You are on page 1of 18

Basic Education Department

S.Y. 2021 - 2022

STUDY GUIDE – Filipino 08

Module Topic:
Code: Q1-M1 Teacher: Bb. Gizelle V. Tagle
Karunungang-bayan/ Tula
Content Naipapamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng
Standards: mga Katutubo, Espanyol at hapon
Performance Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo
Standards:
Learning Competencies:
• Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa
tunay na buhay sa kasalukuyan(M)
• Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa tula,
balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko ayon sa: -kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan (M)
• Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang
kalagayan (M)
• Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan
(eupemistikong pahayag) (M)
• Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (M)

• Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:


-paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
-dating kaalaman kaugnay sa binasa (I)
• Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
-paghahawig o pagtutulad
-pagbibigay depinisyon
-pagsusuri (M)
• Naisusulat ang talatang:
-binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
- nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
- nagpapakita ng simula, gitna, wakas (I)
• Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa) (M)
• Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-uulat
• Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang datos
• Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino
• Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos (una, isa pa, iba pa)
• Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika at may apat o higit pang saknong
sa alinmang anyong tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan
• Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan
• Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba pang anyo ng tula

Performance Task: Criteria:


Goal: Makapaggawa ng isang pananaliksik at food blog/vlog sa native
delicacies ng bayan o lungsod na kanilang kinabibilangan upang mabatid Phase 01: Pagsasagawa ng
ang kaugnayan at impluwensya ng heograpiyang pisikal gaya ng lokasyon, Pananaliksik tungkol sa
topograpiya, yamang-likas, klima, at panahon at populasyon ay may ipinagmamalaki na native
epekto sa kabuhayan, kultura at pamumuhay ng mga tao sa lugar/bayan na delicacies ng spesipikong lugar na
kanilang kinabibilangan. Ito ay naglalayong palaganapin at ipagmalaki ang kanilang kinabibilangan.
pagkain at kultura ng nasabing lugar sa bansa. (Filipino)

Role: Food Vlogger/blogger,


Phase 02: Paghahanda ng mga
Audience: Mamayang Filipino kakailanganin o recipe para sa
pagluluto ng native delicacies para
Situation: Maraming mga banyaga ang nahuhumaling sa masasarap at sa kanilang mapipili ng lugar
(TLE)
makukulay na pagkaing Filipino. Ikaw bilang isang Food vlogger, blogger
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

susubukan mo na gumawa ng isang katutubong/ pagkain(native


delicacies) sa bayan na iyong kinabibilangan. Kakailanganin mo ang Phase 03:
pananaliksik sa kasaysayan kung bakit ito ang pagkaing patok o tampok sa Pagbuo ng isang food vlog tungkol
lugar na iyon. Pagkatapos na ito ay magawa, kasama ng iyong yaring sa ipinagmamalaki na native
produkto, ikaw ngayon ay gagawa ng Food vlog/blog na naglalayong delicacies ng spesipikong lugar na
kumbinsihin ang mga mamayan sa ibang panig ng bansa maging ang mga kanilang kinabibilangan. (AP)
nasal abas ng bansa na tangkilikin ang inyong produkto.

Product: Vlog/blog

Standard: Nilalaman, Kaangkupan, Mapanghikayat

DIARY MAP
ACTIVE Components Rating Remarks
Across-Discipline

Communication and
Collaboration
Technology-Enabled

Individualized Learning

Values-Driven

Experiential Learning

4 3 2 1 0
The component is The component is The inclusion of the The inclusion of the The component is not
well-planned and present in the module components seems component is present in module and
practiced in module and reflected during forced in module and practiced in the class in class.
and in class. class. in class. but not reflected in the
module.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

Modyul 01: Karunungang-Bayan, Paghahambing at Tula

Subject and Level Filipino 08 Prepared by: Bb. Gizelle V. Tagle LPT
Schedule Second Quarter (Week 5-6 )
Panimula:

Lahat ng tao ay may taglay na likas na karunungan o talino. Ngunit nasa sa atin kung paano at saan natin ito
gagamitin. Sa bahaging ito, pag-uusapan natin ang isa sa mga pamana ng ating mga ninuno- Ang Karunungang-
bayan at tula. Kung saan makikita natin dito kung saan nila ginamit ang kanilang karunungang taglay at ang naging
dulot nito sa kanilang pamumuhay.

Sinasabi na likas na raw sa ating mga Pilipino ang pagiging makata, sa bahaging ito ng ating aralin ay
susubukin ang pagiging iyong makata.
Nilalaman ng modyul na ito ang mga online at printable materials na magagamit at makakatulong sa iyong
pag-aaral patungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan at Unang bahagi ng nasabing nobela.
Kaya halina’t simulan na natin ang ating pagkatuto!

