You are on page 1of 6

Mother Theresa Colegio Group of Schools

Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika

Tesktong Argumentatibo (Ikapitong Linggo)


Tiyak na Layunin:
Natutukoy ang kahulugan ng isang kritikong pagsusuri
Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa pagsusulat ng suring- pelikula
at suring- basa
Unang Araw:
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG7.1] Balikan Natin!: Tatanungin ng guro ang mag- aaral na balikan ang kanilang
nakaraan kung ano ang kanilang napanood na pelikula o di kaya’y nabasang akda.
Tanungin ang mag- aaral kung ano ang kanilang masasabi o reaksyon ditto.
II. Facilitated Learning
[GP7.1]Talakayan: Talakayan: Talakayin ang kahulugan, pagsasagawa at elemento ng
suring- pelikula.
PAGSULAT NG SURING-PELIKULA AT SURING-BASA
Ang Kritikong Pagsusuri
Ang kritikong pagsusuri ay isang pagtataya o appraisal. Sa punto ng pamumunang
pampanitikan, maaaring maging paksa ng kritikong pagsusuri ang isang pelikula, isang nobela,
programa sa radio o sa telebisyon, isang tanyag na laro (ng basketball, volleyball o football),
resulta ngeleksyon, omaaari ding isang makasaysayang pangyayari sa bansao sa daigdig.
Ang panunuring pampelikula o panunuri ng pelikula (Ingles: movie criticism) ay ang
ebalwasyon ng isang pelikula. Ang mga tao na nagsusulat sa mga pahayagan at mga magasin
ng kanilang mga opinyon hinggil sa mga pelikula, o tumatalakay na patungkol sa mga pelikula
sa kanilang mga programang pantelebisyon, pang-Internet, o pangradyo ay tinatawag na mga
manunuri ng pelikula. Ilan sa mga kritiko ng pelikula ang nagsusulat ng mga aklat hinggil sa
mga pelikula at sa kasaysayan ng mga pelikula.
Ang suring-basa ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling
kurokuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. Layunin nitong mailahad ang mga kaisipang
matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito. Ito ay ang paghimay sa iba’t ibang
elemento at bahagi ng isang akda upang maipakita kung ang bawat isa’y nakatutulong
maipaabot ang nais sabihin o ang mensahe ng akda para sa mambabasa.
Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika
Mga Kailangan ng Kritikong Pagsusuri
Una, kinakailangan ang isang tapat na paglalahad kung tungkol saan ang napanood o
nabasa – ano ang nilalamanngakda, anoangmensahengakda, anoangnaisnitong ipahatidsa
publiko?
Ikalawa, gaano ka-epektibo ang pagpapahayag na ito ng mensahe, nadama bang
kinauukulan ang mensahe?
Ikatlo, kinakailangang magbigay ng patunay ang nagsasagawa ng kritikong pagsusuri
kung bakit sinabi niyang epektibo o hindi epektibo ang akda.
Pagsasagawa ng Suring-Pelikula
1. Matamang panoorin ang pelikula.
2. Igawa ito ng maikling pagbubuod.
3. Ano ang pangkahalatang mensahe ng pelikula? Naniniwala k aba sa kahalagahan ng
mensaheng ito? Bakit?
4. Nagampanan ba ng mga artista ang kanilang mahahalagang papel sa pelikula?
Nakatulong ba ang kanilang pagganap sa kabuun ng pelikula?
5. Punahin mo ang tagpuan.
6. Maayos ba ang editing ng pelikula? Tamang-tama ba ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari, ng mga kontradiksyon, at kung paano nalutas ang sigalot ng mg tauhan?
7. Sa huli, banggitin mo ang pangkahalatang apela sa iyo ng pelikula.

