You are on page 1of 11

Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

ARALIN 24.1
Pagsusuri ng Isinapelikulang Nobela
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 3

Pag-aralan Natin 4
Pagsusuri ng Isinapelikulang Nobela 4
Mga Elemento ng Pelikula na Dapat Isaalang-alang sa Pagsusuri 5

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 10

Mga Sanggunian 10
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

Aralin 23.4
Pagsusuri ng Isinapelikulang Nobela

Lar. 1. Ang ilang pelikula ay halaw o mula sa mga nakasulat na kuwento tulad ng nobela.

Introduksiyon
Isa sa kinahihiligang libangan ng mga tao ang panonood ng pelikula. Kinawiwilihan ng mga
tao ang iba’t ibang kuwentong hatid ng mga ito. Kadalasan, ang mga pelikulang ating
napanonood ay halaw o mula sa mga nakasulat na kuwento tulad ng mga nobela. Ang mga
pelikulang ito ang tinatawag na isinapelikulang nobela. Kaugnay nito, higit nating
mauunawaan ang nais na iparating ng pelikula sa pamamagitan ng pagsusuri nito. Sa
pagsusuri ng isang pelikula, bumubuo tayo ng analisis o pagpapaliwanag sa mga detalyeng
nais na bigyang-pansin o punahin. Tinatawag din itong movie review. Maaaring ito ay
paglalahad ng magagandang puna sa iskrip at/o kabuuan ng pelikulang napanood. Maaari
namang tungkol sa mga kahinaan at mga suhestiyon patungkol sa iskrip at/o kabuuan nito.

1
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

Kaya sa araling ito, higit mong makikilala, malalaman, at mauunawaan ang pagsusuri sa
isinapelikulang nobela.

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Natutukoy ang iba’t ibang elementong maaaring suriin sa isang pelikula.
● Nasusuri ang isinapelikulang nobela.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
● Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela.
(F10PD-IIIh-i-79)
● Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang
mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula. (F10PS-IIIh-i-83)

2
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

Simulan

Paboritong Pelikula

Materyales
● kuwaderno
● panulat

Mga Panuto
1. Balikan at alalahanin ang paborito mong pelikula.
2. Punan ang talahanayan ng mga impormasyong kaugnay ng paborito mong pelikula.
3. Sagutin ang sumusunod na tanong na kaugnay ng gawain.

Talahanayan 1: Paboritong Pelikula

Paboritong Pelikula

Pamagat

Paksa o Tema
(Tungkol saan ang
pelikula?)

Mga Tauhan sa Pelikula


(Mga gumanap na karakter)

Damdamin ng Pelikula
(Anong emosyon o
damdamin ang
nangibabaw sa pelikula?)

3
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

Mga Gabay na Tanong


1. Bakit mo naging paborito ang ibinahaging pelikula?
2. Anong emosyon ang nangingibabaw sa iyo sa tuwing napanonood mo ang iyong
paboritong pelikula?
3. Sa iyong palagay, paano nagiging maganda at makatotohanan ang isang pelikula?
4. Sa iyong palagay, ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano ang layunin ng pagsusuri ng pelikula? Ano-ano ang dapat isaalang- alang
sa pagsusuri ng pelikula? Bakit mahalaga ang pagsusuri ng mga pelikula?

Alamin Natin
ganid gahaman

tinuran sinabi; isinaad

kumikintal tumatamo o tumatanim sa isipan

Pagsusuri ng Isinapelikulang Nobela


Ang pelikula ay isang anyo ng sining na may gumagalaw na larawang inirekord upang
ipalabas sa sinehan. Tinatawag din itong moving pictures na ipinakilala sa Pilipinas noong
taong 1897. Nagsimula ito sa mga palabas na kulay itim at puti o black and white hanggang
sa naging de-kulay na rin itong nagpapakita ng tunay na itsura o representasyon ng mga
tao, bagay, lugar, at pangyayari.

Bukod sa aliw na dala ng mga pelikula sa mga manonood, nag-iiwan din ito ng mga

4
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

natatanging kaisipan na may gampanin sa buhay ng mga tao. Kaya isang mahalagang
bahagi ng pag-unawa sa mga pelikula ang pagsusuri din nito. Isinasagawa ang pagsusuring
ito sa mga pelikula dahil naniniwala ang mga tagasuri na ang kagandahan ng isang pelikula
ay hindi lamang sa kuwento nakasalalay. Tinitingnan din dito ang mga aspektong teknikal
dahil ang mga ito ay kabilang sa nagbibigay-buhay sa pelikula at nagiging batayan ng
pagiging de-kalidad nito.

Bukod dito, higit na nakatutulong sa paglalim ng kaalaman at kaisipan ng mga manonood


ang pagsusuri sa pelikula. Ilan sa mga maaaring isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula ang
mga elementong bumubuo rito. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Mga Elemento ng Pelikula na Dapat Isaalang-alang sa Pagsusuri