Mga Layunin:

Inaasahan sa pagtatapos ng modyul na ito maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

Karunungang-bayan at Paghahambing
A. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
B. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyan.
C. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawiakin, sawikain o
kasabihan (eupemistikong pahayag)
D. Naipapaliwanag ang mahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang napakinggan.
E. Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginamit sa
tula, balagtasan, epiko ayon sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan.

Tula
A. Naihahamibing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at damdamin ng nagsasalita
ng tula.
B. Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa.
C. Nagagamit ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng internet sa pananliksik tungkol sa
mga anyo ng tula.
D. Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

Aralin 01: Karunungang-Bayan at


Paghahambing
1.1.1 Paunang Gawain:
A. Halina’t Magpatalasan ng Isipan!
Magbibigay ang guro ng mga palaisipan at bugtong. Basahin at sagutin mo ang mga ito. Maghanda para
sa ating Synchronous class dahil magkakaroon tayo ng Patalasan ng Isipan. Kung hindi man maka-access sa ating
Synchrnous Class, maari mo pa rin masubukan ang nasabing gawain sa pagsasagot sa iyong modyul. Tandaan,
lamang na huwag mandadaya. ☺
Matapos isagawa ang gawain sa ibaba ay sagutin mo naman ang mga inihandang gabay na tanong na
inihanda ng iyong guro. Inaasahan na sasagutin mo ito at ibabahagi ang iyong sagot sa klase.

1. Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat.


2. Ako ay nasa dulo ng daigdig, nasa gitna din ng dagat at nasa unahan ng globo, ano ako?
3. Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
4. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man
lang nagalaw ang sombrero?
5. Bahay ko sa pulo, balahibo’y pako.
Mga Tanong;
1. Naging mahirap ba o madali ang naging pagsagot sa mga bugtong at palaisipan sa itaas? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
___
2. Sa iyong palagay, nararapat bang panatilihin at paunlarin ang panitikang ito na pamana ng ating mga
ninuo? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
___
3. Sa iyong palagay, paano kaya natin maaring mapanatili at mapaunlad ang mga ganito uri ng
panitikan?
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
___

1.1.2 Talakayan: Alamin Natin!


Panitikan: (W1D1- Synchronous, 30 mins)
Ilan lamang ang bugtong at palaisipan sa mga karunungang-bayan na ipinamana sa atin ng ating
mga ninuno. Bukod sa mga ito nariyan din ang salawikain, sawikain, kasabihan, at bulong. Alam ko na ito ay
napag-aralan mo noong ika’y nasa ikapitong baitang pa lamang. Kaya natitiyak kong magiging masaya at
madali ang aralin na ito para sa iyo, hindi ba? Tara na’t Alamin Natin!
Maaring maka-access na makakatulong sa pag-aaral natin ng karunungang-bayan, i-click lamang ang
link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=44B1git1F-4 at sagutin ang mga tanong sa ibaba at
maghanda para sa ating talakayan.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

Karunungang-bayan
Kilala rin sa tawag na kaalamang-bayan kung saan ang mga ganitong uri ng panitikan ay
lumaganap noong panahon ng mga katutubo na lumaganap sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Sinasabing bago pa
man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay nagtataglay na tayo ng ating sariling kasaysayan at mga akdang
pampanitikan na gaya ng mga karunungang-bayan na kinapapalooban ng salawikain, sawikain, bugtong,
palaisipan, kasabihan, at bulong. Sinasabing ang mga ito ay karaniwang nagmula sa mga Tagalog at hinango mula
sa mga mahahabang tula.
1. Bugtong – ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang
patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang bugtungan ay nilalaro ng mga naglalamay
sa bahay ng namatayn upang magbigay-aliw at upang hindi antukin ang mga nagpupuyat. Nang
lumaon, ang bugtungan ay ginagawa na rin kung may handaan o pistahan. Ang mga Tagalog ang
pinakamayaman sa bugtong.
Halimbawa:
May binti walang hita, may tuktok walang mukha. (Kabute)
Narito si Ingkong, bubulong-bulong (bubuyog)
Balong malalim, punong-puno ng patalim. (Bibig)

2. Kasabihan – ang mga kasabihan noon unang panahon ay yaong ipinalalagay na mga sasabihin ng
mga bataat matatanda na katumbas ng tinatawag na Mother Goose Ryhmes. Ang kasabihan ay
karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa:

Putak, putak Ako’y isang lalaking maliksi


Batang duwag Susong gumagapang
Matapang ka’t nasa pugad Hindi ko pa mahuli

3. Palaisipan – Nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng
isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino
ay sanay mag-isip at kanilang ipinaman ito sa kanilang mga inapo.
Halimbawa:
Si Ann ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga panagalan nila ay umpisa sa panganay ay
Nana, Nene, Nini, Nono at si ______________________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?
(Ann)

