You are on page 1of 68

Moodle Gabay sa Asignatura

7
UNANG MARKAHAN

FILIPINO
Mga Akdang Pampanitikan:
Salamin ng Mindanao
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Para sa Mga Mag-aaral

Pagbati sa iyo! Natitiyak ko na marami kang matututuhan mula sa mga aralin na


iyong pag-aaral sa asignaturang ito. Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga gawain at
mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa iyo sa paggamit ng Filipino 7
Moodle Classroom. Nawa ay maging kawili-wili para sa iyo ang pagsasagot ng mga
nilalaman ng Moodle Classroom. Huwag kang mawalan ng pag-asa kung nahihirapan sa
pagsasagot. Buo ang aming tiwala sa iyong kakayahan na matatapos mo ang mga iniatas
na gawain! Mabuhay ka!
- Mga May-akda

2
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Tungkol sa mga May-akda

Kung ikaw ay may katanungan o nais linawin tungkol sa nilalaman ng mga aralin sa Filipino
7 - Panitikan ng Mindanao (Unang Markahan), maaring makipag-ugnayan sa sumusunod:

Gng. Elizabeth D. Valentino

Larawan Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng asignaturang


Filipino sa Ikapitong Antas ng Paliparan II Integrated
High School.

https://facebook.com/aizalizbethvalentino
elizabeth.valentino@deped.gov.ph
0910 – 949 – 3931

Pangalan

Siya ay kasalukuyang guro mula sa Dasmariñas


Integrated High School. Ang mga tinuturuan niya ay
mga nasa Senior High na mag-aaral

3
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Mga Panuntunan sa Paggamit ng Moodle Classroom ng Filipino 7

Narito ang mga alituntunin na dapat mong sundin sa paggamit ng ating Moodle
Classroom:

1. Basahing mabuti ang mga aralin at gawaing nakatakda sa bawat modyul. Huwag
magmadali upang lubos na maunawaan ang aralin.

2. Siguraduhing nasagutan ang lahat ng mga gawain na naibigay sa iyo bago lumipat sa iba
pang gawaing nakapaloob sa modyul.

3. Maging magalang sa guro at kapwa mag-aaral sa tuwing magbibigay ng mensahe at


komento.

4. Tiyakin na wasto ang paggamit ng gramatika at mga baybay ng salita upang mahasa ang
kakayahan sa asignaturang Filipino.

5. Kung sakaling ikaw ay nahihirapang sagutin ang mga gawain sa bawat modyul, maaari
kang magtanong sa iyong guro. Maaari ka ring magpatulong sa iyong magulang at iba pang
kasama sa bahay.

Kapag sinunod mo ang mga alituntunin na ito, tiyak kong magiging matagumpay ang
iyong pag-aaral! Umaasa kami, na sa pamamagitan ng mga Aralin sa MOODLE
CLASSROOM na ito, makararanas ka nang makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
nang malalim na kasanayan na naayon sa mahahalagang kompetensi ng kurso/
asignatura. Kaya mo ito!

4
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Mga Icon sa Moodle Classroom ng Filipino 7

Ang sumusunod ay ang mga icon sa moodle classroom ng Filipino 7:

5
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

6
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Mga Bahagi ng Aralin

Ang sumusunod ay ang mga bahagi ng aralin ng Filipino 7:

PANIMULA (INTRODUCTION)
Ang bahaging ito ay naglalaman ng tatalakaying panitikan at gramatika. Ito ay naglalaman din
ng mga dapat na matutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa aralin.

PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)

Dito makikita ang iba't ibang mga gawain at pagtalakay na kaugnay ng aralin.

PAGPAPALIHAN (ENGAGEMENT)
Naglalaman ng performance task ng aralin.

PAGLALAPAT (ASSIMILATION)
Malikhaing paglalahat mula sa mga natutuhan. Maaaring isang tanong, gawain o iba pa na
susubok sa natutuhan sa kabuoan ng aralin.

7
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Unang Markahan:
Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

Deskripsyon ng Asignatura

Kumusta? Ito ang unang kurso para sa asignaturang Filipino 7. Matututuhan mo rito ang mga
panitikang nagmula sa Mindanao tulad ng kuwentong-bayan, pabula, epiko, maikling kuwento,
at dula sa paraang interdisiplinaryo at interaktibo. Ito ay interdisiplinaryo dahil naiuugnay ito
sa iba’t ibang asignatura at nasabi namang interaktibo dahil maraming mga gawaing
kinakailangan ng kolaborasyon at pangkatan. Sa pagtatapos mo ng asignaturang ito,
inaasahang matamo ang mga kailangang kaalaman at malinang ang mga pangunahing
makro-kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.

Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang video ng proyektong panturismo sa Mindanao.

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Sa pagtatapos ng kabuuang aralin, ang sumusunod na layunin ay inaasahang matamo:

Aralin Kompetensi Gawaing Pampagkatuto


Aralin 1: Kuwentong- 1. Nahihinuha ang Gawain 1.1: Kultura ng
Bayan kaugalian at kalagayang Mindanao
(UNANG LINGGO) panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng
Gawain 1.2: Mga Pahayag
kuwentong-bayan batay
Panitikan: Si Pilandok sa sa mga pangyayari at sa Pagbibigay ng Patunay
Pulo ng Pawikan usapan ng mga tauhan.
(MELC) Gawain 1.3 Pagsulat ng
Wika at Gramatika: Sanaysay
Mga Pahayag sa 2. Nagagamit nang wasto Gawain 1.4 Gintong
Pagbibigay ng Patunay ang mga pahayag sa Kaalaman
pagbibigay ng mga
patunay.(MELC)

F7PD-Ia-b-1
Nasusuri gamit ang graphic
organizer ang ugnayan ng
tradisyon at akdang
pampanitikan sa
pamamagitan ng pagtukoy
sa paraan ng pamumuhay,
tradisyon, paniniwala at
kaugalian batay sa

8
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

napanood na kuwentong-
bayan.

F7PU-Ia-b-1
Naisusulat ang mga
patunay na ang kuwentong-
bayan ay salamin ng
tradisyon o kaugalian ng
lugar na pinagmulan nito.
Aralin 2: Pabula 1. Nahihinuha ang Gawain 2.1 Posible Iyan!
(IKALAWANG LINGGO) kalalabasan ng mga Gawain 2.2 Aral at
pangyayari batay sa Kahihinatnan ng
akdang napakinggan.
Panitikan: Natalo Rin Si Pangyayari
(MELC)
Pilandok Gawain 2.3 Pagtupad sa
F7WG-I-cd-2 Pangakong Pagbabago
Wika at Gramatika: Nagagamit ang mga Gawain 2.4 Pagbabahagi
Mga Ekspresyong ekspresyong naghahayag
Naghahayag ng ng posibilidad (maaari,
Posibilidad baka, at iba pa)

F7PB-Ic-d-2
Natutukoy at
naipaliliwanag ang
mahahalagang kaisipan sa
binasang akda

Aralin 3: Epiko 1. Naisasalaysay nang Gawain 3.1 Sino ang Tunay


(IKATLONG LINGGO) maayos at wasto ang buod, na Pinuno?
pagkakasunod- sunod ng Gawain 3.2 Pagsasanay sa
mga pangyayari sa
Panitikan: Indarapatra at Pang-ugnay na Ginagamit
kuwento. (MELC)
Sulayman sa Sanhi at Bunga
Wika at Gramatika: 2. Naipaliliwanag ang sanhi Gawain 3.3 Graphic
Pang-ugnay na at bunga ng mga Organizer
Ginagamit sa Sanhi at pangyayari. (MELC) Gawain 3.4 Epiko: Isang
Bunga Pambihirang Kuwento
F7WG-Id-e-3
Nagagamit nang wasto ang
mga pang-ugnay na
ginagamit sa pagbibigay ng
sanhi at bunga ng mga
pangyayari (sapagkat,
dahil, kasi, at iba pa )
Aralin 4: Maikling 1. Naisasalaysay ang Gawain 4.1 Ano Kaya ang
Kuwento buod ng mga pangyayari Kahulugan?
(IKAAPAT NA LINGGO) sa kuwentong Gawain Maikling
4.2
napakinggan. (MELC)
Panitikan: Ang Kuwento ni Pagsusulit sa Retorikal na
Solampid 2. Nagagamit nang wasto Pang-ugnay
ang mga retorikal na Gawain 4.3 Pagbubuod ng
Wika at Gramatika: pang-ugnay na ginamit sa Kuwento

9
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Mga Retorikal na Pang- akda (kung, kapag, sakali, Gawain 4.4 Ang Wakas na
ugnay at iba pa). (MELC) Nais Ko

F7PB-If-g-4
Naiisa-isa ang mga
elemento ng maikling
kuwento sa pamamagitan
ng panonood ng Video

F7PT-Id-e-4
Naibibigay ang kahulugan
ng isang salita bata sa
kontekstuwal na pahiwatig
sa isang pangungusap
Aralin 5: Dula 1. Nasusuri ang pagka- Gawain 5.1 Pagsusuri sa
(IKALIMA AT IKAANIM makatotohanan ng mga Pagkamakatotohanan
NA LINGGO) pangyayari batay sa Gawain 5.2 Mga
sariling karanasan.
Pangungusap na Walang
(MELC)
Panitikan: Tungkol sa Tiyak na Paksa
Pamilya 2. Nagagamit ang mga Gawain 5.3 Pagbuo ng
Wika at Gramatika: pangungusap na walang Patalastas
Mga Pangungusap tiyak na paksa sa pagbuo Gawain 5.4 Ibahagi Mo
na Walang Paksa ng patalastas pahayag sa
pagbibigay ng mga
patunay. (MELC)

10
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

ARALIN 1

A. PAMAGAT NG ARALIN

Aralin 1: Kuwentong-Bayan
Panitikan: Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan
Wika at Gramatika: Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

B. PANIMULA

Ang bawat aralin ay may dalawang bahagi – 1.1 Panitikan, at 1.2 Wika at Gramatika. Sa
Aralin 1, malalaman mo ang kuwento ni Pilandok. Inaasahan sa araling ito na matukoy mo
ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat, katangian ng tauhan batay sa
kanilang usapan, pati na rin ang kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng mga
tauhan sa kuwento.

Matututuhan mo naman sa Gramatika ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-


patunay at magamit ito nang wasto sa pagpapatunay na ang kuwentong-bayan ay salamin
ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. Simulan na natin!

C. PAGPAPAUNLAD

Bilang panimula, gamitin mo ang oras na ito para matutuhan ang Kuwentong-bayan
upang maunawaan mo ang katangian nito na masasalamin din sa mapanonood mong
halimbawang kuwento nito sa ating aralin.

Panuto: Panoorin ang video o kaya ay basahin ang word file tungkol sa katangian ng
Kuwentong-bayan. Habang pinanonood mo ito, alamin ang kahulugan, katangian at uri nito.

VIDEO: Kahulugan ng Kuwentong-bayan


https://www.youtube.com/watch?v=1OeMPcyNqGs&t=216s

11
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Kahulugan ng Kuwentong-Bayan

Ayon sa Panitikang Pinoy, ito ay isang uri ng panitikan ng mga salaysay na mula sa mga
likhang-isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan tulad ng hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Ito ay kadalasang kaugnay sa isang tiyak
na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Ito ay katulad rin ng mga alamat at mga mito. Ang
mga akdang ito ay karaniwang may ibinibigay na mensahe at kaalaman katulad ng salawikain.

Apat na Katangian:

1. Tradisyong Oral – naisalin sa pamamagitan ng pasalitang pamamaraan.


2. Anyong Tuluyan – pangkaraniwang anyo ng pasulat o pasalitang wika. Ito ay
katulad lamang ng pang-araw-araw na komunikasyon.
3. Tungkol sa mga elemental na makikita o pinaniniwalaan sa bayang
pinagmulan – naglalaman ng mga tauhan na hindi pangkaraniwan tulad ng hayop
na nagsasalita, at iba pa.
4. Tradisyon, pagpapahalaga at paniniwala – naglalaman ng tradisyon, pagpapahalaga
at paniniwala ng isang tiyak na lugar.

Tatlong Uri:
1. Mito
- Ang mga tauhan ay kadalasang Diyos at Diyosa na nagtataglay ng mga hindi
pangkaraniwang kakayahan.
- Ang madalas na tema ay pakikipag-ugnayan sa mga tao.

2. Pabula
- Mga hayop na kumikilos at nagsasalitang parang tao ang mga kadalasang
tauhan sa mga pabula.
- Nagtataglay ng mga gintong aral ng buhay.

3. Alamat
- Pinagmulan ng bagay, lugar, pangalan, hayop at iba pa.

Ngayong alam mo na ang katangian ng Kuwentong-bayan at ang mga uri nito, handa ka nang
panoorin ang tampok nating kuwento! Ito ang "Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan".

Nakakita ka na ba ng pilandok? Alam mo ba ang katangian ng isang pilandok? Maraming


akda o kuwentong-bayan mula sa Mindanao ang may pangunahing tauhan na pilandok at isa
na nga rito ang panonoorin mong kuwento ngayon.

I-click ang Panoorin ang Kuwento o kaya ay basahin ang word file nito.

