You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino Baitang 8

I. Layunin
 Natutukoy ang kahulugan ng pelikula
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula
(F8PT-lllg-h-32)

II. Nilalaman
 Paksa: Mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula
 Kagamitan: Biswal na kagamitan
 Sanggunian: K-12 Gabay sa Kurikulum
 Pagpapahalaga:Mahalin at tangkilikin ang bawat pelikula

III. A. Panimulang gawain


a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtsek ng atendans
d. Pagsasaayos ng lugar o silid aralan

B. Pagganyak
 Magpapakita ang guro ng mga sikat na linya mula sa ibat ibang pelikula at
tutukuyin kung kaninong linya nagmula ito.

Batas sa aking kamay (1987) ni: Fernando Poe Jr.


“Di ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna para maging kanin!”

Heneral Luna (Setyembre 9, 2015) ni: John Arcilla


Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!

Barcelona (2016) ni: Kathryn Bernardo


“Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal
mo ako because that is what I deserve.”
Maging sino kaman (1991) ni: Robin Padilla
“Nakakainis mang tanggapin pero champion ka talaga. Taas ang kamay ko
sa‘yo. Nagkakagusto na nga ako sa’yo, eh. Mahal na nga kita palagay ko,
eh. Maging sino ka man! Tsup!”

 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral patungkol sa kanilang mga linyang


nabasa na nag mula sa mga sikat na pelikula na binigkas ng mga sikat na
actor/actress.
 Magtatanong ang guro kung anong klaseng emosyon ang kanilang napansin.
 Saan nyo madalas makita ang mga ito?

C. Paglalahad
Pelikula- Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay
isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng gumagalaw na
larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya

Ano ang masasabi nyo tungkol sa pelikula?

D. Pagtatalakay

 Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa


Guro: “Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula”
 Ibabahagi ng guro ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula gamit ang
biswal na kagamitan.

1. PINALAKANG TABING
2. SINE
3. CUT
4. LIGHTS, CAMERA, ACTION!
5. TAKE TWO
6. DEREK
7. BIDA
8. KONTRABIDA
9. ISKRIP

 Isasaad/ipapaliwanag isa-isa ng guro ang mga salitang ginagamit sa mundo


pelikula.
MGA SALITANG GINAGAMIT SA MUNDO NG PELIKULA
 PINALAKANG TABING- (silver screen) o sinehan
 SINE- lugar panooran ng mga pelikulang nakaanunsyong panoorin
 CUT- salitang ginagamit ng director kung hindi nasisiyahan sapagarte o
may eksenang hindi maayos.
 LIGHTS, CAMERA, ACTION!- hudyat na magsisimula na ang pag-arte o
pagkuha ng eksena
 TAKE TWO- tumutukoy sa ilang ulit kinukuhanan ang eksena
 DEREK- tawag sa taong nagmamaneho sa artista at paggalaw ng pelikula
 BIDA- taong pinakatampok sa pelikula
 KONTRABIDA- katunggali ng bida
 ISKRIP- teksto o nasusulat sa paglalahad ng pelikula

Pangkatang Gawain

 Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat magbibigay ang guro ng mga
sikat na linya na binitawan ng mga actor/actress. Ang bawat pangkat ay pipili ng
isang kinatawan at bibigkasin ito ng may emosyon.

E. Paglalahat/Pagpapahayag

 Magtatanong ang guro:


 Sino ang maaaring magbahagi ng mga salitang ginagamit sa
pelikula base sa ating tinalakay?
 Sa inyong palagay ano kaya ang kahalagahan na malaman natin ang
mga salitang ito?

IV. Evaluation
I. Direksiyon: Kumuha ng kalahating malinis na papel sagutan ang mga
sumusunod:

1. Tawag sa taong nagmamaneho sa artista,


Paggalaw ng pelikula ay nakasalalay sa kanya._______
2. Lugar na nagsisilbing tagpuan din,
Mga pelikula, masarap ditong panoorin________
3. Teksto o nasusulat sa paglalahad,
Linya ng mga tauhan ay dito nakasaad.________
4. Hudyat ng pagsisimula ng pag-arte,
Inihahanda ang ilaw pati na ang lente.________
5. Salitang ginagamit ng director kung hindi nasisiyahan,
Kahit ilang beses ay pwede itong bitawan.___________

V. Takdang Aralin

 Alamin at ibigay ang kahulugan ng mga sangkap ng pelikula.

You might also like