You are on page 1of 9

DLP Blg.

: 20 MASUSING BANGHAY ARALIN


Assignatura: Baitang: SAMarkahan:
FILIPINO Oras: 60
FILIPINO 8 IKATLO minuto
Mga Kasanayan: Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa Code:
mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood na F8PD-IIIg-h-32
pelikula

Susi ng Pag-unawa Ang pananaw ng isang indibidwal ay nakatuon sa kung paano nila
na Lilinangin: pinapahalagahan at binigyang kahulugan ang mga bagay.
1. Mga Layunin
Kaalaman Nakatutukoy sa mga ekspresyon na gagamitin sa pagpapahayag ng
sariling pananaw

Kasanayan Nakapagbibigay ng sariling reaksyon mula sa mga isyung napanood


sa pelikula.

Kaasalan Nakapagbibigay ng bukas na pag-iisip mula sa mga sitwasyon sa


pelikulang napanood.

Kahalagahan Napahahalagahan ang isang pangyayari sa pelikula na


nakapagpamulat sa kamalayan ng tao tungkol kakayahan ng isang
indibidwal.

2. Nilalaman Pagbibigay hinuha sa treyler ng Pelikula

3. Mga Kagamitang Powerpoint presentation,laptop, bidyu ng piling pelikula,gawaing


Pampagtuturo papel para sa mag-aaral.

4.1 Panimulang Indicator 5-Managed learner behavior constructively by applying


Gawain possitive and non-violent discipline to ensure learning-focused
environments.
4mins
 Panalangin
 Pagbati sa mga mag-aaral
 Pagtsek ng atendans
 Pagbabalik-aral

Paalala ng guro: Umupo ng maayos,walang sasandal sa likuran ng


upuan upang hindi antukin at hindi mawalan ng pokus,dapat makinig
sa guro na nagsasalita sa harapan ng klase kung mayroong tanong o
gustong klaruhin itaas lamang ang kamay upang matugunan ang
iyong pangangailangan.Klaru lang ba ang lahat ng aking sinasabi?
Tayo ba ay nagkakaintindihan?Ngayon ay sisimulan na ang ating
isang oras na talakayan.
Pagbabalik-aral:
Bago natin tatalakayin ang paksa natin ngayong umaga,balikan muna
natin ang ating pinag-usapan kahapon.Sino sa inyo ang nakaalala sa
paksa natin kahapon?

Guro: Okay tama,ang galing ninyo,tanda talaga na pinahalagahan


ninyo ang paksa natin kahapon at pati na sa araw-araw nating
talakayan.

Bilang pampaganyak na gawain,magtatanong ang guro kung sino sa


mga mag-aaral ang mahilig manood ng pelikula pagkatapos susuriin
kung ilang oras ang inilaan sa panonood ng pelikula at ilan na lamang
ang natitirang oras para sa iba pang gawain.

1 araw = 24 oras
1 oras = 60 minuto
1 minuto= 60 segundo

Lhorie - 4 na oras ng panonood ng pelikula sa araw na linggo.


Jean Lee - 5 oras na panonood ng pelikula sa araw na linggo.
Jude - 6 na oras na panonood ng pelikula sa araw na linggo.

24 hrs
- 4 hrs
20 hrs - ang natitirang oras ni Lhorie para sa kaniyang pag-aaral,at
pagtulong sa mga gawaing bahay at kabilang na dito ang oras ng
pagtulog.
Ilang minuto mayroon ang 20 oras - 20 x 60 = 1,200 minuto

Indicator 2-Used a range of teaching strategies that enhance learner


achievement in literacy and numeracy skills.(numeracy)

4.2 Mga
Gawain/Estratehiya Puna ng guro: Ngayong tapos na nating pahusayin ang inyong mga
3 mins talento sa pagbibilang ng numero magpapakita ang guro ng isang
treyler ng pelikula at susuriin ng guro ang hinuha ng mga mag-aaral
sa pelikulang napanood.
4.3 Pagsusuri

5 mins Indicator 2-Used a range of teaching strategies that enhance learner


achievement in literacy and numeracy skills.(literacy)

Panuto:Basahin ang mga katanungan at ibigay ang sagot ayon sa


iyong sariling pagkaintindi.

MGA TANONG:

 Bakit kaya ganoon na lamang ang emosyon ng mga tauhan sa


kwento?
 Paano mo huhusgahan ang damdamin ng tauhan sa bahagi ng
pelikula na iyong napanood?

Puna ng guro: Napakagaling ng iyong mga ginawa,lahat ng inyong


mga kasagutan ay tama.Palakpakan natin ang inyong mga sarili.Lahat
ng nagboluntaryo sa pagsagot ay mayroon tiglilimang puntos. Ngayon
umupo ng maayos upang maiwasan ang antok at upang matuon ang
sarili sa ating talakayan ngayong ugma.