12
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

VIDEO LINK: Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan


https://www.youtube.com/watch?v=0DsdcMcKH38

SI PILANDOK SA PULO NG PAWIKAN

Ni: Victoria Añonuevo

Kalinangan 7 (Workteks sa Filipino para sa Hayskul) pah.3-5

Sawa na si Datu Usman sa lahat ng pagkain. Gusto niya ng naiibang pagkain para sa
pagdiriwang ng bagong buwan. “A, ang itlog ng pawikan,” nasambit niya at kumislap ang dalawang
matakaw na mata. “Gusto kong kumain ng itlog ng pawikan!”

Narinig ni Pilandok ang bagong pithaya ng sakim at makapangyarihang si Datu Usman.


“Kailangan kong iligtas ang mga itlog.” Tinawag niya ang kaibigang lumba-lumba at dali-daling
sumakay patungo sa malayong Pulo ng Pawikan.

Dalawang pangkat ng piling mandirigma ang sumakay sa dalawang paraw upang tupdin ang
utos ni Datu Usman. May dala silang tigsampung malalaking sisidlan na paglalagyan ng mga itlog
ng pawikan. Nangako silang mag-uuwi ng 2,000 itlog.

Pagdating sa Pulo ng Pawikan, nag-ipon si Pilandok ng mga batong hugis itlog at inilagay
sa isang kubling pook. Pagkatapos, hinakot niya ang lahat ng itlog na matagpuan niya at itinago ang
mga ito sa magubat na bahagi ng isla. Kahit pagod na pagod na, ayaw niyang magpahinga sapagkat
alam niyang darating anumang oras ang mga mandirigma ni Datu Usman.

At lumitaw nga kinaumagahan ang mga paraw. Ngunit bigla ring dumagsa sa paligid ng
pampang ang malalaki’t daan-daang lumba-lumba. Hinarang nila ang mga paraw ni Datu Usman.
Ayaw nilang padaungin ang mga mandirigma.

Ngunit salbahe ang mga kawal ni Datu Usman. Sinibat nila at pinana ang mga lumba-lumba.
Maraming nasugatan nang malubha at napilitang umatras ang mga bayaning isda. Lungkot na
lungkot si Pilanok sa naging madugong pagtatanggol sa pulo ng kaniyang mga kaibigang lumba-
lumba.

Nakadaong ang mga kawal ni Datu Usman. Napagod din sila at namamahinga nang lumitaw
ang nakabalatkayong si Pilandok. “Makinig kayo, mga dayuhan!” sigaw ni Pilandok. “Magiging bato
ang itlog kapag walang pahintulot. Uulitin ko: magiging bato ang itlog, kapag walang pahintulot.
Magiging bato ang itlog…”

Nagtawanan ang mga kawal ni Datu Usman. “Sino ang matandang iyon?”

“Baka baliw! Dahil sa itlog!” At nagsimula silang galugarin ang dalampasigan.

Tuwang-tuwa sila nang makatuklas ng unang pugad ng pawikan sa buhanginan. Maingat


nilang inilagay ang mga itlog sa sisidlan.

Nang lumaon, naghiwa-hiwalay sila sa paghahanap dahil wala silang makitang ibang pugad.
(Salamat sa mga naitago ni Pilandok!) Nag-iwan lamang ng mga bantay sa mga sisidlan at lumakad
nang malayo ang mga tagahanap.

Anupa’t pagod na pagod ang mga kawal at inabot sila ng dilim bago napuno ang sisidlan.
Naisip nilang magdiwang at uminom ng alak, bago matulog para sap ag-uwi kinabukasan. Nasa gitna
sila ng pagdiriwang nang lumitaw si Pilandok. “Makinig kayo mga dayuhan!” sigaw ni Pilandok.

13
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

“Matutong magbilang! May bantay-salakay!”

Nang buksan nila ang mga sisidlan, kulang ang laman. May nawawalang mga itlog. Biglang
may sumuntok sa isa sa mga bantay. Isa pa sa bantay ang tinaga. Nagkagulo.

Hinakot ni Pilandok ang mga sisidlan at pinalitan ng bato ang mga itlog. Matagal ang
bakbakan at nahinto lamang nang marami na sa kawal ang nasugatan.

Kinaumagahan, matamlay na ikinarga ng mga kawal ang mga sisidlan. Ngunti tulad ng dapat
asahan, puro bato ang nalantad na laman nito. Bakit naging bato ang mga itlog ng pawikan? Kahit
bantaan ng kamatayan, ayaw nang bumalik sa pulo ng mga mandirigma. Walang maihahandang
itlog ng pawikan si Datu Usman kahit sa iba pang bagong buwan.

Samantala, ibinalik ni Pilandok ang mga itlog sa mga pugad sa buhanginan. Binantayan niya
ang Pulo ng Pawikan. Baka bumalik, nasa isip niya, ang mga kawal. Kailangang bantayan niya
hanggang mapisa ang mga itlog … at ligtas na gumapang ang mga munting pawikan, daan-daan
mula sa bawat pugad, at tila tinatawag ng kanilang ina patungo sa dagat.

Matapos mong panoorin ang kuwento, pag-aralan mo naman ang "Mga Pahayag na
Ginagamit sa Pagbibigay-patunay".

Ang mga salita o pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ay nakatutulong upang maging


kapani-paniwala at katanggap-tanggap ang impormasyong inilalahad mo. Ito ay maaring
dugtungan o dagdagan ng mga datos o pisikal na ebidensya tulad ng larawan, babasahin,
video, panayam, mga dokumento at marami pang iba na lalong magpapatibay sa katotohanan
o impormasyong iyong pinatutunayan.

Pag-aralang mabuti ang mga salita o pahayag na ginagamit sa pagpapatunay sa isang video.

VIDEO: Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagpapatunay


https://www.youtube.com/watch?v=Qt2w-ca8nAo&feature=youtu.be

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY

1. May Dokumentaryong Ebidensiya


ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan o video.
Halimbawa: Pinatunayan ng “I-Witness” na sadyang maraming kabataan ang
nagsusumikap sa buhay makatapos lamang ng pag-aaral.
“I-Witness” = ang tinutukoy na dokumentaryong ebidensya
pinatunayan = ginamit sa pagpapatunay
maraming kabataan ang nagsusumikap sa buhay makatapos lamang ng pag-
aaral. = ang pinatunayan sa pahayag

2. Kapani-paniwala
sa paggamit ng salitang ito, ipinapakita na ang ebidensiya, patunay o datos ay
makatotohanan at maaaring makapagpatunay.

14
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Halimbawa: Ayon sa mga nakalap na larawan, kapani-paniwala nga ang


matinding problema ng Mindanao na makaapekto sa ekonomiya nito.
“nakalap na larawan” = naging batayan upang sabihing “kapani-paniwala”
ang pinatutunayan.
“kapani-paniwala” = ginamit na salita upang pag-ugnayin ang patunay at
pinatutunayan.
“problema sa Mindanao” = ang pinatutunayan sa pahayag

3. Taglay ang Matibay na Kongklusyon


ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyong totoo.

Halimbawa: Taglay ang matibay na kongklusyon, hinatulan ng Korte Suprema ang


mga senador hinggil sa Pork Barrel Scam.

Sa pahayag na ito, mapapansing hindi na binanggit ang mga ebidensyang


ginamit sa pagpapatunay, kinakatawan na lamang ito ng pahayag sa
pagpapatunay na “matibay na kongklusyon”.
Ibig sabihin nito, may mga pinag-aralan at inilahad nang ebidensya at
isinagawang imbestigasyon ang Korte Suprema sa pagdinig ng kaso na
naghatid ng “matibay na kongklusyon” dito.
Ang “Pork Barrel Scam” naman ang pinatunayang kinasangkutan ng mga
hinatulang senador.
4. Nagpapahiwatig
Ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang
ebidensiya ngunit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.

Halimbawa: Ang pagtulong ng DIHS sa mga nasalanta ng bagyo ay


nagpapahiwatig ng pagiging mabuti nito.
“pagtulong ng DIHS sa mga nasalanta ng bagyo” = patunay sa “pagiging
mabuti”
“nagpapahiwatig” = nag-ugnay sa patunay at pinatutunayan
“pagiging mabuti nito” = pinatutunayan sa pahayag

5. Nagpapakita

salitang nagsasabi na ang isang kilos o pangyayari (na nakita o nasaksihan) ay patunay
sa isang katotohanan.
Tingnan ang halimbawang pangungusap:

Halimbawa: Ang tulong mula sa iba’t ibang bansa na umabot sa mahigit 14


bilyong piso ang nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng tao anoman ang
kulay ng balat at lahi mo.

15
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Ang pangyayari na “tulong mula sa iba’t ibang bansa” na higit pang


pinatibay ng halagang “14 bilyong piso” ay patunay ng “likas na kabutihang loob”
ng tao.
Pinag-ugnay ang patunay at pinatutunayan gamit ang salitang “nagpapakita”

6. Nagpapatunay/Katunayan/Patunay

Ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa


ipinahahayag.

Halimbawa: Ang Pilipinas ay nakapaloob sa tinatawag na PacificTyphoon Belt


na nangangahulugang dinaraanan ito taon-taon ng maraming bagyo. Katunayan,
sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippine Area of Responsibility.

Ang pahayag na nakasalungguhit ay pinatutunayan gamit ang datos o tala na


“sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippine Area of Responsibility”
“katunayan” = ginamit na pang-ugnay sa pagpapatunay ng impormasyon.

7. Pinatutunayan ng mga Detalye

Makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag. Mahalagang


masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.

Halimbawa: Pinatutunayan lamang ng mga nabanggit na detalye na ang DIHS


ay isang tunay na mabuting paaralan.

Hindi na rin tinukoy kung ano ang “binanggit na detalye” ngunit nagsisilbi
itong patunay sa isang katotohanan.
Pinatutunayan = ginamit na pang-ugnay sa patunay
ang DIHS ay isang tunay na mabuting paaralan = ang pinatunayan sa
pahayag gamit ang binanggit na detalye

Pagkatapos mong mapanood ang halimbawang kuwentong-bayan at matutuhan ang mga


pahayag na ginagamit sa pagbibigay-patunay, tukuyin mo ang katangian ng mga tauhan gamit
ang mga salitaan, damdamin at kilos mula sa kuwento at gamitin ang mga batayang ito at
mga pahayag na nagbibigay-patunay sa pagtukoy sa kulturang nakapaloob sa akdang “Si
Pilandok sa Pulo ng Pawikan”. I-click mo ang GAWAIN 1.1: Kultura ng Mindanao

PANUTO:

➔ Ilarawan ang mga tauhan gamit ang character sketch. Gawin mong batayan ang mga
salitaan, damdamin at kilos ng mga tauhang natutuhan mo sa akdang “Si Pilandok sa
Pulo ng Pawikan”. Pagkatapos, pagbabatayan mo ito sa pagtukoy sa Kultura ng Mindanao

16
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

sa pamamagitan ng pagtukoy sa paraan ng pamumuhay, kaugalian, paniniwala at tradisyon


sa Mindanao na sinalamin sa pabula.

➔ Itala mo ang kasagutan sa loob ng talahanayan.

PAALALA:

1. I-download ang template at doon sagutan ang bahaging ito.


2. Kapag na-download mo na, i-rename mo ang na-download mo sa file
name bilang KulturaNgMindanao_Apelyido
3. Muli, hintayin at sundin ang ibibigay na panuto ng iyong guro kung saan ipapasa ang
awtput mo.

GAWAIN 1.1 Kultura ng Mindanao

I. PANUTO: Magbigay ng paglalarawan ng mga tauhan ng kuwentong “Si Pilandok sa Pulo


ng Pawikan”. Tatlong paglalarawan ang ibibigay kada tauhan - una, batay sa sinabi; ikalawa,
batay sa naramdaman; at ikatlo, batay sa ikinilos nito.

TANDAAN: Gamitin mo ang kopya (Word File) ng kuwento upang matukoy mo ang mga
sinabi, naramdaman at ikinilos ng tauhan na nagpapahiwatig ng kanilang katangian na iyong
ilalarawan.

Halimbawa: Kumislap ang dalawang matakaw na mata - (Siya ay matakaw.)

Pilandok
Batay sa naramdaman:

Batay sa ikinilos:

Batay sa sinabi:

Datu Usman
Batay sa naramdaman:

17
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Batay sa ikinilos:

Batay sa sinabi:

II. PANUTO: Pagkatapos mong sagutan ilarawan ang mga tauhan, gawin mong batayan
ang mga salitaan, damdamin at kilos ng mga tauhan na ginamit mo upang maipakita ang
kulturang nakapaloob sa akdang “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan”. Itala mo ang kasagutan
sa loob ng talahanayan sa pamamagitan ng pagdurugtong sa pahayag ng pagpapatunay:

Paraan ng
pamumuhay Paniniwala Tradisyon Kaugalian
Ang kilos ng tauhang Ang mga salitang Patunay ang Pinatutunayan ng
si Datu Usman ay nabanggit sa kuwentong- isinaad o sinabi mga detalye mula sa
nagpapakita ng bayan ay ng tauhan sa kuwento ang
paraan ng nagpapahiwatig ng tradisyon na: kaugaliang:
pamumuhay na: paniniwala na:

GAWAIN 1.2 Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay

PANUTO: Gamitin nang wasto ang pahayag na nagpapatunay sa bawat pangungusap. Piliin
ang wastong sagot sa loob ng panaklong. 4-5 ang pasadong marka sa pagsasanay na ito.

