Professional Documents
Culture Documents
Filipino7 Gabay Sa Asignatura Ikatlong Markahan Version2.0
Filipino7 Gabay Sa Asignatura Ikatlong Markahan Version2.0
FILIPINO
Gabay sa Asignatura
IKATLONG MARKAHAN:
Panitikang Luzon:
Larawan ng Pagkakakilanlan
Mga May-akda:
- Mga May-akda
1. Basahing mabuti ang mga aralin at gawaing nakatakda sa bawat modyul. Huwag
magmadali upang lubos na maunawaan ang aralin.
2. Siguraduhing nasagutan ang lahat ng mga gawain na naibigay sa iyo bago lumipat sa
iba pang gawaing nakapaloob sa modyul.
4. Tiyakin na wasto ang paggamit ng gramatika at mga baybay ng salita upang mahasa
ang kakayahan sa asignaturang Filipino.
5. Kung sakaling ikaw ay nahihirapang sagutin ang mga gawain sa bawat modyul,
maaari kang magtanong sa iyong guro. Maaari ka ring magpatulong sa iyong magulang
at iba pang kasama sa bahay.
Kapag sinunod mo ang mga alituntunin na ito, tiyak kong magiging matagumpay
ang iyong pag-aaral! Umaasa kami, na sa pamamagitan ng mga Aralin sa MOODLE
CLASSROOM na ito, makararanas ka nang makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka nang malalim na kasanayan na naayon sa mahahalagang
kompetensi ng kurso/ asignatura. Kaya mo ito!
PANIMULA (INTRODUCTION)
Ang bahaging ito ay naglalaman ng tatalakaying panitikan at gramatika. Ito ay
naglalaman din ng mga dapat na matutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa aralin.
PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)
Dito makikita ang iba't ibang mga gawain at pagtalakay na kaugnay ng aralin.
PAGPAPALIHAN (ENGAGEMENT)
Naglalaman ng performance task ng aralin.
PAGLALAPAT (ASSIMILATION)
Malikhaing paglalahat mula sa mga natutuhan. Maaaring isang tanong, gawain o iba pa
na susubok sa natutuhan sa kabuoan ng aralin.
Ikatlong Markahan:
Panitikang Luzon:
Larawan ng Pagkakakilanlan
Deskripyon ng Asignatura
Ang panitikan ay salamin ng lipunan. Anumang nangyayari sa lipunan ay sumasalamin
sa ilang pangyayari sa akda maging ang mga tagpuan at tauhan. Bagamat hindi tunay
na hinango ang ilang akda dahil likha ito ng malikhaing imahinasyon ng manunulat, may
mga kultura at buhay sa isang lipunang inilalarawan ng akda. May panitikan dingnalikha
hango sa buhay at kulturang naging bahagi na ng buhay ng may- akda o maaaring
kanyang nasaksihan, nasaliksik, o napag-alaman. Nagiging daan ito upang makilala at
maunawaan ang identidad o pagkakakilanlan, buhay na ginagalawan, katangian at
kultura ng isang lipunang maaaring kaiba o katulad ng ating mundong ginagalawan.
Gaano mo ba kakilala ang iyong pook na kinabibilangan? Nais mo bang mas lalong
lumawak pa ang iyong kaalaman kaugnay sa pook na iyong kinabibilangan, lipunan o
mundong ginagalawan? Nais mo bang masaksihan ang tunay na larawan ng isang isla
na may natatangi at magagandang kultura at pagkakakilanlan?
Matutunghayan mo ang larawan ng pagkakakilanlan ng Luzon sa pamamagitan
ng iba’t ibang anyo ng panitikang iyong babasahin at pahahalagahan gaya ng mga tula,
awitin, kuwentong-bayan, sanaysay at maikling kuwento. Matapos makilala ang ilang
kaugalian o pagkakakilanlan ng Luzon, maaari mo na ring maihambing ang mga ito sa
iyong pook na kinabibilangan. Patutunayan natin kung nakikilala nga ba ang pinagmulan,
identidad at kultura ng isang lahi sa pamamagitan ng pag-unawa at pagpapahalga sa
mga akdang pampanitikan ng isang rehiyon. Paano makikilala ang identidad at kultura
ng isang lahi? Bakit mahalagang maunawaan ang mga akdang pampanitikan ng
isang rehiyon?
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol
sa kanilang sariling lugar
Naisasagawa ang
komprehensibong
pagbabalita newscasting)
tungkol sa sariling lugar/
bayan (F7PS-IIIj-17)
Aralin 1
A. Pamagat ng Aralin: PANITIKANG LUZON
B. Panimula
Panuto:
1. Kopyahin sa kuwaderno ang sumusunod na tanong:
A. Ano ang mensahe ng awitin?
B. Isa-isahin ang mga bugtong na binanggit sa awitin at
isulat ang angkop na sagot
2. Pakinggan sa You Tube ang awiting Bugtong-Bugtong ni Florante
Video Link
https://www.youtube.com/watch?v=zqxGIRzMkXc
C. Pagpapaunlad ng Aralin
Aralin 1.1
3. Bukod sa sinusubok nito ang siste at talim ng isip ng tao, nagiging pagsubok na
rin ito ng gunita at alaala.
4. Gumagamit ang bugtong ng mga literal na katotohanan. Ngunit para masagot ito,
kinakailangan ng metaporikal na pagtingin.
Mula sa nabasang kaalaman tungkol sa mga uri ng tula, gawin ang susunod na kahon
upang mailahad ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga ito.
Panudyo
De Gulong
Bugtong
GAWAIN 2: Panoorin Mo
2. Paano nakatulong ang mga kasabihang binigkas ng mga tauhan upang mailarawan
ang kultura ng isang lipunan?