4.4 Pagtatalakay Gamit ang powerpoint presentation na inihanda ng guro.Magkakaroon


ng aktibong talakayan sa pelikula at mga eksprseyong nagpapahiwatig
20 mins ng sariling pananaw kasama ang mga mag-aaral.

Ang pelikula ay isang obra ng sining. Katulad ng pagpipinta, pagsulat,


at iba pa, ito ay larangan ng sining. Layunin nito na magbahagi ng
kwento sa pamamagitan ng biswal na representasyon. Ito rin ay
nagsisilbing libangan ng mga tao.
Ang paksa natin ngayon ay maiuugnay natin sa paksa na natalakay
natin noong nakaraang kwarter.Ang mga ekspresyon nagpapahiwatig
ng sariling pananaw dahil ito ang kasanayan na dapat nating malinang
sa araw na ito.

Katulad ng :
Sa aking palagay,kung ako ang tatanungin,sa tingin ko,sa
inaakala ko,para sa akin,sa ganang akin,atbp.

Halimbawa:

Kung ako ang tatanungin,ang pelikula ay naghahatid ng aral lalo na sa


mga kabataan na malayo sa kanilang mga magulang.

Indicator 1-Applied knowledge of content within and across


curriculum teaching areas.(within curriculum teaching areas)

Babalikan ng guro ang bidyu na ipinapanood ng mga mag-aaral sa


unang gawain.At susuriin ito gamit ang mga katanungan sa
ibaba.Pagkatapos magtatanong ang guro at sasagutan ito ng mga mag-
aaral gamit ang mga ekspresyon sa pagpapahiwatig ng sariling
pananaw.

MGA TANONG:

1. Sa iyong sariling pananaw,makabuluhan ba ang pag-iwan ng ina sa


kaniyang mga anak?

2. Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas ng ina


at ang mga tinahak na landas ng mga anak sa mga oras na hindi
kasama ang ina?

3. Bilang kabataan, ano ang iyong maipapayo sa mga kabataan na


malayo sa kanilang magulang dahilan ng pagtatrabaho sa ibang bansa
para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya?

4.5 Pagpapalawak
20 mins Pagpapalawak ng gawain,hahatiin ng guro ang klase sa dalawang
pangkat.Bawat pangkat ay magkakaroon ng kaniya kaniyang gawain.

Panuto: Magkakaroon tayo ngayon ng pangkatang gawain bawat


pangkat ay pipili ng lider.Kinakailangan bawat meyembro ng pangkat
ay magkakaroon ng kooperasyon at dapat mayroong pantay-pantay na
pagtrato ng bawat isa.Ang gawaing ito ay nakatuon sa kakayahan at
ayon sa kanilang eksperto, walang pinipiling kasarian babae
man,lalaki,bisexual,transgender atbp. ay katanggap-tanggap at
kabilang sa pangkatang gawain.Bibigyan ko lamang kayo ng 10
minuto sa paghahanda at pag-iinkowd ng gawaing papel at tiglilimang
minuto sa bawat pangkat para sa pagpapahayag. Lahat ng mag-aaral
ay bibigyan ng pagkakataon na humusga sa pangkatang
gawain,bibigyan sila ng rating sheet para paglagyan ng kanilang
marka na ibibigay sa dalawang pangkat.

Indicator 8-Selected,developed,organized and used approriate


teaching and learning resources,including ICT,to address learning
goals.

Indicator 6-Used differentiated developmentaly appropriate learning


experiences to address learner’s gender,needs,strengths,interest and
experiences.

Mga kaakibat na gawain:

Pangkat 1 - “Talk show”(Pagbuo ng isang talk show hinggil sa mga


pangyayari sa pelikula).

Pangkat 2 - Pagtala at pagpapakita ng mga wastong gawi na


maipapadama sa magulang na sila ay mahalaga at minamahal sa
paraang sabayang pagbigkas.

Paalala:
Simula sa unang araw ng taong panuruan inalam ng guro ang bawat
talento ng mga mag-aaral upang matukoy saan sila komportable sa
pagtugon ng mga gawain alinsunod sa mga kasanayan sa asignatura.

RATING SHEET

Pangalan:____________________

Pamantayan sa Pagmamarka:
 Orihinalidad at Pagkamalikhain – 35 %
 Pagkakaugnay sa Diwa/Paksa - 40 %
 Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 25 %
100 %

P1 -

P2-

Puna:
Pamantayan sa Pagmamarka:
 Orihinalidad at Pagkamalikhain – 35 %
 Pagkakaugnay sa Diwa/Paksa - 40 %
 Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 25 %
100 %

5. Pagtataya 6 mins
Pasulit Indicator 9-Designed ,selected,organized and used
4mins diagnostic,formative and summative assessment strategies consistent
with curriculum requirements,(formative)

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at pagkatapos sagutan


ito gamit ang mga ekspresyong nagpapahiwatig ng sariling
pananaw.Bawat angkop na sagot ay may limang puntos bawat bilang
at kung hindi masyadong angkop ang sagot sa pagpapahayag ay
mayroong tatlong puntos,kung malayo na ang sagot sa paksa ay
mayroong isang puntos.Pagbutihin ang pagpapahayag at dapat maging
totoo sa sarili,ang iyong puntos na makukuha ay naaayon sa tibay ng
iyong pahiwatig sa pagpapahayag kaugnay sa paksa.