1). Ang pangalang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang


"lawa". Matatagpuan kasi rito ang Lawa ng Lanao na pinakamalaking lawa sa Mindanao at
pangalawang pinakamalaki sa buong Pilipinas, sunod sa Lawa ng Laguna.

18
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Ang lawa ay mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito na


______________ (pinatutunayan, ipinahihiwatig) ng pagtawag sa mga Meranong
naninirahan dito bilang “mga tao sa lawa”.

2). Labis na abala ang mga tao sa dami ng mga bangkang nagyayao't dito sa
pagdadala ng mga paninda. Ito rin ang isa sa mga pangunahing paraan ng transportasyon
sa mga bayan ng Lanao del Sur. Ang mga gawaing ito ay __________________
(nagpapatunay, nagpapakita) na ang buhay ng mga tao ay nakasentro sa lawa ng Lanao.

3). Ang mga kagamitang pangseremonya nila ay may mga ukit na okir kung saan
pinakakilala ang sarimanok at makukulay na nagas o nakaukit na hugis ahas na madalas
makita sa hawakan o puluhan ng kanilang mga kampilan. Sa mga detalyeng ito,
_________________ (kitang-kita, kapani-paniwala) ang pagiging malikhain ng mga
Merano.

4). Batay sa mga araw-araw na ulat-panahon, hindi masyadong mainit ang klima sa
Lanao at llihis din sila sa daanan ng bagyo. Ang mga nabanggit na kadahilanang ito ng
pagkakaroon ng magandang panahon ay ________________ (nagpapahiwatig,
nagpapakita) na mapalad ang mga Merano.
5). Karagdagang _______________ (katunayan, kapani-paniwala) pa rito ang hindi
gaanong pananalanta ng mga bagyong dumaraan sa ating bansa.

D. PAGPAPALIHAN

Para sa bahaging ito ng aralin, sumulat ka ng sanaysay na nagpapatunay na ang kuwentong-


bayan ay salamin ng lugar na pinagmulan nito. Gamitin mo bilang tiyak na halimbawa ang
kuwentong-bayang natunghayan mo sa araling ito, lalong higit ang nakaraang gawain tungkol
sa tauhan at kultura. Basahin mo rin ang tiyak na panuto at rubrik na maaaring i-
download upang mapag-aralan mo offline ang gawain. I-click mo ang GAWAIN 3: Pagsulat
ng Sanaysay (Performance Task)

Mahalagang magamit mo sa iyong sanaysay ang mga pahayag sa pagpapatunay na


natutuhan mo. Basahing mabuti ang panuto at pamantayan sa pagmamarka upang maging
gabay mo sa pagsulat.

I-DOWNLOAD MO ANG PDF FILE/WORD FILE NG PANUTO AT RUBRIK SA


PAGMAMARKA:

WORD FILE: Panuto at Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay.word


PDF FILE: Panuto at Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay.pdf

PAGSULAT NG SANAYSAY (PERFORMANCE TASK)

19
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

PANUTO: Patunayan mo ang pahayag sa ibaba.

“Ang kuwentong-bayan ay salamin ng lugar na pinagmulan nito.”

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG SANAYSAY:

• Gawin/Isulat mo ang sanaysay sa MS WORD.


▪ 1 pulgada (inch) ang margin sa lahat ng gilid.
▪ Arial ang font style.
▪ 12 ang font size.
• Nakapuwesto sa itaas na bahagi, bandang kaliwa (left align), ang iyong buong
pangalan. Sa ibaba naman nito ang antas at pangkat na kinabibilangan mo. (hal. 7-Narra)
• Isunod mo naman ang pamagat ng sanaysay (nakagitna o center) na:

"Ang Kuwentong-bayan ay Salamin ng Lugar na Pinagmulan Nito.”

• Sa pagsagot, kailangang binubuo ng 40-50 salita at gumamit ng tatlong pahayag sa


pagpapatunay (Kinakailangan guhitan ang mga nagamit na ] pahayag sa pagpapatunay).

• Gamitin ding gabay sa pagsagot ang rubrik o pamantayan para sa tiyak na nilalaman ng
iyong sanaysay:

• Kapag natapos mo na ang sanaysay, i-rename (palitan ang pangalan) mo ang file name
na Apelyido-Sanaysay-KuwentongBayan

RUBRIK SA PAGMAMARKA:

Pamantaya Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangaila


n Mahusay ngan pa ng
4 3 pagsasanay
2
1

Nilalaman Nagbigay ng Nagbigay ng Nagbigay Walang


apat hangg dalawa hangg ng isang makikitang
(40%) ang ang kaugnayan kaugnayan
limang tatlong ng kultura ang kultura
kaugnayan kaugnayan ng at tradisyon at
ng kultura at kultura at ng lugar tradisyon ng
tradisyon ng tradisyon ng sa lugar sa
lugar sa lugar kwentong kwentong-bayan
kwentong- sa kwentong- bayan
bayan bayan

20
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Pagpapa Nakagamit Nakagamit Nakagamit Hindi


hay ag ng tatlong ng ng isang nakagamit ng
sa pahayag sa dalawang pahayag pahayag
Pagpapat pagpapatunay pahayag sa pagpapa sa pagpapatu
una y sa tuna y nay
(30%) pagpapatunay

Wastong Walang mali sa May isa- May tatlo – Higit sa apat


paggamit ng dalawang mali apat na ang naging
gamit mga salita sa paggamit mali sa pagkakamali
ng ng mga salita paggamit n sa paggamit
gramatika g mga salita ng
mga salita
(30%)

"Ang Kuwentong-bayan ay Salamin ng Lugar na Pinagmulan Nito.”

E. PAGLALAPAT

Sa puntong ito, tiyak kong marami kang natutuhan sa akdang “Si Pilandok sa Pulo ng
Pawikan” bilang isang halimbawa ng kuwentong-bayan sa Mindanao at Pahayag sa
Pagbibigay-patunay. Kaya naman nais kong ibahagi mo ang pinakanatatangi mong natutuhan
mula sa aralin. I-click mo ang GAWAIN 4: Gintong Kaalaman

21
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

GAWAIN 1.4 Gintong Kaalaman

PANUTO: Isulat mo sa bahaging ito ang iyong natutuhan mula sa aralin. Piliin mo lamang ang
pinakanatatangi mong natutuhan mula rito na sa tingin mo ay magagamit mo sa iyong
pamumuhay. Maaaring aral ito mula sa kuwento, isang detalye tungkol sa kuwentong-bayan
o kahalagahan ng paggamit ng pahayag na nagbibigay-patunay. Isang pangungusap lamang
ang hinihingi bilang kasagutan mo.

Ano ang iyong pinakanatatanging natutuhan sa Aralin 1 ngayong Unang Markahan?

Halimbawa 1: Pinakanatatangi kong natutuhan sa aralin ang tumulong sa


nangangailangan tulad ng ginawa ni Pilandok.

Halimbawa 2. Pinakanatatangi kong natutuhan sa aralin ang magtipid sa pagkain taliwas


sa ginagawa ni Datu Usman.

Halimbawa 3: Pinakanatatangi kong natutuhan sa aralin na ang paggamit ng pahayag na


nagpapatunay ay makatutulong upang....

F. KARAGDAGANG KAGAMITAN

- Mga video presentation

- Mga Word file

- Mga Powerpoint

G. SANGGUNIAN

Mga Aklat

1. Obrero, Rotia, et. al. (2013). Tudla 7 (Binagong Edisyon). Quezon City, Philipiines: Sta.
Teresa Publication, Inc.

2. Reyes, Alvin, Setubal, Jessie (2016). Diwa ng Wika at Panitikan. Makati City, Philippines:
Diwa Learning Systems, Inc.

3. Alcantara, Tolosa, Jocson. (2016). Hiyas ng Lahi: Panitikan, Gramatika at Retorika.


Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Mga Larawan

4. Sultan (Larawang Online). Kinuha noong Mayo 5, 2020, Mula sa


(https://www.dreamstime.com/illustration/sultan-clothes.html)

5. Ako si Pilandok (Larawang Online). Kinuha noong Mayo 5, 2020, Mula sa


(https://www.jacketflap.com/profile.asp?member=pilandok)

22
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Mga Video

6. Sir Juan Malaya. “Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay” Abril 28, 2020. Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=Qt2w-ca8nAo&feature=youtu.be

7. Sir Juan Malaya. “Kahulugan ng Kwentong Bayan” Abril 23, 2020. Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=qQVBk8CK5hA&feature=youtu.be

8. Sir Juan Malaya. “Si Pilandok sa Pulo ng Pawikan” Mayo 6, 2020. Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=0DsdcMcKH38&feature=youtu.be

9. Axel Noble. “It’s More Fun In Mindanao”. Agosto 22, 2012. Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=qrFm_uigD_

23
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

ARALIN 2

A. PAMAGAT NG ARALIN

Aralin 2: Pabula
Panitikan: Natalo Rin Si Pilandok
Wika at Gramatika: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Posibilidad

B. PANIMULA

Sa unang aralin, nakilala mo si Pilandok at ang kanyang pakikipagsapalaran sa pulo ng


Pawikan. Kilalang tauhan si Pilandok sa iba’t ibang panitikan ng Mindanao tulad ng isang
pabulang mababasa mo rito sa Aralin 2. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
makapaghihinuha ka sa kalalabasan ng pangyayari batay sa akdang iyong napakinggan o
napanood. Bilang paghahanda sa pagkamit ng kompetensi, inaasahan ring matutukoy mo at
maipaliliwanag ang mga mahahalagang kaisipan sa akda at maipapahayag mo ng pasulat
ang damdamin at magagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari,
baka, at iba pa) sa paghihinuha ng pangyayari.

Gaya ng nabanggit, nalaman mo na ang naging karanasan ni Pilandok sa Pulo ng Pawikan


kung saan ginamit niya ang kanyang pagiging wais upang maisalba ang mga itlog ng pawikan.
Naaalala mo pa ba ang kanyang ginawa? Tama! Nagbigay siya ng babala na magiging bato
ang mga itlog kung may kukuha rito ng walang pahintulot. Ano kaya sa tingin mo ang
mangyayari kung nalaman ng mga alagad ni Datu Usman na nilinlang lamang sila ni Pilandok?
Sige nga, ibahagi mo ang iyong ideya. I-click ang Posible Iyan!

GAWAIN 2.1 Posible Iyan!

Panuto: Ibahagi mo ang ideya sa posibleng mangyari kung nalaman ng mga alagad ni Datu
Usman na nilinlang lamang sila ni Pilandok tungkol sa pagiging bato ng mga itlo. Isulat mo
ang iyong ideya sa nakalaang espasyo.

Tanong: Ano ang posibleng mangyari kung malalaman ng mga alagad ni Datu Usman na
nilinlang lamang sila ni Pilandok na nagiging bato ang mga itlog kapag kinuha ng walang
pahintulot? Sagutin ito sa isang pangungusap lamang sa pamamagitan ng pagdurugtong
sa template ng sagot:

Dugtungan ang pahayag na:

Kapag malalaman ng mga alagad ni Datu Usman na nilinlang lamang sila ni Pilandok na
nagiging bato ang mga itlog kapag kinuha ng walang pahintulot, posibleng....

Sagot:

24
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

B. PAGPAPAUNLAD

Ang unang gawain sa araling ito ay nagpapakita ng paraan ng pagbibigay posibilidad. Ibibigay
rin sa iyo sa araling ito ang sipi ng mga salitang maaaring gamitin sa pagbibigay ng posibilidad
bilang bahagi ng pagkamit mo sa MELC dito sa Araling 2. Upang simulan ang pagkatuto at
matunghayan ang mga pangyayari sa ating pabula, tara na, i-click ang Alamin Mo ang
Kuwento.

VIDEO LINK: NATALO RIN SI PILANDOK

https://youtu.be/AaM5guati-g

➔ Kilalanin mong mabuti kung paano binigyang-katauhan si Pilandok sa pabulang “Natalo


Rin Si Pilandok” at alamin ang mga pangyayaring kanyang kinasangkutan.

➔ Kailangan mong bigyang-pansin ang bawat detalye o pangyayari sa kuwento na


makatutulong sa pagsagot mo sa susunod na gawain.

Basahin mo rin ang kuwento rito:

Natalo Rin Si Pilandok (Pabula)

Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na


panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi
siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito, bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang
panloloko o panlilinlang kaya siya naman ang natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa
kanya. Isa kaya itong malaki at makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya
niya natalo ang Pilandok? Halina’t iyong alamin.

Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na
magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang
malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na
puno at naghihintay ng anumang darating na maaaring makain. Nang makita niya ang
pilandok ay agad na nagningning ang kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at
humarang sa daraanan ng pilandok. “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom
na gutom na ako sa maghapong hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw
ngayon ang aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-
kita ng pilandok ang matutulis na ngipin at pangil na baboy-ramo.

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak
na magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata.
“Kawawa ka naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na
tila awang-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain
pero alam mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.”
Ang dugtong pa nito.