Mga Elemento ng Pelikula at Gabay sa Pagsulat ng Suring Pelikula


I. Kuwento/Banghay (Story/Plot)
Ang pelikula ay isang kuwento – may simula, gitna at wakas. Isulat sa rebyu ang sa tingin
mong pinakamahalagang eksena sa iyo. Maaari ring ibuod ang buong kuwento. Huwag lamang
ibibigay ang kapana-panabik na mga eksena lalo na ang wakas ng kuwento.
II. Karakter (Bida/Kontrabida)
Magkomento kung naging epektibo ba ang karakter ng aktor/artista sa pelikula. Ihambing din
ang dating pinagbidahang pelikula ng bida/artista. Naging mas maayos ba ang pagganap?
Banggitin din ang ibang natatanging pagganap ng ibang karakter/artista sa pelikula.
III. Lunan at Panahon (Setting)
Bigyang pansin din ang lugar na pinagdausan ng pelikula. Angkop ba sa kuwento? Naging
matipid ba o magastos sa produksyon? Naging makatotohanan ba ang depiksyon sa panahon?
Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika
IV. Sinematograpiya
Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera na isinasaalang-alang ang
mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw. Ang magagandang lokasyon o ang mga
angkop na lugar para sa mga eksena ang siya ring nagpapatingkad sa imortalidad ng pelikula.
Subukang magkomento tungkol sa sinematograpiya ng pelikula. Ano-anong eksena ang
tumatak sa isip mo dahil sa mahusay na paggamit ng kamera, ilaw at lokasyon?
V. Iskoring ng Musika
Ang iskoring ang nilalapat sa musika, instrumental man o may liriko sa pelikula. Instrumental
kung walang liriko o titik ng awitin, ginagamit ang gitara, piano o isang buong orkestra.
Samantala, uso naman ngayon ang paggamit ng mga sikat na awitin bilang musika rin ng
pelikula. Kadalasan ito na rin ang titulo ng pelikula o ang mang-aawit ang siya ring bida sa
pelikula.
VI. Editing
Nangyayari ito kapag tapos na ang syuting o aktuwal na rekording ng pelikula. Ang editor ang
nagtatahi ng pagkakasunod-sunod ng eksena, kuwento at kabuuan ng pelikula. Kapag
ginagawa kasi ang pelikula, hindi batay sa pagkakasunod-sunod sa iskrip kundi sa maraming
aspekto – badyet ng pelikula, oras ng nagsisiganap, mahihirap/madadaling eksena at marami
pang iba.
VII. Kabuuang Direksyon/Kahusayan ng Direktor
Hinuhusgahan ang kabuuan ng pelikula dahil sa husay ng direktor. Siya ang kapitan sa
produksyon ng pelikula, ang utos at kumpas niya ang nasusunod sa syuting at maski sa usapin
ng teknikal, iskoring, sinematograpiya at editing. Ngunit hindi niya pag-aari ang buong pelikula.
Ang scriptwriter pa rin ang maestro ng naratibo at ang prodyuser ang nagmamay-ari ng buong
produksyon at komersyal na aspekto ng pelikula. Ang direktor ang dakilang interpreter ng iskrip
at artistikong tagapamahala ng prodyuser.
VIII. Tema
Tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang epekto nito sa
manonood. Halimbawa kung ang tema ng pelikula ay tungkol sa karahasan sa kababaihan,
layunin nito na pukawin ang atensyon ng madla tungkol sa isyung ito at magsilbing tulay upang
makapagnilay o kumilos ang manonood.
IX. Rekomendasyon
Sa kahuli-hulihan, banggitin ng tagasuri kung papasa ba ito sa panlasa ng nakararami.
Irerekomenda ba itong panoorin ng lahat? Kung hindi lahat, sino kaya ang magkakainteres sa
pelikulang ito? Banggitin din ang pinakamalakas na puntos ng pelikula at ang kahinaan nito.
Ano ngayon ang magiging rating mo sa pelikula?
Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika
X. Repleksyon
Ilahad dito ang naging epekto sa iyo ng pelikula. Paano makakatulong sa iyo ang pelikula?
Anong damdamin ang nangingibabaw sa iyo habang pinapanood ang pelikula. Ano ang
iniwang marka o mensahe sa iyo ng pelikula? Anong aral sa buhay ang iyong nakita sa
pelikula? Ilahad pa ang iyong personal na opinyon hinggil sa pelikula

