You are on page 1of 38

BANGHAY ARALIN FILIPINO 8

IKATLONG MARKAHAN ARALIN 3.4

Panitikan : Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at


Pag- unlad ng Kulturang Pilipino-Dokumentaryong
Pampelikula
Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag
Bilang ng Sesyon: 8

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F8PN -IIIg-h-31


• Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng
nagsasalita

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F8PB -IIIg-h-32


• Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: (1)paksa/tema (2)layon (3)gamit
ng mga salita (4)mga tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIIg-h-32


• Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula

PANONOOD (PD) F8PD-IIIg-h-32


• Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha
sa napanood na pelikula

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIIg-h-33


• Naipaliliwanag ng pasulat ang mga kontradiksyon sa napanood na pelikula sa
pamamagitan ng mga komunikatibong pahayag

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIg-h-33


• Nasusulat ang isang suringpelikula batay sa mga itinakdang pamantayan

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IIIg-h-33


• Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay,

magkakaugnay na pangungusap/ talata sa pagsulat ng isang suring- pelikula

Ikatlong Markahan | 67
TUKLASIN

I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) F8PD-IIIg-h-32


 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood
na pelikula.

II. PAKSA
Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino -
Dokumentaryong Pampelikula
Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. Proseso ng Pagkatuto

1. Gawaing Rutinari
• Panalangin at Pagbati
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng takdang-aralin
• Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Dokumentaryong Pampelikula


Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag

AKTIBITI
3. Pagbuo ng Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : KARATULA-NONG
Isulat sa mga karatula ang mga tanong na nais bigyang kasagutan sa araling
tatalakayin.

tanong tanong tanong

tanong

tanong tanong

Ikatlong Markahan | 68
P O K U S N A T A N O N G N G A R A L I N Bakit
 mahalagang pag -aralan ang dokumentaryong pampelikula?
 Nakatutulong ba ang may kaalaman at kahusayan sa paggamit ng
gramatikal sa pagsusuri ng dokumentaryong pampelikula?

4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : SCRAMBLED PICTURE Paunahan ang bawat pangkat sa
pagbuo ng larawan ng mga pelikula na kinagiliwan ng mga kabataan sa bagong
henerasyon.

Bride for Rent A very Special Private Benjamin

One More Chance Ang Diary ng Panget That Thing Called


Tadhana
• Pag-uugnay sa aralin.
• Pagpapanood ng mahahalagang bahagi ng pelikulang "Anak".

ANAK – VILMA SANTOS & CLAUDINE BARETTO


https://youtu.be/VMgXz23IioE?list=PLfCYcy7JaL_1TUofUHb2H83DQGL7YxRQC

ANALISIS

1. Ano-ano ang mga isyung panlipunang may kinalaman sa problemang kinakaharap ng


kabataan sa kasalukuyan ang binibigyang- diin sa pelikula? Masasabi mo bang laganap pa
rin ang mga problemang ito sa ngayon?

Ikatlong Markahan | 69
2. Bilang anak, masasabi mo bang may pagkukulang din sa iyo ang iyong magulang?
Ipaliwanang.
3. Kung ikaw ay magkakaroon ng sarili mong pamilya, ano-anong mga bagay ang gagawin
mo o ipatutupad mo sa iyong sambahayan upang manatiling masaya at buo ito?

 Pagbibigay ng Input ng guro.

ALAM MO BA NA…
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula sapagkat
pangunahing layunin nito ang magbigay impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga
kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang
ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan.
Maaga ng taong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga dokumentaryong pampelikula. Ito ay
isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba't ibang mga
eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang "aktwal na
tanawin o eksena". At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang
nakakatulad na dokumentaryo tulad ng
"travelogue", "newsreel tradition" at "cinema truth".
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : WORD CONNECT
Bumuo ng konsepto mula sa araling tinalakay sa pamamagitan ng pagkonek ng
magkakaugnay na salita mula sa film strip.

Pelikula telebisyon kaisipan


lipunan nagiging magpamulat
magpabago dokumentaryo
sapagkat pampelikula
impormasyon manghikayat
magbigay layunin

Ikatlong Markahan | 70
Ang mga pelikula ay nagiging dokumentaryong pampelikula sapagkat layunin nitong magbigay
impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : CINEMA POSTER
Gumawa ng cinema poster o sariling orihinal na pelikula na ang paksa ay sumasalamin sa
katotohanan at repleksyon ng realidad ng buhay.

IV. KASUNDUAN

1. Maghanap ng mga larawang ng mga sumikat na pelikula noon hanggang ngayon.

2. Magbahagi ng mga pelikulang naghahatid ng kamalayang panlipunan at malaki ang naiambag


bilang isang bahagi ng kulturang popular at panitikan ng mga Pilipino.

Ikatlong Markahan | 71
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F8PN-IIIg-h-31


 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F8PB-IIIg-h-32


 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: (1) paksa/tema (2) layon
(3) gamit ng mga salita (4) mga tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIIg-h-32


 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula.

II. PAKSA

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino -


Dokumentaryong Pampelikula
Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

AKTIBITI

1. Gawaing Rutinari
• Panalangin at Pagbati
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang-aralin
• Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Dokumentaryong Pampelikula


Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag

3. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya : Name That Volcano!


Pahuhulaan sa mga mag-aaral ang pangalan ng bulkan na nasa larawan.