Anong meron sa jeep, tricycle, bus na wala sa Eroplano? (Sidemirror)

4. Salawikain – Isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda upang magsilbing


batas at tuntunin ng kagandahang-asal. Naglalayon itong mangaral at gumabay sa mga kabataan
sa pagkakaroon ng mabuting asal.
Halimbawa:
Anak na di paluluhain, ina ang patatangisin.
Ang sakit ng kalingkingan, dama ng buong katawan.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.
5. Sawikain – Nagbibigay ang mga ito ng hindi tuwirang kahulugan, gumagamit ito ng mga
matatalinghangang pahayag na may nakatagong kahulugan. Sa ibang sanggunian, tinatawag
itong idyoma o kaya naman ay eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
Bagong-tao — binata
Sumakabilang-buhay — namatay
6. Bulong – Mga pahayag na may sukat at tugma na kadalasang ginagamit na pangkulam o
pangontra sa kulam, engkanto at masamang espiritu.
Halimabawa:
Gawain: Pag-usapan Natin!
Huwag magalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-utusan.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022
Matapos mong mapag-aralan ang iba’t ibang karunungang-bayan. Inaasahan na
masagot mo ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Tandaan: Kung sa Canvas ka magsasagot hintayin mo ito sa
Discussion Boards at kung hindi naman ay maari mo itong sagutin sa patlang na inilaan ng guro.
Mga Tanong: (W1D1-Asynchronous, 5 mins)

1. Bakit mahalaga ang mga karunungang-bayan sa pag-aaral ng kuturang Pilipino?


_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
__
2. Paano mo magagamit ang mga aral na taglay ng karunungang-bayan sa pang-araw-araw mong
pamumuhay?
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
__
3. Marami ka bang alam na halimbawa ng karanungang-bayan? Paano mo ito higit na mapagyayaman ang
iyong kaalaman hinggil sa mga ito?
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
__

Binibati kita dahil sa naging mahusay ang iyong pagsagot sa nagdaang gawain. Totoo ngang mayaman ang ating
kultura bago pa man dumating ang mga mananakop. Ngayon magtungo na tayo sa susunod nating tatalakayin
ang Paghahambing

Gramatika: (W1D1- Synchronous, 15 mins)

Paghahambing

Ang Paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakakatulong sa pagbibigay-linaw sa isang


paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing.

Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang hambingan ng pang-uri. Ito ay
paglalarawan ng tao, bagay, lugar pook, pangyayaring nakatguon sa dalawa o higit pa. May dalawang uri
ng kaantasan ang paghahambing:

1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing, magkasing okaya ay ng mga
salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.

2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang


katangian. May dalawa itong uri:

a. Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulang nglalo, di-
gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino

b. Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito
Gawain: Subukan Natin! (W1D1- Asynchronous, 10 mins)
ng mga salitang higit, labis at di-hamak.
Isulat ang angkop na pahambing sa pangungusap gamit ang mga gabay na salita sa loob ng panaklong.
Tandaan: Kung sa Canvas ka magsasagot hintayin mo ito sa Canvas Quiz at kung hindi naman ay maari mo
itong sagutin sa patlang na inilaan ng guro.

1. _______________________________________ (gusto: di magkatulad) kong magbasa kaysa manood ng telebisyon


kapag wala akong ginagawa.
2. _______________________________________ (ganda: magkatulad) ang pananw naming magkaibigan sa buhay
dahil sa ito ang turo ng aming magulang.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

3. Ako ay _______________________________________ (matanda: di magkatulad) kaysa sa aking mga kalaro kaya’t


pinipili kong maging mabuting halimbawa sa kanila.
4. _________________________________________ (mahira: di magkatulad) ang buhay ng aking mga magulang kom
para sa magandang buhay na ibinigay nila sa akin ngayon.
5. Ang aking tatay at nanay ay ______________________________________ (bait: magkatulad) kaya’t mahal na mahal
ko silang dalawa.

Pagpapalalim ng Pag-unawa:
Tweet mo’to! (W1D1- Asynchronous, 10 mins)

Sa pamamagitan ng isang tweet, isulat ang mga bagay na iyong natutuhan batay sa mga napag-aralan
sa modyul na ito. Maaring sa modyul na ito isulat ang iyong tweet, ngunit kinakailangan na ipost mo
ito sa ating discussion board sa Canvas.

1.1.3 Pagsubok sa Natutunan (Seatwork 01) (W1D1- Asynchronous, 30 mins)


Upang masukat ang iyong mga natutunan ukol sa tinalakay na aralin narito ang gawain na inihanda ng guro
upang mataya ang iyong natutunan.

A. Tukuyin ang mga sumusunod na karunungang-bayan. Ipaliwanag at isulat kaisipang taglay sa


tapat ng karunungang Bayan.
Karunungang-bayan Uri ng Karunungang- Kaisipang taglay
bayan
Kapag maikli ang kumot, matutong 1. 2.
mamaluktot.

