You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino

Senior High School


Pebrero 21,2022; 10:00-12:00pm & 1:00-3:00pm

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng Tekstong Persuweysib;
B. Naiuugnay ang Tekstong Persuweysib sa pang araw-araw na gawain; at
C. Nakapagtatanghal ng malikahaing patalastas na nagpapakita ng Persuweysib.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: Tekstong Persuweysib
B. Sanggunian: Aklat sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
https://www.slideshare.net/NoldanneQuiapo/ang-tekstong-
persuweysib-pagbasa-at-pagsusuri-ng-ibatibang-texto-sa-
pananaliksik
https://youtu.be/Uw66Da0GFPM
C. Kagamitan: Laptop, Powerpoint, Google Meet, Google Classroom, Google Form
D. Estratehiya: Last Man Raise Hand Button, Dugtungan Mo Challenge,
Interaktibong Talakayan
E. Pagpapahalagang Nakapaloob: Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman
tungkol sa Tekstong Persuweysib upang magkaroon ng malinaw na
panghihikayat.
F. Integrasyon sa Ibang Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagtala sa lumiban
3. Pagbibigay ng mga Panuntunan
4. Pagbabalik-Aral
5. Pagbasa ng mga layunin
B. Pagganyak / Motibasyon
Ang guro ay magpapakita ng isang patalastas tungkol sa “Ang Kuwentong
Jollibee: KAHERA”. Pagkatapos ay tatawag ng ilang mga mag-aaral na sasago sa
mga katanungan.

Pamproseong Tanong:
1. Ano ang iyong napansin sa bidyong iyong napanood? Ano ang nais
ipahiwatig dito?
2. Ano ang estratehiyang ginamit ng Jollibee sa kanilang patalastas?

C. Mga Yugto ng Pagkatuto

1. Pagyamanin Mo!
Sa tulong ng makabagong teknolohiya at gamit ang powerpoint slides,
tatalakayin ang paksang “Tekstong Persuweysib”

2. Ipaglaban Mo!
Ang guro ay hihingin ang panig ng mga mag-aaral kung saan ang mas
epektibong gamitin sa pagdidisiplina. Pangaral o Pamalo?

3. Last Man Raise Hand Button!


Gamit ang estratehiyang “Last Man Raise Hand Button”, ang mga mag-aaral
ay mag-uunahang pipindot sa “icon” o simbolo ng Raise Hand Button sa Google Meet.
Kung sino ang huling nakapindot ay siyang sasagot sa mga katanungan.

4. Pag-aralan Natin!
Tatalakayin ng guro ang mga paraan ng pagsulat at mga elemento ng Tekstong
Persuweysib.
5. Ibahagi Mo!
Gamit ang google meet chatbox ay pipili ang mga mag-aaral ng isang paraan
ng pagsulat sa Tekstong Persuweysib na sa tingin nila ay pinakamahalaga at epektibo
sa layuning panghihikayat. Ito ay bubuuin sa loob ng dalawang pangungusap at
sasagutan lamang sa loob ng limang minuto.
6. Malikhaing Gawain:
Ang klase ay papangkatin sa apat na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng guro
ng tig-iisang produkto at gagawan nila ito ng malikhaing patalastas kung paano nila
mahihikayat ang ibang tao na bumili sa kanilang produkto.

PAMANTAYAN PINAKAMAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN MARAMING


(10) (7) (5) KULANG
(2)
Ang mensahe ay Ang Di-gaanong Medyo
Nilalaman mabisang nailahad mensahe ay nailahad ang magulo ang
mabisang mensahe mensahe
nailahad
Napakamasining at Masining Hindi gaanong Kulang sa
Kasiningan hindi pang ang nailahad ang kasiningan
karaniwan ang pagtatangha kasiningan
pagtatanghal l
Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos
Gawain ng buong Gawain ng Gawain sa ang gawain
Takdang-Oras husay sa loob ng buong husay itinakdang oras ngunit
itinakdang-oras ngunit naipasa sa
lumagpas sa hindi
isang minuto takdang-
oras

D. Paglalahat:
Ang mga mag-aaral ay dudugtungan ang naputol na pahayag na, “Natutunan ko
sa araw na ito ay _____”. Pagkatapos ay ibabahagi ng guro ang paglalahat sa
talakayan.
IV. EBALWASYON / PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga tanong at ipaliwanag.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang Tekstong Persuweysib?


2. Paano nakatutulong ang panghihikayat sa pang araw-araw na pamumuhay?

V. TAKDANG ARALIN:
Panuto: Pumili ng sariling paksa at gawan ito ng slogan na nanghihikayat.
Isaalang-alang ang mga pamantayan. Ito ay ipapasa sa ating Google
Classroom.

Pamantayan:
Nilalaman - 10 puntos
Kalinisan at organisasyon - 5 puntos
Kasiningan - 10 puntos
Kabuuan: - 25 puntos

Inihanda nina:
Amoncio, Joann A.
Alap-ap, Shariza Shaikha
Madelo, Doren Claire

You might also like