Ikatlong Markahan | 72
SAGOT : Bulkang Pinatubo
Sanggunian: (larawan) http://volquake.weebly.com/uploads/2/4/2/2/24227416/1382341875.png

• Pag-uugnay sa aralin at paglalapit sa pelikulang papanoorin.

• Pagkilala sa director ng pelikula (Brillantes Mendoza).

• Panonood sa dokumentaryong pantelebisyon.

https://youtu.be/KLXTvH7b1hI

 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya 2 Mungkahing Estratehiya


FACE TO FACE NEWS REPORTING
Suriin ang paksa at tema ng Suriin ang layon ng napanood na
napanood na pelikula. pelikula.

3 Mungkahing Estratehiya
INTERBYU 4 Mungkahing Estratehiya
Ilahad ang inyong sariling pagkiling tungkol sa
interes at pananaw ni Jonalyn tungkol sa
GAME SHOW
pagtulong sa kanyang mga katribo. Bigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa
mundo ng pelikula. (Kamera, Musika,
Disenyong pamproduksyon Sinematograpiya
Iskrip)

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN

Ikatlong Markahan | 73
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan ng
Mahusay Pagpapabuti
Nilalaman at Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
Organisasyon ng mga naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o kaisipan na
Kaisipan o nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o nais iparating sa
Mensahe kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais manonood (1)
(4) iparating sa manonood iparating sa
manonood (3) manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pangkat pamamaraang ginamit ng pangkat sa
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat presentasyon (0)
sa presentasyon sa
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Pangkat o Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Kooperasyon nagpamalas pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang bawat
(3) ng pagkakaisa ang bawat miyembro ng pagkakaisa ang miyembro sa kanilang
bawat miyembro sa bawat miyembro gawain (0)
sa kanilang gawain (2) sa
kanilang gawain (3) kanilang gawain (1)

• Presentasyon ng bawat pangkat.

• Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

• Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan


sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Tungkol saan ang napanood?


2. Paano tumutulong si Jonalyn sa kanyang kapook?
3. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang nangibabaw?
4. Anong pangyayaring inilahad ang nagaganap sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang sagot.
5. Kung ikaw si Jonalyn,paano kaya magiging makabuluhan sa iyong pamilya at
kabarangay?

 Pagbibigay ng input ng guro sa Dokumentaryong pantelebisyon.

ALAM MO BA NA…

Sa pamamagitan ng gumagalaw na mga imahe at naririnig na mga tunog na bunga ng


makabagong teknolohiya, maari itong maghatid ng iba’t ibang kaalaman. Nagkakaroon ng mga
kabatiran sa kapaligiran sa pamamagitan ng panonood ng pelikula. Nailalantad ang
katotohanan at realidad upang makabuo ng kwento mula sa imaheng nilapatan ng tunog at
musika.

Ikatlong Markahan | 74
Sa dokumentaryong pampelikula, maaring makunan ang iba’t ibang aktwal na tanawin
maging ang mga aktuwal na tao ay maari ring gumanap na artista. May mga elemento ang
pelikula na siyang higit na nakapagpapaganda ng mga sineng ating napapanood tulad ng:
nilalaman, sinematograpiya, tunog, musika, Disenyong Pamproduksyon, pag-eedit at
pagdidirehe.
Sanggunian: K12 Grade 8 Teacher’s Manual

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: KONSEP-TREN


Samahan si Jonalyn na isakay sa bus ang wastong pagkakasunod-sunod ng konsepto ng
araling tinalakay.

1 2 3 4

Mabisa itong Mahalagang Ng Ang doku-


instrumento pag-aralan pagkataon at mentaryong
sa pag-unlad pagbabagong pampelikula
C A panlipunangD B

Pagsagot sa Pokus na Tanong: Mahalagang pag-aralan ang

dokumentaryong pampelikula sapagkat mabisa itong instrument


sa pag-unlad ng pagkatao at pagbabagong panlipinan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: ISKIT A MINUTE!


Bumuo ng isang minutong skit na may kaparehong tema/ paksa sa dokumentaryong
pampelikulang napanood. (Manoro)

EBALWASYON

Isulat ang letra ng tamang sagot.

Ikatlong Markahan | 75
1. Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo
Bisen,mahabang paglakad na tila isang walang katapusang paglalakbay.,..paglalakbay para
sa katuparan ng hangarin.

Alin sa mga sumusunod na paksa ang tema ng binasang talata?


a. Paghahanap sa nawawala
b. Paglalakad ng malayo
c. Paglalakbay para sa kinabukasan
d. Pagsasakripisyo

2. Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid. Ang kahulugan


ng salitang may salungguhit ay:
a. Minamasdan
b. Tumitingin
c. Naghahanap
d. Nakita

3. Sino ang kinakitaan ng pagpapahalaga sa karapatang pantao sa pelikulang tinalakay?


a. Apo Bisen
b. Mang Edgar
c. Aling Carol
d. Jonalyn

4. Tumutukoy ito sa matapat na paglalarawan ng buhay ng pelikula.


a. Diyalogo
b. Iskrip
c. Kuwento
d. Cinematography

5. Alin sa sumusunod ang naghahatid ng pinakamensahe at nagsisilbi ring panghatak ng


pelikula? a. Pamagat
b. Tema
c. Kuwento
d. Diyalogo

SUSI SA PAGWAWASTO
1.C 2.B 3.D 4.D 5.A

INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

Ikatlong Markahan | 76
IV. KASUNDUAN

1. Magbigay ng mga halimbawa ng dokumentaryong pampelikula na napapanood.Gayundin


ang mga kilalang dokumentarista nito.