Bahay ko sa pulo, balahibo’y pako. 3. 4.


(Langka)

Si Ann ay isa sa limang magkakapatid. Ang 5. 6.


mga panagalan nila ay umpisa sa
panganay ay Nana, Nene, Nini, Nono at si
______________________. Ano ang pangalan ng
bunso sa magkakapatid? (Ann)

Pili ng pili, sa bungi nauwi. 7. 8.

Huwag kang maniwala sa mga sinasabi 9. 10.


nya, madalas balitang-kutsero ang dala
niya.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

Tabi-tabi po kami’y makikiraan lamang. 11. 12.


Walang balak na manggambala.

B. Sumulat o bumuo ng mga pangungusap na batay sa ibinigay na paghahambing sa bawat


pangungusap.

2 pts 1 pt
Mahusay at mabisang nagamit sa pangungusap ang mga Mahusay na nagamit sa pangungusap ang mga
paghahambing. paghahambing. Bagamat hindi naging mabisa ang
nabuong pangungusap dahil hindi malinaw ang
mensahe ng pangungusap.

13-14. Lalim (di- magkatulad: pasahol)

______________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________
__
15-16. Likot (di- magkatulad: palamang)

______________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________
__
17-18 Bango (magkatulad)
______________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________
__
19-20. Liwanag (di- magkatulad; palamang)
______________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________
__

1.1.5. Mga Paglilinaw (Consultations)


Matapos ang isasagawang pagsubok, batay sa magiging resulta nito. Magkakaroon ng paglilinaw ang guro.
Tandaan na ang bahaging ito ng aralin ay para sa iyo, upang linawin ang mga bahagi ng aralin na hindi mo
labis na naunawaan. Maaring magpadala ng mensahe sa Canvas Inbox, agad itong bibigyang-pansin ng guro.
O maaring padalhan ka ng guro ng mensahe ngunit huwag kang mag-alala dahil ito ay tulong sa iyo upang
mas madali mong maunawaan ang aralin at ang mga susunod pa rito.

1.1.6 Mga Sanggunian:


Mga Aklat:

• Julian, A.B., (2018), Pinagyamang Pluma 8, Quezon City, Phoenix Publishing House.
• PEAC Learning Module (2016), Filipino 08, Makati City, PEAC National Secretariat
Mga Elektronikong Kagamitan:

• https://www.youtube.com/watch?v=44B1git1F-4
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

Aralin 02: Tula at mga Pangatnig


Magandang araw! Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging makata at talagang likas na rin sa atin ang
pagsulat ng tula lalo’t pumapaksa sa pag-ibig. Sa bahaging ito ng aralin, tutuklasin natin kung ano nga ba ang
isang tula, paano makakabuo ng isang mahusay na tula at ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng tula.

1.2.1 Paunang Gawain: (W1D2-Asynchronous, 10 mins)


A. Halina’t Magbasa!
Panoorin o basahin ang nilalaman ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio na maaring
mapanood ang nilalaman ng tula sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=RL-BV_ILTm4 o maaring
mabasa ang nilalaman ng tula sa ibaba. Matapos na mapanood o mabasa ang nilalaman ng tula. Sagutin ang
mga sumusunod na tanong kaugnay ng tinalakay na tula.
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
Ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Walang mahalagang hindi inihandog


ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki


na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,


siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!


gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib


at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Ipahandog-handog ang buong pag-ibig


hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

Ngayong nabasa mo na ang nilalaman ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio sagutin mo
naman ang mga tanong na may kaugnayan sa binasang tula. Tandaan: Kung sa Canvas ka magsasagot hintayin
mo ito sa Discussion Boards at kung hindi naman ay maari mo itong sagutin sa patlang na inilaan ng guro.

1. Paano inilarawan ni Bonifacio ang pag-ibig niya sa sariling bayan?


______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
__
2. Ano-anong katangian ni Bonifacio ang nangibabaw sa pagkatha ng tula sa likod ng panggipit ng mga
Kastila sa mga manunulat na Pilipino?
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
__

3. Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang panitikan sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng


isang bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________
__

B. Malalim man, mauunawaan ko rin! (W1 D2- Asynchronous, 10 mins)


Bigyang-interprestasyon mo ang ilang bahagi ng tulang iyong binasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng
iyong pagpapakahulugan sa mga piling saknong.

Saknong 01 Kahulugan:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Saknong 04 Kahulugan:

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,


siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Saknong 05 Kahulugan

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Saknong 07 Kahulugan
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Saknong 08 Kahulugan:
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

ito’y kapalaran at tunay na langit.