3. Ano-ano ang nakatulong upang maging mabisa ang mga kaisipang binigkas ng
mga tauhan?
6. Nakatulong ba ang video upang lubos mong makilala ang kultura at identidad ng
Luzon? Patunayan.
__
TANDAAN!
Magiging kawili-wili ang isang tula kung isaalang-alang natin ang kaalaman sa
suprasegmental. Sinasabing mas magiging mabisa ang pakikipag-talastasan kung
alam nating tukuyin ang kahulugan at layunin ng nagsasalita sa pamamagitan ng
suprasegmental o ng haba, diin, tono at antala sa pagbigkas ng anumang pahayag.
Tala: Narito ang karagdagang nilalaman ng word file tungkol sa Mga Ponemang
Suprasegmental.
1. Haba
2. Diin
3. Tono
4. Antala
D. Pagpapalihan
GAWAIN 3: Lumikha Ka
Pamantayan sa pagmamarka:
✓ Orihinalidad
✓ Kaayusan
✓ Sukat at Tugma
✓ Kaangkupan ng nilalaman
D. Paglalapat
GAWAIN 4: Pahalagahan Mo
I- post sa Class Forum ang iyong naging sagot sa mga katanungang ito.
F. Mga Sanggunian:
Mga Aklat
1. Julian, Lontoc, Esguerra. (2015). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City, Philippines:
Phoenix Publishing House, Inc
Mga Video
Bugtong
1. Sir Juan Malaya. “Mga Ponemang Suprasegmental” Abril 28, 2020.
Aralin 2
A. Pamagat ng Aralin: PANITIKAN NG LUZON
Aralin 2 : Katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan
Panitikan : Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao
Wika at Gramatika : Hudyat ng Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari
B. Panimula
Pagbati dahil sa natapos mo na ang unang aralin at natutuhan mo ang mga
kaalamang-bayan. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makapaghahambing ka ng
mga katangian ng mito, alamat at kuwentong-bayan batay sa paksa ng mga tauhan,
tagpuan at kaisipan at mga aspetong pangkultura. Inaasahan ding masusuri mo ang
katangian at elemento ng mga ito, maisasalaysay nang maayos at magkakaugnay ang
mga pangyayari sa nabasang mito, alamat at kuwentong-bayan. Sa araling Gramatika
naman ay matututuhan ninyo ang mga hudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari. Halina’t simulan na ang pagtalakay
Magandang Buhay!
Isa na marahil ang mga Pilipino sa mga bansang nagsasagawa ng maraming
pagdiriwang na panrehiyon taon-taon bilang tanda ng pagsamba, pasasalamat o
pananalangin sa Diyos na ating kinikilala- ito man ay sa grupo ng mga Muslim o mga
Kristiyano. Ang mga ito ay naging bahagi na ng ating kultura at paniniwala, mga gawaing
nagpapatibay na tayong mga Pilipino ay tunay na maka-Diyos. Bilang panimula ng
gawain, magtala ka ng mga pagdiriwang panrehiyon na hanggang sa kasalukuyan ay
isinasagawa pa rin sa inyong lugar o lalawigan. Itala ang mga ito sa inyong
kuwaderno at sagutin mo ang mga tanong ukol dito.
1. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga dahilan bakit patuloy na nananatili ang mga
pagdiriwang na iyong naitala sa inyong lugar?
2. Alin sa mga nabanggit na mga pagdiriwang ang higit na nagugustuhan mo?
3. Paano ito nakaapekto sa iyong personal na buhay bilang kabataan?
4. Paano ka makatutulong upang patuloy na mapanatili ang mga ito nang sa gayon ay
maabutan pa ito ng mga susunod na henerasyon?
C. Pagpapaunlad
Nasubukan mo na bang magbigay kahulugan ayon sa tindi ng pagpapakahulugan? Mas
palalawakin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain
na makikita sa mga susunod na bahagi ng modyul.
GAWAIN 1: Palawakin ang Talasalitaan
May ilang salita sa tatlong akdang babasahin ang kailangang maunawaan dahil sa tindi ng
salitang ginamit sa pagpapahayag. Punan mo ang mga kahon upang mabuo ang intensidad
ng pagpapakahulugan ng salita. Nakasalalay ang intensidad ng salita batay sa paggamit ng
wika (karaniwan patungong malalim) o sa sitwasyon at emosyon. Gawing batayan ang
pangungusap na ibinigay bilang halimbawa.
3. Nayamot ang ate ni Balanga-atan sa kanya dahil sa hindi niya sinunod ang lahat ng
kanyang utos.
Nayamot Nagalit
5. Hindi maigiya .ng isang kapitbahay ni Bal-lakay ang baboy patungo sa tamang
direksyon.
Umantas Sumulong
Alam Mo Ba?
Sa mga sinaunang tao hanggang 300 AD nagsimula ang ang mga mito, alamat
at kuwentong-bayan. Sa mga kuwentong-bayan at alamat nakilala si Bernardo Carpiong
San Mateo, Rizal at si Maria Makiling ng Laguna. Nagsasalaysay naman angmitolohiya
ng kaayusan ng sanlibutan, simula ng buhay sa mundo at ng ugnayan ng mga tao sa
kanilang mga diyos tulad ng pangalang Kabunian bilang diyos ng mga Ibaloi at
Kankanaey, si Makanungan ng mga Ifugao, si Bathala ng mga Tagalog, at si Apo Malyari
ng mga Aeta.
Basahin ang tatlong akda at buuin ang sumusunod na gawain matapos itong mabasa.
Isaalang-alang ang mga dapat isaalang-alang upang matagumpay ka sa pagbuo ng
bawat gawain.