2. Ítala ang iba’t ibang bantas at ang mga gamit nito.

PAUNLARIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIIg-h-33


 Naipaliliwanag ng pasulat ang mga kontradiksyon sa napanood na pelikula sa
pamamagitan ng mga komunikatibong pahayag

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIg-h-33


 Nasusulat ang isang suringpelikula batay sa mga itinakdang pamantayan

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IIIg-h-33


 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na
pangungusap/ talata sa pagsulat ng isang suring- pelikula

II. PAKSA

Wika : Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag Kagamitan :


laptop, projector, pantulong na biswal

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
• Panalangin at Pagbati
• Pagtatala ng Liban
• Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
Ikatlong Markahan | 77
• Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Tamang Gamit ng Komunikatibong Pahayag

AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: MOVIE FLASHBACK
Pagbabalik gunita sa ilang bahagi ng mga pelikulang tagalog. Sabihin ang hindi akmang
pangyayari o kontradisyon sa sine o pelikula.

• Pag-uugnay sa aralin.
• Pagpapabasa ng lunsarang teksto.

Eksena 5 - Simula sa isang malayong paglalakad

(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan naroon ang mga
Koreano, binati nila ang isa’t isa)
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn) "Yu nid to fill-up aplikeyshen form to your job…
(ibig sabihin ay kailangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho) (nagpasalamat ang
mga ito)
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras
‘yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kailangan ko na magfill-up ng application.
(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo
Bisen,..mahabng paglakad na tila isang walang katapusang
paglalakbay.,..paglalakbay para sa kinabukasan.)
(sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba't ibang eksena, ipinakita ang karilagan at
kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng kinabukasan… maalikabok ang tinatahak
na landas. Ang pagtatangkang sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang
mag-uuling na tinanong niya kung pinag-aralan na nitoang kanyang mga itinuro; ang pagdaan ng
mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si

Ikatlong Markahan | 78
Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga patay.
Nasalubong nila si Apo Almario…)
Jonalyn : Apo Almario, nakita n'yo po ba ang aking Apo Bisen?
Apo Almario: Hindi. Hindi kami nagkita!
Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.
Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.
Jonalyn: o sige po, salamat, bumoto ka bukas!

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. Al. p.432

 Pag-uugnay ng ginawang pagbasa sa aralin.

ANALISIS

1. Kung ganitong uri ng pelikula ang madalas na mapapanood ng kabataang tulad mo, ano
kaya ang maaaring mangyari o maidulot nito sa inyo. Ipaliwanag ang sagot.
2. Ano-anong mga bantas ang ginamit sa iskrip? Saan at kalian ginagamit ang mga bantas na
ito?

1. Pagbibigay ng input ng guro

Ikatlong Markahan | 79
ALAM MO BA NA…
MGA BANTAS

Bukod sa bantas na tuldok, pananong, at padamdam na inilalagay


sa hulihan ng pangungusap ay may iba pang bantas na kailangan mong
matutuhan dahil sa mahalagang gamit nito.
Ito ay mahalaga mong matutuhan para sa malinaw na
pagpapahayag. Ginagamit ang mga Ito sa paghihiwa-hiwalay ng mga
pangungusap, parirala, at salita para sa nasabing layunin.
Narito ang ilang mga bantas na malimit ding gamitin sa pagsulat at
ang kanilang mga gamit.
- Wastong Gamit ng Gitling (ayon sa Ortograpiyang Pambansa,
Komisyon sa Wikang Filipino, Edisyon 2013)
1. Sa inuulit na Salita

Halimbawa: ano-ano, ilan-ilan, iba-iba


a. Kung mahigit sa isang pantig ang salita,
ang unang dalawang pantig lamang ang
inuulit.
Halimbawa: suntok-suntukin, suri-suriin
b. Inuulit ang dalawang pantig kung may
dalawang pantig lamang ang salita. Ngunit
hindi inuulit ang panghuling katinig ng
ikalawang pantig ang salita.
Halimbawa: balik-balik, wasak-wasak,
bula-bulagsak
c. Ngunit kung may unlaping isinasama ito
sa unang bahaging inuulit.
Halimbawa: pabalik-balik, nagkawasak-
wasak, pabula-bulagsak

Ikatlong Markahan | 80
3. Sa Isahang Pantig na Tunog
Halimbawa: tik-tak, ding-dong, plip-plap

4. Sa Paghihiwalay ng Katinig at Patinig --- Paghiwalayin ang pantig na


nagtatapos sa katinig at ang s sumusunod na pantig na nagsisimula sa
patinig.

Halimbawa: mag-aral, mag-isa, agam-agam


Ngunit ginagamitan ng gitling ang salita kahit nagtatapos sa patinig ang
unang pantig kapag pangngalang pantangi ang kasunod.

Halimbawa: pa-Mandaluyong ngunit pahilaga, maka-Filipino ngunit


makalupa
At kapag salitang banyaga at nasa orihinal na baybay ang kasunod

Halimbawa: pa-cute, ngunit pakyut; maki-computer, ngunit


makikompiyuter

5. Sa Pinabigat na Pantig - Ginagamit din ang gitling upang bigyan ng


bigat o diin ang kakaibang bigkas sa naunang pantig, gaya sa
matandang “gab-I” na kasingkahulugan lamang din ng makabagong
“gabi.”