Pangalawang Araw:
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG7.2] Balikan Mo: Magbalik- tanaw sa naging talakayan sa unang araw.
II. Facilitated Learning
[GP7.2] Talakayan: Talakayin ang pagsasagawa at pormat ng suring- basa.
Pagsasagawa ng Suring-Basa
Ang suring-basa ay isinusulat din nang may maayos na komposisyon, katulad ng isang movie
critique. Tandaan lamang na ang tagumpay ng pagsusuri ay wala sa haba ng sulatin kundi nasa
kalidad ng paglalahad. Naglalayon itong maipakita ang kaisipang matatagpuan sa isang akda at
kung bakit ito mahalaga. Dapat rin nating tandaan na ang paggawa ng suring basa ay mas
madali kapag gumawa muna tayo ng sinopsis o maikling lagom.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Suring-Basa
Upang maging maayos ang gagawing pagsusuri sa akdang binasa, dapat tandaan ang mga
sumusunod:

 Nararapat na alamin muna kung anong uri ng akdang pampanitikan ang susuriin. Kailangang
alam ng sumusuri kung ito’y maikling katha, tula, sanaysay, nobela, kasaysayan at iba pa.

 Gumawa muna ng sinopsis ng akda o maikling lagom bago sumulat. Piliin lamang ang
mahahalagang katangian ng akda sa pagbuo ng lagom.

 Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.

 Gumamit ng pananalitang matapat upang maging mabisa ang pagsusuri.

 Pahalagahan ang paraan o estilo ng pagkakasulat ng akda.


Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika
Pormat sa Suring-Basa

 PANIMULA
Sa panimula ay ihahayag kung anong anyo ng panitikan ang akdang susuriin at saang bansa ito
nanggaling o isinulat. Kikilalanin din kung sino ang sumulat ng akda at kung ano ang mga
bagay na maaaring nag-udyok sa kanya upang likhain ang akda, ang layunin sa pagkakasulat
nito; layon ba nitong manghikayat, magpakilos, manuligsa, magprotesta, at iba pang maaaring
dahilan ng pagkakasulat nito.

 PAGSUSURING PANGNILALAMAN
Sa bahaging ito ay naunang susuriin ang tema o paksa ng akda. Ito ba’y makabuluhan,
napapanahon, at makatotohanan? Susuriin din ang mga tauhan o karakter sa akda kung sila
ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang kanilang ginagalawan, nagsasalita at kumikilos ayon
sa panahong kanilang kinagisnan, o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay o
namamatay. Kasama rin sa binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kapaligiran at
ang panahong saklaw ng akda, na siyang sanhi ng kalagayan o katayuan ng tauhan. Mahalaga
ring suriin ang balangkas ng mga pangyayari. Ito ba’y gasgas na o lumang mga pangyayari ang
inilalahad? May bagong bihis ba ito, bagong anyo, bagong anggulo, at bagong pananaw?
Magkakaugnay ba ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa wakas o may kalabuan sa
paglalahad? Ano ang mensaheng hatid ng akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman nito? Hindi
rin dapat kaligtaan sa bahaging ito ang pagsusuri sa kulturang masasalamin sa akda. May
nakikita ka bang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o kulturang nangingibabaw sa akda?
Nakaimpluwensiya ba ito sa ibang tao o bansa?

 PAGSUSURING PANGKAISIPAN
Sa bahaging ito ay pagtutuunan ng pansin ang kaisipan o ideyang taglay ng akda. Mahalagang
masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari.
Tukuyin ang mga kaisipang ito at suriin kung ito ba ay umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng
mga tiyak na sitwasyon o karanasan sa akda, ang katotohanan nito ba ay unibersal, likas sa tao
at lipunan, mga batas ng kalaikasan, sistema o paniniwalang komokontrol sa buhay. Susuriin
din ang istilo ng pagkakasulat ng akda. Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita?
Ang pagkakabuo ba ng akda ay angkop sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa? Mabisa
ba ang estilong ginamit at masining ba ang pagkakagawa ng akda? Magugustuhan ba ito ng
mga mambabasa?

 BUOD
Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang
detalye ang bigyang-tuon.
Mother Theresa Colegio Group of Schools
Patnubay Academy | Mother Theresa Colegio | Noah’s Academy | Colegio de Maharlika

Pangatlong Araw: Pagpapatuloy


Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Facilitated Learning
[GP6.3] Ilalaan ng guro ang isang oras para sa pagsusuri ng mag- aaral alinman sa
suring- basa o pelikula. Susuriin nila ito gamit ang pormat sa talakayan.
(Performance Task- 50 points, Written Works- 50 points- Recorded)

You might also like