25
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng
baboy-ramo.
“Ha! Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis na nag-
iisip. “Tao, tao ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa paghahanap
ng isang taong tiyak na makabubusog sa iyo”. ang paniniyak nito.
“Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo.
“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot naman ng pilandok.
“Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at pinalalaki
ang kanyang dibdib.
“Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong
tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng
pilandok sa baboy-ramo.
Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa
kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at nang ako’y
makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang
magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok.
“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa
ng pilandok sa baboy-ramo.
Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon.
Nakarinig sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang
isang batang lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon. “Iyan, iyan na ba
ang tao? Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo.
“Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masisiyahan
diyan,” ang sagot ng pilandok.
“Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang
tanong ng baboy-ramo.
“Doon, sa gawing hilaga,” ang sagot ng pilandok.
Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking nagtatanim.
Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston.
“Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi
ako matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo.
“Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog diyan. Tira-tirahan na
lang iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang muling
sabi ng pilandok.
Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom
na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang kakainin ko!” ang gigil
na sabi nito sa pilandok.

26
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

“Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,”
ang sabi ng pilandok sabay turo sa isang matikas at matangkad na mangangasong
naglalakad sa gilid ng gubat.
“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang
kumain ng isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,” ang
nakangising sabi ng pilandok.
“Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod
sa nabiglang mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis
pa rin itong nakabangon at napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-ramo.
Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng matinding
uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-
inom. Tahimik na umiinom ang pilandok nang bigla niyang maramdamang may
sumunggab sa kanyang isang paa. Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang
makailang beses na niyang nalinlang. Alam niyang galit sa kanya ang buwaya pero galit
din siya rito dahil sa lagi siyang pinipigilang umiinom sa batis.
Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang matalinong
pilandok. “Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang
pagkakaiba ng patpat sa paa ng isang usa,” ang tila nang-uuyam na sabi ng pilandok.
Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok kaya
ngayon ay natuto na siya. Baka isa na namang patibong ito ng pilandok.
Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang kagat-
kagat mo. Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa isang binti. Biglang
binitawan ng buwaya ang kagat-kagat na paa ng pilandok. Akmang susunggaban na sana
nito ang isang paang itinaas ng pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-
sisi ang buwaya, naisahan na naman siya ng matalinong pilandok
Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit
ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Hinamon niya
ang suso sa isang karera at anong laking gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi
pa itong kayang-kaya niyang talunin ang pilandok.
Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang kanyang
pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang araw na siya naman
ang maaring pagdiskitahan ng pilandok. Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid.
Magkakamukha sila at aakalain mong iisang suso lang sila dahil sa kanilang parehong-
parehong itsura.
Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang
pilandok. Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban
ay anong laking gulat niya nang magsalita ang suso. “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?”
ang tanong nito. Gulat na gulat sa kung paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya
kaya’t mabilis na tumakbo uli ang pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera
nang halos lumawit ang dila sa pagod. Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na
ipinagbubunyi na ng ibang mga hayop bilang nagwagi.

27
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Hindi makapaniwala ang pilandok na natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang mabangis
na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin
niya ang isang matalinong sultan subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng isang
munting suso. Kinamayan niya ang suso at buong pagpapakumbaba niyang sinabi,”Suso,
kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo ako.

Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang
ginagawa kong panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop sa nakarinig kay
Pilandok.

Dagdag-Kaalaman 1: Ano ang Pabula?


https://www.youtube.com/watch?v=zCmyE6Zca8Q&t=163s

Dagdag-Kaalaman 2: Ano ang Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad?


https://www.youtube.com/watch?v=zFwVB7ad2ro

Kumusta ang iyong panonood/pagbabasa sa pabula? Natandaan mo ba ang mga


pangyayari? Para matiyak kung naunawaan mo ang mga pangyayari, punuan mo ng
hinihinging detalye ang SmartChart sa ibaba. Bigyang-tuon sa iyong gawain ang paggamit ng
ekspresyong naghahayag ng posibilidad sa pagtukoy ng maaari o posibleng kahinatnan ng
isang pangyayari. I-click mo ang GAWAIN 2.2: Aral at Kahihinatnan ng Pangyayari.

GAWAIN 2.2 Aral at Kahihinatnan ng Pangyayari

Para matiyak kung naunawaan mo ang mga pangyayari, punuan mo ng hinihinging detalye
ang SmartChart sa ibaba.

PANUTO:

• Matapos mong panoorin at basahin ang pabula, ilahad mo ang mga kasagutan sa
naunang ibinigay na apat na katanungan gamit ang SmartChart:

• I-download mo ang word template ng SmartChart at isumite ito sa submission bin.


Pangalanan mo ang file bilang Apelyido-SmartChart-Pabula.

• Sa unang hanay, ibigay ang pangyayaring tumatak sa isipan mo mula sa akda.

• Sa ikalawang hanay na humihingi ng posibilidad, dugtungan ang salitang nagpapakita


ng posibilidad o kahihinatnan ng pangyayaring inilahad mo sa unang hanay.

• Gamitin mong gabay ang halimbawang pangyayari mula sa nakaraang aralin para
masagutan mo nang maayos ang tsart.

28
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Halimbawa:

Pangyayari 1 Posibleng Kahinatnan ng Pangyayari

Nilinlang ni Pilandok ang mga


Posibleng malaman ng mga alagad na niloko lamang sila ni
alagad para mailigtas ang
Pilandok at balikan nila ito.
mga itlog ng pawikan.

SmartChart:

Pangyayari 1 Posibleng Kahinatnan ng Pangyayari

Maaaring...

Pangyayari 2 Posibleng Kahinatnan ng Pangyayari

Malamang..

Aral na Natutuhan Mula sa Pabula

C. PAGPAPALIHAN

Ang pabulang inyong nabasa sa araling ito ay nagtatampok sa isang pilandok. Sa mga pabula,
ang mga tauhang tulad ng pilandok ay hindi lamang gumaganap bilang isang simple at
pangkaraniwang hayop kundi isang hayop na nakapagsasalita, may damdamin, at sa sariling
paraan ay nagpapakita ng pagpapahalagang tulad sa isang tao. Kung ikaw ang tatanungin,
ano ang masasabi mo tungkol sa kahalagahan ng pagbabago lalo na kung ito ay ipinangako
mo sa ibang tao? Hinihiling na ilahad mo ang iyong ideya sa kahihinatnan ng pagtupad o di
pagtupad sa pangako gamit ang islogan.

Panoorin mo rito ang maikling video kung paano sumulat o bumuo ng isang islogan bago ka
bumuo ng sarili mong awtput.

VIDEO LINK: PAANO BUMUO NG ISLOGAN?


https://www.youtube.com/watch?v=yIXOrlU9Dyg&feature=youtu.be&fbclid=IwAR1sbU
P2yoayaWADBt-7cyht0qT6Ai6tIqC27v3qwKwh3lJtp7amwb4Kq8c

Matapos mong malaman kung paaano gumawa at sumulat ng islogan, handa ka na upang
lumikha. I-click mo ang GAWAIN 5: Islogan: Pagtupad sa Pangako (Performance Task)

29
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

GAWAIN 2.3 Pagtupad sa Pangakong Pagbabago

Sa gawaing ito, hinihiling na bumuo ka ng isang islogan kung saan ilalahad mo ang
kahihinatnan ng pangyayari tungkol sa Pagtupad sa Pangakong Positibong Pagbabago.

▪ Basahin mo ang tuntunin at rubrik na makikita sa ibaba para sa gagawin mong


Islogan.

▪ Naroon na rin ang sunod-sunod na hakbang sa pagpapasa.

▪ Maaari mo rin itong i-download bilang PDF FILE upang mabasa mo ito offline.

▪ NARITO ANG PDF FILE: TUNTUNIN AT RUBRIK SA PAGBUO NG ISLOGAN

▪ Sundin ang ibibigay na panuto ng iyong guro tungkol sa pagpapasa ng iyong


natapos na Islogan.

30
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

31
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

E. PAGLALAPAT

Mahusay kang talaga! Narito ang huling gawain para sa aralin na ito. I-click mo ang GAWAIN
2.4 Pagbabahagi.

GAWAIN 2.4 Pagbabahagi

PANUTO: Ipahayag sa gawaing ito ang damdamin at saloobin mo tungkol sa mahalagang


kaisipan mula sa akda. Pumili ng isa sa dalawang mahalagang kaisipan sa ibaba at
pangatwiranan ito. Gumamit ng payak o simpleng pananalita na binubuo lamang ng isang
pangungusap:

1. Gaano kahalaga ang pagiging tapat sa laban? Pangatuwiranan.

2. Gaano kalahaga ang pagtanggap ng pagkatalo? Pangatuwiranan.

Sagot:

32
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

F. KARAGDAGANG KAGAMITAN

• Paggamit ng mga Youtube Video Presentation

• Paggamit ng mga Word File

• Paggamit ng HTML File

• DepEd MELCs para sa Taong Panuruan 2020-2021

G. SANGGUNIAN

Mga Aklat

1. Baisa-Julian, et. al. (2018) Pinagyamang Pluma 7: Wika at Panitikan sa Mataas

na Paaralan (Ikalawang Edisyon). Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing

House, Inc.

2. Marquez Jr., Servillano T. Ph.D. (2018) Pintig ng Lahing Pilipino 7 (Ikalawang

Edisyon). Quezon City, Philippines: Sibs Publishing House, Inc. pahina 36. Mga

Mga Video

3. Asignatura sa Filipino “Natalo Rin Si Pilandok” Enero 14, 2017. Hinango sa

http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2017/01/natalo-rin-si-pilandok-pabula.html

4. GMA Public Affairs “Kawawang Lola, Nabudol sa Sariling Bahay!” Setyembre 22, 2019.
Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=gzf3DcZwxQg

5. Jo Galvizo “Natalo Rin Si Pilandok” Setyembre 16, 2017. Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=z4mq0OH-2jA

6. Joson, Shaina “Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad” Agosto 19, 2019.


Hinango sa https://prezi.com/p43nplizvx33/mga-ekspresyong- nagpapahayag-ng-posibilidad/

7. Juan Malaya “Ano Ang Islogan” Abril 30, 2020 Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=yIXOrlU9Dyg&feature=youtu.be&fbclid=IwAR

1sbUP2yoayaWADBt-7cyht0qT6Ai6tIqC27v3qwKwh3lJtp7amwb4Kq8c

8. Juan Malaya : Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad” Abril 28, 2020. Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=zFwVB7ad2ro&feature=share&fbclid=IwAR2

mhIBmndcTOsZyZM9CFQ29Q5Kvr60zEGE7x1hrkosPVjL780v4-2TCdrg

9.Tolosa, Maria Mae “Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad” Hulyo 3, 2016.


Hinango sa https://prezi.com/fnxgdizuoqm5/mga-ekspresyong- nagpapahayag-ng-
posibilidad/

33
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

10.Wikakids Free Education for Every Juan “Ano ang Pabula” Taong 2020. Hinango

sa https://www.wikakids.com/filipino/ano-ang-pabula/

11. DepEd Curriculum Guide 2016

34
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

ARALIN 3

A. PAMAGAT NG ARALIN

Aralin 3: EPIKO
Panitikan: Indarapatra at Sulayman
Wika at Gramatika: Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

B. PANIMULA

Kumusta? Tiyak kong marami kang natutuhan sa nakaraang dalawang aralin. Nais ko pang
mapaunlad ang iyong pagkatuto kaya sa araw na ito, ating pag-aaralan ang isang akdang
Epiko na nagmula sa Mindanao, pati na rin ang mga pang-ugnay na ginagamit sa sanhi at
bunga. Inaasahan kong pagkatapos ng araling ito, maipaliliwanag mo na ang sanhi at bunga
ng mga pangyayari at makikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa kanilang tono at
paraan ng pananalita.

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang kakayahan at pagpapahalagang nakatutulong sa


kanyang lipunang kinabibilangan. Gamit ang mga kakayahang ito, ang bawat isa ay may kani-
kaniya ring tungkuling ginagampanan.

Ikaw rin, bilang mag-aaral, ay may tungkulin sa iyong pamilya at paaralan. Ang lahat ng
matututuhan mo sa panahon ng iyong pag-aaral ay makatutulong naman para mahanap at
mapaghusay mo ang iyong katangian. Balang-araw, maaaring ikaw ang manguna sa mga
kababayan mo sa inyong lugar. Gamitin mo ang pagkakataong ito para mapag-isipan kung
ano ba ang katangian ng isang tunay na pinuno sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain. I-
click mo ang GAWAIN 3.1 Sino ang Tunay na Pinuno?

GAWAIN 3.1 Sino Ang Tunay na Pinuno?

Sino nga ba ang tunay na pinuno? Nais kong magbigay ka ng iyongpalagay kung ano sa tingin
mo ang katangian ng isang tunay na pinuno.

PANUTO: Ibigay mo ang iyong palagay kung ano ang katangian ng isang tunay na pinuno.
Isang pangungusap lamang ang kailangan sa pagbabahagi.

Halimbawa: Para sa akin, ang isang tunay na pinuno ay inuuna ang kapakanan ng
nasasakupan kaysa sariling kaginhawaan.

SAGOT:

35
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

C. PAGPAPAUNLAD

Ngayong nakapagbigay ka na ng sarili mong repleksiyon sa katangian ng isang lider, oras na


para basahin o panoorin mo naman ang epikong pinamagatang “Indarapatra at Sulayman” na
nagmula sa Maguindanao.

