa
Pagbasa nang tahimik
Panuto: Tahimik na basahin ang buod ng Florante, Ang Heneral (Saknong 258-273)

 Pagtalakay sa Binasa
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit dinala ni Duke Briseo si Florante sa hari?
2. Ano ang sinabi ni Haring Linseo nang makaharap si Florante?
3. Paano tinanggap ni Florante ang tungkuling iniatang sa kanya ng hari?
4. Kung ikaw si Aladin ano ang magiging reaksyon mo sa sinabi ni Florante?
Ipaliwanag.

C. Pagkatapos Bumasa
 Pagtataya sa Natutuhan
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong ukol dito.
1. Humihinging tulong at nasa pangamba
ang Krotonang reyno’y kubkob ng kaba;
ang puno sa hukbo’y balita ng sigla
Heneral Osmalik ng bayaning Persya
Ang naglalahad ay punumpuno ng…
a)pananalig
b) pag-asa
c)pag-aalinlangan
d) takot
2. “Ayon sa balita’y pangalawa ito
ng prinsipeng bantog sa sangmundo
Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko.”
Ang naglalahad ay punumpuno ng…
a) inggit
b)inis
c)paghanga
d)pagdududa
3. Dito’y napangiti ang Morong kausap,
sa nagsalita’y tumugong banayad;
aniya’y “Bihirang balita’y magtapat,
kung totoo ma’y marami ang dagdag.
Ang Moro ay nagpakita ng…
a)pagiging mapagkumbaba
b)pagkagulat
c)pagkabilib sa sarili
d)pagtatampo
4. Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis
ang gererong bantog sa palad kong amis;
at sa kaawa’y ma’y di ko ninanais
ang laki ng dusang aking sinapit.
Si Florante ay nagpakita ng…
a)pagkamuhi sa sarili
b)kagustuhang makapaghiganti
c)pagmamalasakit sa kapwa
d)matinding takot
5. Isang binibini ang gapos na taglay
Na sa ramdam nami’y tangkang pupugutan;
Ang puso ko’y lalong naipit na lumbay
Sa gunitang baka si Laura kong buhay.
Si Florante ay nakaramdam ng…
a) takot na baka siya’y hulihin
b)galit sa mga gereo
c) galit dahil sumama si Laura sa mga gerero.
d) takot na baka ang babaeng nahuli ay si Laura

 Pagwawasto at Pagsusulat sa Kinalabasan ng Nakuhang Kaalaman


 Lunas-Turo (0-2 Iskor)
Panuto: Isa-isahin ang mga kagandahang asal ni Aladin at Florante na nakapaloob sa Aralin

 Pagpapayaman sa Kaalaman (3-5 Iskor)


Panuto: Gumawa ng isang komik strip sa pagkikita ni Duke Briseo at Florante at ni Haring
Linseo at Florante

 Sintesis
Panuto: Ipaliwanag ang pahayag sa loob ng kahon.

“Bihirang balita’y magtapat kung magkatotoo ma’y marami nang dagdag.”

IV. Kasunduan
Panuto: Isulat sa Journal notebook ang kasagutan sa tanong na ito:

“Paano maipapakita ang pagkamaginoo at kababaang-loob sa iba’t ibang sitwasyon o pagkakataon?”

You might also like