1.2.2 Talakayan: Alamin Natin! (W1 D2, Synchronous, 30 mins)


Panitikan:
Ang Tula at Ang mga Elemento nito
➢ Sangay ng panitikan na naglalarawan ng buhay at kalikasan na likha ng mayamang guni-guni
o imahinasyon ng makata.
➢ Tinatayang pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino dahil sinasabing
pinagmulan ito ng iba pang sining tulad ng awit, sayaw at dula.
➢ Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng
kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paraan kaya
kinakitaan ng sukat at tugma. Ang pagiging makata ay likas na sa ating mga ninuno.
➢ Ayon kay Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at may katuturan.” Sa
madaling salita, bawat sambit nila ay matalinghaga at makatuturan. Ito ang ipinalalagay na
pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang tinatawag natin ngayong mga kasabihan,
kawikaan, salawikaing nakasulat sa anyong patula.

Mga Elemento ng Tula:

Sukat

Kariktan Tugma

Elemento
ng
Tula
Simbolismo Talinghaga

Larawang-
Diwa

1. Sukat – Ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng sakong. Karaniwang ginagamit ay labindalawa,
labing-anim, at ang labingwalong pantig.
Halimbawa:
A/ling/ pag/-i/big/ pa/ ang/ hi/hi/git/ ka/ya
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Sa/ pag/ka/da/li/say/ at/ pag/ka/da/ki/la
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Ga/ya/ ng/ pag/-i/big/ sa/ ti/nu/buang/ lu/pa?
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
A/lin/ pag/-i/big/ pa?/ Wa/la/ na/ nga/, wa/la.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Mapapansing ang bawat talutod ng halimbawang nasa itaas ay binubuo ng 12 pantig kaya’t ito’y may
sukat na lalabindalawahin. Mapapansin ding may saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkas sa kalagitnaan ng
taludtod, pagkatapos ng ikaanim na pantig na nilagyan ng panandang (/). Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag
na sensura.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

2. Tugma – Isa sa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula ay ang pagkakapare-parehong tunog sa dulo
ng mga panghuling salita ng taludtod. Tinatawag itong tugma. Ang panghulingpantig sa dulo ng taludtod ay
maaring nagtatapos sa patinig o katinig at binibigkas nang mabilis, malumay, o may mpit sa lalamunan.
3. Talinghaga – Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit
at mabisa ang pagpapahayag. Ang sumusunod na pangungusap ay mga halimbawa ng mha pangungusap na
nagtataglay ng mga matatalinghagang pahayag o salita.
Halimbawa:
• Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
• Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya.
• Ang baya’y umiiyak dahil ito ay may tanikala.

4. Larawang-diwa – Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

5. Simbolismo – Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
Halimbawa: puno – buhay tinik – pagsubok/ hirap
Ilaw – pag-asa Bathala – panginoon

6. Kariktan – Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaring bigkasin ang isang hanay-hanay ng mga talatang
tugma-tugma ang mga dulo at sukat-sukat ang mga bilang ng pantig ngunit di pa rin matatawag na tula kundi
nagtataglay ng kariktan. May mga tulang walang sukat at tugmang sinusunod subalit matatawag pa ring tula
sapagkat pilimpili ang mga salita, kataga parirala, imahen, o larawang-diwa, tayutay o talinghaga at
mensaheng taglay na siya lalong nagpapatingkad sa katangian nito bilang tula at pumupukaw sa mayamang
imahinasyon ng bumabasa.

Mga Tulang Lumaganap Noong Panahon ng mga Espanyol at Hapones

Mga Tulang Lumaganap noong Panahon ng mga Espanyol


1. Korido – Ito ang mga tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at nagtataglay ng
mga paksang kababalaghan at maalamat na karamiha’y hiram at halaw sa paksang Europeo na dala rito
ng mga Espanyol
2. Awit - Ito ay tulang romansa (metrical romance) na may sukat na labindalawahang pantig bawat
taludtod at kalimitang ang pangunahing paksa ay tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
3. Tulang Patnigan (Justice Poetry) - Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata
ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng talino at tulain.
a. Duplo - Ito ay pagtatalo rin na gumagamit ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Karaniwang ginagamit
dito ay salawikain, kawikaan at kasabihan.
b. Karagatan - isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong
parangal sa isang yumao. Ang paksa nito ay tungkol sa alamat na nauukol sa singsing ng dalaga na
di umano’y nahulog sa gitna ng karagatan.
c. Balagtasan - isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Mujeres sumilang ang uring
ito ng panulaang Tagalog.
d. Batutian - bilang parangal sa yumaong Jose Corazon de Jesus at sumilang at bagong anyo ng tulang
pantigan noong 1933. Pangunahing layunin nito ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o
bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo at
palaisipan.
Mga Tulang Lumaganap noong Panahon ng mga Hapones