6. Sa Bagong Tambalan- Ginagamit ang gitling sa mga bagong tambalang


salita, gaya sa sumusunod:

Halimbawa: lipat-bahay, bigyang-buhay, bagong – salita


Walang tiyak na tuntunin kung kalian inaalisan ng gitling ang tambalang
salita. May mga salitang gaya ng “kathangbuhay” para sa nobela
noong panahon ng Amerikano ang isinusulat nang kathambuhay
ngayon. May matandang palipad-hangin, basang-sisiw, at bunongbraso
na hindi pa rin inaalisan ng gitling. May bagong imbento naman , gaya
ng balikbayan, na wala nang gitling nang unang ilathala. Mahirap nang
masabi kung kalian inaalisan ng gitling at pinagdikit ang pilikmata,
anakpawis, balinsuso.

7. Iwasan ang “Bigyan-“ – Magtipid sa paggawa ng tambalang salita, lalo’t


hindi kailangan. Halimbawa, isang bisyo na ang pagdurugtong ng
anumang nais sabihin sa bigyan- gaya sa bigyang-diin at bigyang-pansin.
Marami ang nagsasabing bigyang-pugay samantalang puwede naman na

Ikatlong Markahan | 81
mas maikli pa ang nagpugay; bigyang-parangal samantalang puwede
itong parangalan; bigyang-tulong samantalang higit na idyomatiko ang
tulungan. Kahit ang bigyang-pansin ay puwede nang pansinin.

8. Tambalan ang “Punongkahoy” – Dapat malinaw ang mga salitang gaya


ng punongkahoy at buntonghininga na likha mula sa dalawang salita:
puno + ng at kahoy; at bunton + ng at hininga. May bumabaybay sa mga
ito na “punungkahoy” at “buntunghininga” dahil sa arbitraryong pagsunod
sa o na nagiging u sa loob ng pinagtambal na mga salita. Ngunit ang
ganoong pagpapalit ay hindi na kailangan. (nasa tuntuning 7.5 ng
Ortograpiyang Pambansa). Nagkadikit man, wala naming bagong
kahulugang lumitaw sa pagdidikit. Bukod pa, madali ring makilala ng
mambabasa ang dalawang orihinal na salitang pinagsama sa
punongkahoy at sa buntonghininga.

9. Sa Pagsulat ng Oras - Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero


sa oras at petsang may ika- gayundin sa pagbilang ng oras, numero man
o binabaybay na ikinakabit sa alas - gaya sa sumusunod:

Halimbawa: ika-8 ng umaga ngunit ikawalo ng umaga, alas -12 ng


tanghali, alas-dose ng tanghali
Tandaan: Laging binabaybay ang oras na ala-una.

10. Sa Kasunod ng “De” – Ginagamitan ng gitling ang salitang may unlaping


de – mula sa Espanyol a nangangahulugang “sa pamamagitan ng” o
“ginagawa o ginagamit sa paraang…”

Halimbawa: de-kolor, de- mano, de-bola, de-lata , de-bote

11. Sa Kasunod ng “Di” – Ginagamitan ng gitling ang salitang


pinangungunahan ng di (pinaikling hindi) at nagkakaroon ng kahulugang
idyomatiko, tila kasabihan, malimit na kasalungat ng orihinal nito, at
malimit na may mapagbiro o mapang-uyam na himig.

Halimbawa: di-mahapayang-gatang,di- mahipo,di-maitulak-


kabigin,dimaliparang-uwak.

12. Sa Apelyido-Ginagamitan ng gitling ang mga apelyido ng babaeng


nagsawa upang ipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa.
Halimbawa:Genoveva Edroza-Matute,Gilda Cordero-Fernando

Ikatlong Markahan | 82
Kapag ginagamit ang anyong ito sa lalaki,gaya sa kaso ni Graciano
LopezJaena,ang apelyido pagkatapos ng gitling ang apelyido sa ina.Kung
iwawasto alinsunod sa praktikang Espanyol,ang dapat sanang anyo ng
pangalan ng dakilang propagandista ay Graciano Lopez y Jaena.

13. Sa Pagsaklaw ng Panahon-Ginagamitan ng gitling ang panahong sakop


o saklaw ng dalawang petsa.

Halimbawa: 1882-1903(Panahon ng Patinding Nasyonalismo)


23 Hulyo 1864-13 Mayo 1903 (Apolinario Mabini)

Sa puntong teknikal, tinatawag itong en dash. Ang mahaba na


tinatawag na gatlang o em dash ay ginagamit kapag nawawala ang
pangwakas na petsa ng isang panauhan,gaya sa:
1870- (hindi tiyak ang petsa ng kamatayan)
Gatlang din,sa halip na gitling,ang dapat gamitin kapag ibinitin ang
daloy ng pangungusap at may idinagdag na impormasyon sa loob ng
pangungusap.

Halimbawa:
Napalingon ako- at nanlaki ang mata- nang Makita siya.
Kailangan ng taumbayan ang anumang tulong -
pagkain,damit,higaan,malinis na palikuran,tubig, at iba pa.

Ang susunod na tuntunin sa pagbabantas ay mula sa


Ortograpiyang Filipino, 2009 ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Tanging ang bantas na gitling lamang ang nagkaroon ng pagbabago o
rebisyon sa inilabas na Ortograpiyang Pambansa 2013.