Teksto 1
Bal-lakay
(mula sa kuwento ni G. Leonardo dela Cruz Jr.)
Noong namatay ang kanyang asawa, kinatay niya ang kanyang mga alagang
baboy. Sa gabi ng libing, narinig niya ang boses ng asawa na nagsasabing “Bal-
lakay,hindi ko maigiya ang mga baboy sa kanilang pupuntahan”. Tahimik na tumungo si
Bal-lakay sa kapitbahay at sinabi ito, “Halika at igiya mo ang mga baboy sa kanilang
pupuntahan”. Agad na siyang umalis. Sumunod ang kapitbahay at tinanong kung nasaan
ang mga baboy. Nang hindi sumagot si Bal-lakay ay bumalik ito sa kanyang bahay. Hindi
nagtagal ay namatay ang kapitbahay.
Teksto 2
Teksto 3
Mitolohiya ng mga Kankanaey
(Saling-akda mula sa kompilasyon ni Delfin Tolentino)
Noong unang panahon, may isang batang lalaking nagngangalang Balanga- atan
na may isang nakatatandang kapatid na babae na may isang anak na lalaki. Maaga silang
naulila kung kaya’t kinailangan niyang pumisan sa kanyang kapatid. Walong taong gulang
lamang siya.
Isang araw ay inutusan siya ng kanyang ate na magbayo ng bigas, alagaan ang
kanyang anak at iba pang gawain. Nais ng mag-asawa na wala nang gagawin pagdating
nila dahil na rin sa pagod sa pagtatrabaho. Ngunit nag-iwan siya ng gagawin ang mag-
asawa pagdating nila dahil na rin sa kapagurang magtrabaho sa bahay habang nag-
aalaga ng isang bata na hindi kakatwang magawa ng isang batang lalaking tulad ni
Balanga-atan. Kinagabihan, nalaman ng mag-asawa na hindi pa pinakain ng bata ang
mga baboy. Labis ang pagpalo sa kanya ng kanyang nayamot na ate na sukdulang
mahiwalay ang kanyang balat. Pinalayas siya nang gabing iyon. Nakatulog si Balanga-
atan na walang kamiseta sa isang bakanteng kulungan ng baboy. Umiyak na
ipinanalangin niya na mas mabuti pang mamatay na siya kaysa patuloy ang kanyang
paghihirap.
Video: https://www.youtube.com/watch?v=H3FwZAEWkgQ&t=13s
D. Pagpapalihan
Pumili ng isang tagpuan upang isalaysay ang isang mabuti o masamang naging
karanasan mo dito na dapat matutuhan ng isang Pilipino. Sumulat ng isang talatang
nagsasalaysay gamit ang mga pahayag sa wastong pagsusunod-sunod. Lagyan din ng
angkop na pamagat.
_
Pamagat
Punan ang kahon ng mga impormasyon batay sa binasang mga kuwento upang
maibigay mo ang mga elementong taglay ng mga ito.
2.Mga Tauhan
3.Tagpuan
4.Kaisipan o Aral
5.Heograpiya ng
Pook na Inilarawan
6.Uri ng Pamumuhay
ng Lugar
Mt. Province:
Kankanaey:
MgaTagalog:
6. Paano nakatulong ang mga akdang iyong binasa upang makilala ang kultura o
kaugalian at identidad ng isang pook gaya ng Luzon?
G. Mga Sanggunian:
Mga Aklat
1. Baisa-Julian, et. al. (2018) Pinagyamang Pluma 7: Wika at Panitikan sa
Mataas na Paaralan (Ikalawang Edisyon). Quezon City, Philippines:
Phoenix Publishing House, Inc.
2. Marquez Jr., Servillano T. Ph.D. (2018) Pintig ng Lahing Pilipino 7
(Ikalawang Edisyon). Quezon City, Philippines: Sibs Publishing House, Inc.
pahina 36.
Mga Video
https://www.youtube.com/watch?v=H3FwZAEWkgQ&t=13s
Aralin 3
A. Pamagat ng Aralin: MGA PANITIKAN NG LUZON
Aralin 3: Mito at Alamat
Panitikan: Mangita at Larina
Wika at Gramatika – Angkop na Mga Pahayag sa Panimula, Gitna at Wakas
B. Introduksyon sa Aralin
C. Pagpapaunlad ng Aralin
1. BANGHAY – ito ang elemento na kung saan makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa akda. Ito ay ang sumusunod:
a. Panimulang Pangyayari – dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan at suliraning
kakaharapin.
b. Papataas na Pangyayari – dito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi
sa interes o kapanabikan.
c. Kasukdulan – pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang
suliranin.
d. Pababang Pangyayari – nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.
e. Resolusyon – nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.
2. TAGPUAN – ang pook/lugar at panahon kung saan nangyari ang kabuuan ng mito/alamat/kuwentong-
bayan.
3. TAUHAN – ang mga gumaganap sa mito/alamat/kuwentong-bayan. May iba’t ibang uri nito:
a. Pangunahing Tauhan – ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa kanya umiikot ang kuwento, mula
sa simula hanggang wakas.
b. Katunggaling Tauhan – siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
c. Pantulong na Tauhan – karaniwang kasama ng pangunahing tauhan. Siya ang nagsisilbing
kapalagayang-loob o sumusuporta sa tauhan.
4. TEMA – ang paksa ng kuwento. Halimbawa nito ay kabutihan laban sa kasamaan, pag-ibig, kabayanihan,
paglilingkod, pag-ibig, pagkakaibigan, digmaan, at iba pa.
PANUTO: Panoorin ang Youtube video ng Alamat ni Mangita at Larina. Kung hindi mo man
mabuksan ang Youtube video, maaari mong basahin ang nasa word file nito. Matapos ito ay
kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba.
Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=B324AL-UtIk
Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may diin sa bawat pangungusap. Piliin sa kahon
sa ibaba ang tamang sagot.
2. Lalong namuhi si Larina sa kapatid dahil sa inakalang pakikialam nito sa kanyang mga
ginagawa.
3. Hinalughog ng matandang babae ang buong kabahayan subalit hindi niya nakita ang
hinahanap.
4. Natalos ng matanda ang tunay na ginawa ni Larina sa iniwan niyang supot ng mga buto.
Hinalungkat Nagmamadali
Mabilis Nalalaman
Nagalit Tumira
Word File:
D. Pagpapalihan
GAWAIN 3.3: Mito/Alamat, Ating Ibuod!
Yehey!!! Natutunan mo na rin ang wastong paggamit ng mga pahayag sa simula, gitna
at wakas. Ngayon, susubukan ang iyong pag-alala sa mahahalagang bahagi ng Alamat ni
Mangita at Larina sa pamamagitan ng buod. Unawain nang mabuti ang mga paalala at
magpatuloy sa gawaing pampagkatuto.
Ito ay iyong orihinal na gawa sapagkat gagamitin Hindi ito copy-paste na gawa mula sa
mo rito ang iyong mga sariling salita at gawa ng kaklase, sa ibang aklat o
pagkakaunawa. anumang sanggunian sa internet.
E. Paglalahat/Repleksyon
Ang galing mo! Marami ka na ring natutunan sa mga nakalipas na bahagi nitong aralin
na ito. Upang makumpleto mo ang aralin na ito, gagamitin mo ulit ang mga angkop na pahayag
sa panimula, gitna at wakas sa pagsasagot ng huling gawain. Paalala na isaalang-alang ang
graphic
Kung may babaguhin ka sa naging takbo ng buhay nina Mangita at Larina, ano iyon? Bakit?
Note: I-post sa Forum 1 ang iyong kasagutan. Kinakailangang binubuo ng 100 salita o higit pa ang iyong
kasagutan. Gumamit ng limang (5) angkop na pahayag sa simula, gitna at wakas. Salungguhitan o
lagyan ng underline sa mga pangungusap na mabubuo.
G. Mga Sanggunian:
Mga Aklat
Julian, Lontoc, Esguerra. (2015). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City, Philippines:
Phoenix Publishing House, Inc.
Mga Video
Filipino Fairy Tales. Si Mangita at Larina. Mangita and Larina Story in Filipino. Hinango
sa https://www.youtube.com/watch?v=B324AL-UtIk
Aralin 4
Pamagat ng Aralin: MGA PANITIKAN NG LUZON
Aralin 4: Sanaysay
Panitikan: Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto
Wika at Gramatika – Mga Pahayag sa Paghihinuha
A. Introduksyon sa Aralin
Kamusta? Binabati kita! Naisalaysay mo nang may kaayusan ang Mangita at Larina.
Ngayon naman, pupukawin ng sanaysay na Ningning at Liwanag ang iyong kamalayan ukol sa
bakit mahalagang mabuhay sa liwanag o katotohanan at hindi lamang sa ningning na bunga ng
kasikatan ng kapangyarihan. Sa bahaging gramatika naman, masusuri mo naman ang mga
pahayag na ginagamit sa paghihinuha. Halina’t magsimula sa ating aralin.
B. Pagpapaunlad ng Aralin
Panuto: Basahin ang tekstong “Ang Ningning at Liwanag” sa pamamagitan ng unang word file
na nilaan. Kung hindi mo nais ang magbasa, panoorin mo ang video clip sa pamamagitan ng
pag-click sa link na nilaan. Pagkatapos, gumawa ng buod ng akda gamit ang Cyclical Thinking
Map na nasa ikalawang word file. Sa bahagi ng pag-uugnay ng aral sa sariling karanasan,
gumamit ng mga pahayag sa paghihinuha. Isaalang-alang ang rubriks sa baba sa
pagsasagawa ng gawaing ito.
PANGUNAHING PAKSA
Kaibahan ng Ningning at Liwanag
1.
2.
3.
3. 3.
2.
3.
WG_PAGHIHINUH
A.
Wordfile1: docx
Nilalaman ng Wordfile 2:
C. Pagpapalihan
SANAYSAY.docx
Wordfile:
Video Links:
SIMULA (Running Time: 3:49): https://www.youtube.com/watch?v=9EBIqhfUYxo&list=PLU5ouQvg-
TeutbRG_-zfsn2rtIDu2CkmY&index=4
GITNA(Running Time: 3:49): https://www.youtube.com/watch?v=CYR_Z4tWJtg
WAKAS (Running Time: 3:37): https://www.youtube.com/watch?v=Wf2hIPFCWqE
D. Paglalahat/Repleksyon
Dahil sa mala-Ivy Aguas mong kahusayan na magpagtagumpayan ang pagkumpleto ng
talahanayan ng pagsusuri, limang palakpak para sa iyo!!!
Nawa ay nananatili pa rin sa iyong isipan ang mga natutuhan mo sa ibang aralin. Para
sa huling bahagi ng araling ito, sagutan ang huling gawain.
Bumuo ng opinyon gamit ang mga pahayag na naghihinuha sa pagsagot ng tanong na ito.
“Paano mo makakamtan ang katotohanan sa lahat ng iyong pag-aaral at pagkilos bilang isang
kabataan?”
Note: I-post sa Forum 1 ang iyong kasagutan. Kinakailangang binubuo ng ito ng tatlong (3) pangungusap.
Gumamit ng tatlong (3) pahayag sa paghihinuha. Salungguhitan ang mga pahayag na magagamit.