Ang epiko ay isang mahabang salaysay na anyong patula at karaniwang inaawit (Pintig, 2018
d.51). Ito ay nagmula mula sa iba’t ibang pangkat-etniko, rehiyon, o lalawigan ng bansa. Ito
ay isang uri ng panitikang pasalindila (Pluma 7, 2018, d. 61). Ibig sabihin nito na naipamahagi
o naipasalin-salin ang akda sa pamamagitan ng pagkukuwento o pagsasalaysay lang.

Ang mga pangyayari sa epiko ay may halong kababalaghan at kabayanihan ng pangunahing


tauhan (Pintig, 2018, d.51). Sa araling ito, ang halimbawang epiko na iyong pag-aaralan ay
“Indarapatra at Sulayman”.

Sa kuwentong ito, makikita mo ang mga katangian ng mga tauhan bilang isang lider sa
pamamagitan ng kanilang mga kilos at pananalita.

Habang pinanonood mo ang epiko, mahalagang tandaan at unawain mo ang mga detalye ng
kuwento. Tara na at tunghayan ang magiting na kuwento ng epiko.

VIDEO LINK: ANO ANG EPIKO? https://www.youtube.com/watch?v=ws3Kt8GVYqY

VIDEO LINK: EPIKO: Indarapatra at Sulayman

https://www.youtube.com/watch?v=GjkmC1zmuC0&t=511s

INDARAPATRA AT SULAYMAN

(Epikong Mindanao)

Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong Mindanaw,

ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan

ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay

maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok

na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot.

Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop

pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.

36
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw

na may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan,

ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang,

at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.

Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad

ang Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,

ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas

sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.

Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao

ay pinapaglagim ng isa pang ibong may pitong ulo;

walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko

pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.

Ang kalagim -lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw

ay nagdulot ng lungkot sa maraming baya’t mga kaharian;

Si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal

ay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.

“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas

ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”

“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipad

at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.”

Binigyan ng singsing at isang espada ang kanyang kapatid

upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabit

sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit;

“ang halamang ito’y siyang magsasabi ng iyong nasapit.”

37
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian

nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan

ang maraming nayong wala kahit isang taong tumatahan;

“Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang sigaw.

Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok

at biglang lumbas itong si Kuritang sa puso’y may poot;

sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagot

ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot.

Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay

kaya’t sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;

sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal

na mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”

Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok,

at ilang saglit pa’y nagkakaharap na silang puso’y nagpupuyos.

Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinang-uulos;

ang kay Tarabusaw na sandata nama’y sangang panghambalos.

At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang

Ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.

“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman

At saka sinaksak ng kanyang sandata ang tusong halimaw.

Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang Bundok ng Bita;

siya’y nanlumo pagka’t ang tahanan sa tao’y ulila;

ilang sandal pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa

at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumating na.

38
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Siya’y lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon,

datapwat siya rin ang sinamang-palad na bagsakan niyon;

sa bigat ng pakpak, ang katawan niya sa lupa bumaon

kaya’t si Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong.

Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na Hari

pagka’t ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangalabi;

“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,

“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”

Nang siya’y dumating sa Bundok ng Bita ay kanyang kinuha

ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas

nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag

at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.

Kanyang ibinuhos ang tubig na iyon sa lugaming bangkay,

at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay,

sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan,

saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.

Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanap

ang ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at nagpapahirap;

dumating ang ibong kaylaki ng ulo at kukong matalas

subalit ang kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas

Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang,

“Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang,

kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”

at kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang.

39
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya

kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpa

na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhika

ang kanilang puso. “Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.

Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman;

at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan,

si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan,

at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.

PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA SANHI AT BUNGA

Sa bahaging ito, pag-aralan mo naman ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi at


bunga. Maaari mo ring panoorin ang video tungkol dito gamit ang link.

VIDEO LINK: MGA PANG-UGNAY NA GINAGAMIT SA SANHI AT BUNGA


https://www.youtube.com/watch?v=Wto0wyNZdoo

Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagpapahayag ng Sanhi at Bunga, Panghihikayat, at


Pagpapahayag ng Saloobin

Sa araw-araw nating pakikipag-usap, karaniwan na ang pangangailangang


maipahayag ang ating saloobin, makapanghikayat o kaya naman ay makapagpaliwanag sa
mga pangyayari sa ating paligid na personal nating nakita o natutuhan. Sa ganitong uri ng
pakikipag-usap nagiging mahalaga ang kaalaman sa wastong gamit ng mga pang-ugnay.

Sa paggamit ng mga pang-ugnay na ito, higit nating nabibigyang-diin ang layunin sa


pagpapahayag (Pinagyamang Pluma, 2016). Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga


A. Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan:
• sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, at, kasi/naging
B. Pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o sanhi:
• kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy

2. Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat


A. Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-ayon:
• totoo, oo, mabuti, sigurado

40
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

B. Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol:


• hindi, ngunit, subalit, datapwat, at bagaman

3. Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin


Ilan sa mga ito ay:
• sa palagay ko, hinuha ko, kapag, pag, kung gayon, sana at basta

Pag-aralan ang sumusunod na pahayag:

Halimbawa #1: Sanhi


Hindi siya kailanman natalo sa halalan dahil na rin sa pagbabagong nagawa niya
sa
A C B
Lungsod ng Davao.

Hinati ang pangungusap sa tatlong bahagi:


A. sanhi ng pangyayari
B. bunga ng pangyayari
C. pang-ugnay na nagdugtong sa dalawang pangyayari

Maaari rin namang ihayag ang pangungusap sa ganitong paraan:


Dahil na rin sa pagbabagong nagawa niya sa Lungsod ng Davao,
C A
hindi siya kailanman natalo sa halalan .
B
Pareho lamang ang nilalaman nito sa naunang halimbawang pangungusap, ngunit
pansining naunang binanggit ang paghahayag ng dahilan kaysa sa resulta. Sa ganitong
ayos ng pangungusap, makikitang nasa simulang bahagi ang pang-ugnay sa sanhi na
dahil.

Halimbawa #2: Bunga

Kilala siya sa pagbabagong nagawa niya sa Lungsod ng Davao na naging payapa


at maunlad. Kaya naman noong Mayo 9, 2016 ay nagwagi siya bilang ika-16 na
pangulo ng Pilipinas

Sa halimbawang ito naman, makikitang may dalawang pangungusap na ginamit sa


paghahayag ng sanhi at bunga.

Sanhi Kilala siya sa pagbabagong nagawa niya sa Lungsod ng Davao na naging


payapa at maunlad.
Bunga noong Mayo 9, 2016 ay nagwagi siya bilang ika-16 na pangulo ng
Pilipinas

41
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Pang- Kaya naman


ugnay

Maaari ring ganito ang gawing ayos ng pagpapahayag:

Halimbawa #2.1:
Kilala siya sa pagbabagong nagawa niya sa Lungsod ng Davao na naging payapa
at maunlad kaya naman noong Mayo 9, 2016 ay nagwagi siya bilang ika-16 na
pangulo ng Pilipinas

Halimbawa #2.2:
Kilala siya sa pagbabagong nagawa niya sa Lungsod ng Davao na naging payapa
at maunlad kaya naman nagwagi siya bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas noong
Mayo 9, 2016.

Tandaan:
• Maaaring magkapalit ang ayos o posisyon ng sanhi at bunga sa pangungusap kung
ang ginamit ay pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi.
• Kung ang ginamit naman ay pang-ugnay na nagpapakita ng bunga, huling
binabanggit sa pangungusap ang bunga o resulta ng pangyayari.
• Ang mga pang-ugnay naman na ginagamit (sanhi man o bunga) nananatili ang
posisyon, sa unahan ng pahayag na sanhi o bunga.

Sa bahaging ito, tiyakin mo ang iyong natutuhang kaalaman sa paggamit ng wastong pang-
ugnay na sanhi at bunga. Basahing mabuti ang panuto o direksyon sa pagsagot. I-click
ang GAWAIN 3.2: Pagsasanay sa Pang-ugnay na Ginagamit sa Sanhi at Bunga.

Punuan ng pang-ugnay na sanhi o bunga ang patlang upang mabuo ang


pangungusap.

1. Ang magkapatid ay minahal ng tao (kaya naman/palibhasa): matulungin


sila sa naaapi.

2. Napuksa ni Indarapatra ang huling halimaw (dahil


dito/sapagkat): nagbunyi ang mga tao.

3. Nagsitago ang mga tao sa kuweba (bunga nito/dahilan sa): biglang


pamemerwisyo ng halimaw

4. Mababagsik ang mga halimaw (kaya/kasi): naulila ang lugar sa tao.

5. Nasawi si Sulayman (dahil/tuloy): nabagsakan ng pakpak ng malaking

42
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

ibon.

D. PAGPAPALIHAN

Sa nabasa mong epiko sa araling ito, naitampok sa iyo ang katangian nina Indarapatra at
Sulayman bilang mga lider ng kanilang bayan. Masasabi nating hindi pangkaraniwan o
imposible sa totoong buhay ang pagkakaroon ng halimaw na nananalanta sa kabuhayan at
kumikitil sa buhay ng mga mamamayan, lalo na ang pambihirang kakayahan nilang dalawa
sa pagtatanggol sa mga mamamayan, ngunit marami ring mga suliraning kinakaharap ang
ating mga lider sa kanilang pamumuno. I-click ang GAWAIN 3.3: Graphic Organizer
(Performance Task).

TUNTUNIN:

1. Ibigay ang hinihinging impormasyon tungkol sa isang suliraning panlipunan ng bansa:


Katiwalian ng mga Pinuno sa Pamahalaan

2. Ibigay mo ang iyong saloobin sa suliraning ito gamit ang pang-ugnay na ginagamit sa
paghahayag ng saloobin tulad ng sa palagay ko, kapag, at iba pa.

3. Maglahad ng tatlong posibleng sanhi at bunga sa inilahad na suliranin. Siguraduhin ang


pagkakagamit ng tatlong pahayag sa paglalahad ng sanhi at bunga.

4. Ilalagay mo sa graphic organizer ang iyong awtput. Makikita mo ang format sa ibaba ng
tuntunin.

5. Pangalanan ang iyong file bilang Sanhi at Bunga-Indarapatra-Apelyido at isumite sa


Submission Bin.

6. Basahin ang rubrik sa ibaba upang malinaw sa iyo kung paano mamarkahan ang iyong
awtput.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan 5 4 3 1

Paghahayag Nakapagbahagi ng Nakapagbahagi Di gaanong Walang saloobing


ng saloobin napakalinaw na ng malinaw na malinaw ang ibinahagi.
(30%) saloobin tungkol sa saloobin tungkol saloobing
suliranin. sa suliranin ibinahagi.

Paglalahad Nakapaglahad ng Nakakapaglahad Nakapaglahad ng Isang sanhi o


ng Sanhi at Tatlong sanhi at ng dalawang isang sanhi at isang bunga
Bunga (30%) bunga sanhi at bunga bunga lamang ang
inilahad

43
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Paggamit ng Nagamit nang wasto Nagamit nang Nagamit nang May isang pang-
Pang-ugnay ang tatlong pang- wasto ang wasto ang isang ugnay subalit di
(30%) ugnay sa paglalahad dalawang pang- pang-ugnay sa wasto ang
ng sanhi at bunga ugnay sa paglalahad ng pagkakagamit sa
paglalahad ng sanhi at bunga paglalahad ng
sanhi at bunga sanhi at bunga.

Kawastuhan Tugma sa suliranin Tugma sa Tugma sa Hindi tugma ang


ng Nilalaman ang tatlong ibinigay na suliranin ang suliranin ang sanhi at bungang
(10%) sanhi at bunga dalawang ibinigay isang ibinigay na ibinigay.
na sanhi at bunga sanhi at bunga

GAWAIN 3.3 GRAPHIC ORGANIZER

E. PAGLALAPAT

BIlang panghuling gawain, hinihiling na magbahagi ka ng iyong saloobin tungkol sa aralin. I-


click ang GAWAIN 3.4: Epiko:Isang Pambihirang Kuwento.

Para sa iyo, ano ang pinakaastig na bahagi ng epikong iyong natunghayan? Ibahagi mo ito
rito sa isang talata na binubuo lamang ng tatlong (3) pangungusap. Ito ay magsisilbing
patunay na ang epiko ay isang pambihirang kuwento.