Kuwit(,)-Ginagamit ang Kuwit


Sa pagsulat ng kompletong adres-upang paghiwa-hiwalayin ang pangalan ng
gusali( kung mayroon),Kalye, Bayan,lungsod,lalawigan,bansa

Halimbawa: Watson Building,1610 J.P Laurel Street,San Miguel,Maynila


Sa dulo ng bating pambungad sa liham-pangkaibigan at ng bating
pangwakas ng ibat’ ibang uri ng liham.

Halimbawa: ng (bating pambungad): Mahal kong Generoso,(ng bating


pangwakas): Matapat na sumasainyo,

Ikatlong Markahan | 83
taon

ngalan.

g panipi
g guro.

mo,ang

bahagi

ma,ang

ing

n sa
ap na

Ikatlong Markahan | 84
n ng

; tiyak

bating

hala
Alma

serye.
no ng

Bibliya.

a sa

Ikatlong Markahan | 85
g

mag-

o sa

ayundin

ag et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: CONCEPT PICTURE PUZZLE


Buoin ang puzzle upang makilala ang konsepto ng araling tinalakay.
Ikatlong Markahan | 86
Mahalagang matutunan ang

? paggamit ng !
iba't ibang bantas sa
pagbuo ng pangungusap upang maging

“”:; malinaw ang isang ,.


pagpapahayag.
Sanggunian:(larawan)
https://67.media.tumblr.com/08a380d55d197b73fc4a02ff0b617052/tumblr_nisly1j9vE1 trbagmo1_500.png

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2 - Mahalagang matutunan ang paggamit ng iba't ibang
bantas sa pagbuo ng pangungusap upang maging malinaw ang isang pagpapahayag.

APLIKASYON

A. GINABAYANG PAGSASANAY
Mungkahing Estratehiya : USE _____ IN A SENTENCE!
Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mabubunot na bantas mula sa fish
bowl at isulat ito sa pisara.

! ? . , - : “”
B. MALAYANG PAGSASANAY
Mungkahing Estratehiya : SURELA (Suring Pelikula) Sumulat ng isang
maikling pagsusuri sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napanood mong
pelikula. Gumamit ng wastong bantas at baybay.

EBALWASYON

Ikatlong Markahan | 87
Basahing mabuti ang talataan sa ibaba. Lagyan ng angkop na bantas ang mga pahayag na
matatagpuan dito. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang.

Ipinagmamalaki Kong Magiging Guro Ako

Masayang nagkita ___ kita uli ang magpipinsan upang dumalo sa pista sa kanilang probinsya.
Nagkumustahan sila habang nagkakatuwaan sa pananghalian ___.
___ Kuya Daniel ___ anong kurso ang kukunin mo sa kolehiyo ___" ang tanong ng sampung taong
gulang na si Eunice. ___ accounting __ __ ang sagot ni Daniel ___
"Wow ___ ang galing mo siguro sa matematika ___ kuya Daniel ___ Ano naman ang kursong
kukunin mo ___ Kuya Nestor ___" ang tanong naman ni Ronnel sa iba pang pinsan na katulad ni
Daniel ay nagtapos ng hayskul noong Marso ___.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8,Alma M. Dayag et. al

INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

IV. KASUNDUAN

1. Isulat ang buod ng paborito mong pelikula. Isaalang-alang ang wastong gamit ng bantas sa
bubuoing talata.
2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula.
Isulat sa kwaderno.

ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIg-h-33


 Nasusulat ang isang suring pelikula batay sa mga itinakdang pamantayan

Ikatlong Markahan | 88
II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.4


Kagamitan : Pantulong na visuals, mga larawan mula sa google Sanggunian :
Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al. Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
• Panalangin at Pagbati
• Pagtatala ng Liban
• Pagpapasa ng Takdang Aralin
• Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

A. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : ISKOR MO, SHOW MO!
Magpapanood ng isang napapanahong pelikula at pabibigyan ng iskor na
1(pinakamababa) hanggang 10 (pinakamataas) at ipaliwanag ang dahilan kung
bakit mo ito ang iskor mo.

• Pag-uugnay sa susunod na gawain.


• Paggawa ng isang suring pelikula.

B. Pagtalakay sa awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S
GOAL- Nagagamit ang kahusayang gramatikal sa pagsulat ng isang
suring pelikula batay sa
mga itinakdang pamantayan.

ROLE- Isa kang kabataan na naatasang maging kabahagi ng MTRCB o


Movie And Televisionreview and Classification Board

AUDIENCE- Mga mag-aaral at mamamayan ng Batangas

Ang gagawin mong pagsusuri ang magiging basehan


SETTING- upang ikaw ay maging regular na miyembro ng MTRCB

Ikatlong Markahan | 89
PRODUCT- Paggawa ng rebyu ng isang pelikulang Pilipinong
napalabas sa mga sinehan mula taong 2010 hanggang
sa kasalukuyan na nagtataglay ng temang napapanahon.

S T A N D A R D - RUBRIKS SURING PELIKULA

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 0
Ang sinuring pelikula ay batay sa paksang
hinihingi.
Makatotohanan at kompleto sa aspektong
teknikal ang sinuring pelikula
Naipahayag nang malinaw ang kaisipan,
pananaw, at saloobin tungkol sa kabuoan ng
pelikula
Naipakita ang kahusayang gramatikal sa
pagsulat

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

IV. KASUNDUAN

1. Mahalaga bang matutong magrebyu ng pelikula ang mga manonood? Pangatwiranan.

2. Magsaliksik ukol sa mga hakbang sa pagbuo ng isang "social awareness campaign" o


kampanyang panlipunan.