F. Mga Sanggunian:
Mga Aklat
Julian, Lontoc, Esguerra. (2015). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City, Philippines:
Phoenix Publishing House, Inc.
Mga Video
Malaya, Juan D. (2020) Mga Pahayag sa Paghihinuha ng mga Pangyayari. Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=btdBtBNoJt0
ABS-CBN Entertainment. (2017) Wildflower: Lily will seek revenge | EP4 . Hinango sa
https://www.youtube.com/watch?v=9EBIqhfUYxo&list=PLU5ouQvg-TeutbRG_-
zfsn2rtIDu2CkmY&index=4
ABS-CBN Entertainment. (2017) Wildflower: Lily pays Emilia on her birthday | The
Finale. Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=Wf2hIPFCWqE
Mga Dokumento
Curriculum Guide ng DepEd sa Filipino. (2016)
Aralin 5
A. Pamagat ng Aralin: MGA PANITIKAN NG LUZON
B. Introduksyon sa Aralin
Kamusta kang muli? Naibigan mo ba ang mga naunang aralin na inihanda para sa iyo?
Muli na naman tayong magkakasama. Ngayon, ang iyong pag-aaralan ay ang panitikang mula
sa Luzon. Ito ay kinabibilangan ng Maikling Kuwentong “Yumayapos ang Takipsilim”. Inaasahan
sa aralin na ito na mahihinuha mo ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa loob ng kuwento.
Inaasahan din sa araling ito na maibigay mo ang kahulugan ng mga salita batay sa konteksto
ng pangungusap. Sa bahagi ng Wika at Gramatika, tutulungan kitang malalaman mo ang
Anaporik at Kataporik sa tulong ng mga halimbawang inihanda. Kaya’t ARAT NA sa panibagong
kaalaman.
C. Pagpapaunlad ng Aralin
YUMAYAPOS ANG
TAKIP SILIM.docxtext
Word File:
MGA PANUTO:
“ ‘La,” ang sabi ni Lydia na kumandong sa kanya at pinagdaop ang mga palad sa kanyang batok,” aalis
ka na nga ba rito, ha, ‘La?”
“Aalis ako? Aba, saan ako papunta?” ang tanong niyang may kahalong tawa. “Di na nga ‘ko
makakilos e – diyantreng rayuma ‘to! Aalis pa ‘ko?”
“Ayan! Ayan!” Tuwang-tuwa si Lydia. Inalis ang pagkakadaop ng mga palad sa batok ng Lola at
pumalakpak. “Sabi na nga ba, di ka pupunta kina Odet!”
Ang tawang nagpalabas sa mga gilagid na wala nang ngipin ay unti-unting natikom, kasabay nang
panliliit ng mga mata – mga matang umaaninag sa mukha ng apo.
“Batang ire, kung saan-saan kinukuha ang pinagsasabi. Saan mo ba nahagilap iyan? Pa’no ‘ko pupunta
kina Odet – ni hindi ko alam kung saan nakatira iyon? Dadalawang beses kong nakikita sa
…ku…kung ga’no na katagal na panahon!”
Ngunit hindi na nakikinig sa kanya si Lydia. Ito’y matuling bumaba buhat sa kanyang kandungan sa
unang ingit ng pinto na nagpasungaw sa magandang ina nito.
“Lydia,” ang tawag ng magndang si Carmen. Ang tinig na dumating sa pakinig ng Lola ay hindi marahas,
hindi galit. Malamig. Malamig. Ang magandang si Carmen ay aral sa kolehiyo. Kailanma’y hindi niya narinig ang
tinig nitong naging marahas, ni galit. Malamig lamang. Malamig. Si Lydia ay mabilis na lumabas sa kusina.
Sumunod ang ina nito. Mula sa upuang may-pagulong ay tinanaw ng matanda ang mag-ina.
“Inay,” ang marahang sabi ni Ramon, “gustung-gusto kayong makuha ni Rey – sabik na sabik daw
sa lola ang anak niyang si Odet. Kung iisipin nga naman, halos hindi kayo nakikilala ng mga apo ninyo sa
anzk ni’yong bunso.” May marahang tawang walang-taginting ang kasabay ng sinabing iyon ni Ramon. “Sabi
ko nga’y hindi kami papaya ni Carmen na makuha kayo ng kapatid kong iyon, pero…
“’Ba, ayoko ro’n. Sabi mo nga, ni hindi kami halos nagkakakilala ng mga apo ko – maski manugang
ko – kay Rey.”
“Pero,” ang patuloy ni Ramon, “baka naman magdamdam si Rey. Sabi ko na la’ng payag kami ni
Carmen … na … magbakasyon kayo roon.”
Mailap ang mga paningin ni Ramon. Umiiwas sa kulu-kulubot na mukhang nakataas sa kanya, sa
mga nalalabong matang umaaninag sa kanya.
Magbabakasyon ako … sa bahay … ng aking bunso? Buong kupad na gumapang sa kanyang isipan
ang narinig na iyon sa kanyang panganay. Hinaplos-haplos ng butuhan niyang kamay ang buhok niyang
simputi ng pilak. Bakasyon nga ba ang sinabi ng aking panganay? Kina Rey? Saan nga ba nakatira ang
aking bunso? Ano nga ba ang pangalan ng napangasawa niya? Si Odet ay apo ko yata sa aking bunsong
anak. Hindi ko maalala ang mukha. A, iba si Lydia. Kilala ko si Lydia. Bunso ng aking panganay. Maganda
ang kanyang ina. Sinasabong mabuti ang mga kamay ni Lydia. Bakit kaya? Talaga bangdadalawa ang aking
mga anak? Matagal nang namamatay ang kanilang ama.
