You are on page 1of 11

Suring Pelikula:

Masusing Pagrerebyu
Filipino 8
Kwarter 3, Ika-5 Linggo
Paunang Pagsubok - WIKA-rambulan
Basahing mabuti ang lipon ng mga salita. Piliin sa loob ng kahon ang mabubuong salita sa tulong ng mga gabay. Ipataas ang kamay sa nais sumagot.
Halimbawa: PEAL-LEAK-COOL-LAW = PELIKULA

1. Linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.


DIE-YEAH-LOG-GO = Diyalogo
2. Pinakapuso ng isang pelikula
THEME-MAH = Tema
3. Mga karakter na gumaganap sa pelikula.
THE-WHO-HONE = Tauhan
4. Nagsisilbi itong panghatak ng pelikula
FUN-MUG-GOAT = Pamagat
5. Mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula
COW-WHEN-TOO = Kwento
• Halina’t panuorin natin ang mga sikat na pelikula dahil sa walang kamatayan nitong linya o hugo.

• Ipapanuod ang bidyu mula sa Youtube sa tsanel ni Mrs. Ang na pinamagatang “Suring pelikula, Mahusay na
Pagrerebyu – Anak”
Balik-tanaw
Piliin sa loob ng kahon kung anong ugnayang lohikal ang isinasaad ng mga ito.
Sanhi at Bunga Paraan at Layunin Kondisyon at Bunga Paraan at Resulta

1. Nagkaroon ng matinding pagbaha kaya marami ang namatay.


Sanhi at Bunga
2. Sa sandaling makinig ka sa pangaral ng iyong magulang,
gaganda ang iyong kinabukasan.
Kondisyon at Bunga o kinalabasan
3. Para makatulong sa nangangailangan, nag-ambag sila ng
kaniyang mga kaibigan. Paraan at Layunin
4. Kung nag-ensayo ka nang mabuti sa pagkanta, sana’y nanalo
ka sa paligsahan. Kondisyon at Bunga o kinalabasan
5. Sa masigasig niyang pagtatrabaho, nakamit niya ang
kaniyang puwesto. Paraan at Resulta
"Ang pelikula ay isang sining, at ang kaluluwa ng bayan ay
ang sining. Ang bayang walang sining, walang kaluluwa.“
- Direktor Joel Lamangan

Darna (1991), Mano Po (2000-2007), Bes and Beshies (2017), Maynila (2002), Onanay (2018), FPJ's Batang Quiapo

Pelikula na kilala din bilang sine at


pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop
ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya ng
gumagalaw na larawan ang letratong
pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy
ang larangang ito ng akademya bilang ang
pag-aaral ng pelikula.
Mga elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula:
1. Kuwento – tumutukoy ito sa istorya o sa mga
pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
o Bago o luma ba ang kuwento?
o Nakapupukaw ba ito ng interes?
2. Tema – ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa,
kaisipan at maituturing na pinakapundasyon sa
pagsusuri ng isang pelikula.
o Napapanahon ba ang paksa?
o Akma ba ang tema sa panahon?
Mga elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula:
3. Pamagat – ito ang naghahatid ng pinakamensahe nito.
Ito rin ang nagsisilbing panghatak sa pelikula.
o Nakatatawag ba ito ng pansin?
o Mayroon ba itong ipinahihiwatig o simbolo?
4. Tauhan – ang mga karakter na gumaganap ng iba’t ibang
katauhan sa pelikula.
o Makatotohanan ba ang mga ito?
o Angkop ba ang kanilang pagganap?
5. Diyalogo – ito ang linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
o Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong ginamit?
o Naisaalang-alang ba ang lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento?
Paglalapat
Pagsagot ng mga tanong. Ilahad ang iyong sariling pagkiling o bias sa sumusunod na pahayag.
Pag-usapan sa grupo.

1. Ang pagsusuri ng manonood sa isang


pelikula ay nakatutulong upang matukoy ang
kahinaan at kakulangan nito.
2. Ang magandang pamagat ng isang pelikula ay
kinakailangang makatawag pansin.
3. Binibigyang-pansin sa pagbuo ng pelikula ang
kaangkupan ng edad sa target ng manonood.
Rubrik
♣ Naipakikita ang sariling pananaw
(bias) sa mga pahayag 3 puntos
♣ May maayos na pangungusap 2 puntos
KABUOAN 5 PUNTOS
Mga Pamantayan:
1. Ang pagsusuri ay binubuo ng maayos at magkakaugnay ng mga detalye
2. Naaayon at angkop ito sa nilalaman ng pelikula
 

Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod:


5 - Napakahusay 4 - katamtamang husay 3- dapat pang paunlarin

Pagtataya
Gawaing-Bahay

You might also like