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADE 8


IKATLONG MARKAHAN ARALIN 3.5
Panitikan : Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-
unlad ng Kulturang Pilipino- Pangwakas na Gawain
Bilang ng Sesyon: 8

Ikatlong Markahan | 90
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F8PN-III-ij-32


• Naisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang social awareness
campaign tungkol sa isang paksa batay sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F8PB -IIIi-j-33


• Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan ayon sa binasang mga impormasyon...

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT -IIIi-j-33


• Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng
isang kampanyang panlipunan.

PANONOOD (PD) F8PD-IIIi-j-33


• Naipakikita sa isang powerpoint presentation ang mga angkop na
hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan batay sa .
tema, panahon at tiyak na direksyon ng kampanya.

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIIi-j-34

• Nailalapat ang tamang damdamin sa mga pahayag na binuo para

sa kampanyang panlipunan.

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIi-j-34


• Nakabubuo ang isang malinaw na (social awareness campaign
tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IIIi-j-34


• Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo
ng isang social awareness campaign.

TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) F8PS-IIIi-j-34


 Nailalapat ang tamang damdamin sa mga pahayag na binuo para sa kampanyang panlipunan.

Ikatlong Markahan | 91
II. PAKSA

Panitikan : Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag- unlad ng Kulturang Pilipino-


Pangwakas na Gawain
a. Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan
b. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign
(Kampanyang Panlipunan)
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
 Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan
 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign
(Kampanyang Panlipunan)

AKTIBITI

3. Pagbuo ng Pokus na Tanong


Mungkahing Estratehiya : PUNO NG KATANUNGAN

Isulat sa puno ang mga katanungang nais mabigyang kasagutan sa pagyabong ng ating
talakayan.

Ikatlong Markahan | 92
Sanggunian: (larawan) http://www.deartamaqua.com/wp-
content/uploads/2016/06/studying-kids-printable-family-tree-az-coloring-pages.gif

Pokus na Tanong ng Aralin 3.5


1.
Paano ka makakatulong sa pagkakaroon ng kaalaman sa

pagsasagawa ng social awareness campaign sa paglulunsad ng mga

pagbabago at pagbibigay ng mahalagang impormasyon?

2.
Bakit mahalagang malaman ang mga hakbang sa pagsulat ng

Social Awareness Campaign?

4. Pagbuo ng Pokus na Tanong


Mungkahing Estratehiya : EMOJI-MIN
Lapatan ng tamang damdamin ang mga sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng
pagkapit ng angkop na emoji sa ibaba.

Sanggunian: (larawan) https://thumbs.dreamstime.com/z/various-simple-black-whiteemoticons-illustrations-


35998495.jpg

nambubugbog sa bata
Pagkagugol ng mga tao sa at kababaihan.

social media at
Paghihiwalay ng mga
pagkawala ng kanilang wastong asal at pag
basura: nabubulok, di-
uugali.

Pagsusumbong sa nabubulok at recyclables

awtoridad sa mga

Ikatlong Markahan | 93
ANALISIS upang mabawasan ang
pagbebenta at paggamit nito.
Pagwaksi sa racial / gender decrimination.
Talamak na patayan at krimen sanhi ng
Pagpapataw ng mataas na buwis ng sigarilyo ipinagbabawal na gamot.
1. Ano ang magiging damdamin mo tungkol sa mga napapanood sa telebisyon o naririnig sa
mga media sa nagaganap na kalamidad o pangyayari sa bansa?
2. Paano mo hihikayatin ang mga kabataan na pangalagaan ang ating lipunang ginagalawan?
3. Ano-ano pa ang mga tema ng kamalayang panlipunan sa bansa?

 Pagbibigay ng input sa mag-aaral.

Social Awareness Campaign


Napakahalaga ng ginagampanang papel ng mass media sa buhay ng tao. Ang iba't ibang midyum
nito tulad ng broadcast media na binubuo ng radio at telebisyon, print media na kinapapalooban naman ng
mga popular na babasahing tulad ng pahayagan, magasin, komiks, kontemporaryong dagli; mga popular na
panitikan tulad ng patalastas, awit, rap, islogan, gayundin ang mga pelikula at maging ang mga video
technology ay nagsilbing mabisang mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino sapagkat may
kakayahan itong baguhin ang mga paniniwala, pagiisip, at pagpapahalaga ng mga tao sa mabilis na paraan.
Kaya naman sa kasalukuyang panahon ang lahat nang ito ay magagamit na instrumento sa kampanya tungo
sa kamalayang panlipunan o social awareness campaign. Ang mga kampanyang ito ay nakatutulong - upang
mabigyang kabatiran ang mga tao tungkol sa isang tiyak na isyung nagaganap sa ating lipunan. Nagagamit
din ito upang himukin ang mga mamamayang suportahan ang isang proyektong makatutulong sa paglikha o
pagsisimula ng isang pagbabago.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et.al

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : PICTO-MAP
Bumuo nga konsepto mula sa araling tinalakay gamit ang mga larawan sa ibaba.

Pagsagot sa pokus na tanong 1. Makatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsasagawa


ng social awareness campaign sa pamamagitan ng pakikiisa at pagsali at paghikayat sa mga
kabataang tulad ko sa programa ng gobyerno.