“Inay, nakikinig ba kayo?” Nangingibabaw ang tinig ni Ramon sa sali-salimuot na isipang buong
kupad na gumagapang sa kanyang utak. Bakit ba padalas nang padalas na nagsasali-salimuot nang gayon
ang iba’t ibang isipan sa kanyang ulo. Noong bata-bata pa siya: Kung mauna ako sa iyo’y huwag mong
gaanong damdamin – may dalawa ka namang anak.
Mabigat ang kamay na pumatong sa kanyang balikat. “Napag-usapan na naming ni Carmen ang
bagay na ito, Inay. Nagkasundo kami – na pagbigyan ang gusto ni Rey.”
Ngayon ay lumiliwanag nang bahagya ang kanyagn isipan. Magbabakasyon ba’ka mo ako kina Rey?
Hinagilap ng nanlalabo niyang paningin ang mukhang kangina’y nakatunghay sa kanya, ngunit nag- iisa.
Luminga-linga siya. Talagang nag-iisa na siya. Pinagulong niya ang kanyang upuan hanggang sa may pinto.
Pinihit niya ang hawakan. Hindi natinag ang pinto. Nanatili sa pagkakapinid.
Sa kabila ng nakapinid na pinto’y naulinigan niya ang tinig ni Ramon. Malakas. Ngunit hindi
malinaw ang mga salitang hinahadlangan ng makapal na pinto. Naulinigan niyang bahagyang-bahagya ang
tinig ni Carmen. Marahan. Hindi galit. Malamig. Naglagos sa pinid na pinto ang kalamigan ng tinig niyon.
Inantok siya sa pagkikinig sa mga tinig na iyon. Bakit ba padalas nang padalas ang pag-aantok niya
kahit na araw? Sindalas ng pagsasali-salimuot ng iba’t ibang isipan sa kanyang utak na pabagal nang
pabagal sa pag-unawa sa anumang sabihin sa kanya ni Ramon. Ni Lydia. Ng mga kapatid nito. Ng mga
utusan. Matagal na siyang hindi kinakausap ng magandang si Carmen.
Kaalinsabay ng pag-aantok niya ang pagsasali-salimuot ng iba’t ibang isipan. Isipan nga ba o alaala?
Alaala nga ba o guniguni?
Dadalawa na lamang ang ating anak. Ang tinig ay humahakdaw sa maraming taon. Nagbabalik sa
kanya sa buong kabaitan niyon. Sa buong pagmamahal niyon. Napagtapos na natin silang dalawa ng karera.
Makapagsisimula na sila sa tulong ng kanilang sariling pagsisikap. Tayo naman ay maglibot-libot – hanggang
MIndanaw man lamang, hanggang Ilokos. Makita man lamang natin ang sariling bayan bago tayo
mamatay.
Taong ito, pasasaan ba’t hindi natin magagawa iyan – alam mong gustung-gusto ko iyan.
Ngunit kailangan pa nila tayo.
Aba, masama naman yatang ibigay na natin sa kanila ang lahat ng kanilang kailangan – ubusin
nang lahat sa kanila ang natititra pa sa kaunti nating natipon. Aba, baka naman maging masyadong
makasarili ang mga iyan. Ang tinig na iyon, sa buong kabaitan niyon, sa buong pagmamahal niyon, ay
ginapangan ng manipis na ulap ng pag-aalinlangan. Ngunit ito’y mabilis na pinawi ng nakasisilaw na
liwanag ng kanyang pananalig.
Taong ito, ang dalawa kong bunso, maging makasarili? Hindi mo nga pala sila nakikilala –
gaya ng pagkakilala ko!
Una muna si Ramon. Malaking bahagi ng kanilang tinipon ang nagpatayo ng isang bupete para
rito. Kagaraang umakit ng magagarang kliyente, ng mga usapin ng maseselang damdamin ng
maseselang tao na naghatid ng tagumpay ng kolehiyala’t magandang si Carmen.
Sumunod si Rey. Ang nalalabi pa sa kanilang tinipon ang nag-akyat kay Rey sa lipunang
kinatagpuan sa isang tagapagmanang taga-Timog.
Kinabukasan ng kasalan, ang tinig na iyo’y nagbalik sa katahimikang pinagmulan. Isang sakuna
ang sumakmal at kumitil nang panghabang-panahon, sa tinig na iyon at sa marupok na pangarap na
dapithapon ng buhay.
“Huwag na kayong umiyak, Inay.” Iyon ay tinig ni Ramon. “Sa amin kayo titira. Mabait si Carmen,
at malapit na kayong magkaapo.”
Apo? Mga apo? Mararahang yabag, mga yabag na di=nakatitiyak sa pangangabay, mabibilis na
paa sa pagtakbo, matitinis na tinig.
“Ang bola ko! I-i-i-i-i-iiiiiiiiiit!” Saglit na katahimikang sumabog sa matinis an sigaw ng maraming
tinig.
Ano iyon? Tuminag ang lola sa upuang may-pagulong, sa saglit ng kanyang pagkakalimot. O
pagkakatulog? O pangangarap?
Lumalapit sa kanya si Tinay, ang utusan. May tangang kutsarita ng gamot at isang basong
tubig.
“Lula, mag-inum na ikaw sa gamut – para d’yan sa imu na balat. U, mag-inum ikaw agad sa tubig
– masyado nang mapait n’yan, anu?” Sinipat ni Tinay ang nagmamalikaskas na balat sa mgabisig
ng matanda. “Pur bida, baka magi na matanda sa akon, gan’yan din sang balat ku?”’ Tumawa si Tina.
Ngunit bago iyon lumabas ay kinuwentuhan muna siya.
“Sino?”