44
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

F. KARAGDAGANG KAGAMITAN

Paggamit ng mga Youtube Video Presentation

Paggamit ng mga Word File

Paggamit ng HTML File

DepEd MELCs para sa Taong Panuruan 20

G. SANGGUNIAN

Mga Babasahin

1. Asignatura sa Filipino “Indarpatra at Sulayman” Abril 13,


2016. http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/04/indarapatra-at-sulayman-
epiko.html
2. Maria Cristy Jaranilla “Indarapatra at Sulayman” Disyembre 2010. Hinango
sa https://mariacristyjaranilla.files.wordpress.com/2010/12/epiko-
indarapatra.pdft
3. PinoyCollection “Epiko: Kahulugan, Katangian at Halimbawa” Hinango
sa https://pinoycollection.com/epiko

Mga Larawan

5. Pngtree “Yellow Minimalistic Cute Thinking Question Mark Bubble Box Free PNG
and PSD” https://pngtree.com/freepng/yellow-minimalistic-cute-thinking-question-
mark-bubble-box_4511863.html
6. Mila Saclauso “Mga Estratihiya sa Pagtuturo ng Filipino” Oktubre 12, 2015. Hinango
sa https://www.slideshare.net/MilaSaclauso/mga-estratihiya-sa-pagtuturo-ng-filipino-
milagros-m-saclauso-lala-national-high-school

Mga Video

10. DepEd TV - Officilal "Indarapatra at Sulayman". Disyembre 2, 2020. Hinango sa


https://www.youtube.com/watch?v=GjkmC1zmuC0&t=511s
11. DepEd TV - Official "Sanhi at Bunga". Disyembre 11, 2020. Hinango
sa https://www.youtube.com/watch?v=Wto0wyNZdoo&t=303s
12. Sir Juan Malaya “Ang Epiko” Abril 28, 2020. Hinango
sa https://www.youtube.com/watch?v=ws3Kt8GVYqY
13. Sir Juan Malaya “Mga Pang ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga,
Panghihikayat at Pagpapahayag ng Saloobin” Mayo 18, 2020. Hinango
sa https://youtu.be/kujNJqQb4K
14. DepEd Curriculum Guide 2016

45
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

ARALIN 4

A. PAMAGAT NG ARALIN

Aralin 4: MAIKLING KUWENTO


Panitikan: Ang Kuwento ni Solampid
Wika at Gramatika: Mga Retorikal na Pang-ugnay (Pangatnig)

B. PANIMULA

Kumusta ka? Ano ang naging resulta ng iyong pagsasagot sa mga nakaraang aralin? Tiyak
kong ibinigay mo ang iyong buong husay upang matapos ang bawat gawain.

Sa mga nakaraang aralin, naging pamilyar ka na sa dalawang bahagi ng pagkatuto sa


asignaturang ito, ang Panitikan at Gramatika. Dito sa Aralin 4, malalaman mo ang kuwento
ni Chu at ng kanyang pamilya. Alamin kung ano ang nangyari sa kanyang alagang aso na
si Leal.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagamit mo na nang wasto ang mga retorikal na


pang-ugnay (pangatnig) at naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may
kaisahan ang mga pangungusap.

Bilang simula, sagutan mo ang Gawain 4.1 na susukat sa kaalaman mo sa ilang salitang
ginamit sa maikling kuwentong iyong pag-aaralan.

GAWAIN 4.1 Ano Kaya ang Kahulugan?

PANUTO: Bigyan ng kahulugan ang mga salitang may salungguhit batay sa kung paano ito
ginamit sa pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian.

1. Sinabi ng kanyang ama na malapit na siyang mawala sa mundo.


A. makita B. mamatay C. masaksihan

2. Ikinagagalak niya na magampanan ang mga hiling ng kanyang ama.


A. ikinagagalit B. ikinaiinis C. ikinasisiya

3. Namalayan ng kanyang ina na nawawala ang liham sa loob ng kahon.


A. nakita B. naobserbahan C. nalaman
4. Usisa ng kaniyang ama, “malulungkot ka ba kung ako ay mawala?”
A. dugtong B. sagot C. tanong
5. Umikot ang dalawa sa kanilang bahay at tinawid ang isang sapa sa ibaba ng kamalig,
kung saan kumikitid ang ilog bago ito muling lumapad at umagos sa isang look patungo sa
dagat.
A.kumikipot B. lumiliit C.lumalawak

46
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

C. PAGPAPAUNLAD

May dalawang bahagi ang panitikan sa araling ito. Matututuhan mo ang elemento ng maikling
kuwento at matutunghayan mo ang maikling kuwentong " Ang Kuwento ni Solampid".

Panoorin mo ang YouTube video na “Elemento ng Maikling Kuwento”. Magagamit mo ito


sa pagtukoy ng mga mahahalagang pangyayari sa akda ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

VIDEO LINK: Elemento ng Maikling Kuwento


https://www.youtube.com/watch?v=IFwwHCGJ-MY&t=106s

VIDEO LINK: Ang Kuwento ni Solampid

https://youtu.be/YV4wVhL-2tM

WORD LINK: Ang Kuwento ni Solampid

https://docs.google.com/document/d/1hXFywaJUlCygBcuEOrdm4rpIk70ojFqSj4_OQf_
Qdt8/edit?usp=sharing

Ang Kuwento ni Solampid

Noong unang panahon, may mag-asawang datu at ba’i sa Agamaniyog na may isang anak
na babae na nagngangalang Solampid. Pinag-aral siya sa isang paaralan sa Antara a
Langit na matatagpuan sa pagitan ng langit at lupa. Ipinadala siya upang mag-aral ng Banal
na Qu’ran, hanggang sa umako siyang napakagandang dalaga. Naging guro niya si
Somesen sa Alongan.

Hindi nagtagal, nagkasakit ang datu ng Agamaniyog. Malubha ang sakit nito at ipinaalam
kay ni Solampid. Umuwi si Solampid at pinuntahan ang kanyang ama. “Oh ama, ano ang
nangyari sa’yo?” ang nag-aalalang tanong ng dalaga.

Sumagot sa kanya ang ama, “Mahal kong anak, malapit na yata akong mawala sa mundong
ito. Gusto kong basahin mo sa akin ang Qu’ran bago ako mamatay at huwag mong
kalilimutang mag-abuloy sa mga mahihirap o magbigay ng ‘sadaka’ sa aking pangalan.”

“Oo, ama, ikinagagalak ko pong gawin lahat ng kahilingan mo,” ang sagot ni Solampid.
Umupo siya sa tabi ng amang maysakit at sinimulan niya ang pag-awit ng bawat bersikulo
ng Qu’ran.

Nang marinig ang kanyang boses, tumigil ang ihip ng hangin at ang mga dahon ay tumigil
sa paggalaw. Pati na rin ang mga ibon ay tumigil sa paglipad upang makinig sa pag-awit ni
Solampid. Pagkatapos na mabasa niya ang Qu’ran, namatay ang kanyang ama.

Tumangis nang malakas ang dalaga, “Nanalangin ang lahat sa kaisa-isa nating Panginoon!
Oh ama, bakit mo kami iniwan sa mundong ito?” Umiiyak si Solampid patungo sa kanyang
ina at niyakap ito. Umiiyak din ang lahat ng nasa bahay.

47
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Inihanda ang datu para sa kanyang libing. Pagkatapos ng pagdadasal, inilibing ang datu sa
Agamaniyog. Sumunod naman ang pang-araw-araw na dasal at pagkatapos, bumalik na si
Solampid sa Antara a Langit. Pagkatapos ng ikasandaang araw mula nang mamatay ang
ama ni Solampid, bumalik na siya para sa isang kaugaling sinusunod ng kanyang ama.

Tinulungan ni Solampid ang kanyang ina sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita.
Nang mga oras na iyon, nanonood sa kanya ang kanyang guro na si Somesen sa Alongan
at inihulog niya ang isang sulat na may larawan niya para kay Solampid. Sinadya niyang
ihulog ang mga ito sa harap ni Solampid.

Kinuha ng ba’ing Agamaniyog ang sulat na may larawan. Pumasok kagaad ito sa kanyang
silid at itinago ang sulat. Bago niya itinago, tiningnan muna niya ang larawan ni Somesen
sa Alongan at humanga siya sa kagandahang lalaki nito.

Abala naman si Solampid sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita at pagkatapos ay


pinakain niya ang lahat ng mga naroroon. Para sa alaala ng kanyang ama ang
paghahandang ito.

Pagkatapos ng lahat, pumunta na si Solampid sa “lamin”, ang tore ng prinsesa upang


matulog. Nanaginip siya na may isang matandang lalaki na pumunta sa kanya at nagsabing,
“Solampid, hindi mo ba alam na si Somesen ay naghulog ng sulat at larawan para sa iyo
ngunit kinuha ng inyong ina at doon itinago sa kanyang kahon?

Gumising ka at buksan mo ang kahon at kunin mo ang sulat.” Gumising si Solampid at


sinunod ang sinabi ng matanda. At natagpuan niya doon ang sulat at larawan. Binasa niya
ang sulat. Para sa ina ni Solampid ang sulat at nagsasabing umiibig si Somesen sa Alongan
kay Solampid at gusto rin niyang pakasalan ito. Sinunog ni Solampid ang sulat. Kinuha niya
ang larawan at dali-dali siyang umalis ng bahay.

Nang dumating ang kanyang ina, kaagad namalayan niyang bukas ang kanyang kahon.
Nalaman niyang wala na ang larawan at sulat. Alam din niya na walang ibang magbubukas
ng kahon maliban sa kanyang anak. Pumunta siya sa “lamin” ngunit wala na si Solampid.
Bumaba siya at nakita niya itong papalayo na sa “torongan”. Galit na galit ang ina ni
Solampid. Kumuha ito ng kutsilyo at nagbalak na patayin si Solampid. Muntik na niyang
maabutan ito ngunit tumalon ito sa ilog. Lumangoy siya hanggang sa makarating sa
kabilang dako ng ilog. Lumakad siya nang lumakad hanggang sa makarating siya sa isang
bahay na may dalawang matanda. Bingi ang isang matanda at bulag naman ang isa.
Pumasok kaagad si Solampid sa bahay at nagtago. Dali-dali niyang isinara ang pinto. Maya-
maya, dumating ang kanyang ina, hinanap si Solampid doon ngunit nabigo siya. Hindi niya
nakita si Solampid kaya bumalik siya sa kanilang bahay.

Pagkaraan ng ilang araw, may tatlong magkakapatid na binatang dumating sa bahay na


pinagtataguan ni Solampid. Nagtago si Solampid sa silid ngunit nakita rin siya. Nakinig ang
magkakapatid sa kanyang kuwento at napagkasunduan nilang ituring siya na kanilang
sariling kapatid. Dahil sa natuklasan din nilang may maganda itong boses, pinakiusapan
ang kanila gurong si Rajah Indarapatra na tanggapin si Solampid na isa sa kanilang mga
mag-aaral. Hindi nagtagal umibig si Rajah Indarapatra kay Solampid at pinakasalan ito.

Mahusay at natapos mo na ang pagbabasa ng maikling kuwentong “Ang Kuwento ni


Solampid”. Ngayon naman ay pag-aralan mo ang mga salitang ginagamit bilang retorikal na

48
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

pang-ugnay. Tandaang magagamit mo ito para sa gawain sa pakikipagpalihan kaya pag-


aralan itong mabuti.
Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang
pag- uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga
pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig. Sa
bahaging ito, magbibigay-diin lamang tayo sa pangatnig na isang uri ng pang-ugnay.

Retorikal na Pang-ugnay
Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang
pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga
pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng 1. Pang-angkop, 2. Pang-ukol at
Pangatnig.

1. Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.
May dalawang uri ng pang-angkop:
a. Pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n.
Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita
at ng panuring.
Halimbawa:

Mapagmahal na hari

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o kinakaltas ang n at
ikinakabit ang -ng.
b. Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig (a, e, i, o, u). Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa:
Mabuting palad
Masamang kaaway

2. Pang-ukol – ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga


salita sa pangungusap.
Mga kataga/pariralang ginagamit bilang pang-ukol:
- sa
- ng
- kay/kina
- alinsunod sa/kay
- laban sa/kay

49
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

- ayon sa / kay
- hinggil sa / kay
- ukol sa / kay
- para sa / kay
- tungkol sa / kay
3. Pangatnig – mga kataga o salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.
Mga uri nito:
a. Pangatnig na Pandagdag – nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon.
Hal. at, pati
b. Pangatnig na Pamukod – nagsasad ng pagbubukod o paghihiwalay.
Hal. o, ni, maging
c. Pagbibigay sanhi / dahilan – pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay-katwiran o
nagsasabi ng kadahilanan.
Hal. dahil sa, sapagkat, palibhasa
d. Paglalahad ng bunga o resulta – nagsasad ng kinalabasan o kinahinatnan.
Hal. bunga, kaya o kaya naman
e. Pagbibigay ng kondisyon – nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
Hal. kapag, pag, kung, basta
f. Pagsaad ng contrast o pagsalungat – nagsasaad ng pag-iba, pagkontra o pagtutol.
Hal. ngunit, subalit, datapwat, bagama’t

50
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Pagkatapos mong pag-aralan ang pangatnig, i-click mo ang Gawain 4.2 upang masukat mo
ang iyong natutuhan rito.

GAWAIN 4.2 Maikling Pagsusulit sa Retorikal na Pang-ugnay

PANUTO: Piliin sa loob ng panaklong ang wastong retorikal na pang-ugnay na bubuo


sa pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Umalis sa kanilang tahanan si Solampid ______nagalit sa kanya ang kanyang ina.


(sapagkat, kung, bagamat)
2. Hindi sana magagalit ang ina ni Solampid ______ hindi niya inusisa ang gamit nito.
(subalit, kung, palibhasa)
3. Mapagmahal _____ maaalahanin si Solampid sa kanyang ama. (at, o, datapwat)
4. Masiyahing bata si Solampid ______ madali siyang tinangay ng lungkot sa
pagkamatay ng kanyang ama. (kaya naman, ngunit, pati)
5. Maaaring mamatay si Solampid _____ hindi siya umalis sa bahay nila. (kaya, kung,
sakali)

D. PAKIKIPAGPALIHAN

Matapos mong mapanood at malaman ang nilalaman ng maikling kuwentong “Solampid” at


mapag-aralan ang retorikal na pang-ugnay (pangatnig), ibuod mo ang kuwento sa GAWAIN
4.3 Pagbubuod ng Kuwento (Performance Task).