• 1941-1945; Panahon kung kalian nasakop ng mga Hapones ang Pilipinas. Tinuring na “Panahon
ng Kadiliman” sapagkat sa yugtong ito ng kasaysayan ay labis na nakaranas ng matinding hirap,
paniniil, kalupitan, at karahasan ang ating mga ninuno sa kamay ng mga Hapones
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022
• Sa panahon ding ito, nabalam ang pag-unald ng panitikang Pilipino sapagkat ipininid
ng mga Hapones ang mga pahayag at magasin na pawing nasusulat sa wikang Ingles. Ipinagbawal
ang pagtuturo ng wikang Ingles sa mga paaralan at masusi ring sinuri ang mga aklat na ginagamit
sa mga paaralan.
• Ipinatanggal ang mga pahina ng mga aklat na naglalaman o may pahiwatig na Kulturang
Kanluranin. Ang wikang Niponggo, kulturang Hapon at wikang Pilipino ang ipinanturo sa mga
paaralan. Ito ang dahilan kung bakit maraming manunulat sa Ingles ang sumubok na sumulat o
kaya magsalin ng mga akda sa Ingles at sa Pilipino.
• Sa panahong ito, lumaganap at umunlad ang panulaang Pilipino na kadalasa’y may mga paksa na
may kinalaman sa pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa kalikasan, buhay lalawiagan, o nayon,
relihiyon at sining
• Dalawang natatnging uri ng tula ang lumaganap noong panahon ng mga Hapones, ang haiku at
tanaga.
1. Haiku - Ito ay isang tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig, ang ikalawa ay pitong pantig at ang ikatlo
ay may lima ring pantig. Bagamat maikling lamang ngunit nagtataglay ito ng malalawak na
kahulugan, malalalim na kaisipanat damdamin na tumatalakay sa kalikasan o mga bagay sa
paligid.
2. Senryu - Tulad rin ito ng haiku kung sa bilang ng pantig ta maging sa pagkakaayos ng mga
taludtod. Naiba lamang ito sa paksang tinatalakay, kung ang haiku ay seryoso, ito ay may
bahid ng pagpapatawa o kagaspangan tungkol sa kalikasan o katangian ng tao.
3. Tanaga - Pinasikat ito ni Idelfonso Santos noong panahon ng mga Hapones. Kaiba sa haiku
sapagkat ito ay may sukat at tugma. Ayon kay Juan de Noceda at Pedro Sanlucar sa
Vocabulario de la Lengua Tagala, ang tanaga ay isang uri ng tulang napakataas sa wikang
Tagalog na binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod. May apat na taldtod sa bawat
saknong at ito ay hitik na hitik sa talinghaga.

Pagpili ng Angkop naSalita sa Pagbuo ng Tula


Sa pagbuo ng tula, mahalagang maging malawak ang iyong kaalaman sa kahulugan ng mga
salita. Ito ay nakatutulong upan mapanatili ang kariktan at kasiningan ng tulang bubuoin. Ang
kahulugan ng mga salita ay makikilala ayon sa …
1. Kasingkahulugan o kasalungat – Sa pamamagitan ng kasingkahulugan at kasalungat
na salita maipaparating ang mesaheng nais sabihin ng tulang gagawin. Ang paggamit ng
mga salitang magkasingkahulugan o pareho ang ibig sabihin ay makapagpapatibay sa
mensahe ng tula. Ang paggamit naman ng mga salitang magkasalungat o hindi pareho
ang ibig sabihin ay nakakatulong upang maipakita ang ugnayang nais ipahayag ng tula.
2. Idyoma – Sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika. Narito ang
halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.
• Balat-sibuyas = maramdamin • Laylay ang balikat = nabigo
• Basing sisiw = kaawa-awa; api • Magbilang ng poste = walang trabaho
• Buto’t balat = payat na payat • Magdildil ng asin = maghirap
• Huling hantungan = libingan • Mahaba ang pisi = pasensyoso
• Ikapitong langit= malaking katuwaan • Pabalat-bunga = hindi totoo
3. Konotasyon at Denotasyon – Ito ang dalawang dimesiyon sa pagpapakahulugan ng
mga salita. Ang denotasyon ay karaniwang kahulugan mula sa diksyonaryo o salitang
ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa:
• Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan. (bahagi ng isang halaman ay
karaniwang makulay)
• Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod-bahay. (halamang lumalaki
nang mataas.)
Samantalang ang konotasyon ay may taglay na ibang kahulugan o maaring
pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.
Halimbawa:
• Maraming magagandang bulaklak sa aming paaralan. (babae)
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

• Ang kanyang anak ay mabait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.


(magulang/angkan)
4. Tindi ng kahulugan/ Clinning – Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa
intensidad o tindi ng kahlugang nais ipahiwatig.