“Sang Misis, ‘yung kumadri sang Niyura Carmin ‘yung magsabi, pagmagkita sa imu, parang
magkita rin sang nanay n’yang mamatay. Magsabi pa nga magsurwirti sang Lydia, mi lula – sang anak
n’ya, ala …”
Lumabas si Tinay, dala ang kutsarita at ang basong wala nang laman. Ipininid na muli ang pinto.
Buhat sa kabialng silid ay wala na ang taginting ng malaks na tinig ni Ramon. Wala na ang malamig na
tinig ni Carmen.
“Sang lula naman,” ang natawang sabi ni Tinay. “Sinu gid bisita ang magtanung sa imu? Sang
Mistir Riy ‘yun a! Imu na anak, di mu man kilala? Pur bida!” Muling tumawa si Tinay.
May kung anong biglang umawit sa kalooban ng matanda. Sumayaw. Nagniningning. Inaninag
ng kanyang mga nanlalabong paningin ang matangkad at matipunong katawang tuloy-tuloy sa salas.
Banaag ang araw na nagdaan sa kanyang pangmalas ang mukhang yaong kapilas ng sa amang nag-
alala nang gayon na lamang sa kanya – kung sakali’t mauna iyong angkinin ng kamatayan.
Simbilis ng alaala ang pagpaapgulong niya ng upuan, patungo sa pinasukan ng kanyang bunso.
Alaala ng tinig na iyong mabait at mapagmahal: Hu, ikaw ba naman, mas mahal mo ang bunso mong
iyan kaysa panganay. At ang tinig niya sa pagsagot: Taong ito – gaya mob a, may paborito? Kung hindi
pa halatang-halata ang pagkiling mo sa pangayan mong iyan!
Ang tinig niya ngayo’y humahakdaw sa kalawakan, sa buhay at kamatayan, at ngayo’y sinasabi
niya sa ama ng magkapatid: Nakita mo na – wala kang dapat ipangamba, mauna ka man sa akin.
Kukunin na ako ngayon ng ating bunso. Isasama ako sa bahay nila sa Timog. Taong ito – nag- aalala
nang walang dahilan.
Talagang itutuloy niya ang pagpapagulong ng upuan hanggang sa pinasukan ng kanyang bunso.
Sabik na sabik ang butuhan niyang mga kamay na makasalat sa mukhang iyong kapilas ng sa kanyang
kabiyak; ang nanlalabo niyang paningin na umaninag sa kabuoan niyong kinalong-kalong sa bata niyang
dibdib noong araw.
Sa ma’y pinto’y ipinatda siya ng malalakas na tinig ng kanyang panganay at ng kanyang bunso.
Nahinto ang paggulong ng kanyang upuan, kasabay ng pagtigil ng pag-inog ng kanyang daigdig.
“Habang panahon yatang kami ang nagpasan diyan. Ngayon namang ikaw ang dapat, marami
ka riyang idinadahilan.”
“A, ngayong hindi na niyo pinakikinabangan, ano? Saka sinabi ko na sa iyo, magra-round-the-
world kami, paano?”
Sumunod ang tinig ng magandang si Carmen. Malamig na tinig na hindi niya maunawaan ang
sinasabi. Malamig na tinig na nanuot nang malalim sa kanyang mga buto.
“Naku, sang matanda na ari – bakit magbasa ikaw sang ulan? Halika sang luub. Anu nang
ibulung sa imu – Misis Valli, Misis Valli. Naku, siguru mag-ulian nang talaga sang Lula. Halika sang luub.”
Panuto: Lagyan ng bilang 1-10 ang mga pangyayari sa kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod.
Isulat ang bilang sa patlang.
1.Natagpuan ni Tinay ang matanda na nagpapaulan sa may terraza.
2.Tuwang-tuwa si Lydia nang malamang hindi pupunta ang kanyang lola kina Odet.
3.Sinasabong mabuti ni Carmen ang mga bisig at kamay ni Lydia dahil pinandidirihan ng
kanyang manugang ang sakit niya sa balat.
4.Nais nina Ramon at Carmen na ang matanda ay magbakasyon muna kina Rey.
5.Sumagi sa kanyang isipan ang alaaala ng asawa ng matandang babae.
6.Tinawag ni Carmen si Lydia nang makitang nakakandong ang bata sa kanyang lola.
7.Lumapit si Tinay sa matanda upang painumin ng gamot.
8.Nagtataka ang matanda kung bakit padalas nang padalas ang pag-aantok niya kahit na
araw.
9. Ang pagtatalo ng magkapatid na sina Ramon at Rey ay tungkol sa kung sino ang mag-
aalaga sa kanilang ina.
10. Dumating ang bunsong anak ng matanda na si Rey sa bahay ng anak niyang panganay na
si Ramon.
2.
3.
1. Ayan! Ayan! Tuwang-tuwa si Lydia at pumalakpak, sabi na nga ba, di ka pupunta kina Odet!”
4. Huwag na kayong umiyak Inay. Sa amin kayo titira. Mabait si Carmen at malapit na kayong
magkaapo.
Gawain: SUBUKIN MO
WG_ANAPORA AT
KATAPORA.docx
Word File:
Ang ANAPORIK o sulyap na pabalik ay ang reperensya kung binanggit na sa unahan ang
salita.
Halimbawa:
Ang matatanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan.Utang natin sa ating magulang,lolo o
lola ang ating mga buhay at kinabukasan.Sila ang kumalinga sa atin noong mga bata pa tayo.
Suklian natin ang kabutihan nila sa atin.
Pagsasanay I
D. Pagpapalihan
Nilalaman ------------------------------------------------------------ 10
Paggamit ng Anaporik at Kataporik -----------------------------5
Paggamit ng balarila ------------------------------------------------5
Kabuuang puntos ---------------------------------------------------20
D. Paglalahat/Repleksyon
Sa bahaging ito, nais kong iwan sa iyong isipan kung ano ang iyong nasasalamin sa
ating paksang “’Yumayapos Ang Takipsilim sa katagang….