Panuto: Sa pagbubuod ng kuwentong "Solampid”, kinakailangang gamitin mo ang mga


elemento ng maikling kuwento. Gamitin mo rin ang natutuhan mong mga pang-ugnay na
pangatnig.

Buksan ang word file template para sa gawaing ito. I-rename mo ang file bilang Buod-
Solampid-Apelyido. Kapag natapos mo na ang buod, hintayin ang sasabihin ng iyong guro
kung paano ito ipapasa.

Gamitin ang sumusunod na pamantayan:

PAMANTAYAN SA PAGBUBUOD NG KUWENTO

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay pa ng pagsasanay
4 3
2 1
Pagubuod Maayos na Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos ang
maayos ang pagbubuod ng maayos ang pagbubuod ng
30% pagbubuod ng kuwento mula pagbubuod ng kuwento mula
kuwento mula kuwento mula

51
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

simula hanggang simula hanggang simula hanggang simula hanggang


wakas wakas wakas wakas
Pang-ugnay Nakagamit ng 5 Nakagamit ng 4- Nakagamit ng 2-1 Hindi nakagamit ng
na Pangatnig na pang-ugnay na 3 na pang-ugnay na pang-ugnay na pang-ugnay na
pangatnig sa loob na pangatnig sa pangatnig sa loob pangatnig sa loob
ng kuwento loob ng kuwento ng kuwento ng kuwento

30%
Gramatika Walang mali sa Mayroong 1-2 Mayroong 3-5 mali Mayroong higit sa 5
paggamit ng mali sa paggamit sa paggamit ng kamalian sa
gramatika. ng gramatika gramatika paggamit ng
gramatika
30%
Bilang ng Binubuo ng 300 Binubuo lamang Binubuo lamang Binubuo lamang ng
mga Salita pataas na salita ng 200-300 salita ng 100-200 salita 100 pababang salita
ang kuwentong ang kuwentong ang kuwentong ang kuwentong
10% naisulat naisulat naisulat naisulat

E. PAGLALAPAT

Magaling! Inaasahan na sa puntong ito ay madami ka nang natutuhan. Bilang panghuling


gawain, nais kong bigyan mo ng bagong wakas ang kuwentong iyong nabasa. Basahing
mabuti ang tiyak na panuto sa Gawain 4.4 Ang Wakas na Nais Ko upang higit mong
maunawaan kung paano ito isasagawa o sasagutin.

PANUTO: Bigyan mo ng kakaibang wakas ang natunghayan mong kuwento sa


pamamagitan ng pagbago sa katangian ng mga pangunahing tauhan. Isang pangungusap
lang ang ibibigay mong wakas na nagbibigay-diin sa bagong katangian ng tauhan at bagong
wakas. Siguraduhin ding makikita ang paggamit ng retorikal na pangatnig sa iyong binuong
wakas.

Sagot:

F. KARAGDAGANG KAGAMITAN

• Paggamit ng mga Youtube Video Presentation

52
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

• Paggamit ng mga Word File

• Paggamit ng HTML File

• DepEd MELCs para sa Taong Panuruan 2020-2021

G. SANGGUNIAN

Mga Sanggunian:

Mga Aklat

1. Julian, Lontoc, Esguerra. (2015). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City, Philippines:


Phoenix Publishing House, Inc

2. Obrero, Rotia, et. al. (2013). Tudla 7 (Binagong Edisyon). Quezon City, Philippines: Sta.
Teresa Publication, Inc.

3. Reyes, Alvin, Setubal, Jessie (2016). Diwa ng Wika at Panitikan. Makati City, Philippines:
Diwa Learning Systems, Inc.

Mga Video

4. Malaya, Sir Juan. (2021). Solampid. Hinango sa https://youtu.be/YV4wVhL-2tM

5. Malaya, Sir Juan. (2020). Elemento ng Maikling Kuwento. Hinango


sa https://www.youtube.com/watch?v=Yu0g53-auYI&t=5s

6. Malaya, Sir Juan. (2020). Retorikal na Pang-ugnay. Hinango sa


https://www.youtube.com/watch?v=7F1dMKZIiH4&feature=youtu.be

7. Curriculum Guide ng Deped sa Filipino. (2016)

53
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

ARALIN 5

A. PAMAGAT NG ARALIN

Aralin 5: DULA
Panitikan: Tungkol sa Pamilya
Wika at Gramatika: Mga Pangungusap na Walang Paksa

B. PANIMULA

Magandang Buhay! Binabati kita dahil natapos mo na ang unang apat na aralin ng
Asignaturang Filipino sa Ikapitong Baitang para sa Unang Markahan. Ito ang ikalima at huling
aralin para sa modyul na Mga Panitikan ng Mindanao. Sa Aralin 5, malalaman mo ang
kuwentong pinamagatang “Tungkol sa Pamilya”. Matututuhan mo naman sa Gramatika ang
mga pangungusap na walang paksa.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang masusuri mo ang pagkamakatotohanan ng mga


pangyayari batay sa sariling karanasan o nasaksihan ng mga tauhan at nagagamit ang mga
pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng patalastas.

C. PAGPAPAUNLAD

Sa araling ito, ikawa naman ay manonood ng isang pagsasalaysay ng dula.

Panoorin: https://youtu.be/ImwXuO9hrco

Basahin ang dula na pinamagatang “Tungkol sa Pamilya”.

Mga Tauhan
Nanay, Anak (ate), Anak- (bunso), Tatay, Lolo, Lola, Kasambahay, Anak ng Kapitbahay at
Tagapagsalaysay.
Tagapagsalaysay: Ang pamilya Ledesma ay katulad lang ng iba ngunit para sa kanilang
mga kapitbahay sila na ata ang pinakamabait na pamilya sa barangay.
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Yung anak ko po kasi naglalaro ng bato ngayon dahil
sa lakas ng hangin tumama siya sa bubong ninyo. Di ko po alam kung may nasira.

Ate: Manang, sila mama nalang po ang kausapin ninyo diyan. Mamayang gabi ho sila
makakauwi.
Kapitbahay: Sige babalik nalang ako mamaya. Pakisabi nalang ang tungkol dito sa kanila.
Salamat.

54
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Sa loob ng bahay
Ate: Yaya, pwede ba ‘to kainin? Nagugutom na ako eh.
Kasambahay: Nako para sa kapatid mo yan! Kakain na naman ng hapunan eh. Sandali
nalang.
May tumama sa bubong
Bunso: Ate narinig mo yung tumama sa bubong?

Lolo: Sino daw iyon, apo?


Ate: Tama po si lola, tungkol nga sa pagtama sa bubong ito. Babalik na-lang daw siya pag
dumating na sila mama.
Bunso nakadungaw sa bintana
Bunso: Nandiyan na sila mama!
Papasok ang magulang .
Tatay: Mga anak nandito na kami. Tamang-tama lang ang dating namin para sa hapunan.
Papasok sa loob
Nanay: Oh siya kain na tayo
May kakatok
Bunso: Ako na!
Bubuksan ang pintuan
Bunso: Sino po sila?

Kapitbahay (kasama ang kanyang anak): Ako po ang kapitbahay ninyo. Natamaan po ng
anak ko ang inyong bububong dahil sa kakulitan niya.
Anak: ‘Wag kang magaalala baka kahoy lang yan na nahulog dahil sa lakas ng hangin.
May kakatok sa pinto
Lola: Ate may kumakatok ata. Baka tungkol sa bagay na bumagsak sa bubong natin iyan.
Pakitignan mo naman kung sino.
Pagbubuksan ng pintuan
Ate: Ano po yun?
Kapitbahay: Pwede bang makausap ang magulang mo tungkol dito?
Bunso: Sige po. Pasok po.
Sa kainan

Nanay: Ukol saan po ang gusto inyong sabihin?


Kapitbahay: Tungkol po sa bubong ninyo, natamaan po ng anak ko, di ko pa nakikita kung

55
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

may nasira man o nabutas ngunit babayaran ko naman ito.


Tatay: Nasabi nga po ng aking anak yan sakin. Tinignan ko po at nasira ang bubong ngunit
di naman ito nabutas dahil sa hindi naman malakas ang tama.
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Magkano po ba ang kailangan kong bayaran?

Nanay: Hindi na po kailangan. Hindi naman malakas ang tama kaya’t hindi naman kami
mapapamahal. Sa inyo na lamang ang para sa pampagawa niyo sana ng aming bubong.
Kapitbahay: Nako marami pong salamat. Sa totoo nga po kailangan ko ang perang para
sa pagpagawa ng inyong bubong. Anak, humingi ka ng tawad at magpasalamat.
Anak ng kapitbahay: Maraming salamat po. Pasensya na sa nagawa ko.
Lolo: Okay lang iyon iho. Basta ‘wag paglalaruan ang mga bato sa susunod ha.
Anak ng kapitbahay nods

Tagapagsalaysay: Kitang kita nga naman ang pagiging mabait sa kapwa ng pamilyang
Ladesma kaya’t sila ang tinatawag na pinakamabait na kapitbahay sa barangay.

Sa bahaging ito, pag-aaralan mo naman ang Mga Pangungusap na Walang Tiyak na


Paksa sa gramatika. Unawain mo itong mabuti upang maging handa ka sa mga itinakdang
gawain tungkol dito.

Anumang pangungusap o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri ngunit may diwa
at mensaheng ipinaabot, ito ay maituturing na pangungusap na walang paksa. Palawigin natin
ang iyong kaalaman kaugnay ng paksang ito. Panoorin ang video sa bahaging ito.
Mababasa mo rin ang nilalaman ng video gamit ang word file sa ibaba:
WORD FILE: Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
VIDEO LINK: PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
https://www.youtube.com/watch?v=8CmyzAB9Zyc&t=92s

Pangungusap na Walang Paksa

Sa wikang Filipino ay may mga pangungusap na walang paksa. Ito ang sumusunod:
1. Eksistensyal
2. Modal
3. Padamdam
4. Maikling Sambitla
5. Panawag

56
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

6. Pamahanon
A. Penomenal
B. Temporal
7. Pormularyong Panlipunan

1. EKSISTENSYAL - Nagsasaad ng “pagkamayroon” o “pagkawala”

Halimbawa:
Wala pang sundo.
May nakakaalam na.
May hinihintay pa.
Walang sumang-ayon.
May tao sa loob.

2. MODAL - Nangangahulugan ito ng gusto/nais/puwede/maaari/ dapat o kailangan.

Halimbawa:
Puwede bang sabihin?
Maaari bang magdagdag?
Nais mo ba?
Gusto kita.
Kailangan mo ba ko?

3. PADAMDAM - Nagpapahayag ng matinding damdamin ng tao.

Halimbawa:
Bilis!
Laban lang!
Ang galing!
Kay ganda ng buhay!

4. MAIKLING SAMBITLA –

Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng


matindig damdamin.

Halimbawa:

Aray!

57
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Naku!
Sus!
Grabe!

5. PANAWAG - Maaari ring tawaging “vocative” o iisang salita o panawag.


Halimbawa:

Totoy!
Nene!
Batotoy!
Bunene!
Ginoo!
Binibini!

6. PAMANAHON – nagsasad ng oras o uri ng panahon. May dalawang uri ito:

A. Penomenal - Adjectival Binubuo ng mga pang-uri na maaaring may kasama ring


pang-abay.
Halimbawa:
Maginaw ngayon. | Maalinsangan. | Makulimlim na naman.

B. Temporal - Nagsasaad ng ito ng mga kalagayan o panahong panandalian,


karaniwan na itong pang-abay na pamanahon.
Halimbawa
| Umaga na. | Bukas ay Lunes. | Ala singko pa lang ng hapon.

7. PORMULARYONG PANLIPUNAN - Magagalang na pananalita o ekspresyon na


mahalaga sa pakikipagkapwa tao. Maaari ding pagbati, pagbibigay-galang at iba pa na
nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Halimbawa:
Magandang araw.
Pasensya na po.
Salamat po.
Makikisuyo nga po.
Tao po.

58
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Tiyak kong nasiyahan ka sa pag-aaral ng paksa sa gramatika. Subukin mo nga kung naging
lubos ang pag-unawa mo sa mga pangungusap na hindi tiyak ang paksa at sa dulang iyong
napakinggan sa pamamagitan ng pagsagot sa GAWAIN 5.1 at 5.2. Galingan mo!

GAWAIN 5.1: Pagsusuri sa Pagkamakatotohanan

PANUTO: Suriin ang pagka-makatotohanan ng mga pangyayari mula sa akda batay na rin
sa kanilang personal na karanasan o kaya ay kanilang personal na nasaksihan. Sabihin kung
ito ay totoo o hindi totoong nangyayari sa ating lipunan. Magbigay rin ng
mga patunay o paliwanag kung bakit mo ito nasabi. Gamitin ang word file template na naka-
upload sa pagsasagot nito. Pangalanan ang file sa format
na Pagkamakatotohanan_Apelyido. Matapos magsagot ay i-send sa submission bin.