Ikatlong Markahan | 94
APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : COLLAGE
Gumawa ng collage na nagpapakita ng iyong kamalayan sa mga pangyayaring nagaganap sa
ating lipunan.

IV. KASUNDUAN

1. Gumuhit ng poster na nagpapakita ng magagawa mo upang pangalagaan ang ating


lipunan/mundo.

2. Basahin ang “Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan”, humanda sa talakayan sa


klase.

LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F8PB-IIIi-j-33


 Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon sa binasang
mga impormasyon

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F8PT-IIIi-j-33


 Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan

II.PAKSA

Panitikan : Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag- unlad ng Kulturang Pilipino-


Pangwakas na Gawain
A. Global Warming: Kababalaghan o Katotohanan
B. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign
(Kampanyang Panlipunan)
Kagamitan : laptop, projector, mga pantulong na biswal, aklat
Bilang ng Araw: 3 Sesyon
Ikatlong Markahan | 95
III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PAINT ME A PICTURE
Iguhit ang mga dahilan, sanhi at kahulugan para sa iyo ng global warming.

• Pag-uugnay sa aralin.
• Pagpapanood ng isang halimbawang social awareness campaign.

SOCIAL AWARENESS CAMPAIGN ni CJ ANGELES https://www.youtube.com/watch?


v=z0BhCeCsabY

ANALISIS

1. Anong mensahe ang ipaaabot mo sa mga taong walang pakundangan sumisira sa


kapaligiran?
2. Bakit kailangang magsaliksik muna ng mga datos bago simulan ang isang campaign
awareness?
3. Paano dapat ihatid ang mga impormasyon sa isang kampanyang panlipunan? Anong mga
salita ang dapat gamitin?
4. Mula sa napanood na social awareness campaign, ano-ano kaya ang hakbang sa pagbuo
ng isang tulad nito?

 Pagbibigay ng input ng guro.

Mga Hakbang Sa Pagsulat Ng Social Awareness Campaign

Napakahalaga ng ginagampanang papel ng mass media sa buhay ng tao. Ang iba't ibang
midyum nito tulad ng broadcast media na binubuo ng radio at telebisyon, print media na
kinapapalooban naman ng mga popular na babasahing tulad ng pahayagan, magasin, komiks,

Ikatlong Markahan | 96
kontemporaryong dagli; mga popular na panitikan tulad ng patalastas, awit, rap, islogan, gayundin
ang mga pelikula at maging ang mga video technology ay nagsilbing mabisang mekanismo ng
pagbabago ng kulturang Pilipino sapagkat may kakayahan itong baguhin ang mga paniniwala,
pagiisip, at pagpapahalaga ng mga tao sa mabilis na paraan. Kaya naman sa kasalukuyang
panahon ang lahat nang ito ay magagamit na instrument sa kampanya tungo sa kamalayang
panlipunan o social awareness campaign. Ang mga kampanyang ito ay nakatutulong - upang
mabigyang kabatiran ang mga tao tungkol sa isang tiyak na isyung nagaganap sa ating lipunan.
Nagagamit din ito upang himukin ang mga mamamayang suportahan ang isang proyektong
makatutulong sa paglikha o pagsisimula ng isang pagbabago. Sa pagbuo ng isang social
awareness campaign mahalaga na isaalang-alang ang sumusunod na mga hakbang:

1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social awareness
campaign.

2. Tukuyin kung sino ang gruopo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa,
makarinig, makakita o makapanood ng kampanyang iyong gagawin.

3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong


nais bigyang pansin upang magkaroo ng sapat at malawak na kaalaman hinggil dito.

4. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng iyong


kampanya. Maaaring gumamit ng broadcast media, print media, video technology, at iba pa. Sa
kasalukuyang panahon tiyak na papatok sa masa lalo na sa kabataan kung gagamitin ito ng social
network media tulad ng facebook, twitter, youtube, at iba pa.

5. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isakatutuparan ang


pagbuo ng isang kampanya.

Malaking bahagi ng pagsasagawa nito ay ang pagbuo ng balangkas ng isasagawang


campaign material. Sa bahaging ito, mahalagang makalikha ng sequence at dialog script na siya
ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang proyekto. Narito ang ilang mahahalagang
paalala at hakbang sa pagbuo nito:

1. Tandaan na ang iyong bubuuing iskrip ay kailangang maging makatotohanan upang higit itong
maging kapani-paniwala.

2. Magbigay ng mga kongkreto o tiyak na halimbawa para higit itong makahimok ng interes ng
taong makakikita, makababasa, o makaririnig nito.

3. Maging malikhain sa pagbuo nito.

4. Maging tiyak sa puntong nais bigyang diin sa isasagawang mga diyalogo. Iwasan ang maging
maligoy sa pananalita.

Ikatlong Markahan | 97
5. Maging tiyak kung sino ang partikular na tao o grupo ng tao na iyong pinatutungkulan sa
pagsulat ng diyalogo.

6. Gawing magkakaugnay ang bawat diyalogo o eksena upang higit na maging mabisa ang iskrip.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya: KONSTILASYON NG KAALAMAN
Piliin sa mga bituin ang mayroong kaugnay sa aralin.Matapos ay bumuo ng pangkalahalatang
interpretasyon o konsepto batay sa paksang tinalakay. Ilagay ito sa constellation chart at pag-
ugnay-ugnayin.