Poot- matinding galit at gusting manakit

Suklam – matinding galit sa dibdib

Galit – tumatagal na Inis

Inis – tumatagal na tampo

Tampo- munting lait na madaling mawala.

Pikon – damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang.

Gawain: (W1 D2- Asynchronous, 15 mins)


Tukuyin kung ang pares ng mga salita sa ibaba ay magkaingkahulugan o magkasalungat.
Isulat ang A kung magkasing kahulugan at B kung magkasalungat naman. Isulat sa patlang ang
iyong sagot.

_________ 1. Malawak – makitid


_________ 2. Malabay- malapad
_________ 3. Isinilang – namatay

Piliin sa kabilang hanay ang kahulugan ng mga idyomang may salungguhit sa bawat bilang.
Isulat ang titik sa patlang sa bawat bilang.
A. Bigo B. kaawa-awa C. magtrabaho D. naghihirap
___________ 4. Ang mga basang sisiw ay dapat nating tulungan.
___________ 5. Laylay ang kaniyang balikat ng siya ay umuwi galing trabaho.
___________ 6. Ang kaniyang pamilya ay madalas nagdidildil ng asin.

Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may diin batya sa pagkakagamit sa pangungusap.
Piliin ang sagot sa kahon.

Problema uri ng anyong lupa

_________________________ 7. Isang malaking bundok ang nawala sa aking dibdib ng dinggin ng Diyos
ang aking panalangin.
_________________________ 8. Masyadong mataas ang bundok na inakyat naming ng aking mga
kaibigan.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

Ayusin ang mga salita ayon sa intensidad ng kahulugan nito. Lagyan ng bilang 1 para sa
pinakamababaw na kahulugan hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing kahulugan.
Bulong
Sigaw
Palahaw

Nainis
Nagalit
Napopoot

Alamin Natin!
Gramatika: (W2 D1- Synchronous, 20 mins)
Uri ng Pangatnig
Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng salita sa kpwa salita, ng isang parirala sa
kapwa ugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag. Ito ay maaring makita sa unahan at
gitnang bahagi ng pahayag o usapan. Ito ay may dalawang pangkalahatang uri:
• Pangatnig sa magkatimbang nay unit o pantuwang na ginagamit sap ag-uugnay ng
magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga, o magkakatimbang na bagay o kaisipan.
• Pangatnig na nag-uugnay ng di magkauri o magkatimbang na kaisipan o bagay.
Narito ang iba’t ibang uri ng pangatnig. Pansinin sa mga halimbawa ang mga pangatnig na ginagamit
sa lunsaran.

1. Pangatnig na Pamukod - may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan. Karaniwan sa mga ito


ang ni, o at maging.
Halimbawa:
Ni sa hinagap, ni sa panaginip ay hindi niya inakalang pagpapalain siya nang ganoon ng
Panginoon.
2. Pangatnig na Pandagdag – Nagsasaad ng pagpupuno o pagdadaragdag. Ito ang pangatnig
na at, saka, at pati.
Halimbawa:
Pati kalagayan ng bansa ay isinasama ko sa aking panalangin hindi lang ang aking sarili.
3. Pangatnig na Paninsay o Panalungat - Ginagamit upang sumasalungat sa una. Ilan sa mga
ito ay ang datapwa’t, kahit, subalit, ngunit bagama’t at habang.
Halimbawa:
Ang taong mapagpasalamat bagama’t may problema ay nananatiling masaya.
4. Pangatnig na Panubali – May pagbabasakali o pang-aalinlangan ang pahayag. Ito ay ang
kundi, kung di, kung, kapag, sana at sakali. ( Ang mga pangatnig na ito ay karaniwang ginagamit sa unahan
ng pahayag.)
Halimbawa:
• Kapag hindi ka nagpatawad ay hindi ka magiging masaya.
• Sakaling saguting ng Diyos ang iyong panalangin, ano ang gagawin mo?
• Sana ay hindi mo makalimutan ang Diyos kahit sa oras ng iyong tagumpay.
• Kundi ka rin lang susunod sa akin huwag ka nang mag-abala pa.
5. Pangatnig na Pananhi – Ginagamit upang magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran,
kung tumutugon sa tanong na bakit gaya ng sapagkat, pagkat, kasi, palibhasa, at dahil.
Halimbawa:
• Palibhasa’y laking simbahan kaya’t lumaking magalang ang batang iyan.
• Dahil sa kaniyang panalangin ay gumaling ang aking sakit.
6. Pangatnig na Panlinaw – Ginagamit upang linawin o magbigay-linaw gaya ng anupa, kaya,
samakatuwid, sa madaling salita at kung gayon.
Halimbawa:

Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

• Laganap na laganap ngayon ang Salita ng Diyos kaya maraming tao ang nagsisi sa kanilang
mga kasalanan.
• Samakatuwid, sa naranasan ng Panginoon ay napatunayang hindi lamang sa tinapay
mabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang mula sa Diyos.