WORD FILE: Pagsusuri sa Pagkamakatotohanan ng Dula

I. Sagutan ang kahon:


II. Suriin ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari mula sa akda batay na rin sa
kanilang personal na karanasan o kaya ay kanilang personal na nasaksihan. Sabihin
kung ito ay totoo o hindi totoong nangyayari sa ating lipunan. Magbigay rin ng mga
patunay o paliwanag kung bakit mo ito nasabi.

Pangyayari sa Dula Totoo o Hindi Pagpapatunay/Paliwanag

1. pagiging mabait sa
kapwa ng pamilyang
Ladesma

2. Paghingi ng tawad ng
kapitbahay ng pamilyang
Ladesma

59
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

GAWAIN 5.2: Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

PANUTO: Isagot ang OO kung ito ay pangungusap na walang paksa at HINDI kung ito ay
hindi nagsasaad ng pangungusap na walang paksa.

_______1. Makulimlim kahapon.


_______2. Pumayag ka na sa usapang ito.
_______3. Maganda ang palabas sa plasa.
_______4. Tao po.
_______5. Ay!

D. PAGPAPALIHAN

Ngayong natapos na ang aralin sa panitikan at gramatika, handa ka na ba sa paggawa sa


iyong Performance Task? Upang lalo ka pang maging handa, isagawa mo muna
ang Panonood ng Video tungkol sa karapatan ng batang Pilipino at kung Ano ang
Patalastas. Ito ang magiging batayan mo para sa pagbuo ng iyong gawaing pampagkatuto.

PANONOOD NG VIDEO

Panoorin at bigyang-pansin ang video na pinamagatang “Basta’t magkakasama, Kainang


Pamilya Mahalaga”. Habang pinapanood ay pansinin ang isinasaad sa video, bisa ng
napanood na video at kung bakit kaya nabuo ang video.
VIDEO LINK: Basta’t magkakasama, Kainang Pamilya Mahalaga
https://www.youtube.com/watch?v=K7_DVikMXM8

ANO ANG PATALASTAS?

Panoorin ang Youtube Video na pinamagatang “Ano ang Patalastas”. Isaalang-alang ang mga
matututuhan dito dahil magagamit mo ito sa pagsasagawa ng Performance Task.

Sigurado akong ngayon ay handang-handa ka na para sa GAWAIN 5.3 Pagbuo ng Patalastas


(Performance Task). Basahin mong mabuti at sundin ang mga tuntunin at rubrik para tiyak na
mahusay ang maging awtput mo. Simulan mo na!

VIDEO LINK: Ano ang Patalastas? https://www.youtube.com/watch?v=vodofA-c_5I&t=111s

GAWAIN 5.3 Pagbuo ng Patalastas

PANUTO: Bumuo ng isang patalastas (sa paraang pa-video / Slideshow presentation) na may
paksang “KABUTIHAN NG PAMILYANG PILIPINO” (maaaring maging batayan ang unang
video na napanood – Basta’t magkakasama, Kainang Pamilya Mahalaga).

60
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

TANDAAN:

1. Gamitan ito ng pangungusap na walang paksa. Hindi dapat lalagpas sa dalawang minuto
ang patalastas. Kinakailangan din na ito ay nakapupukaw sa mga manonood.

2. Hintayin ang ibibigay ng panuto ng guro sa pagpapasa ng iyong binuong video.

E. PAGLALAPAT

Napakahusay ng ginawa mong patalastas! Binabati kita!

Siyempre, dahil naunawaan mo na nang husto ang dula, nais kong ibahagi mo naman ang
iyong sariling ideya at saloobin tungkol sa bahagi nito sa GAWAIN 5.4: Patunayan Mo!

GAWAIN 5.4 IBAHAGI MO


PANUTO: Ibahagi ang iyong ideya at saloobin tungkol sa napakinggan mong dula. Gumamit
lamang ng 1-2 pangungusap na may payak na pananalita.
Sagot:

F. KARAGDAGANG KAGAMITAN

• Paggamit ng mga Youtube Video Presentation

• Paggamit ng mga Word File

61
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

• Paggamit ng HTML File

• DepEd MELCs para sa Taong Panuruan 2020-2021

G. SANGGUNIAN

Mga Aklat

1. Julian, Lontoc, Esguerra. (2015). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City, Philippines: Phoenix
Publishing House, Inc

2. Alcantara, Tolosa, Jocson. (2016). Hiyas ng Lahi: Panitikan, Gramatika at Retorika. Quezon
City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

3. Obrero, Rotia, et. al. (2013). Tudla 7 (Binagong Edisyon). Quezon City, Philipiines: Sta.
Teresa Publicatio, Inc.

4. Reyes, Alvin, Setubal, Jessie. (2016). Diwa ng Wika at Panitikan. Makati City, Philippines:
Diwa Learning Systems, Inc.

Mga Video

5.Malaya, Sir Juan. (2020). Pangungusap na Walang Paksa. Hango sa


https://www.youtube.com/watch?v=8CmyzAB9Zyc&t=92s

6. Curriculum Guide ng DepEd (2016)

62
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

PANGWAKAS NA GAWAIN

A. PAMAGAT NG ARALIN

Aralin 6: PROYEKTONG PANTURISMO: Pagbuo ng Proyektong Panturismo

B. PANIMULA

Magandang Buhay! Pagbati sa iyong masigasig na pagsasagot sa mga naunang aralin. Sa


pagkakataong ito mailalahad mo ang iyong mga natutuhan sa mga nakaraang linggong ating
pag-aaral sa pamamagitan ng paglikha ng isang proyektong panturismo. Inaasahan na
nakatulong ang mga naunang pagtalakay upang mapalalim ang iyong kaalaman sa yaman at
ganda ng Mindanao. Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang na magamit mo nang wasto at
angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at mapanghikayat na
proyektong panturismo, maiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa nito at masusuri ang
mga ginamit na datos sa iang proyektong panturismo. Inaasahan din na makabubuo ka ng
isang makatotohanan proyektong panturismo (Music Video).

C. PAGPAPAUNLAD

Sa bahaging ito ng aralin, papanoorin mo muna ang ilang halimbawang video na nagpapakita
ng likas na ganda ng mga tanawin sa bansa. Matamang manood nang sa gayon ay magamit
mo ang mga impormasyong makukuha mo rito sa paggawa ng proyekto. Matapos mapanood
ang video, pagnilayan mo kung naakit ka bang tuklasin o maglakbay sa ating bansa at bakit.

GAWAIN: Panonood ng mga Video

PANUTO: Panoorin ang mga Youtube Video at sagutin ang katanungan: Matapos

mapanood ang video, naakit ka bang tuklasin o maglakbay sa ating bansa? Bakit?

VIDEO LINKS:

VIDEO 1: BIYAHE TAYO https://www.youtube.com/watch?v=0rNr_qnoPQ4

VIDEO 2: PILIIN MO ANG PILIPINAS https://www.youtube.com/watch?v=ay7_WkupDGQ

VIDEO 3: IT’S MORE FUN IN THE PHIPIIPPINES


https://www.youtube.com/watch?v=Xr42Fj2FaxA

VIDEO 4: KAYGANDA NG PILIPINAS https://www.youtube.com/watch?v=vVHFVny575o

63
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

Ang mga video na iyong napanood ay halimbawa ng kagamitang pampromosyon. I-click mo


ang bahaging KAGAMITANG PAMPROMOSYON upang matutuhan mo ang mahahalagang
impormasyon tungkol dito.

Pagkatapos, i-click mo ang Paano Bumuo ng Video upang matutuhan mo ang kinakailangan
kakayahan para sa Final Performance Task.

Ano ang Kagamitang Pampromosyon?

-Ang kagamitang pampromosyon ay negosyo o tatak ng produkto (trademark) ng

kompanya.

- Ito ay nararapat na akma, malinaw at nakahihikayat.

- ginagamit ito upang makipag-usap o makipag-ugnayan sa mga target na mamimili. - ito


ay ginagamit upang makahikayat ng mga tao na tangkilikin ang isang produkto, lugar at iba
pa.

Mga Mahahalagang Prinsipyo sa Pagggawa ng Kagamitang Pampromosyon

1. TUMPAK - kinakailangan na makatotohanan ang mga impormasyong ilalahad.

2. MAKATAWAG-PANSIN - kinakailangang makatawag-pansin ang mga ginamit na


pahayag at impormasyon upang mahikayat ang mga makapanonood nito.

3. MABALANGKAS - kinakailangang maayos ang paglalahad ng mga datos mula

simula hanggang matapos ang isang kagamitang pampromosyon.

4. MAIKLI - kinakailangan na maipahayag sa kaunti o mabilis na pamamaraan lalo’t

ang mga tao ay hindi ganoon kainteresadong magbasa.

5. TUWIRAN/TIYAK - kinakailangan na hindi maligoy ang paglalahad ng datos sa mga


kagamitang pampromosyon.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Kagamitang Pampromosyon

1. Gumawa ng Tema - umisip ng tema o paksa sa gagawing kagamitang

pampromosyon.

2. Karaniwang Ayos ng Pangungusap - nauunang banggitin ang simuno bago ang

panaguri.

3. Bigyang-diin ang kapakinabangan - ilahad ang benepisyo ng kagamitang

pampromosyon sa mga tatangkilik nito.

64
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

4. Maging tapat sa pagpapatotoo - sa mga babanggitin impormasyon, tiyakin na

naging matapat ka at totoo.

5. Bukas para sa mungkahi - maging bukas sa mga rekomendasyon upang malinang ang
iyong kagamitang pampromosyon.

Isa sa halimbawa ng kagamitang pampromosyon ang MUSIC VIDEO na magiging

pokus ng iyong pangwakas na proyekto

D. PAGPAPALIHAN

Nais mo bang matutuhan kung paano bumuo ng video? I-click mo ang bahaging ito.

PAANO BUMUO NG VIDEO?

Panoorin ang video kung papaano gumawa ng music video gamit lang ang powerpoint
presentation. May ilan ding karagdagang videos na makatutulong sa iyo sa pagbuo
ng iyong proyekto.

VIDEO LINKS:

Paano gumawa ng music video gamit ang powerpoint?

- https://www.youtube.com/watch?v=f0Wr1tdP1C0&t=367s

Paano mag- download ng video?

- https://www.youtube.com/watch?v=pqMCI-6e-Ag&t=264s

Paano gumawa ng video gamit ang powerpoint?

- https://www.youtube.com/watch?v=qbp7TPzPUDQ

Tala: ito ay mungkahi lamang at maaari ka pa ring gumamit ng ibang video editing software
na alam mong gamitin

Matapos mong malaman kung papaano makabuo at makapanood ng ilang halimbawang


music video ay handa ka na ring bumuo ng sarili mong proyekto. Narito ang panuto:

GAWAIN: Pagbuo ng Proyektong Panturismo (Pangkatang Gawain, 5 miyembro

bawat pangkat)

65
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

66
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

E. PAGLALAPAT

Sa puntong ito ay natitiyak ko na marami ka ng natutuhang kaalaman sa panitikan at maging


sa mga lugar sa Mindanao. Nais kong malaman ang iyong opinyon sa isang tiyak na tanong,
at maibahagi rin ito sa iyong mga kaklase sa pamamagitan ng pagsagot sa GAWAIN 6.2
Pagpapahalaga

GAWAIN 6.2 PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Sagutin ang isang (1) tanong tungkol sa “Kahalagahan ng Pagtangkilik sa iba’t
ibang magagandang Tanawin sa Mindanao”.

Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa iba’t ibang magagandang tanawin na


matatagpuan sa Mindanao?

67
Filipino 7 – Gabay sa Asignatura

F. KARAGDAGANG KAGAMITAN

• Paggamit ng mga Youtube Video Presentation

• Paggamit ng mga Word File

• Paggamit ng HTML File

• DepEd MELCs para sa Taong Panuruan 2020-2021

G. SANGGUNIAN

Mga Video

1. Bueno, John. “Tara na Biyahe Tayo”. 2012. Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=0rNr_qnoPQ4.

2. Reekay’s Life Beyond The Sea. “Piliin Mo ang Pilipinas”. 2013.Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=ay7_WkupDGQ.

3. Francia, Jm. “It’s More Fun in the Philippines. 2012. Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=Xr42Fj2FaxA.

4. Mencias, Chen. “Kay Ganda ng Pilipinas”. 2013. Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=vVHFVny575o.

5. Malaya, Sir Juan. “Paano Gumawa ng Video Gamit ang Powerpoint. 2020. Hinango

sa https://www.youtube.com/watch?v=f0Wr1tdP1C0&t=367s.

6. Malaya, Sir Juan. “ Paano Mag-download ng Video”. 2020. Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=pqMCI-6e-Ag&t=264s.

7. Malaya, Sir Juan. “Paano Gumawa ng Video Gamit ang Powerpoint”. 2020. Hinango

sa https://www.youtube.com/watch?v=qbp7TPzPUDQ.

8. Malaya, Sir Juan. “Halimbawa ng Proyektong Panturismo”. 2020. Hinango sa

https://www.youtube.com/watch?v=Fbp9E1LdhQM.

9. DepEd Curriculum Guide (2016)

Kung narating mo na ang bahaging ito, binabati kita! Talagang mahusay ka! Natapos mo na
ang mga aralin sa unang markahan. Nawa ay ipagpatuloy mo ang iyong pagsisikhay upang
makamit ang pangarap at tagumpay!

68

You might also like