G. Mga Sanggunian:
Pangwakas na Gawain
A. Pamagat ng Aralin: MGA PANITIKAN NG LUZON
Aralin 6: Pagbabalita (PANGWAKAS NA GAWAIN)
B. Panimula
Binabati kita! Napagtagumpayan mong sagutan ang mga gawain sa aralin 5.Handa
ka na ba sa susunod na aralin natin? Mahilig ka bang makinig sa radyo o manood ng balita sa
telebisyon? Sa araling ito ay matutunan mo na suriin ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng
balita ayon sa napakinggang halimbawa. Tuturuan kang matukoy ang datos na kailangan sa
paglikha ng sariling ulat-balita batay sa materyal na binasa, maging ang paggamit ng angkop na
salita sa pag-uulat at bilang pangwakas na gawain ay makapagsasagawa ka ng
komprehensibong pagbabalita tungkol sa sariling bayan/lugar.Kaya’t tayo na tuklasin ang
panibagong kaalaman ng modyul na ito.
PAUNANG PAGTATAYA
C. Pagpapaunlad ng Aralin
GAWAIN 6.1: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Piliin ang angkop na salita sa pangungusap.
a. ayuda
b. kaloob
a. magaling
b. natatangi
a. Nagkaroon
b. Kinapitan
a. nakatatak
b. Nakalagay
5. Unti-unti ay lumalawak ang ng mga tao kung bakit kailangan pa ring sundin
ang safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno.
a. pang-unawa
b. kaalaman
Panuto: Panoorin ang balita na nakapaloob sa link. Pagkatapos mapanood, sagutin ang tanong.
Mga Tanong:
1. Anong inyong napansin sa paraan ng pagbabalita?
2. Ano naman ang inyong masasabi sa mga impormasyong inilahad sa balita?
3. Ano ang inyong masasabi sa pagkakabuo ng balita?
4. Bakit kaya ganoon ang istilo ng pagbabalita?
5. Ano-ano kaya ang mga kakailanganin upang makabuo ng isang maayos na balita?
Matapos mong mapanood ang video, alamin kung paano ba ang pagsulat ng balita:
Pagsulat ng Balita
Sa pagsulat ng balita, karaniwang ginagamit ang kayariang baligtad na tagilo (invertedpyramid)
kung saan makikita ang pagpapahalaga sa bahaging nais itampok.Narito ang paraan sa pagsulat
ng isang balita.
1. Karaniwang isinusulat ang mahalagang datos sa unang talata na kung tawagin PAMATNUBAY
NA PANGUNGUSAP. Maari itong isulat sa isang pangungusap.
2. Subalit karaniwan itong binubuo ng dalawa o tatlong pangungusap. Kadalasa’y tumutugon ito
sa mga tanong na ANO,SINO,KAILAN,BAKIT AT PAANO ayon sa nais itampok o bigyang
halaga sa balita.
3. Ang katawan ng balita ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa mga datos
na binanggit sa pamatnubay Ang panghuling bahagi ay tumutugon sa di-gaanong mahalagang
detalye.
Samakatuwid, sinusulat ang katawan sa paraang pahina nang pahinang kahalagahan.
Bukod sa hakbang na nabanggit, dapat ding tandaan sa pagsulat ng balita na kailangang
gumamit ng simple, napapanahon, naiintindihan at madaling gamiting mga salita.
D. Pagpapalihan
Mga Hakbang:
1. Kayo ay magpangkat-pangkat sa apat upang makabuo ng isang pagbabalitang pa-video
tungkol sa pag-unlad ng inyong lugar.
2. Paghandaan ito ng 2 araw.
3. Dahil sa kadahilanang tayo ay nasa quarantine period, hindi na kailangang lumabas ng bahay.
Magsaliksik ng iba’t-ibang larawan sa inyong lugar at iulat ito ng PABALITA.
TALA: Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba para sa paghahanap ng datos. Makatutulong ito upang
mabilis mong mabuo ang balitang gagawin.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
100%
Kabuuang Puntos
Tala: Ipasa sa Moodle/Submission Bin ang inyong mga gawain. Ipapaliwanag ng Guro ong
mag-aaral ang mga pamantayan sa pagmamarka.
E. Paglalapat
Sagutin ang tanong: Bilang isang kabataan, paano mo pahahalagahan ang mga balitang iyong
napapakinggan o nababasa?
Tala: I-post sa Forum ang iyong kasagutan. Gumamit ng angkop na salita sa pagpapaliwanag.
G. Mga Sanggunian:
Mga Aklat
Julian, Lontoc, Esguerra, Dayag (2014). Pinagyamang Pluma 7(Kto 12).Quezon City Philippines:Phoenix
Publishing House,Inc.
Villafuerte,Patrocinio,V.,et. al (1989). Filipino I (UnangEdisyon) (1991,1994) (Muling Limbag). Quezon City.
Phillippines: Book Media Press Inc.
Gonzalo,Romeo P.Jr.,(2013). Salitikan (Salita at Panitikan) 7. Las Pinas City, Philippines: Hope Publishing
House Inc.
Mga Larawan
Reporter GMA (Larawang online) Photo Courtesy of facebook.com/iamkatrinason
Mga Video
Public Information Office Dasmarinas. 2020. https://www.youtube.com/watch?v=idth5hvyehQ&fbclid=
IwAR0P9JoT9EWaDGMH DVnKVf9rDDUATHQkJupo4GCvG0ADG-BGqFMU6K4_VT8