Gawain:
Kayang-kaya Natin ‘to!
Punan ng tamang pangatnig ang linya upang makompleto ang diwa ng mga pangungusap sa kabilang pahina.
Tukuyin kung anong uri ng pangtanig ang ginamit sa mga pangungusap upang mabuo ang ideya ng mga
pangungusap.

At Kaya’t Maging Kung Subalit

_____________________ 1. Siya ay likas na mapagmahal sa bayan ____________________ mimahal siya ng Pilipino.


_____________________ 2. ______________________ sakaling mabigyan ako ng pagkakataon ay pipiliin kong maging
katulad niya.
_____________________ 3. Ikaw man ________________ ako ay walang karapatang manghusga sa ating kapwa.
_____________________ 4. Ang aking pagmamahal sa bayan ________________________ kapwa ay nag-ugat sa aking
pagmamahal sa Diyos.

Pahusayin Natin!
Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang pangatnig sa bawat bilang. Gamiting gabay ang pamantayan
sa ibaba.
2 pts 1 pt
Mahusay at mabisang nagamit sa pangungusap ang mga Mahusay na nagamit sa pangungusap ang mga
pangatnig. pangatnig. Bagamat hindi naging mabisa ang nabuong
pangungusap dahil hindi malinaw ang mensahe ng
pangungusap.

5-6. Pati:_________________________________________________________________________________________________________
7-8. Habang: ____________________________________________________________________________________________________

9-10. Sana: ______________________________________________________________________________________________________

1.2.3. Pagpapalalim sa Pag-unawa:


#Tula Atin to!

Sa pamamagitan ng isang maikling video, ibahgi ang mga bagay na iyong natutuhan batay sa mga napag-
aralan sa modyul na ito. Maaring sa modyul na ito isulat ang iyong pagbabahagi, ngunit kinakailangan na
ipost mo ito sa ating flipgrid: https://flipgrid.com/a58079f3 .

1.2.4. Pagsubok sa Natutuhan


Upang masukat ang iyong mga natutunan ukol sa tinalakay na aralin narito ang gawain na inihanda ng
guro upang mataya ang iyong natutunan.

A. Suriin at basahin ang tulang “Isang Punongkahoy” Ni Jose Corazon de Jesus. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong patungkol sa mga elemento ng tula.
Isang Punongkay
ni Jose Corazon de Jesus

Saknong I
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022

Saknong II
Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan…

Saknong III
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Saknong IV
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Saknong V
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

1. Bilang ng sukat ng tula ________________________.


A. 4 B. 8 C. 12. D. 16
2. Bilang ng taludtod na bumubuo sa bawat saknong ng tula ______________.
A. 4 B. 8 C. 12. D. 16

Para sa bilang 3-4, tukuyin ang mga saknong na naglalaman ng larawang-diwa o imagery. (2puntos)
A. Saknong I
B. Saknong II
C. Saknong III
D. Saknong IV
E. Saknong V

5-8. May taglay bang kariktan ang tula? Patunayan.


__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
___
9-12. Para sa iyo, ano ang taglay na mensahe ng tulang “Isang Punongkahoy”?

__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
___

Pamantayan:
4 puntos: Tumpak, malinaw at makabuluhan ang ginawang pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.

3 puntos: Nasagot ng malinaw ang mga sumusunod na tanong.


2 puntos: Nasagot ang tanong ngunit may mga bahagi na hindi naipaliwanag ng maayos.

1 puntos: Nakapagsagot ngunit walang paliwanag.


Basic Education Department
S.Y. 2021 - 2022
B. Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang pangatnig sa bawat bilang.
Gamiting gabay ang pamantayan sa ibaba.
2 pts 1 pt
Mahusay at mabisang nagamit sa pangungusap ang mga Mahusay na nagamit sa pangungusap ang mga
pangatnig. pangatnig. Bagamat hindi naging mabisa ang nabuong
pangungusap dahil hindi malinaw ang mensahe ng
pangungusap.
13-14. Pangatnig na Pamukod:

__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
__

15-16. Pangatnig na Pandagdag:


__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
__
17-18. Pangatnig na Paninsay o panalungat:

__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
__

19-20. Pangatnig na Panubali:


__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
__

21-22. Pangatnig na Pananhi:


__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
__
23-24. Pangatnig na Panlinaw:

__________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________
__

Mga Aklat:

• Julian, A.B., (2018), Pinagyamang Pluma 8, Quezon City, Phoenix Publishing House.
• PEAC Learning Module (2016), Filipino 08, Makati City, PEAC National Secretariat
Mga Elektronikong Kagamitan:

• https://www.youtube.com/watch?v=RL-BV_ILTm4

You might also like