1. Anong eksena ng pelikula ang nakapagpaantig ng iyong


damdamin?Paano?Bakit?

2. Paano mo masusuklian ang kabutihan at pagsasakripisyong hinarap


ng iyong mga magulang para magkaroon ka ng magandang
kinabukasan?

Indicator 3-Applied a range of teaching strategies to develop critical


and creative thinking , as well as other higher-order thinking skills.

6. Takdang Aralin
1 mins. Magsaliksik tungkol sa mga sangkap ng pelikula.
7.
Paglalagom/Panapo Ano ang aral/mensahing nais iparating ng bidyu mula sa pelikulang
s na Gawain “Anak”?
3 mins

Inihanda ni:
Pangalan: JEIZEL A. CASAS Paaralan: B.DURANO INTEGRATED
SCHOOL
Posisyon/Designasyon: TEACHER 1 Sangay:
Contact Number: 0949-355-1690 Email address: jeizel.casas@gmail.com
Pangkat 1
Tagapanayam: Magandang umaga sa inyong lahat welcome po sa aming palabas na…”Hali
ka Usap tayo”
Tagapanayam: Ang ating bisita ngayong umaga ay walang iba kundi ang mga tanyag na
modelo sa ating henerasyon ngayon,sina Venes,May Ann at Angel..Ngayong umaga pag-
uusapan namin ang tungkol sa pelikulang kanilang napanood at sa kanilang pagsagot at
gagamit sila ng mga ekspresyon na nagpapahiwatig ng sariling pananaw.

Tagapanayam: Veness,ano ang masasabi mo sa treyler ng pelikula na iyong napanood


kanina?
Veness: Kung ako ang tatanungin sobra akong nagandahan sa pelikula ,ito ay nagbibigay aral
sa mga bata na nalulung sa masasamang bisyo.

Tagapanayam: Para naman sa iyo May Ann ano naman ang iyong masasabi sa pelikula?
May Ann: Para sa akin,lahat ng ina ay walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng kanilang
mga anak at pamilya.
Tagapanayam: Ikaw naman Angel,ano ang naramdaman mo matapos mo mapanood ang
treyler ng pelikula?
Angel: Sa aking palagay,masakit sa damdamin ang dinaranas ng ina,at masakit rin na isipin
na ang mga bata ay lumalaki na hindi kapiling ang kanyang magulang.

Tagapanayam: Maraming salamat po sa inyo,naway makapagbigay po kayo ng inspirasyon


sa ating mga manonood ngayong umaga.Masaya po ako na nakasama ko kayo sa mga oaras
na ito.At dito lamang po nagtatapos ang ….”Hali ka Usap tayo”paalam…….
Pangkat 2

Kung kami ang tatanungin,


1. Sundin ang utos ng ating mga magulang.
2. Mag-aral ng mabuti
3. Huwag gumawa ng ikasasama ng loob ng ating ina.
4. Ipakita ang pagmamahal sa pagtulong sa gawaing bahay
5. Yakapin si inay ng madalas.
6. Ipanalangin ang kalusugan ni nanay at ang buong pamilya.
RATING SHEET RATING SHEET
Pangalan:____________________ Pangalan:____________________

Pamantayan sa Pagmamarka: Pamantayan sa Pagmamarka:


 Orihinalidad at Pagkamalikhain – 35 %  Orihinalidad at Pagkamalikhain – 35 %
 Pagkakaugnay sa Diwa/Paksa - 40 %  Pagkakaugnay sa Diwa/Paksa - 40 %
 Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 25 %  Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 25 %
100 % 100 %

P1 - P1 -
P2- P2-

RATING SHEET RATING SHEET


Pangalan:____________________ Pangalan:____________________
Pamantayan sa Pagmamarka: Pamantayan sa Pagmamarka:
 Orihinalidad at Pagkamalikhain – 35 %  Orihinalidad at Pagkamalikhain – 35 %
 Pagkakaugnay sa Diwa/Paksa - 40 %  Pagkakaugnay sa Diwa/Paksa - 40 %
 Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 25 %  Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 25 %
100 % 100 %

P1 - P1 -
P2- P2-

RATING SHEET RATING SHEET


Pangalan:____________________ Pangalan:____________________
Pamantayan sa Pagmamarka: Pamantayan sa Pagmamarka:
 Orihinalidad at Pagkamalikhain – 35 %  Orihinalidad at Pagkamalikhain – 35 %
 Pagkakaugnay sa Diwa/Paksa - 40 %  Pagkakaugnay sa Diwa/Paksa - 40 %
 Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 25 %  Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 25 %
100 % 100 %

P1 - P1 -
P2- P2-

You might also like