Makatutulong kaalaman

social mahalagang
awareness impormasyon
campaign

paglulunsad pagbabago

Pagsagot sa Pokus na Tanong - Makatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa


pagsasagawa ng social awareness campaign sa paglulunsad ng mga pagbabago at mahalagang
impormasyon.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : LOVE KO ‘TO!
Lagyan ng puso ang mga larawan na nagpapakita ng kamalayang panlipanan.

Ikatlong Markahan | 98
EBALWASYON
Isaayos ang wastong pagkakasunod sa pagsasagawa ng isang social awareness campaign.

1. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isakatutuparan ang pagbuo ng


isang kampanya.

2. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social awareness
campaign.

3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong


nais bigyang pansin upang magkaroo ng sapat at malawak na kaalaman hinggil ditto.

4. Tukuyin kung sino ang gruopo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa,
makarinig, makakita o makapanood ng kampanyang iyong gagawin.

5. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng iyong


kampanya. Maaaring gumamit ng broadcast media, print media, video technology, at iba pa.
Sa kasalukuyang panahon tiyak na papatok sa masa lalo na sa kabataan kung gagamitin ito
ng social network media tulad ng facebook, twitter, youtube, at iba pa.

SUSI SA PAGWAWASTO
1.E 2.A 3.C 4.B 5.D

INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

KASUNDUAN

1. Kung ikaw ay gagawa ng social awareness campaign, anong paksa o isyu ang nais mong
pagtuunan ng pansin? Bakit?
Ikatlong Markahan | 99
Ikatlong Markahan | 100
2. Alamin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan

Ikatlong Markahan |
101
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) F8PU-IIIi-j-34


 Nakabubuo ang isang malinaw na (social awareness campaign tungkol sa isang paksa na
maisasagawa sa tulong ng multimedia

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F8WG-IIIi-j-34


 Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng isang social
awareness campaign

II. PAKSA

Pagsulat ng Output 3.5


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google, laptop, projector, mga
halimabawang kampanya
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 3 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang-aralin

2. Presentasyon ng Aralin

AKTIBITI
A. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : KAMPANYA-SERYE
Magpapanood ang guro ng iba’t ibang social awareness campaign.

• Pag-uugnay sa susunod na gawain.


• Pagbibigay ng input sa pagsulat ng Social awareness campaign

B. Pagtalakay sa awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

Ikatlong Markahan | 102


GOAL- Makabuo ng isang malinaw na social awareness campaign
tungkol sa isang napapanahong isyung dapat pansinin ng mga
kabataan na isasagawa sa tulong ng multimedia gamit ang
angkop na mga komunikatibong pahayag.

ROLE- Isa kang kabataang may adbokasiyang mailahad ang


napapanahong isyu o paksa na
dapat mabigyang-pansin ng

mga mamamayang Filipino.


A U D I E N C E - Lahat ng mamama yang Pilipino lalo na ang mga
kabataan.

SET TING- Programa ng SSG( Supreme Student Government )sa


inyong paaralan.

PRODUCT- Pagbuo ng isang social awareness campaign na


nakabatay sa isang sequence dialogue script.

makatutulong sa pagresolba ng
Halimbawa: nasabing isyu.

KOMIKS
Gawin ito nang mag-isa. AWIT
Ilagay ditto ang mga Maari itong gawin nang mag-isa o maghanap ng
kapareha. Awitin ang
nabuong awit nang aktuwal sa klase.
paliwanag at impormasyon hinggil sa napiling Ilahad ditto ang iyong damdamin tungkol sa isyu.
isyu.

PATALASTAS O COMMERCIAL
DOCUMENTARY CLIP
Gawin ito kasam,a ang 5 pang kamagaaral. Maari ito ay
Gawin ito kasama ang 6 hanggang 7 aktwal na ipakita sa harap ng klase o sa pamamagitan
kamag-aaral. Ilahad ditto ang mahalagang ng
impormasyon at mga solusyon sa inyong palagay ay video. Ilahad ditto ang inyong pananaw hinggil sa isyu.

DULANG PANRADYO
Isagawa ito kasama ang 5 pang kamag-aaral. Iparinig ito sa pamamagitan ng radio o anumang audio gadget
sa klase. Gawan ng lagom ang nabuong isyu at saka magbanggit ng mga solusyong maaring gawin.

Ikatlong Markahan |

STANDARD–
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1

103
Ang nalikhang script ay makatotohanan
at kapani-paniwala.
Litaw na litaw ang tema/paksa at
nabigyang kaliwanagan ito.
Kaakit-akit at malakas ang dating sa
manonood.
Naipakita ang kahusayang gramatikal sa
pagsulat/pag-uulat gamit ang iba’t ibang
uri ng pahayag na tinalakay.
Ang akdang popular na napili ay
nakatugon sa lahat ng katangian nito.
Wasto ang aspektong teknikal, may
akmang estilo at mekanismo ang
nabuong gawain.
Nakagamit ng multimedia sa pagbuo ng
gawain.
5 – Napakahsay 2 – Di-mahusay
4 – mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

 Pagkuha/ Presentasyon ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

IV. K A S U N D U A N

1. Bilang isang kabataang Batangueño, ano kaya ang magagawa mo upang mapag-igting
ang kanilang kamalayang panlipunan?

2. Muling balikan ang mga aralin sa Ikatlong Markahan, humanda sa Yunit na Pagsusulit.

Ikatlong Markahan | 104

You might also like