1. Tema- Ito ang maituturing na pundasyon ng isang pelikula. Ito ang nagpapahayag ng
paksang tinatalakay, layunin at ipinararating na mensahe ng pelikula.
2. Mga Tauhan- Tumutukoy ito sa mga taong gumaganap sa iba’t ibang karakter o
katauhan sa pelikula. Kadalasan, ang mga tauhang ito ay mga artista na
nagbibigay-buhay sa mga karakter sa kuwento ng pelikula.
3. Tagpuan- Tumutukoy sa lugar at panahon o petsa kung saan at kailan naganap ang
mga pangyayari sa pelikula. Tandaan, maaring magkaroon ng iba’t ibang tagpuan sa
pelikula batay sa mga isinasalaysay nitong mga pangyayari.
4. Layunin- Tumutukoy ito sa goal o sa gustong mangyari ng pelikula sa mga
manonood. Maaaring ang pelikula ay may layong magpatawa, magbigay- aliw o
maaari din naman itong maghatid ng aral sa mga manonood. Nagkakaiba-iba ang
layunin ng pelikula batay sa genre o uri nito dahil maaaring ibatay ang layunin ng
isang pelikula sa uring kinabibilangan nito.
5. Musika o Sound Effect- Ito ang musika o mga tunog na naririnig sa mga eksena sa
pelikula. Ito ang nagpapatindi at nagbibigay-kulay rin sa mga pangyayari sa bawat
eksena sa pelikula.
6. Editing ng Pelikula- Tumutukoy ito sa wastong pagkakasunod-sunod o daloy ng mga
pangyayari sa pelikula kapag pinagsama-sama ang mga eksena. Isinasagawa ito
upang higit na maunawaan ng mga manonood ang ipinararating na kuwento at

5
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

mensahe nito.
7. Direksyon- Tumutukoy ito sa naging pamamahala ng direktor sa pelikula. Ang
direktor ang namamahala o ang mayroong pananagutan sa kabuoang pagsasadula
ng mga tauhan sa kuwentong isinasalaysay ng pelikula. Ang mga direktor din ang
nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip na ginagamit bilang batayan ng mga
pangyayari sa pelikula.

Sa kabuoan, ang mga pelikula ay nagbibigay kasiyahan at libangan sa mga manonood.


Gayundin, ang pagsusuri naman sa mga pelikula ay maaaring makatulong sa paghasa ng
ating mapanuri at kritikal na pag-iisip. Samakatuwid, ang panonood ng pelikula ay may
epekto sa damdamin at kaisipan ng bawat manonood dahil naaapektuhan nito ang ating
emosyon gayundin ang ating mga ideya at paniniwala.

Basahin at pag-aralan ang isang halimbawang panunuring-pampelikula sa Basahin Natin at


Sagutin Natin.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sino ang namamahala sa kabuoan ng pelikula?
2. Bakit mahalagang malaman ang layunin ng isang pelikula?
3. Bakit mahalagang masuri ang tema ng isang pelikula?

6
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagsusuri ng mga pelikula?
2. Bakit mahalagang bigyan ng konsiderasyon ang mga elemento ng pelikula sa
pagsusuri nito?
3. Kung ikaw ay isang propesyunal na tagasuri ng pelikula, ano ang iyong pagtutuunan
ng pansin at bakit?
4. Paano makatutulong ang kaalaman sa mga teoryang pampanitikan para sa paggawa
ng panunuring pampelikula?

Isaisip Natin
Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa pagsusuri ng
pelikula?

Pag-isipan Natin
Sundin ang sumusunod sa pagsusuri ng pelikula.
1. Magsaliksik at pumili ng isang pelikulang Pilipino na halaw sa isang nobela.
2. Suriin ito gamit ang iyong mga kaalaman sa mga elemento ng pelikula na dapat na
isaalang-alang sa pagsasagawa ng pagsusuri.
3. Isaalang-alang ang kaisahan at pagkakaugnay-ugnay na mga talata sa isusulat na
pagsusuri.
4. Sagutin at gamiting gabay ang mga tanong sa isasagawang pagsusuri.
5. Gamitin ang talahanayan sa pagsasagawa ng gawain.

7
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

Pagsusuri ng Pelikulang Pilipino

Pamagat

I. Paksa o Tema
(Tungkol saan ang pelikula?
Ano ang damdaming
isinasaad o ipinadarama ng
pelikula sa mga
manonood?)

II. Tauhan sa Pelikula


(Sino-sino ang tauhan?
Naging akma o angkop ba
ang mga tauhan sa paksa,
panahon, at mga
pangyayari sa pelikula?
Ano-anong pag-uugali ang
nasalamin sa mga tauhan?)

III. Tagpuan sa
Pelikula
(Saan at kailan naganap
ang mga pangyayari sa
pelikula?)

IV. Layunin ng
Pelikula
(Ano ang layunin ng
pelikula?)

8
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

V. Musika o Sound
Effect
(Angkop ba ang tunog o
musikang ginamit sa mga
pangyayari o eksena sa
pelikula?
Nakatulong ba sa
pagpapaganda ng pelikula
ang ginamit na mga tunog
o musika?)

VI. Direksyon at
Editing
(Sino ang direktor ng
pelikula? Maayos ba ang
pagkakasunod-sunod ng
pangyayari o eksena ng
pelikula?)

VII. Buod ng Pelikula

9
Filipino

Baitang 10 • Yunit 24: Pelikula Bilang Panitikan

Dapat Tandaan

● Ang pelikula ay isang anyo ng sining na mayroong gumagalaw na larawan na


inirekord upang ipalabas sa sinehan at tinatawag din itong moving pictures.
● Ang mga elemento ng pelikula na dapat isaalang- alang sa pagsusuri ng pelikula ay
ang tema, tauhan, tagpuan, layunin, musika o sound effect, editing, at direksiyon.

Mga Sanggunian

Adaya, Jomar G. et. al. 2012. “Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Unang


Edisyon).” Jimczyville Publications. Malabon City.
Animoza, Imelda V. 2007. Hiyas ng Diwa IV. Quezon City: Abiva Publishing House,
Inc.
Del Rosario, Mary Grace G. et. al. 2014. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.
Gonzaga, Marina at Dimaguila, CristIna. 2016. “Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at
Panitikan.” Abiva Publishing House, Inc. Quezon City.
Lacano, Diana Gracia L. at Maida Limosnero-Ipong. 2015. Parola. Valenzuela City:
JO-ES Publishing House Inc.
Marasigan, Emily. 2016. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix
Publishing House.

10

You might also like